Dalawang araw matapos ang pagbubukas ng AD Gruop sa Arkan City, naging abala ang lahat ng mga negosyante at ilang mga politiko. Nais nilang makipag-ugnayan sa AD Gruop para sa kanilang mga kompanya at mga negosyo. Ang mga politiko naman ay kinukuha ang tiwala ng AD Gruop para pagdating ng eleksyon, meron silang tatakbuhan.
Isa rin ang pamilya Singson ang nagnanais na makipag-ugnayan sa AD Group kaya pinatawag ni Amanda Singson ang lahat ng miyembro ng pamilya Singson para pag-usapan ang gagawin nila para makipag-ugnayan sa AD Gruop.
"Nakabili ka ba ng regalo para kay Lola, Ariella?" tanong ni Alexander sa kanya nang makarating siya sa sala ng bahay ng pamilya ni Alexander.
"Nakabili na ako kahapon, Alexander," sagot ni Ariella sabay pakita ang hawak niyang isang paper bag.
"Siguraduhin mo na magugustuhan ni lola ang binili mo, Ariella!" may pagbabanta sa boses ni Alexander.
"Tara na at baka tayo na lang ang hinihintay nila," anyaya ng ama ni Alexander sa kanilang lahat.
Sabay-sabay silang lumabas ng kanilang bahay papunta sa kanilang sasakyan.
Nang makarating at makababa sila sa sasakyan sa harap ng mansyon ng pamilya Singson, naunang pumasok ang mga magulang ni Alexander at bago sumunod, humarap siya kay Ariella.
"Huwag na huwag kang gagawa ng ikakahiya ko, Ariella, naiintindihan mo ba?" sabi ni Alexander na may pagbabanta.
Tumango lang si Ariella bilang sagot at pagkatapos ay sabay silang naglakad papasok sa loob ng mansyon.
Pagpasok nila, sinundan nila ang mga magulang ni Xander papunta sa mahabang hapagkainan. Pagdating nila, nakita nila ang buong pamilya Singson na nakaupo sa harap ng mahabang lamesa.
Ipinatong ni Ariella ang hawak niyang regalo sa isang lamesa na kung nasaan ang iba pang regalo mula sa ibang miyembro ng pamilya.
Ang pagbibigay ng regalo kay Amanda ay naging tradisyon na sa kanila sa tuwing pinapatawag lahat ni Amanda ang bawat miyembro ng pamilya Singson.
Umupo sina Alexander at Ariella sa tabi ng mga magulang ni Alexander. Sanay na si Ariella sa mga ganitong tagpo. Walang nagsasalita kahit na sino hanggang hindi nagsasalita ang lider ng pamilya na si Amanda.
"Hintayin pa natin ang pamilya ni Cedie," sabi ni Amanda sa lahat.
Si Cedie ay ang panganay na anak ni ng pamilya Singson.
Halos kalahating oras ang kanilang paghihintay bago dumating ang pamilya ni Cedie.
"Kumain na tayo, at pagkatapos ay pag-uusapan natin kung bakit konkayo pinatawag," utos ni Amanda sa lahat.
Nagsimula silang kumain. Tanging ang kutsara't tinidor na tumatama sa pinggan ang maririnig. Walang nagsasalita at nakatuon ang kanilang atensyon sa kanilang pagkain.
Nang matapos ang lahat na kumain, tumayo si Amanda mula sa kanyang upuan at nagsimulang maglakad. Isa-isa namang tumayo ang iba pang miyembro ng pamilya at sinundan nila si Amanda.
Nagpunta silang lahat sa malaking sala ng mansyon. Sa gitna nito ay may nakasabit na malaking chandelier, ang mga palamuti ay halatang mamahalin. Mayroon ding mga canvas na nabili pa sa ibang bansa, at ang mga kagamitan ay makabago.
Umupo silang lahat sa sofa na nasa sala habang si Amanda ay may sariling upuan na para bang isang reyna. Nakaharap siya sa lahat at nang makita niyang nakaupo na silang lahat, nagsimula na siyang magsalita.
"Pinatawag ko kayong lahat dito para sa isang mahalagang bagay," pagsisimula ni Amanda.
