TULALA nang titigan ni Clarence si Mari habang naglilinis ito ng opisina niya. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit naging asawa niya ito sa papel. Paano nangyari ‘yon? Bumuntong-hininga si Clarence saka tumindig. Lalapitan niya sana si Mari pero parang pinipigilan siya ng kanyang paa na gawin ‘yon. Nanlaki na lang ang mata ni Clarence nang magtama ang mata nila nang lumingon ito sa direksyon niya. “S-Sir? M-May problema po ba? O baka may gusto kayong ipalinis pa sa akin?” Nahihiyang marahang tumawa si Mari. “Pasensya na po pala do’n sa vase niyo. Kung alam ko lang na mahalaga pala ‘yon, hindi na ako naglinis sa mesa niyo.” Umiling si Clarence. “No. Ako dapat ang mag-sorry dahil nasigawan kita. Salamat pala sa pagbuo ng vase ko. Alam kong mahirap pero ginawa mo. I didn’t expect that pero salamat.” Napakamot na lang ng ulo si Mari. “Ah. Hehe. Ginawa ko lang naman ang nararapat. At saka kasalanan ko naman talaga ‘yon.” Huminga muli nang malalim si Clarence, iniisip niya kung ano
SIX YEARS AGO Clarence sat alone at the bar while nursing his drink. Panay tingin niya sa cell phone kung may reply na ba si Jacob. Magkikita sana sila dahil may ibibigay siyang importanteng dokumento dito. Ilang sandali pa ay tumawag sa kanya si Jacob kaya napatindig siya. “Why is it taking so long, Jacob?” [I’m sorry, Clarence, pero hindi ako matutuloy ngayon d’yan. Na-admit kasi ngayon si mommy at kailangan niya ako. Siguro bukas na lang.] Huminga nang malalim si Clarence. “Ipapadala ko na lang ‘to sa law firm mo.” [Pasensya ka na, Clarence. Hindi ko pa kasi ma-no-notaryo ‘yang marriage certificate ng ate mo. Ibibigay ko na lang kaagad ‘yan kay Atty.Salino.] Bagong pasa lang kasi si Jacob sa bar exam at matagal pa dumating ang Certificate of Authority for a Notarial Act niya. “It’s okay, dude, no worries. Regards ako kay tita, ah? Sabihan mo na magpagaling siya.” [Sure. Thanks bro!] He was about to leave the place when he saw a stunning woman in a red backless dres
NANLAKI ang mata ni Mike nang mabasa niya ang marriage certificate ni Clarence. “S-Sir? What’s the meaning of this? Kasal ka na pala kay Marigold Harrington?” gulat niyang tanong habang hawak ang papel. Tumango si Clarence at napahilamos siya ng mukha. Nakaupo lang siya sa couch ng office at malayo ang iniisip. “But how? Paano nangyari ‘yon?” Kinuwento ni Clarence lahat ng nangyari sa kanila ni Mari six years ago. “At dahil sa katangahan ko ay nilagay ko pala ‘yong marriage certificate namin sa envelope. Nasama sa notaryo na dapat kay Ate Diane lang ang natatakan.” “Paano ang engagement at wedding mo kay Kate Harrington?” Huminga nang malalim si Clarence. “I don’t know, Mike. Maybe I have no choice but to ask Mari for an annulment.” Napataas ng dalawang kilay si Mike because he expected that answer. “Hindi ko pwedeng i-delay ang engagement ko kay Kate. Kailangan ko na siyang mapakasalan sa lalong madaling panahon.” “Bakit hindi na lang si Marigold, Sir Clarence?” Napatingi
