Ethan“Akala ko ay magtatagal ka pa dito, pre. Madami pa tayong hindi napapasyalan,” wika ko sa kaibigan kong si Lorenzo. Naparito ako sa kaniya dahil biglaan ang pagkasabi niyang aalis na siya at babalik ng Maynila. Hindi ko pa siya halos ipinasyal dito sa resort dahil naging abala rin ako sa mga iilang bagay. Abala nga ba o nang dahil kay Rose? That woman! Hindi na siya naalis sa isipan ko lalo na noong tinangka ko siyang halikan at nagawa ko naman. Katibayan na lang ang sampal na iginawad niya sa akin na hanggang ngayon ay may kunting kirot pa rin sa pisngi ko. Isama pa itong kamao ko na nakabendahe pa rin dahil sa natamo kong sugat. Nungkang pinagbalingan ko pa ang pinto sa library. He smiled at me. “Next time, pre. I assure you, babalik pa ako dito sa resort mo.”Kibit-balikat na lang ako kasabay ng pagtapik ko sa kaniyang balikat. Inutusan ko na rin ang tauhan kong ihatid siya sa airport at hindi na rin ako sumama. May mahalaga pa akong aasikasuhin ngayong araw. Matapos
“Don’t you know how to knock on the door?” inis na wika ni Ethan kay Sir Roberto.Ito ang unang beses na nakita kong nainis si Ethan kay Sir Roberto at wala naman siyang kasalanan. Nasanay lang itong hindi na siguro kumakatok at kanang-kamay naman ito ng binata. “S-Sorry, Sir Ethan. I didn’t know you were here.” Bumaling agad sa akin si Mang Roberto ngunit ibinalik din ang tingin kay Ethan. “May problema lang sa plantasyon at kailangan ang presensya mo. Ipagpaumanhin mo ang ginawa ko.”“Uhm, wala kang kasalanan, Sir Roberto! Paalis na sana ako, eh.” Nagmamadali naman akong kunin ang nalaglag na bulaklak at mga chocolates.“Talagang may balak ka pang bitbitin ang mga iyan?” inis na naman na tanong ni Ethan. “Sayang kaya ito. Imported pa itong chocolates na bigay ni James. Sayang din naman kung itatapon ko.” Nakita ko ang simpleng paigting ng panga ni Ethan na animo’y palihim akong lalapain. Isama pa ang mga tingin niyang kanina lang ay halos sasambahin ako. “Oo na. Itatapon ko
RoseGusto kong matawa sa reaksiyon ng mukha ni Ethan na para bang hindi niya alam na bulate ang ipapain. Naisip ko rin naman na mayaman siya at mandidiri iyong humawak ng bulate bilang pain para sa isda. “I used lures when fishing. Hindi bulate na iniisip mo,” wika niya. Halatang nabasa niya ang laman ng isipan ko. Binuksan niya ang lalagyan na may lamang pain na sinasabi niya at ako naman na nanonood lang. Pinagmamasdan ko ang kumag na ito habang inaayos ang fishing rod niya. Gwapo talaga ang lokong ito. Hindi ko maiwasang magkomento sa sarili ko. Parehas kaming kulay puti ang suot at mukhang couples pa pero hindi naman kami couple. Suot niya ang white polo na hinayaan pa na bukas ang butones sa dibdib. Litaw na litaw tuloy ang mabalahibo niyang dibdib. Ilang babae na kaya ang humaplos sa dibdib na iyan?Napalunok ako. Paano na lang kung ako na ang hahaplos sa matitipuno niyang dibdib? Umiwas ako ng tingin at baka kung saan na naman mapunnta itong imahinasyon ko. Naghahanap pa
