"Isinusumpa ko sa ibabaw ng bangkay mo, hindi ako titigil hangga't hindi ko naipaghihiganti ang pagkawala mo!" —————— Si Zeith Kate Del Fuego, ang ikalawang anak ng mag-asawa at kapatid ni Blake ang naging sentro ng paghihiganti ni Kurt Justin Steve Villaverde Del Pacio. Sa unang pagpasok pa lang niya sa Hotel Uno ay ginalingan na niya ang tila kontrabidang pagganap. He mastered every deceiving smiles, fake conversations and pretended kindness. He is the pioneer of mischief character inside the company! Months passed but he was still uncaught. He played his role well, much more than a playful gambler. He used his treacherous figure yet adorable character to captivate Zeith Kate 's heart. Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang paghahanap ng hustisya? Ano ang magiging matimbang sa kaniya sa huli?
View MoreKASALUKUYANG nasa dining room na si Steve ng umagang iyon at kasalukuyang nagtitimpla ng sariling kape. Maaga siyang nagising kahit marami na ang hindi magandang nangyari sa party niya kagabi. Hindi na din niya alam kung nakauwi na ba si Billy dahil sa naganap na alitan sa kanilang dalawa ng gabing iyon.Ang buong akala niya ay isang totoo at solid na kaibigan si Billy. Muli lang pala siyang sasampalin ng nakaraan patungkol din sa pinagkakatiwalaan niyang bestfriend.Mabibigat ang mga kamay na naglagay siya ng dalawang teaspoon ng brewed coffee at nilagyan ng konting white fined sugar. Hinalo niya iyong mabuti at tinikman. “Itigil mo na iyang binabalak mong paghihiganti.” Muntik na siyang mapaso dahil sa biglang pagsalita mula sa kaniyang likuran. Kilala niya ang boses na iyon kaya hindi na siya nagulat nang makita ang kaniyang Lola Marett. Kita niya ang asim sa mukha nito at nang-uusig na mga mata. Alam niyang hanggang ngayon ay badtrip pa din ito sa kaniya kaya wala siyang bala
Nakauwi na sa mansion si Euve ng mga sandaling ito. Sinadya niyang umalis kanina sa kaarawan ni Steve nang hindi nagpapaalam dahil nasa komprotansiyon pa ang lalaki patungkol sa babaeng bigla na lamang sumulpot sa eksena at daig pa ang octupos kung makayakap kay Steve.Hindi na niya alam kung ano ang naging pag-uusap at palitan ng sagot ng mga ito. Ginamit niya ang pagkakataon para maka-split dahil sa totoo lang ay napagod siya. Ewan ba niya kung bakit napagod siya ngayong araw gayong wala naman siyang ginawa sa kaniyang pagpunta roon kundi umupo at uminom ng wine. Alam niyang magtataka si Steve sa piglang pagkawala niya sa party nito pero saka na niya poproblemahin ang magiging katwiran niya sa oras na tanungin siya ng lalaki. Wala naman siyang kinalaman sa away ng maglola at kung sino man ang babaeng lumitaw sa party.Kung ano man ang problema ng mga iyon, problema na nila iyon. Basta ang gusto lamang niya ay makauwi at makapagpahinga. Pasalampak siyang nahiga sa malambot na kama.
