Lyndon
Many people believe you'll see your dream when you are at death's door, and I think it's true. Kung hindi lang ako sinipa ng dream ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti akong lumubog sa ilalim ng tubig. Madilim. Walang liwanag at tanging ang bilog na ilaw lang sa itaas ang nakikita ko. Mabilis akong lumangoy tungo sa liwanag at sumungaw ang ulo ko sa itaas ng tubig-alat.
Shocks. Ano 'yong nakita ko sa ilalim ng tubig?
Mga malalalim na mata ni Levi at manipis niyang labi. Muntik ko nang hagkan, pero bigla niya lang akong sinipa palayo. Tinampal ko ang sariling noo. Naman, Rishel. Kung magdi-daydream ka, sana naman 'yong romantic ang datingan ni Levi.
"Levi! Ano bang ginagawa mo riyan? Come back, we're late!" sigaw ng isang matinis na boses babae.
Tumingala ako sa dock at nakita ko ang isang nakapameywang na babaeng kamukha ni Nicole, iyong nag-iisang babae ng bandang Vine. May suot na summer hat sa ulo at isang bestidang kulay asul. Sa tindig pa lang ay alam nang may pinag-aralan.
Tinanaw ko lang ang isang lalaki na lumangoy tungo sa gilid ng dock at umakyat. Tumutulo ang tubig-alat mula sa damit niya. Ngumuso ako. Iyon yata ang lalaking humila sa akin pabagsak sa dagat. Tch.
Ni hindi man lang nag-thank you dahil sinamahan ko siyang maligo.
Sumimangot ako at lumangoy tungo sa gilid ng dock. Umakyat at tumayo sa gilid. "You, basta*d! Hindi ka man lang tumulong --- eh?"
Biglang humarap sa akin ang lalaking walang modo at natulala ako dahil kamukha niya si Levi, iyong vocalist ng Vine na paborito ko. Nakababa ang cowlick niya sa noo at tumutulo pa ang tubig sa leeg niya pababa sa suot na V-neck polo shirt.
"Minura mo ako?" tanong niya. Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan dahil pati boses, hah, kaboses niya rin si Levi!
"Hindi, a!" Lumunok ako at umiwas ng tingin. "Anong mura? Compliment 'yon!"
"Heh." Natawa ang lalaki saka naglakad palapit sa akin. Mas lalo akong nataranta. Akmang hahakbang ako paatras nang mabilis niya akong nahawakan sa braso at hinila palayo sa gilid ng dock. "For the second time, woman, don't act pitiful. I don't buy your poor acting skill."
"A-Ano?"
I blinked and gaped at his retreating figure. Nagsalubong ang mga kilay ko sa inis. Inakala ba ng lalaking iyon na nagpapansin ako sa kaniya? Lech* na 'yan!
"Rishel," tawag ng kung sino sa likuran ko.
Lumingon ako at nakita ko ang mukha ni Tiden. Mas lalo akong naguluhan. Bakit nandito ang Vine? Wait, nandito ang Vine!
Nanlaki ang mga mata ko. "Tiden? Is that you?"
"Oh?" Tumaas ang sulok ng labi niya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Hindi mo ako madadala sa ganyan, Rishel. Ihahatid na kita kay Tito," sabi ni Tiden saka hinawakan ako sa palapulsuhan at hinila paalis ng dock.
Kumibot ang sulok ng labi ko at takang tiningnan si Tiden. Binaling ko rin ang tingin sa lalaking kamukha ni June na naglalakad sa tabi ko. Doon ko lang na-realize na hindi ako nagdi-daydream.
Nandito nga ang Vine!
"Hey hey! Stop!" Mabilis kong binawi ang palapulsuhan mula kay Tiden at umatras nang ilang hakbang. Kunot-noo ko silang tiningnan. "So that basta*d is Levi?"
Nagkatinginan sina June at Tiden. Umikhim si June. "Sino ba sa akala mo ang kasama mong nahulog sa dagat?"
Pakiramdam ko, para akong binuhusan ng isang nagye-yelong timba ng tubig. Bakit? Paano?
Bakit ko hinayaang makatakas si Levi!
