Share

For The Stars Have Sinned
For The Stars Have Sinned
Author: aranew

Kabanata 1

Author: aranew
last update Huling Na-update: 2023-05-02 08:24:47

Victimless Crime

Marami akong kakilalang mga babae na mahilig makialam sa buhay nang may buhay, pero ngayon lang ako nakakilala ng isang lalaking hindi lang pakialamero, isa ring werdo at walang modo.

Nagbaba ako ng tingin sa relo na nasa bisig ko. Alas-tres na ng hapon. Wala pa si Papa sa opisina at wala yatang balak na umalis ang lalaking kanina pa nakaupo sa visitor's lair.  

Kanina pa ako nakatayo sa gilid ng water dispenser na malapit sa pintuan. Ayaw kong lumapit sa malaking mesa ni Papa dahil nasa harap niyon nakaupo ang lalaking werdo na kanina pa nakatingin nang masama sa akin.  Tch. 

Paano ko ba siya mapapaalis? 

Tumingin ako sa bintana. May isang paso ng bonsai roon. Kung ihahampas ko kaya sa mukha niya ang paso? Nang tingnan ko naman ang malaking wooden table, may mga malalaking binders doon. Perfect na panghampas sa mukhang parang pinaglihi sa sama ng loob. Tch. Kanina pa 'yan nambabato ng masamang tingin sa mukha ko. 

"Do you need something other than falsely accusating me of a victimless crime?" tanong ko sa kaniya. 

Doon lang siya nag-iwas ng tingin. Nakahinga naman ako nang maluwag. Hindi ko alam kung sino ang lalaking kaharap ko, pero nakita ko lang siyang nakaupo na sa visitor's lair pagpasok ko sa opisina kanina. 

Mukhang kliyente ni Papa o kaya naman ay business partner. Hindi naman ako pinalaki na walang modo, pero kakaiba kasi ang tingin ng lalaking iyon nang magtama ang tingin namang dalawa. Tinapunan ba naman ako nang masamang tingin. Nang tinanong ko naman kung anong meron, pinagbintangan akong may kinalaman sa krimen naganap sa Baclayan doon sa Boljoon. 

"Where is your father?" biglang tanong niya makalipas ang ilang minutong pananahimik. 

Phew. Akala ko nandito lang siya para mambintang. Hilaw akong ngumiti. "Bumibiyahe na siya patungo rito." Pero ilang segundo ang lumipas nang may mapagtanto ako. Umawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. "Paano mo nalamang Papa ko ang may-ari nitong opisina?"

"I looked into your family's information." Tumitig na naman siya nang seryoso sa mukha ko.  "And I got two evidences that you were there when the crime happened in Baclayan."

"Ah?"

May dinukot siya sa bulsa saka inilabas ang isang kunot na papel at kwintas. Nangunot naman ang noo ko. 

"See it for yourself," sabi niya saka tumayo nang tuwid. Humakbang siya palapit sa akin at tumayo sa harap ko. Napapitlag ako nang hinawakan niya ang kamay ko saka nilagay doon ang kunot na papel at kwintas. Napangiwi pa ako dahil sa higpit ng hawak niya sa kamay ko. 

Nagbaba ako ng tingin sa inabot niya. Tiningnan ko nang maigi ang papel at natutop ko ang bibig nang makita ang nakasulat na pangalan. Rishel Joy Larica. Nang tingnan ko naman ang loob ng heart-shaped pendant ng kwintas, nakita ko ang picture ni Levi sa kanan at picture ko naman sa kaliwa. 

Sandali. Hindi ba binigay ko kay Levi ang mga ito? Paanong napunta sa kamay ng lalaking ito ang mga iyon? 

"Tell me that you have nothing to do with what happened two months ago, Rishel Joy Larica."

Nanginig ang kamay ko habang hawak-hawaka ng papel at kwintas. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at napalunok. No. Hindi ko pwedeng sabihin ang nakita ko sa gabing iyon. 

Umiling ako saka inabot ulit sa kaniya ang mga bagay na iyon. "It has nothing to do with me," bulong ko at nag-iwas ng tingin. 

Bigla na lang niyang hinawakan ang baba ko at pinaharap ako sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko. "What are you doing?" sita ko saka pilit na inaalis ang kamay niyang hawak-hawak ang baba ko, pero hindi ko maalis-alis. Sinamaan ko siya ng tingin. 

