Home / Romance / Married to the Beast / CHAPTER 5: Varzens 2

Share

CHAPTER 5: Varzens 2

Author: wordinksoul
last update Huling Na-update: 2022-02-25 20:43:02

SOL POV

DAHIL sa nakakatakot na pangyayari kanina ay hindi ko tuloy ma-enjoy ang magarang view ng mansyon ng mga Varzen. 

Nakarating na kami ng ligtas, salamat sa mga tumulong sa'min at sa tulong ng lalaking nagngangalang Clyden. Ngunit hindi siya sumama sa'min pag-uwi, sabi ni Ryo ay may pupuntahan daw itong importante. Likas daw na maraming gawain ang magkakapatid na Varzen.

Maraming mga maids, guards, at butlers ang sumalubong sa akin. Sabay-sabay pa silang yumuko nang makita ako. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng hiya. Bakit pa kasi kailangan nilang magbigay galang? 'Di ako sanay.

"This way, my lady," ani Ryo at iginaya ako sa malawak na living room. Napanganga ako sa sobrang ganda ng lugar! Mala-palasyo ang design! Lahat ng mga bagay na nakikita ko ay kumikinang at mamahalin!

"Miss Solly Arien Santiago right?" pagtatanong bigla ng bagong dadating na babae, sa tantya ko nasa 40's pa lang ito, pero aakalain mong dalaga dahil fresh na fresh ang aurahan. Nasa likod naman niya ang apat na babaeng katulong.

Umayos naman ako ng tayo at nahihiyang ngumiti. 

"O-Opo," sagot ko.

"I'm Dorry, head of all maids of this mansion," wika pa nito at yumuko. Gano'n din ang ginawa ng mga katulong sa likod niya.

"A-Ahm, s-salamat po sa mainit na pagtanggap sa akin," tanging nasabi ko na lang at mahina pang napakamot sa batok. Ba't mukha silang mababait? Mali ba talaga ang impression ko sa kanila? Sa totoo lang kasi ay naiilang talaga ako, kanina pa. Bakit ba kasi ang pormal nilang kumilos lahat? Para tuloy akong naliligaw na sisiw, hindi ako bagay rito.

"I'll assist the young lady to her room. Mav, Chad, and Ryo, you can leave her now," utos ni Ma'am Dorry na agad namang sinunod ng tatlo. 

Nginitian ko muna sila bago sumunod kay Ma'am Dorry, tango at saludo naman ang iginawad ng tatlo sa akin.

"Follow me," sabi ni Ma'am Dorry at naunang naglakad. 

Sinundan ko naman siya, nakasunod din sa likod ko ang apat na indoor guard, at dalawang babaeng katulong habang bitbit ang mga gamit ko. Ilang palapag pa ang aming inakyat hanggang sa huminto si Ma'am Dorry sa malawak na pasilyo na may apat na pintuan.

"You see, may apat kwarto rito," pagsisimula niya."The first door in the right is for the eldest son, Matthias Gil Varzen. He's a famous lawyer at Japan, kaya wala ito rito ngayon," pagpapaliwang pa nito.

Matthias Gil Varzen? Ang ganda naman ng pangalan. Tapos lawyer pa? Ibang klase!

"Ang katapat naman nito ay para sa pangalawang anak, Code Jaxon Varzen. He's an outstanding doctor surgeon at Starllon Hospital owned by the Varzen family," pagpapatuloy ni Ma'am Dorry.

Woah. Ang bigatin din ng isang 'to. Kakainin ako sigurado ng labis na hiya kapag makita ko ito sa personal!

"And the next room in the left is for the youngest son, Clyden Louigi Varzen. He's a pilot in profession. Kaso makulit ang batang iyon. Naku, sakit sa ulo talaga ang isang iyan."

Napatawa ako nang mahina. Makulit pala iyong Clyden na 'yon? Parang hindi naman halata. Ang matured niyang tingnan kanina e.

