KINABUKASAN, nang magising si Peppa, biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang mapagtanto niyang nasa loob na siya ng kaniyang silid. Nagtataka siya kung paano siyang na punta roon, gayo’ng ang pagkakaalala niya ay nasa sala siya nang nagdaang gabi, at umiiyak na naman siya nang dahil sa kaniyang asawa. Naalala pa nga niya na namaga ang kaniyang isang paa dahil sa pagkakatisod nang sapilitan siyang hilahin ni Hector palabas ng hotel maging ang pananakit nito sa kaniya, hanggang sa itinulak siya nito at tumama ang tagiliran niya sa bubog na lamesa. Ngunit bakit wala siyang maramdamang sakit sa paa at tagiliran niya ngayon?
Medyo masakit pa man ang kaniyang ulo’y pinilit niyang kumilos sa kaniyang puwesto at kunot ang noo na dahan-dahan siyang umupo sa kaniyang kama para siyasatin ang sarili. Ngunit ganoon na lamang ang pagtataka niya nang makitang nakabenda ang kaniyang paa. At nang kapain niya ang kaniyang tagiliran ay may bandaid na rin iyon.Napamaang siya. Oh, baka ang asawa niya ang may gawa niyon? Sila lang naman dalawa ang tao sa bahay nila kaya walang ibang gagawa n’on kun’di si Hector lang. Ngunit bakit naman gagawin iyon ni Hector sa kaniya gayo’ng wala naman itong pakialam sa kaniya? Nais pa nga nitong patayin siya at nang tuluyan na siyang mawala sa mundo nito!Pero teka... ibig sabihin ba rin n’on ay inihatid siya nito sa kaniyang kuwarto? Binuhat siya ni Hector papunta sa kaniyang silid?Gusto pa sana niyang mag-isip ng dahilan kung bakit ginawa iyon ni Hector sa kaniya, pero bigla namang kumalam ang kaniyang sikmura. Oh, hindi pa rin pala siya kumakain simula kagabi kaya gutom na gutom na siya! Kaya kahit medyo mabigat pa ang kaniyang paiiramdam, dahan-dahan na siyang kumilos sa kaniyang puwesto at bumaba sa kama. Bahagya pang kumirot ang kaniyang sugat maging ang kaniyang paa no’ng iapak niya iyon sa marmol na sahig. Pero okay lang naman. Kaya naman na niyang maglakad papunta sa kusina para maasikaso ang pagkain niya. Tutal at pasado alas sais na rin ng umaga at kailangan niya ng magluto ng agahan para sa asawa at baka magalit na naman ito sa kaniya.Paika-ika siyang humakbang hanggang sa makalabas siya sa kaniyang silid, hanggang sa makababa siya sa mataas na hagdan at makarating siya sa kusina. Kahit medyo sumakit na naman ang paa niya dahil sa mataas na hagdan na tinahak niya, maging ang kaniyang sugat na kanina ay maayos naman na, hindi niya na iyon pinansin. Alam kasi niyang mas lalo pa iyong sasakit mamaya kapag nadatnan na naman siya ni Hector na babagal-bagal at wala pang nalulutong pagkain para dito.Kaagad siyang nag-asikaso ng kaniyang maluluto.“What are you doing?”Halos mabasag pa ang pinggan na hawak niya nang bigla niya iyong mabitawan at bumagsak sa lababo. Kabado at nanginginig ang mga kamay; dahan-dahan niyang hinarap ang asawa. Inaasahan na niyang galit at nagsasalubong na naman ang mga kilay nito kagaya ng nakagawian na nitong hitsura kapag galit ito sa kaniya... ngunit iba ang nabungaran niya ngayon sa anyo nito.“Oh, damn.” Ani nito at nagmamadaling lumapit sa kaniya.Bigla naman siyang nakadama nang malakas na kaba sa dibdib dahil sa takot niya na baka pagbuhatan na naman siya nito ng kamay. Napaatras pa nga siya.“You don’t have to do that,” wika nito at kaagad na hinawakan ang kaniyang kamay at walang paalam na pinangko siya nito.Gulat man dahil sa ginawa ni Hector, pero wala na ring nagawa si Pipay nang bigla siya nitong iupo sa isang silya sa harap ng lamesa.“Don’t bother yourself to cook,” tipid na sabi nito at tinitigan siya nang mataman pagkuwa’y binalingan ng tingin ang paa niya. Mabilis itong lumuhod. “Does it still hurt?” tanong nito.Hindi naman siya nakasagot agad. Parang bigla niya atang nalunok ang sariling dila dahil sa labis na pagtataka. Bakit umaasta naman na mabait ang kaniyang asawa ngayon? Pero mamaya alam niyang magagalit na naman ito sa kaniya!