"Ahhhh!" Pinagsasampal ko ang sarili. "Stupi*, Rishel! Dapat hinuthutan mo muna!"
"Rishel!" Mabilis na hinawakan ni Tiden ang mga kamay ko at kunot-noo akong tiningnan nang masama. "Ano bang nangyayari sa 'yo?"
"Tideeen! Help! Yung phone ko, nahulog sa dagat! At tumakas lang si Levi! Basta*d! Matapos nang ginawa niya, tatakas lang siya? Ano? He will not take responsibility? My poor baby!"
Mabilis na tinakpan ni Tiden ang bibig ko at lihim na nilibot ang tingin sa paligid. Saka niya ako tiningnan na parang tinubuan ng isa pang ulo sa mukha. "Ano bang pinagsasabi mo riyan? Magkano ba? Ako nang magbabayad."
"No! I want him to take responsibility! That dem* basta*d!"
Napahawak ng sentido si June at kinaway ang kamay. "Mauna na ako, bai. Ikaw na ang bahala kay Rishel. Lumuwag na naman ang turnilyo sa utak." Saka siya naunang umalis ng dock.
Tiden's lips twitched with a smile. Tiningnan niya ako nang matagal bago pinitik ang ilong ko. "Aray!" Masama ko siyang tiningnan. "Ano na naman ba ang problema mo, ha?"
"Ikaw ang may problema," sita ni Tiden. "Ano bang pumasok sa kokote mo at naisipan mong tumambay rito sa dock?"
Ngumuso ako at humalukipkip. "I want to relax, but you guys are too much! You bully me!"
Bumuntong-hinga si June. Bago pa man siya muling makapagsalita ay may narinig kaming pag-ikhim. Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa entrada ng dock, sa hindi kalayuan.
Nakita ko ang mukha niya. Nagusot ang mukha ko at nag-iwas ng tingin, sabay humalukipkip. "What are you doing here?"
Pero hindi siya sumagot sa tanong ko. Bumaling siya kay Tiden. "I will take Rishel from here, young man."
Nagsalubong ang mga kilay ni Tiden. "Who are you?" tanong niya sa lalaki saka hinila ako palapit sa kaniya.
Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa bagong dating, at pinagkrus ko pa ang mga braso sa dibdib. I looked at him with my beautiful smug smile. But he just chuckled and winked at me, as if isa akong kitten na nagpapa-cute sa kaniya.
My face darkened. Just then, how I wish na isa akong malaking tigre sa paningin niya. I looked away.
"Rishel, kilala mo ba ang lalaking iyan?" tanong ni Tiden.
I pursed my lips. "No. Not at all!"
Nangunot ang noo ni Tiden saka bumaling sa lalaki. "Mister, it's bad to joke with a lady you're not familiar with."
"Oh?" the man teased. Tumingin siya sa gawi ko at inayos ang suot na necktie. "Do you think of me as someone untrustworthy, Rishel?" tanong niya.
I know what he's saying. Gusto niyang ipaalala sa akin ang krimen sa Boljoon, na ako ang mas hindi katiwa-tiwala sa aming dalawa. I gritted my teeth. Hindi ko na alam kung ilang balde na ng pasensya ang nainom ko simula nang makilala ko siya.
"Tiden, let's go!" sambit ko saka hinila siya palampas sa lalaking nakatayo sa entrada. Pero bago pa man ako makalampas sa kaniya ay hinuli niya ang palapulsuhan ko at hinila ako palayo kay Tiden. "Hey! What's the matter with you? Pakawalan mo nga ako!" sigaw ko saka nagpumiglas.
"Your father is there. You'll be punished when he'll see you like this," the man whispered in my ear.
Nakiliti ako sa mainit na hiningang dumampi sa tainga ko. Mabilis kong iniwas ang tainga mula sa kaniya at sumimangot. Tumingin ako kay Tiden na kanina pa madilim ang ekspresyon habang nakatingin sa lalaking hawak-hawak ang palapulsuhan ko.
Bumuntong-hinga ako saka kinaway ang kamay kay Tiden. "Hindi ba late na kayo sa night gig? Baka pagalitan ka na naman ng manager niyo," aniko.
