“ANG HIRAP siguro para saiyo n-nang sumama sa ibang lalaki ang. . .Mommy mo,” halos paanas lamang na sabi niya sa kanyang amo. Nakita niyang bahagya itong napaismid.
“Halos gabi-gabi akong binabangungot nuon. Hindi ako makapaniwalang nagawa nya kaming ipagpalit ni Daddy sa kung sinong lalaki. Since then, ipinangako kong kakalimutan ko na sya at hindi ko na sya hahanapin kahit na kailan.”
“At simula rin nuon, hindi ka na naniwala sa salitang pag-ibig?” Halos paanas lamang na tanong niya rito.
Hindi sinagot ni Gabrielle ang tanong niya, sa halip ay kumunot ang nuo nito, “Talaga bang hindi ka marunong bumasa at sumulat?”
Namula ang kanyang mga pisngi. Nakakahiyang sa edad niyang disnuebe ay maski ang pangalan niya ay hirapan pa rin siyang isulat.
“Hindi na ho ako nabigyan ng pagkakataong makatuntong sa school. Napilitan akong magtrabaho sa palengke nang magkasakit si tatay. Ako kasi ang panganay kaya ako lang ang pwede nilang asahan. . .”
“May sakit ang tatay mo and yet nagawa pa nyang dagdagan kayong magkakapatid?” May sarcasm na sabi nito sa kanya.
Hindi siya nakaimik. Hindi nga niya alam kung paanong dumami sila ng dumaming magkakapatid gayong me sakit ang tatay niya.
“Hindi ko maintindihan kung bakit may mga magulang na inaabuso ang kabaitan ng kanilang mga anak. Or mas tamang sabihing katangahan ng. . .” hindi nito itinuloy ang sasabihin, “Matagal nang me sakit ang tatay mo pero ang lakas pa rin niyang mag-inom, hindi ka ba nagtataka?”
“Palagay mo, nagsisinungaling lang si itay sakin?”
“Hindi ko alam. Gusto mo bukas, dalhin natin sya sa doctor para na rin malaman mo kung ano ba talaga ang sakit nya?” tanong nito sa kanya saka tiningnan siya ng matiim, “Kung mabibigyan ka ng pagkakataong makapag-aral, ano bang maging gusto mong profession?”
“Gusto ko sanang maging teacher. . .o kaya nurse,” aniyang huminga ng malalim at umayos ng higa paharap sa kisame, “Pero imposible nang mabigyang katuparan ko pa iyon sa edad kong ito,” bahagya siyang bumaling kay Gabrielle, “I-ikaw, g-gusto mo ba talagang maging Presidente? Ang hirap sigurong trabaho nyan d-dahil buong Pilipinas ang pangangasiwaan mo?”
“Kung may choice ako, mas gusto kong pangasiwaan na lang ang kompanya namin,” sagot nito sa kanya, “Hindi ko naman pinangarap kahit na kailan na pasukin ang politika.”
Muli siyang bumaling dito, “Pero bakit heto ka ngayon sa mundo ng politika?”
May pait sa mga labing napatawa siya, “Siguro, dito talaga ako dinadala ng kapalaran ko,” sagot nito sa kanya.
Natahimik siya. Hanggang unti-unti ay dalawin na siya ng antok. Habang si Gabrielle naman ay nakatingin sa kanya. O nakatitig sa mas tamang kahulugan ng salita. Hindi maipaliwanag ni Gabrielle ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Naawa siya kay Millet na naiinis dahil pumapayag itong pagsamantalahan ng pamilya nito. Naisip niyang kung nakapag-aral sana si Millet, hindi ganito ang magiging kapalaran nito.
UNTI-UNTING NAGLAHO ang mga ngiti sa labi ni Mang Solomon nang sabihin sa kanya ni Gabrielle na dadalhin siya nito sa ospital para ipa-check up at malinawan kung ano ba talaga ang sakit niya.
“H-hindi na yan kailangan iho. Magagastusan ka pa. . .may maintenance naman ako. Ang mabuti pa, dagdagan mo na lang ang allowance na ipinapadala sa akin ni Millet. Gawin mong singkwenta mil buwan-buwan. Alam mo kasi, hirap na hirap na akong gumalaw, syempre, kailangan ko ng mga vitamins at masasarap na pagkain para gumaling.” Sabi ni Mang Solomon saka bahagyang ngumiti, “At saka kailangan ko sana ng sasakyan para gumaan naman ang gawain ko. Alam mo na.”
