KABADONG-kabado si Millet nang mahiga. Sinigurado niyang may nakapagitang unan sa gitna nila ni Gabrielle. Gaya niya, tahimik rin lang ito, nakatingin sa kisame at waring may malalim na iniisip.
Pumihit siya patalikod dito. Natatakot siyang baka kapag nakatulog siya ay maghilik siya ng malakas at hindi ito makapagpahinga ng maayos. Hindi na nga komportable ang hinihigaan nito kaya ayaw niyang dagdagan pa ng mga hilik niya ang discomfort nito.
Pasimple niya itong nilingon, nakita niyang mulat pa rin ang mga mat anito.
“Pasensya ka na k-kung maliit lang ang kwartong ito. Kwarto ito nina Nanay. Ipinahiram lang sa atin bilang espesyal na bisita ka. . .iyong kuwarto ko, sa kabila kasama ng mga kapatid ko. . .duon sila nanay matutulog ngayon.”
“Ilang taon ka sa picture na yan?” Tanong ni Gabrielle sa kanya na ang tinutukoy ay ang nakabitin sa dingding na picture niya kasama ng nanay at tatay niya. Iyon lang yata ang picture na mayroon siya. Siya pa lang ang anak ng nanay at tatay niya ng mga panahong iyon. That time rin, hindi pa lulong sa alak ang tatay niya.
“Limang taon lang yata ako dyan. . .ipinagbubuntis pa lang dyan ni Nanay si Tonton, iyong sumunod sa akin.”
“Alam mo bang wala akong family pictures namin? Ni hindi ko nga maalala ang mukha ng Mommy ko.”
Tuluyan na siyang bumaling paharap dito dahil naramdaman niyang tila nais nitong makipagkwentuhan sa kanya.
“I was only seven years old when my mum ran away with another man.” Panimula nito.
“P-pwede bang pakitagalog p-para magkaintindihan tayo ng maayos?” Halos paanas lamang na sabi niya rito.
Pumuwesto patagilid si Gabrielle at nagtama ang kanilang mga mata. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya. Alam na niyang guwapo si Gabrielle pero bakit ba parang mas lalo itong gumagwapo sa pagdaraan ng mga araw?
Nagulat si Gabrielle nang waring may pumitik na kung ano sa kanyang dibdib nang magsalubong ang kanilang mga mata ni Millet. Siguro ay dahil nasa iisang maliit na kuwarto lang sila kaya kung anu-anong nararamdaman niya.
“Ang sabi ko, pitong taon lang ako ng sumama sa ibang lalaki ang. . .ang nanay ko.”
Nagulat si Millet sa ipinagtapat na iyon ni Gabrielle sa kanya. Hindi niya alam na nagtaksil pala ang ina nito.
“P-pinagtaksilan ng nanay mo si Don Miguel?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Iniisip niyang sa tapang na iyon ng ama ni Gabrielle ay nagawa itong pagtaksilan ng asawa nito. “P-paniguradong i-ipinakulong ni Don Miguel ang Mommy mo at ang sinamahan niya?”
May pait sa mga labing napangisi si Gabriel, “Iyon nga ang nakakatawa eh. Pagdating kay. . .kay Mommy, naduduwag si Daddy. . .at alam mo bang hindi na nagka-girlfriend pa si daddy pagkatapos nilang maghiwalay ng. . .ng mother ko,” anitong hanggang ngayon ay hirap pa ring tukuyin ang ina.
“Mahal na mahal siguro ni Don Miguel ang Mommy mo. . .”
“Hindi ako naniniwala sa salitang pag-ibig. Kalokohan lang ang salitang yan!” Nang titigan niya si Gabrielle, nakita niya ang itinatagong sakit ng kalooban nito. Para tuloy gusto niyang haplusin ang mukha nito at payapain ang damdamin nito.
Napakurap-kurap siya nang mapagtanto ang kanyang naiisip.