"At ang katapat na room ni young master Clyden ay sa'yo," wika ni Ma'am Dorry at itinuro pa ang magiging kwarto ko. "Temporary room for you. Because Lord Raddix might order you to sleep at his place. It all depends on him."

Sleep at his room? Sa lalaking iyon na hindi ko kilala at hindi ko pa nakikita ang mukha? Ayoko! Nakakatakot! Feeling ko nga ang sungit- sungit iyang Lord Raddix na iyan! Baka magsuntukan lang kami!

"Young lady," pagtawag ni Ma'am Dorry sa atensyon ko. Napansin sigurong naglalakbay na naman isip ko.

"Po?"

"Hindi ka pwedeng pumasok sa mga kwartong iyon, syempre maliban sa kwarto mo," paalala nito sa'kin.

Tumango agad ako.

Natigilan ako ng may biglang naisip.

"Nasaan ang room ni Lord Raddix?" Hindi ako interesado ah, curious lang!

Tumikhim muna si Ma'am Dorry bago magsalita. "Hindi rito ang kwarto niya. Nasa sunod na palapag pa. Ang palapag na iyon ang hindi basta-bastang napapasok ng mga nandito. It is a restricted area, it was exclusively built for Lord Raddix. Hindi ka rin pwede do'n, depende kung pahihintulutan ka niya."

Tumango-tango lang ako.

"Halika na, kailangan munang magpahinga," ani pa nito at iginaya na ako sa kwarto. 

Napalunok ako ng laway ng madaanan ang mga kwarto ng tatlong kapatid ni Lord Raddix. P-Paano kung aksidente akong makapasok sa isa sa mga 'yan? Paparusahan ba nila ako?

Bubuksan na sana ni Ma'am Dorry ang pinto ng biglang umalingawngaw ang ringtone ng cellphone ko. Nahihiya naman akong napatingin kay Ma'am Dorry. Nabulabog ko pa ata ang mga natutulog. Ang lakas naman kasi ng ringtone nitong cellphone ko!

"Answer that first," utos nito sa'kin.

Dali-dali ko namang sinagot ang tawag.

"H-Hello? Sino 'to?"

["Sol, si Luke 'to."]

Agad akong nakaramdam ng kaba ng marinig sa kabilang linya ang boses ni Luke. Ramdam ko ang panlalamig sa buo kong katawan.  B-Bakit kaya siya napatawag? Tumatawag lang kasi ang lalaking 'yon pag may importanteng sasabihin.

"L-Luke, h-hi!," kinakabahan kong bati.

["Nasaan ka ngayon?"]

Tiningnan ko si Dorry at iilang mga katulong na walang emosyong nakatingin sa'kin. Hindi ko pwedeng sabihin kay Luke ang tungkol rito!

"A-Ahm, nasa ano, nasa k-kaibigan ko."

["Kaibigan? Sino?"]

Daig pa nito ang imbestigador kung magtanong, argh!

"S-Si, si ano, si---ah basta! Hindi mo siya kilala. Bagong kaibigan ko lang haha," palusot ko. Sana umobra.

["Ok. Hindi naman siguro lalaki?"]

"Hindi 'no!" depensa ko. Baliw, anong lalaki?

["Sol."]

"O-Oh?" Hindi pa ba siya tapos magtanong?!

["Mag-iingat ka riyan, hindi mo pa naman ako kasama, si Rain, pati na rin ang kapatid mo. Baka kung anong gawin ng kaibigan mong 'yan sa'yo. Chat mo address sa akin, in case na may mangyaring hindi inaasahan."]

Napabuga na lamang ako ng hangin. Opo, ganito po ang ugali ni Luke. Akala mo boyfriend kung umasta 'no? Overprotective masyado. Bantay sarado siguro ang magiging girlfriend nito.

"H-Hindi na, malapit naman 'yong bahay ng kaibigan ko sa bahay namin," pagsisinungaling ko. 