"Alam natin lahat na ang AD Group ay isa sa pinakamalaking kompanya sa buong bansa. Marami na silang mga sangay na negosyo na siyang dahilan kung bakit nananatili sila sa itaas," pagpapatuloy niya.
"Dahil sa pagbubukas ng AD Gruop dito sa ating syudad, hindi tayo dapat magpahuli. Marami nang nagsimula na lumapit sa kanila para makipagkasundo sa iba't ibang mga negosyo," anunsyo niya sa lahat.
"Ngayon, nalaman ko na balak nilang magpatayo ng subdibisyon sa Arkan City kaya kailangan natin na tayo ang kukunin nilang Architectural Firm na gagawa sa mga bahay na ipapatayo nila!" deretsong sabi ni Amanda sa lahat.
"Huwag kang mag-alala, Mom, kami na ni Drake ang bahala sa bagay na iyan," sabi ni Cedie, ang panganay na Singson.
"Kaya rin gawin ni Alexander iyan, Mom!" pagsabat ni Joseph, ang ama ni Alexander.
"Nagpapatawa ka ba, uncle? Alam lang niyang magdesenyo ng mga patapong designs! Mga mababang budgets lang ang kaya niyang gawin," nakangising turan ni Drake kay Joseph.
"Nakakalimutan mo yata, uncle, na ako ang pinakamagaling na architech sa Singson Architectural Firm," pagyayabang pa niya.
Napayuko na lang si Joseph dahil.sa sinabi ni Drake sa kanya.
"Huwag na kayo makisali pa dito, Joseph. Magpapagod lang kayo dahil kami rin naman ang haharap sa AD Group," ani ni Cedie, ang kanyang nakakatandang kapatid.
Nagpatuloy ang usapan ng buong Singson. Gustong magsalita ni Alexander pero hindi siya makakuha ng pagkakataon habang nagsasalita ang kanyang Uncle Cedie at ang kanyang pinsan na si Drake kung ano ang magiging plano nila.
Nakikinig lang si Ariella sa usapan ng buong pamilya. Gaya nga ng sinabi ni Alexander kanina sa kanya, huwag siyang gagawa ng kahit na ano na ikakahiya niya sa harap ng buong pamilya kaya nanahimik na lang siya.
"Kung ganoon, sina Cedie at Drake ang gagawa ng plano para ipresenta sa AD Group!" pag-anunsyo ni Amanda.
Taas-nuo na humarap si Cedie at Drake sa kanilang lahat. Nakangisi at may pagmamayabang.
"Sa susunod na tatlong araw.ay kailangan niyo nang makapunta sa AD Group, Cedie at Drake. Baka maunahan pa tayo ng mga kalaban kapag nagtagal pa kayo!" utos ni Amanda sa kanilang dalawa.
"Huwag kang mag-alala, Mom, tayo ang makakakuha ng kanilang tiwala, at kapag nangyari iyon, malaki ang tyansa na makikilala na ng buong bansa ang Singson Architectural Firm!" paninigurado ni Cedie kay Amanda.
Tumayo si Amanda, "Gawin ninyo ang lahat, hindi iyong puro lang kayo salita,Cedie!" sabi ni Amanda bago siya umalis at pumunta ng kanyang kwarto.
"Alexander," pagtawag ni Drake kay Alexander.
Napatingin si Alexander sa kanya. Nakangisi na lumapit si Drake sa kinaroroonan niya at nang makalapit siya ay inakbayan siya.
"Balita ko, mataas na ang narating ni Cassandra sa Europe, ah!" pagbibigay niya ng impormasyon kay Alexander.
"Kung siya lang sana ang napangasawa mo at hindi isang babaeng walang kwenta, sana ay umangat na sana ang buhay ng pamilya mo! Hindi iyong nagtyatyaga kayo sa isang maliit na bungalo na bahay!" sabi pa niya.
Si Cassandra ay ang dating kasintahan ni Alexander ng tatlong taon. Magkarelasyon sila simual noong nasa ikalawang taon ng kolehiyo. Naghiwalay lang sila noon dahil sa kasal nilang dalawa ni Ariella.
"Sabagay, bagay naman kayo doon. Wala ka namang maipagmamalaki kay Lola at wala ka namang ibang alam na gawin kundi makontento na lang kung ano ang meron kayo," pangungutya niya kay Alexander.
