"ANO BA, SANDY! Bumaba ka riyan!" malakas kong sigaw sa kapatid ko. Hindi naman ako nito pinansin at patuloy lang siya sa pag-e-emote. May hawak-hawak pa itong alak sa magkabilang kamay.
Ano ba 'tong nangyayari sa kapatid ko, Bakit ba parang napaka-problemado naman niya ngayon?
"S-Sol, pababain mo na ang kapatid mo, baka m-mamaya mahulog pa iyan," nanginginig na utos sa akin ni Manang Rosel. Ramdam ko pa nga ang malamig nitong kamay sa mga braso ko.
"A-Ano po bang nangyari? Bakit nagkakaganito iyang si Sandy?" pagtatanong ko.
Kagagaling ko lang kasi sa school. Nagulat na nga lang ako ng umuwi ako sa bahay na nagkakagulo. Natagpuan ko na lang si Manang Rosel dito sa may rooftop. Ngunit nakakapagtaka ni anino ni papa ay wala rito.
Muling bumalik ang atensyon ko sa kapatid ko. Kanina pa ako nanginginig sa takot. Hindi ko alam ang gagawin! Nalilito na ako!
Sinubukan kong lumapit kay Sandy kahit puro pagtataboy lang ang ginagawa nito sa'kin.
"S-Sandy..."
"Don't go near, Sol! Hayaan mo na ako rito! I need to calm myself!" humihikbing usal nito sa'kin. Nasasaktan ako, ayoko siyang nakikitang ganito. Ano bang pwede kong gawin para kumalma siya kahit papaano?
Napabuga na lamang ako ng hangin. "A-Ano ba kasing nangyayari? Tell me."
Lumagok lang ito ng alak at galit na napatingin sa mga ulap. "Why does it have to be me?! Nakakainis! Hindi ba pwedeng iba na lang?!" bulyaw nito at nagpapadyak pa sa labis na inis. "K-Kapag malaman 'to ni Kyle... s-siguradong magagalit siya sa'kin!"
Agad ko naman siyang inalalayan ng muntik na itong ma-out-of balance. "Ano ba, Sandy! Bumaba ka na riyan! Baka mahulog ka pa!" saway ko rito ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin at bahagyang itinulak.
"Pwede ba huwag kang epal diyan? Tss, palibhasa kasi favorite ka ni dad kaya hindi ikaw 'tong nagsa-suffer ngayon e! Bwesit!"
"H-Hindi kita maintindihan. Ano bang ginawa ni papa sa'yo?"
"Ginawa ni dad?" tanong nito at napangiti nang mapakla. "Ipapakasal lang naman niya ako sa lalaking hindi ko kilala!"
Ha? I-Ipapakasal?
"K-Kanino?"
Mas lalong sumama ang mukha nito.
"Argh! Kay Mr. Varzen!"
Mr.Varzen?
"Kailan sinabi sa'yo ni papa? Kailan kayo nagkausap tungkol diyan?" pagtatanong ko ulit. Natigilan ako ng maalala ang nangyari kagabi, ang pagtatalo ni Sandy at ni Papa. Hindi kaya tungkol doon ang pinag-uusapan nila?
Ginulo naman ni Sandy ang buhok niya at pinagbabasag ang mga hawak na bote. "I really hate dad! I really hate him! Alam naman niyang ayoko sa bwesit na arrange marriage na 'yan e! Bakit kasi ako pa?! Bakit ako?! Wala ba akong karapatang magmahal ng lalaking gusto ko?! Ayoko kay Mr. Varzen! Ayokong ikasal sa halimaw na 'yon! Ayoko!"
"S-Sandy... kalma."
"Kalma?! Seryoso ka?! Sinasabi mo lang 'yan kasi wala ka sa posisyon ko!"
Sino ba si Mr.Varzen? Hindi ko pa kailanma'y naririnig kay papa ang tungkol sa kaniya.
"S-Sandy, pwede naman nating pakiusapan si papa."
"Tanga ka ba?! Kilala mo si dad 'di ba? Kapag sinabi niya ang isang bagay, hindi na niya babawiin 'yon!"
