Annalita Perpetua Tubol's POV Part ll
Excited kaming lima sa uwian. Miyerkules ngayon ibig sabihin ngayon ang araw ng pagpunta namin sa bahay ni Mitching yung kaklase namin noong elementarya na nakapag-asawa ng amerikano. Inimbita niya kami para sa kanyang house watering daw, hindi ko alam kong anong ibig sabihin nun naisip ko na lamang na baka para mas lumaki pa bahay niya kaya kailangan ng watering katulad ng watering the flant. Tumutubo ang halaman kapag nadiligan, sana all nadiligan. Basta ang importante ay alam kong kain ang pupuntahan namin, kapag ganitong may okasyon hindi mawawala ang handaan. Kami pa namang limang magkakaibigan ang tipong walang hihindian at walang aatrasan kapag kain ang paguusapan.
Kaninang umaga ko pa iniimagine ang lutong ng balat ng lechon, ang tamis ng sarsa ng spaghetti at ang masarap na adobo. Shet! Tumutunog na naman ang tiyan ko. Kaninang umaga pa ako walang matinong kain para may sapat na espasyo ang masasarap na ulam mamaya sa tiyan ko. Binuksan ko ang bag, napangiti ako ng makita ko ang hinanda kong supot para sa sisidlan kong bring house mamaya.
“Goodbye Class!”
“Goodbye Ms. MagdaleNa Cayatan!” sabay-sabay na saad ng buong klase. Nauna na kaming lima na lumabas ng classroom . Halatang sabik na sabik ng makakain ng lechon.
Ilang saglit nga ay binabagtas na namin ang daan patungo kina Mitching. Ilang kilometro din ang layo ng bahay nila mula sa eskwelahan pero kapag ganitong kainan ang dinadayo namin ‘di kami nakakaramdam ng pagod at kahit nasa ikapitong bundok pa iyan walang hindi pupuntahan.
Malayo pa man ay rinig na namin ang malakas na tunog mula sa karaoke at boses ng mga nagvivideoke. Nagpatuloy kami sa paghakbang napahinto kami ilang metro mula sa napakalaki at napakagandang dalawang palapag na bahay na may rooftop dito rin nagmumula ang narinig naming malakas na tunog. Marahil ay ito na ang bahay ni Mitching. Naaalala ko dati dito nakatayo ang noon ay barong-barong nilang bahay sobrang layo sa marangya at konkreto nilang bahay ngayon. Nakabukas ang bakal at matayog nilang pulang gate upang malayang makakapasok ang kanilang mga bisita.
“Ang ganda,” bulalas ko.
“Ang laki,” saad naman ni Doring.
“Yayamanin na talaga si Mitching,” saad naman ni Ajing.
“Hindi na siya ma reach,” saad ni Meling.
“Tayo na uy, gutom na ako. Pagmasdan na lamang natin ulit pagkatapos nating lumafang,” nauna na sa amin si Siting. Sumunod naman kaming apat. Kay rami nilang bisita. Yung iba papaalis na habang ang iba’y katulad namin ay kakarating lang. Kinapalan na namin ang
mga mukha. Mas lalo akong namangha ng makita ang disenyo ng lamesang pinaglagyan ng mga pagkain.
Pinasadahan ko ng nakakatakam na tingin ang nakaquadradong malalaki at mahahabang lamesa na may iba’t ibang putahe ngunit napako ang tingin ko sa tatlong lechon na magkakasunod na nakadapa. Ang isa ay kita na ang loob habang ang dalawa ay hindi pa nagagalaw. Napayuko ako sa aking tiyan ng muling tumunog iyon.
“Ang daming pagkain!” mahinang saad ko ngunit bakas ang excitement sa aking boses.
“Lechon…” napapalunok na saad ni Doring.
“Ang gara nakacatering pa, mayaman na talaga siya,” saad naman ni Meling.
“Ang laki ng cake…” saad naman ni Ajing.
“Pila na tayo dali! Gutom na gutom na talaga ako,” saad ni Siting at nauna na naman ito sa amin sa pila. Sumunod kami sa likod niya.
Magkakasunod kaming lima sa pila. Habang nakapila ay hindi ko maalis-alis ang tingin sa mga pagkain. Namimili na ako kung anong kukunin ko. Pinagiisipan ko na rin ang plano kung paano ko i sharon ang isang buong lechon. Tupiin ko na lamang kaya?
