NATAPOS na ang ribbon cutting at saka naman pinakilala ni Manager Patricia ang mga staffs niya kay Clarence. Nakayuko lang si Mari at panay iwas ang tingin niya kay Clarence habang nagsasalita ito.
“So, I hope na maging consistent tayo sa mga gagawin natin. Kailangan galingan natin sa customer service, okay?” seryosong sabi ni Clarence.“Opo, Sir Clarence,” ani ng staffs saka yumuko ang mga ito.Umayos na ng pagtayo ang mga conceirge ngunit naiwang nakayuko si Mari. Kinalabit ng kasamahan nilang babae si Mari nang mapansin nila ito.“Kanina ka pa nakayuko, uy? Tapos na.”Nanlaki ang mata ni Mari saka agad siyang napatindig ng maayos. Tumikhim siya habang inaayos ang buhok niya, nakatingin pa rin siya sa malayo at pilit na iniiwasan si Clarence. Napatingin si Clarence sa direksyon ni Mari. Feeling niya familiar ang mukha ng babaeng ‘to, ang hindi niya alam ay ito ang kasama niya sa convenience store.Lalapitan sana niya si Mari ngunit biglang lumapit sa kanya ang secretary niyang si Mike.“Sir, may naghihintay ng tawag sa opisina niyo.”“Ah, gano’n ba, Mike? Sino?”“Daddy mo.”“Alright.”Nakahinga ng maluwag si Mari nang umalis na si Clarence sa harap nila. Pakiramdam niya ay malapit nang maghiwalay ang katawan at kaluluwa niya sa nangyari kanina.“Grabe ‘no? Sobrang gwapo pala talaga ni Sir Clarence! Haaay. Ang swerte ng mapapangasawa niya,” wika ng kasamahan niyang concierge. Kilig na kilig ito habang pinagmamasdan si Clarence na naglalakad sa hallway.“Ano ka ba? Syempre naman! Nasa dugo na talaga nila ‘yon. Hmm. I wonder kung may kuya siya? Or nakababatang kapatid? Kung hindi ko makuha si Sir Clarence, kahit sa kapatid niyang lalaki na lang.” Nag-daydream bigla ito habang iniisip kung ano itsura ng kapatid ni Clarence.Maya-maya pa ay biglang sumingit ang manager nila. “Hoy, tama na ‘yang chismis niyo, magtrabaho na kayo. Marami tayong customer ngayon.”Nakapag-overtime ng tatlong oras si Mari dahil sa dami ng customer. Hindi lang katawan ang napagod sa kanya, pati na rin ang paa niya. Long standing kasi ang trabaho niya at naka-heels pa.“Ahhh ang sakit.” Naiiyak niyang tinanggal ang kaliwang sapatos niya ng makaupo siya sa sala.Narinig ito ni Epiphania kaya nilapitan niya ang apo.“Sa una lang ‘yan masakit, masasanay ka rin. Tanggalin mo na ang kabila,” aniya saka tinulungan niyang tanggalin ang sapatos.Huminga nang malalim si Mari saka sumandal sa sofa nang matanggal ‘yon.“Ang hirap pala maging concierge,” wika pa niya.“Oo naman. Hindi talaga madali ang trabaho mo. Buong araw ka nakatayo at inaasikaso mo rin ang mga customer niyo.”Ngumiti si Mari dahil gusto niya ang ginagawa niya, at para naman ito sa pamilya.“Tama nga kayo, La.” Napalinga si Mari, hinahanap niya si Gianni. “Natutulog na kaya si Gianni?” tanong niya rito.Tumindig si Epiphania. “Nakatulog na lang ang bata, kahihintay sa’yo.”Kahit masakit ang paa ni Mari ay naglakad siya papuntang kwarto niya. Umupo siya sa kama at tinabihan ang natutulog niyang anak. Hinaplos ng kaniyang kamay ang buhok nito.“Pasensya ka na, anak kung palaging wala ang mommy. Si Lola Epiphania muna ang maghahatid sundo sa’yo sa school, ah? Kailangan ko kasing kumayod para makaipon pa ako.”Napangiti siyang pinagmamasdan ang anak. Gagawin niya ang lahat para sa kinabukasan ni Gianni. Kahit nakakapagod ang trabaho, at least makita niyang lumalaki ng maayos ito.Nakaramdam ng kalungkutan si Mari kalaunan. Bigla tuloy niya naalala ang nangyari sa PSA. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na pala siya, at sa lalaking hindi niya pa kilala. Napahugot siya nang malalim na hininga. Gusto na niyang malaman kung sino ang lalaking ‘yon.“Humanda talaga siya sa akin kapag makita ko ang lalaking ‘yon. Dudurugin ko siya ng buhay dahil sa ginawa niya.”Para kay Mari ay ninakaw ng lalaki ang marriage status niya. Ayos lang naman sa kanya na maging single mom. Pero ang hindi niya alam na ikinakasal na pala siya, ay hindi niya tanggap ‘yon. Haharap sila sa korte para kasuhan niya ang manlolokong ‘yon!***Napasarap ng tulog si Mari, kaya naman late na siya gumising.“Omg! Late na akooo!” sigaw niya nang makita ang oras sa sa cell phone.Bumalikwas sa higaan si Mari. “Shit!” natataranta niyang sabi, hindi niya alam kung anong unang gagawin niya.“Mommy? Ano po ‘yung shit? Poop ba ‘yon?”Nanlaki ang mata niya nang ma-realized niyang kasama niya pala sa kwarto si Gianni.“No. No. Mali. Bad ‘yon. Huwag kang gumaya kay mommy.” Sinampal ni Mari ang bibig niya. “Bad ‘yon,” dagdag pa niya.Nang bumalik na siya sa huwisyo ay diretso na siya sa cr para maligo. Hindi na siya kumain pagkatapos niyang maligo at mag-ayos. Umalis na kaagad siya ng bahay dahil fifteen minutes na lang bago ang time in schedule niya.“Oh my ghad! Late na talaga ako nitooo!” nababahalang sabi niya.Tatlong taxi na ang dumaan pero nilagpasan lang siya ng mga ito, rush hour din kasi. Palinga-linga na lang si Mari sa daan, nagbabakasakali na may mahanap siyang available taxi. Napahinto na lang siya nang makita niya ang secretary ni Clarence sa gas station, bumaba kasi ito ng kotse.Di na siya nagdalawang isip na lapitan niya ito. Pero habang naglalakad siya ay inuusal na niya na sana wala sa loob si Clarence.“E-Excuse me, Sir Mike?” nahihiyang bigkas ni Mari dito.Napalingon si Mike at nanlaki ang mata na makita si Mari. Suot na ni Mari ang red uniform niya, ngunit napansin ni Mike na basa ang mga balikat nito dahil sa buhok.“Late ka na ba? Gusto mo bang sumabay na lang sa akin?”Napangiti si Mari dito. Mabuti na lang ay napansin ni Mike na nagmamadali si Mari. Pero teka, hindi ba’t ang sabi nito ay sumabay na lang sa kanya? So, meaning. . . hindi kasama ni Mike si Clarence?“Oo, Sir Mike, kung pwede?” ngiting pakiusap niya rito.Pinagbuksan siya ni Mike sa back seat at nang maupo siya ay biglang napasigaw ang isang lalaki dahil sa gulat. Napadilat ng mata si Mari dahil pamilyar ang boses na ‘yon. Shit! Ayaw niyang lumingon dito. Nagkamali siya ng inakala. Pero wala siyang choice kundi ang makisabay na lang.Nagsalubong ang kilay ni Clarence. “Who are you?” tanong niya kaso di sumagot si Mari.Kunot ang noo ni Clarence nang tingnan niya sa rearview ng kotse si Mike. He looked at him, confused.“Pinapasok ko na, Sir, kawawa naman. Ma-la-late na kasi siya.”Napalunok na lang si Mari habang nakatingin sa bintana.Bakit ba kasi palaging na ti-tyempo na si Clarence ang nahihingan niya ng tulong? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, pwede naman sa taong mabait at friendly. Hindi sa masungit at antipatiko na kagaya nito!