Pakiramdam ko ay hindi pa ako handang sabihin kay Luke maging kay Rain ang tungkol rito. Paniguradong pauulanan lang nila ako ng walang katapusang mga katanungan. Siguradong gaya ko ay mahihirapan din silang mag-adjust sa bagong set-up ng buhay ko. At kapag malaman ni Rain na napilitan lang akong gawin 'to para kay Sandy, siguradong kakalbuhin nito ang kapatid ko. 

["S-Sure ka? Wait, sunduin kita bukas diyan."]

Ang kulit talaga ng lalaking 'to!

"Huwag na, ihahatid naman niya ako nang maaga bukas."

["Pero---"]

"Sige na, matutulog na ako good night!"

["Kantahan kita para makatulog ka."]

Ito iyong laging ginagawa niya kapag malungkot ako. Kinakantahan niya ako. Maganda ang boses ni Luke. Nagtataka nga kung bakit hindi ito sumali sa band ng campus.

Gusto ko sanang marinig siyang kumanta kaso alam kong pagod din ito at kailangan na niyang matulog ng maaga. Stress kaya ang course niya.

"Next time na lang, alam kong 'di ka pa tapos sa thesis mo," natatawa kong sabi. Rinig ko rin ang pagtawa niya sa kabilang linya.

["Haha yeah. Sige, magpahinga ka na rin. Take care, good night, sleep well, mapanaginapan mo sana ako."]

"Hoy, anong mapanagini---"

Hindi ko man lang natapos ang sasabihin ng pinatay na nito ang tawag. Wierdo rin minsan ang lalaking iyon. Nang matapos ang tawag ay binuksan na ni Ma'am Dorry ang kwarto ko. Pinasok na rin nila ang mga gamit ko. Agad din naman silang nagpaalam at umalis.

Inayos ko muna ang mga gamit ko sa loob bago maglinis ng katawan. Nang matapos ay agad akong humiga sa kama.

"Ahh! Ang lambot naman ng higaan na 'to!" sabi ko at nagpagulong-gulong roon. Ngunit agad akong natigil ng makarinig nang malakas na kalabog sa labas.

Agad akong lumabas ng kwarto at nadatnan ang isang lalaking pasuray-suray sa pasilyo. Ilang vase na rin ang nabasag nito dahil sa kalasingan.

"Didn't I told you to stop pestering me?! We're done! I'm done with you bitch!" sigaw nito sa hawak na cellphone. Maging ito ay inis na inihagis niya dahilan para magkapira-piraso iyon. 

Sino ba ang lalaking 'to?

"Hey you!"

Ilang ulit akong napalunok ng marinig ang pagtawag ng lalaki sa akin.

"A-Ahm, a-ano?"

"Solly right?"

Ba't alam nilang lahat ang pangalan ko?! Samantalang sila hindi ko kilala?!

"Do you need something?" tanong nito na bakas sa boses ang labis na kalasingan. 

"W-Wala ho, salamat."

"Ok, hmm wait---"

"Young master, Code!" pagtawag ng paparating na dalawang butler sa kaniya.

Wait, young master Code?! Isa siya sa mga Varzen? 

Tinulungan naman ng mga butler ang lalaki makapasok sa kwarto nito. Ngunit agad itong bumalik sa labas at kinindatan ako.

"Good night, baby."

Kaugnay na kabanata

  • Married to the Beast   CHAPTER 6: With Clyden Varzen

    MAAGA akong nagising, nakakahiya kasing magpagising pa sa mga katulong rito. Mabuti na nga lang at maaga ring naghanda ng pagkain ang mga katulong. Pagkatapos mag-agahan ay dali-dali akong nagpaalam kay Ma'am Dorry para pumasok na. Hinatid naman ako ni Maverick at Chad. Wala raw si Ryo kasi naghahanda ito para sa pag-uwi ni Lord Raddix at Young Master Matthias galing Japan. Mamayang gabi ay aasahan daw na nandito na ang dalawa.Kinakabahan nga ako sa totoo lang. Dalawang Varzen pa nga lang ang nakikilala ko kahapon halos mahimatay na ako sa kaba! Tapos may dadagdag pang dalawa?! Kamalasan!Mabilis ang byahe kaya agad akong nakarating sa campus. Nagpasalamat muna ako kay Mav at Chad bago tuluyang pumasok sa loob."Sooolll!" salubong sa akin ni Rain. Mahigpit naman niya akong niyakap. "Waaahhh! Akala ko nakidnap ka na!"Nakidnap?"Ano bang pinagsasabi mo riyan?" Napanguso naman si Rain. "Ito kasing si Luke sinabihan akong nakidnap ka raw! Taranta nga

