SOL POVSABAY kaming apat na pumasok sa loob. Iginaya naman kami ng mga crew papuntang second floor, doon kasi ang private dinning area na para sa amin. Maayos at maingat ang bawat kilos ng mga crew, lalo na ng makita nilang kasama namin si Raddix.Hindi ko nga lubos akalain na sasama ito sa akin. I mean he is a busy guy! Hindi niya isasakripisyo ang oras niya para lang sa ganitong klaseng bagay 'di ba? Ok, I guess I was wrong."Wow! This place looks so amazing! Ang ganda right, baby?" si Sandy at tinapunan ng tingin si Luke na malayo ang iniisip. "Hey, you ok? You're spacing out.""H-Ha? Sorry. A-Ano nga ulit iyong sinabi mo?" pabalik na tanong ni Luke."Nevermind. By the way, lets go na nga! I'm so hungry na kasi!" wika ni Sandy at hinatak si Luke para maupo sila sa isang table.Naupo naman kami ni Luke sa isang table katabi nila. Actually, dalawang table lang iyong nandito sa loob. Feeling ko nga prepared na iyong lugar para s
SANDY POV"WE NEED to go home, Luke," malamig kong saad sa kaniya. Sinubukan ko pa siyang hatakin palabas pero dere-deretso lang ito at pumasok sa loob ng bar."Luke, ano ba! Umuwi na nga tayo!" sigaw ko ulit at nagpapadyak. Kainis, ang kulit!Wala naman akong choice kundi ang sundan ito sa loob. Natagpuan ko naman itong nakaupo sa counter at may hawak-hawak ng nakakalasing na inumin.Gosh, I didn't he is serious about his feelings towards my sister! Ano namang nagustuhan niya sa babaeng 'yon? Like, duuuh? Mas maganda at sexy naman ako do'n? Argh, sumasakit lang ang ulo kapag naalala ko ang nangyari kanina. What's with those two boys? Si ate pinag-aagawan nila? Eww wala silang taste. "Give me vodka please," sabi ko sa bartender saka umupo sa tabi ni Luke."Copy, Ma'am," aniya at kinindatan pa ako.Tiningnan ko naman ang crush kong broken hearted. "What now, Luke? Balak mo bang lunurin ang sarili mo sa alak? Gh
HINDI KO alam ang isasagot ko! Nagkandahalo-halo na ang mga salita sa utal ko. Mas mahirap pa 'tong sagutan kumpara sa math problems! Ahhh!"Y-You don't have to answer that. I'm sorry for talking nonsense," walang emosyon na saad ni Luke. Ginulo niya ang buhok niya. "Kung ano-ano na naman pinagsasabi ko tss."Tumikhim ako. Nagtagpo naman ang paningin namin, ngunit siya agad ang unang bumawi ng tingin."T-Tara na, b-baka ma-late ka pa," aniya at naunang naglakad. Pa ika-ika naman ito kaya inalalayan ko ulit siya."Dumaan muna tayo sa infirmary," suhestyon ko.Hindi na siya sumagot. Nasa malayo ang paningin nito, tila iniiwasan na magtagpo ulit ang mga mata namin.Magkasama kaming pumunta sa infirmary. Mabuti na lang at may available na nurse doon kaya agad nagamot ang sugat ni Luke. Pagkatapos ay pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming klase. The usual Luke will give his genuine smile before leaving.