“STOP the car, Mike,” utos ni Clarence sa secretary niya. Napatingin na lang ito sa rearview mirror, tila naguguluhan ito sa sinabi ng boss niya. “Po? Bakit naman, Sir Clarence?” Binaling ni Clarence ang tingin niya kay Mari at napansin niyang nakayuko lang ito na pilit iniiwasan ang mga titig ng binata. Wala din ideya si Mari sa kung anong dahilan kung bakit pinapahinto ang sasakyan. Malapit na sila sa Hotel de Sinclair, bakit papahintuin si Mike? “I don’t want her to be seen by the people getting out of my car sa tapat mismo ng hotel. Baka kung anong isipin nila. Please stop the car, Mike,”
HINDI pa rin makapaniwala si Mari sa natanggap niyang marriage certificate. Nakasaad do’n na si Clarence Sinclair, ang boss niya sa hotel ang naging asawa niya. Stunned and confused. How could the man she knew as her boss also be her husband? Paano nangyari ‘yon? May arranged marriage ba na hindi niya alam? O baka naman, ginamit lang siya ng pamilyang Sinclair? Pero imposible mangyari ‘yon. Ni hindi niya pamilyar ang pangalang Sinclair no’ng panahong nasa mansyon pa siya. Napatingin siya muli sa marriage certificate. Mas lalo siyang kinahaban nang makita ang pirma niya sa ibabang ng pangalan niya. Hinawakan niya ito at napagtantong kuhang-kuha nito ang pirma. Napahawak na lang ng ulo si Mari. Naguguluhan siya lalo sa mga katunungan niya sa isip. Mas maiintindihan pa niya kung kagagawan ito ng step-mother niya. Pero si Clarence Sinclair? Paano niya naging asawa ang antipatikong ito? Napabuga na lang ng hangin nang maalala ni Mari ang nangyari kanina sa kotse. Hindi niya mata
NAGING tensyonado ang paligid nang magkatinginan sina Mari at Kate. Anim na taon na ang lumipas simula no’ng umalis si Mari sa mansyon, at nasaksihan ni Kate ang nangyaring pagtakwil ng ama nila kay Mari. She was happy that her stepsister is no longer a part of the Harrington family. Mas nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Lahat ng atensyon at pabor ay nasa kanya na. Ang pagkagulat ni Kate ay napalitan ng mapanuksong ngiti nang lapitan ang kapatid. “Well, look who showed up after all this time,” sarkastikong sabi ni Kate. Inihanda ni Mari ang sarili nang harapin niya ‘to. “Surprised to see me, Kate?” Marahang tumawa si Kate sabay tinakpan ang bibig. “Surprised? Leaving and breaking our family’s tradition was a real shocker. Para mo na lang din inabandona ang pamilya mo.” Nanatiling kalmado si Mari. “I didn’t abandon anyone. Kayong lahat, except Ate Vina, ang nag-abandon sa akin. Pinili ko na lang magpakasaya.” “Happiness?” Ngumisi si Kate. “Does breaking a tradition make y
“ARE YOU sure you wanna marry Kate Harrington?” naguguluhang tanong ni Mike kay Clarence. Nasa office silang pareho at katatapos lang ng meeting kanina sa mga board of directors. Si Clarence Sinclair ang nag-iisang anak ng mag-asawang sina Timothy Sinclair at Rosemary Sinclair. At dahil do’n ay siya lang ang tagapagmana ng Sinclair Group. Napatingin si Clarence sa family picture na nasa mesa at tinitigan niya ang mukha ng mommy niya. Her mother is beaming with happiness habang nakaharap sila sa kamera. Pero ‘yon na ang huling litrato na kasama niya ito. As he started at the photo, bigla na lang naalala ni Clarence ang masasayang alaala sa mommy niya. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagkamatay nito. “I know it might seem sudden, Mike, but there’s a reason behind my decision.” Sumandal si Clarence sa upuan niya at pinatunog niya ang mesa gamit ang mga daliri bago niya isiwalat ang bagay na matagal na niyang pinag-isipan. “It’s not about Kate, it’s about the Har