Hindi ipinahalata ni Gabrielle ang inis na nararamdaman sa matanda. Bumaling siya kay Millet, “Nasabi mo ba sa tatay mo kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo makapagpadala ka lang sa kanila?”
Napatungo si Millet.
“Alam kong hindi madali ang mangatulong. Pero ngayong mag-asawa na kayo, syempre iba na, hindi ba?” Nakangising sagot ni Mang Solomon.
Parang gusto nang suntukin ni Gabrielle ang matanda nang matauhan sa pagiging manhid nito. Napaghahalatang hindi talaga ito concern sa anak basta may sustento itong matatanggap mula dito. But since pumapayag si Millet na abusuhin nito, wala na siguro siyang magagawa pa.
“Okay,” aniyang napahinga nang malalim, “Kung ayaw nyong magpa-check up, wala na akong magagawa. Ang sakin lang, gusto ko kayong makitang lumalakas para makabalik kayo sa pagtratrabaho. Ilang taon na ho ba kayo? 60? My Dad is already in he’s 70’s pero ang sipag-sipag pa ring magtrabaho dahil ayaw nyang umasa sa kahit na kanino.” Sinadya niyang igiit ang salitang ‘ayaw umasa.’
“Hahaha, iba talaga kapag mayaman. . .kahit ako ang Daddy mo, lalakas talaga ako dahil marami akong pera,” sagot ni Mang Solomon sa kanya.
Napahinga nang malalim si Gabrielle nang tila hindi naman nito naintindihan ang point niya. “Bueno, luluwas na po kami ng Maynila. Iyong secretarya ko na ang bahala sa mga nautang ninyo.”
“Hindi mo ba ako maiiwanan ng pangdown payment ko sa sasakyan?” Tanong ni Mang Solomon sa kanya na tila sinasagad ang pasensya niya.
“Itay. . .” hiyang-hiyang saway dito ni Millet, “Malaki po ang gastos ni Gabrielle sa kampanya at. . .”
“Ano pang silbi ng nakapag-asawa ka ng mayaman kung hindi namin mapapakinabangan ang yaman ng asawa mo?” Halos paanas lamang na sabi ni Mang Solomon kay Millet ngunit hindi iyon nakaligtas sa matalas na pandinig ni Gabrielle. Mas lalo lamang nawala ang respeto niya sa matanda.
Ngunit nagkunwa siyang walang narinig. Dumiretso na siya palabas ng bahay ng mga ito at duon na lamang niya hinintay sa sasakyan si Millet habang napakaraming usiserang paparating sa bahay ng mga ito.
“Itay, saka na lang po natin pag-usapan ang tungkol dito,” sabi ni Millet sa ama, nagmano siya rito pati na rin sa kanyang ina saka nagmamadali nang lumabas ng bahay at pumasok sa sasakyan kung saan naghihintay si Gabrielle.
“Let’s go, Mang Kanor,” utos ni Gabrielle sa kanyang driver. Umayos siya ng upo saka ipinikit ang kanyang mga mata sa sobrang pagod dahil hindi komportable ang naging tulog niya kagabi. Pero alam niyang parte ng politika ang ganito. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone. Si Lianela ang tumatawag sa kanya. “Hello?”
“Kumusta?” tanong ng magandang abogada sa kabilang linya.
“I’m tired. Pwede bang mamaya na lang tayo mag-usap,” sagot ni Gabrielle dito, hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Lianela, pinatayan na niya ito ng telepono saka iniabot kay Millet ang kanyang phone, “Kapag may tumawag sa akin, pakisagot. Gamitin mo na lang ang thumbmark ko para mabuksan mo ang phone ko. I’m really tired, gusto kong matulog.”
Tumango si Millet sa kanya.