SANDY POV"WHAT?! SERIOUSLY? I MEAN SI LUKE?! OMG! SABI NA E!"Napatakip na lang ako ng tenga dahil sa matinis na tili ni Rain. Tsk, ang ingay-ingay talaga ng babaeng 'to."H-Hindi nga ako makapaniwala, feeling ko nagjoke-joke lang 'yon," wika naman ni Sol.Wait... are they talking about the confesion of Luke?Inis kong hinila ang kamay ni Sol. "Hoy, ate seryosohin mo nga 'yong sinabi ni Luke! Mukha bang nagjo-joke 'yon? May gusto nga sa'yo 'yong tao! Bawas-bawasan mo iyang pagiging manhid mo ah, nakakairita!" gigil kong sigaw. Napapatingin tuloy sa amin ang iilang estudyante na nakatambay sa hallway. Inirapan ko naman sila. Pweh, mga tsismosa."Sus, selos ka naman? Wala ka pala dito kay Sol e! Yabang-yabang 'di naman kina-crushback," nang-iinis na usal ni Rain sa akin.Akma ko sana siyang sasabunutan ng biglang pumagitna ang kambal ko."Tama na, tumigil na kayo. Nakakahiya sa mga estudyante oh.""It
SOL POVNAGING memorable sa akin ang gabing 'yon. Ang dami kong natutunan kay Raddix, ang galing niya kasi magturo. Tinanong ko nga kung bakit hindi na lang siya naging professor, ang sagot naman ay hindi daw iyon ang gusto niya. Gusto niya raw maging doctor surgeon.Pero naging engineer by profession naman siya ngayon. Currently handling the Varzen Group of companies as CEO and leader of the Black Swan Organization. To make the story short... hindi niya nagawa iyong mga bagay na gusto niya. Mas pinili niyang i-fullfil ang pangarap ng dad niya. Kinalimutan niya lahat ng gusto niya alang-alang sa satisfaction ng pamilya niya.Marami siyang kinuwento sa'kin na mga bagay-bagay na hindi ko alam. Para kwits, nagkwento rin ako ng mga bagay-bagay na hindi niya alam.We talked happily that night. Ang saya lang. Sobra. Ang gaan niyang kausap. Mas nakilala namin ang isa't-isa. Hindi ko alam na gano'n pala ang pagkatao niya."Ang tahi
HINDI ko alam kung bakit ako na lungkot sa sinabi ni Clyden. Naiinis din ako sa sarili ko, dahil hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling 'yong lungkot na nararamdaman ko ngayon.Avie is Raddix's special girl. Yeah, a special one... in his heart... maybe?"Close sila masyado to the point na gustong-gusto na sila ipakasal ni mom," natatawang pang sabi ni Clyden. "Avie is kind and understanding. Siya lang ang nakakatiis sa ugali ni Lord Raddix."Tumango-tango lang ako. Sa totoo lang ay ayoko talagang makinig kay Clyden, ewan ko kung bakit. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Bakit ba kasi ako nalulungkot? Anong rason?"Nagtataka nga ako kung bakit hindi naging sila, siguro dahil masyado masunurin ang kapatid ko kay dad at inuna niya ang organization kesa sa puso niya."Napabuntong-hininga na lamang ako."M-Matutuwa si Raddix kapag malaman niyang umuwi na s-si Avie," wika ko na ikinatango naman ni Clyden."Exactly. Raddix might
SANDY POV"ANONG GINAGAWA mo rito?" gulat na bulalas ni Luke nang makita ako. Salubong ang kilay at halata sa mukha na hindi ito natutuwang makita ako.Inirapan ko lang ito."Grabe ka naman mang-welcome. Na-touch ako. Sobra," inis kong sabi kay Luke."Bakit ka ba kasi nandito? Anong sadya mo?"Syempre ikaw, alangan naman tatay mo! Hmp!Na-miss ko 'tong si Luke e. Ilang linggo ko na siyang hindi nakikita, kaya naman pumunta ako ngayon sa kanila.Nginitian ko naman siya nang malapad."Ikaw baby ko---HOOY!"Taena, pinagsarhan ba naman ako ng pinto?! Arghhh!"Umuwi ka na!" bulyaw nito sa'kin sa bintana. "Sinisira mo gabi ko---aray naman Ma!" daing nito ng makatanggap ng batok galing kay tita."Hello, Sandy! Napadalaw ka ah? Anong meron hija?" si tita pagkabukas ng pintuan. "Tara, pasok ka.""Mama, pauwiin niyo nga 'yan.""Tumigil ka, Luke."Napanguso na lamang si Luke.saka ang pag-upo s
I TRIED to revive myself. Kumain ako ng mga paborito kong pagkain at nanood ng paborito kong palabas sa cellphone ko. Mabuti na lang at maraming vacant, kaya nakapag-relax ako kahit papaano. Luke was all by my side, kahit na masakit pa ang katawan nito. Sinamahan ko nga siya kanina sa school infirmary para magpalinis ng mga sugat niya.Ok na kami Luke, bumalik na kami sa normal. Sumama siya sa amin ni Rain kaninang lunch. Expected ko na wala ang presenya ni Sandy dahil alam kong galit pa rin sa'kin ang babaeng 'yon.School done. Dali-dali naman akong sumakay sa nakaparadang kotse na minamaneho ng mga nagw-gwapohang driver. Sino pa ba?"Mav! Chad!" tawag ko sa pangalan nila.Agad naman akong nilingon ng dalawa saka pinagbuksan ng pinto. Pumasok naman ako sa loob at nginitian sila. Ngunit naglaho ang ngiti ko ng mapansing iniiwasan nila ang tingin ko. Ang tahimik din nila. Naninibago ako."A-Ayos lang ba kayo? May problema ba?" nag-alala kong tanong.