Rose It’s a normal day again. Abala kaming nasa front desk dahil tulad noong isang araw ay dagsaan na naman ang mga turista. Nag-hire na nga ng isa pa para lang matutukan ang mga gagawin bilang receptionist. “Malapit na pala ang anniversary ng resort. May mga event na naman dito katulad ng mga night band at sympre ang kainan,” ani ni Lea sa kanila. “Ay, idagdag pa ang free wan to sawang inuman!” eksaheradang balita rin niya. Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila habang may tinitingnan ako sa desktop. I know that event at may ibang nakatokang mag-asikaso niyon sa resort. Hindi naman ako interesado sa kahit anong event dito dahil ika nga nila ay MIA ako. Mas inuuna ko ang kapakanan ng pamilya ko kaysa ang makipag-social life. Kaya nga natigil ako noon sa—“Rose!” untag na naman sa akin ng madaldal na si Lea. “Punta ka ha. O baka naman mas gusto mong si Sir Ethan ang mag-imbita sa iyo,” pilyang ngiti niya. Kumunot ang noo ko. May alam ba siya? “Ano ba iyang sinasabi mo, Lea? Tumi
RoseYes. I was really amazed what I saw today. It was a romantic place with a superb seaview. Isa iyon sa pribadong parte ng mansion ni Ethan na kaharap ang karagatan. Isang garden na may berdeng bermuda grass, mga bulaklak at halaman. May mga puting furnitures na mesa at upuan na yari sa kahoy at bakal. Sa kaliwa naman ay ang isang beach bed na may apat na sulok na poste. May dekorasyon itong puting kurtina at may nakasabit na seashells. May malambot na kama at mga unan na ang angle side ay nakatapat sa bayview. Ang presko rin ng hangin sa paligid at ilang puno ng niyog na sumasabay sa sayaw nito. A breathtaking view in a peaceful paradise. Hindi ko naman din napuna ang parte na ito sa mansion dahil sa abala rin akong makipagtagisan ng apoy sa kumag na Ethan na ito. “Hoy!” untag ni Ethan sa akin. “Magmamasid ka lang ba o kakain na tayo? I’m starving!”Napatigil ako sa kaka-imagine ko at bumalik sa mundong kasama ito. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan niya at mas lalo akong
Rose Nagliligpit ako ng mga gamit na dapat ay itapon na nang minsan na umuwi ako sa amin. Day off ko naman at nagpaalam na rin ako kay Ethan na dalawin ang pamilya ko. Abala rin naman siya sa darating na anniversary ng resort at wika pa niya na may inimbitahan daw na mga sikat na singer at mga banda. Mula sa lumang kabinet ay nahalungkat ko ang mga lumang notes ko. Napangiti ako nang buklatin ang isa sa mga notes ko at bumungad sa akin ang mga compose songs na madalas kong pagkaabalahan noong college days ko. Inilipat-lipat ko pa ang pahina habang inaalala ang mga panahong mahusay pa akong kumatha ng awitin. “Nakita mo na pala iyang mga notes mo,” wika ng inay. “Ikaw pala, ‘nay. Nagliligpit lang ako para itapon iyong mga hindi na nagagamit. Nakita ko lang din itong mga notes ko noon.” Isa-isa ko ng sinalansan sa paper bag ang mga hindi ko na kailangan para itapon na. “Itatapon mo na rin iyan?” tanong niya. “Eh, hindi ko naman na gagamitin at saka hindi ko na rin ho hilig ang mag-
RoseDumagundong ang boses ni Ethan sa buong paligid at halos lumabas na ang litid niya sa leeg sa sobrang galit sa fiancee niya. Naguguluhan ako sa nangyayari habang pinapakinggan ko lang ang palitan nila ng salita. He wanted me to stay, but for what? To witness their vows yelling at each other?“The wedding is off, Klarisse! Leave my place, I will throw you out of my kingdom!” galit pa rin ni Ethan sa dalaga.Inis na hinila ni Klarisse ang luggage niya nang malapitan sa amin. “Okay. I think, buo na ang desisyon mo at hindi ko na ito mababago pa.” Bumaling siya sa akin. “Sana maging masaya ka sa kaniya at hindi ka gagawing laruan!” Sabay irap niya at nagmamadaling maglakad palabas ng mansion.Tama ba ang nakikita at naririnig ko? Fiancee ni Ethan na ngayon ay itinataboy ng binata? Wala ng kasal ang magaganap sa kanila at halatang wala siyang planong makipagbalikan dito? Naguguluhan pa rin ako lalo na at hindi malinaw sa akin ang dahilan kung bakit ganito na lang ang binatang magalit