Napalunok ako ng laway. Lumapit ako kay Sandy saka siya niyakap nang mahigpit. Unti-unti naman itong bumaba saka humagulgol sa balikat ko.
"I-I don't want to get m-married, Sol. I really d-don't want to."
"A-Ano bang pwede kong gawin, Sandy? Tutulungan kita," alok ko at marahang hinaplos ang balikat niya. Nagbabakasakaling sa paraang iyon, ay mapakalma ko siya.
Maya't-maya'y agad itong kumalas sa pagkakayakap. Tila umaliwalas bigla ang mukha nito.
"Really? Do you want to help me?"
"Ah... ahm..."
Nagpalinga-linga naman siya. Ilang sandali pa ay lumitaw ang malapad nitong ngiti. Ang bilis naman magbago ang mood niya.
"You're such a kind girl, Ate," aniya at nilapit ang bibig sa tenga ko. Bahagya akong nagulat ng marinig ang pagtawag nito ng 'Ate'. Madalang lang kasi niyang banggitin iyon. "Then, bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa lalaking 'yon?" dugtong nito.
"H-Ha?" Anong ibig niyang sabihin?
"Gusto mo akong tulungan 'di ba?"
"Oo, pero---"
"Ayaw mo ba? So, gusto mo talaga akong tumalon at mamatay ngayon? Ok, madali naman akong kausap----"
"Sandy!"
"What? Payag ka o aayaw ka?"
"Pero si P-Papa." Baka magalit si papa sa pinaplano niya!
"Favorite ka niya 'di ba? Kumbinsihin mo siya na ikaw na lang ang magpapakasal at willing kang makipagpalit sa'kin. Madali lang naman 'yon, hindi ba?"
Napalunok ako ng laway. Humigpit ang kapit ko sa laylayan ng palda ko.
"Sandy... mali 'to."
"Then, tatalon na ako bye---"
"Sandy!"
"What?"
"P-Payag na ako."
**
NAKATUNGO ako habang nasa harapan ni papa. Mas lalo akong nakaramdam ng panginginig ng katawan dahil sa takot ng maramdaman ang seryoso niyang presensya.
"Nahihibang ka na ba, Solly? Nilason na naman ba ng kapatid mo iyang utak mo at ikaw 'tong humaharap sa responsabilidad na siya naman dapat ang gumagawa?!" kalmado ngunit ramdam ang awtoridad sa boses nito.
Ilang beses akong napalunok ng laway bago magsalita."P-Papa, buo na po ang desisyon ko. Ako na lang po ang magpapakasal kay Mr.Varzen---"
"No!" sigaw niya na napatayo pa mula sa pagkakaupo. "Walang magpapabago sa desisyon ko!"
"P-Papa...."
"No, si Sandy ang ipapakasal ko kay Mr.Varzen. And that's final!"
Dali-dali akong lumapit kay papa at hinawakan ang kamay niya."Pa, kapag hinayaan nating ikasal si Sandy sa Mr.Varzen na iyon b-baka kung nong gawin niya sa... sa sarili niya. Noong nakaraang gabi, m-muntik ng tumalon si Sandy sa rooftop! Ayokong may mangyaring masama sa kapatid ko! B-Baka mamaya, maisipan naman niyang gitilan ang leeg niya!"
"Please cooperate with me. Sol, I'm doing this to discipline your sister!"
"What kind of discipline, Papa? Marrying a man she doesn' know? She don't even love?" inis kong usal kay papa na ikinasama ng mukha nito.
"You'll never understand it now. But someday you will."
"Hindi ko kayo maintindihan, Papa." Binitawan ko ang kamay niya. "Bakit ba kailangan niyong bigyan ng ganitong problema si Sandy? Hindi ba kayo nakokonsensya?"
"Nangako ako sa mama niyo na gagawin ko ang lahat para ma-protektahan kayo. And doing this thing, is the only way to sealed your safety."
Kumunot ang noo ko.
Protektahan? Para saan?
"I beg you, Papa. Please huwag niyo ng ituloy 'to," pagmamakaawa ko. Kulang na lang ay magluluhod ako sa harap niya. "Why do Sandy have to marry the guy she an unknown man? To discipline her? For our safety? Anong klaseng dahilan ba 'yan?!"
