Hindi niya napigilan ang sariling damdamin. Malinaw sa kanya na umiibig siya kay Gabrielle. Natatakot siya sa bagong damdamin na ito lalo pa at alam naman niyang napakalayo ng agwat ng kanilang mga katayuan sa buhay. Isa pa, sa umpisa pa lang ay alam na niyang hindi naman ito naniniwala sa konsepto ng pag-ibig.Pero mapipigilan ba niya ang kanyang puso?Hanggang sa makatulog siya ay iyon ang gumugulo sa kanyang isipan. Nang magising siya kinabukasan ay wala na sa kwarto si Gabrielle. Paglabas niya ng hotel room para mag-almusal ay dinatnan niya ito sa restaurant na nagkakape kasama ni Atty. Lianela Mendez. Napansin niyang umiwas ng tingin si Gabrielle nang makita siya. Hindi tuloy niya alam kung mauupo ba siya sa may mesa ng mga ito or sa iba siya pupuwesto? Sa huli ay nagpasya siyang maupo na lamang sa isang sulok malayo sa pwesto ng mga ito. Ni hindi niya tinatapunan ng tingin ang kinaroroonan ng mga ito sa takot na magsalubong ang kanilang mga mat ani Gabrielle.Lasing ito
NAPANGISI si Mang Solomon nang matanggap sa GCash ang padala sa kanyang singkwenta mil ni Millet.“Kayang-kaya mo naman palang sindakin yang panganay mo eh,” tuwang-tuwang sabi ni Mildred, minasahe niya ang likod ng kalaguyo, “Hiritan mo ng bahay at kotse para naman komportable ang tutuluyan natin.”Napaismid si Mang Solomon, “Alam mo naman itong singkwenta mil, hirapang hirapan na kong makahingi, bahay at kotse pa kaya eh may kadamutan ang asawa nun!” aniya sa babae.Umikot sa harapan ni Mang Solomon si Mildred, at tiningnan ito ng matiim, “Hanapan mo ng butas ang asawa ng anak mo. . .hanapan mo ng kahinaan. Tingin mo hind imo sila masisindak ng husto kapag matuklasan mo ang sekretong pinakatago-tago nila?” Makahulugang sabi niya sa lalaki.Napakunot ang nuo ni Mang Solomon, “Ano namang sekreto ang pinaka-iingatan ng mga iyon? Mildred, tigilan mo na nga yang kapapanuod mo ng mga drama sa tv.” Napapailing na sabi niya rito.“Solomon, Solomon. . .nabasa ko sa dyaryo na isang whirlwin
ISANG MALAKING SELEBRASYON ang ginaganap sa isa sa mga hotel na pag-aari ng mga Dizon para sa panalo ni Gabrielle. Imbitado ang lahat ng mga kapartido ng lalaki sa politika.Pinaayusan at binihisan si Millet ng isang sikat na stylist. Nagproprotesta sana si Atty. Lianela Mendez na dumalo pa siya sa celebration na iyon at isinatinig nito kay Gabrielle ang naiisip.“I don’t think kailangan pa nating isama ang babaeng yan, Gab. Panalo ka na. Pampagulo lang sya at baka magkalat lang. . .”Hinarap siya ni Gabrielle, “Sa paningin ng lahat, asawa ko sya. Ano sa palagay mo ang iisipin ng mga tao kung hindi ko sya kasama sa mga ganitong pagtitipon? Isa pa, isa siyang malaking factor sa panalo ko, Lianela.”“Gusto ko lang ipaalala saiyo na ang lahat ng ito ay ideya ko kaya wala kang utang na loob sa kanya. Bayad ang bawat pagtratrabaho niya. Sobra-sobra pa nga!” Inis na sabi ni Atty. Lianela Mendez pero hindi na siya nakipagtalo pa.Hindi siya makapaniwalang palagi na lamang ipinagtatan
“MADAM FIRST LADY,” Halos sabay-sabay na yumukod ang tatlo sa kanya. Ngumiti lang siya sa mga ito saka lumabas na ng banyo. Hindi pa siya gaanong nakakalayo ay naririnig na niyang nagsisipagbungisngisan ang mga ito.Hindi na lamang niya ininda ang mga ito. Totoo namang hindi siya nakapag-aral at totoo ring mas nababagay si Atty. Lianela Mendez kay Gabrielle kesa sa kanya. Kung malalaman lamang marahil ng mga itong palabas lamang naman ang papel niya bilang asawa ni Gabrielle, mas lalo siguro siyang pagtatawanan ng mga ito.Nang makabalik sa event ay nakita siya ni Atty. Lianela Mendez at hinila palapit sa grupo ng mga kababaihan. Ramdam kaagad niya ang mapanuring mga mata ng mga ito at ang mababang pagtingin ng mga ito na lalo pang dinagdagan ng mga sinabi ni Atty. Lianela Mendez.“Hindi sya umaarte lang, talagang no read no write sya kaya huwag na kayong magtaka kung ako ang gaganap bilang first lady ni Mr. President at madalas na kasama nya since hindi rin naman madali ang magi
