Home / Romance / Married to the Beast / CHAPTER 4: Varzens

Share

CHAPTER 4: Varzens

Author: wordinksoul
last update Last Updated: 2022-02-25 20:42:13

"I DON'T need saving," buong tapang kong usal saka ang marahas na pagtanggal sa kamay ng lalaking tinatawag na Taurus. "Hindi ko kailangan ng taong ipagtatanggol ako. I can save myself."

Sumilay ang mapilyong ngiti ng lalaki. "What a tough girl huh? My type."

Type mong mukha mo!

"Gawin mo na kung anong gusto mong gawin! Huwag mo ng idamay ang tatlong 'yon!" sabi ko at itinuro sina Ryo, Maverick at Chad na patuloy pa ring pinapahirapan ng mga kaaway.

"So, gusto mo talagang mamatay?" tanong ng lalaki at nilapit pa ang mukha sa akin. Ba't ba 'to dikit nang dikit sa'kin? Tss.

Nakipaglaban ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi ako takot mamatay."

"Woah! Are you really that desperate to end your life today?" hindi makapaniwala nitong tanong. "Sayang, type pa naman kita. You're such a chic, Solly."

"Mas mabuti ng mamatay kesa pumatol sa'yo!" bulyaw ko sa kaniya. Ngunit natigilan ako saglit nang mapagtanto ang isang bagay. Teka, paano niya nalaman ang pangalan ko?

Muling bumalik ang atensyon ko sa lalaking nagngangalang Taurus. Tinawanan lang nito nang mala-demonyo ang mga sinabi ko. Maya't-maya'y nagkasa ito ng baril at itinutok sa mukha ko.

Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko dahilan para panadalian akong mahirapang huminga. Taimtim na lang akong napapikit. Mamatay na ba ako?

"So you choose death over me? Alam mo ba kung gaano karami ang nagkakandarapang mga babae sa'kin? Wrong choice, darling."

"Tangina mo, Taurus! Huwag na huwag kang gagawa ng desisyon na pagsisihan mo!" inis ni sigaw ni Maverick habang nanatiling nakasalampak ang katawan sa malamig na semento, at walang habas na pinagbubugbog ng mga kasamahan ng malanding lalaking nasa harap ko ngayon.

Pinakyuhan lang siya ni Taurus. Muli naman niyang itinutok ang baril sa akin.

"Count one-two-three, baby."

Ok, mamamatay na talaga ako!

Hindi maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko. Gustong-gusto ko lumaban pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay dumikit na ang mga paa ko sa semento.

"One..," pagbibilang ni Taurus na mas lalong nagpakabog sa dibdib ko.

Sana pala hindi na ako nakipagpalit kay Sandy!

"Two..."

Sol, mag-isip ka! Mag-isip ka ng plano huwag kang tumunganga riyan! Bakit ba kasi wala na sa akin iyong baril?

"Three..."

Shit.

Kasabay ng pagbanggit niya ng numero ay ang mariing pagpikit ng mata ko, hinayaan ang balang tumama sa ulo ko. Ngunit nakalipas ang ilang segundo ay wala pa rin akong nararamdamang hapdi.

A-Anong nangyayari?

Pagkadilat ng mata ko'y nakabulagta na si Taurus pati ang mga kasamahan niya. Ngunit naagaw ang atensyon ko sa lalaking nasa harap ko. Nakasakay ito sa itim na motorsiklo habang ang kanang kamay ay may hawak na baril. 

Sino siya? S-Siya na kaya ang anak ni Mr.Varzen na tinutukoy ni Ryo kanina? 

Nasa likod naman ng lalaki ang bagong dating na tatlong kotse. Nang bumaba ang higit sa sampung mga tao doon ay agad nilang nilapitan sina Ryo, Maverick, at Chad para gamutin.

Nakahinga ako nang maluwag. Mga kakampi sila. 

"Solly, right?"

Automatiko akong napalingon sa lalaki. Unti-unti naman niyang tinanggal ang helmet. Nang tuluyang matanggal ay hindi ko maiwasang ma-astigan sa itsura nito. Kung nandito si Rain, malamang ay nagpapadyak na 'yon sa kilig o baka nagpa-picture pa.