"No, this is for you and Sandy---"
"No, it's for your own good, Dad."
Sabay kaming napatingin ni dad kay Sandy. Kabababa pa lang nito mula sa itaas. Walang emosyong nagpabalik-balik ang tingin nito sa'min ni papa.
"S-Sandy..."
"Stop fooling us! Malamang ay may malaking balik na pera sa'yo kapag isa sa amin ang nagpakasal sa mga kaibigan mong bilyonaryo!" mapakla nitong sabi at buong tapang na nilabanan ang nakakatakot na tingin ni papa.
"Stop making stories, Sandy. Alam ko na alam mo na kung bakit ko 'to ginagawa."
Napairap na lamang ang kapatid ko.
"Yeah, it's for the Black swan thingy shit."
Black swan? Ano 'yon? Isa na naman ba 'yon sa mga grupong sinalihan ni papa? Hindi ba siya nakukuntento at talagang gusto niya pa kaming idamay ni Sandy sa kahibangan niya?!
"And you have to marry Mr.Varzen," maawatoridad na wika ni papa. Tila isa na iyong pinal na desisyon base sa ekspresyon ni papa.
"No, dad. Sol will." Napatingin naman sa akin ang kapatid ko. "Right?"
Ayoko ng ganito. Gaya ni Sandy ay ayoko rin magpakasal! Hindi ko nga ma-imagine ang sarili ko na magkaroon ng boyfriend ang magpakasal pa kaya?!
Pero ayoko namang maging makasarili. Ayokong makitang nahihirapan ang kapatid ko dahil sa pisteng pagpapakasal na 'yan. She's just nineteen! She's also impulsive and careless, she might done something bad in a long run that will cause more destructions in her life. Paano kung may ipagawa ang Mr.Varzen na 'yon sa kaniya? Mahina ang loob ni Sandy, madaling madala ng emosyon, at laging nagpapadalos-dalos sa pagdedesisyon. Kaya hindi ko hahayaang matali ang kapatid ko sa sitwasyong walang kasiguraduhan at magdudulot lang ng kapahamakan.
Napilitan naman akong tumango. Nagpabalik-balik ang tingin ni papa sa amin ni Sandy. Napahilot ito sa sintido, kakikitaan ng pagkadismaya ang mukha nito.
"You two... this is not what I expected. Sol, you don't have to do this." Nagmamakaawa ang mga mata ni papa habang nakatingin sa akin.
Bakit kasi hindi pwedeng ako? Anong meron sa'kin?
"Pero buo na ang desisyon niya! Hindi niyo ba narinig?" bulyaw ng kapatid ko. "Sol wants to took my position dad! Nagkukusang-loob na nga iyong tao, tumatanggi pa kayo! Huwag niyo ngang ipagduldulan sa'kin ang lalaking iyon!"
"You ruin the plan, Sandy! You stubborn!" galit na sigaw ni dad. Akma sanang susugurin ni papa ang kapatid ko ng agad kong nahawakan ang mga braso niya.
"P-Papa, enough---"
"Sol, is out of this shit!" muling sigaw niya na mas lalong nagpaliyab sa galit ng kapatid ko.
"You're being unfair again, dad! I really hate you! Tss!" asik ni Sandy at galit na lumabas ng bahay.
"Y-You punk---argh!" Agad kong inalalayan si papa ng makitang muntik na itong matumba. "Manang Rosel..."
Agad na inabot ni Manang Rosel ang gamot ni dad. Pinaupo ko naman siya sa sofa at pinakalma. Hindi ko maiwasang malungkot sa mga nangyayari. Ang akala ko ang pagkamatay ni mama ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko... hindi pala. Dahil unti-unting nadudurog ang puso ko sa tuwing iisipin na hindi na muling maibabalik iyong magandang relasyon namin ng kapatid ko kay papa. Siya rin kasi mismo ang gumagawa ng paraan para kamuhian namin siya.
He was self-centered and manipulative. Mama is right. Papa's obsession on joining those organizations ruined everything... including our family.
