SOL POV
"L-LET me protect you, please? Kahit isang beses lang, kailanganin mo naman ako," seryosong wika ni Luke na dahilan ng pagkunot ng noo ko.A-Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?Rinig ko naman ang pagtikhim niya. "A-Ahm, I-I mean pag may kailangan ka, h-huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa'kin! Haha!" kamot-batok na pagkaklaro niya. "Alam mo 'yon, iyong one call away! Tama, iyon nga haha!"Tumango-tango na lang ako. Minsan wierd din 'tong si Luke. Hindi ko maintindihan kung anong gustong sabihin e, masyadong magulo."Kung ano na pinagsasabi ko, gutom lang ata 'to," aniya at mahinang natawa. Hinawakan naman niya ang pulsuhan ko. "Tara na nga sa cafeteria, baka magalit na si Rain sa'tin."Magkasabay kaming tinungo ang daan papuntang cafeteria. Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay nakasalubong namin si Sandy. Habol ang hininga nito at panay ang tingin sa likod."Sandy!" pagtawag ko sa kaniya.PatakbSOL POVNANGINGINIG ANG mga tuhod kong sinundan ang anino. Tama nga ako, papunta nga sa kwarto ni Raddix ang magnanakaw. Ano naman kaya ang sadya ng aninong 'yon? Balak niya bang saktan si Raddix? Sh*t pag nagkataon na natutulog 'yon ay siguradong mapapahamak siya! Kailangan kong pigilan ang masamang taong iyon!Nang makarating ako sa pangalawang palapag ay nakaramdam na agad ako ng kakaiba. Medyo madilim ang paligid, ang tanging nagbibigay liwanag lang ay ang maliliit na lamp na nakakabit sa mahabang pasilyo. Ayaw ba ni Raddix ng masyadong maliwanag?Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng takot. Para akong nasa isang horror movie ngayon!Natigilan ako saglit ng makarinig ng foot steps. Pigil ang hininga kong pinagmasdan ang paligid. Shiiiiz, hindi ko na mahagilap ang anino! Patay, nalaman niya kayang sinunsundan ko siya?!Kung saan-saan ko itinutok ang flashlight sa cellphone ko. Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko dahil sa sobrang kaba.Ba
"SANDY? Anong ginagawa mo rito?" kunot-noo kong tanong sa kaniya nang makitang komportable itong nakaupo sa sofa habang umiinom ng tea."Oh, hi ate! Good Mornning!" aniya at tumayo para lapitan ako. "Bibig mo bitch nakabuka. Gulat na gulat lang?"Tumikhim naman ako saka ang pag-ayos ng tindig. "Bakit ka ba nandito? Pinapunta ka ni papa?" pagtatanong ko ulit."Hmm, no. Kusang-loob akong pumunta rito, boring kasi sa bahay," sagot niya na iginala pa ang paningin sa kabuuan ng bahay. "Gosh! Ang ganda rito! Sosyalin!"Lumapit naman sa amin si Dorry. "Nakahanda na sa lamesa ang agahan. Sandy you can join your sister and the rest of the Varzen family."Iginaya ko naman si Sandy sa malawak na dining area. Manghang-mangha naman ito at panay ang kuha ng litrato.Umupo naman kami. Dumating na rin sina kuya Matthias at Code. Nasa kwarto pa si Clyden dahil may inaasikaso raw ito. Si Raddix ay hindi talaga sumasabay sa'min, ewan ko kung bakit