NANG makauwi sa bahay ay parehong nag-iinit ang mga katawan nina Millet at Gabrielle. Waring sabik sila sa isa’t-isa nang maghinang ang kanilang mga labi. Halos gabi-gabi na nila itong ginagawa at ni hindi na nila pinag-uusapan pa ang tungkol dito dahil pareho naman nilang alam na walang pilitan na nagaganap sa pagitan nila. Kusa nilang ibinibigay ang kanilang mga sarili sa isa’t-isa ng walang halong obligasyon or anupaman.Tanggap na ni Millet hanggang ganito na lamang sila ni Gabrielle habang si Gabrielle naman ay kampante ang kaloobang naiintindihan ni Millet na wala siyang kahit na anong ipinapangako dito maliban sa kanyang financial support. Maliban duon, wala na itong dapat na asahan pa sa kanya.Malinaw naman sa umpisa pa lang ang lahat.Napaungol si Millet nang maramdaman ang dila nito na sabik na sabik na pinaglalaruan ang dungot ng kanyang kaliwang suso. “Ahhh, Gabrielle. . .” pinaikot-ikot nito ang dila duon saka parang batang sinupsop iyon, napasabunot siya sa ulo nito,
"What do you mean?" Nag mamaang maangan na sabi ni Gabrielle. "Bakit ka ba narito? I'm so tired at gusto ko ng mag Oahu nga!"Tiningnan siya ng matim ni Lianela, saka sumilip sa kwarto nya, "Nasaan si Millet?""Syempre nasa kwarto nya, baka natutulog na," Tila naiirita ng sagot niya, "Ano ba ito Lianela?"Hindi ito nagsalita sa halip ay Kinatok ang kwarto ni Millet. Hindi tumutugon si Millet, nagkulubong siya ng kumot habang nakikiramdam. Ang alam niya ay wala naman siyang ginagawang masama dahil wala namang sabit si Gabrielle. In fact 'mag asawa' nga sila di ba at wala namang namamagitan between Atty. Lianela Mendez at Gabrielle pero bakit parang kabadong kabado siya at natatakot na malaman nitong may nangyayari sa kanila ni Gabrielle?"Ano ba talagang kailangan mo ha? Look, pagod ako at gusto ko ng mag pahinga kaya kung may kailangan ka sabihin mo na ngayon. Kung gusto mo lang namang mag usyuso , bakit hindi mo na lang direktang itanong sakin kung ano ang gusto mong malaman!" Bulala
NAANYAYAHAN si Millet na maging guest speaker ng isang women’s group na ang layunin ay women empowerment ngunit napansin niya na pawang may mga sinasabi sa Lipunan ang mga kababaihang nagtipon-tipon duon. Inutusan ni Gabrielle ang isa sa mga staffs nito na gawan siya ng speech ngunit walang script na nakarating sa kanya. Nagpapanic siya lalo pa at narinig niya kanina ang president ng grupo kausap ang isang babae na halatang nagmula rin sa alta. “Kinuha ko ang asawa ng president bilang guest speaker para ipabatid sa lahat na walang puwang dito sa society ang hindi nakapag-aral gaya nya.”“What do you mean?” Tanong ng kausap nito, “Kinuha mo lang syang maging panauhing pandangal para ipahiya?”“Well, this is Atty. Lianela Mendez idea at sang-ayon naman ako sa kanya. Patutunayan ko na nagkamali si President ng babaeng pinili nya. Maraming darating na reporters at tiyak na magkakalat ang babaeng iyon mamaya sa interview.”“Ginawa mo ito at our group’s expense? Hindi ba ang samahan an
NANG MABUKSAN ang condo ay kaagad naglakad si Atty. Lianela Mendez sa kwarto ni Millet. Parang dinurog ang puso niya nang makitang walang tao duon. Tila ayaw na niyang silipin pa ang kwarto ni Gabrielle dahil mukhang alam na niya kung ano ang katotohanan na tatambad sa kanya.Dahan-dahan niyang ipininid ang pinto ng kuwarto ni Gabrielle. Nanlalamig ang kanyang mga talampakan nang makitang magkasama ang mga ito sa kwarto, nakahubo’t hubad at tila natataranta nang makita siya.PAREHONG natigilan sina Gabrielle at Millet nang maramdamang may bumukas sa pinto ng kuwarto. Namutla siya nang makita si Atty. Lianela Mendez sa may pinto. “A-Atty. Mendez,” sambit ni Millet na hindi malaman kung ano ang gagawin. Maging si Gabrielle ay nataranta ng mahuli sila sa akto ng abogada.“Lianela!!!” Mabilis na bumangon si Gabrielle, “What the hell are you doing here? You are invading my privacy. . .”hindi niya alam kung ano ang sasabihin lalo pa at kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha nito.Ma