Kaya hindi na ako magugulat kung pati kami ay ipagpalit niya sa mga organisasyon na 'yan. Nagawa niya ngang iwan si mama alang-alang sa mataas na position ng isang grupong sinasamba niya.
"S-Sol?"
Agad kong tinapunan ng tingin si papa ng banggitin nito ang pangalan ko. Mabuti na lang at bahagya na itong kumalma.
"Bakit, papa?"
"A-Are you sure?"
Gusto kong maiyak sa totoo lang. Pa, ayoko naman talagang gawin 'to e. Pero mahal ko si Sandy, ayokong mapahamak ang kapatid ko. Knowing her? Hindi iyon mag-aatubiling saktan ulit ang sarili niya. This is the only way to protect Sandy from my father's agreement with those monsters.
"Oo, Papa."
"Ha..." Napabuntong hininga na lang ito. "He might kill you if found out that you're not Sandy."
Tinatakot niya ba ako para umatras ako?
"H-Hindi kita maintindihan, Papa."
"Marami ka pang hindi alam tungkol sa mga bagay-bagay. Agreeing to marry that guy would surely open the chest of secrets you might not want to know." Tiningnan niya ako ng mariin sa mata. "You and Lord Raddix are complete opposite. That you two might end up killing each other."
DAHIL sa mangyari nitong nakaraang araw ay hindi ako nakapag-pokus sa mga gawain ko sa school. Laging lutang ang isip ko at hindi makagconcentrate nang maayos sa pakikinig sa mga lecture. Okupadong-okupado ako sa mga desisyong pinagagagawa ko nitong mga nakaraang araw... isa naroon ang pagpayag na pumalit kay Sandy.Katunayan nga ay ilang beses kong pinilit si papa na bawiin na lang ang agreement, o 'di kaya'y tumakas na lang kami para makaiwas, ngunit dahil doon ay mas lalong naghimutok sa galit si papa. Hindi ko dapat siya pangunahan dahil wala raw akong alam. Aniya, kung gawin niya iyon... hindi lang siya ang mapapahamak, pati kami ni Sandy at ang malalapit sa buhay namin. Hindi ko lubos maisip na may mga taong kayang gawin iyon dahil lang sa pagtanggi sa isang kondisyon. Anong klaseng mga tao ba ang nasa likod ng organisasyon na 'yan?"Hey, you ok?"Nanatiling nakasalampak ang mukha ko sa table at hindi pinansin ang nagsalita."Puyat ka na
"I DON'T need saving," buong tapang kong usal saka ang marahas na pagtanggal sa kamay ng lalaking tinatawag na Taurus. "Hindi ko kailangan ng taong ipagtatanggol ako. I can save myself."Sumilay ang mapilyong ngiti ng lalaki. "What a tough girl huh? My type."Type mong mukha mo!"Gawin mo na kung anong gusto mong gawin! Huwag mo ng idamay ang tatlong 'yon!" sabi ko at itinuro sina Ryo, Maverick at Chad na patuloy pa ring pinapahirapan ng mga kaaway."So, gusto mo talagang mamatay?" tanong ng lalaki at nilapit pa ang mukha sa akin. Ba't ba 'to dikit nang dikit sa'kin? Tss.Nakipaglaban ako ng tingin sa kaniya."Hindi ako takot mamatay.""Woah! Are you really that desperate to end your life today?" hindi makapaniwala nitong tanong. "Sayang, type pa naman kita. You're such a chic, Solly.""Mas mabuti ng mamatay kesa pumatol sa'yo!" bulyaw ko sa kaniya. Ngunit natigilan ako saglit nang mapagtanto ang isang bagay. Teka, paano niya n