SANDY POV"IBANG klase ka talaga girl! Ang wise ng plan mo!" bulalas ni friend, Shia. Naikwento ko kasi sa kaniya ang plano ko this sunday about sa double date namin ni Luke, ate Sol, at iyong wierdong Varzen. "Ako pa ba?" taas noo kong wika habang naglalagay ng maskara. Nandito ako ngayon kela Shia. Kasalukuyan kaming naghahanda para pumunta sa mall. You know, sobrang hassle ng school we really need to unwind!"Pumayag naman ba ate mo?" pagtatanong ng kaibigan ko habang naglalagay naman ng pulang lipstick. "Knowing ate Sol? Hindi naman mahilig sa mga date 'yon.""Siguro naman. Subukan lang niya na hindi pumayag, tatalon talaga ako," natatawa kong usal. "Syempre joke lang 'yon. I still love my life 'no. Sayang ganda ko kung matitigok ng maaga, haha.""Really? You blackmailed her?" hindi makapaniwalang tanong ni Shia. Ilang sandali pa'y mahina ako nitong hinampas. "Ikaw na talaga girl! Ang galing mong umakting! Haha, nauto mo na naman si ate Sol!""Of course. L
SOL POVSABAY kaming apat na pumasok sa loob. Iginaya naman kami ng mga crew papuntang second floor, doon kasi ang private dinning area na para sa amin. Maayos at maingat ang bawat kilos ng mga crew, lalo na ng makita nilang kasama namin si Raddix.Hindi ko nga lubos akalain na sasama ito sa akin. I mean he is a busy guy! Hindi niya isasakripisyo ang oras niya para lang sa ganitong klaseng bagay 'di ba? Ok, I guess I was wrong."Wow! This place looks so amazing! Ang ganda right, baby?" si Sandy at tinapunan ng tingin si Luke na malayo ang iniisip. "Hey, you ok? You're spacing out.""H-Ha? Sorry. A-Ano nga ulit iyong sinabi mo?" pabalik na tanong ni Luke."Nevermind. By the way, lets go na nga! I'm so hungry na kasi!" wika ni Sandy at hinatak si Luke para maupo sila sa isang table.Naupo naman kami ni Luke sa isang table katabi nila. Actually, dalawang table lang iyong nandito sa loob. Feeling ko nga prepared na iyong lugar para s
SANDY POV"WE NEED to go home, Luke," malamig kong saad sa kaniya. Sinubukan ko pa siyang hatakin palabas pero dere-deretso lang ito at pumasok sa loob ng bar."Luke, ano ba! Umuwi na nga tayo!" sigaw ko ulit at nagpapadyak. Kainis, ang kulit!Wala naman akong choice kundi ang sundan ito sa loob. Natagpuan ko naman itong nakaupo sa counter at may hawak-hawak ng nakakalasing na inumin.Gosh, I didn't he is serious about his feelings towards my sister! Ano namang nagustuhan niya sa babaeng 'yon? Like, duuuh? Mas maganda at sexy naman ako do'n? Argh, sumasakit lang ang ulo kapag naalala ko ang nangyari kanina. What's with those two boys? Si ate pinag-aagawan nila? Eww wala silang taste. "Give me vodka please," sabi ko sa bartender saka umupo sa tabi ni Luke."Copy, Ma'am," aniya at kinindatan pa ako.Tiningnan ko naman ang crush kong broken hearted. "What now, Luke? Balak mo bang lunurin ang sarili mo sa alak? Gh
HINDI KO alam ang isasagot ko! Nagkandahalo-halo na ang mga salita sa utal ko. Mas mahirap pa 'tong sagutan kumpara sa math problems! Ahhh!"Y-You don't have to answer that. I'm sorry for talking nonsense," walang emosyon na saad ni Luke. Ginulo niya ang buhok niya. "Kung ano-ano na naman pinagsasabi ko tss."Tumikhim ako. Nagtagpo naman ang paningin namin, ngunit siya agad ang unang bumawi ng tingin."T-Tara na, b-baka ma-late ka pa," aniya at naunang naglakad. Pa ika-ika naman ito kaya inalalayan ko ulit siya."Dumaan muna tayo sa infirmary," suhestyon ko.Hindi na siya sumagot. Nasa malayo ang paningin nito, tila iniiwasan na magtagpo ulit ang mga mata namin.Magkasama kaming pumunta sa infirmary. Mabuti na lang at may available na nurse doon kaya agad nagamot ang sugat ni Luke. Pagkatapos ay pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming klase. The usual Luke will give his genuine smile before leaving.