“Peppa, I’m asking you if your foot still hurts?” ulit na tanong nito nang hindi pa rin siya nakasagot.Mayamaya, sunod-sunod siyang napakurap at nagbawi ng tingin dito. “M-Medyo,” nauutal na sagot niya.“How is your back? Does your wound still hurt?” tanong pa nito saka tumayo at walang paalam na hinawakan ang laylayan ng kaniyang damit upang matingnan ang kaniyang sugat roon.Nagulat man siya, pero hindi na rin niya nagawang makakilos sa kaniyang puwesto.Bakit? Bakit ito na naman ang biglang naramdaman niya? Bakit ganito na naman kabilis ang tibok ng kaniyang puso? Ano ba ang ibig sabihin nito? Pakiramdam niya may nagliliparang paru-paro sa loob ng kaniyang tiyan nang magdaiti na naman ang mga balat nila ni Hector?“Still bleeding,” sabi nito na siyang umagaw muli sa kaniyang atensyon. Namaywang pa ito sa harapan niya pagkatapos inspeksyonin ang kaniyang sugat. “Nagpa-deliver na ako ng pagkain natin. You can’t walk properly yet, so just stay there,” sabi nito saka tumalikod at naglakad palabas ng kusina.Kunot ang noo na sinundan na lamang niya ng tingin ang bulto ng kaniyang asawa hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya. Pero makaraan ang ilang minuto ay muli itong bumalik. May bitbit na apat na plastic bag.“Let’s eat and you need to take your medication to heal the wound and bruise on your foot quickly,” wika nito at kaagad na inayos ang pagkain sa mesa.Nagtataka pa rin at gustong magsalita ni Pipay para tanungin ang asawa kung bakit ganito ang pakikitungo nito ngayon sa kaniya? Kung bakit mukhang anghel ito ngayon sa paningin niya? Ngunit wala siyang lakas ng loob. Kilala na niya kasi ang ugali nito. Baka ngayon lang ito mabait, pero mamaya ay bigla naman itong babalik sa totoong ugali na mayroon ito.“Eat, Peppa! Gusto mo subuan pa kita?”Diretsong napatingin si Pipay sa mga mata ni Hector nang marinig niya ang sinabi nito. Napatitig siya sa guwapo nitong mukha maging sa maganda at namumungay nitong mga mata. Pero mayamaya, sunod-sunod na iling ang kaagad na ginawa niya pagkuwa’y mabilis na kinuha ang kubyertos na nasa harapan niya. Tahimik na naglagay ng pagkain sa kaniyang plato at kumain.“CANCEL ALL MY appointments today! No problem. I can handle Mr. Nakamura. Just do what I say, and don’t forget to send me those e-mails, okay?”Nakaupo lamang si Pipay sa mahaba at malambot na sofa habang nagbabasa ng magazine, at naririnig niya si Hector na may kausap sa cellphone nito.Wala naman siyang magawa sa ngayon dahil sa totoo lang ay medyo nananakit na naman ang paa niya pati na rin ang sugat sa likod niya. Pagkatapos nilang mag-almusal kanina ay pinangko siya nitong muli at dinala sa sala para doon ay magpahinga; iyon ang utos sa kaniya ni Hector. Hindi siya sanay na walang ginagawa sa buong maghapon kung kaya’t bagot na bagot siya at nangangati ang mga kamay niya na gumawa ng gawaing bahay. Pero sigurado rin naman siyang pagagalitan siya nito kung ipipilit niya ang kaniyang gusto na magtrabaho.“Are you okay? Do you need something?”Bigla siyang nag-angat ng mukha upang tapunan ng tingin ang asawa na hindi niya napansin na nakalapit na pala sa harapan niya.“Uh, w-wala naman. Salamat!” kinakabahang sagot niya rito saka mabilis na muling nagbaba ng paningin.Nagpakawala naman nang malalim na paghinga si Hector. “You’re lying again, Pipay,” sabi nito.Muli siyang nag-angat ng kaniyang mukha at nakita niyang nakatitig ito sa kaniyang kamay na nasa ibabaw ng kaniyang hita na patuloy na gumuguhit ng bilog. Wala sa sariling naikuyom niya tuloy ang kaniyang palad.