Married to the Beast

Married to the Beast

last updateLast Updated : 2022-04-05
By:   wordinksoul  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
65Chapters
4.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Because of the horrendous agreement, Solly Arien was forced to marry an unknown man to save her sister, Sandy Ariela, from facing the consequences of their father's selfish decision. Solly was afraid that Sandy might hurt herself again because of too much anxiety from the unwanted marriage. She had no choice, but to took her sister's position instead. Solly thought agreeing to marry Raddix Varzen would finally fix everything. Until destiny starts to play, twist get turns, chest of secrets began to unfold, and her urge to escape from the chain of uncertainty, slowly turns into the urge to search for her true identity.

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1: Simula

"GIRL, guess what?"Agad kong inangat ang tingin at panandaliang inalis ang atensyon sa librong binabasa. Kunot-noo kong tinapunan ng tingin si Rain na nakaupo sa tapat ko."Oh?" bored kong tanong. Paniguradong may bagong tsismis na naman itong nalaman. Lagi kasing updated ang babaeng 'to sa mga latest chika.Ibinaba nito ang hawak na cellphone kasabay ang pagbuntong hininga. "Gosh, malala na kapatid mo."Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi nito. Hindi na bago sa'kin ang makarinig ng mga balita tungkol sa kapatid ko. Hot picks and most featured pa nga ito sa sikat na school paper dito sa campus. Pero hindi ko pa rin iwasang mag-alala at kabahan."B-Bakit? Anong meron kay Sandy?" pagtatanong ko. Nahalata siguro ni Rain ang pag-aalala sa boses ko kaya nag-alangan pa itong magsabi.Ilang beses pa itong napabuntong bago tuluyang magsalita, "Sandy is now Kyle's girlfriend."Ilang segundo kong in-absorb...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
AwierDamsel
Good story!
2022-03-02 20:24:26
1
user avatar
wordinksoul
Hope you enjoy every chapters of MTTB!
2022-03-02 15:04:40
1
user avatar
wordinksoul
Thank you for reading my story guys!
2022-03-02 15:04:09
1
user avatar
AwierDamsel
keep it up!...
2022-03-02 12:43:46
1
65 Chapters
CHAPTER 1: Simula
"GIRL, guess what?" Agad kong inangat ang tingin at panandaliang inalis ang atensyon sa librong binabasa. Kunot-noo kong tinapunan ng tingin si Rain na nakaupo sa tapat ko. "Oh?" bored kong tanong. Paniguradong may bagong tsismis na naman itong nalaman. Lagi kasing updated ang babaeng 'to sa mga latest chika. Ibinaba nito ang hawak na cellphone kasabay ang pagbuntong hininga. "Gosh, malala na kapatid mo."Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi nito. Hindi na bago sa'kin ang makarinig ng mga balita tungkol sa kapatid ko. Hot picks and most featured pa nga ito sa sikat na school paper dito sa campus. Pero hindi ko pa rin iwasang mag-alala at kabahan."B-Bakit? Anong meron kay Sandy?" pagtatanong ko. Nahalata siguro ni Rain ang pag-aalala sa boses ko kaya nag-alangan pa itong magsabi.Ilang beses pa itong napabuntong bago tuluyang magsalita, "Sandy is now Kyle's girlfriend."Ilang segundo kong in-absorb
last updateLast Updated : 2022-02-09
Read more
CHAPTER 2: Forced Marriage
"ANO BA, SANDY! Bumaba ka riyan!" malakas kong sigaw sa kapatid ko. Hindi naman ako nito pinansin at patuloy lang siya sa pag-e-emote. May hawak-hawak pa itong alak sa magkabilang kamay.Ano ba 'tong nangyayari sa kapatid ko, Bakit ba parang napaka-problemado naman niya ngayon? "S-Sol, pababain mo na ang kapatid mo, baka m-mamaya mahulog pa iyan," nanginginig na utos sa akin ni Manang Rosel. Ramdam ko pa nga ang malamig nitong kamay sa mga braso ko."A-Ano po bang nangyari? Bakit nagkakaganito iyang si Sandy?" pagtatanong ko. Kagagaling ko lang kasi sa school. Nagulat na nga lang ako ng umuwi ako sa bahay na nagkakagulo. Natagpuan ko na lang si Manang Rosel dito sa may rooftop. Ngunit nakakapagtaka ni anino ni papa ay wala rito. Muling bumalik ang atensyon ko sa kapatid ko. Kanina pa ako nanginginig sa takot. Hindi ko alam ang gagawin! Nalilito na ako!Sinubukan kong lumapit kay Sandy kahit puro pagtataboy lang ang ginagawa