Napailing na lang si Ariella habang nakikinig siya sa usapan nilang dalawa. Mataas ang tingin ni Drake sa kanyang sarili. Oo, magaling siyang isang Architecture, marami na siyang nahawakang proyekto, pero alam niya na may ibubuga rin naman si Alexander.
"Ano? Mauna na kami. Gagawin ko pa ang mga design na siyang magpapaangat lalo sa buhay ko, ng pamilya ko! Kaya ikaw, tularan mo ako para makaalis na kayo sa buhay na meron kayo!" paalam ni Drake bago siya lumapit sa kanyang mga magulang at umalis ng mansyon.
Napatingin si Ariella kay Alexander. Alam niyang naiinis ito sa kanyang pinsan ayon na rin sa nakakunot niya nuo at nanlilisk niyang mga mata.
"Tayo na, Alexander!" pagtawag ni Joseph sa kanyang anak.
Napatingin si Alexander sa kanyang ama na nakatayo at katabi niya ang kanyang ina. Naglakad siyang lumapit sa kanila habang si Ariella ay nakasunod lang.
Pagdating nila ng kanilang bahay, dumeretso si Alexander at Ariella sa kani-kanilang kwarto. Pagpasok ni Ariella sa kanyang kwarto, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang isang tao.
"Agad niyong tanggihan kung ano man ang iaalok ni Cedie at Drake Singson, Gladiola!" utos ni Ariella sa kanya.
"Masusunod, Seniora Ariella."
Nang ibinaba ni Ariella ang kanyang telepono, nagpalit na siya ng kanyang damit upang pumunta ng grocery para mamili ng magiging hapunan nilang lahat.
Dalawang araw at tatlong gabi ang ginugol ni Cedie at Drake para magawa ang proposal ni sa AD Group.Sinigurado nila na maganda ang kakalabasan ng kanilang presentasyon para makuha nila ang deal sa gagawin nilang subdivision."Nakahanda na ba ang lahat, Drake?" tanong ni Cedie sa kanyang anak."Nakahanda na, Dad, at sisiguraduhin ko na mamamangha sila s aaking presentasyon," malaking tiwalang sagot ni Drake sa kanyang ama."Siguraduhin mo lang, Drake. Kung hindi natin ito makukuha ang pakikipag-ugnayan nati sa AD Group, malalagot tayo sa lola mo!" paninigurado ni Cedie sa kanyang anak."Huwag ka nang mangamba pa, Dad. Parang hindi mo naman ako kilala, eh! Anak mo ako at alam mo
Nakasakay si Ariella sa taxi nang bigla niyang nari ig ang tunog ng kanyang cdllphone. Agad niya itong kinuha mula sa kanyang bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makilala niya ang tu.atawag, agad niya itong sinagot."Nasaan ka ngayon, Ariella?" tanong ng babaeng nasa kabilang linya, ang kanyang pinakamatalik na kaibigan, si Zaina."Pauwi na ako sa bahay nila Alexander, bakit?" sagot ni Ariella sa kanya."Magkita naman tayo. Matagal na tayong hindi nagkakausap, eh!" sabi ni Zaina sa kanya."Walang problema sa akin. Wala naman akong ibang gagawin ngayon," sagot ni Ariella sa kanya."Sige, papunta ako ngayon sa mall kaya doon ka na lang dumeretso. Magkita na lang tayo sa har
Napuno ng bulungan ang lahat ng miyembro ng pamilya Singson maliban kay Amanda dahil sa sinabi ni Alexander. Seryosong nakatingin si Amanda kay Alexander, habang ang iba pang miyembro ng pamilya ay pinag-uusapan ang naging desisyon ni Alexander. "Kung hindi nakuha ni Drake ang kontrata at loob ng AD Group, imposible na makuha iyon ni Alexander!""Pero, kung walang gagalaw at susubok, siguradong hindi magiging maganda ang pakikitungo ni Lola sa lahat.""Ano ba ang magagawa ni Alexander? Malayo ang agwat ni Drake sa kanya, sa galing at talino, lamang na lamang si Drake!" Ilang lamang sa mga bulong-bulungan na naririnig ni Alexander at Ariella mula sa ibang miyembro ng pamilya Singson. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Alexander? Hindi kaya masyado nang mataas ang tingin mo sa iyong sarili?" tanong ni Drake kay Alexander na may pang-iinsulto. "Kausapin mo nga ang anak mo, Joseph. Mukhang hindi na maayos ang utak at pag-iisp niya.
