Back at Campus
Kinabukasan, hinatid ako ni Gerard sa Argao. Sinabi ko kay Papa na hindi na kailangan, kaso ayaw niyang makinig. Ngumuso ako. Mas okay lang naman na mag-jeep papunta sa University.Isinandal ko ang ulo sa headrest at humalukipkip. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Bukang-liwayway na.
"Miss, dala niyo ba 'yong nasa likod?" tanong ni Gerard.
Sumulyap ako saglit sa kaniya bago binalik ang tingin sa labas ng bintana. "May problema ba?"
"Wala naman, Miss." Umikhim siya. "Napapansin ko nitong nakaraang mga araw na hindi ka naman nagdadala ng mabibigat sa Unibersidad. Nakapagtataka lang ngayon."
Naningkit ang mga mata ko. "Wala ka nang paki ro'n, okay?"
Umirap ako at humalukipkip. Ilang minuto pa at napadaan ang kotse sa crime scene. Nakita ko ang naka-yellow cross line sa main road ng Arbor. Kinagat ko ang ibabang labi.
Dalawang buwan na rin nang maganap 'yong usap-usapang krimen sa Baranggay Arbor. May pinatay daw at tinago ang biktima. E, wala namang nakitang ebidensya ang mga otoridad, at wala rin silang makitang katawan ng biktima kahit hinalughog na nila ang lugar, maging isandaang kilometro mula sa crime scene. Kahit na gano'n, hindi ko maiwasang matakot minsan.
Nasa main road ng Arbor nangyari ang krimen, at nasa Arbor din ang El Grande Lat. Ibig sabihin, sobrang lapit lang sa amin.
Bumuntong-hinga ako habang papasulong ang kotse papunta sa El Pardo. Iniisip kong baka gino-good time lang ng dalawang taong tumistego 'yong mga pulis.
Taga-Baclayan daw ang mga 'yon at balita ko, lasing daw ang mga 'yon nang makita nila ang duguang kalsada. At halos lahat naman ay alam na hindi katiwa-tiwala ang mga salita ng isang lasing. Pinikit ko nang mariin ang mga mata at tumingin sa silangan. Pasado alas-cinco y medya na yata.
Bumilis ang takbo ng kotse. Kunsabagay, hindi mabigat ang trapiko sa Boljoon.
Halos wala kaming kasabayan sa kalsada, pwera sa ilang PUJ at malalaking truck na naghahatid ng mga gulay at prutas sa ibang Munisipalidad. Mabuti na lang at malaking kotse ang dala ni Gerard kaya hindi masyadong delikado kung tumakbo sa gilid ng malalaking truck dahil madaling makita sa side mirror. Four lanes naman kasi ang kalsada.
Nag-stop over kami ni Gerard sa isang fast food sa sentro ng Alcoy. Nag-drive thru nalang kami dahil malapit nang alas-sais. Kailangan pa naming dumaan sa Dalaguete bago marating ang Argao. Napabuntong-hinga ako sabay kagat sa burger.
Lumunok ako at bumaling kay Gerard. "Agahan mo kasi next time. Mali-late ako dahil sa 'yo, e."
"Miss, naghintay ako ng isang oras bago kita nakitang bumaba sa hagdan. Hindi ko kasalanan."
Ngumuso ako. "Ako pa sinisi mo?"
Tumango siya.
"Ikaw!" Pinandilatan ko siya ng mga mata sabay irap. Napaka-honest ng isang 'to!
PABALANG kong sinara ang pinto ng passenger seat. "Salamat!" sarkastiko kong sigaw kay Gerard. Nakuha pa niyang ngumiti at kumaway sa akin. Umiling na lang ako at inirapan siya.
Nag-martsa ako papasok sa gate ng University. Marami nang estudyante sa loob ng gate, at nakita ko na naman ang tatlong palapag na main building kung saan naka-engrave ang logo ng Unibersidad.
"You know, Gen, I don't have time for boyfriends. Hindi ako tulad ng iba diyan, running after Levi..."
Naningkit ang mga mata ko nang makita ang dalawang babaeng papalapit sa akin. Humalukipkip ako at tumayo sa daanan ng dalawa. Napahinto sila at napatingin sa akin. Tumaas ang kilay ng babaeng nagsalita kanina. "Gen, look who's here."
Tumingin naman sa akin ang babaeng tinawag na Gen at tinaas ang kilay. "I see an idiot who likes to run after Levi."