Wala namang masama sa sinabi ko, pero mas lalo lang yata sumama ang tingin ni Tiden. Umikhim ako at umiwas ng tingin. Bakit? May sinabi ba akong mali?
"Okay. Tatawagan kita mamaya," ani Tiden.
"Ah no!" Mabilis kong kumumpas ang kamay sa eri. "Did you forget? Nahulog sa dagat ang phone ko. I'll buy another one bukas!"
Tumango si Tiden saka walang imik na naglakad palayo. Bagsak ang balikat na pinitik ko ang kamay na nakahawak sa palapulsuhan ko. "Anong ginagawa mo? Wala na siya kaya bitiwan mo ako, puwede?"
Doon lang niya pinakawalan ang palapulsuhan ko. Mas lalo akong nanlumo nang makitang na nagusot nang husto ang school uniform ko. Lagot na naman ako kay Mama nito, eh.
"Lyndon," biglang sambit ng lalaki.
Tumingin ako sa kaniya. "Anong sinasabi mo riyan?"
"Call me Lyndon. That's my name."
Sunset at DockI pursed my lips and took a step back to Larica shipyard, just a few meters away from the private dock. Nakasunod lang si Lyndon sa likod at wala akong planong makipag-usap sa kaniya. I was thankful that he was silent even though it's awkward.Nang umihip ang hangin ay niyakap ko ang sarili. Hindi basta-basta ang lamig ng simoy sa dapit-hapon, but he placed a warm jacket around my shoulder and my teeth stopped chattering instantly. Pasimple akong lumingon sa gilid at nakita ko ang side view ng mukha niya. The sun was setting in the west and the soft rays touched the tip of his nose. Sa anggulo na nakikita ko, para bang ginuhitan ng malamlam na sinag ng araw ang mukha ni Lyndon, tracing his side profile which made him look ethereal. I looked away and sighed. May itsura nga pero ang ugali... err nevermind. A few minutes later, I took a step in the shipyard. Dito kinukompuni ang mga barko na ginagamit para sa paglalayag. It was one of Larica Shipment's properties at hind
Unwanted Guest Tumaas ang balahibo ko sa batok at mabilis na humakbang paalis ng dock. Pero bigla na lang akong nadapa. Napahiyaw ako at nanginginig na tumayo. Binilisan ko ang hakbang. Nabawasan lang ang panginginig ko nang umapak ang mga paa ko sa lupa. Kinagat ko ang ibabang labi at sumulyap sa dock. Walang tao. Pero sino ang nagsalita kanina? Niyakap ko ang sarili. Simula nang gabing iyon sa Boljoon, dalawang buwan nang nakalipas, may naririnig na akong kung ano-ano. Noong una ay hindi ko pinansin pero paminsan-minsan ay bigla na lang akong kinikilabutan lalo pa't ramdam ko ang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Nitong nakaraang mga araw ay wala na akong naramdamang kakaiba kaya nakampante na ako, pero nang marinig ko ang boses na iyon sa dock... hindi ko maiwasang isipin na hindi pa nawawala ang takot ko sa gabing iyon. Ano mang misteryo ang nakabalot sa boses na iyon ay hindi ko na inisip. Mabilis kong inayos ang sarili at tumakbo pabalik sa Larica building. Tahimik ako
Back at CampusKinabukasan, hinatid ako ni Gerard sa Argao. Sinabi ko kay Papa na hindi na kailangan, kaso ayaw niyang makinig. Ngumuso ako. Mas okay lang naman na mag-jeep papunta sa University. Isinandal ko ang ulo sa headrest at humalukipkip. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Bukang-liwayway na. "Miss, dala niyo ba 'yong nasa likod?" tanong ni Gerard.Sumulyap ako saglit sa kaniya bago binalik ang tingin sa labas ng bintana. "May problema ba?""Wala naman, Miss." Umikhim siya. "Napapansin ko nitong nakaraang mga araw na hindi ka naman nagdadala ng mabibigat sa Unibersidad. Nakapagtataka lang ngayon."Naningkit ang mga mata ko. "Wala ka nang paki ro'n, okay?" Umirap ako at humalukipkip. Ilang minuto pa at napadaan ang kotse sa crime scene. Nakita ko ang naka-yellow cross line sa main road ng Arbor. Kinagat ko ang ibabang labi.Dalawang buwan na rin nang maganap 'yong usap-usapang krimen sa Baranggay Arbor. May pinatay daw at tinago ang biktima. E, wala namang nakitang e