Ngumiti siya saka nilapit ang mukha sa akin. "We both know that you have something to do, Rishel. Don't deny it. I hate pretentious rich brats."

"W-What?"

"If tell your father about this... do you think you can escape his wrath?"

Nanginig ang labi ko sa sinabi niya. No. If he tell father, then my vices are doomed! 

"W-What do you want then?" tanong ko. 

Ilang segundo niyang tinitigan ang mukha ko. I did not know if he saw how nervous I was, but he let go after a minute or two. Nakahinga ako nang maluwag. 

Nag-angat na naman ako ng tingin sa kaniya. Nakita ko siyang may dinukot sa bulsa at inilabas niya ang isang cellphone. "Here, save your number."

Kahit hindi ko gusto ay wala akong magawa. Sinunod ko ang sinabi niya. Pagkatapos ay inabot ko ulit sa kaniya iyon, pero nanlaki ang mga mata ko nang nilapit niya ang mukha sa akin at bumulong sa tainga ko. "You will know what I want in the future, my lady." 

Nanigas ang katawan ko sa binulong niya. It was a threat! 

I threw him a hateful glare, but he just flicked my nose and laughed. Tumalikod siya at muling naupo sa puwesto niya kanina. 

Kumuyom ang kamao ko sa inis at walang sabing lumabas ng opisina ni Papa. If I stayed there in another minute, who knows what I will do with that arrogant bastard!

Marahang humampas sa mukha ko ang maalat na hangin na galing sa dagat pagkalabas ko ng opisina. 

Open area ang second floor ng Larica building. Nakaharap sa dagat kaya bughaw na karagatan ang bubungad pagkalabas ng opisina. 

Pasado alas-tres na ng hapon kaya medyo mababa na ang sinag ng araw. Nagkukulay kahel na rin ang kalangitan at may nakita akong ilang kingfishers sa ibabaw ng alon.

Napangiti ako, at nawala sa isipan ang tungkol sa lalaking werdo sa loob ng opisina habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Maya-maya pa ay bumaba ako sa hagdan na nasa malapitan at lumabas ng Larica building. Plano kong maglakad-lakad muna sa dock para mawala ang stress ko ngayong araw. 

Sa totoo lang, dumaan lang ako sa Port para itago mula kay Mama ang mga libro at merchandise na binili ko kanina. Ayaw na ayaw kasi ni Mama na bumibili ako ng mga bagay na hindi naman kailangan kaya tinatago ko 'yong mga item sa silid na katabi lang ng opisina ni Papa.

Mas safe kasi roon at hindi naman nagpupunta si Papa sa loob niyon. Masyado kasi siyang busy. Saka binigay na niya sa akin 'yong room bilang tambayan ko kapag nandito ako sa Port. 

At alam naman ni Papa na bumibili ako ng gano'ng mga bagay pero hindi naman siya nangingialam. Basta ba, hindi ko raw pinapapabayaan ang pag-aaral ko. Kaya naman gano'n na lang ang nerbiyos ko nang pinagbantaan ako ng lalaking werdo na sasabihin niya kay Papa ang tungkol sa letter at kwintas.

Kung sakaling malalaman ni Papa kung anong nangyari sa gabing iyon, tiyak na pagbabawalaan na niya akong bumili ng merchandise at libro. Nakagat ko ang ibabang labi. 

Huminto ako sa paghakbang at tumingin sa harap. Nasa dock na ako. Nando'n sa dulo ang isang maliit na daungan ng yate. Nilakad ko ang kahabaan ng dock habang inaaliw ang sarili sa mga ibon sa malayo. 

Bigla kong naalala ang nangyari three years ago. Dito rin sa eksaktong lugar kung saan ako naglalakad. Kasama ko noon sina Tiden at June sa pagsakay ng yate. Regalo raw iyon ni Papa sa aming tatlo dahil graduate na kami ng highschool. 

Bumuntong-hinga ako. 

Kung sana nandito sina Tiden at June, kaso busy sila sa pagbabanda. Miyembro sila ng bandang Vine na kinabibilangan din ni Levi na idol ko. Ang dalawang 'yon din ang dahilan kung bakit sobra angg suporta ko sa grupong Vine. Alam kong pangarap nila ang pagbabanda. 