“WHAT are you doing?” pabulong na sabi ni Mari kay Clarence. “Sabayang mo na lang ako kung ayaw mong mapahiya ang anak mo,” mahinang boses na tugon ni Clarence. Tumingin si Clarence sa mga umaaway kina Mari at Gianni. “You don’t have the right na pagsabihan niyo si Mari na nabuntis lang siya sa lalaking hindi niya kilala. That’s only a rumor. We are already married for six years, gusto niyo pa ba ng pruweba? And Gianni is my son.” Kaagad na napalingon si Mari kay Clarence. Hindi niya alam kung talagang may laman ba ang sinabi nito? O baka naman nasabi lang ‘yon para tulongan ang anak niya? Nanliit ang mata ni Clarence sa mga ito. “Now, you have to say sorry sa mag-ina ko. Or else I’ll take legal action.” Napabuga ng hangin ang isa pang babae. “No way! Hindi namin gagawin ‘yon!” Tinaas ni Clarence ang cell phone niya at seryoso niyang tinitigan ito. "I just recorded your conversation as evidence. If you won't apologize to my wife and son, be prepared to hire a lawyer. I’ll mak
MAG-IISANG oras nang naghihintay si Kate sa binook niyang restaurant ngunit wala pa ang nobyo niyang si Clarence. Muling lumapit ang waiter para kunin ang order ni Kate. “Ma’am, may I take your order na po?” Kumunot ang noo niya at tiningnan ang waitress. “Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na mag-o-order ako kapag nandito na kasama ko? Don’t you get it?!” inis niyang sabi rito. “O-Okay po, Ma’am, pasensya na po,” nauutal na tugon nito saka umalis. Huminga nang malalim si Kate at saka tinawagan niya muli si Clarence. Pang-limang tawag na niya ito pero di parin ito sumasagot. Ilang sandali pa ay biglang tumawag ang sekretarya ni Clarence. “Hello, Mike? Kasama mo ba si Clarence ngayon?” “Actually po, Ma’am Kate, nagka-emergency meeting kasi si Clarence ngayon. Hindi matutuloy date niyo.” Napatindig sa galit si Kate at tinaas ang boses niya. “What?! Ang sabi niya ay naka-clear ang schedule niya para ngayon. Bakit gano’n, Mike?” galit na tonong tanong niya. “I’m sorry, Ma’am
MAAGANG pumunta si Kate sa opisina ni Clarence dala ang niluto niyang breakfast. Alam niya kasing hindi ito nag-b-breakfast bago pumasok sa work. Nanlaki ang mata ni Clarence nang makita niyang nasa opisina na si Kate. “Good morning, hon,” maligayang pagbati ni Kate kay Clarence. Lumapit siya rito para halikan sa labi ngunit umiwas si Clarence. Kumunot ang noo ni Kate. “What’s wrong? Nag-toothbrush naman ako. Bakit ayaw mo magpahalik sa akin?” inis na tanong ni Kate. Natikhim si Clarence at hinarap niya ito. “I was in hurry kaya nakalimutan ko ang mag-toothrbush. I’m sorry, hon,” rason niya rito kaya marahang tumawa si Kate. “That’s so cute, honey. Ayos lang. Come here.” Hinila ni Kate ang braso ni Clarence papunta sa maliit na mesa sa gitna ng mga couch. “I made breakfast for you,” excited na sabi ni Kate. Napalunok si Clarence nang makita niya ang pagkaing inihanda ni Kate. Isang fried egg, limang slices ng bacon, rice and a cup of coffee. “W-Wow! T-That’s sweet of you,
PALINGA-LINGA si Clarence habang naglalakad siya sa lobby ng hotel. Hinahanap niya si Mari para humingi ng tawad sa ginawa ni Kate kanina. Clarence asked the concierge on duty na si Lina. “Have you seen Mari?” tanong niya. Umiling si Lina. “Hindi ko po siya nakita. Ang alam ko kasi pinapaglinis siya sa opisina niyo, wala po ba sya do’n?” Ngumiti si Lina at hinawi ang buhok niya dahil sa kilig. “Uhm, ano po pala sasabihin niyo kay Mari? I-re-relay ko na lang po sa kanya.” Pinilig ni Clarence ang ulo nya. “Don’t worry, hahanapin ko na lang siya mamaya.” Ilang sandali ay nag-ring ang cell phone niya. Kaagad niyang sinagot ang tawag ni Mike. “Sir, nasa labas na po ako.” “Wait for me, Mike.” May lakad silang dalawa ni Mike dahil pupunta sila department store para simulan ang pagiging ama niya kay Gianni. Aalis na sana siya nang bigla niyang nakita si Mari kausap si Manager Patricia. Lumapit si Lina kay Mari. “Mari! Nandito ka na pala. Hinahanap ka ni Sir Clarence,” wika ni Lina ha