“Tell me, what do you want?” tanong nitong muli at sinalubong ang kaniyang paningin.It’s her mannerism. Gumuguhit siya ng bilog sa tuwing nagsisinungaling siya sa isang tao. At sa buong dalawang taon na magkasama sila ni Hector sa iisang bahay ay ngayon lamang ito may napuna sa kaniya, kaya labis siyang nagulat.“Um...” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.“Tell me habang hindi pa nag-iinit ang ulo ko nang dahil sa ’yo,” seryosong sabi nito na siyang pumutol sa pagsasalita niya.Lihim na napapalunok naman siya. “G-Gusto ko sanang... s-sa kuwarto ko na lang ako magpapahinga,” sabi na lamang niya rito.Muling nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Hector bago ito yumuko at walang sabi-sabi na kinarga siya na parang bagong kasal. Dahil sa gulat nang bigla siyang buhatin nito ay wala sa sariling naipulupot niya ang isa niyang braso sa balikat nito habang ang isang kamay naman niya ay napahawak sa matigas at malapad na dibdib nito.Tila biglang nag-slow motion ang paligid niya nang mag-angat siya ng tingin sa asawa. Kagaya niya ay gulat din ang makikitang ekspresyon sa mukha ni Hector habang nakatingin sa kaniya.Malakas ang tibok ng puso niya. Parang pakiramdam niya anumang sandali ay lalabas na iyon sa kaniyang dibdib. Hindi niya rin magawang iiwas ang kaniyang paningin dito dahil parang may magnet ang mga mata ni Hector na siyang humahatak sa paningin niya. Pakiramdam niya ay nanghihina ang buong katawan niya dahil sa klase ng titig ni Hector sa kaniya sa mga sandaling iyon.Ito na naman at nagising na naman ang sangkatirbang paru-paro sa kaniyang sikmura, maging ang bultahe ng kuryente na muling nanulay sa katawan niya mula sa katawan ng kaniyang asawa. Kung kaya nga lang niya na lumayo at umiwas dito ay kanina niya pang ginawa. Bukod kasi sa natatakot siya rito ay naiilang din siya dahil sobrang lapit nila sa isa’t isa. Nalilito siya kung ano ba itong nararamdaman niya. Itong bigla-biglang paglakas nang tibok ng kaniyang puso. Itong kuryenteng nanunulay sa katawan niya sa tuwing magkakadikit ang mga balat bila ni Hector. Gusto niyang kumawala mula sa mga bisig nitong nakapulupot sa kaniyang baywang, pero malas lang niya at hindi niya kayang maglakad ngayon nang maayos.“S-Sorry! K-Kaya ko naman maglakad, e! Ibaba mo na lang ako,” nauutal na sabi niya rito.Ngunit sa halip na pakinggan ni Hector ang kaniyang mga sinabi, nag-umpisa na itong maglakad at umakyat sa hagdan para ihatid siya sa kaniyang silid. Masuyo at maingat siya nitong inilapag sa kaniyang kama nang makarating na sila sa kuwarto niya.“S-Salamat,” kinakabahan at nahihiyang sabi niya rito.“Stay here! I’ll be back.” Ani nito saka mabilis na muling lumabas sa silid niya.Napatulala na lang siya sa nakapinid na pinto at halos hindi makapaniwala dahil sa mga nangyari. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman niya ngayon? Dati naman ay hindi siya ganito. Pero ngayon... bigla siyang nababalisa. Nauutal. Kinakabahan. At lalo na pakiramdam niya parati siyang nakukuryente sa tuwing magdadaiti ang mga balat nila ni Hector.“Ang sabi sa ’kin ng lola ko noon, kapag daw naramdaman mo ang kuryente na nanulay sa balat mo galing sa isang tao, ibig sabihin n’on ay may espesyal kang nararamdaman para sa taong iyon.”“Ano po’ng ibig ninyong sabihin na espesyal na nararamdaman, Sister Venice?” tanong ng batang Pipay sa Madre na kaniyang kinikilalang ina.