He's handsome and cool. Hindi ko alam kung paano ide-describe features niya. He has a perfect face ratio.

"Do you have wounds?"

Umiling ako.

S-Sino siya? Siya na kaya si---

"No, I'm not Raddix. Besides, he sent me here to protect you," natatawa nitong sabi. Ilang sandali pa ay inabot nito ang kamay ko saka hinalikan. "I'm Clyden Louigi Varzen, brother of Lord Raddix and the youngest son of the Varzen Family. Nice meeting you, My lady."

**

LUKE'S Point of View

MABILIS lang natapos ang practice. Pinagpahinga muna kami ni coach sa mga benches na nakapaligid sa soccer field. Ilang oras din kasi kaming babad sa arawan at minsan ay fifteen minutes lang ang pahinga. 

Kada hapon bago umuwi ay kailangan naming mag-ensayo bilang paghahanda sa darating na soccer tournament. Kailangan naming manalo ngayong taon, tatlong magkakasunod-sunod na talo kami noong nakaraan e. Kailangang bumawi.

Nagtungo ako sa bench kung saan naroon ang sports bag ko. Kinuha ko naman ang tuwalya ko saka nagpunas ng pawis. Naupo ako at inunat ang nangangalay na mga binti. 

Ahh, nakakapagod.

"Luke omg ang gwapo mo!"

"I love you, Lukeee!"

"Pakasalan mo na ako, baby love! Ahh! I really like you Luke, please love me back!"

Napapailing na lang ako sa sigaw ng mga babae sa paligid. Nginitian at kinawayan ko na lang sila. I don't want to entertain them in the first place, ayoko rin namang magbigay ng false hope sa kanila. Wala ni isa sa kanila ang tipo ko.

Iginala ko naman ang paningin ko at nagbabakasakaling makita si Sol. Kanina ko pa siya hinahanap, pero ni anino nito ay hindi ko mahagilap. Nasaan na kaya 'yon? Akala ko ba manonood siya?  

"Looking for someone?"

Kunot-noo kong binalingan ang bagong dating.

"Why are you here?" salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya. Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin?

She just rolled her eyes and gave me the bottled water she was holding. 

"You're always rude to me, Luke. Kunti na lang iisipin kong crush mo na talaga ako."

Naibuga ko ng wala sa oras ang tubig na nasa bibig ko. "Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan, Sandy," saway ko sa kaniya at nagpunas ng bibig. "Seryoso, bakit ka nandito? Nasaan nga pala ang Ate mo?"

"At bakit si Sol ang hinahanap mo, e nandito naman ako?"

"Nasaan na ba si Kyle? Siya dapat ang kasama mo ngayon 'di ba?" pabalik na tanong ko at muling nilagok ang laman ng mineral water na bigay ni Sandy. Nag-aalangan pa nga akong tanggapin 'to e. Baka mamaya may love potion pala siyang inilagay dito. 

"Ah, si Kyle? Nakipagbreak ako sa kaniya kanina. I just caught him having sex with Mia in the library. The'yre such a horny dogs, eww."

Wait, they already broke up? Napabuga na lamang ako ng hangin. Bakit pa ba ako magugulat? Laro-laro lang ata kay Sandy ang pakikipagrelasyon.

"At bakit mo ako kinakausap?" pagtatanong ko ulit. Knowing her? Hindi naman ako ang mga tipo niya. Gusto niya ng mga bad boy at mga lalaking maipagmamalaki niya sa mga barkada.

"Bakit bawal? Ang arte nito." Lumapit naman siya at isinukbit ang mga kamay sa braso ko. "Paano kong sabihin kong crush kita?"

Nahihibang na naman ata 'to. Inalis ko naman ang kamay niya. "Stop playing around, Sandy. " 

"Why? What's wrong of having a crush on you?" Oh, you're pestering my life, kid.

"Nakainom ka ba?" pag-iiba ko ng usapan.

"Of course not!"

"Tss. Nasaan na ba ang kapatid mo?"