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Married to the Beast   CHAPTER 7: Arrival

    NAGING tuod na ako sa kinatatayuan ko. Nablanko bigla ang utak ko! Pakiramdam ko nga ay nanluwa na ang mata ko dahil sa labis na pagkagulat.Ano ba kasing pinagsasabi nitong si Clyden?! Gano'n ba ka big deal ang pagtanggi ko sa panlilibre niya?!"Oh sorry. Did I make you feel bad?" pagtatanong niya at dumistansya."Ayos ka lang ba?"Mukha ba akong ayos? Pambihira, sana hindi na ako sumama sa lalaking 'to."By the way, why don't we go to the ice cream shop?" masayang alok niya sa akin.Nawala na parang bula iyong pagka-yamot ko. Ice cream?! Waaah! Sandali! Favorite ko 'yan! Matagal na akong hindi nakakabili dahil sa dami ng kailangan kong bilhin sa school. Gusto ko mang itago ang ngiti ko ay hindi ko magawa."Sige, pero ako lang ang magbabayad ng bibilhin ko. Huwag mo akong ilibre ok?" paalala ko sa kaniya at binuksan ang back pack ko. "May pera ako rito---" Napakunot ang noo ko nang makitang ten pesos na alng ang nandoon. Pin

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Married to the Beast   CHAPTER 8: Red Vow

    NAHAWA na ata ako kay Clyden, maging ako ay halos pagpawisan na sa takot. Rinig ko na nga ang malakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan at panay ang tingin ko sa wrist watch. Pero teka, bakit nga pala ako natatakot? Wala naman akong ginagawang masama 'di ba? At saka, gano'n ba talaga ka strikto iyang Lord Raddix na 'yan at kailangan naming umuwi before seven? Ba't 'di ako inform na may curfew pala sa mansion ng mga Varzen?!"S-Sol, I-I'm sorry. I-I shouldn't have invited you to come with me. Shit, I'm so stupid! You'll be doomed because of me!" bulyaw ni Clyden sa sarili habang nagmamaneho. Pakiramdam ko nga ay lumilipad na ang sasakyan dahil sa sobrang bilis ng andar nito. Ahh, masusuka pa yata ako! Kailangan ko ng plastic bag!At dahil sa mabilis na pagmamaneho ni Clyden ay agad kaming nakarating sa mansion. Pagkalabas na pagkalabas ng sasakyan ay agad kaming sinalubong ng mga lalaking naka-itim at may hawak na mata

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Married to the Beast   CHAPTER 9: Something Odd

    WALA talaga akong balak magpakasal o ang pumasok sa isang relasyon. Itinataak ko na sa kasuluk-sulukan ng utak ko na hindi ako papasok sa dalawang bagay na iyan. Mas gugustuhin ko na lang magtravel o 'di kaya'y lumamon hanggang sa pagsawaan ko ang pera ko. Pero lahat ng plano kong iyon ay tila pader na basta na lang gumuho. Mag-IISANG LINGGO na akong ikinasal sa Lord Raddix na 'yon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Parang araw-araw akong sinasampal ng katotohanang tuluyan ng nagbago ang buhay ko. Hindi ako sanay na mabasa ang ibang apelyido sa pangalan ko!Bago ibuklat ang mata sa umaga ay taimtim akong nanalangin na sana ay panaginip lang ang lahat. Na sa pagmulat ko ng mata'y, nasa bahay ako... at ang ideyang kasal na ako ay isang bangungot lang. PERO HINDI. Gustuhin ko mang lunurin ang sarili ko sa mga ideyang iyon ay wala ng silbi! Dahil huli na ang lahat. Hindi na mababago ang lahat. At ito ang reyalidad.Napatitig na lamang ako sa kisame