"Kung ano-ano kasi ang sinabi mo kanina, Ariella! Kapag hindi nakuha ni Alexander ang kontrata sa AD Group, palalayasin kita sa pamamahay namin!" nanggagalaiting sambit ni Clara, ang ina ni Alexander. "Kung itatakwil kami sa pamilya Singson, paano na lang kami mabubuhay? Mawawalan ng trabaho si Alexander sa family company at siguradong ititigil na ni lola ang pagbibigay sa amin ng allowances!" dagdag pa niya. "Wala ka ngang kwentang manugang, wala pang laman ang utak mo! Napakabobo mo para gumawa ng kasunduan!" pagpapatuloy niya. Napapikit na lang ng mga mata si Ariella dahil sa mga sinasabi ng kanyang biyanan. Sanay na siyang nakakarinig ng mga reklamo kay Clara. Noong bago pa lang ang kasal nila ni Alexander, katakot-takot na mga salita, ng pang-aalispusta, at pangmamaliit ang narinig ni Ariella, pero tiniis niya ang lahat ng iyon. Napatingin si Ariella kay Alexander na nakatingin sa labas ng bintana ng kanilang sasakyan. Tahimik l
Hindi makapagsalita si Ariella dahil sa mga sinabi ni Kaizer sa kanya. Nakatitig lang siya sa kanya at kitang-kita niya ang senseridad sa kanyang mukha. Alam niya na totoo ang lahat na sinabi ni Kaizer sa kanya, dalisay ang bawat salita na kumabas sa bibig niya, pero hi di niya alam kung ano ang iisipin niya. Biglaan ang pag-amin ni Kaizer sa kanya, at wala sa lugar. Naipaliwanag naman ni Kaizer ang dahilan niya kung bakit niya nasabi ngayon ang mga nararamdaman niya, pero masyado siyang mabilis. "Alam kong nagulat ka dahil sa mga sinabi ko sa iyo, Ariella. Naiinti dihan kita, pero sasabihin ko na sa iyo ngayon, ipagpapatuloy ko kung ano ang gusto ng puso ko, ipagpapatuloy ko ang pagmamahal ko sa iyo sa ayaw mo man o sa hindi," sabi ni Kaizer sa kanya. Dahil sa hindi siya makapagsalita, iniwas na lang ni Ariella ang tingin niya kay Kaizer. Alam ni Kaizer na nagulat si Ariella at naiintindihan niya ang dalaga. Pero desidido siya na hi
Hating-gabi nang makaramdam ngbpagkauhaw si Ariella. Lumabas siya ng kanyang kwarto para uminim ng tubig. Habang naglalakad siya, napansin niya na maliwanag ang kwarto ni Alexander kaya kinatok niya ito. Hindi ito nakasarado kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nang sumilip siya sa loob, nakita niya na abala si Alexander na nakaupo sa harap ng kanyang table, tinatapos ang ipapakitang design para sa AD Group. Pumasok si Ariella sa loob ng kwarto. Narinig ni Alexander ang pagpasok niya, pero hindi niya ito tinignan. "Malalim na ang gabi, Alexander. Hindi ka ba pwedeng magpahinga?" tanong ni Ariella sa kanya. "Kailangan kong tapusin ito. Kailan kong makuha ang kontrata para sa Singson Firm ipahawak ng AD Group ang plano nilang subdivission," sagot ni Alexander na hindi tinatanggal ang mga tingin sa kanyang ginagawa. Nakuha ni Alexander ang location kung saan ipapatayo ang subdivision ng AD Group sa mga detalye na nalaman niya. Ka
Matapos makapag-present ni Drake sa harapan ni Miss Alvarez, sumunod naman si Alexander. "Kitang-kita mo naman ang mukha ni Miss Alvarez, Alexander, manghang-mangha siya sa ipinakita ko sa kanya. Sigurado na ako ang pipiliin niya at hindi iyong ginawa mong basura!" bulong ni Drake kay Alexander nang magsalubong sila. Napabuntong hininga at napapikit na lang ng mga mata si Alexander. Narinig at nakita niya ang presentasyon ni Drake, at masasabi niyang maganda at kaaya-aya ang planong ipinakita niya, pero kahit na ganoon, malaki ang tiwala ni Alexander sa kanyang gawa, at gagawin niya ang kanyang makakaya para siya ang makakuha ng kontrata. Nag-ayos si Alexander ng kanyang presentasyon, at pagkatapos ay humugot siya nang malalim na hininga bago siya ngumiting humarap kay Gladiola. "Magsimula ka na, Mr. Alexander Singson," serysosong utos ni Miss Alvarez sa kanya. Nakatingin naman si Drake at ang kanyang ama na si Cedie kay Alexander, h