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Bakit ba hanap ka nang hanap sa kapatid kong wierdo ha? You like her, Luke?"

Shit.

"S-Sandy, pwede ba---"

"Answer me!" 

"Iuuwi na kita sa inyo." Akma ko sanang hahatakin pauwi si Sandy nang dumating si Rain, bestfriend ni Sol.

"Sandy! Luke!" pagtawag nito sa pangalan namin. Nakahinga ako nang maluwag. Tangina, hindi ko talaga matatagalan ang ugali nitong si Sandy. 

Patakbo namang lumapit si Rain. "Hala, bakit nandito pa kayo? Akala ko umuwi na kayo."

"Pauwi na rin kami," sabi ko at dumistansya kay Sandy. "Nakita mo ba si Sol?"

"H-Ha? Bakit? Wala ba rito?" tanong ni Rain at iginala ang paningin. "Di kaya umuwi na?"

No, hindi 'yon uuwi ng mag-isa. Argh, Sol nasaan ka na ba? 

"Huwag muna tayong umuwi, punta muna tayo sa mall!" masiglang suhestyon ni Sandy. Nagawa niya pang magsaya samantalang may posibilidad na nawawala ang Ate niya? Pambihira.

"Pass," sabi ko na ikinasama ng mukha ni Sandy. Mas gugustuhin ko pang magkulong sa bahay kaysa ang makasama ang babaeng 'to.

"Tss, ang killjoy mo!" bulyaw nito at nag-ikot pa ng mata.

"Kayo na lang ni Rain," suhestyon ko na ikinaigtad naman ng kaibigan ni Sol.

"Ayoko, magbabantay pa ako ng mga pamangkin ko 'no," pagtanggi rin nito.

"Tss, e 'di huwag!" inis na bulyaw ni Sandy sa amin. Aalis na sana ito ng bumalik ito at mabilis na hinalikan ako sa pisnge.

"Shit---"

"Call me later, Luke," aniya at naglakad paalis.

Tangina. 

"Woy, ano 'yon?! Type ka ata ni Sandy!" takip-bibig na wika ni Rain at hinampas pa ang braso ko.

"Nababaliw na ang batang 'yon," usal ko naman at pinunasan ang dumikit na lipstick sa pisnge ko. "Isasali pa ata ako sa listahan ng mga lalaki niya."

"Bakit? Maganda naman si Sandy ah? Hmm, pwera na lang kung may iba kang gusto."

Iniwas ko agad ang tingin kay Rain. Para alam ko na kung saan mapupunta ang usapan.

"A-Ano bang sinasabi mo?"

"Sus. In denial pa. Halata namang may gusto ko ka kay---"

"I-I have to go. Mauna ka ng umuwi," wika ko at dali-dali kinuha ang sports bag. "K-Kapag makita mo si Sol, sabihin mong mag-ingat siya sa pag-uwi," paalam ko at kumaripas ng takbo pumunta sa locker room. 

Muntikan na! Shit.

"Totoo ba? Nakita mo raw si Sol na sumakay ng itim na kotse?"

Natigilan ako ng marinig ang pag-uusap ng iilang estudyante sa hallway. Bakit nila pinag-uusapan si Sol?

Dali-dali akong lumapit sa dalawang babaeng nag-uusap. "Excuse me, Ladies. Did you see Sol?" tanong ko sa kanila.

"Ah, hi Luke! Hmm, yes nakita siya ng kaibigan ko kanina na sumakay sa itim na kotse. Akala nga namin service nila e, pero naalala namin na wala naman silang gano'ng sasakyan."

Kinain agad ako labis na kaba. Naiyukom ko ng wala sa oras ang mga palad ko.

"Sol..."