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Married to the Beast   CHAPTER 10: Secret

    HINDI ko na mabilang kung ilang ulit akong napalunok ng laway. Dahil sa pinaghalong kaba at hiya ay tanging pagtitig lang kay Raddix ang nagawa ko. Mukhang gano'n din naman siya, kahit naka-maskara ay alam kong nagulat din ito. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Inaamin ko, sa unang pagkakataon ay naranasan ko ang paghinto ng paligid ko, maging ang akala ko noong bato kong puso ay nagsimulang magharumentado. Oo, korni pakinggan pero totoo. Pakiramdam ko ay bigla akong naging abnormal! O, baka may biglang sumapi na masamang espiritu sa'kin ng hindi ko namamalayan? Ahh, nababaliw na ako---"You sounded like a dying goat."Muli kong inangat ang tingin sa balcony na nasa itaas ko nang marinig ang pagsasalita ni Raddix. Pero ano raw? I sounded like a dying goat? A DYING GOAT?! Aba, gago 'to ah---"Don't do that again, oh please," natatawa nitong sabi at halatang nang-aaar. "I might die in so much cringe, wife."Napaismid na lang ako at tiningnan siya ng masama. "

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Married to the Beast   CHAPTER 11: Mysterious

    PARA akong lantang gulay habang naglakakad sa hallway. Paulit-ulit nga akong nakakabundol ng mga estudyante, yuko at nahihiyang 'sorry'na lang itinugon ko. Ewan ko ba nitong mga nakaraang araw pansin ko masyado na akong nagiging lutang at malalim ang iniisip. Hindi ko maiwasan, ang dami kasing nangyari sa buhay ko sa isang linggo ko pa lang napananatili sa mansion ng mga Varzen. Isa naroon ang kakaibang ikinikilos ni Raddix. Nahihiwagaan talaga ako sa lalakibg iyon.Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Clyden noong nakaraang araw ay hindi na ako tinantanan ng mga katanungan sa isip ko. Nagkabuhol-buhol na nga ang mga iyon sa utak ko dahilan para mas lalo akong malito. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ipagsasawalang bahala na lang ang mga pinagsasabi ni Clyden."Soool!" pagtawag bigla ni Rain sa pangalan ko. Nilingon ko naman siya. Patakbo itong lumapit sa akin. Mukhang kagagaling lang sa second period class niya. "'Di ka pa ba pupunta sa cafeteria?" pagtatanong n

    Huling Na-update : 2022-03-02
  • Married to the Beast   CHAPTER 12: Danger!

    SOL POV"L-LET me protect you, please? Kahit isang beses lang, kailanganin mo naman ako," seryosong wika ni Luke na dahilan ng pagkunot ng noo ko.A-Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?Rinig ko naman ang pagtikhim niya. "A-Ahm, I-I mean pag may kailangan ka, h-huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa'kin! Haha!" kamot-batok na pagkaklaro niya. "Alam mo 'yon, iyong one call away! Tama, iyon nga haha!"Tumango-tango na lang ako. Minsan wierd din 'tong si Luke. Hindi ko maintindihan kung anong gustong sabihin e, masyadong magulo."Kung ano na pinagsasabi ko, gutom lang ata 'to," aniya at mahinang natawa. Hinawakan naman niya ang pulsuhan ko. "Tara na nga sa cafeteria, baka magalit na si Rain sa'tin."Magkasabay kaming tinungo ang daan papuntang cafeteria. Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay nakasalubong namin si  Sandy. Habol ang hininga nito at panay ang tingin sa likod."Sandy!" pagtawag ko sa kaniya. Patakb