“ANG HIRAP siguro para saiyo n-nang sumama sa ibang lalaki ang. . .Mommy mo,” halos paanas lamang na sabi niya sa kanyang amo. Nakita niyang bahagya itong napaismid.“Halos gabi-gabi akong binabangungot nuon. Hindi ako makapaniwalang nagawa nya kaming ipagpalit ni Daddy sa kung sinong lalaki. Since then, ipinangako kong kakalimutan ko na sya at hindi ko na sya hahanapin kahit na kailan.”“At simula rin nuon, hindi ka na naniwala sa salitang pag-ibig?” Halos paanas lamang na tanong niya rito.Hindi sinagot ni Gabrielle ang tanong niya, sa halip ay kumunot ang nuo nito, “Talaga bang hindi ka marunong bumasa at sumulat?”Namula ang kanyang mga pisngi. Nakakahiyang sa edad niyang disnuebe ay maski ang pangalan niya ay hirapan pa rin siyang isulat.“Hindi na ho ako nabigyan ng pagkakataong makatuntong sa school. Napilitan akong magtrabaho sa palengke nang magkasakit si tatay. Ako kasi ang panganay kaya ako lang ang pwede nilang asahan. . .”“May sakit ang tatay mo and yet nagawa pa n
NANG makarating sa bahay ay diretso si Gabrielle sa kwarto para magpahinga. Naglinis naman ng buong bahay si Millet dahil wala siyang maisip na gawin lalo pa at nalabhan na niya ang mga damit na ginamit nila. Nang matapos maglinis ay nagluto siya ng hapunan para pagkagising ni Gabrielle ay kakain na lamang sila. Ewan kung bakit parang na-eexcite siya sa tuwing naiisip na mag-asawa sila ni Gabrielle kahit na palabas lamang naman ang lahat.Ni sa panaginip ay hindi niya naging pamantayang makapag-asawa ng kasing guwapo at kasing yaman ni Gabrielle dahil alam naman nyang imposibleng mangyayari ang ganun kaya mababa lang ang standard niya pagdating sa ideal man niya. Basta may marangal lang na trabaho ay sapat na. Ni hindi nga niya pinangarap ang guwapong asawa. Pero bakit bumibilis ang pintig ng puso niya sa tuwing magtatama ang kanilang mga mat ani Gabrielle?Hah, nangangarap siya ng gising. Tinampal niya ang kanyang magkabilang mukha para magising sa katotohanan. Narito lang siya
“MALINAW naman na kampo ni Don Sebastian ang may kagagawan ng lahat ng ito. Natagpuan sa basuran ang sex pill na maaring inilagay sa inumin ninyo ni Millet. Ang gusto lang malaman ay kung may kinalaman ba ang babaeng iyon sa eskandalong ito. For all we know, nagtatanga-tangahan siya para lang makinabang. . .”“I can guarantee you, Lianela, walang kinalaman si Millet sa nangyaring eskandalo!” Giit ni Gabrielle na ikinagulat ni Lianela.Tumaas ang isang kilay ni Lianela, “I can’t believe na kuhang-kuha na ng babaeng iyon ang tiwala mo?” Naiinis na sabi ng abogada, “Alalahanin mong magaling maglaro ang mga kalaban. Gagamitin nila ang weaknesses mo para mapaglaruan ang emotions mo. At mukhang. . .”“Stop it, Lianela, hindi ka na nakakatuwa. Huwag mong gamitin ang pagiging abogado mo sa kung anu-anong naiisip mo,” sabi ni Gabrielle dito, inayos niya ang kanyang necktie dahil pakiramdam niya ay sumisikip iyon at nahihirapan siyang huminga.Napakunot ang nuo ni Lianela. Matagal na sil
“SIR, p-pwede ho ba akong mag-advance sa inyo?” Halos paanas lamang na tanong ni Millet kay Gabrielle habang kumakain sila ng almusal.Tumango si Gabrielle saka tumingin sa kanya, “Kung may mga kailangan kang bilhin, pasasamahan kita sa assistant ko para hindi mo na kailangang galawin ang perang sinusweldo mo.”“Ipapadala ko ho sana kina itay. Tumawag kasi sya kagabi, k-kailangan raw nya ng fifty thousand.” Paliwanag niya rito.“Fifty thousand? Saan naman raw niya gagamitin ang pera?” tanong nito sa kanya.Nahihiya man ay nasabi niya kay Gabrielle ang totoo, “Nakapangako raw po kasi sya sa inaanak nya na sagot nya ang isang baka sa kasal nito,” pagtatapat niya, “Wala naman akong magawa kasi ayoko rin namang mapahiya si tatay. . .s-saka magagalit sa akin si itay kapag hindi ko siya pinadalhan.”Napailing si Gabrielle, “Kaya ka inaabuso ng pamilya mo kasi bigay ka lang ng bigay,” huminga siya ng malalim, “Pero pamilya mo yan at hindi naman kita pwedeng pagbawalan pagdating sa mga baga
KASALUKUYANG nanalumpati si Gabrielle sa isang liblib na lugar sa Mindanao nang mapukaw ang pansin niya nang isang matandang babae. Pamilyar para sa kanya ang mukha nito kung kaya’t nang matapos ang kanyang speech ay kaagad siyang bumaba ng entablado para lapitan ang babae.“Ma?” Parang sasabog ang dibdib niya nang matitigan ang babae na bagamat nangulubot na ang magandang mukha ay hinding-hindi pa rin niya makakalimutan ang itsura nito kahit twenty years na ang lumipas.Tila natakot ang babae nang makilala niya. Nagmamadali itong tumakbo palayo.“Ma?” hinabol niya ito ngunit kaagad na itong sumakay ng tricycle na para bang umiiwas man lang na magtama ang kanilang mga mata. Parang hinahalukay ang kanyang sikmura habang sinusundan ito ng tingin hanggang sa tuluyan nang maglaho ang tricycle na sinasakyan nito. Hindi niya maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Ang tanging alam lang niya, unti-unting nagbabalik ang lahat nuong mga panahong iniwan siya nito.