Related chapters

  • Married to the Beast   CHAPTER 5: Varzens 2

    SOL POVDAHIL sa nakakatakot na pangyayari kanina ay hindi ko tuloy ma-enjoy ang magarang view ng mansyon ng mga Varzen.Nakarating na kami ng ligtas, salamat sa mga tumulong sa'min at sa tulong ng lalaking nagngangalang Clyden. Ngunit hindi siya sumama sa'min pag-uwi, sabi ni Ryo ay may pupuntahan daw itong importante. Likas daw na maraming gawain ang magkakapatid na Varzen.Maraming mga maids, guards, at butlers ang sumalubong sa akin. Sabay-sabay pa silang yumuko nang makita ako. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng hiya. Bakit pa kasi kailangan nilang magbigay galang? 'Di ako sanay."This way, my lady," ani Ryo at iginaya ako sa malawak na living room. Napanganga ako sa sobrang ganda ng lugar! Mala-palasyo ang design! Lahat ng mga bagay na nakikita ko ay kumikinang at mamahalin!"Miss Solly Arien Santiago right?" pagtatanong bigla ng bagong dadating na babae, sa tantya ko nasa 40's pa lang ito, pero aakalain mong dalaga dahil fresh na f

    Last Updated : 2022-02-25
  • Married to the Beast   CHAPTER 6: With Clyden Varzen

    MAAGA akong nagising, nakakahiya kasing magpagising pa sa mga katulong rito. Mabuti na nga lang at maaga ring naghanda ng pagkain ang mga katulong. Pagkatapos mag-agahan ay dali-dali akong nagpaalam kay Ma'am Dorry para pumasok na. Hinatid naman ako ni Maverick at Chad. Wala raw si Ryo kasi naghahanda ito para sa pag-uwi ni Lord Raddix at Young Master Matthias galing Japan. Mamayang gabi ay aasahan daw na nandito na ang dalawa.Kinakabahan nga ako sa totoo lang. Dalawang Varzen pa nga lang ang nakikilala ko kahapon halos mahimatay na ako sa kaba! Tapos may dadagdag pang dalawa?! Kamalasan!Mabilis ang byahe kaya agad akong nakarating sa campus. Nagpasalamat muna ako kay Mav at Chad bago tuluyang pumasok sa loob."Sooolll!" salubong sa akin ni Rain. Mahigpit naman niya akong niyakap. "Waaahhh! Akala ko nakidnap ka na!"Nakidnap?"Ano bang pinagsasabi mo riyan?" Napanguso naman si Rain. "Ito kasing si Luke sinabihan akong nakidnap ka raw! Taranta nga

    Last Updated : 2022-03-01
  • Married to the Beast   CHAPTER 7: Arrival

    NAGING tuod na ako sa kinatatayuan ko. Nablanko bigla ang utak ko! Pakiramdam ko nga ay nanluwa na ang mata ko dahil sa labis na pagkagulat.Ano ba kasing pinagsasabi nitong si Clyden?! Gano'n ba ka big deal ang pagtanggi ko sa panlilibre niya?!"Oh sorry. Did I make you feel bad?" pagtatanong niya at dumistansya."Ayos ka lang ba?"Mukha ba akong ayos? Pambihira, sana hindi na ako sumama sa lalaking 'to."By the way, why don't we go to the ice cream shop?" masayang alok niya sa akin.Nawala na parang bula iyong pagka-yamot ko. Ice cream?! Waaah! Sandali! Favorite ko 'yan! Matagal na akong hindi nakakabili dahil sa dami ng kailangan kong bilhin sa school. Gusto ko mang itago ang ngiti ko ay hindi ko magawa."Sige, pero ako lang ang magbabayad ng bibilhin ko. Huwag mo akong ilibre ok?" paalala ko sa kaniya at binuksan ang back pack ko. "May pera ako rito---" Napakunot ang noo ko nang makitang ten pesos na alng ang nandoon. Pin

