"Kuya, pakibilisan lang ang pagpapatakbo, ha. May hinahabol kasi akong exam. Hindi pwedeng ma-late ako. Mahal po ang tuition. Nag-promissory na nga lang ako dahil medyo kapos sa budget." Hindi lumilingong sabi ko sa driver habang sumasampa sa front area ng tricycle. Busy kasi ako sa pagte-text sa cellphone. Kausap ko ang kaklase ko. Nandoon na raw ang prof namin at inaaliw na lang nila para makaabot pa ako. Walang kibong umandar na ang tricycle."Kuya, pakibilisan nang kaunti."Naramdaman ko ang pagbilis nang takbo namin pero hindi ako nakontento. "Kuya, sige pa. Nagdi-distribute na ng test papers si sir. Hindi pa naman iyon nagpapapasok ng late students," sigaw ko na. "Miss, madidisgrasya tayo sa gusto mo. Kung balak mong magpakamatay, tumalon ka na. Wag mo na akong idamay. Mahal ang pagtubos ng lisensya sa LTO," sigaw din nito. Nakuha nito ang buong atensiyon ko sa kaniyang mga sinabi. "Attitude si kuya. Kung mamamatay ka, mamamatay ka. Kahit saang lupalop ka man naroroon, ku
Last Updated : 2022-11-26 Read more