Kaso minsan, naiisip kong sobrang layo na ng narating nila na hindi ko na sila maabot. Kahit pa gustuhin kong manatili sa tabi nila bilang number one supporter, hind ko rin naman magagawa. Bukod sa pinagbabawalan ako ng mga magulang ko, hindi ko rin kayang tumahak sa daan na tinatahak nila.

Ika nga nila, mga bituin na hindi mo maabot. Ganiyan lang naman parati. 

Nilabas ko ang cellphone at nakita ang bagong message mula kay Mama. Pinapauwi na niya ako sa Boljoon. Napalabi ako at napatingin sa papalubog na araw. 

Malapit na palang mag-alas sais. Halos dalawang oras na pala akong nanatili sa dock. Napabuga ako ng hangin.

Tiningnan ko ang homescreen at nakita ko ang naka-side view na mukha ni Levi. Tch. Hindi talaga humaharap sa kamera ang isang 'yon. Lahat ng photos niya sa internet, nakalikod at kung hindi naman ay nakababa ang suot na cap kaya hindi rin naman kita nang husto ang mukha. 

Gano'n siguro ang tactic para magkaroon ng mysterious prestige. Tsk. Nakita ko na ang mukha ni Levi sa University nang hindi pa sila masyadong sikat. Pero bilang lang sa daliri kaya naman gusto kong makakuha ng picture niya nang nakaharap sa kamera.

"Kailan kaya ang next concert niyo?" bulong ko habang nag-i-iskrol sa f*.

Kaso hindi pa man ako nakapunta sa f* page ng Vine nang may marinig akong mabibilis na mga yabag sa likuran. Papalapit ang mga iyon sa direksyon ko.

Sandali, bawal tumakbo rito sa dock, ah? Sino namang walang modong tatakbo rito? May malaking signage kaya sa entrance na nagbabawal niyon. 

Tatalikod sana ako para tingnan ang mga nanakbo sa dock, nang may kamay na humawak sa balikat ko. 

"H-Hey!" sita ko sa walang 'ya at aalisin sana ang kamay na iyon, pero hinila ba naman ako patabi sa gilid ng dock. Napasinghap ako nang mawalan ako ng balanse. 

Nabitawan ko ang cellphone dahil sa gulat. At dahil nasa gilid na ako ng dock, diretsong nahulog ang cellphone sa tubig-alat. I even heard the water splashed!

"W-What the h*ll!" bulalas ko habang dilat ang matang tinanaw ang cellphone na lumulubog sa ilalim ng tubig. 

Ack. Nando'n ang important files para sa final grading ko!!!

Naglapat nang mariin ang mga ngipin ko at napakuyom ako ng kamao sa inis. Gusto kong lumusong sa dagat para kunin ang cellphone, pero masyado nang madilim sa ilalim ng tubig. Ayaw ko rin namang lumusong doon dahil alam kung marumi ang tubig. 

Baka kung ano pang sakit ang makuha ko sa paglusong. Tch. Naningkit ang mga mata ko habang inaalala ang kamay na tumabig sa kamay kong may hawak ng cellphone kanina. Isang walang 'ya! 

Madilim ang ekspresyon na humarap ako sa lalaking nakatayo sa likuran ko. May suot siyang shades at cap na nakababa kaya tanging matangos na ilong at manipis na mga labi lang ang nakikita ko. 

Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya. Ano nang gagawin ko para mapasa ko ang final grading? Naman! Bakit ambob* ng lalaking 'to? 

"Hindi mo ba nabasa ang sign diyan sa entrance? Bawal tumakbo! Hindi ka ba marunog magbasa, ha?!" 

Maging siya ay hindi alam kung anong gagawin sa nahulog na cellphone. Naging isang linya ang mga labi niya at nag-iwas ng tingin. Alam ko na agad na hindi niya sinasadya iyon pero lint*k. Nakakagigil ang pagmumukha niya!

"Hoy ikaw!" duro ko sa kaniya. "Compensate me ---"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil may pangalawang lint*k na tumakbo palapit sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Imbes na huminto, bigla niyang tinulak ang lalaki. "Bro! Ambilis mong tumakbo!"

Nanlaki ang mga mata ko nang mawalan ng balanse ang lalaking tumabig sa kamay ko kanina. Teka, bakit sa direksyon ko ang bagsak niya?