    Last Updated : 2022-03-01
  • Married to the Beast   CHAPTER 8: Red Vow

    NAHAWA na ata ako kay Clyden, maging ako ay halos pagpawisan na sa takot. Rinig ko na nga ang malakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan at panay ang tingin ko sa wrist watch. Pero teka, bakit nga pala ako natatakot? Wala naman akong ginagawang masama 'di ba? At saka, gano'n ba talaga ka strikto iyang Lord Raddix na 'yan at kailangan naming umuwi before seven? Ba't 'di ako inform na may curfew pala sa mansion ng mga Varzen?!"S-Sol, I-I'm sorry. I-I shouldn't have invited you to come with me. Shit, I'm so stupid! You'll be doomed because of me!" bulyaw ni Clyden sa sarili habang nagmamaneho. Pakiramdam ko nga ay lumilipad na ang sasakyan dahil sa sobrang bilis ng andar nito. Ahh, masusuka pa yata ako! Kailangan ko ng plastic bag!At dahil sa mabilis na pagmamaneho ni Clyden ay agad kaming nakarating sa mansion. Pagkalabas na pagkalabas ng sasakyan ay agad kaming sinalubong ng mga lalaking naka-itim at may hawak na mata

    Last Updated : 2022-03-01
  • Married to the Beast   CHAPTER 9: Something Odd

    WALA talaga akong balak magpakasal o ang pumasok sa isang relasyon. Itinataak ko na sa kasuluk-sulukan ng utak ko na hindi ako papasok sa dalawang bagay na iyan. Mas gugustuhin ko na lang magtravel o 'di kaya'y lumamon hanggang sa pagsawaan ko ang pera ko. Pero lahat ng plano kong iyon ay tila pader na basta na lang gumuho. Mag-IISANG LINGGO na akong ikinasal sa Lord Raddix na 'yon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Parang araw-araw akong sinasampal ng katotohanang tuluyan ng nagbago ang buhay ko. Hindi ako sanay na mabasa ang ibang apelyido sa pangalan ko!Bago ibuklat ang mata sa umaga ay taimtim akong nanalangin na sana ay panaginip lang ang lahat. Na sa pagmulat ko ng mata'y, nasa bahay ako... at ang ideyang kasal na ako ay isang bangungot lang. PERO HINDI. Gustuhin ko mang lunurin ang sarili ko sa mga ideyang iyon ay wala ng silbi! Dahil huli na ang lahat. Hindi na mababago ang lahat. At ito ang reyalidad.Napatitig na lamang ako sa kisame

    Last Updated : 2022-03-01
  • Married to the Beast   CHAPTER 10: Secret

    HINDI ko na mabilang kung ilang ulit akong napalunok ng laway. Dahil sa pinaghalong kaba at hiya ay tanging pagtitig lang kay Raddix ang nagawa ko. Mukhang gano'n din naman siya, kahit naka-maskara ay alam kong nagulat din ito. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Inaamin ko, sa unang pagkakataon ay naranasan ko ang paghinto ng paligid ko, maging ang akala ko noong bato kong puso ay nagsimulang magharumentado. Oo, korni pakinggan pero totoo. Pakiramdam ko ay bigla akong naging abnormal! O, baka may biglang sumapi na masamang espiritu sa'kin ng hindi ko namamalayan? Ahh, nababaliw na ako---"You sounded like a dying goat."Muli kong inangat ang tingin sa balcony na nasa itaas ko nang marinig ang pagsasalita ni Raddix. Pero ano raw? I sounded like a dying goat? A DYING GOAT?! Aba, gago 'to ah---"Don't do that again, oh please," natatawa nitong sabi at halatang nang-aaar. "I might die in so much cringe, wife."Napaismid na lang ako at tiningnan siya ng masama. "

    Last Updated : 2022-03-01
  • Married to the Beast   CHAPTER 11: Mysterious

    PARA akong lantang gulay habang naglakakad sa hallway. Paulit-ulit nga akong nakakabundol ng mga estudyante, yuko at nahihiyang 'sorry'na lang itinugon ko. Ewan ko ba nitong mga nakaraang araw pansin ko masyado na akong nagiging lutang at malalim ang iniisip. Hindi ko maiwasan, ang dami kasing nangyari sa buhay ko sa isang linggo ko pa lang napananatili sa mansion ng mga Varzen. Isa naroon ang kakaibang ikinikilos ni Raddix. Nahihiwagaan talaga ako sa lalakibg iyon.Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Clyden noong nakaraang araw ay hindi na ako tinantanan ng mga katanungan sa isip ko. Nagkabuhol-buhol na nga ang mga iyon sa utak ko dahilan para mas lalo akong malito. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ipagsasawalang bahala na lang ang mga pinagsasabi ni Clyden."Soool!" pagtawag bigla ni Rain sa pangalan ko. Nilingon ko naman siya. Patakbo itong lumapit sa akin. Mukhang kagagaling lang sa second period class niya. "'Di ka pa ba pupunta sa cafeteria?" pagtatanong n

    Last Updated : 2022-03-02
  • Married to the Beast   CHAPTER 12: Danger!