Kay haba ng pila ngunit mabilis lang naman umusad. Matiyaga kaming naghintay hanggang sa hindi nagtagal ay kami na ang sumunod.
Nauna si Siting dumiretso siya sa lechon. Nanlaki ang mata ko ng kunin niya ang buong isang pata kasama ang paa nito. Lechon pa lang puno na plato niya.
"Hoy mauubos mo yan?" rinig kong tanong ni Ajing.
"Ako pa ba?" mayabang na saad ni Siting
Sumunod si Ajing at ang kabilang pata pati paa rin. Napalingon sa kanya si Siting saglit at nagiwas ng tingin ngunit muling napatingin pabalik ng makitang sinunod ni Ajing ang teknik niya.
"Langya ka Ajing, tinanong mo pa ko tas gagawin mo rin pala," sita ni Siting sa kanya.
"Akala ko kasi bawal," nakangising saad ni Ajing. Napatingin ako sa nakaunipormeng lalaki na nagbabantay sa lechon. Wala naman itong imik hinayaan lang ang dalawa.
"Hoy, bilisan niyo na dyan kakahiya kayo, lalaki pa ng mga kinuha niyo mek tsur maubos niyo yan ha," saad ko sa kanila.
Sumunod si Doring muling nanlaki ang mata ko ng buong tadyang ng baboy ang kinuha.
"Ang liit naman ng plato," bulong nito. Nag-angat ito ng tingin at ngitian ang taong nagbabantay. "May batya kayo-"
"Hoy Doring! S***a to!" nagtawanan kaming lima.
"Liit-liit kasi, mabuti yung batya kasya lahat," paliwanag pa nito.
"Bilis na Doring! Gutom na 'ko," sita sa kanya ni Meling.
Umabante na si Doring. Sumunod si Meling. Sa lahat itong si Meling ang may breeding sa aming lima. May pangalan kasing inaalagaan. Presidente ng student council kaya kumuha lang ito ng sapat lang sa kanya.
Kay laki ng ngisi ko ng turno ko na. Napahinto ang lima at napatingin sa akin. Tinignan ko sila pabalik.
"Ang sama ng mga tingin niyo, inaano ko ba kayo?"
"Isauli mo yan, kakahiya," sita sa akin ni Siting.
"Ayaw ko nga, okay lang to," saad ko.
"Isauli mo na Aning, pinagtitinginan ka o," saad naman ni Meling.
"Wala akong paki, gutom ako e," saad ko.
"Isauli mo na yan aning, bawal yan," saad ni Ajing.
"Parang hindi naman," giit ko.
"Isauli mo yan oi," pilit sa akin ni Meling. Pinipigilan naming lima na bumunghalit ng tawa. Pigil na pigil ang halakhak naming lima ngunit bakas sa mukha ang pagkaaliw sa kanya-kanyang trip.
"Bawal yan Aning, hindi kasya sa plato. Sandali lang," napatingin muli si Doring sa tagabantay. "Sir, may banyera kayo?"
Natawa ulit kaming lima.
Ang kinuha ko kasi buong ulo ng lechon.
"S***a may mansanas pa, pang desert."
Ulo ng lechon lang at konting kanin nag laman ng plato ko.
Nauna na si Siting humanap ng pwesto. Sumunod kaming apat. Napatingin-tingin ako sa paligid ngunit hanep si Siting isang kisap mata ko lang nawala na yung pata ng lechon sa plato niya. Bawat tingin ko sa mga plato ng mga kaibigan ko lumalaki nag mata ko dahil parang magic na isa-isang naglaho ang mga pagkain sa ibabaw ng plato nila.
Napamura ako sa sarili. Medyo malaki yung ulo ng lechon nahirapan ako paano ko mamadyikin. Napakamot ako sa aking ulo habang nakatitig sa lechon ko.
"Ulo pa more," tawang-tawang saad ni Ajing.
"Sige nga madyikin mo nga," tawang kantiyaw sa akin ni Siting.
"Yung mansanas na lamang isharon mo," tawang-tawang saad ni Meling.