Napasinghap ako nang bigla niya akong hinila at niyakap. Bumuka ang bibig ko para sana magprotesta, pero nakita ko na lang ang sariling sabay na nahuhulog sa gilid ng dock kasama ang lalaki. 

"Ah s***a! 'Wag sa dagat!!!" sigaw ko.

Pero huli na dahil tuluyan na kaming nilamon ng tubig-alat.

~~~

Author's Note: 

Hello! Available po ang english version nitong nobela at maari niyo pong mahanap sa Goodnovel with the same title. May mga scenes na wala sa filipino version kaya iri-rekomenda ko pong basahin niyo rin ang English version pagkatapos ng Filipino version.

Ito po ay pangalawang book ng Revival series. Ang unang nobela ng series ay pinamagatang Moonlight Serenade. Standalone po ang mga nobela sa series na ito kaya maintindihan niyo ang istorya kahit hindi niyo pa nababasa ang unang nobela. 

Gayunpaman, gusto kong i-rekomenda sa inyo ang Moonlight Serenade dahil maraming kayong aral na mapupulot sa istoryang iyon. 

Hanggang dito na lamang at maari na po kayong magpatuloy. 

Maligayang pagbabasa, kaibigan!

Kaugnay na kabanata

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 2

    LyndonMany people believe you'll see your dream when you are at death's door, and I think it's true. Kung hindi lang ako sinipa ng dream ko. Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti akong lumubog sa ilalim ng tubig. Madilim. Walang liwanag at tanging ang bilog na ilaw lang sa itaas ang nakikita ko. Mabilis akong lumangoy tungo sa liwanag at sumungaw ang ulo ko sa itaas ng tubig-alat.Shocks. Ano 'yong nakita ko sa ilalim ng tubig?Mga malalalim na mata ni Levi at manipis niyang labi. Muntik ko nang hagkan, pero bigla niya lang akong sinipa palayo. Tinampal ko ang sariling noo. Naman, Rishel. Kung magdi-daydream ka, sana naman 'yong romantic ang datingan ni Levi."Levi! Ano bang ginagawa mo riyan? Come back, we're late!" sigaw ng isang matinis na boses babae. Tumingala ako sa dock at nakita ko ang isang nakapameywang na babaeng kamukha ni Nicole, iyong nag-iisang babae ng bandang Vine. May suot na summer hat sa ulo at isang bestidang kulay asul. Sa tindig pa lang ay alam nang may pina

    Huling Na-update : 2023-05-02
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 3

    Sunset at DockI pursed my lips and took a step back to Larica shipyard, just a few meters away from the private dock. Nakasunod lang si Lyndon sa likod at wala akong planong makipag-usap sa kaniya. I was thankful that he was silent even though it's awkward.Nang umihip ang hangin ay niyakap ko ang sarili. Hindi basta-basta ang lamig ng simoy sa dapit-hapon, but he placed a warm jacket around my shoulder and my teeth stopped chattering instantly. Pasimple akong lumingon sa gilid at nakita ko ang side view ng mukha niya. The sun was setting in the west and the soft rays touched the tip of his nose. Sa anggulo na nakikita ko, para bang ginuhitan ng malamlam na sinag ng araw ang mukha ni Lyndon, tracing his side profile which made him look ethereal. I looked away and sighed. May itsura nga pero ang ugali... err nevermind. A few minutes later, I took a step in the shipyard. Dito kinukompuni ang mga barko na ginagamit para sa paglalayag. It was one of Larica Shipment's properties at hind

    Huling Na-update : 2023-05-02
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 4

    Unwanted Guest Tumaas ang balahibo ko sa batok at mabilis na humakbang paalis ng dock. Pero bigla na lang akong nadapa. Napahiyaw ako at nanginginig na tumayo. Binilisan ko ang hakbang. Nabawasan lang ang panginginig ko nang umapak ang mga paa ko sa lupa. Kinagat ko ang ibabang labi at sumulyap sa dock. Walang tao. Pero sino ang nagsalita kanina? Niyakap ko ang sarili. Simula nang gabing iyon sa Boljoon, dalawang buwan nang nakalipas, may naririnig na akong kung ano-ano. Noong una ay hindi ko pinansin pero paminsan-minsan ay bigla na lang akong kinikilabutan lalo pa't ramdam ko ang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Nitong nakaraang mga araw ay wala na akong naramdamang kakaiba kaya nakampante na ako, pero nang marinig ko ang boses na iyon sa dock... hindi ko maiwasang isipin na hindi pa nawawala ang takot ko sa gabing iyon. Ano mang misteryo ang nakabalot sa boses na iyon ay hindi ko na inisip. Mabilis kong inayos ang sarili at tumakbo pabalik sa Larica building. Tahimik ako