More months after...SANDY POVOBSTACLES don’t have to stop you. If you run into a wall, don’t turn around and give up. Figure out how to climb it, go through it, or work around it. Being challenged in life is inevitable, being defeated is optional. Oh 'di ba? Ganda ng opening statement ko? Syempre pa-ending na e HAHAHA charot.Oh siya, back to reality. Ehem.Maingat kong nilagay ang dalang bulaklak sa dalawang puntod na nasa harap ko ngayon. Umupo ako sa damuhan at mapait ang ngiting tiningnan ang mga iyon."Magkasama na kayo, siguro naman hindi na kayo mababagot diyan," wika ko at pinaglandas ang kamay sa pangalan nilang nakasulat sa lapida. "Sana masaya na kayo kung saan man kayo naroroon. Huwag kayong mag-alala, ayos lang kami rito. Ito maganda pa rin anak niyo. Walang kupas," pagbibiro ko pa.Napatingin na lamang ako sa magandang kalangitan. Napakaganda ng hugis ng mga ulap, tumitingkad pa iyon sa tuwing nadidikit sa a
NA-BLANKO bigla ang utak ko. Maski ang paghinga ata ay panandalian kong nakalimutan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Raddix at sa labas ng kotse. Hindi ko alam ang gagawin ko!"Sh*t!" singhal ni Raddix. Ilang segundo ring nagpagewang-gewang ang kotseng sinasakyan namin hanggang sa sapilitan niya iyong ibinangga sa isang posteng nakasuporta sa tulay na kinalalagyan namin ngayon.Tagumpay na nahinto ang kotse. Buong pasasalamat ko na hindi ako nagtamo ng kahit anong sugat. Agad naman akong sinuri ni Raddix, tinanong nang paulit-ulit kung ayos lang ba ako. Sinuri ko rin ang kalagayan niya at gaya ko'y hindi rin ito nagtamo ng malalang sugat.Ang akala ko ay tuluyan ng nabunutan ng tinik ang lalamunan ko, ngunit tila mas dumami pa ang bumara doon nang marinig ang malalakas na sigaw sa labas.Mga aso ni Sarry. Na pilit kaming pinabababa. Ilang beses akong napalunok ng laway at nanginginig ang kamay na tiningnan si Raddix."W-What now? How can w
"MALUWAG kasi ang pagkakatali mo sa mga aso mo kaya nakatakas," patawa-tawang usal ni Flame. "I'm still the king of this mafia group, Honey. Sa akin pa rin sila susunod, kahit anong pag-aalaga at pagpapakain mo sa kanila.""D*mn you! Die already!""You first," asik nito at sinenyasan ang lahat ng mga kasamang nasa likod. Pumalibot naman ang mga iyon kay Sarry at sabay-sabay na itinutok ang baril. Maya't-maya pa'y tumingin sa dereksyon namin si Flame. "Umalis na kayo, ako na bahala rito."Bago pa man ako makapagtanong ay agad na hinawakan ni Raddix ang pulsuhan ko at hinila paalis doon."You owe me a lot love birds!" sigaw ni Flame. Nginitian kami nito sa huling pagkakataon.Pailing-iling na lamang si Raddix at ipinagpatuloy ang paghila sa'kin paalis doon. Rinig pa nga ang pahabol na sigaw at mura ni Sarry. Ngunit alam kong wala na dapat akong ipag-alala, dahil siguradong hindi na siya makakaalis doon!Mabilis ang bawat hakbang namin ka
TILA may bumara sa lalamunan ko dahilan para bumigat ang paghinga ko. Hindi ko maitago ang kabang unti-unting lumulukob sa sistema ko!Naramdaman ko naman ang paghawak ni Raddix sa kamay ko, kahit papaano'y nabawasan ang panginginig no'n."Don't worry, will be fine. I'll promise," bulong niya sa'kin. Ngunit alam kong gaya ko ay natatakot din siya sa maaaring mangyari. Knowing that witch? Hindi iyon magdadalawang isip na gumawa ng kabaliwan.Rinig naman ang mahihinang tawa at papalapit na yabag ni Sarry. Mas lalong nagharumentado ang puso ko nang makitang marami itong kasama--- mga aso niyang nakatutok ang mga baril sa'min."Bakit naman ganiyan ang mga mukha ninyo? Hindi niyo ba inaasahan na buhay pa rin ako? Hmm well, sorry for the surprise. But h*ll yeah, I'm here... breathing and alive," nakangising wika nito. Humakbang naman ito habang nanatili ang nakakairita niyang ngisi. "Natutuwa ako na malamang hindi pa rin kayo nakakalabas. Sayang naman kas