My lips twitched. Sinabi ko nang ako ang pinariringgan ng isang 'yon kanina. Umirap ako. "Talking about good girls." I smirked at them. "At least I enjoyed reading books you want but can't have. Right?" Ngumiti ako sa kanila nang malapad.
Minsan ay narinig ko silang nag-usap tungkol sa erotica na gusto nilang basahin pero hindi mabasa-basa dahil baka may makakita sa kanila. Tsk. A pity for them.
Nandilim ang mukha ni Jamaica. Maya-maya pa ay ngumiti siya sa akin. Tumaas naman ang kilay ko sa ginawa niya dahil kinutuban ako nang masama.
"Do we look like we care, Larica? And..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You look pathetic in that cardigan and high-waist. Why don't you wear our uniform? That will do good to your looks." Umirap pa siya bago inaya si Gen na lampasan ako.
Nangunot ang noo ko at nagbaba sa suot kong damit. Wala namang problema rito, a? Saka, ito kaya 'yong taste ni Levi pagdating sa girl's fashion. Bagay naman sa akin. Nagkibit-balikat ako. Akmang hahakbang ako papunta sa building ko nang may tumawag sa pangalan ko.
"Rishell!"
Napatingin ako sa lalaking tumatakbo palapit sa akin. Hingal siyang huminto sa harap ko sabay ngumiti nang malapad. "Kumusta? Kailan babalik si June at Tiden?"
Kumurap ako at hilaw na ngumiti sa kaniya. Si Benji. Hindi ko kaibigan. Ka-batch siya nina Tiden at June, at isa sa mga die hard fans ng Vine. Well, except for me, second in line siya sa may pinakamalaking collection ng merchandise ng Vine.
"Ewan?" sagot ko. "Hanapin mo na lang sa streaming sites," ani ko at nilampasan siya. Narinig ko naman siyang nagreklamo pero nagtuloy-tuloy na ako papunta sa main building. Malapit na rin kasing mag-seven at hindi ko gustong ma-late kay Prof Waye. Terror kasi 'yon.
Naghintay ako ng isang oras at kalahati bago natapos ang unang examination test.
Dahil break time, dumiretso ako sa locker room. Doon ko nilagay ang paper bag na sisidlan ng apat na librong binalot ko sa gift wrapper. Nagulat na lang ako nang pagsara ko sa locker ay nakita ko ang mukha ni Benji.
Umirap ako. "Hahanapin mo na naman sina June at Tiden?"
"Rishell naman. Ka-block ko mga 'yon pero simula no'ng maging miyembro ng banda, hindi ko na sila ma-contact. Sabihin mo na kasi kung saan ko sila makikita."
Nagusot pa lalo ang mukha ko. "Alam mo dude, kahit alam ko kung saan sila makikita, hindi ko sasabihin sa 'yo. Alam mo kung bakit?"
Nangunot ang noo niya. "Bakit?"
"Secret!" I let my tongue out at him and ran away. Narinig ko na naman ang reklamo niyang kesyo selfish daw ako at hindi marunong magbigay!
Heh. Sinabi ko ba sa kanilang good girl ako?
Mariing nagdikit ang mga labi ko sabay talikod para sana magpunta sa canteen pero natigilan ako nang makita si Jamaica at Generica na masayang nagkukwentuhan sa bench malapit sa lockers ng Education. May hawak silang mga milkshake sa kaliwang kamay habang nakapatong sa mga hita nila ang sandamakmak na notes. I grimaced. May oras pa sila para magdaldalan sa lagay na 'yan.
Naglakad na lang ako sa kabilang exit. Pupunta na lang ako mag-isa sa canteen. Wala namang bago dahil sanay naman akong mag-isa.
Mabilis kong kinain ang in-order kong Bingo at nilagok ang C2 bago nagpunta sa sunod na subject. Nakakatamad na nga. At nakakasakit na ng ulo. Kumikirot na nga ang utak ko dahil sa unang subject pa lang, natuyo na ang utak ko sa mga questions. Gusto ko ngang puntahan sa Faculty si Prof at itanong kung na-discuss namin 'yong mga question kaso baka hambalusin niya ako palabas ng faculty.
Napalabi ako sa naiisip. Kasi naman, hindi lahat biniyayaan ng skills pagdating sa memorization at analytical. O, isama na natin ang critical thinking. Bakit? Kasalanan ba na mas lamang ako sa reading comprehension? At masama ba kung maging creative kaysa critical?