SANDY POV"WHAT?! SERIOUSLY? I MEAN SI LUKE?! OMG! SABI NA E!"Napatakip na lang ako ng tenga dahil sa matinis na tili ni Rain. Tsk, ang ingay-ingay talaga ng babaeng 'to."H-Hindi nga ako makapaniwala, feeling ko nagjoke-joke lang 'yon," wika naman ni Sol.Wait... are they talking about the confesion of Luke?Inis kong hinila ang kamay ni Sol. "Hoy, ate seryosohin mo nga 'yong sinabi ni Luke! Mukha bang nagjo-joke 'yon? May gusto nga sa'yo 'yong tao! Bawas-bawasan mo iyang pagiging manhid mo ah, nakakairita!" gigil kong sigaw. Napapatingin tuloy sa amin ang iilang estudyante na nakatambay sa hallway. Inirapan ko naman sila. Pweh, mga tsismosa."Sus, selos ka naman? Wala ka pala dito kay Sol e! Yabang-yabang 'di naman kina-crushback," nang-iinis na usal ni Rain sa akin.Akma ko sana siyang sasabunutan ng biglang pumagitna ang kambal ko."Tama na, tumigil na kayo. Nakakahiya sa mga estudyante oh.""It
SOL POVNAGING memorable sa akin ang gabing 'yon. Ang dami kong natutunan kay Raddix, ang galing niya kasi magturo. Tinanong ko nga kung bakit hindi na lang siya naging professor, ang sagot naman ay hindi daw iyon ang gusto niya. Gusto niya raw maging doctor surgeon.Pero naging engineer by profession naman siya ngayon. Currently handling the Varzen Group of companies as CEO and leader of the Black Swan Organization. To make the story short... hindi niya nagawa iyong mga bagay na gusto niya. Mas pinili niyang i-fullfil ang pangarap ng dad niya. Kinalimutan niya lahat ng gusto niya alang-alang sa satisfaction ng pamilya niya.Marami siyang kinuwento sa'kin na mga bagay-bagay na hindi ko alam. Para kwits, nagkwento rin ako ng mga bagay-bagay na hindi niya alam.We talked happily that night. Ang saya lang. Sobra. Ang gaan niyang kausap. Mas nakilala namin ang isa't-isa. Hindi ko alam na gano'n pala ang pagkatao niya."Ang tahi
More months after...SANDY POVOBSTACLES don’t have to stop you. If you run into a wall, don’t turn around and give up. Figure out how to climb it, go through it, or work around it. Being challenged in life is inevitable, being defeated is optional. Oh 'di ba? Ganda ng opening statement ko? Syempre pa-ending na e HAHAHA charot.Oh siya, back to reality. Ehem.Maingat kong nilagay ang dalang bulaklak sa dalawang puntod na nasa harap ko ngayon. Umupo ako sa damuhan at mapait ang ngiting tiningnan ang mga iyon."Magkasama na kayo, siguro naman hindi na kayo mababagot diyan," wika ko at pinaglandas ang kamay sa pangalan nilang nakasulat sa lapida. "Sana masaya na kayo kung saan man kayo naroroon. Huwag kayong mag-alala, ayos lang kami rito. Ito maganda pa rin anak niyo. Walang kupas," pagbibiro ko pa.Napatingin na lamang ako sa magandang kalangitan. Napakaganda ng hugis ng mga ulap, tumitingkad pa iyon sa tuwing nadidikit sa a
NA-BLANKO bigla ang utak ko. Maski ang paghinga ata ay panandalian kong nakalimutan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Raddix at sa labas ng kotse. Hindi ko alam ang gagawin ko!"Sh*t!" singhal ni Raddix. Ilang segundo ring nagpagewang-gewang ang kotseng sinasakyan namin hanggang sa sapilitan niya iyong ibinangga sa isang posteng nakasuporta sa tulay na kinalalagyan namin ngayon.Tagumpay na nahinto ang kotse. Buong pasasalamat ko na hindi ako nagtamo ng kahit anong sugat. Agad naman akong sinuri ni Raddix, tinanong nang paulit-ulit kung ayos lang ba ako. Sinuri ko rin ang kalagayan niya at gaya ko'y hindi rin ito nagtamo ng malalang sugat.Ang akala ko ay tuluyan ng nabunutan ng tinik ang lalamunan ko, ngunit tila mas dumami pa ang bumara doon nang marinig ang malalakas na sigaw sa labas.Mga aso ni Sarry. Na pilit kaming pinabababa. Ilang beses akong napalunok ng laway at nanginginig ang kamay na tiningnan si Raddix."W-What now? How can w