NANG makarating sa bahay ay diretso si Gabrielle sa kwarto para magpahinga. Naglinis naman ng buong bahay si Millet dahil wala siyang maisip na gawin lalo pa at nalabhan na niya ang mga damit na ginamit nila. Nang matapos maglinis ay nagluto siya ng hapunan para pagkagising ni Gabrielle ay kakain na lamang sila. Ewan kung bakit parang na-eexcite siya sa tuwing naiisip na mag-asawa sila ni Gabrielle kahit na palabas lamang naman ang lahat.Ni sa panaginip ay hindi niya naging pamantayang makapag-asawa ng kasing guwapo at kasing yaman ni Gabrielle dahil alam naman nyang imposibleng mangyayari ang ganun kaya mababa lang ang standard niya pagdating sa ideal man niya. Basta may marangal lang na trabaho ay sapat na. Ni hindi nga niya pinangarap ang guwapong asawa. Pero bakit bumibilis ang pintig ng puso niya sa tuwing magtatama ang kanilang mga mat ani Gabrielle?Hah, nangangarap siya ng gising. Tinampal niya ang kanyang magkabilang mukha para magising sa katotohanan. Narito lang siya
“MALINAW naman na kampo ni Don Sebastian ang may kagagawan ng lahat ng ito. Natagpuan sa basuran ang sex pill na maaring inilagay sa inumin ninyo ni Millet. Ang gusto lang malaman ay kung may kinalaman ba ang babaeng iyon sa eskandalong ito. For all we know, nagtatanga-tangahan siya para lang makinabang. . .”“I can guarantee you, Lianela, walang kinalaman si Millet sa nangyaring eskandalo!” Giit ni Gabrielle na ikinagulat ni Lianela.Tumaas ang isang kilay ni Lianela, “I can’t believe na kuhang-kuha na ng babaeng iyon ang tiwala mo?” Naiinis na sabi ng abogada, “Alalahanin mong magaling maglaro ang mga kalaban. Gagamitin nila ang weaknesses mo para mapaglaruan ang emotions mo. At mukhang. . .”“Stop it, Lianela, hindi ka na nakakatuwa. Huwag mong gamitin ang pagiging abogado mo sa kung anu-anong naiisip mo,” sabi ni Gabrielle dito, inayos niya ang kanyang necktie dahil pakiramdam niya ay sumisikip iyon at nahihirapan siyang huminga.Napakunot ang nuo ni Lianela. Matagal na sil
“SIR, p-pwede ho ba akong mag-advance sa inyo?” Halos paanas lamang na tanong ni Millet kay Gabrielle habang kumakain sila ng almusal.Tumango si Gabrielle saka tumingin sa kanya, “Kung may mga kailangan kang bilhin, pasasamahan kita sa assistant ko para hindi mo na kailangang galawin ang perang sinusweldo mo.”“Ipapadala ko ho sana kina itay. Tumawag kasi sya kagabi, k-kailangan raw nya ng fifty thousand.” Paliwanag niya rito.“Fifty thousand? Saan naman raw niya gagamitin ang pera?” tanong nito sa kanya.Nahihiya man ay nasabi niya kay Gabrielle ang totoo, “Nakapangako raw po kasi sya sa inaanak nya na sagot nya ang isang baka sa kasal nito,” pagtatapat niya, “Wala naman akong magawa kasi ayoko rin namang mapahiya si tatay. . .s-saka magagalit sa akin si itay kapag hindi ko siya pinadalhan.”Napailing si Gabrielle, “Kaya ka inaabuso ng pamilya mo kasi bigay ka lang ng bigay,” huminga siya ng malalim, “Pero pamilya mo yan at hindi naman kita pwedeng pagbawalan pagdating sa mga baga
KASALUKUYANG nanalumpati si Gabrielle sa isang liblib na lugar sa Mindanao nang mapukaw ang pansin niya nang isang matandang babae. Pamilyar para sa kanya ang mukha nito kung kaya’t nang matapos ang kanyang speech ay kaagad siyang bumaba ng entablado para lapitan ang babae.“Ma?” Parang sasabog ang dibdib niya nang matitigan ang babae na bagamat nangulubot na ang magandang mukha ay hinding-hindi pa rin niya makakalimutan ang itsura nito kahit twenty years na ang lumipas.Tila natakot ang babae nang makilala niya. Nagmamadali itong tumakbo palayo.“Ma?” hinabol niya ito ngunit kaagad na itong sumakay ng tricycle na para bang umiiwas man lang na magtama ang kanilang mga mata. Parang hinahalukay ang kanyang sikmura habang sinusundan ito ng tingin hanggang sa tuluyan nang maglaho ang tricycle na sinasakyan nito. Hindi niya maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Ang tanging alam lang niya, unti-unting nagbabalik ang lahat nuong mga panahong iniwan siya nito.