UMILING si Mari sa sinabi ni Clarence. Napatingin siya sa broken vase at kaagad niya ito pinulot isa-isa. “I’m gonna fix this first,” maluha-luhang sabi niya. Napasinghap sa galit si Clarence saka hinilamos ng kamay niya ang mukha. Lumapit siya rito at hinila ang braso ni Mari para ilayo mula sa vase. Dahil do’n ay nasugatan ang kamay ni Mari. Marahas na pinaharap niya si Mari gamit ang kamay niya sa braso nito. Masakit ang pagkahawak ni Clarence kay Mari ngunit tiniis lang ‘yon ng dalaga. “I said get out of my office! That’s a simple order, Mari, can’t you even follow that?” Nagliliyab sa puso ni Clarence ang galit lalo na’t makita niya muli ang basag niyang vase. Iniingatan niya ang alaala ng mommy niya mula sa vase. Pero dahil basag na ay para bang nawala na nang tuluyan ‘yon. Pumasok na si Mike para alalayan si Mari na lumabas na lang ng opisina. Mike understands how Clarence feels. Alam niya ang pinagdaanan nito. “I’m sorry, Miss Mari, kailangan mo nang umalis dito. Alam k
KASAMA ni Mari sina Gianni at Epiphania sa mall at katatapos lang nila mag-grocery. Pumasok sila sa loob ng restaurant para mag-lunch. Ilang sandali pa ay biglang nakita ni Mari ang Ate Vina niya na tantya niyang galing ito sa cr. “Ate?” gulat niyang sambit dito. Nanlaki ang mata ni Vina at napangiti itong makita ang kapatid after six years. “Mari!” Excited nilapitan niya si Mari at niyakap ito. Humiwalay ng yakap si Mari habang nakangiti siya. “It’s good to see you, Ate Vina. Kumusta ka? Ba’t nandito ka sa Baguio?” “Actually, nandito kami ni Kate ngayon sa Baguio dahil sa business meeting. At kung gusto mo malaman ang buhay ko ngayon, Mari. Ito sunod-sunuran pa rin sa kanila.” Mari rolled her eyes at bigla na lang siya naging seryoso. Hindi niya alam kung bakit mas pinapaboran ng daddy nilang si Robert si Kate kahit hindi naman talaga itong dugong Harrington. “Balita ko na engaged na si Kate?” Napataas ng kilay si Vina. “Hindi pa, Mari, pero malapit na. Teka. How did you kno
TULALA nang titigan ni Clarence si Mari habang naglilinis ito ng opisina niya. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit naging asawa niya ito sa papel. Paano nangyari ‘yon? Bumuntong-hininga si Clarence saka tumindig. Lalapitan niya sana si Mari pero parang pinipigilan siya ng kanyang paa na gawin ‘yon. Nanlaki na lang ang mata ni Clarence nang magtama ang mata nila nang lumingon ito sa direksyon niya. “S-Sir? M-May problema po ba? O baka may gusto kayong ipalinis pa sa akin?” Nahihiyang marahang tumawa si Mari. “Pasensya na po pala do’n sa vase niyo. Kung alam ko lang na mahalaga pala ‘yon, hindi na ako naglinis sa mesa niyo.” Umiling si Clarence. “No. Ako dapat ang mag-sorry dahil nasigawan kita. Salamat pala sa pagbuo ng vase ko. Alam kong mahirap pero ginawa mo. I didn’t expect that pero salamat.” Napakamot na lang ng ulo si Mari. “Ah. Hehe. Ginawa ko lang naman ang nararapat. At saka kasalanan ko naman talaga ‘yon.” Huminga muli nang malalim si Clarence, iniisip niya kung ano