"MALUWAG kasi ang pagkakatali mo sa mga aso mo kaya nakatakas," patawa-tawang usal ni Flame. "I'm still the king of this mafia group, Honey. Sa akin pa rin sila susunod, kahit anong pag-aalaga at pagpapakain mo sa kanila.""D*mn you! Die already!""You first," asik nito at sinenyasan ang lahat ng mga kasamang nasa likod. Pumalibot naman ang mga iyon kay Sarry at sabay-sabay na itinutok ang baril. Maya't-maya pa'y tumingin sa dereksyon namin si Flame. "Umalis na kayo, ako na bahala rito."Bago pa man ako makapagtanong ay agad na hinawakan ni Raddix ang pulsuhan ko at hinila paalis doon."You owe me a lot love birds!" sigaw ni Flame. Nginitian kami nito sa huling pagkakataon.Pailing-iling na lamang si Raddix at ipinagpatuloy ang paghila sa'kin paalis doon. Rinig pa nga ang pahabol na sigaw at mura ni Sarry. Ngunit alam kong wala na dapat akong ipag-alala, dahil siguradong hindi na siya makakaalis doon!Mabilis ang bawat hakbang namin ka
TILA may bumara sa lalamunan ko dahilan para bumigat ang paghinga ko. Hindi ko maitago ang kabang unti-unting lumulukob sa sistema ko!Naramdaman ko naman ang paghawak ni Raddix sa kamay ko, kahit papaano'y nabawasan ang panginginig no'n."Don't worry, will be fine. I'll promise," bulong niya sa'kin. Ngunit alam kong gaya ko ay natatakot din siya sa maaaring mangyari. Knowing that witch? Hindi iyon magdadalawang isip na gumawa ng kabaliwan.Rinig naman ang mahihinang tawa at papalapit na yabag ni Sarry. Mas lalong nagharumentado ang puso ko nang makitang marami itong kasama--- mga aso niyang nakatutok ang mga baril sa'min."Bakit naman ganiyan ang mga mukha ninyo? Hindi niyo ba inaasahan na buhay pa rin ako? Hmm well, sorry for the surprise. But h*ll yeah, I'm here... breathing and alive," nakangising wika nito. Humakbang naman ito habang nanatili ang nakakairita niyang ngisi. "Natutuwa ako na malamang hindi pa rin kayo nakakalabas. Sayang naman kas
"AVIEL Katniss," mahinang sambit ni Raddix sa pangalan nito.Taimtim ko namang pinanood ang paglapit niya. Walang emosyon niyang binagtas ang ilang metrong pagitan niya sa'min ni Raddix.Avie looks the same. Her signature curly brown hair and her model-like height didn't change. Yet, I found it wierd seeing her wearing a blank-face. I am used to see her b*tchy awra."Don't do anything stup*d that you might regret after, Aviel. I won't think twice releasing all the bullets from my gun and shoot your head," malamig na saad ni Raddix at itinago pa ako sa likod.Nagpapalipat-lipat naman ang tingin ni Avie sa'min bago tuluyang magsalita, "I didn't wait here for almost an hour just to kill the both of you. Kung may balak man akong patayin kayo, kanina ko pa sana ginawa habang naglalandian kayo sa cell."Kinain agad ng hiya ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Nakita niya ang nangyari kanina? Nandoon ba siya? Ba't hindi ko napansin?!Un