NAKATUNGANGA lang si Mike habang pinagmamasdan niya ang boss niya. Hindi siya makapaniwala sa kinikilos ni Clarence ngayon. Masyado na itong nagiging overacting pagdating sa anak nito. Right. This is his first daddy duty—ang bilhin lahat ng mga gamit sa department store para kay Gianni. “Here you go. Your-five-big-carts, Sir Clarence,” Mike emphasized those words. “Ibigay mo na sa kanila ang four carts. Atin ang isang cart dahil pupunta tayo sa toys area.” Napabuka ng bibig si Mike. Hindi pa nakuntento si Clarence sa pang-ho-hoard sa kids wear and accessories, at kailangan pa nilang pumunta sa toy area. Kung sabagay, hindi makukumpleto ang regalo kung walang mga laruan. Nanlaki na lang ang mata ni Mike nang sunod-sunod na ipinasok ni Clarence ang mga nahahawakan nitong laruan sa cart nila. Pinulot ni Mike ang isang laruan na para lang sa two to three years old. “Sir? Mukhang mali po ang nakuha niyo. Pang toddler to, e? Mag-se-seven na po si Gianni.” “Oh right! Sorry. Tulungan m
Nanliit ang mata ni Kate, sinusubukang alamin kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Mari sa kulungan. Iniisip niya na baka nandito ito para pagtawanan siya o ipamukha ang pagkakamali niya.“Are you here to mock me, Mari? Makakalabas ako rito. So please—”Hindi natapos ni Kate ang sasabihin niya nang mapansin niyang tumulo ang luha ni Mari. Biglang natigilan si Kate. Pinagmamasdan niya ang mugtong mata ni Mari, na tila bang pagod na itong umiyak. Hindi niya inasahan na makikita niya itong mahina, na parang may dinadalang mabigat na problema.“Mari…” mahinang bigkas ni Kate habang nakatingin dito. Para siyang napako sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Inayos ni Kate ang sarili niya, she stood herself na para bang gusto niyang kalabanin si Mari. Lahat ng dinanas niyang hirap sa kulungan ay kailangan pagbayaran ng kapatid niya.Magsasalita pa sana niya nang biglang hinawakan ni Mari ang kamay ni Kate. Sa gulat, napaatras si Kate, pero hindi niya napigilan ang sari
Napangiti si Kate nang makita ang presensya ng mommy niya. Nasa loob sila ng kuwarto na may harang na glass sa pagitan nila. Dito ginagawa ng mga taong gustong bisitahin ang mga preso."Makakalabas na ba ako, Mom?" excited na tanong niya. Napansin ni Kate ang biglaang pagbabago sa mukha ni Silvana. Tila lumungkot ang mata nito, at ang kanyang mga labi ay parang nag-aalangan bago magsalita."Kate..." malumanay na sabi ni Silvana, "hindi ka na makakalabas nang basta-basta dito."Marahang tumawa si Kate habang nangigilid ang mga luha sa mata. "That's not true, Mom," aniya habang umiiling siya. "I know dad will come here to get me out," dagdag pa niya."At hindi na mangyayari iyon, Kate. Pinapalayas na ako ng daddy mo."Napatindig sa gulat si Kate. "What?!" galit na tanong niya. Gulong-gulo ang isip niya. Paano nagawa ni Robert iyon sa sarili nitong asawa? At bakit hahayaan ang anak niyang mabulok sa kulongan?"I don't understand you, Mom. What do you mean na pinalayas ka ni dad? Nag-aw