"Mga yawa kayo," muling napalingon-lingon ako ngunit nagulat ako ng pagtingin ko sa plato ko'y wala na itong laman. Inangat ko ang ilalim ng plato ko upang tignan kung nandon ba ang ulo ng lechon ko ngunit wala. Isa-isa kong tinignan mga plato nila pero wala doon ang lechon ko. Yumuko ako sa ilalim ng mesa uoang hanapin doon nag lechon ngunit iba nakita ko. Hita ni Siting na nagbuka-sara. Nag-angat ako ng tingin kay Siting.
"Siting i close mo lang yung legs, sumisilip yung bulbul mo," tawang saad ko.
"Ang init kasi, pinagpawisan singit ko."
"Ano bang hinahanap mo?" tanong ni Meling.
"Yung ulo ng lechon ko," sagot ko.
"Tingnan mo sa loob ng bag mo," saad ni Doring. Napakunot ang noo ko pero tinignan ko pa rin. Napangisi ako ng makitang nakangisi rin ang lechon kong nakasilid na sa supot.
"Bagal mo kasi, gutom na kami. Tayo na sa second batch. Utang na loob wag ka ng kumuha ng buong ulo, hirap i magik,"saad ni Doring.
Sabay-sabay kaming tumayo. Doon naman kami sa iba't-ibang putahe.
"Sir, ano to?"
"Cordon bleu po," sagot ng tagabantay naman sa mga putahe.
"Ano po condom blow?" ulit ko. Tinawanan ako ng apat. Mga shutang mga kaibigan to.
"Gordon blue daw oi! Bungol!" saad ni Doring.
"Isa pa tong bungol, Cordon bleu!" saad ni Meling.
"Ah cordon bleu, so ito cordon brown?" saad ni Siting.
"Tigilan niyo na yan basta pagkain, okay na yan!" sita ni Ajing sa amin.
Umusog kami papunta sa dessert.
"Makakain ba 'to?" tukoy ko sa mg dahon na nakadisplay.
"Hindi yan pagkain oi," saad ni Doring.
"Para saan yan?"
"Pampunas ng pwet pagkatapos mong mag dyebs. Malamang sa rami ng kinain walang hindi madyedyebs," natawa kaming lima.
"Siraulo!"
"Kadiri ka Doring."
"Yawa na to!"
Hindi na kami kumuha ng dahon. Marami namang madadaanan pero kumuha kami ng salad.
Muli ay puno ng ibat-ibang putahe ang plato naming lima bago kami bumalik sa kanya-kanya naming mga pwesto.
Muli ay napatingin ako sa kanila. Si Siting tingin sa left, tingin sa right, bumaba ang tingin ko sa plato niya, basta na lamang niyang tinapon ang laman sa loob ng bag. Si Ajing kunwari susubo pero bawat nakukuha ng kutsara niya diretso sa loob ng bag habang si Meling kinagatan yung hita ng manok kumurap lamang ako wala na yung manok sa kamay niya pero si Doring pati plato shinaron.
Kinuha ko ang 8x12 na supot sa bag ko. Isa-isa kong sinilid sa magkakaibang supot ang mga ulam. Nilagay ko sa loob ng bag ko.
"Yawa Aning parang nagkakarinderya lang ah," sita sa akin ni Doring.
"Wag ka maingay, kanya-kanyang trip to, s***a ka!"
Nang matapos muli kaming lima ay muli kaming pumila. Ngayon ay sa wakas makakakain na kami dahil tapos na kaming mag sharon. Hindi lang ulam shinaron namin pati mga iba't-ibang salad.
Excited akong umupo pabalik sa pwesto dahil makakakain na ko sa wakas. Feel na feel ko yung lutong ng balat ng lechon. Tumutunog sa bawat kagat ko. Napakalasa pa. Walang spagetti pero ang sarap ng pansit nila, walang tulag kabigin. Tapos yung lumpia shanghai, hindi puro wrapper siksik at liglig sa laman. Ang cordon bleu? Ngayon lang ako nakakatikim pero s***a paborito ko na yata. Yung adobo nila hindi puro taba oi at hindi rin matigas napakalambot kainin.
Sarap na sarap kaming lima sa pagkain ng maagaw ang atensyon namin.
"Hi! Everyfive of you!" nag-angat ako ng tingin kay Mitching habang nasa bibig ko pa ang kuku ng lechon, paborito ko rin ang part na iyon ng lechon. Binaba ko na muna at ngumiti kay mitching. "I'm so beri much happy dat you you did not indian my invocation to eat my house!" masayang saad nito.
"Anong yong inbokesyon, Meling?"