PARANG binugbog ng sampung kamao ang utak ko habang lupaypay akong nakaupo sa upuan. Kasalukuyang tumutunog ang school bell --- hudyat na tapos na ang examination test sa araw na 'to. Tatlong magkakasunod na buntong-hinga ang pinakawalan ko at langong ngumiti sa white board. Akalain mo 'yon? Naka-survive ako!
Isang araw nalang at matatapos na ang kalbaryo ko. Makaka-relax na rin sa wakas. Ngiti akong humalumbaba.
"Miss Larica." Nagitla ako at nilibot ang tingin sa paligid. Wala nang tao. Pagtingin ko sa harap, nakita ko si Prof Gina na nakatayo sa likod ng professor desk. Nakakunot ang noo niya. "Wala ka bang planong lumabas, Miss?"
Hilaw akong natawa. "Bye, Prof!" Mabilis kong kinuha ang shoulder bag at patakbong lumabas ng classroom.
Ngiti akong dumiretso sa hallway kung nasaan ang mga lockers. Binuksan ko ang akin at kinuha ang paper bag kung nasaan ang mga libro sabay sara at lock.
I hummed a song while walking out of the building. Napapatingin pa sa akin ang mga nakakasalubong ko, sabay bulong sa kasama nile. Ngumiwi ako at tumahimik. Bakit ba andaming chismosa ngayon?
Tinawagan ko si Gerard para sana magpahatid sa fishing port doon sa sentro, pero naalala kong dala ko ang mga libro. Kaya sinabi ko sa kaniyang hindi na ako magpapasundo dahil pupunta pa ako sa fishing port. Magbu-bus na lang ako patungong Cebu City.
Ngayon, nakaupo ako sa bus habang nakasaksak sa tainga ang headset at nakasandal ang ulo sa headrest ng upuan. Nagising akong nasa South Bus Terminal na. Agad akong bumaba at naghanap ng Jeep na maghahatid sa akin sa Main Campus. Tumayo ako sa waiting shed at naghintay na may dumaang Jeep. Kaso, kadalasan sa dumadaan ay puno na at walang bakante. Kaya naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa may humintong itim na sasakyan sa harapan ko.
Bumaba 'yong glass window ng sasakyan at nakita ko ang mukha ni Lyndon, 'yong kasosyo ni Papa.
Something's New "I know, I know." Sumimangot ako. Kanina pa siya kuda nang kuda na kesyo hindi safe na bumiyahe nang mag-isa, at kanina pa ako naririndi sa boses niya. Nakakainis lang kasi. Hindi na ako bata pero bakit palagi na lang niya akong pinapagalitan? I know his point and I understand it, pero hinayaan ko lang siyang kumuda dahil malapit nang marating ng kotse niya ang Larica building. Prente akong sumandal sa sandalan ng passenger seat at tumingin sa labas ng windshield. Paliko na ang kotse papunta sa Pier 3, at paliko papunta sa gate 5, kung saan naroon ang Pier 1. Hanggang ngayon, hindi ko naintindihan kung bakit baliktad 'yong numbering ng mga pier at gates. Sa Pier 3 lang yata sumakto, e. "Sa susunod na linggo magsisimula ang renovation. 'Wag ka na munang pumasyal sa Port," sabi ni Lyndon. Napatingin ako sa kaniya. "Saang parte ba ang iri-renovate?" "Sa kaliwa. Padiretso sa beacon. Ililipat na rin ang beacon para mas lumawak ang sakop." Naningkit ang mga mata ko. "
Meet Them Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Maya-maya pa ay kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. "We'll see, Rishel... we'll see," aniya bago naglakad paalis. Kinuyom ko ang mga kamao at tiningnan nang masama ang ibon na lumilipad sa ibabaw ng alon. Bumaling sa gawi ko ang ibon at binali ang sariling pakpak. Umiyak ang ibon at bumulusok sa ilalim ng alon. Alam kong dapat akong maawa sa ibon pero hindi ko ramdam ang awa. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya dahil nando'n ako. KASALUKUYAN kong binabasa ang akda ni CareLikeGoldFish. Mystery-thriller ang book at kahit na walang romance, hindi ko mapigilang basahin nang buo. Napakapamilyar kasi ng mga scenes, para bang nakita ko na dati. Gaya na lang ng scene kung saan binaril ng main character ang kaibigan niya. Pareho sa nakita ko doon sa Boljoon two months ago... Biglang namatay ang Wifi. Kumurap ako at madilim ang mukhang lumabas ng kuwarto. Didiretso sana ako sa kusina dahil alam kong si Mama ang may pakana, pero big