"AVIEL Katniss," mahinang sambit ni Raddix sa pangalan nito.Taimtim ko namang pinanood ang paglapit niya. Walang emosyon niyang binagtas ang ilang metrong pagitan niya sa'min ni Raddix.Avie looks the same. Her signature curly brown hair and her model-like height didn't change. Yet, I found it wierd seeing her wearing a blank-face. I am used to see her b*tchy awra."Don't do anything stup*d that you might regret after, Aviel. I won't think twice releasing all the bullets from my gun and shoot your head," malamig na saad ni Raddix at itinago pa ako sa likod.Nagpapalipat-lipat naman ang tingin ni Avie sa'min bago tuluyang magsalita, "I didn't wait here for almost an hour just to kill the both of you. Kung may balak man akong patayin kayo, kanina ko pa sana ginawa habang naglalandian kayo sa cell."Kinain agad ng hiya ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Nakita niya ang nangyari kanina? Nandoon ba siya? Ba't hindi ko napansin?!Un
HINAWAKAN naman niya ang dalawa kong kamay habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mata niya. "C-Can you s-say it again? Please, I-I want to hear it again, wife.""Raddix," I gulped. "We're having a baby."Mas lalo siyang naiyak. Sinubukan niyang pigilan ang pagtulo ng mga luha ngunit bigo siya. Parang sirang gripo iyong walang humpay sa pag-agos. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit. Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak sa balikat ko."I thought you'll be mad if I tell you I'm pregnant," natatawa kong sabi kahit ang mga luha sa mata'y patuloy din ang pag-agos."W-Why would I-I?" wika nito sa kalagitnaan ng paghikbi. "H-Happiness and joy is understatement. Those w-word's aren't enough to describe what I-I feel right now. I want to jump, I-I want to shout, but my mind is filled with too much delight that the only thing I could is to cry."Napabuga na lamang ako ng hangin. Saka ang pagwika, "Dorry told me that we mi
NAUNANG maglakad ang isang armadong lalaki habang nakasunod naman sa'kin ang isa. Habang binabagtas ang mahabang hallway, palihim kong pinagmasdan ang baril na hawak nila.Klyton was right, Scorpion is not prepared for tonight's war. Halatang hindi pa dumadating ang mga bago nilang armas na galing pa sa ibang bansa. And for Alphanatom, hindi sila madaling makakapunta rito para tulungan ang scorpion. Si Hermes at Demeter na ang bahalang magpatahimik sa mga iyon. The roadway 36 was their secret passage.Nang mapansin kong nasa kalagitnaan na kami ng hallway... doon ko na sinimulan ang sunod na plano.Huminto ako sa paglalakad at umaktong masakit ang paa. "I-I can't walk."Dali-dali namang nahinto ang dalawa at nilapitan ako."Ano bang problema?""Ayos lang ba kayo?"Mas lalo kong pinag-igihan ang pag-arte."Ouch! It hurts, I can't walk!" pekeng daing ko. Natawa naman ako sa isip nang makita ang nag-aalalang mga
NAGTATAASANG mga puno at madilim na daan ang binabagtas ng sasakyan namin ngayon. Parang setting nga ito ng mga horror movies na napanood ko. Walang ibang dumaraan na mga sasakyan, wala ka ring makikitang mga bahay na nakatayo.Maging ang nagbabangayan na si Klyton at Krypton ay biglang natahimik. Hindi man aminin ng dalawa, alam kung gaya ko ay natatakot din sila.Ilang minuto rin naming tiniis ang gano'ng ambience hanggang sa marating namin ang isang tulay. Sa dulo no'n ay nakita namin ang maraming ilaw na sigurado akong nagmumula sa mga bahay at establishemento."Nandito na tayo," bulong ni Klyton habang nasa hawak na cellphone ang paningin.Hindi ko namalayang humigpit na pala ang kapit ko sa seat bealt na suot ko. Napuno nang malalalim na pagbuntong hininga ang loob ng sasakyan. Habang papalapit ang kotse'y ramdam ko ang mas lalong paglakas ng kabog ng dibdib ko. Pinigilan ko na nga ang utak na huwag mag-isip ng kung ano-anong masasama, m
"SA COLD CITY ang karaniwang tirahan ng mga ex-conv*ct at mga taong sangkot sa iba't-ibang illegal na gawain. Madalas akong isama ni Rossel sa tuwing dadalawin niya ang asawang' nakatira roon. Delikado at tago ang lugar, mahirap i-locate. Kung makapasok ka man, hindi ka na makakabalik... lalo na kapag nalaman nilang hindi ka kaanib."Ilang beses akong napalunok ng laway nang marinig ang sinabi ni Dorry. Hindi naman siya nanakot, pero ramdam ko ang panginginig ng tuhod dahil sa sinabi niya.Naiisip ko pa lang na pupunta kami roon, parang hihimatayin na ako sa kaba.Pero hindi ngayon ang oras para magpakain sa takot. Kung ang pagpunta sa lugar na iyon ang tanging paraan para maligtas ang black swan at matigil na sa kahibangan ang scorpion at alphanatom...hindi ako aatras."Pero kung mapilit kayo at talagang gusto niyong pumunta roon... wala na akong magagawa," dugtong pa nito at isinara ang librong binabasa. Walang emosyon niya akong tiningnan. "B