SIX YEARS AGO Clarence sat alone at the bar while nursing his drink. Panay tingin niya sa cell phone kung may reply na ba si Jacob. Magkikita sana sila dahil may ibibigay siyang importanteng dokumento dito. Ilang sandali pa ay tumawag sa kanya si Jacob kaya napatindig siya. “Why is it taking so long, Jacob?” [I’m sorry, Clarence, pero hindi ako matutuloy ngayon d’yan. Na-admit kasi ngayon si mommy at kailangan niya ako. Siguro bukas na lang.] Huminga nang malalim si Clarence. “Ipapadala ko na lang ‘to sa law firm mo.” [Pasensya ka na, Clarence. Hindi ko pa kasi ma-no-notaryo ‘yang marriage certificate ng ate mo. Ibibigay ko na lang kaagad ‘yan kay Atty.Salino.] Bagong pasa lang kasi si Jacob sa bar exam at matagal pa dumating ang Certificate of Authority for a Notarial Act niya. “It’s okay, dude, no worries. Regards ako kay tita, ah? Sabihan mo na magpagaling siya.” [Sure. Thanks bro!] He was about to leave the place when he saw a stunning woman in a red backless dres
Nanliit ang mata ni Kate, sinusubukang alamin kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Mari sa kulungan. Iniisip niya na baka nandito ito para pagtawanan siya o ipamukha ang pagkakamali niya.“Are you here to mock me, Mari? Makakalabas ako rito. So please—”Hindi natapos ni Kate ang sasabihin niya nang mapansin niyang tumulo ang luha ni Mari. Biglang natigilan si Kate. Pinagmamasdan niya ang mugtong mata ni Mari, na tila bang pagod na itong umiyak. Hindi niya inasahan na makikita niya itong mahina, na parang may dinadalang mabigat na problema.“Mari…” mahinang bigkas ni Kate habang nakatingin dito. Para siyang napako sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Inayos ni Kate ang sarili niya, she stood herself na para bang gusto niyang kalabanin si Mari. Lahat ng dinanas niyang hirap sa kulungan ay kailangan pagbayaran ng kapatid niya.Magsasalita pa sana niya nang biglang hinawakan ni Mari ang kamay ni Kate. Sa gulat, napaatras si Kate, pero hindi niya napigilan ang sari
Napangiti si Kate nang makita ang presensya ng mommy niya. Nasa loob sila ng kuwarto na may harang na glass sa pagitan nila. Dito ginagawa ng mga taong gustong bisitahin ang mga preso."Makakalabas na ba ako, Mom?" excited na tanong niya. Napansin ni Kate ang biglaang pagbabago sa mukha ni Silvana. Tila lumungkot ang mata nito, at ang kanyang mga labi ay parang nag-aalangan bago magsalita."Kate..." malumanay na sabi ni Silvana, "hindi ka na makakalabas nang basta-basta dito."Marahang tumawa si Kate habang nangigilid ang mga luha sa mata. "That's not true, Mom," aniya habang umiiling siya. "I know dad will come here to get me out," dagdag pa niya."At hindi na mangyayari iyon, Kate. Pinapalayas na ako ng daddy mo."Napatindig sa gulat si Kate. "What?!" galit na tanong niya. Gulong-gulo ang isip niya. Paano nagawa ni Robert iyon sa sarili nitong asawa? At bakit hahayaan ang anak niyang mabulok sa kulongan?"I don't understand you, Mom. What do you mean na pinalayas ka ni dad? Nag-aw