    SOL POV"L-LET me protect you, please? Kahit isang beses lang, kailanganin mo naman ako," seryosong wika ni Luke na dahilan ng pagkunot ng noo ko.A-Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?Rinig ko naman ang pagtikhim niya. "A-Ahm, I-I mean pag may kailangan ka, h-huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa'kin! Haha!" kamot-batok na pagkaklaro niya. "Alam mo 'yon, iyong one call away! Tama, iyon nga haha!"Tumango-tango na lang ako. Minsan wierd din 'tong si Luke. Hindi ko maintindihan kung anong gustong sabihin e, masyadong magulo."Kung ano na pinagsasabi ko, gutom lang ata 'to," aniya at mahinang natawa. Hinawakan naman niya ang pulsuhan ko. "Tara na nga sa cafeteria, baka magalit na si Rain sa'tin."Magkasabay kaming tinungo ang daan papuntang cafeteria. Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay nakasalubong namin si  Sandy. Habol ang hininga nito at panay ang tingin sa likod."Sandy!" pagtawag ko sa kaniya. Patakb

    Last Updated : 2022-03-02

Latest chapter

  • Married to the Beast   CHAPTER 65: END

    More months after...SANDY POVOBSTACLES don’t have to stop you. If you run into a wall, don’t turn around and give up. Figure out how to climb it, go through it, or work around it. Being challenged in life is inevitable, being defeated is optional. Oh 'di ba? Ganda ng opening statement ko? Syempre pa-ending na e HAHAHA charot.Oh siya, back to reality. Ehem.Maingat kong nilagay ang dalang bulaklak sa dalawang puntod na nasa harap ko ngayon. Umupo ako sa damuhan at mapait ang ngiting tiningnan ang mga iyon."Magkasama na kayo, siguro naman hindi na kayo mababagot diyan," wika ko at pinaglandas ang kamay sa pangalan nilang nakasulat sa lapida. "Sana masaya na kayo kung saan man kayo naroroon. Huwag kayong mag-alala, ayos lang kami rito. Ito maganda pa rin anak niyo. Walang kupas," pagbibiro ko pa.Napatingin na lamang ako sa magandang kalangitan. Napakaganda ng hugis ng mga ulap, tumitingkad pa iyon sa tuwing nadidikit sa a

  • Married to the Beast   CHAPTER 64: Saved

    NA-BLANKO bigla ang utak ko. Maski ang paghinga ata ay panandalian kong nakalimutan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Raddix at sa labas ng kotse. Hindi ko alam ang gagawin ko!"Sh*t!" singhal ni Raddix. Ilang segundo ring nagpagewang-gewang ang kotseng sinasakyan namin hanggang sa sapilitan niya iyong ibinangga sa isang posteng nakasuporta sa tulay na kinalalagyan namin ngayon.Tagumpay na nahinto ang kotse. Buong pasasalamat ko na hindi ako nagtamo ng kahit anong sugat. Agad naman akong sinuri ni Raddix, tinanong nang paulit-ulit kung ayos lang ba ako. Sinuri ko rin ang kalagayan niya at gaya ko'y hindi rin ito nagtamo ng malalang sugat.Ang akala ko ay tuluyan ng nabunutan ng tinik ang lalamunan ko, ngunit tila mas dumami pa ang bumara doon nang marinig ang malalakas na sigaw sa labas.Mga aso ni Sarry. Na pilit kaming pinabababa. Ilang beses akong napalunok ng laway at nanginginig ang kamay na tiningnan si Raddix."W-What now? How can w