Rose Hawak-hawak ko ang rosary na ibinigay pa sa akin ng nanay ko habang taimtim na nananalangin. Nakaluhod ako at ang mga braso ko naman ay nakasampa sa gilid ng kama. Ipinagdarasal ko lang naman ang gabing ito dahil ako na rin itong sumusuko na. I don’t know if this is the right decision I went through in my entire life. Walang kasiguraduhan sa kung ano ang susunod na mangyayari sa aming dalawa. Diyos ko po. Hawiin at tanggalin niyo sana ang utak amag ng kumag na iyon upang hindi na niya ituloy. Kasalanan man ito pero— “What are you doing?!” “Huh?!” Agad akong nagmulat ng mata saka sumulyap sa kinaroroonan ng boses na bigla na lang akong ginulat. “E-Ethan!” My eyes widened while staring at him. I was in Ethan’s connecting door’s room. Mula nang magkasundo kaming dito na ako pansamantalang manunuluyan ay labas-masok na rin siya sa kwartong ito na konektado ng kwarto niya. Magkagayon man ay may privacy pa rin naman ako kahit papaano. Minsan lang naman siya ganitong parang kabuten
RosePaika-ika na akong naglakad sa garden isang umaga para sa morning exercise ko. Kabuwanan ko na at mababa na rin ang hulma ng tiyan ko. Suot ko lamang ay maternity dress na kulay puti at isang pares ng flat na tsinelas. Nakahawak ang kanang kamay ko sa balakang ko habang ang isang kamay ko naman ay ang rechargeable fan. Naiinitan ako kahit na malamig naman ang simoy ng hangin sa paligid at nasasamyo ko ang amoy isla.Siyam na buwan na rin ang lumipas at ang pinakaasam-asam naming sandaling mailuwal ko ang baby namin ni Ethan, siya rin buwan na kabado ako. Alam kong hindi niya ako iniwan sa mga oras na kailangan ko siya at nagpapasalamat ako roon. Sa totoo lang ay napakaswerte ko kay Ethan dahil bukod na nagbago na siya sa temper niya, spoiled wife pa ako at ang mga kapatid ko.“Ate Rose, ang laki na pala talaga ng tiyan mo na parang bola. Parang puputok na, ate,” wika naman ng kapatid kong si Raprap na nasa bilugang mesa at nakaupo rin.Nanood siya ng video sa ipad niyang hawak at
RoseMaaga kaming lumuwas ng Maynila kasama ang asawa ko at sina Alonzo at Bea. Masayang-masaya naman ako dahil nagkaroon din ng oras na magkasama ang dalawa at partidang tahimik lang sila pareho habang nasa biyahe. Wala akong naririnig na bangayan nila bagay na ikinatuwa ko naman. Si Ethan naman na todo ang pang-iingat sa akin, pati na rin sa pagkain ko. Maya’t maya lang ang tanong sa akin kung may gusto akong kainin o inumin.Mula nang manggaling kami sa ob-gyne doctor ko kasama siya, hindi na siya mapakali. Sobrang excited na niya at nagpaplano na nga siya ng pag-aayos ng magiging kwarto ng baby. Nabanggit din niyang siya pa mismo ang magkukumpuni ng crib at magdedesenyo. Marami na siyang mga plano kaya hinayaan ko na lang. Ganoon siguro kapag sabik na sabik magkaroon ng anak. Kahit naman ako ay nasasabik na rin.“Matulog ka muna, love. I will wake you up when we will be there,” malambing na wika ni Ethan sa akin habang hinihimas ang puson ko.“Gusto kong makita ang dadaanan natin,