SOL POVDAHIL sa nakakatakot na pangyayari kanina ay hindi ko tuloy ma-enjoy ang magarang view ng mansyon ng mga Varzen.Nakarating na kami ng ligtas, salamat sa mga tumulong sa'min at sa tulong ng lalaking nagngangalang Clyden. Ngunit hindi siya sumama sa'min pag-uwi, sabi ni Ryo ay may pupuntahan daw itong importante. Likas daw na maraming gawain ang magkakapatid na Varzen.Maraming mga maids, guards, at butlers ang sumalubong sa akin. Sabay-sabay pa silang yumuko nang makita ako. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng hiya. Bakit pa kasi kailangan nilang magbigay galang? 'Di ako sanay."This way, my lady," ani Ryo at iginaya ako sa malawak na living room. Napanganga ako sa sobrang ganda ng lugar! Mala-palasyo ang design! Lahat ng mga bagay na nakikita ko ay kumikinang at mamahalin!"Miss Solly Arien Santiago right?" pagtatanong bigla ng bagong dadating na babae, sa tantya ko nasa 40's pa lang ito, pero aakalain mong dalaga dahil fresh na f
MAAGA akong nagising, nakakahiya kasing magpagising pa sa mga katulong rito. Mabuti na nga lang at maaga ring naghanda ng pagkain ang mga katulong. Pagkatapos mag-agahan ay dali-dali akong nagpaalam kay Ma'am Dorry para pumasok na. Hinatid naman ako ni Maverick at Chad. Wala raw si Ryo kasi naghahanda ito para sa pag-uwi ni Lord Raddix at Young Master Matthias galing Japan. Mamayang gabi ay aasahan daw na nandito na ang dalawa.Kinakabahan nga ako sa totoo lang. Dalawang Varzen pa nga lang ang nakikilala ko kahapon halos mahimatay na ako sa kaba! Tapos may dadagdag pang dalawa?! Kamalasan!Mabilis ang byahe kaya agad akong nakarating sa campus. Nagpasalamat muna ako kay Mav at Chad bago tuluyang pumasok sa loob."Sooolll!" salubong sa akin ni Rain. Mahigpit naman niya akong niyakap. "Waaahhh! Akala ko nakidnap ka na!"Nakidnap?"Ano bang pinagsasabi mo riyan?" Napanguso naman si Rain. "Ito kasing si Luke sinabihan akong nakidnap ka raw! Taranta nga
NAGING tuod na ako sa kinatatayuan ko. Nablanko bigla ang utak ko! Pakiramdam ko nga ay nanluwa na ang mata ko dahil sa labis na pagkagulat.Ano ba kasing pinagsasabi nitong si Clyden?! Gano'n ba ka big deal ang pagtanggi ko sa panlilibre niya?!"Oh sorry. Did I make you feel bad?" pagtatanong niya at dumistansya."Ayos ka lang ba?"Mukha ba akong ayos? Pambihira, sana hindi na ako sumama sa lalaking 'to."By the way, why don't we go to the ice cream shop?" masayang alok niya sa akin.Nawala na parang bula iyong pagka-yamot ko. Ice cream?! Waaah! Sandali! Favorite ko 'yan! Matagal na akong hindi nakakabili dahil sa dami ng kailangan kong bilhin sa school. Gusto ko mang itago ang ngiti ko ay hindi ko magawa."Sige, pero ako lang ang magbabayad ng bibilhin ko. Huwag mo akong ilibre ok?" paalala ko sa kaniya at binuksan ang back pack ko. "May pera ako rito---" Napakunot ang noo ko nang makitang ten pesos na alng ang nandoon. Pin
NAHAWA na ata ako kay Clyden, maging ako ay halos pagpawisan na sa takot. Rinig ko na nga ang malakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan at panay ang tingin ko sa wrist watch. Pero teka, bakit nga pala ako natatakot? Wala naman akong ginagawang masama 'di ba? At saka, gano'n ba talaga ka strikto iyang Lord Raddix na 'yan at kailangan naming umuwi before seven? Ba't 'di ako inform na may curfew pala sa mansion ng mga Varzen?!"S-Sol, I-I'm sorry. I-I shouldn't have invited you to come with me. Shit, I'm so stupid! You'll be doomed because of me!" bulyaw ni Clyden sa sarili habang nagmamaneho. Pakiramdam ko nga ay lumilipad na ang sasakyan dahil sa sobrang bilis ng andar nito. Ahh, masusuka pa yata ako! Kailangan ko ng plastic bag!At dahil sa mabilis na pagmamaneho ni Clyden ay agad kaming nakarating sa mansion. Pagkalabas na pagkalabas ng sasakyan ay agad kaming sinalubong ng mga lalaking naka-itim at may hawak na mata