  • Married to the Beast   CHAPTER 63: Trouble

    "MALUWAG kasi ang pagkakatali mo sa mga aso mo kaya nakatakas," patawa-tawang usal ni Flame. "I'm still the king of this mafia group, Honey. Sa akin pa rin sila susunod, kahit anong pag-aalaga at pagpapakain mo sa kanila.""D*mn you! Die already!""You first," asik nito at sinenyasan ang lahat ng mga kasamang nasa likod. Pumalibot naman ang mga iyon kay Sarry at sabay-sabay na itinutok ang baril. Maya't-maya pa'y tumingin sa dereksyon namin si Flame. "Umalis na kayo, ako na bahala rito."Bago pa man ako makapagtanong ay agad na hinawakan ni Raddix ang pulsuhan ko at hinila paalis doon."You owe me a lot love birds!" sigaw ni Flame. Nginitian kami nito sa huling pagkakataon.Pailing-iling na lamang si Raddix at ipinagpatuloy ang paghila sa'kin paalis doon. Rinig pa nga ang pahabol na sigaw at mura ni Sarry. Ngunit alam kong wala na dapat akong ipag-alala, dahil siguradong hindi na siya makakaalis doon!Mabilis ang bawat hakbang namin ka

  • Married to the Beast   CHAPTER 62: Another Ally

    TILA may bumara sa lalamunan ko dahilan para bumigat ang paghinga ko. Hindi ko maitago ang kabang unti-unting lumulukob sa sistema ko!Naramdaman ko naman ang paghawak ni Raddix sa kamay ko, kahit papaano'y nabawasan ang panginginig no'n."Don't worry, will be fine. I'll promise," bulong niya sa'kin. Ngunit alam kong gaya ko ay natatakot din siya sa maaaring mangyari. Knowing that witch? Hindi iyon magdadalawang isip na gumawa ng kabaliwan.Rinig naman ang mahihinang tawa at papalapit na yabag ni Sarry. Mas lalong nagharumentado ang puso ko nang makitang marami itong kasama--- mga aso niyang nakatutok ang mga baril sa'min."Bakit naman ganiyan ang mga mukha ninyo? Hindi niyo ba inaasahan na buhay pa rin ako? Hmm well, sorry for the surprise. But h*ll yeah, I'm here... breathing and alive," nakangising wika nito. Humakbang naman ito habang nanatili ang nakakairita niyang ngisi. "Natutuwa ako na malamang hindi pa rin kayo nakakalabas. Sayang naman kas

  • Married to the Beast   CHAPTER 61: Allies and Enemy

    "AVIEL Katniss," mahinang sambit ni Raddix sa pangalan nito.Taimtim ko namang pinanood ang paglapit niya. Walang emosyon niyang binagtas ang ilang metrong pagitan niya sa'min ni Raddix.Avie looks the same. Her signature curly brown hair and her model-like height didn't change. Yet, I found it wierd seeing her wearing a blank-face. I am used to see her b*tchy awra."Don't do anything stup*d that you might regret after, Aviel. I won't think twice releasing all the bullets from my gun and shoot your head," malamig na saad ni Raddix at itinago pa ako sa likod.Nagpapalipat-lipat naman ang tingin ni Avie sa'min bago tuluyang magsalita, "I didn't wait here for almost an hour just to kill the both of you. Kung may balak man akong patayin kayo, kanina ko pa sana ginawa habang naglalandian kayo sa cell."Kinain agad ng hiya ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Nakita niya ang nangyari kanina? Nandoon ba siya? Ba't hindi ko napansin?!Un

  • Married to the Beast   CHAPTER 60: Frame up

    HINAWAKAN naman niya ang dalawa kong kamay habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mata niya. "C-Can you s-say it again? Please, I-I want to hear it again, wife.""Raddix," I gulped. "We're having a baby."Mas lalo siyang naiyak. Sinubukan niyang pigilan ang pagtulo ng mga luha ngunit bigo siya. Parang sirang gripo iyong walang humpay sa pag-agos. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit. Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak sa balikat ko."I thought you'll be mad if I tell you I'm pregnant," natatawa kong sabi kahit ang mga luha sa mata'y patuloy din ang pag-agos."W-Why would I-I?" wika nito sa kalagitnaan ng paghikbi. "H-Happiness and joy is understatement. Those w-word's aren't enough to describe what I-I feel right now. I want to jump, I-I want to shout, but my mind is filled with too much delight that the only thing I could is to cry."Napabuga na lamang ako ng hangin. Saka ang pagwika, "Dorry told me that we mi