“Espesyal. Ito ’yong uri ng paghanga o kung madalas ay pagmamahal na nararamdaman natin para sa taong gusto o tinitibok ng ating puso. Pero hindi mo pa maiintindiha iyon sa ngayon dahil bata ka pa, Pipay. Darating ang araw na mauunawaan mo rin ito. Kapag nakilala mo na rin ang taong nakatakda mong mahalin. Ang taong magpapatibok ng iyong puso.”Iyon ang biglang lumitaw sa isipan ni Pipay habang nakatulala sa kawalan.Totoo nga kaya? Tama ba ang Sister Venice niya? Totoo nga kaya na may espesyal na siyang nararamdaman para sa kaniyang asawa? Na gusto niya na si Hector? Ngunit paanong nangyari? Simula’t sapol pa lamang ay alam niya ng hindi niya puwedeng magustohan o hindi siya puwedemg umibig sa asawa dahil na rin sa pagmamalupit at pananakit nito sa kaniya.Hindi siya puwedeng makaramdaman ng espesyal para kay Hector. Dahil panigurado siya ngayon pa lamang ay siya lang din ang lubos na masasaktan at magdudusa pagdating ng araw.MARAHANG kumatok si Hector sa pintuan ng silid ni Pipay. Ngunit nakakailang katok na siya roon ay wala pa rin siyang naririnig na tugon mula sa asawa na nasa loob ng kuwarto. Dahan-dahan niyang hinawakan ang siradura at pinihit iyon pabukas. Walang pahintulot na pumasok siya roon. Kaya naman pala hindi siya sinagot ng kaniyang asawa ay dahil mahimbing na itong natutulog sa ibabaw ng malambot na kama. Napabuntong-hininga na lamang siya saka umiiling na naglakad palapit sa kama. “Tss!” at makaupo siya sa gilid ni Pipay habang hawak-hawak niya ang first aid kit na kinuha niya sa kusina. “Peppa, wake up!” tawag niya rito. Ngunit isang mahinhin na hilik lamang ang nakuha niyang tugon mula rito. “Hey! Wake up! I told you na hintayin mo ako hindi tulugan mo ako.” Tila naiinis na saad niya kahit alam naman niyang hindi siya maririnig ng humihilik niyang asawa. Mayamaya, tinapik niya ito sa braso ngunit laking gulat niya nang biglang kunin ni Pipay ang kaniyang kamay at yakapin iyon na tila ba ay isang malambot na unan.“Hector!” sambit ni Pipay sa pangalan niya.Kunot ang noo at wala sa sariling napatitig siya sa mukha nito na nahihimbing sa pagtulog. Mula sa maliit at maamong mukha, sinuyod ng kaniyang mga mata ang halos lahat ng parte ng mukha ni Pipay. Ang mga kilay nitong maayos ang pagkakapurma, ang mga mata na may mahahaba at malalantik na pilik. Ang medyo may katangusang ilong nito. At lalo na ang mamula-mulang mga labi nito.“Hector!” muling halinghing ni Pipay.Hindi alam ni Hector kung bakit biglang nagkaganoon ang pakiramdam niya! Hindi niya alam kung bakit biglang nag-init at kumulo ang kaniyang dugo nang makita niyang may ibang lalaki na kasama ang kaniyang asawa nang araw na nagpunta sila sa hotel kung saan nag-celebrate ng birthday ang isa sa mga kaibigan niya. Naguluhan siyang bigla. Wala naman siyang pakialam kay Pipay, pero bakit bigla siyang nakadama ng ganoon sa dibdib niya? Nahihibang na ba siya?Mabilis niyang ipinilig ang kaniyang ulo at nagpakawala nang malalim na paghinga.“Hey, Peppa! Wake up!” muling tawag na lamang niya rito mayamaya.HABANG tumatagal na nakatitig si Hector sa asawa ay mas lalo lang siyang naguguluhan sa nararamdaman ng kaniyang dibdib. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang maramdaman iyon. Mayamaya ay bigla siyang napailing kasabay ng pagpapakawala nang malalim na buntong-hininga. “Peppa, wake up!” Muli niya itong sinubukan na gisingin.Bahagya namang nagulat si Pipay nang pagkamulat ng kaniyang mga mata ay nakita niyang hawak-hawak ni Hector ang kaniyang kamay. Napabalikwas siya nang bangon at mabilis na binawi ang kamay mula rito at umupo sa gilid ng kama. “Um, s-sorry,” aniya. “A-Anong ginagawa mo rito?” nauutal at kinakabahang tanong niya.Bumuntong-hininga ulit si Hector, “we need to clean your wound. Come here at ako na ang maggagamot sa ’yo,” wika nito saka walang sabi-sabi na hinawakan ang kamay ng asawa at bahagyang hinila. Wala namang nagawa si Pipay kun’di ang lumapit sa kinauupuan nito. “Turn around at itaas mo ang damit mo.” Utos nito sa kaniya.“H-Huh? B-Bakit?