WALA talaga akong balak magpakasal o ang pumasok sa isang relasyon. Itinataak ko na sa kasuluk-sulukan ng utak ko na hindi ako papasok sa dalawang bagay na iyan. Mas gugustuhin ko na lang magtravel o 'di kaya'y lumamon hanggang sa pagsawaan ko ang pera ko. Pero lahat ng plano kong iyon ay tila pader na basta na lang gumuho. Mag-IISANG LINGGO na akong ikinasal sa Lord Raddix na 'yon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Parang araw-araw akong sinasampal ng katotohanang tuluyan ng nagbago ang buhay ko. Hindi ako sanay na mabasa ang ibang apelyido sa pangalan ko!Bago ibuklat ang mata sa umaga ay taimtim akong nanalangin na sana ay panaginip lang ang lahat. Na sa pagmulat ko ng mata'y, nasa bahay ako... at ang ideyang kasal na ako ay isang bangungot lang. PERO HINDI. Gustuhin ko mang lunurin ang sarili ko sa mga ideyang iyon ay wala ng silbi! Dahil huli na ang lahat. Hindi na mababago ang lahat. At ito ang reyalidad.Napatitig na lamang ako sa kisame
HINDI ko na mabilang kung ilang ulit akong napalunok ng laway. Dahil sa pinaghalong kaba at hiya ay tanging pagtitig lang kay Raddix ang nagawa ko. Mukhang gano'n din naman siya, kahit naka-maskara ay alam kong nagulat din ito. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Inaamin ko, sa unang pagkakataon ay naranasan ko ang paghinto ng paligid ko, maging ang akala ko noong bato kong puso ay nagsimulang magharumentado. Oo, korni pakinggan pero totoo. Pakiramdam ko ay bigla akong naging abnormal! O, baka may biglang sumapi na masamang espiritu sa'kin ng hindi ko namamalayan? Ahh, nababaliw na ako---"You sounded like a dying goat."Muli kong inangat ang tingin sa balcony na nasa itaas ko nang marinig ang pagsasalita ni Raddix. Pero ano raw? I sounded like a dying goat? A DYING GOAT?! Aba, gago 'to ah---"Don't do that again, oh please," natatawa nitong sabi at halatang nang-aaar. "I might die in so much cringe, wife."Napaismid na lang ako at tiningnan siya ng masama. "
More months after...SANDY POVOBSTACLES don’t have to stop you. If you run into a wall, don’t turn around and give up. Figure out how to climb it, go through it, or work around it. Being challenged in life is inevitable, being defeated is optional. Oh 'di ba? Ganda ng opening statement ko? Syempre pa-ending na e HAHAHA charot.Oh siya, back to reality. Ehem.Maingat kong nilagay ang dalang bulaklak sa dalawang puntod na nasa harap ko ngayon. Umupo ako sa damuhan at mapait ang ngiting tiningnan ang mga iyon."Magkasama na kayo, siguro naman hindi na kayo mababagot diyan," wika ko at pinaglandas ang kamay sa pangalan nilang nakasulat sa lapida. "Sana masaya na kayo kung saan man kayo naroroon. Huwag kayong mag-alala, ayos lang kami rito. Ito maganda pa rin anak niyo. Walang kupas," pagbibiro ko pa.Napatingin na lamang ako sa magandang kalangitan. Napakaganda ng hugis ng mga ulap, tumitingkad pa iyon sa tuwing nadidikit sa a
NA-BLANKO bigla ang utak ko. Maski ang paghinga ata ay panandalian kong nakalimutan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Raddix at sa labas ng kotse. Hindi ko alam ang gagawin ko!"Sh*t!" singhal ni Raddix. Ilang segundo ring nagpagewang-gewang ang kotseng sinasakyan namin hanggang sa sapilitan niya iyong ibinangga sa isang posteng nakasuporta sa tulay na kinalalagyan namin ngayon.Tagumpay na nahinto ang kotse. Buong pasasalamat ko na hindi ako nagtamo ng kahit anong sugat. Agad naman akong sinuri ni Raddix, tinanong nang paulit-ulit kung ayos lang ba ako. Sinuri ko rin ang kalagayan niya at gaya ko'y hindi rin ito nagtamo ng malalang sugat.Ang akala ko ay tuluyan ng nabunutan ng tinik ang lalamunan ko, ngunit tila mas dumami pa ang bumara doon nang marinig ang malalakas na sigaw sa labas.Mga aso ni Sarry. Na pilit kaming pinabababa. Ilang beses akong napalunok ng laway at nanginginig ang kamay na tiningnan si Raddix."W-What now? How can w