    Huling Na-update : 2022-03-02
  • Married to the Beast   CHAPTER 13: Visit

    SOL POVNANGINGINIG ANG mga tuhod kong sinundan ang anino. Tama nga ako, papunta nga sa kwarto ni Raddix ang magnanakaw. Ano naman kaya ang sadya ng aninong 'yon? Balak niya bang saktan si Raddix? Sh*t pag nagkataon na natutulog 'yon ay siguradong mapapahamak siya! Kailangan kong pigilan ang masamang taong iyon!Nang makarating ako sa pangalawang palapag ay nakaramdam na agad ako ng kakaiba. Medyo madilim ang paligid, ang tanging nagbibigay liwanag lang ay ang maliliit na lamp na nakakabit sa mahabang pasilyo. Ayaw ba ni Raddix ng masyadong maliwanag?Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng takot. Para akong nasa isang horror movie ngayon!Natigilan ako saglit ng makarinig ng foot steps. Pigil ang hininga kong pinagmasdan ang paligid. Shiiiiz, hindi ko na mahagilap ang anino! Patay, nalaman niya kayang sinunsundan ko siya?!Kung saan-saan ko itinutok ang flashlight sa cellphone ko. Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko dahil sa sobrang kaba.Ba

    Huling Na-update : 2022-03-02

Pinakabagong kabanata

  • Married to the Beast   CHAPTER 65: END

    More months after...SANDY POVOBSTACLES don’t have to stop you. If you run into a wall, don’t turn around and give up. Figure out how to climb it, go through it, or work around it. Being challenged in life is inevitable, being defeated is optional. Oh 'di ba? Ganda ng opening statement ko? Syempre pa-ending na e HAHAHA charot.Oh siya, back to reality. Ehem.Maingat kong nilagay ang dalang bulaklak sa dalawang puntod na nasa harap ko ngayon. Umupo ako sa damuhan at mapait ang ngiting tiningnan ang mga iyon."Magkasama na kayo, siguro naman hindi na kayo mababagot diyan," wika ko at pinaglandas ang kamay sa pangalan nilang nakasulat sa lapida. "Sana masaya na kayo kung saan man kayo naroroon. Huwag kayong mag-alala, ayos lang kami rito. Ito maganda pa rin anak niyo. Walang kupas," pagbibiro ko pa.Napatingin na lamang ako sa magandang kalangitan. Napakaganda ng hugis ng mga ulap, tumitingkad pa iyon sa tuwing nadidikit sa a

  • Married to the Beast   CHAPTER 64: Saved

    NA-BLANKO bigla ang utak ko. Maski ang paghinga ata ay panandalian kong nakalimutan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Raddix at sa labas ng kotse. Hindi ko alam ang gagawin ko!"Sh*t!" singhal ni Raddix. Ilang segundo ring nagpagewang-gewang ang kotseng sinasakyan namin hanggang sa sapilitan niya iyong ibinangga sa isang posteng nakasuporta sa tulay na kinalalagyan namin ngayon.Tagumpay na nahinto ang kotse. Buong pasasalamat ko na hindi ako nagtamo ng kahit anong sugat. Agad naman akong sinuri ni Raddix, tinanong nang paulit-ulit kung ayos lang ba ako. Sinuri ko rin ang kalagayan niya at gaya ko'y hindi rin ito nagtamo ng malalang sugat.Ang akala ko ay tuluyan ng nabunutan ng tinik ang lalamunan ko, ngunit tila mas dumami pa ang bumara doon nang marinig ang malalakas na sigaw sa labas.Mga aso ni Sarry. Na pilit kaming pinabababa. Ilang beses akong napalunok ng laway at nanginginig ang kamay na tiningnan si Raddix."W-What now? How can w