Something's New "I know, I know." Sumimangot ako. Kanina pa siya kuda nang kuda na kesyo hindi safe na bumiyahe nang mag-isa, at kanina pa ako naririndi sa boses niya. Nakakainis lang kasi. Hindi na ako bata pero bakit palagi na lang niya akong pinapagalitan? I know his point and I understand it, pero hinayaan ko lang siyang kumuda dahil malapit nang marating ng kotse niya ang Larica building. Prente akong sumandal sa sandalan ng passenger seat at tumingin sa labas ng windshield. Paliko na ang kotse papunta sa Pier 3, at paliko papunta sa gate 5, kung saan naroon ang Pier 1. Hanggang ngayon, hindi ko naintindihan kung bakit baliktad 'yong numbering ng mga pier at gates. Sa Pier 3 lang yata sumakto, e. "Sa susunod na linggo magsisimula ang renovation. 'Wag ka na munang pumasyal sa Port," sabi ni Lyndon. Napatingin ako sa kaniya. "Saang parte ba ang iri-renovate?" "Sa kaliwa. Padiretso sa beacon. Ililipat na rin ang beacon para mas lumawak ang sakop." Naningkit ang mga mata ko. "
Meet Them Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Maya-maya pa ay kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. "We'll see, Rishel... we'll see," aniya bago naglakad paalis. Kinuyom ko ang mga kamao at tiningnan nang masama ang ibon na lumilipad sa ibabaw ng alon. Bumaling sa gawi ko ang ibon at binali ang sariling pakpak. Umiyak ang ibon at bumulusok sa ilalim ng alon. Alam kong dapat akong maawa sa ibon pero hindi ko ramdam ang awa. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya dahil nando'n ako. KASALUKUYAN kong binabasa ang akda ni CareLikeGoldFish. Mystery-thriller ang book at kahit na walang romance, hindi ko mapigilang basahin nang buo. Napakapamilyar kasi ng mga scenes, para bang nakita ko na dati. Gaya na lang ng scene kung saan binaril ng main character ang kaibigan niya. Pareho sa nakita ko doon sa Boljoon two months ago... Biglang namatay ang Wifi. Kumurap ako at madilim ang mukhang lumabas ng kuwarto. Didiretso sana ako sa kusina dahil alam kong si Mama ang may pakana, pero big
Along the roadAno pa bang aasahan ko kay Nicole? Siyempre, ayaw no'n ng istorbo. Hilaw na ngumiti si June sa akin samantalang bumusangot ang mukha ni Ariel. Alam kong hindi gano'n kaganda ang samahan nina Ariel at Nicole kaya naintindihan ko kung medyo hindi maganda ang timpla ng mukha niya nang sinambit ko ang pangalan na iyon. Iyon din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit pumayag siyang magpunta ako sa Club Fort, para inisin ang babaeng 'yon. Matapos makuha ang matamis na oo ni Mama, nagpaalam na sina Tiden at June. Hindi na ako nagulat nang makita ang pagmumukha ni Tiden kinabukasan. The problem is... hindi pa sumisikat ang araw at sobrang dilim pa ng paligid. "Ang aga mo naman," paos kong reklamo. Kakagising ko lang. Ginising ako ng isang katulong dahil naghihintay daw 'yong kaibigan ko sa sala. At dahil naistorbo ang pagtulog ko kaya inismiran ko ang lalaking nakangiti sa akin. Hindi man lang nabawasan ang ngiti sa mga labi niya. "Sungit mo pa rin kahit maaga," biro niya