Along the roadAno pa bang aasahan ko kay Nicole? Siyempre, ayaw no'n ng istorbo. Hilaw na ngumiti si June sa akin samantalang bumusangot ang mukha ni Ariel. Alam kong hindi gano'n kaganda ang samahan nina Ariel at Nicole kaya naintindihan ko kung medyo hindi maganda ang timpla ng mukha niya nang sinambit ko ang pangalan na iyon. Iyon din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit pumayag siyang magpunta ako sa Club Fort, para inisin ang babaeng 'yon. Matapos makuha ang matamis na oo ni Mama, nagpaalam na sina Tiden at June. Hindi na ako nagulat nang makita ang pagmumukha ni Tiden kinabukasan. The problem is... hindi pa sumisikat ang araw at sobrang dilim pa ng paligid. "Ang aga mo naman," paos kong reklamo. Kakagising ko lang. Ginising ako ng isang katulong dahil naghihintay daw 'yong kaibigan ko sa sala. At dahil naistorbo ang pagtulog ko kaya inismiran ko ang lalaking nakangiti sa akin. Hindi man lang nabawasan ang ngiti sa mga labi niya. "Sungit mo pa rin kahit maaga," biro niya
ChallengeHindi ko pinansin ang kakaibang pakiramdam na iyon. Umibis ako ng sasakyan at tinanaw ang kabuuan ng resort.Club Fort Med is a resort located at Arbor, same baranggay with El Grande Lat. Not too simple and not too flashy, just enough for a quiet weekend. Kumurba ang gilid ng mga labi ko.Tiningala ko ang malaking wooden placard kung saan naka-engrave ang pangalan ng resort. It is my first time to be with the Vine. Nakakakaba pero nakaka-excite rin naman. Nakita kung nauna na si Tiden sa loob ng resort kaya sumunod ako. Dumiretso siya sa isang modernized restaurant na bahagyang elevated kaysa sa ibang parte ng resort. Pumasok siya sa loob at naupo sa upuan sa may tabi ng malaking glass wall kung saan kitang-kita ko ang kabuuan ng resort. 'Not bad,' I thought.Umupo ako sa upuan katapat ng kaniya at tumingin sa labas ng glass wall. Nakita ko ang tatlong pools ng Club Fort Med, which the resort's known for. Maliit na round table ang nakapagitan sa amin. May munting cactus n
Knowing him Hingal kong hinawi ang basang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko. Mariin kong tiningnan si Ariel na prenteng nakaupo sa gilid ng pool habang nakabanlaw ang binti sa tubig. "Madaya ka," nakalabi kong saad at lumangoy tungo sa hawakan ng hagdanan.Hindi niya ako hinintay at agad na lumusong sa pool kanina. Gusto ko sanang magreklamo sa kaniya pero nakita kong wala siyang balak na huminto sa paglangoy, kaya wala akong nagawa kung 'di lumusong na lang din. Pagkatapos ko ng dalawang turn, nakita ko siyang nakangiti habang nakaupo sa gilid ng pool. Tumawa siya at umusog nang kaunti palapit sa akin. Dumukwang siya para magpantay ang mukha namin. Nahigit ko ang hininga nang ngumisi siya. "It's fair enough," aniya."Nauna kang lumusong!" reklamo ko.Nagkibit-balikat siya at umayos ng upo sa tabi ng pool. "I don't understand why can't you accept your defeat, but rest assured your stay here will be worth it." Tumaas ang sulok ng labi niya.Bumuga ako ng hangin at umahon. Nakit
Alone with LeviPagkatapos kumain sa resto ay inaya ako ni Levi na mamasyal sa resort. I don't want to miss it so I immediately agreed, not thinking of Nicole nor Tiden's reaction. Bumalik kami saglit sa cottage at pinahiram niya ako ng isang white dress. Alam kong hindi para sa akin ang dress na iyon but I want to think otherwise. I didn't see Tiden nor June inside kaya pinalagay ko na lang na namamasyal ang dalawa. Ariel's missing and Nicole, well, I didn't care about her.Matangkad si Levi. Mga 6 feet o higit pa. Malapad ang balikat, at may laman ang muscles sa katawan. Tahimik siya. Kanina pa nga ako lunok nang lunok, pinipigilan ang sariling magsalita. Gusto kong mag-open ng topic pero inaalala kong baka hindi siya umimik at mapahiya lang ako. Patingala akong sumulyap sa kaniya. Hanggang dibdib lang yata ang height ko compare to his massive body.Tinutunton namin ang daan papunta sa isolated na parte ng resort. Nakita ko sa malayo ang ilang cottage na ilang metro ang layo sa isa