last updateLast Updated : 2022-02-09
Read more
CHAPTER 3: Trouble
DAHIL sa mangyari nitong nakaraang araw ay hindi ako nakapag-pokus sa mga gawain ko sa school. Laging lutang ang isip ko at hindi makagconcentrate nang maayos sa pakikinig sa mga lecture. Okupadong-okupado ako sa mga desisyong pinagagagawa ko nitong mga nakaraang araw... isa naroon ang pagpayag na pumalit kay Sandy.Katunayan nga ay ilang beses kong pinilit si papa na bawiin na lang ang agreement, o 'di kaya'y tumakas na lang kami para makaiwas, ngunit dahil doon ay mas lalong naghimutok sa galit si papa.  Hindi ko dapat siya pangunahan dahil wala raw akong alam. Aniya, kung gawin niya iyon... hindi lang siya ang mapapahamak, pati kami ni Sandy at ang malalapit sa buhay namin. Hindi ko lubos maisip na may mga taong kayang gawin iyon dahil lang sa pagtanggi sa isang kondisyon. Anong klaseng mga tao ba ang nasa likod ng organisasyon na 'yan? "Hey, you ok?"Nanatiling nakasalampak ang mukha ko sa table at hindi pinansin ang nagsalita."Puyat ka na
last updateLast Updated : 2022-02-09
Read more
CHAPTER 4: Varzens
"I DON'T need saving," buong tapang kong usal saka ang marahas na pagtanggal sa kamay ng lalaking tinatawag na Taurus. "Hindi ko kailangan ng taong ipagtatanggol ako. I can save myself."Sumilay ang mapilyong ngiti ng lalaki. "What a tough girl huh? My type."Type mong mukha mo!"Gawin mo na kung anong gusto mong gawin! Huwag mo ng idamay ang tatlong 'yon!" sabi ko at itinuro sina Ryo, Maverick at Chad na patuloy pa ring pinapahirapan ng mga kaaway."So, gusto mo talagang mamatay?" tanong ng lalaki at nilapit pa ang mukha sa akin. Ba't ba 'to dikit nang dikit sa'kin? Tss.Nakipaglaban ako ng tingin sa kaniya."Hindi ako takot mamatay.""Woah! Are you really that desperate to end your life today?" hindi makapaniwala nitong tanong. "Sayang, type pa naman kita. You're such a chic, Solly.""Mas mabuti ng mamatay kesa pumatol sa'yo!" bulyaw ko sa kaniya. Ngunit natigilan ako saglit nang mapagtanto ang isang bagay. Teka, paano niya n
last updateLast Updated : 2022-02-25
Read more
CHAPTER 5: Varzens 2
SOL POVDAHIL sa nakakatakot na pangyayari kanina ay hindi ko tuloy ma-enjoy ang magarang view ng mansyon ng mga Varzen. Nakarating na kami ng ligtas, salamat sa mga tumulong sa'min at sa tulong ng lalaking nagngangalang Clyden. Ngunit hindi siya sumama sa'min pag-uwi, sabi ni Ryo ay may pupuntahan daw itong importante. Likas daw na maraming gawain ang magkakapatid na Varzen.Maraming mga maids, guards, at butlers ang sumalubong sa akin. Sabay-sabay pa silang yumuko nang makita ako. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng hiya. Bakit pa kasi kailangan nilang magbigay galang? 'Di ako sanay."This way, my lady," ani Ryo at iginaya ako sa malawak na living room. Napanganga ako sa sobrang ganda ng lugar! Mala-palasyo ang design! Lahat ng mga bagay na nakikita ko ay kumikinang at mamahalin!"Miss Solly Arien Santiago right?" pagtatanong bigla ng bagong dadating na babae, sa tantya ko nasa 40's pa lang ito, pero aakalain mong dalaga dahil fresh na f
last updateLast Updated : 2022-02-25
Read more
CHAPTER 6: With Clyden Varzen
MAAGA akong nagising, nakakahiya kasing magpagising pa sa mga katulong rito. Mabuti na nga lang at maaga ring naghanda ng pagkain ang mga katulong. Pagkatapos mag-agahan ay dali-dali akong nagpaalam kay Ma'am Dorry para pumasok na. Hinatid naman ako ni Maverick at Chad. Wala raw si Ryo kasi naghahanda ito para sa pag-uwi ni Lord Raddix at Young Master Matthias galing Japan. Mamayang gabi ay aasahan daw na nandito na ang dalawa.Kinakabahan nga ako sa totoo lang. Dalawang Varzen pa nga lang ang nakikilala ko kahapon halos mahimatay na ako sa kaba! Tapos may dadagdag pang dalawa?! Kamalasan!Mabilis ang byahe kaya agad akong nakarating sa campus. Nagpasalamat muna ako kay Mav at Chad bago tuluyang pumasok sa loob."Sooolll!" salubong sa akin ni Rain. Mahigpit naman niya akong niyakap. "Waaahhh! Akala ko nakidnap ka na!"Nakidnap?"Ano bang pinagsasabi mo riyan?" Napanguso naman si Rain. "Ito kasing si Luke sinabihan akong nakidnap ka raw! Taranta nga
last updateLast Updated : 2022-03-01
Read more