ChallengeHindi ko pinansin ang kakaibang pakiramdam na iyon. Umibis ako ng sasakyan at tinanaw ang kabuuan ng resort.Club Fort Med is a resort located at Arbor, same baranggay with El Grande Lat. Not too simple and not too flashy, just enough for a quiet weekend. Kumurba ang gilid ng mga labi ko.Tiningala ko ang malaking wooden placard kung saan naka-engrave ang pangalan ng resort. It is my first time to be with the Vine. Nakakakaba pero nakaka-excite rin naman. Nakita kung nauna na si Tiden sa loob ng resort kaya sumunod ako. Dumiretso siya sa isang modernized restaurant na bahagyang elevated kaysa sa ibang parte ng resort. Pumasok siya sa loob at naupo sa upuan sa may tabi ng malaking glass wall kung saan kitang-kita ko ang kabuuan ng resort. 'Not bad,' I thought.Umupo ako sa upuan katapat ng kaniya at tumingin sa labas ng glass wall. Nakita ko ang tatlong pools ng Club Fort Med, which the resort's known for. Maliit na round table ang nakapagitan sa amin. May munting cactus n
Knowing him Hingal kong hinawi ang basang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko. Mariin kong tiningnan si Ariel na prenteng nakaupo sa gilid ng pool habang nakabanlaw ang binti sa tubig. "Madaya ka," nakalabi kong saad at lumangoy tungo sa hawakan ng hagdanan.Hindi niya ako hinintay at agad na lumusong sa pool kanina. Gusto ko sanang magreklamo sa kaniya pero nakita kong wala siyang balak na huminto sa paglangoy, kaya wala akong nagawa kung 'di lumusong na lang din. Pagkatapos ko ng dalawang turn, nakita ko siyang nakangiti habang nakaupo sa gilid ng pool. Tumawa siya at umusog nang kaunti palapit sa akin. Dumukwang siya para magpantay ang mukha namin. Nahigit ko ang hininga nang ngumisi siya. "It's fair enough," aniya."Nauna kang lumusong!" reklamo ko.Nagkibit-balikat siya at umayos ng upo sa tabi ng pool. "I don't understand why can't you accept your defeat, but rest assured your stay here will be worth it." Tumaas ang sulok ng labi niya.Bumuga ako ng hangin at umahon. Nakit
A/N: Extra chapter. Ito ang huling kabanata ng For The Stars Have Sinned. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa istoryang ito lalo na kay Janelyn. First ever review from a reader in two years lol. See you sa sunod kong mga istorya ng Revival Series at standalone novels. Mag-a-update na ako sa "Hidden Mafia King and the Fearless CEO." I hope makita ko kayo doon na magbigay ng review at gems. May libreng shout out mula sa akin ang magbigay ng review hehe. See you there! ~~~January 7, 20217:00 P.M. Concert venue, ArgaoMaabutan na niya si Levi. Kaunti pa... kaunti pa... ayan!"Levi!" sigaw ni Rishel. Humigpit ang hawak niya sa necklace.Lumingon si Levi sa kaniya kaya napangiti siya. Muntik na siyang matumba nang tinulak siya ng ibang nagwawalang fans. Umismid siya at muling tumingin kay Levi pero wala na ito sa puwesto kanina. Sumimangot siya at tinawag ang bouncer. "Kuya! Pakibigay kay Levi!" Saka niya inabot ang necklace at letter.Kunot-noong tinanggap ng bouncer ang binigay
I didn't give him a chance to swear on me. Mabilis kong pinatay ang tawag. Pero tulad ng inasahan ko, hindi matatahimik ang mundo ko dahil sunod-sunod na tawag ang natanggap ko mula sa parents ko, kay Lyndon, Tiden, saka mga unknown numbers na hindi ko alam kung sino ang may-ari. Bumuntong-hinga ako at pinatay ang phone. Ayoko munang mag-entertain ng mga tanong nila. I was not being irresponsible pero pagod na akong mag-explain nang paulit-ulit. I know that they won't stop until marinig ang gusto nilang marinig mula sa akin. Gusto ko lang ngayon ay ibigay ang buo kong atensyon kay Klo na masayang nililibot ang tingin sa ocean park. Naisip kong ipasyal siya sa sikat na tourist spot dito sa lungsod kasama ang yaya niya na nakasunod lang sa aming mag-ina. Hindi ako nag-alala na baka may makakilala sa akin dahil nagsuot ako ng mask at naka-bullcap. Isa pa, nasa underwater ang park kaya nagkalat ang dim neon light sa paligid kaya hindi masyadong kita ang features ng mukha ng mga bisita.