  • Married to the Beast   CHAPTER 59: Raddix, soon to be father

    NAUNANG maglakad ang isang armadong lalaki habang nakasunod naman sa'kin ang isa. Habang binabagtas ang mahabang hallway, palihim kong pinagmasdan ang baril na hawak nila.Klyton was right, Scorpion is not prepared for tonight's war. Halatang hindi pa dumadating ang mga bago nilang armas na galing pa sa ibang bansa. And for Alphanatom, hindi sila madaling makakapunta rito para tulungan ang scorpion. Si Hermes at Demeter na ang bahalang magpatahimik sa mga iyon. The roadway 36 was their secret passage.Nang mapansin kong nasa kalagitnaan na kami ng hallway... doon ko na sinimulan ang sunod na plano.Huminto ako sa paglalakad at umaktong masakit ang paa. "I-I can't walk."Dali-dali namang nahinto ang dalawa at nilapitan ako."Ano bang problema?""Ayos lang ba kayo?"Mas lalo kong pinag-igihan ang pag-arte."Ouch! It hurts, I can't walk!" pekeng daing ko. Natawa naman ako sa isip nang makita ang nag-aalalang mga

  • Married to the Beast   CHAPTER 58: Girl Version of Raddix

    NAGTATAASANG mga puno at madilim na daan ang binabagtas ng sasakyan namin ngayon. Parang setting nga ito ng mga horror movies na napanood ko. Walang ibang dumaraan na mga sasakyan, wala ka ring makikitang mga bahay na nakatayo.Maging ang nagbabangayan na si Klyton at Krypton ay biglang natahimik. Hindi man aminin ng dalawa, alam kung gaya ko ay natatakot din sila.Ilang minuto rin naming tiniis ang gano'ng ambience hanggang sa marating namin ang isang tulay. Sa dulo no'n ay nakita namin ang maraming ilaw na sigurado akong nagmumula sa mga bahay at establishemento."Nandito na tayo," bulong ni Klyton habang nasa hawak na cellphone ang paningin.Hindi ko namalayang humigpit na pala ang kapit ko sa seat bealt na suot ko. Napuno nang malalalim na pagbuntong hininga ang loob ng sasakyan. Habang papalapit ang kotse'y ramdam ko ang mas lalong paglakas ng kabog ng dibdib ko. Pinigilan ko na nga ang utak na huwag mag-isip ng kung ano-anong masasama, m

  • Married to the Beast   CHAPTER 57: Answers to lies

    "SA COLD CITY ang karaniwang tirahan ng mga ex-conv*ct at mga taong sangkot sa iba't-ibang illegal na gawain. Madalas akong isama ni Rossel sa tuwing dadalawin niya ang asawang' nakatira roon. Delikado at tago ang lugar, mahirap i-locate. Kung makapasok ka man, hindi ka na makakabalik... lalo na kapag nalaman nilang hindi ka kaanib."Ilang beses akong napalunok ng laway nang marinig ang sinabi ni Dorry. Hindi naman siya nanakot, pero ramdam ko ang panginginig ng tuhod dahil sa sinabi niya.Naiisip ko pa lang na pupunta kami roon, parang hihimatayin na ako sa kaba.Pero hindi ngayon ang oras para magpakain sa takot. Kung ang pagpunta sa lugar na iyon ang tanging paraan para maligtas ang black swan at matigil na sa kahibangan ang scorpion at alphanatom...hindi ako aatras."Pero kung mapilit kayo at talagang gusto niyong pumunta roon... wala na akong magagawa," dugtong pa nito at isinara ang librong binabasa. Walang emosyon niya akong tiningnan. "B

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status