"MARI, wait for me!"Hingal na hingal si Ricca habang hinahabol niya ang pinsan. Nang huminto si Mari at lumingon ay natigilan siya. Umiiyak na pala ito."Mari..." mahinang tawag niya.Agad na pinahid ni Mari ang luha sa mga mata niya, pero bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.Lumapit si Ricca at hinawakan ang balikat nito. "Huwag mo masyadong dibdibin ang nalaman mo, Mari."Bumuntong-hininga si Mari at tumingin sa malayo. Pinipigilan niya ang sariling di humikbi, pero hindi na niya kaya. Nagsimula na ulit tumulo ang luha niya."Pagod na ako, Ricca," mahinang sabi niya. "Pagod na akong gawin ang lahat para maayos ang pamilya ko. Lahat sinunod ko naman, yung tradisyon na iyon ginawa ko dahil mahal ko si dad. Kahit alam kong sobra na. Akala ko kasi, kapag ginawa ko iyon, baka matutunan niya akong mahalin bilang anak niya."Nagulat si Ricca sa narinig niya, pero nanatili siyang tahimik."No'ng nalaman kong hindi ako anak ni dad? Masakit. At tinanggap ko iyon. Pero alam mo ang mas masaki
MALAKAS na hiyaw ang ginawa ni Kate habang nasa loob siya ng kulungan. Nag-echo mula sa selda niya hanggang sa opisina ni Severano ang pagwawala nito. Huminga na lang siya nang malalim Mahigpit ang pagkakahawak ni Kate sa rehas. “Let me out! Let me out!” sigaw niya na halos mapaos sa lakas ng boses.Isang mataba at kulot na buhok na babae ang lumapit kay Kate at kinalabit siya nito. Pagkalingon ni Kate ay napatingala siya dahil mas matangkad pa ito sa kanya. Seryosong tiningnan siya ng babae, dahil do’n ay napalunok siya. Kahit nakakatakot ang hitsura nito ay minarapat niyang maging matatag sa harap nito. “What do you want?” lakas loob na tanong niya sa babae na tila bang hinahamon niya ito.Nagtawanan ang mga babae sa loob ng selda kasama ang matabang babae. “Ang lakas naman ng loob mo, ano? Sa seldang ito, ako lang ang masusunod. Kaya tigil-tigilan mo ‘yang pagwawala mo, baka pagkamalan kang baliw at mapunta ka sa mental hospital,” salaysay ng babae saka nagtawanan ang lahat.Big
NAKAUPO ngayon si Mike habang naghihintay na ibigay ni Yssa sa kanya ang resulta ng DNA test. Lumipas ang halos sampung minuto ay napatayo siya na makita ang presensya nito na naglalakad patungo sa kanya.“Pasensya na po kung medyo natagalan. Ito na po ang DNA test result nila,” wika ni Yssa nang iunat ang envelope kay Mike. “Thank you, Yssa,” pasalamat niya rito saka agad siyang umalis.Pagpasok ni Mike sa loob ng kotse ay agad niyang binuksan ang envelope. Nanlaki ang mata niya sa nakita niyang resulta. Dumukot ng cell phone si Mike sa bulsa at tinawagan si Clarence.“Sir, I already got the result. Papunta na ako sa opisina niyo.” Binaba ni Mike ang tawag at nagsimulang magmaneho papuntang Sinclair Company.Nasa entrance siya nang makita niya si Ricca sa unahan hanggang sa pareho silang pumasok sa elevator. Dahil dalawa lang sila sa loob ay agad na napansin ni Ricca ang presensya ni Mike. “You saw me earlier, right? No greetings at all?”Nanatiling nakatingin si Mike sa
HAWAK ni Mari ang tablet niya nang maupo siya sa sala. Pinapanuod niya mula rito ang video na nakuha ng dalawang hidden camera; ang sa opisina niya at sa apartment ni Bitsy. Naikuyom ni Mari ang kaniyang kamay kasabay ng pag gilid ng luha niya nang makita kung paanong sinaksak ng tauhan ni Kate ang walang kalaban-labang Bitsy. Napalunok siya upang pigilan ang h’wag humikbi.Halos tatlong araw na walang maayos na tulog sina Clarence at Mari dahil sinamahan nila ang technician habang inaayos ang laptop at ma-restore ang video. “Stop it, Mari,” sabi ni Clarence. Kinuha niya ang tablet kay Mari at nilagay ito sa center table saka siya tumabi rito.“I don’t get the point, Clarence. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasama si Kate. Na bakit kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mari. “H’wag mo na isipin iyon, Mari. Basta alam na nating masamang tao si Kate.” Napabuntong-hininga si Clarence at sa mukha niya ay may halong pag-aalala ay pagkadismaya