Naningkit ang mga mata ko at mabilis na tinawagan si Lyndon. "Have you seen the news?" tanong ko. "Yes. Inutusan ko na ang tauhan ko na burahin iyon. Don't worry."Hah. He can take it down but people will still gossip in social media. What's the difference? Bumuntong-hinga ako at akmang ibababa ang tawag nang magtanong siya. "Where's my son?"Doon ko lang naalala ang pinag-usapan namin sa restaurant. Nandilim ang paningin ko at mabilis na pinatay ang tawag. Rishel, bakit mo nalimutan? Akala ko ay huhupa rin ang issue pagkatapos ng ilang araw pero isang linggo na ang lumipas pero nasa headlines pa rin ang mukha ko. Pati ang mga issue noon na naging dahilan ng pagtakas ko sa bansa ay muling umugong sa media. Hindi rin nila pinaglagpas ang mga gig na ginawa ko kasama ang Vine at ang pagiging idol ko noon. Naghinala na ako noong una na may kamay na nagpapagalaw sa media pero mas lalong lumalim ang hinala ko nang biglang lumitaw ang impormasyon tungkol sa akin at kay Rei. Walang nakaka
There was silence, and Lyndon cleared his throat. "When did you find out?"Kumuyom ang mga kamao ko at hilaw na ngumiti sa kaniya. "My son got his looks from you. Am I that stupid na hindi maghihinala? Isa pa, you're too good to be true. Still wanting to marry a ruined woman?" I chuckled. "But even if I noticed it too late, I still want to ask why did you deceive me? Bakit pinaniwala mo akong hindi mo alam kung sino? You made me look stupid, Lyndon!"Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago siya umiwas ng tingin. "Do you have evidence that he is my child?"Nandilim ang paningin ko sa tanong niya at mabilis na nilabas ang DNA result na nasa loob ng handbag ko. Tinapon ko 'yon sakto sa mukha niya. "Umuwi ako sa bansa para lang makita ko nang personal ang resulta ng DNA test. Still wanna deny the truth?" Matapos niyang basahin ang nakasulat ay binaba niya ang resulta at tumingin na naman sa akin. Mas lalo lang nagngitngit ang kalooban ko nang wala man lang siyang imik. "Ano? Wala ka b
"Rishel, may problema ba? Ilang araw ka nang tulala. Palaging tumatawag si Lyndon at lagi mo raw siyang pinapatayan ng tawag." Nagsalubong ang mga kilay ni Mama. "Sabihin mo sa akin kung anong problema."Tumingin ako saglit kay Mama bago binalik ang tingin sa laptop na nasa center table at nagtipa. "Busy lang ako, Ma. Tatawagan ko siya next time," sabi ko. Bumuntong-hinga si Mama. "Palagi mo nalang 'yang sinasabi. Kung may problema kayo ni Lyndon, pag-usapan niyo. Sa susunod na linggo na ang kasal at bukas na gaganapin ang engagement party niyong dalawa. Paano mo pakikitunguhan ang magiging asawa mo kung hindi kayo nagkakasundo?"Huminto ako sa pagtipa at tumingala kay Mama. "Wala naman kaming problema, Ma. Don't worry, sisiputin ko siya bukas.""Dapat lang, Rishel. Ilang taon na kayong engaged at dapat nang ipaalam sa publiko ang relasyon niyong dalawa, kung hindi ay kikwestiyunin ng board members ang engagement mo kay Lyndon." Pero hindi pa ako handang matali sa lalaking 'yon. Al
Pagkatapos ng limang taon. Tirik ang araw at maaliwalas sa umagang iyon nang humakbang ako pababa ng eroplano mula sa ibang bansa. Pero nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. "Kervy? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. Limang taon nang lumipad ako tungo sa ibang bansa. Ngayon na tahimik na ang medya ay napagdesisyunan kong umuwi nang tahimik. Hindi ko lang akalaing sasalubong sa akin ang huling taong inaasahan kong makita. Hindi siya sumagot at bumaba ang tingin niya sa batang nakatayo sa giliran ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Klo at pinaningkitan ng mga mata si Kervy. "Mommy? Who is he?" tanong ni Klo. Bumaba ang tingin ko kay Klo at ngumiti nang marahan. "An old friend." Binaling ko ulit ang atensyon kay Kervy. "Kung wala ka nang kailangan ay mauna na kami."Akmang lalampasan ko siya pero hinuli niya ang palapulsuhan ko. Napatingala ako kay Kervy. Ilang taon na ang lumipas nang huli ko siyang nakita pero walang nagbago sa itsura niy