    Huling Na-update : 2023-05-02
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 5

    Back at CampusKinabukasan, hinatid ako ni Gerard sa Argao. Sinabi ko kay Papa na hindi na kailangan, kaso ayaw niyang makinig. Ngumuso ako. Mas okay lang naman na mag-jeep papunta sa University. Isinandal ko ang ulo sa headrest at humalukipkip. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Bukang-liwayway na. "Miss, dala niyo ba 'yong nasa likod?" tanong ni Gerard.Sumulyap ako saglit sa kaniya bago binalik ang tingin sa labas ng bintana. "May problema ba?""Wala naman, Miss." Umikhim siya. "Napapansin ko nitong nakaraang mga araw na hindi ka naman nagdadala ng mabibigat sa Unibersidad. Nakapagtataka lang ngayon."Naningkit ang mga mata ko. "Wala ka nang paki ro'n, okay?" Umirap ako at humalukipkip. Ilang minuto pa at napadaan ang kotse sa crime scene. Nakita ko ang naka-yellow cross line sa main road ng Arbor. Kinagat ko ang ibabang labi.Dalawang buwan na rin nang maganap 'yong usap-usapang krimen sa Baranggay Arbor. May pinatay daw at tinago ang biktima. E, wala namang nakitang e

    Huling Na-update : 2023-05-02
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 6

    Something's New "I know, I know." Sumimangot ako. Kanina pa siya kuda nang kuda na kesyo hindi safe na bumiyahe nang mag-isa, at kanina pa ako naririndi sa boses niya. Nakakainis lang kasi. Hindi na ako bata pero bakit palagi na lang niya akong pinapagalitan? I know his point and I understand it, pero hinayaan ko lang siyang kumuda dahil malapit nang marating ng kotse niya ang Larica building. Prente akong sumandal sa sandalan ng passenger seat at tumingin sa labas ng windshield. Paliko na ang kotse papunta sa Pier 3, at paliko papunta sa gate 5, kung saan naroon ang Pier 1. Hanggang ngayon, hindi ko naintindihan kung bakit baliktad 'yong numbering ng mga pier at gates. Sa Pier 3 lang yata sumakto, e. "Sa susunod na linggo magsisimula ang renovation. 'Wag ka na munang pumasyal sa Port," sabi ni Lyndon. Napatingin ako sa kaniya. "Saang parte ba ang iri-renovate?" "Sa kaliwa. Padiretso sa beacon. Ililipat na rin ang beacon para mas lumawak ang sakop." Naningkit ang mga mata ko. "

    Huling Na-update : 2023-05-02
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 7

    Meet Them Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Maya-maya pa ay kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. "We'll see, Rishel... we'll see," aniya bago naglakad paalis. Kinuyom ko ang mga kamao at tiningnan nang masama ang ibon na lumilipad sa ibabaw ng alon. Bumaling sa gawi ko ang ibon at binali ang sariling pakpak. Umiyak ang ibon at bumulusok sa ilalim ng alon. Alam kong dapat akong maawa sa ibon pero hindi ko ramdam ang awa. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya dahil nando'n ako. KASALUKUYAN kong binabasa ang akda ni CareLikeGoldFish. Mystery-thriller ang book at kahit na walang romance, hindi ko mapigilang basahin nang buo. Napakapamilyar kasi ng mga scenes, para bang nakita ko na dati. Gaya na lang ng scene kung saan binaril ng main character ang kaibigan niya. Pareho sa nakita ko doon sa Boljoon two months ago... Biglang namatay ang Wifi. Kumurap ako at madilim ang mukhang lumabas ng kuwarto. Didiretso sana ako sa kusina dahil alam kong si Mama ang may pakana, pero big

    Huling Na-update : 2023-05-02
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 8