"MARI, wait for me!"Hingal na hingal si Ricca habang hinahabol niya ang pinsan. Nang huminto si Mari at lumingon ay natigilan siya. Umiiyak na pala ito."Mari..." mahinang tawag niya.Agad na pinahid ni Mari ang luha sa mga mata niya, pero bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.Lumapit si Ricca at hinawakan ang balikat nito. "Huwag mo masyadong dibdibin ang nalaman mo, Mari."Bumuntong-hininga si Mari at tumingin sa malayo. Pinipigilan niya ang sariling di humikbi, pero hindi na niya kaya. Nagsimula na ulit tumulo ang luha niya."Pagod na ako, Ricca," mahinang sabi niya. "Pagod na akong gawin ang lahat para maayos ang pamilya ko. Lahat sinunod ko naman, yung tradisyon na iyon ginawa ko dahil mahal ko si dad. Kahit alam kong sobra na. Akala ko kasi, kapag ginawa ko iyon, baka matutunan niya akong mahalin bilang anak niya."Nagulat si Ricca sa narinig niya, pero nanatili siyang tahimik."No'ng nalaman kong hindi ako anak ni dad? Masakit. At tinanggap ko iyon. Pero alam mo ang mas masaki
MALAKAS na hiyaw ang ginawa ni Kate habang nasa loob siya ng kulungan. Nag-echo mula sa selda niya hanggang sa opisina ni Severano ang pagwawala nito. Huminga na lang siya nang malalim Mahigpit ang pagkakahawak ni Kate sa rehas. “Let me out! Let me out!” sigaw niya na halos mapaos sa lakas ng boses.Isang mataba at kulot na buhok na babae ang lumapit kay Kate at kinalabit siya nito. Pagkalingon ni Kate ay napatingala siya dahil mas matangkad pa ito sa kanya. Seryosong tiningnan siya ng babae, dahil do’n ay napalunok siya. Kahit nakakatakot ang hitsura nito ay minarapat niyang maging matatag sa harap nito. “What do you want?” lakas loob na tanong niya sa babae na tila bang hinahamon niya ito.Nagtawanan ang mga babae sa loob ng selda kasama ang matabang babae. “Ang lakas naman ng loob mo, ano? Sa seldang ito, ako lang ang masusunod. Kaya tigil-tigilan mo ‘yang pagwawala mo, baka pagkamalan kang baliw at mapunta ka sa mental hospital,” salaysay ng babae saka nagtawanan ang lahat.Big
NAKAUPO ngayon si Mike habang naghihintay na ibigay ni Yssa sa kanya ang resulta ng DNA test. Lumipas ang halos sampung minuto ay napatayo siya na makita ang presensya nito na naglalakad patungo sa kanya.“Pasensya na po kung medyo natagalan. Ito na po ang DNA test result nila,” wika ni Yssa nang iunat ang envelope kay Mike. “Thank you, Yssa,” pasalamat niya rito saka agad siyang umalis.Pagpasok ni Mike sa loob ng kotse ay agad niyang binuksan ang envelope. Nanlaki ang mata niya sa nakita niyang resulta. Dumukot ng cell phone si Mike sa bulsa at tinawagan si Clarence.“Sir, I already got the result. Papunta na ako sa opisina niyo.” Binaba ni Mike ang tawag at nagsimulang magmaneho papuntang Sinclair Company.Nasa entrance siya nang makita niya si Ricca sa unahan hanggang sa pareho silang pumasok sa elevator. Dahil dalawa lang sila sa loob ay agad na napansin ni Ricca ang presensya ni Mike. “You saw me earlier, right? No greetings at all?”Nanatiling nakatingin si Mike sa
HAWAK ni Mari ang tablet niya nang maupo siya sa sala. Pinapanuod niya mula rito ang video na nakuha ng dalawang hidden camera; ang sa opisina niya at sa apartment ni Bitsy. Naikuyom ni Mari ang kaniyang kamay kasabay ng pag gilid ng luha niya nang makita kung paanong sinaksak ng tauhan ni Kate ang walang kalaban-labang Bitsy. Napalunok siya upang pigilan ang h’wag humikbi.Halos tatlong araw na walang maayos na tulog sina Clarence at Mari dahil sinamahan nila ang technician habang inaayos ang laptop at ma-restore ang video. “Stop it, Mari,” sabi ni Clarence. Kinuha niya ang tablet kay Mari at nilagay ito sa center table saka siya tumabi rito.“I don’t get the point, Clarence. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasama si Kate. Na bakit kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mari. “H’wag mo na isipin iyon, Mari. Basta alam na nating masamang tao si Kate.” Napabuntong-hininga si Clarence at sa mukha niya ay may halong pag-aalala ay pagkadismaya