Madilim ang itsura niya pero alam kong hindi sa akin nakadirekta ang galit niya kaya nakampante ako. "Thank goodness at nandito ka na!" masaya kong sambit at umupo.Mabilis niya akong dinaluhan. "Let's go," sabi niya saka binuhat ako sa mga bisig. Napahiyaw pa ako sa gulat at napatingin sa mukha niyang napakalapit. Bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang magkabilang pisngi. Iniwas ko ang tingin nang tumingin siya sa akin. "Sa'n mo 'ko dadalhin?" tanong ko .Napansin kong ginagayak niya ang daan tungo sa fire exit. Maya-maya pa ay nakalabas kami ng gusali at marahang humampas sa mukha ko ang preskong panggabing hangin. Nawala ang tensyon sa magkabilang balikat ko at inihilig ang ulo sa balikat ni Lyndon. "Thank you," marahan kong bulong. "Anong ginawa niya sa 'yo?" tanong niya. "Nahimatay lang ako ng dalawang araw.""Dalawang araw?" Mas lalong nandilim ang awra ni Lyndon. "Rishel, dalawang linggo kang nawawala! Hindi kita mahanap." Nagtagis ang bagang niya. "At malalaman ko lan
"Let go!" Nagpumiglas ako sa hawak niya pero masyado siyang malakas. Nanlilisik kong tiningnan ang mukha na hinangaan ko noon pero kinasusuklaman ko na ngayon. "Pinagsisihan kong inidolo kita, Levi! I hate you! I hate you to death!"Natigil siya saglit at naningkit ang mga mata habang matiim na tumitig sa mukha ko. Mas lalo lang nawalan ng kulay ang mukha ko sa klase ng tingin niya at pilit kong iniiwas ang tingin. Pero hindi niya ako hinayaan at hinawakan ang baba ko para itaas ang mukha. Nakita ko na naman ang kakaibang ngiti sa mga labi niya. "Even if you hate me, it doesn't change the fact that you are mine, Rishel," bulong niya sa akin. Nanlamig lang ang kalamnan ko sa narinig. Siguro ay dahil sa klase ng tingin niyang parang isang gutom na halimaw na nakatingin sa pagkain nito. Ngayon lang niya pinakita sa akin ang klase ng tingin na iyon kaya nanginig ang kalamnan ko sa nerbiyos.Huminga ako nang malalim at lakas-loob na sinalubong ang titig niya. "Binaril mo si Papa. Hindi p
My heart skipped a beat at what he said. Tulala ko siyang tiningnan habang sinasabi niya ang nalalaman niya sa insidenteng kinasasangkutan ni Papa."Nalaman ng mga awtoridad na may bumaril sa ama mo habang may binibili ito sa isang grocery store. Hindi kita sa CCTV ang mukha ng bumaril pero may nakalap na mga witness na nakasaksi sa mismong araw na binaril ang ama mo. Si Levitus ang tinuturo nilang suspect."Naging isang linya ang mga labi ko at napatitig sa kaniya. Totoo ba ang sinasabi niya? He's not deceiving me, right?Nang mapansin niyang hindi ako naniniwala ay nagsalubong ang mga kilay niya. "If you ask those witnesses, you'll know the truth."Kumuyom ang kamao ko. "Did you bribe them?""Are you doubting my intentions?" tanong niya at tinaas ang kilay. "Yes," sagot ko sa kaniya. Kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. Tumitig ako sa kaniya hanggang sa mawala ang ngiti sa mga labi niya. Naningkit ang mga mata ni Lyndon at inilabas ang isang litrato. Nang tingnan ko iyon