Iniangat ni Ariella ang kanyang kamay at hinawakan niya ang katawan nito. Bahagya niyang itinulak pero dahil sa medyo mahigpit na pagkakayakap ni Alexander ay medyo hindi niya magawang itulak ng tuluyan ang hinata. "Alexander," pagtawag ni Ariella sa pangalan niya. Napahiwalay si Alexander nang pagkakayakap kay Ariella at tumingin siya sa kanyang mga mata. Nagkatitigan silang dalawa. Kitang-kita ni Alexander ang maamong mata ni Ariella. Alam ni Alexander na may ibubuga si Ariella pagdating sa kagandahan, maamo ang kanyang mukha, maganda ang kanyang mga mata, matangos ang kanyang ilong at ang mapula niyang labi. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, nakikita naman ni Alexander ang katangian ni Ariella, pero ngayon lang niya ito natitigan nang malapitan. Napalunok si Alexander. Naramdaman niyang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso habang nakatitig siya kay Ariella. Ngayon niya lang itong naramdaman sa tagal nilang magkasama, at hi
"Damian no ang lulutuin mo ng hapunan, Ariella, bibisita ang mga kaibigan ko!" utos ni Clara sa kanya. "Sarapan mo rin para hindi ako mapapahiya!" Dagdag pa niya. Hindi sumagot si Ariella sa mga sinabi ni Clara sa kanya. Ipinagpatuloy na lang niya ang paghiwa sa mga sangkap na kanyang lulutoin. Mahigit isang oras pa bago mag-alas-sais ng gabi, kaya may oras pa siya para magluto. Kaninang umaga, maagang umalis si Alexander sa kanilang bahay dahil sa biglaang pagtawag ni Amanda sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dahilan, pero alam may ideya na siya kung bakit siya pinatawag ng kanyang lola. "Ariella! Dalhan mo nga ako ng malamig na maiinom dito!" narinig na sigaw ni Clara kay Ariella. Napailing na lang siya at itinigil saglit ang kanyang ginagawa. Kung hindi lang niya kailangang manatili dito ay matagal na siyang umalis, pero para hindi siya mahanap ng kanyang lolo na walang malay ngayon, napagtyagaan niya ito. Habang naglalakad si Ariella dala ang isang baso ng orange juice,
'Kung inaakala mo na magtatagumpay ka, isang malaking kalokohan ang bagay na iyan!' sabi ni Ariella sa kanyang sarili. Bago siya pumunta dito, nakausap na niya si Gladiola at nagplano kung ano ang gagawin nila. May mga tao na nasa kabilang silid na handang pumasok kung may masama mang mangyari sa kanya. Nilapitan ni Arthure si Ariella. Hinawakan niya ang balikat nito kaya napatingin si Ariella sa kanya. "Bakit hindi na nating simulan ngayon, Ariella?" bulong ni Arthure na punong-puno ng pagnanasa sa kanyang boses. "Bitawan mo ako!" direkta at malamig na utos ni Ariella sa kanya. "Akala ko ba ay papahirapan mo ako? Simulan mo na ngayon dahil nangangati na ako!" tanong at sambit ni Arthure sa kanya. Hinawakan ni Ariella ang kamay ni Arthure, at malakas niya itong pinisil. Hindi natinag si Arthure sa ginawa ni Ariella. Gamit ang isa pa niyang kamay, hinawakan niya rin ang isa pa niyang balikat. Iniharap ni Arthure si Ariella sa kanya. Nagkaharap silang dalawa, nakangisi si Arthure