NANG makabalik ng Maynila mula sa Mindanao ay kaagad na humingi ng day off si Millet kay Gabrielle para madalaw niya ang pamilya sa Quezon Province. Hindi niya akalaing sasamahan pa siya ni Gabrielle patungo doon. Three hours lang naman ang biyahe patungo sa kanila kaya ng araw ring iyon ay nasa bahay na sila. Umiiyak ang nanay niya nang salubungin sila.“Ang kapal ng tatay mong ipaglantaran sa akin ang kabit nya. Kaya pala ni hindi niya kami nabibigyan ng perang ipinapadala mo, ibinibigay lang nya sa babae nya,” humahagolhol na sumbong ng nanay niya sa kanya.Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa ina. Si Gabrielle ay tahimik na tahimik lang habang nakaupo sa isang sulok.“Ang totoo, matagal ka na nyang niloloko,” sabi pa ng nanay niya sa kanya. Napakunot ang nuo niya.“Ano pong ibig nyong sabihin ‘nay?”“Wala naman syang totoong sakit. Iyong mga resetang ipinapakita nya saiyo, pinupulot lang nya iyon sa mga basurahan sa may ospital. Pinagsamantalahan nya ang kamang-mangan
“PATI pamilya nya, responsibilidad mo na rin?” May pagtutol sa anyong sabi ni Lianela kay Gabrielle nang ipaalam niya dito ang plano. “Naiintindihan mo ba ang ginagawa mo, ha, Gabrielle?”“Ikaw ang may plano ng palabas na ito, hindi ba?” sagot ni Gabrielle dito, “Pwes simula nang maging asawa ko si Millet, kargo ko na rin ang pamilya nya!”Naningkit ang mga mata ni Lianela, “Let me remind you, Mr. Gabrielle Dizon na palabas lang ang lahat ng ito kaya hindi mo dapat sineseryoso. Iyong problema ng babaeng yan sa pamilya nya, hindi mo na obligasyon iyon kaya hindi mo dapat inaako!” Galit na sabi ni Lianela sa kanya.Mula sa isang sulok ay naririnig ni Millet ang pinag-uusapan ng mga ito kung kaya’t siya ang napapahiya na kailangan pang pagtalunan ng mga ito ang tungkol sa kanyang pamilya. Tumayo siya at lumapit sa mga ito.“Hindi nyo na ho kailangang pag-awayan ang tungkol sa pamilya ko. O-okay naman na pong. . .”bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay hinawakan ni Gabrielle ang
GAYA ng ipinangako sa kanya ni Gabrielle, kinabukasan rin ay nakalipat sa Maynila, sa isang simpleng bungalow type na apartment ang kanyang nanay at mga kapatid. Masayang-masaya siyang makitang komportable ang mga ito sa apartment na kinuha ni Gabrielle. “Para ka talagang tumama sa lotto, anak. Napakabait ni Gabrielle saiyo. Halatang mahal na mahal ka!” anang nanay niya sa kanya habang tinutulungan niya itong mag-ayos ng mga pinamili ni Gabrielle na gamit sa bahay. “First time kong makatapak sa marmol na sahig. At saka magkakaron na ako ng disenteng kuwarto na may malambot na kama.”Ngumiti siya. “Mabait po talaga si Gabrielle, nay. Hindi ko nararamdamang magkaiba kami ng antas ng buhay kapag kasama ko sya.”“Kaya pagbutihin mo ang pag-aasikaso dyan sa asawa mo at wag mo syang bigyan ng dahilan na maghanap pa ng ibang babae kagaya ng ginawa ng tatay mo sa akin. Palagi kang mag-aayos at magpapaganda. Syempre mayaman ang asawa mo kaya lapitin iyon ng mga babaeng magaganda. Wag n
NAKAYUKO lang si Aling Norma habang kwenikwesyon siya ni Atty. Lianela Mendez. Takot na takot siya dahil baka ipakulong siya nito sa ginawa niyang pagtratraydor.“Patawarin nyo po ako, nagawa ko lang ho iyon dahil kailangan ko ng pera,” umiiyak na sabi niya sa abogada.Huminga ng malalim si Atty. Lianela Mendez. Tinitigan niya ang matandang babae. Hindi niya ito ipakukulong dahil alam niyang magagamit niya ito pagdating ng araw. Ngunit sa ngayon, kailangan muna niya itong palayasin sa pamamahay ni Gabrielle.“Mag-imapake ka na. Walang puwang ang mga traydor sa pamilyang ito!” Utos ni Atty. Lianela Mendez sa matanda.“May sakit ho ang asawa ko at kailangan ko ng pera. . .” Nakikiusap na sabi ni Aling Norma sa abogada, “Please naman po, bigyan nyo pa ako ng isa pang pagkakataon. At saka hindi ba dapat magpasalamat kayo dahil mukhang napabuti naman ang nangyari kay Sir Gabrielle, hindi ba?”Napangisi si Atty. Lianela Mendez, hindi siya makapaniwala sa kakapalan ng mukhang ipinapaki