WALANG balak si Steve na ikulong ang sarili sa loob ng mansiyon ng mga oras na iyon. Hindi pa tapos ang party. Kaya lang naman siya pumasok sa loob para makapag-usap sila ng maayos ng kaniyang Lola Marett. Ngayong nakapag-usap na sila ng maayos at wala naman silang masyadong pagdidikusyunan, oras na din para lumabas siya at bumalik sa party.Palabas na siya ng makita si Billy mula sa itaas. May dala itong isang maleta na kung hindi siya magkakamali ay mga gamit nito. Iisa ang nasa isipan niya, aalis na ito ngayong gabi mismo.Sinalubong niya upang komprontahin.“Mabuti naman at hindi na kinaya ng hiya mo sa katawan.” Salubong niya rito na tiim-bagang tinitigan ang kaibigan niya. No! Correction! Hindi niya ito kaibigan! Wala siyang kaibigang sinungaling at higit sa lahat, balimbing!Gumagalaw pa ang mga kaugatan sa panga niya na parang mag-alpasan. Sa dami ng nangyari ngayong gabi at sa pagsira nito ng kaniyang party, kahit hindi na sila muling magkita ng kaniyang kaibigang ito ay ayo
“I am so little disappointed.”Tinig iyon ni Lola Marett. Steve tries to calmed her down pero parang wala itong balak kumalma. Kanina nang bigla itong magtaas ng boses ay agad niyang inilayo sa karamihan para hindi na sila mas lalo pang maging intriga sa lahat. Kabi-kabila ang mga kumukuha ng larawan na kung hindi siya magkakamali ay mga Socmed user na walang hinihintay kundi ang may masagap na pag-uusapan online.Nakaupo siya sa mahabang sofa nila habang ang kaniyang Lola naman ay nasa kabilang parte. Her fingers, resting on the center table that separated them, were moving. Hindi ito mapakali. Malalim din ang iniisip nito.‘Lola, just calmed down. Everything is in control.”Kung kanina ay parang ayaw siya nitong tingnan, ngayon ay para itong mangangain ng tao the way she look at him. Mabagsik, nakataas ang mga kilay at halos magsiuslian ang mga ugat sa leeg.‘Why should I? How could I calmed down? Sino bang babae na iyon? And what is the truth between you and you said, your new bos
ALAM ni Zieth Kate na hindi solusyon ang pagkulong sa loob ng C.R na ito ag makaiwas kay Mr. Chingson. Magiging grounds lang iyon para maalarma ito na nakatunog na siya sa masamang tangka nito. Kutob pa lang naman ang sa kaniya.She has this gut feeling that’s making her incredibly uneasy. Her heart has been racing uncontrollably. How can she stops feeling this way? Just the way he stares at her, she can sense his desire to ruin her. She’s only a human, a woman who can easily detect danger just from a look.Marahas siyang bumuga ng hangin. Isang malalim na inhale at exhale ang kaniyang ginawa. Nagpapasalamat naman siya ng maging epektibo ang kaniyang ginawang iyon. Matapos marelax ang sarili ay inayos niyang mabuti ang kaniyang poise. To the max na hindi iyon mapansin ng lalaking hindi niya alam kung bakit naging isang banta sa buhay niya ngayon!“What took you so long?” bungad sa kaniya ng lalaki ng iluwa siya ng pinto. Nakaupo na si Mr. Chingson at hawak-hawak ang isang bagay na umu
ANG buong akala ni Zieth Kate ay isang fastfood restaurant ang lugar kung saan sila magkikita ni Mr. Chingson. Iyon ang kompletong address na tinext sa kaniya ng binata. Noong una ng matanggap niya ang text nito ay napatanong pa siya kung sino ito.Hanggang sa magpakilala na ang naturang texter.Akala niya ay doon na natatapos ang pabitin nito. Hindi pa pala. Ang inaakala niyang fastfood ay isa palang Inn. May kakaibang kaba na nabuhay si dibdib ni Zieth Kate sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung itutuloy pa ba niya itong pakikipagnegosasyon sa binata o mas mabuting huwag na lamang ituloy. May kakaibang senses na namumuo sa kaniyang pagkatao. Para niyang naamoy ang panganib lalo na sa tuwing naaalala kung paano siya tingnan ng binata.Kahit sinong tao ay makakaramdam ng pagkailang at aligaga sa mga tinging ibinabato ng isang kagaya ni Mr. Chingson. It is seems like Mr. Chingson is a kind of a man who will not do good things.Ramdam niya ang panlalamig ng kaniyang sakong kahit nak