    Along the roadAno pa bang aasahan ko kay Nicole? Siyempre, ayaw no'n ng istorbo. Hilaw na ngumiti si June sa akin samantalang bumusangot ang mukha ni Ariel. Alam kong hindi gano'n kaganda ang samahan nina Ariel at Nicole kaya naintindihan ko kung medyo hindi maganda ang timpla ng mukha niya nang sinambit ko ang pangalan na iyon. Iyon din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit pumayag siyang magpunta ako sa Club Fort, para inisin ang babaeng 'yon. Matapos makuha ang matamis na oo ni Mama, nagpaalam na sina Tiden at June. Hindi na ako nagulat nang makita ang pagmumukha ni Tiden kinabukasan. The problem is... hindi pa sumisikat ang araw at sobrang dilim pa ng paligid. "Ang aga mo naman," paos kong reklamo. Kakagising ko lang. Ginising ako ng isang katulong dahil naghihintay daw 'yong kaibigan ko sa sala. At dahil naistorbo ang pagtulog ko kaya inismiran ko ang lalaking nakangiti sa akin. Hindi man lang nabawasan ang ngiti sa mga labi niya. "Sungit mo pa rin kahit maaga," biro niya

    Huling Na-update : 2023-05-02
  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 9

    ChallengeHindi ko pinansin ang kakaibang pakiramdam na iyon. Umibis ako ng sasakyan at tinanaw ang kabuuan ng resort.Club Fort Med is a resort located at Arbor, same baranggay with El Grande Lat. Not too simple and not too flashy, just enough for a quiet weekend. Kumurba ang gilid ng mga labi ko.Tiningala ko ang malaking wooden placard kung saan naka-engrave ang pangalan ng resort. It is my first time to be with the Vine. Nakakakaba pero nakaka-excite rin naman. Nakita kung nauna na si Tiden sa loob ng resort kaya sumunod ako. Dumiretso siya sa isang modernized restaurant na bahagyang elevated kaysa sa ibang parte ng resort. Pumasok siya sa loob at naupo sa upuan sa may tabi ng malaking glass wall kung saan kitang-kita ko ang kabuuan ng resort. 'Not bad,' I thought.Umupo ako sa upuan katapat ng kaniya at tumingin sa labas ng glass wall. Nakita ko ang tatlong pools ng Club Fort Med, which the resort's known for. Maliit na round table ang nakapagitan sa amin. May munting cactus n

    Huling Na-update : 2023-05-02

Pinakabagong kabanata

  • For The Stars Have Sinned   Epilogue

    A/N: Extra chapter. Ito ang huling kabanata ng For The Stars Have Sinned. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa istoryang ito lalo na kay Janelyn. First ever review from a reader in two years lol. See you sa sunod kong mga istorya ng Revival Series at standalone novels. Mag-a-update na ako sa "Hidden Mafia King and the Fearless CEO." I hope makita ko kayo doon na magbigay ng review at gems. May libreng shout out mula sa akin ang magbigay ng review hehe. See you there! ~~~January 7, 20217:00 P.M. Concert venue, ArgaoMaabutan na niya si Levi. Kaunti pa... kaunti pa... ayan!"Levi!" sigaw ni Rishel. Humigpit ang hawak niya sa necklace.Lumingon si Levi sa kaniya kaya napangiti siya. Muntik na siyang matumba nang tinulak siya ng ibang nagwawalang fans. Umismid siya at muling tumingin kay Levi pero wala na ito sa puwesto kanina. Sumimangot siya at tinawag ang bouncer. "Kuya! Pakibigay kay Levi!" Saka niya inabot ang necklace at letter.Kunot-noong tinanggap ng bouncer ang binigay

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 62

    I didn't give him a chance to swear on me. Mabilis kong pinatay ang tawag. Pero tulad ng inasahan ko, hindi matatahimik ang mundo ko dahil sunod-sunod na tawag ang natanggap ko mula sa parents ko, kay Lyndon, Tiden, saka mga unknown numbers na hindi ko alam kung sino ang may-ari. Bumuntong-hinga ako at pinatay ang phone. Ayoko munang mag-entertain ng mga tanong nila. I was not being irresponsible pero pagod na akong mag-explain nang paulit-ulit. I know that they won't stop until marinig ang gusto nilang marinig mula sa akin. Gusto ko lang ngayon ay ibigay ang buo kong atensyon kay Klo na masayang nililibot ang tingin sa ocean park. Naisip kong ipasyal siya sa sikat na tourist spot dito sa lungsod kasama ang yaya niya na nakasunod lang sa aming mag-ina. Hindi ako nag-alala na baka may makakilala sa akin dahil nagsuot ako ng mask at naka-bullcap. Isa pa, nasa underwater ang park kaya nagkalat ang dim neon light sa paligid kaya hindi masyadong kita ang features ng mukha ng mga bisita.