HULING araw na ni Bitsy nang bumisita si Mari sa chapel. Mabuti na lang ay nakahabol siya pagkatapos ng limang araw na pagpapahinga niya sa ospital. Umuwi na rin ang mga kaibigan niya sa Baguio. Hindi na niya sinama pa ang mga kaibigan at pamilya niya sa lamay dahil gusto niyang mapag-isa.Pagpasok ni Mari sa loob ay dinig niya hikbi ng pamilya sa pagkawala ng sekretarya niya. Sa bawat paghakbang niya patungo sa kabaong ni Bitsy ay unti-unti niyang nararamdaman ang matinding bigat at panghihinayang. “I’m sorry, Bitsy.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig niya at saka tumulo ang kanyang luha. Pagkatapos niyang tingnan ang labi ng sekretarya ay lumapit siya sa ina nito upang makiramay. “I am sorry for your loss, M’am Merideth. Nakikiramay ako,” malungkot niyang sabi sa ina ni Bitsy. Hahawakan niya sana ang balikat nito nang bigla siyang tinulak palayo. “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!” sigaw ng nanay ni Bitsy na may halong pagbibintang. Nagdulot ng malak
HABANG busy ang mga tauhan ni Inspector Cruz sa paghahanap ng mga hidden camera sa loob ng apartment ay naroon si Bogart, nagpapanggap ito biglang isang parte ng team. Isang bulalas ang bumasag sa katahimikan nang matagumpay na itinaas ng isang pulis ang isang maliit na camera na nakita niya mula sa tv. “May nahanap akong hidden camera!” anunsyo niya. Napatingin ang lahat sa pulis na iyon at saka lumapit si Bogart dala ang ziplock na ang laman ay mga nakolektang hidden cameras ng apartment. Binuksan niya ang ziplock at ipinasok ng pulis camera.Malalim na ang gabi at pagod na pagod na ang mga pulis dahil umabot ng alas dos ng madaling araw ang imbestigasyon.Sa wakas ay nagsalita na si Inspector Cruz upang tapusin na ang operasyon. “Alright, let’s wrap up!” sabi niya.Bumaling ang tingin ni Inspector Cruz kay Bogart na nakatayo pa rin habang hawak ang ziplock. Nakaramdam siya ng lamig at napalunok. Nanlilisik ang mga mata ng inspektor na may halong panghihinala. May kung anong likid
TAHIMIK na nakahiga si Mari sa kama nang pumasok bigla si Clarence sa kwarto niya. Napansin ni Mari ang pagod at paghahabol hininga nito. Kunot ang noong pinagmasdan niya ang asawa. “Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya. Huminga nang malalim si Clarence. “Bitsy is dead. Someone killed her!” nginig ang boses niyang sinabi iyon. Napasinghap si Mari. Pumasok sa loob ang mga kasama niya nang marinig iyon. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa balita.Pagod at pinagpapawisan si Clarence dahil sa kamamadali niyang bumalik sa ospital. Umupo siya sa tabi ni Mari upang magpahinga.“And how about the video?” tanong ni Mari.“Inspector Cruz is trying to locate Bitsy's corporate laptop. They might call any moment. They're still investigating,” tugon niya.Napatingin sa malayo si Mari at biglang gumilid ang luha niya. Hindi niya inakalang madadamay ang secretary niya rito. Malaking responsibilidad din ito sa kanya at kasabay no’n ay nakokonsensya siya.“This is all my fault,” ani Mari sa sarili.