Rose“What did you say?” muling tanong ng asawa ko na bakas sa kaniyang mukha ang sinabi ko.“I-I’m pregnant, love,” marahan kong sabi.“Rose…” Hinawakan niya ang kamay ko habang dama ko ang kaunting panginginig ng kaniyang kamay. Naramdaman ko rin na biglang lumamig ang palad niya at tila kinakabahan. “Is this true? No joke?”Kitang-kita ko sa mga mata ng asawa ko ang tila naluluha ngunit may kasiyahang kasama. Sumilay din ang ngiti sa labi niya pero halatang pigil lang din at nais pa na kumpirmahin ang sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit saka ako napangiti. Balak ko sanang sorpresahin siya sa naging resulta ng pregnancy test ko pero nasabi ko na.“Oo,” mahinahon kong tugon. “Nag-test ako at lumabas sa test iyong positive. Hindi pa ako nakapagpatingin sa doktor kasi gusto kong samahan mo ako. Kaya mister…” Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay niya at sinakop ang kaniyang pisngi. “Huwag ka ng mag-a-angry bird. Magiging tatay ka na.”“Oh, Rose!” Bigla na lang niya ako
EthanTwo hours after I called my wife, I called Gerald. I confronted him. Noong inirekomenda siya ni Alonzo sa akin, I asked him about his personal life. Tinanong ko rin kung kilala niya ang asawa ko pero ang sabi niya ay hindi. Taga-rito siya sa amin pero wala siyang ideya tungkol sa asawa ko at hetong nalaman ko na magkababata pala sila. Sa lahat ng ayoko ay ang magsinungaling sa akin.I want the best security for my wife and her family. Ayokong mangyari na naman ang tungkol sa kaguluhan noon. Gusto kong maging aware sa paligid namin kaya hindi ko napigilan na sabihin ang salitang ‘sesante’ na siya. Kung ano ang binitawan kong salita sa asawa ko, ginawa ko rin sa kaniya. Noong una, nabigla si Gerald sa nalaman ko. Inaalam ko sa kaniya kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang buong katotohanan. At ang mas kinaiinit pa ng dugo ko, may isang bagay siyang inamin sa akin.“Sir Ethan, I’m sorry. Wala talaga akong masamang intensiyon sa asawa mo. Noong malaman ko ang nilalaman ng kontrata
Rose“Huh?!” Nagulat ako sa sinabing iyon ng asawa ko. “Teka lang, Ethan. Tama ba ang narinig ko? Sesante na iyong bodyguard ko? B-Bakit naman? Anong nagawa niyang kasalanan?” sunod-sunod kong tanong.Hinintay kong sumagot si Ethan sa kabilang linya. Maya-maya lang ay narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga. Nagtataka ako sa kaniya na noong isang araw lang ay ipinaliwanag pa niya na kailangan may sarili akong bodyguard para raw sa safety ko. But then again, heto siya at tinatanggal na niya sa serbisyo si Gerald na wala man lang matibay na rason. “Why didn’t you tell me about him? He’s your childhood friend,” mariin niyang sabi.“Ha? P-Paano mo nalaman iyon? Sinabi ba ni Gerald sa iyo?”“Nope. I found it on my own. Now, tell me, my wife. May balak ka ba talagang sabihin sa akin ang totoo na magkababata pala kayo?” May halong kakaiba sa boses niya bagay na ipinagtataka ko.“Ethan, maniwala ka sa akin. Hindi ko namukhaan si Gerald noong una mo kaming pinakilala sa isa’t isa. Oo
EthanHindi agad sumagot si Winston sa tanong ko at tila nag-iisip pa siya. I don’t want to force him and tell me this sudden emotion of him. Malay ko bang pinagtitripan lang pala ako ng lokong ito subalit habang lumalaon ay lalo siyang sumeryoso kaya naghintay pa ako.“Just wait for my love story. Kapag sigurado na ako, saka ko na lang sasabihin kung sino.”“Wow. Walang clue?”Sa lahat ng magkakaibigan, si Winston ang hindi pa nababalitang nasaktan sa babae, may matinong girlfriend o kaya ay ipinakilala sa amin. Kaya imposibleng magkakaganito siya nang dahil lang din sa isang babae. I really doubt it.“Clueless.”Napapangiti na lang akong muling inubos ang kape ko. Maya-maya ay tumingin ako sa pambisig kong relo. “It’s lunchbreak. I told Lorenzo I will go to his place. Do you want to join our lunch meeting on his condo? May dala rin akong pasalubong kay Tamara.”“Buti pa si Tamara may pasalubong. Nasaan na iyong sa akin?” Agad siyang tumayo habang tila batang nagmaktol na wala man la