HINAWAKAN naman niya ang dalawa kong kamay habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mata niya. "C-Can you s-say it again? Please, I-I want to hear it again, wife.""Raddix," I gulped. "We're having a baby."Mas lalo siyang naiyak. Sinubukan niyang pigilan ang pagtulo ng mga luha ngunit bigo siya. Parang sirang gripo iyong walang humpay sa pag-agos. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit. Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak sa balikat ko."I thought you'll be mad if I tell you I'm pregnant," natatawa kong sabi kahit ang mga luha sa mata'y patuloy din ang pag-agos."W-Why would I-I?" wika nito sa kalagitnaan ng paghikbi. "H-Happiness and joy is understatement. Those w-word's aren't enough to describe what I-I feel right now. I want to jump, I-I want to shout, but my mind is filled with too much delight that the only thing I could is to cry."Napabuga na lamang ako ng hangin. Saka ang pagwika, "Dorry told me that we mi
NAUNANG maglakad ang isang armadong lalaki habang nakasunod naman sa'kin ang isa. Habang binabagtas ang mahabang hallway, palihim kong pinagmasdan ang baril na hawak nila.Klyton was right, Scorpion is not prepared for tonight's war. Halatang hindi pa dumadating ang mga bago nilang armas na galing pa sa ibang bansa. And for Alphanatom, hindi sila madaling makakapunta rito para tulungan ang scorpion. Si Hermes at Demeter na ang bahalang magpatahimik sa mga iyon. The roadway 36 was their secret passage.Nang mapansin kong nasa kalagitnaan na kami ng hallway... doon ko na sinimulan ang sunod na plano.Huminto ako sa paglalakad at umaktong masakit ang paa. "I-I can't walk."Dali-dali namang nahinto ang dalawa at nilapitan ako."Ano bang problema?""Ayos lang ba kayo?"Mas lalo kong pinag-igihan ang pag-arte."Ouch! It hurts, I can't walk!" pekeng daing ko. Natawa naman ako sa isip nang makita ang nag-aalalang mga
NAGTATAASANG mga puno at madilim na daan ang binabagtas ng sasakyan namin ngayon. Parang setting nga ito ng mga horror movies na napanood ko. Walang ibang dumaraan na mga sasakyan, wala ka ring makikitang mga bahay na nakatayo.Maging ang nagbabangayan na si Klyton at Krypton ay biglang natahimik. Hindi man aminin ng dalawa, alam kung gaya ko ay natatakot din sila.Ilang minuto rin naming tiniis ang gano'ng ambience hanggang sa marating namin ang isang tulay. Sa dulo no'n ay nakita namin ang maraming ilaw na sigurado akong nagmumula sa mga bahay at establishemento."Nandito na tayo," bulong ni Klyton habang nasa hawak na cellphone ang paningin.Hindi ko namalayang humigpit na pala ang kapit ko sa seat bealt na suot ko. Napuno nang malalalim na pagbuntong hininga ang loob ng sasakyan. Habang papalapit ang kotse'y ramdam ko ang mas lalong paglakas ng kabog ng dibdib ko. Pinigilan ko na nga ang utak na huwag mag-isip ng kung ano-anong masasama, m
"SA COLD CITY ang karaniwang tirahan ng mga ex-conv*ct at mga taong sangkot sa iba't-ibang illegal na gawain. Madalas akong isama ni Rossel sa tuwing dadalawin niya ang asawang' nakatira roon. Delikado at tago ang lugar, mahirap i-locate. Kung makapasok ka man, hindi ka na makakabalik... lalo na kapag nalaman nilang hindi ka kaanib."Ilang beses akong napalunok ng laway nang marinig ang sinabi ni Dorry. Hindi naman siya nanakot, pero ramdam ko ang panginginig ng tuhod dahil sa sinabi niya.Naiisip ko pa lang na pupunta kami roon, parang hihimatayin na ako sa kaba.Pero hindi ngayon ang oras para magpakain sa takot. Kung ang pagpunta sa lugar na iyon ang tanging paraan para maligtas ang black swan at matigil na sa kahibangan ang scorpion at alphanatom...hindi ako aatras."Pero kung mapilit kayo at talagang gusto niyong pumunta roon... wala na akong magagawa," dugtong pa nito at isinara ang librong binabasa. Walang emosyon niya akong tiningnan. "B