ISANG malakas na dighay ang pinakawalan ni Pipay matapos kainin ang huling slice ng pancake na inihain sa kaniya ng asawa. “Sorry! Excuse me.” Nahihiyang saad niya kay Hector saka nagbaba ng tingin dito.“You want more?” tanong nito.“Huh? A, busog na ako. Salamat!” aniya.“Um!” bigla itong naputol sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone nito na nasa ibabaw ng lamesa.Dahil nasa tapat niya lang ang asawa ay nakita niya agad kung sino ang tumatawag dito.Erneth? Babae ba ’yon? Tanong niya sa isipan nang mapasilip siya sa asawa na abala naman sa pagnguya sa kinakain nito. Mabilis na kumilos ang kamay ni Hector at pinatay ang tawag. Pero mayamaya ay tumunog na naman iyon.“B-Baka importante ’yang tawag sa ’yo.” Lakas loob na saad niya nang makailang ring na ang cellphone nito pero pinapatay lamang iyon ni Hector. Ang pagkakaalam niya kasi ay walang tawag ang asawa na hindi nito sinasagot. Even if he is in front of the dining table, when his phone rings, he answers it immediately, whe
BIGLANG napabalikwas nang bangon si Pipay nang maalimpungatan siya dahil sa malakas na tunog ng kaniyang alarm clock na nasa bedside table. Agad niyang kinuha iyon at pinatay. Isturbo sa masarap niyang tulog.Pero ganoon na lamang ang kaniyang pagkagulat nang mapagtanto ang oras. “Huh? Alas nuebe y medya na?” sambit niya. “Hala! Lagot ako nito.” Kinakabahan at nagmamadali siyang bumangon sa higaan at pumasok sa banyo. Matapos mag hilamos at mag-toothbrush ay nagmamadali rin siyang nanaog sa hagdan para tunguhin ang kusina. “Lagot ako nito, e! Bakit kasi 9:30 na ako nagising? Hay nako! Tanga mo, Pipay! Tanga!” Panenermon niya sa sarili habang binabatukan ang ulo.Malamang na abot-abot na galit na naman ang makukuha niya mula sa asawa. Ilang oras na siyang late ng gising. Dapat ala-sais palang nang umaga ay naka-ready na ang almusal ni Hector. Paano, kagabi ay inabot na siya ng alas tres ng madaling araw bago dinalaw ng antok kakaisip sa mga bagay-bagay. Kaya hayon at late na siyang na
“WHO told you na puwede kang umalis ng bahay ko ng ’di nagpapaalam sa ’kin, huh?” galit na sigaw ni Hector habang nangigigil itong nakahawak sa baba ng kawawang asawa.Hilam naman ng luha ang buong mukha ni Pipay habang takot na nagmamakaawa siya sa kaniyang asawa, ngunit ayaw naman siyang pakinggan nito. “Sorry! L-Lumabas lang naman ako para magpahangin,” aniya habang panay pa rin ang hikbi. “Nasasaktan na ako!” Nahihirapang pagsusumamo niya rito habang nakahawak din sa kamay ng asawa.Ngunit mayamaya ay napadaing siya nang husto nang sabunutan nito lalo ang kaniyang buhok kung kaya’t napatingala siya rito.“I own you. No one else can own you but me. Do you understand? Kapag nalaman kong nakikipagkita ka sa lalaki mo, mapapatay kita.” Galit na banta nito sa kaniya.Dahil sa takot at sa galit na nakikita niya sa mga mata ng asawa ay napatango siya nang sunod-sunod dito bilang pagsang-ayon sa mga sinabi nito.Padabog naman siyang binitawan ni Hector kaya napasubsob siya sa carpet ng sa
NAALIMPUNGATAN bigla si Pipay nang marinig niya ang kalabog sa tapat ng pinto ng kaniyang kuwarto. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kanina habang umiiyak. Well, ano pa nga ba ang bago roon? Lagi naman niyang nakakatulugan ang sarili na hilam sa luha pagkatapos siyang saktan ng kaniyang magaling na asawa.Halos mahulog pa siya sa kaniyang kama sa pagmamadaling makabangon at mabuksan ang pinto na sa tingin niya ay kaunti na lang ay mawawasak na dahil sa sobrang lakas nang pagkalabog ng asawa mula sa labas!“S-Sandali lang! Nandyan na!” Nanginginig pa ang kaniyang boses habang nagkukumahog na lumapit sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa kaniya ang galit at hindi maipintang hitsura ni Hector.“What took you so long?” galit na tanong nito agad sa kaniya. “Alam mong ayoko na pinaghihintay ako!”“N-Nakatulog kasi ako. Pasensiya na!” Nakayokong hinging paumanhin niya rito.Narinig niya naman ang pagpapakawala nang malalim at mabigat na buntong-hininga nito, siyang naging dahil