PracticeNote: The lyrics was originally written for this story.~Dapit-hapon. Mamayang gabi gaganapin ang napagkasunduan naming contest ni Nicole. Naipaalam na nina Ariel sa manangement ng resort ang pa-contest namin kaya halos lahat ng guest ay alam ang magaganap na gig mamayang gabi sa resort's bar. Nagpaalam na rin ako kay Mama na mag-o-overnight stay ako sa CFM. Noong una ay hindi pa siya payag, pero sinabi ko nang magbo-book ako ng private cottage para hindi na ako makihati sa Vine. Walang nagawa si Mama kundi pumayag lalo pa't nakiusap si Tiden. Hindi naman makapal ang mukha ni Mama para i-decline pa ang nakikiusap na kaibigan ko kuno. Nag-book ako ng private cottage pero mas gusto ko pa rin sa loob ng cottage nina Tiden, kaya palagi akong bumibisita sa loob, maliban na lang kung nasa loob ni Nicole. I spent the rest of the day swimming in the pools and touring around the place. Nakasunod naman si Tiden sa akin. Matapos niyang makitang magkasama kami ni Levi kaninang umaga a
His Affection"Vocalist ng Vine," bulong ng isang guest. "Ang ganda niya. Beauty and talent, what could a man ask for?""She's gorgeous!" Napuno ng bulungan ang venue pagpasok ni Nicole. Tumaas ang sulok ng mga labi niya at sumulyap sa gawi ko. I could see her complacent attitude. Kinuyom ko ang kamao. Nakakainis ang ngiti sa mga labi niya pero wala akong magawa kung hindi hayaan siyang magpakitang-gilas sa guests. I knew that she's beautiful. Given na iyon at tanggap ko naman, pero nakakarindi lang ang paulit-ulit na compliment sa ganda niya. Like hello, hindi lang siya ang maganda sa mundong ito.Alright. I'm jealous of her. Pero hindi lang naman ako, lahat naman yata ng fans ni Levi ay nagseselos kay Nicole. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at pinagsawa ang sariling tignan ang kabuuan ng bar. Nakabukas na ang disco lights at nakahanda na ang ilang bote ng beer sa counter na nasa gilid lang. Nakaupo ako sa round table, sa eksaktong harap ng platform, kung saan ako naunang naupo.
A/N: Extra chapter. Ito ang huling kabanata ng For The Stars Have Sinned. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa istoryang ito lalo na kay Janelyn. First ever review from a reader in two years lol. See you sa sunod kong mga istorya ng Revival Series at standalone novels. Mag-a-update na ako sa "Hidden Mafia King and the Fearless CEO." I hope makita ko kayo doon na magbigay ng review at gems. May libreng shout out mula sa akin ang magbigay ng review hehe. See you there! ~~~January 7, 20217:00 P.M. Concert venue, ArgaoMaabutan na niya si Levi. Kaunti pa... kaunti pa... ayan!"Levi!" sigaw ni Rishel. Humigpit ang hawak niya sa necklace.Lumingon si Levi sa kaniya kaya napangiti siya. Muntik na siyang matumba nang tinulak siya ng ibang nagwawalang fans. Umismid siya at muling tumingin kay Levi pero wala na ito sa puwesto kanina. Sumimangot siya at tinawag ang bouncer. "Kuya! Pakibigay kay Levi!" Saka niya inabot ang necklace at letter.Kunot-noong tinanggap ng bouncer ang binigay
I didn't give him a chance to swear on me. Mabilis kong pinatay ang tawag. Pero tulad ng inasahan ko, hindi matatahimik ang mundo ko dahil sunod-sunod na tawag ang natanggap ko mula sa parents ko, kay Lyndon, Tiden, saka mga unknown numbers na hindi ko alam kung sino ang may-ari. Bumuntong-hinga ako at pinatay ang phone. Ayoko munang mag-entertain ng mga tanong nila. I was not being irresponsible pero pagod na akong mag-explain nang paulit-ulit. I know that they won't stop until marinig ang gusto nilang marinig mula sa akin. Gusto ko lang ngayon ay ibigay ang buo kong atensyon kay Klo na masayang nililibot ang tingin sa ocean park. Naisip kong ipasyal siya sa sikat na tourist spot dito sa lungsod kasama ang yaya niya na nakasunod lang sa aming mag-ina. Hindi ako nag-alala na baka may makakilala sa akin dahil nagsuot ako ng mask at naka-bullcap. Isa pa, nasa underwater ang park kaya nagkalat ang dim neon light sa paligid kaya hindi masyadong kita ang features ng mukha ng mga bisita.