"Hindi ko rin alam pero baka ibig sabihin, invitation," sagot ni Meling. Napatango-tango ako.
"Enjoy eating without manners everyfive of you, there is still so many food over there. Eat and eat until you will pregnant, ha?!"
"Sorry Mitching pwede paku translate sa tagalog nagdidilim na paningin ko sayo este nagdidilim utak ko, di ko kayang intindihin," anas ni Ajing.
"My Godness, I porgot that you don't understand deef englishing. What I men to said is that, Mag enjoy lang kayo kumain, wag kayong mahiya kayong lima. Marami pang pagkain doon. Kain lang kayo ng kain hanggang sa mabusog kayo," mahabang saad nito
Buti na lang talaga at napaisipan ni Ajing na magtanong. Kahit hindi ko masyadong naiintidahan ang pangit pa rin sa pandinig lalo na ang no manners at fregnant.
"Bakit pregnant?" tanong ni Doring.
"Bakit ba kung mabusog kayo hindi ba lalaki tiyan niyo? Am I right or left?" saad ni Mitching.
"Right!" Sabay na napatango-tango naman kaming lima.
"I will go away now, You're stressing my sleeping beauty. Bye, everyfive of you!"
Napasandal ako sa inupuan ko dahil sa kabusugan. Ang rami ng nakain ko. Gustong-gusto ko pa kumain kaso wala na talaga akong mapaglagyan. Tinignan ko ang apat katulad ko'y bakas rin ang kabusugan sa mga mukha nila.
"Tayo na uy, baka hinahanap na ako ni Marilyn," aya ni Siting.
"Ako rin makakalbo na talaga ako ni Amanda nito," tukoy ko sa nanay ko.
"Magpaalam muna tayo kay Mitching."
Isa-isa kaming tumayo. Nakita kami ni Mitching lumapit ito sa amin.
"You go away everyfive of you?"
"Oo, baka hinahanap na kami ng mga magulang namin,"
"You want duck egg?"
"Ano yun?"
"Balut," saad ni Meling. "No thanks, we're full." saad ni Meling.
"Sureness? You don't want to duck egg a lechon and other food?"
"Mitching pwede tagalog ulit?" saad ni Ajing.
"Ay sorry, you know american citizen. What I men to said is that, ayaw niyo ba mag balut ng lechon o ibang putahe marami pa naman natirang pagkain."
"Yun pala ibig sabihin ng duck egg niya. Shutang Mitching ito," bulong ko kay Meling.
"Ay okay lang, 'di na nakakahiya naman," saad ni Doring.
"Sureness?"
"Sureness!" sabay-sabay naming saad.
"Mauna na kami. Maraming salamat ulit ha," napahinto kaming lima ng lumapit ang afam nito sabay yakap sa kanya mula sa likod. Napatagilid ang ulo ni Mitching ng halikan siya ng afam niya sa leeg. Nakita ko ang pag 360 degree ng mata ni Mitching nawala ang itim puro na lamang puti para bang nasaniban sa sarap. Napaawang ang labi naming lima ng mula sa leeg ay hinuli nito nag labi ni Mitching at hinalikan. Shit! Ang sarap naman niyang humalik. Unang bumitaw ang afam niya.
"Let's go to our room now, babygirl," bukong iyon ngunit narinig pa rin naming lima. Ang sarap ng pagkakasabi. Muli ay kinintalan ng halik sa labi si Mitching
"Stop it babyboy. The everyfive is watching." napatili si Mitching ng bigla siyang buhatin ng afam niya na parang sakong bigas. "Take care of yourself everyfive of you! The holy watering is done. My time now to be watering! Byebye!"
"Parang gusto ko na yatang magafam na lang," bulong.
"Ako rin," sabay-sabay na saad ng apat.
“Tama na pantasya! Let’s fack up!” masiglang saad ko sa apat dahil nakatulala pa rin ang mga ito nakatanaw sa pintuang pinasukan nina Mitching at ng afam niyang daks at hot. Sana all Makabaleghoten!“Anong let’s fack up?”“Hay nako Meling, don’t tell us nagiging bobo ka na rin, fack up ba, magbalut na at maghanda dahil tayo’y lalarga na!”“Pack up!”“Ano bang sinabi ko? Pareho lang yun! Sosyalan lang yung akin, slangers,” palusot ko.Isa-isa na naming binuhat ang mga bag na may lamang duck egg, ika nga ni Mitching.“Shuta ang bigat ng tadyang!” mahinang anas ni Doring. Binuhat niya ang backpack at nilagay sa likuran.“Yung tadyang lang mabigat, mamamatay?”“Oo na pati yung crispy pata, shuta ka!”