CHAPTER 7: Arrival
NAGING tuod na ako sa kinatatayuan ko. Nablanko bigla ang utak ko! Pakiramdam ko nga ay nanluwa na ang mata ko dahil sa labis na pagkagulat.Ano ba kasing pinagsasabi nitong si Clyden?! Gano'n ba ka big deal ang pagtanggi ko sa panlilibre niya?!"Oh sorry. Did I make you feel bad?" pagtatanong niya at dumistansya."Ayos ka lang ba?"Mukha ba akong ayos? Pambihira, sana hindi na ako sumama sa lalaking 'to."By the way, why don't we go to the ice cream shop?" masayang alok niya sa akin.Nawala na parang bula iyong pagka-yamot ko. Ice cream?! Waaah! Sandali! Favorite ko 'yan! Matagal na akong hindi nakakabili dahil sa dami ng kailangan kong bilhin sa school. Gusto ko mang itago ang ngiti ko ay hindi ko magawa."Sige, pero ako lang ang magbabayad ng bibilhin ko. Huwag mo akong ilibre ok?" paalala ko sa kaniya at binuksan ang back pack ko. "May pera ako rito---" Napakunot ang noo ko nang makitang ten pesos na alng ang nandoon. Pin
last updateLast Updated : 2022-03-01
Read more
CHAPTER 8: Red Vow
NAHAWA na ata ako kay Clyden, maging ako ay halos pagpawisan na sa takot. Rinig ko na nga ang malakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan at panay ang tingin ko sa wrist watch. Pero teka, bakit nga pala ako natatakot? Wala naman akong ginagawang masama 'di ba? At saka, gano'n ba talaga ka strikto iyang Lord Raddix na 'yan at kailangan naming umuwi before seven? Ba't 'di ako inform na may curfew pala sa mansion ng mga Varzen?!"S-Sol, I-I'm sorry. I-I shouldn't have invited you to come with me. Shit, I'm so stupid! You'll be doomed because of me!" bulyaw ni Clyden sa sarili habang nagmamaneho. Pakiramdam ko nga ay lumilipad na ang sasakyan dahil sa sobrang bilis ng andar nito. Ahh, masusuka pa yata ako! Kailangan ko ng plastic bag!At dahil sa mabilis na pagmamaneho ni Clyden ay agad kaming nakarating sa mansion. Pagkalabas na pagkalabas ng sasakyan ay agad kaming sinalubong ng mga lalaking naka-itim at may hawak na mata
last updateLast Updated : 2022-03-01
Read more
CHAPTER 9: Something Odd
WALA talaga akong balak magpakasal o ang pumasok sa isang relasyon. Itinataak ko na sa kasuluk-sulukan ng utak ko na hindi ako papasok sa dalawang bagay na iyan. Mas gugustuhin ko na lang magtravel o 'di kaya'y lumamon hanggang sa pagsawaan ko ang pera ko. Pero lahat ng plano kong iyon ay tila pader na basta na lang gumuho. Mag-IISANG LINGGO na akong ikinasal sa Lord Raddix na 'yon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Parang araw-araw akong sinasampal ng katotohanang tuluyan ng nagbago ang buhay ko. Hindi ako sanay na mabasa ang ibang apelyido sa pangalan ko!Bago ibuklat ang mata sa umaga ay taimtim akong nanalangin na sana ay panaginip lang ang lahat. Na sa pagmulat ko ng mata'y, nasa bahay ako... at ang ideyang kasal na ako ay isang bangungot lang. PERO HINDI. Gustuhin ko mang lunurin ang sarili ko sa mga ideyang iyon ay wala ng silbi! Dahil huli na ang lahat. Hindi na mababago ang lahat. At ito ang reyalidad.Napatitig na lamang ako sa kisame
last updateLast Updated : 2022-03-01
Read more
CHAPTER 10: Secret
HINDI ko na mabilang kung ilang ulit akong napalunok ng laway. Dahil sa pinaghalong kaba at hiya ay tanging pagtitig lang kay Raddix ang nagawa ko. Mukhang gano'n din naman siya, kahit naka-maskara ay alam kong nagulat din ito. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Inaamin ko, sa unang pagkakataon ay naranasan ko ang paghinto ng paligid ko, maging ang akala ko noong bato kong puso ay nagsimulang magharumentado. Oo, korni pakinggan pero totoo. Pakiramdam ko ay bigla akong naging abnormal! O, baka may biglang sumapi na masamang espiritu sa'kin ng hindi ko namamalayan? Ahh, nababaliw na ako---"You sounded like a dying goat."Muli kong inangat ang tingin sa balcony na nasa itaas ko nang marinig ang pagsasalita ni Raddix. Pero ano raw? I sounded like a dying goat? A DYING GOAT?! Aba, gago 'to ah---"Don't do that again, oh please," natatawa nitong sabi at halatang nang-aaar. "I might die in so much cringe, wife."Napaismid na lang ako at tiningnan siya ng masama. "
last updateLast Updated : 2022-03-01
Read more
DMCA.com Protection Status