Naningkit ang mga mata ko at mabilis na tinawagan si Lyndon. "Have you seen the news?" tanong ko. "Yes. Inutusan ko na ang tauhan ko na burahin iyon. Don't worry."Hah. He can take it down but people will still gossip in social media. What's the difference? Bumuntong-hinga ako at akmang ibababa ang tawag nang magtanong siya. "Where's my son?"Doon ko lang naalala ang pinag-usapan namin sa restaurant. Nandilim ang paningin ko at mabilis na pinatay ang tawag. Rishel, bakit mo nalimutan? Akala ko ay huhupa rin ang issue pagkatapos ng ilang araw pero isang linggo na ang lumipas pero nasa headlines pa rin ang mukha ko. Pati ang mga issue noon na naging dahilan ng pagtakas ko sa bansa ay muling umugong sa media. Hindi rin nila pinaglagpas ang mga gig na ginawa ko kasama ang Vine at ang pagiging idol ko noon. Naghinala na ako noong una na may kamay na nagpapagalaw sa media pero mas lalong lumalim ang hinala ko nang biglang lumitaw ang impormasyon tungkol sa akin at kay Rei. Walang nakaka
There was silence, and Lyndon cleared his throat. "When did you find out?"Kumuyom ang mga kamao ko at hilaw na ngumiti sa kaniya. "My son got his looks from you. Am I that stupid na hindi maghihinala? Isa pa, you're too good to be true. Still wanting to marry a ruined woman?" I chuckled. "But even if I noticed it too late, I still want to ask why did you deceive me? Bakit pinaniwala mo akong hindi mo alam kung sino? You made me look stupid, Lyndon!"Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago siya umiwas ng tingin. "Do you have evidence that he is my child?"Nandilim ang paningin ko sa tanong niya at mabilis na nilabas ang DNA result na nasa loob ng handbag ko. Tinapon ko 'yon sakto sa mukha niya. "Umuwi ako sa bansa para lang makita ko nang personal ang resulta ng DNA test. Still wanna deny the truth?" Matapos niyang basahin ang nakasulat ay binaba niya ang resulta at tumingin na naman sa akin. Mas lalo lang nagngitngit ang kalooban ko nang wala man lang siyang imik. "Ano? Wala ka b
"Rishel, may problema ba? Ilang araw ka nang tulala. Palaging tumatawag si Lyndon at lagi mo raw siyang pinapatayan ng tawag." Nagsalubong ang mga kilay ni Mama. "Sabihin mo sa akin kung anong problema."Tumingin ako saglit kay Mama bago binalik ang tingin sa laptop na nasa center table at nagtipa. "Busy lang ako, Ma. Tatawagan ko siya next time," sabi ko. Bumuntong-hinga si Mama. "Palagi mo nalang 'yang sinasabi. Kung may problema kayo ni Lyndon, pag-usapan niyo. Sa susunod na linggo na ang kasal at bukas na gaganapin ang engagement party niyong dalawa. Paano mo pakikitunguhan ang magiging asawa mo kung hindi kayo nagkakasundo?"Huminto ako sa pagtipa at tumingala kay Mama. "Wala naman kaming problema, Ma. Don't worry, sisiputin ko siya bukas.""Dapat lang, Rishel. Ilang taon na kayong engaged at dapat nang ipaalam sa publiko ang relasyon niyong dalawa, kung hindi ay kikwestiyunin ng board members ang engagement mo kay Lyndon." Pero hindi pa ako handang matali sa lalaking 'yon. Al
Pagkatapos ng limang taon. Tirik ang araw at maaliwalas sa umagang iyon nang humakbang ako pababa ng eroplano mula sa ibang bansa. Pero nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. "Kervy? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. Limang taon nang lumipad ako tungo sa ibang bansa. Ngayon na tahimik na ang medya ay napagdesisyunan kong umuwi nang tahimik. Hindi ko lang akalaing sasalubong sa akin ang huling taong inaasahan kong makita. Hindi siya sumagot at bumaba ang tingin niya sa batang nakatayo sa giliran ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Klo at pinaningkitan ng mga mata si Kervy. "Mommy? Who is he?" tanong ni Klo. Bumaba ang tingin ko kay Klo at ngumiti nang marahan. "An old friend." Binaling ko ulit ang atensyon kay Kervy. "Kung wala ka nang kailangan ay mauna na kami."Akmang lalampasan ko siya pero hinuli niya ang palapulsuhan ko. Napatingala ako kay Kervy. Ilang taon na ang lumipas nang huli ko siyang nakita pero walang nagbago sa itsura niy