Chapter 19: Secret of His WifeTahimik lang na nakaupo si Ariella sa likod ng sasakyaj ni Alexander. Papunta silang dalawa sa Arkan Hotel and Resto kung saan sila maghahapunan ni Arthure Marcos. Nakatingin si Ariella sa labas ng bintana ng sasakyan, pinapanood ang mga taong naglalakad sa kalsada, mga sasakyan na nakakasabay nila, at ang mga gusali na nalalagpasan nila. Napatingin si Alexander kay Ariella. Alam niya na ayaw ni Ariella na makipaghapunan kay Mr. Arthure Marcos. Alam niya ang dahilan, pero kailangan nilang makausap ang negosyante para sa pagpapatayo ng subdivision ng AD group. Hindi nagtagal, nakarating silang dalawa Arkan Hotel and Resto. Pinagbuksan ni Alexander si Ariella ng pinto nang sasakyan. Bago bumaba si Ariella, tumingin siya sa kanyang asawa. Napayuko si Alexander, hindi niya alam kung bakit, pero may iba siyang nararamdaman ngayon. Guilty? Pwede dahil pwedeng may mangyaring masama kay Ariella sa pagkikita nilang dalawa ni Mr. Arthure Marcos. "Tawagan mo na
Abala si Ariella sa paghahanda ng meryenda ng kanyang mga manugan at ang kanilang mga bisita sa kusina. Lingid sa kanyang kaalaman, pinagmamasdan siya ni Alexander mula sa labas ng kusina. Mabilis na umalis si Alexander sa kanyang kinatatayuan nang matapos ni Ariella ang paghahanda ng pagkain. Naglakad siya papunta sa sala para dalhin ang meryenda nila. Habang papalapit si Ariella sa mga bisita, napansin niya si Alexander na nakatingin sa kanya. Sinenyasan siya ni Alexander na nakuha naman ni Ariella. Nang maibigay niya ang mga pagkain para sa kanyang manugang at mga bisita, umalis si Alexander at nagtungo siya sa garden sa likod ng bahay. Sinundan siya ni Ariella ng tingin at alam niyang may nais itong sabihin sa kanya kaya sumunod siya. Nang makarating si Ariella sa garden, nakita niya si Alexander na naghihintay sa kanya. Nilapitan niya ito at humarap sa kanya. "May kailangan ka ba sa akin, Alexander?" tanong ni Ariella kay Alexan
Tahimik lang na nakikinig si Ariella sa usapan ni Alexander at Mr. Aethure Marcos. Pinag-usapan nila ang design na inaprobahan ng AD Group, at sinabi na rin ni Alexander kung ano ang kanyang dahilan kung bakit siya nakipagkita sa kanya. "Maganda nga ang plano na ginawa mo, Mr. Singson, kakaiba ito sa iba naming nahawakang proyekto, pero sa palagay ko, malaking halaga ang kakailanganin para matapos ang subdivission," pagbibigay ng opinyon ni Aethure kay Alexander. "Iyan din ang problema ko, kaya ako lumalapit sa iyo, Mr. Marcos," sambit ni Alexander sa kanya. Napangisi si Arthure habang nakatingin kay Alexander, at pagkatapos ay tumingin siya kay Ariella na tahimik lang na nakaupo. Kanina pa napapansin ni Ariella ang mga tingin ni Arthure sa kanya. Hindi lang siya nagsasalita, pero nakakaramdam na siya ng kakaiba sa kaharap nilang dalawa ni Alexander. "Matagal na kaming nagkakasama ng lola mo na si Donya Amanda, Mr. Singson, kaya kung