"MALUWAG kasi ang pagkakatali mo sa mga aso mo kaya nakatakas," patawa-tawang usal ni Flame. "I'm still the king of this mafia group, Honey. Sa akin pa rin sila susunod, kahit anong pag-aalaga at pagpapakain mo sa kanila.""D*mn you! Die already!""You first," asik nito at sinenyasan ang lahat ng mga kasamang nasa likod. Pumalibot naman ang mga iyon kay Sarry at sabay-sabay na itinutok ang baril. Maya't-maya pa'y tumingin sa dereksyon namin si Flame. "Umalis na kayo, ako na bahala rito."Bago pa man ako makapagtanong ay agad na hinawakan ni Raddix ang pulsuhan ko at hinila paalis doon."You owe me a lot love birds!" sigaw ni Flame. Nginitian kami nito sa huling pagkakataon.Pailing-iling na lamang si Raddix at ipinagpatuloy ang paghila sa'kin paalis doon. Rinig pa nga ang pahabol na sigaw at mura ni Sarry. Ngunit alam kong wala na dapat akong ipag-alala, dahil siguradong hindi na siya makakaalis doon!Mabilis ang bawat hakbang namin ka
TILA may bumara sa lalamunan ko dahilan para bumigat ang paghinga ko. Hindi ko maitago ang kabang unti-unting lumulukob sa sistema ko!Naramdaman ko naman ang paghawak ni Raddix sa kamay ko, kahit papaano'y nabawasan ang panginginig no'n."Don't worry, will be fine. I'll promise," bulong niya sa'kin. Ngunit alam kong gaya ko ay natatakot din siya sa maaaring mangyari. Knowing that witch? Hindi iyon magdadalawang isip na gumawa ng kabaliwan.Rinig naman ang mahihinang tawa at papalapit na yabag ni Sarry. Mas lalong nagharumentado ang puso ko nang makitang marami itong kasama--- mga aso niyang nakatutok ang mga baril sa'min."Bakit naman ganiyan ang mga mukha ninyo? Hindi niyo ba inaasahan na buhay pa rin ako? Hmm well, sorry for the surprise. But h*ll yeah, I'm here... breathing and alive," nakangising wika nito. Humakbang naman ito habang nanatili ang nakakairita niyang ngisi. "Natutuwa ako na malamang hindi pa rin kayo nakakalabas. Sayang naman kas
"AVIEL Katniss," mahinang sambit ni Raddix sa pangalan nito.Taimtim ko namang pinanood ang paglapit niya. Walang emosyon niyang binagtas ang ilang metrong pagitan niya sa'min ni Raddix.Avie looks the same. Her signature curly brown hair and her model-like height didn't change. Yet, I found it wierd seeing her wearing a blank-face. I am used to see her b*tchy awra."Don't do anything stup*d that you might regret after, Aviel. I won't think twice releasing all the bullets from my gun and shoot your head," malamig na saad ni Raddix at itinago pa ako sa likod.Nagpapalipat-lipat naman ang tingin ni Avie sa'min bago tuluyang magsalita, "I didn't wait here for almost an hour just to kill the both of you. Kung may balak man akong patayin kayo, kanina ko pa sana ginawa habang naglalandian kayo sa cell."Kinain agad ng hiya ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Nakita niya ang nangyari kanina? Nandoon ba siya? Ba't hindi ko napansin?!Un