  • Married to the Beast   CHAPTER 63: Trouble

    "MALUWAG kasi ang pagkakatali mo sa mga aso mo kaya nakatakas," patawa-tawang usal ni Flame. "I'm still the king of this mafia group, Honey. Sa akin pa rin sila susunod, kahit anong pag-aalaga at pagpapakain mo sa kanila.""D*mn you! Die already!""You first," asik nito at sinenyasan ang lahat ng mga kasamang nasa likod. Pumalibot naman ang mga iyon kay Sarry at sabay-sabay na itinutok ang baril. Maya't-maya pa'y tumingin sa dereksyon namin si Flame. "Umalis na kayo, ako na bahala rito."Bago pa man ako makapagtanong ay agad na hinawakan ni Raddix ang pulsuhan ko at hinila paalis doon."You owe me a lot love birds!" sigaw ni Flame. Nginitian kami nito sa huling pagkakataon.Pailing-iling na lamang si Raddix at ipinagpatuloy ang paghila sa'kin paalis doon. Rinig pa nga ang pahabol na sigaw at mura ni Sarry. Ngunit alam kong wala na dapat akong ipag-alala, dahil siguradong hindi na siya makakaalis doon!Mabilis ang bawat hakbang namin ka

  • Married to the Beast   CHAPTER 62: Another Ally

    TILA may bumara sa lalamunan ko dahilan para bumigat ang paghinga ko. Hindi ko maitago ang kabang unti-unting lumulukob sa sistema ko!Naramdaman ko naman ang paghawak ni Raddix sa kamay ko, kahit papaano'y nabawasan ang panginginig no'n."Don't worry, will be fine. I'll promise," bulong niya sa'kin. Ngunit alam kong gaya ko ay natatakot din siya sa maaaring mangyari. Knowing that witch? Hindi iyon magdadalawang isip na gumawa ng kabaliwan.Rinig naman ang mahihinang tawa at papalapit na yabag ni Sarry. Mas lalong nagharumentado ang puso ko nang makitang marami itong kasama--- mga aso niyang nakatutok ang mga baril sa'min."Bakit naman ganiyan ang mga mukha ninyo? Hindi niyo ba inaasahan na buhay pa rin ako? Hmm well, sorry for the surprise. But h*ll yeah, I'm here... breathing and alive," nakangising wika nito. Humakbang naman ito habang nanatili ang nakakairita niyang ngisi. "Natutuwa ako na malamang hindi pa rin kayo nakakalabas. Sayang naman kas

  • Married to the Beast   CHAPTER 61: Allies and Enemy

    "AVIEL Katniss," mahinang sambit ni Raddix sa pangalan nito.Taimtim ko namang pinanood ang paglapit niya. Walang emosyon niyang binagtas ang ilang metrong pagitan niya sa'min ni Raddix.Avie looks the same. Her signature curly brown hair and her model-like height didn't change. Yet, I found it wierd seeing her wearing a blank-face. I am used to see her b*tchy awra."Don't do anything stup*d that you might regret after, Aviel. I won't think twice releasing all the bullets from my gun and shoot your head," malamig na saad ni Raddix at itinago pa ako sa likod.Nagpapalipat-lipat naman ang tingin ni Avie sa'min bago tuluyang magsalita, "I didn't wait here for almost an hour just to kill the both of you. Kung may balak man akong patayin kayo, kanina ko pa sana ginawa habang naglalandian kayo sa cell."Kinain agad ng hiya ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Nakita niya ang nangyari kanina? Nandoon ba siya? Ba't hindi ko napansin?!Un

  • Married to the Beast   CHAPTER 60: Frame up

    HINAWAKAN naman niya ang dalawa kong kamay habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mata niya. "C-Can you s-say it again? Please, I-I want to hear it again, wife.""Raddix," I gulped. "We're having a baby."Mas lalo siyang naiyak. Sinubukan niyang pigilan ang pagtulo ng mga luha ngunit bigo siya. Parang sirang gripo iyong walang humpay sa pag-agos. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit. Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak sa balikat ko."I thought you'll be mad if I tell you I'm pregnant," natatawa kong sabi kahit ang mga luha sa mata'y patuloy din ang pag-agos."W-Why would I-I?" wika nito sa kalagitnaan ng paghikbi. "H-Happiness and joy is understatement. Those w-word's aren't enough to describe what I-I feel right now. I want to jump, I-I want to shout, but my mind is filled with too much delight that the only thing I could is to cry."Napabuga na lamang ako ng hangin. Saka ang pagwika, "Dorry told me that we mi