Rose“Wala ka na bang naiwan? Are you sure na kasya na itong maliit na hand luggage for three days?” tanong ko sa asawa ko habang nakatitig ako sa mamahaling hand cary luggage niya na kulay itim.Ngayon ang araw na aalis si Ethan patungong Maynila upang asikasuhin ang iba pa niyang negosyo. Bilang asawa, ako na ang nag-ayos ng mga gamit niya at hinayaan naman niya akong gawin iyon. May tiwala naman siya sa taste ko sa mga dapat niyang suotin pero hindi pa rin ako kuntento na iilan lang ang dadalhin niya. Though I know that he has a lot of clothes left in his condo.Pinagtuunan na niya ako ng pansin matapos niyang may kausap sa kabilang linya ng kaniyang cell phone. “Yeah. I have clothes enough in my place and don’t worry about it, Love.” Lumapit siya sa akin at hinawakan sa magkabilang balikat. “I’m get going. Naghihintay na sa akin si Mang Roberto at baka mahuli ako sa flight ko.” Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. “Behave, Love. I will call you and I will be there. Ikaw na ang bah
Ethan“Thank you, everyone,” pamamaalam ko sa mga tauhan ko at sa ibang mga nag-asikaso sa seguridad ng aking resort. Nagpaalam na rin ako kay Alonzo na noon ay abala rin sa ibang bagay.“Sir Ethan,” tawag naman ni Mang Roberto sa akin.Sinulyapan ko naman siya na noon ay naglakad na patungo sa akin. Katatapos lang namin magbigay ng mga dapat gawin para sa kaayusan ng resort. Sa ngayon ay iilang mga empleyado pa lang ang pinapayagan ko at wala munang mga guests ang nandito. Kanselado lahat ng mga reservations at hanggang sa maging maayos na ang lahat, saka ko lang bubuksan ito para sa mga guests na naunsyami ang bakasyon.“Nais ko lang ipaalam sa iyo na maraming mga guests ang umalma kahit na binigyan naman natin sila ng mga options at freebies habang kanselado ang kanilang reservation. Ano ang plano mo rito?” bungad niyang tanong sa akin.“Let them be. Karapatan nila iyon at kung may mga masabi man sila tungkol sa resort, ginawa naman natin ang tama. Ibinigay natin sa kanila lahat ng
Rose“Nay!”“Rose!”Mahigpit na niyakap ko ang aking ina nang kinabukasan ay nakauwi na sila kasama ng dalawa kong kapatid at si Nana Claudia. Ilang araw ko rin silang hindi nakasama nang dahil sa nangyari dito sa resort.“Kumusta kayo?” tanong ko matapos kong kumalas sa pagkakayakap sa aking ina. Sobrang nag-aalala rin ako sa kalagayan nila lalo na noong sinabi ni Klarisse na sa isang iglap lang ay magagawa na niya ang hindi maganda sa mga ito.“Ayos lang naman kami, Rose. I-Ikaw? Ayos ka lang ba? Nabalitaan namin na kinidnap ka raw at si Bea. Hindi ka naman napano?” tanong din ng aking ina na may halong labis na pag-alala.Tumango ako. “A-Ayos lang ako, ‘Nay. Medyo trauma nga lang ang nangyari sa amin ni Bea dahil kay Klarisse at kay Kent na…na ngayon ay wala na rin sila. Huwag niyo na isipin iyon at baka maging alalahanin niyo pa. Ang mahalaga ay nakuha na rin natin ang hustisya para kay tatay.”“Hindi mo maalis sa akin ang mag-alala lalo na noong nabanggit ni Roberto na hindi maga