"Maghanda ka, magbihis ka ng maganda, may pupuntahan tayo mamaya," utos ni Alexander kay Ariella habang nagluluto siya ng agahan. Napatigil si Ariella sa kanyang pagluluto at nilingin si Alexander na umiinom ng tubig. "May pupuntahan tayo?" tanong ni Ariella kay Alexander. Nang matapos uminom ng tubig si Alexander, tumingin siya kay Ariella, "Ngayon ako makikipagkita kay Mr. Arthure Marcos, Ariella, at isasama kita," sagot ni Ariella sa kanya. Napasingkit ng mga mata si Ariella dahil sa sinabi ni Alexander sa kanya. Ngayon lang niya ito isasama sa isang meeting. Palagi lang siyang nasa loob ng bahay at gumagawa ng mga gawain. Kapag tapos na ang mga gawain ay pupunta siya sa kanyang kwarto para magpahinga. "Bakit ako sasama sa iyo?" tanong ni Ariella sa kanya. Naningkit ang mga mata ni Alexander. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanya habang hawak ang baso na pinag-inuman niya. Humarap siya kay Ariella, "Dah
"Totoo naman ang sinabi ko, hindi ba? Kasal lang kayo sa papel, at hanggang doon lang," may diing sagot ni Kaizer kay Alexander. Napasingkit ng mga mata at napakuyom ng kamao si Alexander. Hindi niya nagugustuhan ang tono ng boses ni Kaizer, at para bang may tumusok sa kanyang dibdib sa mga salitang binitawan niya. "Hindi ba, kahit kailan ay hindi mo itinuring si Ariella na asawa kundi itinuring mo siyang isang kasambahay kasama ang mga magulang mo! Tagaluto, tagalaba, tagalinis, at tagapamalengke, iyan ang ginagawa ni Ariella sa bahay niyo, kasi hindi niyo siya matanggap dahil isa siyang ulila, wala siyang maipagmamalaki, at isang sampid lang sa pamilya niyo!" dagdag pa ni Kaizer. "Kaya huwag kang umakto na para kang isang mapagmahal na asawa, dahil alam naman natin lahat kung ano ang tingin niyo kay Ariella!" pagtatapos ni Kaizer. Hindi napigilan ni Alexander ang kanyang sarili. Mabilis niyang nilapitan si Kaizer at hinawakan ang kwelyo ng k
Nakasunod si Ariella at Kaizer sa lalaking nasa harapan. Ang lalaking ito ay isang waiter na siyang magdadala sa kanila kung saan ang reservation ni Kaizer. Habang naglalakad sila, bihlang tumugtog ang isang pang romantikong musika. Napakunot ng nuo at napatingin si Ariella kay Kaizer. Hindi pa ring nawawala ang ngiti sa kanyang labi, at alam ni Ariella na may iba pang inihanda si Kaizer para sa kanya. Hindi nagtagal, tumigil ang waiter sa paglalakad. Inilibot ni Ariella ang kanyang paningin sa buong ligar at doon niya nakita si Zania na nakangiting kumakaway sa kanya. "Ano ito, Kaizer?" seryoso at nagtatakang tanong ni Ariella sa kanya. Halatang pinaghandaan ang lugar na ito. Maraming mga pula at pink na mga rosas na nagkalat sa bawat bahagi ng lugar. Sa maliit na entablado, nandoon ang isang grupo ng musikerong nakahawak sa iba't ibang instrumento na siya nagpapatugtog ng romantikong musika. May nag-iisang lamesa sa gitna na preskong bulakla
Nang nakapasok si Alexander sa loob ng bahay nila, dumeretso siya sa kanyang kwarto at binuksan ang kanyang laptop. Habang hinihintay niya ang pagbukas ng kanyang laptop, kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan ang kakilala niya para humingi ng tulong. Nakakatatlong ring pa lang ay sinagot na niya ito. "Napatawag ka, Alexander?" pagsagot ng lalaki sa kabilang linya. "Hindi ba, nagtatrabaho ka sa Marcos Engineering Firm, Sean? Hihingin ko sana ang e-mail kung saan ako pwede magpadala ng mensahe," sagot ni Alexander sa kanya. Si Sean ay ka-team ni Alexander noon sa basketball team ng Arkan University. Apat na taon din silang nagsama at nagkaroon na sila ng samahan. Hindi man sila gaano nagkikita o nagkakausap, mahigpit pa rin ang kanilang pagkakaibigan."Ganoon ba? Bakit hindi mo na lang kunin sa pinsan mong si Drake? Siya ang nakipag-ugnayan noon sa amin, ah," ani ni Sean. "Alam mo naman kung ano ang relasyon namin ng