HULING araw na ni Bitsy nang bumisita si Mari sa chapel. Mabuti na lang ay nakahabol siya pagkatapos ng limang araw na pagpapahinga niya sa ospital. Umuwi na rin ang mga kaibigan niya sa Baguio. Hindi na niya sinama pa ang mga kaibigan at pamilya niya sa lamay dahil gusto niyang mapag-isa.Pagpasok ni Mari sa loob ay dinig niya hikbi ng pamilya sa pagkawala ng sekretarya niya. Sa bawat paghakbang niya patungo sa kabaong ni Bitsy ay unti-unti niyang nararamdaman ang matinding bigat at panghihinayang. “I’m sorry, Bitsy.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig niya at saka tumulo ang kanyang luha. Pagkatapos niyang tingnan ang labi ng sekretarya ay lumapit siya sa ina nito upang makiramay. “I am sorry for your loss, M’am Merideth. Nakikiramay ako,” malungkot niyang sabi sa ina ni Bitsy. Hahawakan niya sana ang balikat nito nang bigla siyang tinulak palayo. “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!” sigaw ng nanay ni Bitsy na may halong pagbibintang. Nagdulot ng malak
HABANG busy ang mga tauhan ni Inspector Cruz sa paghahanap ng mga hidden camera sa loob ng apartment ay naroon si Bogart, nagpapanggap ito biglang isang parte ng team. Isang bulalas ang bumasag sa katahimikan nang matagumpay na itinaas ng isang pulis ang isang maliit na camera na nakita niya mula sa tv. “May nahanap akong hidden camera!” anunsyo niya. Napatingin ang lahat sa pulis na iyon at saka lumapit si Bogart dala ang ziplock na ang laman ay mga nakolektang hidden cameras ng apartment. Binuksan niya ang ziplock at ipinasok ng pulis camera.Malalim na ang gabi at pagod na pagod na ang mga pulis dahil umabot ng alas dos ng madaling araw ang imbestigasyon.Sa wakas ay nagsalita na si Inspector Cruz upang tapusin na ang operasyon. “Alright, let’s wrap up!” sabi niya.Bumaling ang tingin ni Inspector Cruz kay Bogart na nakatayo pa rin habang hawak ang ziplock. Nakaramdam siya ng lamig at napalunok. Nanlilisik ang mga mata ng inspektor na may halong panghihinala. May kung anong likid
TAHIMIK na nakahiga si Mari sa kama nang pumasok bigla si Clarence sa kwarto niya. Napansin ni Mari ang pagod at paghahabol hininga nito. Kunot ang noong pinagmasdan niya ang asawa. “Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya. Huminga nang malalim si Clarence. “Bitsy is dead. Someone killed her!” nginig ang boses niyang sinabi iyon. Napasinghap si Mari. Pumasok sa loob ang mga kasama niya nang marinig iyon. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa balita.Pagod at pinagpapawisan si Clarence dahil sa kamamadali niyang bumalik sa ospital. Umupo siya sa tabi ni Mari upang magpahinga.“And how about the video?” tanong ni Mari.“Inspector Cruz is trying to locate Bitsy's corporate laptop. They might call any moment. They're still investigating,” tugon niya.Napatingin sa malayo si Mari at biglang gumilid ang luha niya. Hindi niya inakalang madadamay ang secretary niya rito. Malaking responsibilidad din ito sa kanya at kasabay no’n ay nakokonsensya siya.“This is all my fault,” ani Mari sa sarili.