HINAWAKAN naman niya ang dalawa kong kamay habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mata niya. "C-Can you s-say it again? Please, I-I want to hear it again, wife.""Raddix," I gulped. "We're having a baby."Mas lalo siyang naiyak. Sinubukan niyang pigilan ang pagtulo ng mga luha ngunit bigo siya. Parang sirang gripo iyong walang humpay sa pag-agos. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit. Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak sa balikat ko."I thought you'll be mad if I tell you I'm pregnant," natatawa kong sabi kahit ang mga luha sa mata'y patuloy din ang pag-agos."W-Why would I-I?" wika nito sa kalagitnaan ng paghikbi. "H-Happiness and joy is understatement. Those w-word's aren't enough to describe what I-I feel right now. I want to jump, I-I want to shout, but my mind is filled with too much delight that the only thing I could is to cry."Napabuga na lamang ako ng hangin. Saka ang pagwika, "Dorry told me that we mi
NAUNANG maglakad ang isang armadong lalaki habang nakasunod naman sa'kin ang isa. Habang binabagtas ang mahabang hallway, palihim kong pinagmasdan ang baril na hawak nila.Klyton was right, Scorpion is not prepared for tonight's war. Halatang hindi pa dumadating ang mga bago nilang armas na galing pa sa ibang bansa. And for Alphanatom, hindi sila madaling makakapunta rito para tulungan ang scorpion. Si Hermes at Demeter na ang bahalang magpatahimik sa mga iyon. The roadway 36 was their secret passage.Nang mapansin kong nasa kalagitnaan na kami ng hallway... doon ko na sinimulan ang sunod na plano.Huminto ako sa paglalakad at umaktong masakit ang paa. "I-I can't walk."Dali-dali namang nahinto ang dalawa at nilapitan ako."Ano bang problema?""Ayos lang ba kayo?"Mas lalo kong pinag-igihan ang pag-arte."Ouch! It hurts, I can't walk!" pekeng daing ko. Natawa naman ako sa isip nang makita ang nag-aalalang mga
NAGTATAASANG mga puno at madilim na daan ang binabagtas ng sasakyan namin ngayon. Parang setting nga ito ng mga horror movies na napanood ko. Walang ibang dumaraan na mga sasakyan, wala ka ring makikitang mga bahay na nakatayo.Maging ang nagbabangayan na si Klyton at Krypton ay biglang natahimik. Hindi man aminin ng dalawa, alam kung gaya ko ay natatakot din sila.Ilang minuto rin naming tiniis ang gano'ng ambience hanggang sa marating namin ang isang tulay. Sa dulo no'n ay nakita namin ang maraming ilaw na sigurado akong nagmumula sa mga bahay at establishemento."Nandito na tayo," bulong ni Klyton habang nasa hawak na cellphone ang paningin.Hindi ko namalayang humigpit na pala ang kapit ko sa seat bealt na suot ko. Napuno nang malalalim na pagbuntong hininga ang loob ng sasakyan. Habang papalapit ang kotse'y ramdam ko ang mas lalong paglakas ng kabog ng dibdib ko. Pinigilan ko na nga ang utak na huwag mag-isip ng kung ano-anong masasama, m
"SA COLD CITY ang karaniwang tirahan ng mga ex-conv*ct at mga taong sangkot sa iba't-ibang illegal na gawain. Madalas akong isama ni Rossel sa tuwing dadalawin niya ang asawang' nakatira roon. Delikado at tago ang lugar, mahirap i-locate. Kung makapasok ka man, hindi ka na makakabalik... lalo na kapag nalaman nilang hindi ka kaanib."Ilang beses akong napalunok ng laway nang marinig ang sinabi ni Dorry. Hindi naman siya nanakot, pero ramdam ko ang panginginig ng tuhod dahil sa sinabi niya.Naiisip ko pa lang na pupunta kami roon, parang hihimatayin na ako sa kaba.Pero hindi ngayon ang oras para magpakain sa takot. Kung ang pagpunta sa lugar na iyon ang tanging paraan para maligtas ang black swan at matigil na sa kahibangan ang scorpion at alphanatom...hindi ako aatras."Pero kung mapilit kayo at talagang gusto niyong pumunta roon... wala na akong magagawa," dugtong pa nito at isinara ang librong binabasa. Walang emosyon niya akong tiningnan. "B