Siting’s POVNagpapakain ako kina Piolo, Dingdong, Joshua at Coco ng bahagyang mapatili ako dahil biglang may humawak sa bewang ko sabay kiliti sa akin. Paglingon ko’y napangiti ako ng makita ang napakagwapong mukha ng iniirog ko. Kay bilis niyang pinulupot ang mga braso sa aking baywang. Hinayaan ko siya dahil wala pa naman ang inay. Nagpaalam iyon sa akin kaninang umaga bago umalis para maglako ng paninda na dadaan muna daw siya kina Aling Zorayda upang makiramay. Namatay na naman ang pang-anim nitong asawa. Kakasal lang naman sana nila noong nakaraang linggo.Tila nakuryente ang t*nggil ko ng paglingon ko’y ninakawan niya ako ng halik sa labi. Buong akala ko’y saglit lamang ang halik niyang iyon ngunit ng lumapat ang malambot na labi niya sa parang Angelina Jolie na labi ko ay hindi na niya ito inangat pa at binigyan ako ng mala Brad Pitt na halik. Syempre mag-iinarte pa ba ako? Tinugon ko ang halik niya. Med
Siting’s POVHindi ko siya sinita dahil hindi ko kaya. Hindi pa ako handang marinig mula sa kanya ang totoo, na hindi talaga niya ako mahal o minahal, na ginamit lamang niya ako, nagbabakasakaling makuha niya ang pagkabab*bae ko.Ang sakit ng dibdib ko ngunit eskwela is life. Kahit na gustong-gusto ko ng umuwi at humagulhol. Iiyak lahat ng bigat sa puso ko. Nabigo na nga ako sa pag-ibig, mabibigo pa akong makamit ang pangarap ko. Ang hirap magkunwaring okay lang, ang hirap magkunwaring kaya ko, ang hirap magkunwaring hindi ako nasasaktan ngunit kailangan ko munang magkunwari upang wag akong magmukha tanga lalo. Ramdam ko ang pag-alala at awa ng mga kaibigan ko sa akin ngunit ‘di ko iyon pinapansin.Hanggang sa maguwian na. Nauna ako sa kanilang maglakad. Nais ko ng marating agad ang bahay dahil hindi ko alam kong makakaya ko pang pigilan ang mga luha sa mga mata ko ngunit napahinto ako sa isang ti
Siting’s POVNabenta na namin lahat ang alagang baboy para may panggastos kami sa gamot at pang-araw-araw namin ni Nanay. Ang paglalako lang kasi niya ng gulay ang bumubuhay sa aming dalawa at isa pa hindi na rin afford ni Nanay na bumili ng pagkain ng baboy kaya binenta na namin sina Piolo, Dingdong, Joshua at Coco.Iniwan ko saglit si Nanay at binilin ko na lamang sa isa sa mga kapitbahay namin. Ewan ko kung ano okasyon at gusto niyang magluto ako ng biko. Pinagbigyan ko ang kahilingan niya baka kako gusto niya lang kumain ngayon ng biko.Pumunta ako ng bayan. Namili ako ng sangkap para sa gagawin kong biko. Hindi ako marunong magluto pero sabi niya gagabayan daw niya ako. Ako ang gagawa habang siya naman ang magbibigay ng instruction. Of course ayaw ko namang paglutuin pa Nanay ko dahil may sakit pa nga ito.“Hoy! Alam mo ba ang balita? Ikakasal na raw ang anak ni Edna na si Siobe, diba ang bata pa nun?” Narinig kong
Doring’s POVHindi pa ako tapos sa pagsulat sa mga notes ni Ma’am Masikip na nakasulat sa pisara ngunit narinig na namin ang bell hudyat na natapos na ang isang oras ni Ma’am Masikip.“Who has not yet finished writing?” tinaas ko ang kaliwang kamay habang patuloy pa rin sa pagsusulat. Iilan na lamang kaming hindi pa tapos sa pagsusulat. Sa aming magkakaibigan ay ako na nga lang ang hindi pa tapos. Mabagal talaga akong sumulat.“Ms. Dacobisong, please collect all the notes of those who haven’t finished writing yet when they're done and bring it to the faculty room, okay?” utos ni Ma’am Masikip sa akin.“Yes, Ma’am!” Masigla kong tugon. Excited ako dahil makikita ko na naman ang tinitibok ng puso ko, ang aking Sir Nalusuan. Lihim akong napangiti. “Aray!” Angil ko ng sabay-sabay akong binatukan ng mga walang hiya kong mga kaibigan.“Ngiti-ngiti mo d