NANG makabalik ng Maynila mula sa Mindanao ay kaagad na humingi ng day off si Millet kay Gabrielle para madalaw niya ang pamilya sa Quezon Province. Hindi niya akalaing sasamahan pa siya ni Gabrielle patungo doon. Three hours lang naman ang biyahe patungo sa kanila kaya ng araw ring iyon ay nasa bahay na sila. Umiiyak ang nanay niya nang salubungin sila.“Ang kapal ng tatay mong ipaglantaran sa akin ang kabit nya. Kaya pala ni hindi niya kami nabibigyan ng perang ipinapadala mo, ibinibigay lang nya sa babae nya,” humahagolhol na sumbong ng nanay niya sa kanya.Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa ina. Si Gabrielle ay tahimik na tahimik lang habang nakaupo sa isang sulok.“Ang totoo, matagal ka na nyang niloloko,” sabi pa ng nanay niya sa kanya. Napakunot ang nuo niya.“Ano pong ibig nyong sabihin ‘nay?”“Wala naman syang totoong sakit. Iyong mga resetang ipinapakita nya saiyo, pinupulot lang nya iyon sa mga basurahan sa may ospital. Pinagsamantalahan nya ang kamang-mangan
“PATI pamilya nya, responsibilidad mo na rin?” May pagtutol sa anyong sabi ni Lianela kay Gabrielle nang ipaalam niya dito ang plano. “Naiintindihan mo ba ang ginagawa mo, ha, Gabrielle?”“Ikaw ang may plano ng palabas na ito, hindi ba?” sagot ni Gabrielle dito, “Pwes simula nang maging asawa ko si Millet, kargo ko na rin ang pamilya nya!”Naningkit ang mga mata ni Lianela, “Let me remind you, Mr. Gabrielle Dizon na palabas lang ang lahat ng ito kaya hindi mo dapat sineseryoso. Iyong problema ng babaeng yan sa pamilya nya, hindi mo na obligasyon iyon kaya hindi mo dapat inaako!” Galit na sabi ni Lianela sa kanya.Mula sa isang sulok ay naririnig ni Millet ang pinag-uusapan ng mga ito kung kaya’t siya ang napapahiya na kailangan pang pagtalunan ng mga ito ang tungkol sa kanyang pamilya. Tumayo siya at lumapit sa mga ito.“Hindi nyo na ho kailangang pag-awayan ang tungkol sa pamilya ko. O-okay naman na pong. . .”bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay hinawakan ni Gabrielle ang
GAYA ng ipinangako sa kanya ni Gabrielle, kinabukasan rin ay nakalipat sa Maynila, sa isang simpleng bungalow type na apartment ang kanyang nanay at mga kapatid. Masayang-masaya siyang makitang komportable ang mga ito sa apartment na kinuha ni Gabrielle. “Para ka talagang tumama sa lotto, anak. Napakabait ni Gabrielle saiyo. Halatang mahal na mahal ka!” anang nanay niya sa kanya habang tinutulungan niya itong mag-ayos ng mga pinamili ni Gabrielle na gamit sa bahay. “First time kong makatapak sa marmol na sahig. At saka magkakaron na ako ng disenteng kuwarto na may malambot na kama.”Ngumiti siya. “Mabait po talaga si Gabrielle, nay. Hindi ko nararamdamang magkaiba kami ng antas ng buhay kapag kasama ko sya.”“Kaya pagbutihin mo ang pag-aasikaso dyan sa asawa mo at wag mo syang bigyan ng dahilan na maghanap pa ng ibang babae kagaya ng ginawa ng tatay mo sa akin. Palagi kang mag-aayos at magpapaganda. Syempre mayaman ang asawa mo kaya lapitin iyon ng mga babaeng magaganda. Wag n