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 61

    Naningkit ang mga mata ko at mabilis na tinawagan si Lyndon. "Have you seen the news?" tanong ko. "Yes. Inutusan ko na ang tauhan ko na burahin iyon. Don't worry."Hah. He can take it down but people will still gossip in social media. What's the difference? Bumuntong-hinga ako at akmang ibababa ang tawag nang magtanong siya. "Where's my son?"Doon ko lang naalala ang pinag-usapan namin sa restaurant. Nandilim ang paningin ko at mabilis na pinatay ang tawag. Rishel, bakit mo nalimutan? Akala ko ay huhupa rin ang issue pagkatapos ng ilang araw pero isang linggo na ang lumipas pero nasa headlines pa rin ang mukha ko. Pati ang mga issue noon na naging dahilan ng pagtakas ko sa bansa ay muling umugong sa media. Hindi rin nila pinaglagpas ang mga gig na ginawa ko kasama ang Vine at ang pagiging idol ko noon. Naghinala na ako noong una na may kamay na nagpapagalaw sa media pero mas lalong lumalim ang hinala ko nang biglang lumitaw ang impormasyon tungkol sa akin at kay Rei. Walang nakaka

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 60

    There was silence, and Lyndon cleared his throat. "When did you find out?"Kumuyom ang mga kamao ko at hilaw na ngumiti sa kaniya. "My son got his looks from you. Am I that stupid na hindi maghihinala? Isa pa, you're too good to be true. Still wanting to marry a ruined woman?" I chuckled. "But even if I noticed it too late, I still want to ask why did you deceive me? Bakit pinaniwala mo akong hindi mo alam kung sino? You made me look stupid, Lyndon!"Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago siya umiwas ng tingin. "Do you have evidence that he is my child?"Nandilim ang paningin ko sa tanong niya at mabilis na nilabas ang DNA result na nasa loob ng handbag ko. Tinapon ko 'yon sakto sa mukha niya. "Umuwi ako sa bansa para lang makita ko nang personal ang resulta ng DNA test. Still wanna deny the truth?" Matapos niyang basahin ang nakasulat ay binaba niya ang resulta at tumingin na naman sa akin. Mas lalo lang nagngitngit ang kalooban ko nang wala man lang siyang imik. "Ano? Wala ka b

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 59

    "Rishel, may problema ba? Ilang araw ka nang tulala. Palaging tumatawag si Lyndon at lagi mo raw siyang pinapatayan ng tawag." Nagsalubong ang mga kilay ni Mama. "Sabihin mo sa akin kung anong problema."Tumingin ako saglit kay Mama bago binalik ang tingin sa laptop na nasa center table at nagtipa. "Busy lang ako, Ma. Tatawagan ko siya next time," sabi ko. Bumuntong-hinga si Mama. "Palagi mo nalang 'yang sinasabi. Kung may problema kayo ni Lyndon, pag-usapan niyo. Sa susunod na linggo na ang kasal at bukas na gaganapin ang engagement party niyong dalawa. Paano mo pakikitunguhan ang magiging asawa mo kung hindi kayo nagkakasundo?"Huminto ako sa pagtipa at tumingala kay Mama. "Wala naman kaming problema, Ma. Don't worry, sisiputin ko siya bukas.""Dapat lang, Rishel. Ilang taon na kayong engaged at dapat nang ipaalam sa publiko ang relasyon niyong dalawa, kung hindi ay kikwestiyunin ng board members ang engagement mo kay Lyndon." Pero hindi pa ako handang matali sa lalaking 'yon. Al

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 58