Meling’s POVPapauwi na kaming magkakaibigan ng mapatigil ako sa paglalakad dahil hinarangan ni Daomingsi ang daraanan ko.“Hi Meling, pwede ba kitang i-invite mamaya sa bahay?” Nag-angat ako ng tingin sa kanya at napatitig sa mga mata niya. Umaasa ang mga iyon sa pagtango ko ngunit alam na naman siguro niya kung anong sagot ko sa tanong niyang iyon.“Ha?” Kunwari ay hindi ko narinig ang tanong niya.“Okay lang ba na i-invite kita sa bahay? Okay lang rin kung isama mo ang mga kaibigan mo. Iilan lang rin ang ininvite ko, may konting salo-salo sa bahay,” tila nahihiyang napakamot ito sa kanyang ulo.“Ha? Kuwan kasi,” lumagpas ang tingin ko sa mga kaibigan kong napahinto rin habang hinihinitay ako. Hindi nila narinig ang pag-aya ni Daomingsi dahil may pinag-uusapan ang mga ito buti nalang rin at busy ang mga ito dahil tiyak sila
Ajing’s POV“Babye mga tukmol!” Paalam ko sa mga kaibigan ko ng marating ko na ang eskinita patungo sa bahay namin.“Babye, ingat ka, tanga ka pa naman,” natawa ako sa sinabi ni Siting.“Nagsalita ang hindi!” Tugon ko sa sinabi niya.“E di, dalawa na tayo!”“Ikaw lang, hoy!”“Nagtalo pa ang dalawa, pareho namang nagpapakatanga sa pag-ibig,” sumingit pa si Doring.“Ay wow! Nagsalita ang wala pa nga sila iniyakan na! Ano yun? Praktis?” Malakas na saad ko. Tumawa si Doring. Shoot na shoot sa banga, eh!“Layas na Ajing! Tsupe! Tse!” Nagsitakbuhan ang mga ito ng pabirong nagpulot ako ng bato. “Gago!”“Bye, Ajing, ingat!”“Bye!Ingat sila sa inyo!” Natatawang sinundan ko sila ng tingin bago ako tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad pauwi sa bahay namin. Magdidilim na, nanguha pa kasi kami ng duhat kaya natagalan ng uwi. Habang naglalakad ay muntikan na ‘kong mapatili ng biglang may humila sa akin sabay sandal sa akin sa puno ng malunggay. Sa lakas ng pagkakasandal niya sa akin muntikan ng
Aning’s POV“Seling! Myrang! Ang tagal niyo! Male-late na ako sa klase!” “Heto na nga!” Tugon ni Myrang.“Saglit lang ate, naglalagay pa ng ipit, eh!” Tugon naman ni Seling.“Pakibilisan at kay layo pa ng lalakarin natin!” Saad ko sa dalawa. Tinignan ko ang pambisig na relo ko, may labing siyam na minuto na lamang kami para ‘di ma late. Ilang saglit nga lang ay nagsitakbuhan na ang dalawa palabas ng bahay. “Bye po, Lola!” Saad ng mga ito at isa-isang humalik sa pisngi ni Lola. “Bye, La,” huli akong humalik.“Pagpalain kayo ng Diyos. Mag-ingat kayo sa paglalakad,” bilin nito sa amin. “Aning, yung mga kapatid mo, tingnan mo at maraming sasakyan sa daraanan niyo!” Pahabol pa nito.“O po, Lola! Ako po bahala, isang sipa ko lang mga ito, lipad agad ‘to ba,” biro kong tugon ni Lola habang nagpatuloy sa paglalakad palayo sa kanya.Kasama ang dalawa kong kapatid ay sinimulan na naming binagtas ang daan papuntang eskwelahan. Sana ay hindi kami ma late kulang-kulang sampong minuto ang lalak