Matagal na hinintay ni Zieth Kate ang magiging tugon ni Mr. Chingson. Muli siyang nakaramdam ng kakaibang pagkailang ng muli itong lumapit sa kaniya.Nakaramdam naman siya ng inis dahil para sinasayang nito ang oras niya sa mga pabiting salita.“Come on, Mr. David Chingson. Don’t waste my time for your own interest. Your flirting won’t work on me.” Wika niya rito na hindi napigilang umatras ng konti. Masyado na kasing malapit ang lalaki sa kaniya. Amoy na amoy niya ang pabango nito na parang magpahilo sa kaniya. Hindi ito ang unang lalaking nakasalamuha niya pero sa totoo lang, ngayon lang siya nakalanghap ng ganitong amoy ng isang lalaki. Natawa naman ito sa naging reaksiyon nya.“Relax. Pagbibigyan kita sa hiling mo.”Para naman siyang nabuhayan ng loob.“Iyon ay kung papayag ka sa gusto ko.” Nanunudyo ang mga titig nito. Nangaakit. Waring gusto siyang mahipnotismo.Kung siya lang talaga ang susundin, kanina pa niya gustong umalis. Pinipigilan lamang niya ang sarili dahil ayaw niy
STEVE was out of his companies and walk for a while. Mag-aalas singko na ng hapon at dumarami na ang dumarating na mga bisita. He needs to entertains them one by one because he is the only one who must do it. Alam niyang busy ang mga tao sa bahay nila lalo na ang kaniyang Lola Mareet, leaving him no choice but to shoulder the warmest welcome to all guests arrived and those coming yet.Malawak ang kanilang bakuran kaya hindi siya nangangambang mapupuno ang kanilang bahay bago gumabi. Hindi naman siya nag-invite ng marami dahil wala naman siyang gaanong kakilala rito at kapamilya. Iilan-ilan lamang ang pinadalhan niya ng invitations at mensahe sa social media. Kung bibilangan, hindi na siguro tataas sa 30 katao ang kaniyang naimbitahan. Ang pamilya lamang ng mga ito ang nagpadami ng tao. Wala naman sa kaniya ang pag-alala na baka kulangin ang pagkain sa sobrang dami ng mga dumating. In fact, his Lola Marett prepares the party. Kilala niya ang kaniyang Lola pagdating sa party o selebra
EVERYTHING is settled down. The creative designs, table presentations, food preparations and party over-all impressions is orderly complete. Steve’s big day is waving tonight. Nagsimula ang preparasyon sa ganap na alas tres ng hapon. Sinadyang i-advance ito upang bago magdilim ay nakaprepared na lahat. Dinner ang target ng kaniyang selebrasyon at masama naman kung pagugutuman niya ang mga bisita. Imbitado lahat ng mga kakilala ni Steve lalo na ang mga kaibigan niya since high schools at sa iba pang mga panahon. Hindi din nakaligtaan ang mga officemates niya. Lahat ay pawang naroon liban sa isang personalidad na kanina pa niya hinihintay. Panay ang linga niya sa buong paligid. Naging malikot ang kaniyang mga mata kanina pa. ‘Nasaan na ba siya? Darating kaya siya?’ anang kaniyang isip na hindi nasiraan ng pag-asang makakarating nga ang inaasahang bisita. “Happy birthday, Steve!” Isang pamilyarn na boses ang nagpalingon sa kaniya. Hindi na siya nagulat nang makilala si Bea. Kasama
"IPINAPANGAKO ko, hindi ako titigil hanggat ko nakakamtan ang hustisya ng pagkamatay mo!" Tinig iyon ng isang binatang nasa twenties ang edad. Matangkad siya, may taglay na tindig ng isang hunk at may ilong na doble ang pointed kaysa sa normal na pinoy. Mahihinuhang may halong dayuhang dugo na nananalaytay sa lalaki base na din sa nabanggit na diskripsiyon. Nasa harap siya ng kwarto na mahihinuhang pagaari ng ina niya. Makikita sa isang pabilog na mesa ang iba't ibang mga litrato ng ina na kasama siya. Nasa mesa din nakalapag ang isang kilalang magazine. Nasa peryudiko ng balita ang natatanging balita at kagulantang na mga rebelasyon sa isang pamilyang may lihim na kabaliwang tradisyon— walang iba kundi ang pamilya Del Fuego. Kilala ang naturang pamilya sa buong siyudad na napakayaman at angkan ng mga successful businessmen. They owned huge establishments around the whole capital of Cebu. They are one of the most prominent and renowned capitalists that shared a huge percentage of...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments