"GIRL, guess what?"
Agad kong inangat ang tingin at panandaliang inalis ang atensyon sa librong binabasa. Kunot-noo kong tinapunan ng tingin si Rain na nakaupo sa tapat ko.
"Oh?" bored kong tanong. Paniguradong may bagong tsismis na naman itong nalaman. Lagi kasing updated ang babaeng 'to sa mga latest chika.
Ibinaba nito ang hawak na cellphone kasabay ang pagbuntong hininga. "Gosh, malala na kapatid mo."
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi nito. Hindi na bago sa'kin ang makarinig ng mga balita tungkol sa kapatid ko. Hot picks and most featured pa nga ito sa sikat na school paper dito sa campus. Pero hindi ko pa rin iwasang mag-alala at kabahan.
"B-Bakit? Anong meron kay Sandy?" pagtatanong ko. Nahalata siguro ni Rain ang pag-aalala sa boses ko kaya nag-alangan pa itong magsabi.
Ilang beses pa itong napabuntong bago tuluyang magsalita, "Sandy is now Kyle's girlfriend."
Ilang segundo kong in-absorb ang sinabi ni Rain. Nang tuluyang magsink-in sa utak ko, hindi ko maiwasang makaramdam ng galit at pagkadismaya. Of all boys, si Kyle pa talaga sinagot niya? Iyong babaerong iyon na pasimuno lagi ng kalaswaan dito sa campus?! Ang lalaking iyon na nangunguna sa pinakamaraming girlfriend?!
"Oh easy, baka mamaya sugurin mo bigla si Kyle ah. Huwag kang magpadala sa emosyon mo. Chill ka lang," usal ni Rain.
Pero hindi ko magawang kumalma, hindi sa pagiging OA or overprotective. Alam kong normal lang na makaramdam ng ganito lalo na kapag malaman mong nakikipagrelasyon ang kapatid mo sa isang malanding unggoy.
Hindi ko namalayang nagugusot na pala ang pahina ng binabasa kong libro. Dahil sa inis ay padabog ko iyong isinara at napatingin sa kawalan.
Hindi talaga nagtatanda iyang si Sandy. Ilang beses ko ng sinabihan na huwag papatol sa mga kung sino-sinong lalaki, dahil dalawa lang naman ang gusto ng mga iyan... kalandian at katawan. Nagtataka nga ako kung anong pinaglihi dito sa kapatid ko at napakatigas ng ulo, ang daling matangay ng mga poncio pilato e.
Tiningnan ko si Rain. Bahagya pa itong napaigtad ng magtagpo ang paningin namin.
"Kailan mo nalaman iyan?" tanong ko.
Ibinaling nito ang tingin sa cellphone. May kung ano pang pinindot bago tuluyang ibinalik ang tingin sa'kin.
"Ngayon lang," aniya at ibinigay sa'kin ang cellphone niya. Tiningnan ko iyon, at halos manluwa ang mata ko ng makita kung ano iyon. "Kaninang umaga lang na-linked tong picture ni Kyle at Sandy. Pero bali-balitang mag jowa na ang dalawa last week pa."
Walang emosyon kong tinitigan ang mga litratong nandoon. Lahat ng kuha ay nakapokus lang kay Kyle at Sandy. May mga litratong magkasama ang dalawa sa bench malapit sa soccer field, meron din naman sa canteen, sa library, sa classroom, sa hallway, sa cr--- wait... bakit pati 'tong halikan ng dalawa kinuhanan pa?!
Ngitngit ang ngipin kong ibinalik kay Rain ang cellphone. "Sino kumuha ng mga litratong 'yan?" tanong ko.
"E-Ewan. Wala namang nakalagay na credits diyan e. Pero malamang gusto lang ng taong iyan magpasikat. Hmp, walang magawa sa buhay," sagot ni Rain at pinatay ang cellphone. Ilang sandali pa'y rinig ang pagsinghap nito. "Seryoso, kailan ba titigil iyang si Sandy? Masyado ng pabida e, ayaw magpaawat! Nakakagigil ang bruha!"
"Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko riyan e," wika ko at napakamot na lang sa noo. "Kahit kay papa hindi iyan nakikinig. Napakatigas ng ulo."
Inubos naman ni Rain ang natitira niya iced-coffee bago magpatuloy sa pagsasalita. "Kaya napagkakamalan kayong hindi magkadugo e. Magkaibang-magkaiba kayo."
Mapakla akong napatawa. Oo, malayong-malayo talaga kami ni Sandy. Mahinhin at magaling umawra ang kapatid ko. Samantalang ako mukhang tambay sa kanto, idagdag pang mahilig akong makipagbasag-ulo.
Gustong-gusto ng lahat ang kapatid ko dahil sa pagiging girly nitong kumilos, samantalang lagi namang pinagtatawanan ang pagiging kilos tomboy ko. Ewan ko ba sa mga taong 'to, ginagawang big deal. Alangan namang baguhin ko ang sarili ko para lang magustuhan nila. Tss, iyon ang hinding-hindi ko gagawin.
"Pero alam mo, Sol? Feeling ko mas angat ganda mo kesa kay Sandy," out of nowhere na sabi ni Rain at ipinosisyon pa ang kamay na parang kinukuhanan ako ng litrato. "Kunti kibot lang diyan sa mukha mo... bongga na! Girl, mag-ayos ka kasi minsan! Kulang lang sa exposure beauty mo e!"
Mahina ko naman itong binato ng french fries. Kung ano pinagsasabi e. "Ewan ko sa'yo, Rainerah."
Natawa naman ito ngunit agad ding sumeryoso ang mukha. "Sa tingin mo hanggang saan tatagal ang relasyon ni Sandy at Kyle? Hmm, two days lang kasi pinakamatagal na relationship span ni Kyle aka flirty devil. Hays, kalalaking tao ang landi." Sasagot na sana ako ng biglang natigilan si Rain at napairap habang nakatitig sa likod ko. "Speaking of the flirty devil..."
Dahil sa kuriosidad ay napatingin din ako sa likod. Doon lang ako naka-relate sa naging reaksyon ni Rain. Yeah, speaking of the flirty devil... presenting Kyle Neuman.
"Sayang ang mukha ng gago, binahiran lang ng kalandian," bulong ni Rain habang nakatingin pa rin kay Kyle at sa mga barkada nitong papasok ng canteen. "Nasusuka talaga ako kapag na aalalang nagka-crush ako sa gagong iyan noong high school. Nakakadiring pangyayari," dugtong pa nito. Gusto ko sanang matawa dahil sa sinabi ni Rain, pero natabunan iyon ng gigil. Gigil na sapukin sa mukha ang lalaking 'yon.
Sinundan ko ng tingin si Kyle at mga barkada nitong nagtatawanan habang papunta sa table nila. Mas lalong nadagdagan ang pagkayamot ko nang makitang naupo ang mga iyon isang table ang pagitan sa'min.
"Arghh! Nawala na gana ko!" maktol ni Rain. Mahina akong natawa. Same friend, same.
Muli kong ibinalik ang paningin kay Kyle at sa mga kaibigan nito. Maya't-maya pa'y hindi ko inaasahan ang pagtagpo ng paningin namin. Ngumiti at kumindat ito, ngiwi lang ang itinugon ko. Inalis ko roon ang atensyon at wala sa mood na kinain ang burger na kanina pa hindi nagagalaw.
Tss, hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit sinagot ni Sandy ang taong iyon. Magandang mukha lang ata ang good attribute ng Kyle na'yon.
Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya ng maramdaman ang presensya sa gilid ko. Tiningnan ko si Rain, nakatingin din ito sa gilid ko habang salubong na salubong ang mga kilay.
"Oh crap---"
"Solly Arien right?" pagpuputol ng kampon ni poncio pilato sa dapat nasasabihin ni Rain. Kahit hindi ko siya lingunin, kilala ko ang boses niya. "You're Sandy's sister right? Nice to meet you. I'm Kyle Neuman."
Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin. Kunot-noo kong tiningnan ang kamay niyang nakalahad. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago tumayo sa pagkakaupo.
"Oo, ako si Sol."
"Madalang lang kitang makita ah? Anong department ka?" pagtatanong uli nito. Palihim na lang akong napangiwi. Wala akong oras makipagusap sa lalaking 'to.
"Deretsuhin mo na ako, anong kailangan mo sa'kin?" tanong ko pabalik.
Inayos naman nito ang buhok niya. Ngumiti pa nang malapad. Hindi ko tuloy maiwasang mairita.
"Nahuli kitang nakatingin sa'kin kanina pa," panimula niya. Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ang paghawak niya sa balikat ko. Unti-unti niyang inilapit ang bibig sa tenga ko saka ang pagbulong, "Huwag kang mag-alala, attracted din ako sa mga amazona. Kung gusto mo, tayo na? Kaya ko naman kayong pagsabayin ni Sandy---"
Hindi natuloy ang sasabihin nito nang hawakan ko ang dalawa nitong kamay na nasa balikat ko, walang pag-aalinlangan ko iyong iniikot dahilan ng pagbulagta niya sa sahig. Akma sana itong tatayo ng agad kong sinipa ang mukha niya. Ngitngit ang ngipin ko siyang dinaganan at kinuwelyuhan. Napakatarantado talaga kahit kailan!
"Tantanan mo na kapatid ko!"
"S-Sol... argh... b-bitawan mo ako!"
"Kulang pa 'yan gago ka!"
"B-Bitch, remove your h-hands. D*mn, masakit---!"
"Mas masakit pa riyan aabutin mo kapag hindi mo tigilan ang kapatid ko!"
"Fuck it---"
"Sol!"
Ramdam ko ang paglapit ng dalawang presensya sa likod ko. Inilayo naman nila ako kay Kyle. Nang makatayo ako at nahimasmasan, doon ko lang napagtanto na marami na pala ang nakakapanood sa gulong ginawa ko. Lahat ng mga estudyante sa canteen ay nasa akin ang atensyon, ang iba pa nga ay lantarang kumukuha ng video at litrato.
"S-Sol, ayos ka lang ba?" pagtatanong ni Luke. Bahagya akong nagulat ng makita ito. Marahil ay tinawag siya ni Rain para awatin ako.
Napabuga na lamang ako ng hangin. "A-Ayos lang ako."
Muli kong tiningnan si Kyle na tinutulungan na ng mga kaibigan nito. Ang dalawa ay inalalayan ang loko sa pagtayo. Habang ang isa ay tarantang nagtititipa sa hawak na cellphone. At ang natitirang dalawa pang kaibigan nito ay lumapit sa'min. Akma sanang susugod ang mga iyon ng biglang humarang si Luke at itinago ako sa likod.
"Sige mga tarantado, subukan niyo. Ako makakalaban ninyo," pagbabanta ni Luke.
Nasindak naman ang dalawa. "May araw rin kayo!" usal ng isa bago bumalik sa kinalalagyan nila kanina.
Ramdam ko ang mahinang pagpalo ni Rain sa braso ko. "Gaga ka! Pinag-aalala mo ako roon! Ba't kasi napaka-warfreak mo ah? Alam mo bang muntik ng humiwalay kaluluwa ko nang makita ang pagsipa mo sa mukha ni Kyle? Mabuti nga't malakas iyon e, kundi magagawa ka pang gantihan ng lokong 'yon!"
Napasinghap na lang ako sabay sabing, "Kulang pa 'yon."
"Ano ba kasing sinabi niya sa'yo?" pagtatanong ni Rain. Sasagot na sana ako ng sabay-sabay na nabaling ang atensyon namin sa pagdating ng humahangos na si Sandy.
"W-What the hell?!" napatakip pa ito ng bibig. Nang makita si Kyle ay dali-dali itong lumapit. "Sino ang gumawa nito sa'yo?!"
Kahit nanghihina ay nagawa pang tumingin sa direksyon ko si Kyle. Ngumisi pa ito bago magsalita. "Sino pa ba? Kundi iyang pakialamera mong kapatid."
Nagtagpo ang tingin namin ni Sandy. Napairap na lamang ito. "Kahit kailan talaga panira ka, Sol! Kailan ka ba titigil sa pangingialam ha?!"
Naiyukom ko ang mga palad ko. "S-Sandy..."
"I hate you bitch! I really hate you! Tss!" bulyaw nito at tuluyang sumunod sa mga kaibigan ni Kyle. Rinig ang malakas na bulung-bulungan ng mga estudyante, natigil lang iyon nang marinig ang malakas na tunog ng bell.
"Huwag mo ng pansinin ang sinabi ng kapatid mo. Naguguluhan lang 'yon," pagsasalita ni Luke habang binabagtas namin ang hallway pabalik sa mga classroom namin. Malayo ang tingin ko pero ramdam ko ang mga titig ni Luke. "Napakaswerte ni Sandy na magkaroon ng kapatid na kagaya mo," dugtong pa nito.
Malakas na tikhim naman ni Sandy ang namayani sa hallway. Kahit ang ibang mga estudyanteng naglalakad ay napatingin din sa kaniya. Imbes na mahiya sa ginawa ay isang makahulugang tingin lang ang iginawad nito sa'min ni Luke. Hindi ko maintindihan kung ano ang iniisip ni Rain pero alam kong hindi ko iyon magugustuhan.
**
HANGGANG sa matapos ang klase ay nanatiling naglalakbay ang utak ko sa kung saan-saan. Hindi ko magawang hindi isipin ang nangyari kanina. Pakiramdam ko kasi ay sumubra ako ng kunti... I mean masyado na ata akong nagiging overprotective kay Sandy to the point na nasasakal na ito. Ayoko namang isipin ng kapatid ko na pinapakialaman ko ang buhay niya, pero hindi ko kasi maiwasang mag-alala.
Nangako ako kay mama na babantayan ko si Sandy at hindi ito pababayaan.Pambihira, minsan hindi ko rin maintindihan sarili ko e. Natatakot lang siguro akong mawalan ulit ng mahal sa buhay. Sapat na ang sakit na naranasan ko nang mamatay si mama. Ayoko ng maulit iyon. Ayoko na ulit maramdaman ang sakit na iyon.
Umuwi ako ng mag-isa dahil maagang umuwi si Sandy at hindi na ako hinintay pa. Kapwa may practice naman si Luke at Rain at siguradong mamaya pa ang mga iyon uuwi.
Pagkarating sa bahay ay nadatnan ko ang dalawang kotseng nakaparada sa labas ng bahay. Hindi na ako nagulat nang makitang kausap ni papa ang isang matandang lalaki sa sala.
"Nandito na ako, Pa," wika ko at hindi na hinintay ang sagot ni papa at dali-dali ng umakyat sa kwarto ko.
Napabuntong hininga na lamang ako. Paniguradong tungkol sa mga organisasyon na naman ang pinag-uusapan ni papa at ng matandang 'yon. Tss, kailan ba titigil si papa sa pagsali sa mga iyan?
Iwinaklit ko lahat ng mga bumabagabag sa isip ko sa pamamagitan ng paggawa ng mga school works. Pagkatapos na pagkatapos lang magpalit at maglinis ng katawan ay agad akong nagbabad sa mga libro. Hindi ako nerd ok? Sadyang kailangan ko lang talaga mag-aral dahil third year college na ako under business management course. Same kami ng course ni Rain. Civil Engineering naman si Luke. At nursing naman si Sandy.
Nawala ang konsentrasyon ko sa pagbabasa ng marinig ang sigawan ni Sandy at papa. Hindi man klaro sa pandinig ko ang pinag-uusapan nila ay alam kong importanteng bagay ang pinagtatalunan nila. Ilang sandali pa'y rinig ang padabog na pag-akyat ni Sandy at pagpasok nito sa kwarto. Lumabas ako ng silid at dali-daling bumaba ng hagdan.
Naabutan ko roon si papa, malayo ang tanaw at halatang may malalim na problema.
"P-Pa, ano bang nangyayari? Bakit kayo nag-away ni Sandy?" tanong ko. Ngunit imbes na sagutin ang tanong ko ay pagbuntong hininga lang ang ginawa nito saka dali-daling nagtungo ng kusina.
KINABUKASAN. Dahil sa tagpong iyon ay mas lalong nadagdagan ang mga bumabagabag sa isip ko. Pasok-labas lahat ng leksyong itinuturo ng professor. Tinatanong nga ako ni Luke at Rain kung bakit parang ang lanta ko kumilos ngayon, kibit-balikat lang ang sagot ko.
Mas lalong nadagdagan ang kuriosidad ko ng malamang umuwi nang maaga si Sandy. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng last period sa hapon ay agad din akong umuwi at nadatnan roon ang nanginginig na katulong namin na si Manang Rosel.
"M-Manang Rosel?" Napalunok ako ng laway. "Ayos lang po ba kayo?"
"S-Sol, si Sandy..." Tuluyan na akong kinain ng kaba. "I-Iyong kapatid mo..."
"ANO BA, SANDY! Bumaba ka riyan!" malakas kong sigaw sa kapatid ko. Hindi naman ako nito pinansin at patuloy lang siya sa pag-e-emote. May hawak-hawak pa itong alak sa magkabilang kamay.Ano ba 'tong nangyayari sa kapatid ko, Bakit ba parang napaka-problemado naman niya ngayon?"S-Sol, pababain mo na ang kapatid mo, baka m-mamaya mahulog pa iyan," nanginginig na utos sa akin ni Manang Rosel. Ramdam ko pa nga ang malamig nitong kamay sa mga braso ko."A-Ano po bang nangyari? Bakit nagkakaganito iyang si Sandy?" pagtatanong ko.Kagagaling ko lang kasi sa school. Nagulat na nga lang ako ng umuwi ako sa bahay na nagkakagulo. Natagpuan ko na lang si Manang Rosel dito sa may rooftop. Ngunit nakakapagtaka ni anino ni papa ay wala rito.Muling bumalik ang atensyon ko sa kapatid ko. Kanina pa ako nanginginig sa takot. Hindi ko alam ang gagawin! Nalilito na ako!Sinubukan kong lumapit kay Sandy kahit puro pagtataboy lang ang ginagawa
DAHIL sa mangyari nitong nakaraang araw ay hindi ako nakapag-pokus sa mga gawain ko sa school. Laging lutang ang isip ko at hindi makagconcentrate nang maayos sa pakikinig sa mga lecture. Okupadong-okupado ako sa mga desisyong pinagagagawa ko nitong mga nakaraang araw... isa naroon ang pagpayag na pumalit kay Sandy.Katunayan nga ay ilang beses kong pinilit si papa na bawiin na lang ang agreement, o 'di kaya'y tumakas na lang kami para makaiwas, ngunit dahil doon ay mas lalong naghimutok sa galit si papa. Hindi ko dapat siya pangunahan dahil wala raw akong alam. Aniya, kung gawin niya iyon... hindi lang siya ang mapapahamak, pati kami ni Sandy at ang malalapit sa buhay namin. Hindi ko lubos maisip na may mga taong kayang gawin iyon dahil lang sa pagtanggi sa isang kondisyon. Anong klaseng mga tao ba ang nasa likod ng organisasyon na 'yan?"Hey, you ok?"Nanatiling nakasalampak ang mukha ko sa table at hindi pinansin ang nagsalita."Puyat ka na
"I DON'T need saving," buong tapang kong usal saka ang marahas na pagtanggal sa kamay ng lalaking tinatawag na Taurus. "Hindi ko kailangan ng taong ipagtatanggol ako. I can save myself."Sumilay ang mapilyong ngiti ng lalaki. "What a tough girl huh? My type."Type mong mukha mo!"Gawin mo na kung anong gusto mong gawin! Huwag mo ng idamay ang tatlong 'yon!" sabi ko at itinuro sina Ryo, Maverick at Chad na patuloy pa ring pinapahirapan ng mga kaaway."So, gusto mo talagang mamatay?" tanong ng lalaki at nilapit pa ang mukha sa akin. Ba't ba 'to dikit nang dikit sa'kin? Tss.Nakipaglaban ako ng tingin sa kaniya."Hindi ako takot mamatay.""Woah! Are you really that desperate to end your life today?" hindi makapaniwala nitong tanong. "Sayang, type pa naman kita. You're such a chic, Solly.""Mas mabuti ng mamatay kesa pumatol sa'yo!" bulyaw ko sa kaniya. Ngunit natigilan ako saglit nang mapagtanto ang isang bagay. Teka, paano niya n
SOL POVDAHIL sa nakakatakot na pangyayari kanina ay hindi ko tuloy ma-enjoy ang magarang view ng mansyon ng mga Varzen.Nakarating na kami ng ligtas, salamat sa mga tumulong sa'min at sa tulong ng lalaking nagngangalang Clyden. Ngunit hindi siya sumama sa'min pag-uwi, sabi ni Ryo ay may pupuntahan daw itong importante. Likas daw na maraming gawain ang magkakapatid na Varzen.Maraming mga maids, guards, at butlers ang sumalubong sa akin. Sabay-sabay pa silang yumuko nang makita ako. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng hiya. Bakit pa kasi kailangan nilang magbigay galang? 'Di ako sanay."This way, my lady," ani Ryo at iginaya ako sa malawak na living room. Napanganga ako sa sobrang ganda ng lugar! Mala-palasyo ang design! Lahat ng mga bagay na nakikita ko ay kumikinang at mamahalin!"Miss Solly Arien Santiago right?" pagtatanong bigla ng bagong dadating na babae, sa tantya ko nasa 40's pa lang ito, pero aakalain mong dalaga dahil fresh na f
MAAGA akong nagising, nakakahiya kasing magpagising pa sa mga katulong rito. Mabuti na nga lang at maaga ring naghanda ng pagkain ang mga katulong. Pagkatapos mag-agahan ay dali-dali akong nagpaalam kay Ma'am Dorry para pumasok na. Hinatid naman ako ni Maverick at Chad. Wala raw si Ryo kasi naghahanda ito para sa pag-uwi ni Lord Raddix at Young Master Matthias galing Japan. Mamayang gabi ay aasahan daw na nandito na ang dalawa.Kinakabahan nga ako sa totoo lang. Dalawang Varzen pa nga lang ang nakikilala ko kahapon halos mahimatay na ako sa kaba! Tapos may dadagdag pang dalawa?! Kamalasan!Mabilis ang byahe kaya agad akong nakarating sa campus. Nagpasalamat muna ako kay Mav at Chad bago tuluyang pumasok sa loob."Sooolll!" salubong sa akin ni Rain. Mahigpit naman niya akong niyakap. "Waaahhh! Akala ko nakidnap ka na!"Nakidnap?"Ano bang pinagsasabi mo riyan?" Napanguso naman si Rain. "Ito kasing si Luke sinabihan akong nakidnap ka raw! Taranta nga
NAGING tuod na ako sa kinatatayuan ko. Nablanko bigla ang utak ko! Pakiramdam ko nga ay nanluwa na ang mata ko dahil sa labis na pagkagulat.Ano ba kasing pinagsasabi nitong si Clyden?! Gano'n ba ka big deal ang pagtanggi ko sa panlilibre niya?!"Oh sorry. Did I make you feel bad?" pagtatanong niya at dumistansya."Ayos ka lang ba?"Mukha ba akong ayos? Pambihira, sana hindi na ako sumama sa lalaking 'to."By the way, why don't we go to the ice cream shop?" masayang alok niya sa akin.Nawala na parang bula iyong pagka-yamot ko. Ice cream?! Waaah! Sandali! Favorite ko 'yan! Matagal na akong hindi nakakabili dahil sa dami ng kailangan kong bilhin sa school. Gusto ko mang itago ang ngiti ko ay hindi ko magawa."Sige, pero ako lang ang magbabayad ng bibilhin ko. Huwag mo akong ilibre ok?" paalala ko sa kaniya at binuksan ang back pack ko. "May pera ako rito---" Napakunot ang noo ko nang makitang ten pesos na alng ang nandoon. Pin
NAHAWA na ata ako kay Clyden, maging ako ay halos pagpawisan na sa takot. Rinig ko na nga ang malakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan at panay ang tingin ko sa wrist watch. Pero teka, bakit nga pala ako natatakot? Wala naman akong ginagawang masama 'di ba? At saka, gano'n ba talaga ka strikto iyang Lord Raddix na 'yan at kailangan naming umuwi before seven? Ba't 'di ako inform na may curfew pala sa mansion ng mga Varzen?!"S-Sol, I-I'm sorry. I-I shouldn't have invited you to come with me. Shit, I'm so stupid! You'll be doomed because of me!" bulyaw ni Clyden sa sarili habang nagmamaneho. Pakiramdam ko nga ay lumilipad na ang sasakyan dahil sa sobrang bilis ng andar nito. Ahh, masusuka pa yata ako! Kailangan ko ng plastic bag!At dahil sa mabilis na pagmamaneho ni Clyden ay agad kaming nakarating sa mansion. Pagkalabas na pagkalabas ng sasakyan ay agad kaming sinalubong ng mga lalaking naka-itim at may hawak na mata
WALA talaga akong balak magpakasal o ang pumasok sa isang relasyon. Itinataak ko na sa kasuluk-sulukan ng utak ko na hindi ako papasok sa dalawang bagay na iyan. Mas gugustuhin ko na lang magtravel o 'di kaya'y lumamon hanggang sa pagsawaan ko ang pera ko. Pero lahat ng plano kong iyon ay tila pader na basta na lang gumuho. Mag-IISANG LINGGO na akong ikinasal sa Lord Raddix na 'yon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Parang araw-araw akong sinasampal ng katotohanang tuluyan ng nagbago ang buhay ko. Hindi ako sanay na mabasa ang ibang apelyido sa pangalan ko!Bago ibuklat ang mata sa umaga ay taimtim akong nanalangin na sana ay panaginip lang ang lahat. Na sa pagmulat ko ng mata'y, nasa bahay ako... at ang ideyang kasal na ako ay isang bangungot lang. PERO HINDI. Gustuhin ko mang lunurin ang sarili ko sa mga ideyang iyon ay wala ng silbi! Dahil huli na ang lahat. Hindi na mababago ang lahat. At ito ang reyalidad.Napatitig na lamang ako sa kisame
More months after...SANDY POVOBSTACLES don’t have to stop you. If you run into a wall, don’t turn around and give up. Figure out how to climb it, go through it, or work around it. Being challenged in life is inevitable, being defeated is optional. Oh 'di ba? Ganda ng opening statement ko? Syempre pa-ending na e HAHAHA charot.Oh siya, back to reality. Ehem.Maingat kong nilagay ang dalang bulaklak sa dalawang puntod na nasa harap ko ngayon. Umupo ako sa damuhan at mapait ang ngiting tiningnan ang mga iyon."Magkasama na kayo, siguro naman hindi na kayo mababagot diyan," wika ko at pinaglandas ang kamay sa pangalan nilang nakasulat sa lapida. "Sana masaya na kayo kung saan man kayo naroroon. Huwag kayong mag-alala, ayos lang kami rito. Ito maganda pa rin anak niyo. Walang kupas," pagbibiro ko pa.Napatingin na lamang ako sa magandang kalangitan. Napakaganda ng hugis ng mga ulap, tumitingkad pa iyon sa tuwing nadidikit sa a
NA-BLANKO bigla ang utak ko. Maski ang paghinga ata ay panandalian kong nakalimutan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Raddix at sa labas ng kotse. Hindi ko alam ang gagawin ko!"Sh*t!" singhal ni Raddix. Ilang segundo ring nagpagewang-gewang ang kotseng sinasakyan namin hanggang sa sapilitan niya iyong ibinangga sa isang posteng nakasuporta sa tulay na kinalalagyan namin ngayon.Tagumpay na nahinto ang kotse. Buong pasasalamat ko na hindi ako nagtamo ng kahit anong sugat. Agad naman akong sinuri ni Raddix, tinanong nang paulit-ulit kung ayos lang ba ako. Sinuri ko rin ang kalagayan niya at gaya ko'y hindi rin ito nagtamo ng malalang sugat.Ang akala ko ay tuluyan ng nabunutan ng tinik ang lalamunan ko, ngunit tila mas dumami pa ang bumara doon nang marinig ang malalakas na sigaw sa labas.Mga aso ni Sarry. Na pilit kaming pinabababa. Ilang beses akong napalunok ng laway at nanginginig ang kamay na tiningnan si Raddix."W-What now? How can w
"MALUWAG kasi ang pagkakatali mo sa mga aso mo kaya nakatakas," patawa-tawang usal ni Flame. "I'm still the king of this mafia group, Honey. Sa akin pa rin sila susunod, kahit anong pag-aalaga at pagpapakain mo sa kanila.""D*mn you! Die already!""You first," asik nito at sinenyasan ang lahat ng mga kasamang nasa likod. Pumalibot naman ang mga iyon kay Sarry at sabay-sabay na itinutok ang baril. Maya't-maya pa'y tumingin sa dereksyon namin si Flame. "Umalis na kayo, ako na bahala rito."Bago pa man ako makapagtanong ay agad na hinawakan ni Raddix ang pulsuhan ko at hinila paalis doon."You owe me a lot love birds!" sigaw ni Flame. Nginitian kami nito sa huling pagkakataon.Pailing-iling na lamang si Raddix at ipinagpatuloy ang paghila sa'kin paalis doon. Rinig pa nga ang pahabol na sigaw at mura ni Sarry. Ngunit alam kong wala na dapat akong ipag-alala, dahil siguradong hindi na siya makakaalis doon!Mabilis ang bawat hakbang namin ka
TILA may bumara sa lalamunan ko dahilan para bumigat ang paghinga ko. Hindi ko maitago ang kabang unti-unting lumulukob sa sistema ko!Naramdaman ko naman ang paghawak ni Raddix sa kamay ko, kahit papaano'y nabawasan ang panginginig no'n."Don't worry, will be fine. I'll promise," bulong niya sa'kin. Ngunit alam kong gaya ko ay natatakot din siya sa maaaring mangyari. Knowing that witch? Hindi iyon magdadalawang isip na gumawa ng kabaliwan.Rinig naman ang mahihinang tawa at papalapit na yabag ni Sarry. Mas lalong nagharumentado ang puso ko nang makitang marami itong kasama--- mga aso niyang nakatutok ang mga baril sa'min."Bakit naman ganiyan ang mga mukha ninyo? Hindi niyo ba inaasahan na buhay pa rin ako? Hmm well, sorry for the surprise. But h*ll yeah, I'm here... breathing and alive," nakangising wika nito. Humakbang naman ito habang nanatili ang nakakairita niyang ngisi. "Natutuwa ako na malamang hindi pa rin kayo nakakalabas. Sayang naman kas
"AVIEL Katniss," mahinang sambit ni Raddix sa pangalan nito.Taimtim ko namang pinanood ang paglapit niya. Walang emosyon niyang binagtas ang ilang metrong pagitan niya sa'min ni Raddix.Avie looks the same. Her signature curly brown hair and her model-like height didn't change. Yet, I found it wierd seeing her wearing a blank-face. I am used to see her b*tchy awra."Don't do anything stup*d that you might regret after, Aviel. I won't think twice releasing all the bullets from my gun and shoot your head," malamig na saad ni Raddix at itinago pa ako sa likod.Nagpapalipat-lipat naman ang tingin ni Avie sa'min bago tuluyang magsalita, "I didn't wait here for almost an hour just to kill the both of you. Kung may balak man akong patayin kayo, kanina ko pa sana ginawa habang naglalandian kayo sa cell."Kinain agad ng hiya ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Nakita niya ang nangyari kanina? Nandoon ba siya? Ba't hindi ko napansin?!Un
HINAWAKAN naman niya ang dalawa kong kamay habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mata niya. "C-Can you s-say it again? Please, I-I want to hear it again, wife.""Raddix," I gulped. "We're having a baby."Mas lalo siyang naiyak. Sinubukan niyang pigilan ang pagtulo ng mga luha ngunit bigo siya. Parang sirang gripo iyong walang humpay sa pag-agos. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit. Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak sa balikat ko."I thought you'll be mad if I tell you I'm pregnant," natatawa kong sabi kahit ang mga luha sa mata'y patuloy din ang pag-agos."W-Why would I-I?" wika nito sa kalagitnaan ng paghikbi. "H-Happiness and joy is understatement. Those w-word's aren't enough to describe what I-I feel right now. I want to jump, I-I want to shout, but my mind is filled with too much delight that the only thing I could is to cry."Napabuga na lamang ako ng hangin. Saka ang pagwika, "Dorry told me that we mi
NAUNANG maglakad ang isang armadong lalaki habang nakasunod naman sa'kin ang isa. Habang binabagtas ang mahabang hallway, palihim kong pinagmasdan ang baril na hawak nila.Klyton was right, Scorpion is not prepared for tonight's war. Halatang hindi pa dumadating ang mga bago nilang armas na galing pa sa ibang bansa. And for Alphanatom, hindi sila madaling makakapunta rito para tulungan ang scorpion. Si Hermes at Demeter na ang bahalang magpatahimik sa mga iyon. The roadway 36 was their secret passage.Nang mapansin kong nasa kalagitnaan na kami ng hallway... doon ko na sinimulan ang sunod na plano.Huminto ako sa paglalakad at umaktong masakit ang paa. "I-I can't walk."Dali-dali namang nahinto ang dalawa at nilapitan ako."Ano bang problema?""Ayos lang ba kayo?"Mas lalo kong pinag-igihan ang pag-arte."Ouch! It hurts, I can't walk!" pekeng daing ko. Natawa naman ako sa isip nang makita ang nag-aalalang mga
NAGTATAASANG mga puno at madilim na daan ang binabagtas ng sasakyan namin ngayon. Parang setting nga ito ng mga horror movies na napanood ko. Walang ibang dumaraan na mga sasakyan, wala ka ring makikitang mga bahay na nakatayo.Maging ang nagbabangayan na si Klyton at Krypton ay biglang natahimik. Hindi man aminin ng dalawa, alam kung gaya ko ay natatakot din sila.Ilang minuto rin naming tiniis ang gano'ng ambience hanggang sa marating namin ang isang tulay. Sa dulo no'n ay nakita namin ang maraming ilaw na sigurado akong nagmumula sa mga bahay at establishemento."Nandito na tayo," bulong ni Klyton habang nasa hawak na cellphone ang paningin.Hindi ko namalayang humigpit na pala ang kapit ko sa seat bealt na suot ko. Napuno nang malalalim na pagbuntong hininga ang loob ng sasakyan. Habang papalapit ang kotse'y ramdam ko ang mas lalong paglakas ng kabog ng dibdib ko. Pinigilan ko na nga ang utak na huwag mag-isip ng kung ano-anong masasama, m
"SA COLD CITY ang karaniwang tirahan ng mga ex-conv*ct at mga taong sangkot sa iba't-ibang illegal na gawain. Madalas akong isama ni Rossel sa tuwing dadalawin niya ang asawang' nakatira roon. Delikado at tago ang lugar, mahirap i-locate. Kung makapasok ka man, hindi ka na makakabalik... lalo na kapag nalaman nilang hindi ka kaanib."Ilang beses akong napalunok ng laway nang marinig ang sinabi ni Dorry. Hindi naman siya nanakot, pero ramdam ko ang panginginig ng tuhod dahil sa sinabi niya.Naiisip ko pa lang na pupunta kami roon, parang hihimatayin na ako sa kaba.Pero hindi ngayon ang oras para magpakain sa takot. Kung ang pagpunta sa lugar na iyon ang tanging paraan para maligtas ang black swan at matigil na sa kahibangan ang scorpion at alphanatom...hindi ako aatras."Pero kung mapilit kayo at talagang gusto niyong pumunta roon... wala na akong magagawa," dugtong pa nito at isinara ang librong binabasa. Walang emosyon niya akong tiningnan. "B