    Pagkatapos ng limang taon. Tirik ang araw at maaliwalas sa umagang iyon nang humakbang ako pababa ng eroplano mula sa ibang bansa. Pero nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. "Kervy? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. Limang taon nang lumipad ako tungo sa ibang bansa. Ngayon na tahimik na ang medya ay napagdesisyunan kong umuwi nang tahimik. Hindi ko lang akalaing sasalubong sa akin ang huling taong inaasahan kong makita. Hindi siya sumagot at bumaba ang tingin niya sa batang nakatayo sa giliran ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Klo at pinaningkitan ng mga mata si Kervy. "Mommy? Who is he?" tanong ni Klo. Bumaba ang tingin ko kay Klo at ngumiti nang marahan. "An old friend." Binaling ko ulit ang atensyon kay Kervy. "Kung wala ka nang kailangan ay mauna na kami."Akmang lalampasan ko siya pero hinuli niya ang palapulsuhan ko. Napatingala ako kay Kervy. Ilang taon na ang lumipas nang huli ko siyang nakita pero walang nagbago sa itsura niy

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 57

    Madilim ang itsura niya pero alam kong hindi sa akin nakadirekta ang galit niya kaya nakampante ako. "Thank goodness at nandito ka na!" masaya kong sambit at umupo.Mabilis niya akong dinaluhan. "Let's go," sabi niya saka binuhat ako sa mga bisig. Napahiyaw pa ako sa gulat at napatingin sa mukha niyang napakalapit. Bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang magkabilang pisngi. Iniwas ko ang tingin nang tumingin siya sa akin. "Sa'n mo 'ko dadalhin?" tanong ko .Napansin kong ginagayak niya ang daan tungo sa fire exit. Maya-maya pa ay nakalabas kami ng gusali at marahang humampas sa mukha ko ang preskong panggabing hangin. Nawala ang tensyon sa magkabilang balikat ko at inihilig ang ulo sa balikat ni Lyndon. "Thank you," marahan kong bulong. "Anong ginawa niya sa 'yo?" tanong niya. "Nahimatay lang ako ng dalawang araw.""Dalawang araw?" Mas lalong nandilim ang awra ni Lyndon. "Rishel, dalawang linggo kang nawawala! Hindi kita mahanap." Nagtagis ang bagang niya. "At malalaman ko lan

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 56

    "Let go!" Nagpumiglas ako sa hawak niya pero masyado siyang malakas. Nanlilisik kong tiningnan ang mukha na hinangaan ko noon pero kinasusuklaman ko na ngayon. "Pinagsisihan kong inidolo kita, Levi! I hate you! I hate you to death!"Natigil siya saglit at naningkit ang mga mata habang matiim na tumitig sa mukha ko. Mas lalo lang nawalan ng kulay ang mukha ko sa klase ng tingin niya at pilit kong iniiwas ang tingin. Pero hindi niya ako hinayaan at hinawakan ang baba ko para itaas ang mukha. Nakita ko na naman ang kakaibang ngiti sa mga labi niya. "Even if you hate me, it doesn't change the fact that you are mine, Rishel," bulong niya sa akin. Nanlamig lang ang kalamnan ko sa narinig. Siguro ay dahil sa klase ng tingin niyang parang isang gutom na halimaw na nakatingin sa pagkain nito. Ngayon lang niya pinakita sa akin ang klase ng tingin na iyon kaya nanginig ang kalamnan ko sa nerbiyos.Huminga ako nang malalim at lakas-loob na sinalubong ang titig niya. "Binaril mo si Papa. Hindi p

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 55

    My heart skipped a beat at what he said. Tulala ko siyang tiningnan habang sinasabi niya ang nalalaman niya sa insidenteng kinasasangkutan ni Papa."Nalaman ng mga awtoridad na may bumaril sa ama mo habang may binibili ito sa isang grocery store. Hindi kita sa CCTV ang mukha ng bumaril pero may nakalap na mga witness na nakasaksi sa mismong araw na binaril ang ama mo. Si Levitus ang tinuturo nilang suspect."Naging isang linya ang mga labi ko at napatitig sa kaniya. Totoo ba ang sinasabi niya? He's not deceiving me, right?Nang mapansin niyang hindi ako naniniwala ay nagsalubong ang mga kilay niya. "If you ask those witnesses, you'll know the truth."Kumuyom ang kamao ko. "Did you bribe them?""Are you doubting my intentions?" tanong niya at tinaas ang kilay. "Yes," sagot ko sa kaniya. Kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. Tumitig ako sa kaniya hanggang sa mawala ang ngiti sa mga labi niya. Naningkit ang mga mata ni Lyndon at inilabas ang isang litrato. Nang tingnan ko iyon

DMCA.com Protection Status