TAHIMIK lang si Peppa na nakaupo sa isang bench sa lobby ng hotel habang nakatanaw sa labas ng entrance. Kanina pa siya roon at naghihintay sa kaniyang asawa, pero mula nang iwan siya nito at sumama sa isang babae ay mukhang nakalimutan na ata siya nito at ni hindi man lang siya binalikan o hinanap. Sabagay... he is Hector PenaVega at kailanman ay hindi siya magkakaroon ng puwang sa puso nito.“Pipay?”Agad siyang napalingon sa gawing kanan niya nang marinig niya ang isang boses na tumawag sa pangalan niya.“Pipay! Ikaw nga!” Malapad ang ngiti sa mga labing saad ng lalaki at pagkuwa’y nagmamadali itong lumapit sa kinaroroonan niya.“Hunter?” kunot ang noo na sambit niya. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ngayon ang lalaki.Oh, God! It’s been years simula no’ng huli nilang pagkikita. Pero, aminado siyang hindi niya nakalimutan ang hitsura nito kaya agad niya itong nakilala.“Hey! Long time no see!” Mahahalata ang labis na tuwa sa boses nito hindi lamang sa hitsura nito ngayon. “

HABANG tumatagal na nakatitig si Hector sa asawa ay mas lalo lang siyang naguguluhan sa nararamdaman ng kaniyang dibdib. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang maramdaman iyon. Mayamaya ay bigla siyang napailing kasabay ng pagpapakawala nang malalim na buntong-hininga. “Peppa, wake up!” Muli niya itong sinubukan na gisingin.Bahagya namang nagulat si Pipay nang pagkamulat ng kaniyang mga mata ay nakita niyang hawak-hawak ni Hector ang kaniyang kamay. Napabalikwas siya nang bangon at mabilis na binawi ang kamay mula rito at umupo sa gilid ng kama. “Um, s-sorry,” aniya. “A-Anong ginagawa mo rito?” nauutal at kinakabahang tanong niya.Bumuntong-hininga ulit si Hector, “we need to clean your wound. Come here at ako na ang maggagamot sa ’yo,” wika nito saka walang sabi-sabi na hinawakan ang kamay ng asawa at bahagyang hinila. Wala namang nagawa si Pipay kun’di ang lumapit sa kinauupuan nito. “Turn around at itaas mo ang damit mo.” Utos nito sa kaniya.“H-Huh? B-Bakit?
KINABUKASAN, nang magising si Peppa, biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang mapagtanto niyang nasa loob na siya ng kaniyang silid. Nagtataka siya kung paano siyang na punta roon, gayo’ng ang pagkakaalala niya ay nasa sala siya nang nagdaang gabi, at umiiyak na naman siya nang dahil sa kaniyang asawa. Naalala pa nga niya na namaga ang kaniyang isang paa dahil sa pagkakatisod nang sapilitan siyang hilahin ni Hector palabas ng hotel maging ang pananakit nito sa kaniya, hanggang sa itinulak siya nito at tumama ang tagiliran niya sa bubog na lamesa. Ngunit bakit wala siyang maramdamang sakit sa paa at tagiliran niya ngayon?Medyo masakit pa man ang kaniyang ulo’y pinilit niyang kumilos sa kaniyang puwesto at kunot ang noo na dahan-dahan siyang umupo sa kaniyang kama para siyasatin ang sarili. Ngunit ganoon na lamang ang pagtataka niya nang makitang nakabenda ang kaniyang paa. At nang kapain niya ang kaniyang tagiliran ay may bandaid na rin iyon.Napamaang siya. Oh, baka ang asawa