  • Married to the Beast   CHAPTER 59: Raddix, soon to be father

    NAUNANG maglakad ang isang armadong lalaki habang nakasunod naman sa'kin ang isa. Habang binabagtas ang mahabang hallway, palihim kong pinagmasdan ang baril na hawak nila.Klyton was right, Scorpion is not prepared for tonight's war. Halatang hindi pa dumadating ang mga bago nilang armas na galing pa sa ibang bansa. And for Alphanatom, hindi sila madaling makakapunta rito para tulungan ang scorpion. Si Hermes at Demeter na ang bahalang magpatahimik sa mga iyon. The roadway 36 was their secret passage.Nang mapansin kong nasa kalagitnaan na kami ng hallway... doon ko na sinimulan ang sunod na plano.Huminto ako sa paglalakad at umaktong masakit ang paa. "I-I can't walk."Dali-dali namang nahinto ang dalawa at nilapitan ako."Ano bang problema?""Ayos lang ba kayo?"Mas lalo kong pinag-igihan ang pag-arte."Ouch! It hurts, I can't walk!" pekeng daing ko. Natawa naman ako sa isip nang makita ang nag-aalalang mga

  • Married to the Beast   CHAPTER 58: Girl Version of Raddix

    NAGTATAASANG mga puno at madilim na daan ang binabagtas ng sasakyan namin ngayon. Parang setting nga ito ng mga horror movies na napanood ko. Walang ibang dumaraan na mga sasakyan, wala ka ring makikitang mga bahay na nakatayo.Maging ang nagbabangayan na si Klyton at Krypton ay biglang natahimik. Hindi man aminin ng dalawa, alam kung gaya ko ay natatakot din sila.Ilang minuto rin naming tiniis ang gano'ng ambience hanggang sa marating namin ang isang tulay. Sa dulo no'n ay nakita namin ang maraming ilaw na sigurado akong nagmumula sa mga bahay at establishemento."Nandito na tayo," bulong ni Klyton habang nasa hawak na cellphone ang paningin.Hindi ko namalayang humigpit na pala ang kapit ko sa seat bealt na suot ko. Napuno nang malalalim na pagbuntong hininga ang loob ng sasakyan. Habang papalapit ang kotse'y ramdam ko ang mas lalong paglakas ng kabog ng dibdib ko. Pinigilan ko na nga ang utak na huwag mag-isip ng kung ano-anong masasama, m

  • Married to the Beast   CHAPTER 57: Answers to lies

    "SA COLD CITY ang karaniwang tirahan ng mga ex-conv*ct at mga taong sangkot sa iba't-ibang illegal na gawain. Madalas akong isama ni Rossel sa tuwing dadalawin niya ang asawang' nakatira roon. Delikado at tago ang lugar, mahirap i-locate. Kung makapasok ka man, hindi ka na makakabalik... lalo na kapag nalaman nilang hindi ka kaanib."Ilang beses akong napalunok ng laway nang marinig ang sinabi ni Dorry. Hindi naman siya nanakot, pero ramdam ko ang panginginig ng tuhod dahil sa sinabi niya.Naiisip ko pa lang na pupunta kami roon, parang hihimatayin na ako sa kaba.Pero hindi ngayon ang oras para magpakain sa takot. Kung ang pagpunta sa lugar na iyon ang tanging paraan para maligtas ang black swan at matigil na sa kahibangan ang scorpion at alphanatom...hindi ako aatras."Pero kung mapilit kayo at talagang gusto niyong pumunta roon... wala na akong magagawa," dugtong pa nito at isinara ang librong binabasa. Walang emosyon niya akong tiningnan. "B

DMCA.com Protection Status