Madilim ang itsura niya pero alam kong hindi sa akin nakadirekta ang galit niya kaya nakampante ako. "Thank goodness at nandito ka na!" masaya kong sambit at umupo.Mabilis niya akong dinaluhan. "Let's go," sabi niya saka binuhat ako sa mga bisig. Napahiyaw pa ako sa gulat at napatingin sa mukha niyang napakalapit. Bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang magkabilang pisngi. Iniwas ko ang tingin nang tumingin siya sa akin. "Sa'n mo 'ko dadalhin?" tanong ko .Napansin kong ginagayak niya ang daan tungo sa fire exit. Maya-maya pa ay nakalabas kami ng gusali at marahang humampas sa mukha ko ang preskong panggabing hangin. Nawala ang tensyon sa magkabilang balikat ko at inihilig ang ulo sa balikat ni Lyndon. "Thank you," marahan kong bulong. "Anong ginawa niya sa 'yo?" tanong niya. "Nahimatay lang ako ng dalawang araw.""Dalawang araw?" Mas lalong nandilim ang awra ni Lyndon. "Rishel, dalawang linggo kang nawawala! Hindi kita mahanap." Nagtagis ang bagang niya. "At malalaman ko lan
"Let go!" Nagpumiglas ako sa hawak niya pero masyado siyang malakas. Nanlilisik kong tiningnan ang mukha na hinangaan ko noon pero kinasusuklaman ko na ngayon. "Pinagsisihan kong inidolo kita, Levi! I hate you! I hate you to death!"Natigil siya saglit at naningkit ang mga mata habang matiim na tumitig sa mukha ko. Mas lalo lang nawalan ng kulay ang mukha ko sa klase ng tingin niya at pilit kong iniiwas ang tingin. Pero hindi niya ako hinayaan at hinawakan ang baba ko para itaas ang mukha. Nakita ko na naman ang kakaibang ngiti sa mga labi niya. "Even if you hate me, it doesn't change the fact that you are mine, Rishel," bulong niya sa akin. Nanlamig lang ang kalamnan ko sa narinig. Siguro ay dahil sa klase ng tingin niyang parang isang gutom na halimaw na nakatingin sa pagkain nito. Ngayon lang niya pinakita sa akin ang klase ng tingin na iyon kaya nanginig ang kalamnan ko sa nerbiyos.Huminga ako nang malalim at lakas-loob na sinalubong ang titig niya. "Binaril mo si Papa. Hindi p
My heart skipped a beat at what he said. Tulala ko siyang tiningnan habang sinasabi niya ang nalalaman niya sa insidenteng kinasasangkutan ni Papa."Nalaman ng mga awtoridad na may bumaril sa ama mo habang may binibili ito sa isang grocery store. Hindi kita sa CCTV ang mukha ng bumaril pero may nakalap na mga witness na nakasaksi sa mismong araw na binaril ang ama mo. Si Levitus ang tinuturo nilang suspect."Naging isang linya ang mga labi ko at napatitig sa kaniya. Totoo ba ang sinasabi niya? He's not deceiving me, right?Nang mapansin niyang hindi ako naniniwala ay nagsalubong ang mga kilay niya. "If you ask those witnesses, you'll know the truth."Kumuyom ang kamao ko. "Did you bribe them?""Are you doubting my intentions?" tanong niya at tinaas ang kilay. "Yes," sagot ko sa kaniya. Kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. Tumitig ako sa kaniya hanggang sa mawala ang ngiti sa mga labi niya. Naningkit ang mga mata ni Lyndon at inilabas ang isang litrato. Nang tingnan ko iyon