Siting’s POV
Nagpapakain ako kina Piolo, Dingdong, Joshua at Coco ng bahagyang mapatili ako dahil biglang may humawak sa bewang ko sabay kiliti sa akin. Paglingon ko’y napangiti ako ng makita ang napakagwapong mukha ng iniirog ko. Kay bilis niyang pinulupot ang mga braso sa aking baywang. Hinayaan ko siya dahil wala pa naman ang inay. Nagpaalam iyon sa akin kaninang umaga bago umalis para maglako ng paninda na dadaan muna daw siya kina Aling Zorayda upang makiramay. Namatay na naman ang pang-anim nitong asawa. Kakasal lang naman sana nila noong nakaraang linggo.
Tila nakuryente ang t*nggil ko ng paglingon ko’y ninakawan niya ako ng halik sa labi. Buong akala ko’y saglit lamang ang halik niyang iyon ngunit ng lumapat ang malambot na labi niya sa parang Angelina Jolie na labi ko ay hindi na niya ito inangat pa at binigyan ako ng mala Brad Pitt na halik. Syempre mag-iinarte pa ba ako? Tinugon ko ang halik niya. Med
Siting’s POVHindi ko siya sinita dahil hindi ko kaya. Hindi pa ako handang marinig mula sa kanya ang totoo, na hindi talaga niya ako mahal o minahal, na ginamit lamang niya ako, nagbabakasakaling makuha niya ang pagkabab*bae ko.Ang sakit ng dibdib ko ngunit eskwela is life. Kahit na gustong-gusto ko ng umuwi at humagulhol. Iiyak lahat ng bigat sa puso ko. Nabigo na nga ako sa pag-ibig, mabibigo pa akong makamit ang pangarap ko. Ang hirap magkunwaring okay lang, ang hirap magkunwaring kaya ko, ang hirap magkunwaring hindi ako nasasaktan ngunit kailangan ko munang magkunwari upang wag akong magmukha tanga lalo. Ramdam ko ang pag-alala at awa ng mga kaibigan ko sa akin ngunit ‘di ko iyon pinapansin.Hanggang sa maguwian na. Nauna ako sa kanilang maglakad. Nais ko ng marating agad ang bahay dahil hindi ko alam kong makakaya ko pang pigilan ang mga luha sa mga mata ko ngunit napahinto ako sa isang ti
Siting’s POVNabenta na namin lahat ang alagang baboy para may panggastos kami sa gamot at pang-araw-araw namin ni Nanay. Ang paglalako lang kasi niya ng gulay ang bumubuhay sa aming dalawa at isa pa hindi na rin afford ni Nanay na bumili ng pagkain ng baboy kaya binenta na namin sina Piolo, Dingdong, Joshua at Coco.Iniwan ko saglit si Nanay at binilin ko na lamang sa isa sa mga kapitbahay namin. Ewan ko kung ano okasyon at gusto niyang magluto ako ng biko. Pinagbigyan ko ang kahilingan niya baka kako gusto niya lang kumain ngayon ng biko.Pumunta ako ng bayan. Namili ako ng sangkap para sa gagawin kong biko. Hindi ako marunong magluto pero sabi niya gagabayan daw niya ako. Ako ang gagawa habang siya naman ang magbibigay ng instruction. Of course ayaw ko namang paglutuin pa Nanay ko dahil may sakit pa nga ito.“Hoy! Alam mo ba ang balita? Ikakasal na raw ang anak ni Edna na si Siobe, diba ang bata pa nun?” Narinig kong
Doring’s POVHindi pa ako tapos sa pagsulat sa mga notes ni Ma’am Masikip na nakasulat sa pisara ngunit narinig na namin ang bell hudyat na natapos na ang isang oras ni Ma’am Masikip.“Who has not yet finished writing?” tinaas ko ang kaliwang kamay habang patuloy pa rin sa pagsusulat. Iilan na lamang kaming hindi pa tapos sa pagsusulat. Sa aming magkakaibigan ay ako na nga lang ang hindi pa tapos. Mabagal talaga akong sumulat.“Ms. Dacobisong, please collect all the notes of those who haven’t finished writing yet when they're done and bring it to the faculty room, okay?” utos ni Ma’am Masikip sa akin.“Yes, Ma’am!” Masigla kong tugon. Excited ako dahil makikita ko na naman ang tinitibok ng puso ko, ang aking Sir Nalusuan. Lihim akong napangiti. “Aray!” Angil ko ng sabay-sabay akong binatukan ng mga walang hiya kong mga kaibigan.“Ngiti-ngiti mo d
Meling’s POVPapauwi na kaming magkakaibigan ng mapatigil ako sa paglalakad dahil hinarangan ni Daomingsi ang daraanan ko.“Hi Meling, pwede ba kitang i-invite mamaya sa bahay?” Nag-angat ako ng tingin sa kanya at napatitig sa mga mata niya. Umaasa ang mga iyon sa pagtango ko ngunit alam na naman siguro niya kung anong sagot ko sa tanong niyang iyon.“Ha?” Kunwari ay hindi ko narinig ang tanong niya.“Okay lang ba na i-invite kita sa bahay? Okay lang rin kung isama mo ang mga kaibigan mo. Iilan lang rin ang ininvite ko, may konting salo-salo sa bahay,” tila nahihiyang napakamot ito sa kanyang ulo.“Ha? Kuwan kasi,” lumagpas ang tingin ko sa mga kaibigan kong napahinto rin habang hinihinitay ako. Hindi nila narinig ang pag-aya ni Daomingsi dahil may pinag-uusapan ang mga ito buti nalang rin at busy ang mga ito dahil tiyak sila
Ajing’s POV“Babye mga tukmol!” Paalam ko sa mga kaibigan ko ng marating ko na ang eskinita patungo sa bahay namin.“Babye, ingat ka, tanga ka pa naman,” natawa ako sa sinabi ni Siting.“Nagsalita ang hindi!” Tugon ko sa sinabi niya.“E di, dalawa na tayo!”“Ikaw lang, hoy!”“Nagtalo pa ang dalawa, pareho namang nagpapakatanga sa pag-ibig,” sumingit pa si Doring.“Ay wow! Nagsalita ang wala pa nga sila iniyakan na! Ano yun? Praktis?” Malakas na saad ko. Tumawa si Doring. Shoot na shoot sa banga, eh!“Layas na Ajing! Tsupe! Tse!” Nagsitakbuhan ang mga ito ng pabirong nagpulot ako ng bato. “Gago!”“Bye, Ajing, ingat!”“Bye!Ingat sila sa inyo!” Natatawang sinundan ko sila ng tingin bago ako tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad pauwi sa bahay namin. Magdidilim na, nanguha pa kasi kami ng duhat kaya natagalan ng uwi. Habang naglalakad ay muntikan na ‘kong mapatili ng biglang may humila sa akin sabay sandal sa akin sa puno ng malunggay. Sa lakas ng pagkakasandal niya sa akin muntikan ng
Aning’s POV“Seling! Myrang! Ang tagal niyo! Male-late na ako sa klase!” “Heto na nga!” Tugon ni Myrang.“Saglit lang ate, naglalagay pa ng ipit, eh!” Tugon naman ni Seling.“Pakibilisan at kay layo pa ng lalakarin natin!” Saad ko sa dalawa. Tinignan ko ang pambisig na relo ko, may labing siyam na minuto na lamang kami para ‘di ma late. Ilang saglit nga lang ay nagsitakbuhan na ang dalawa palabas ng bahay. “Bye po, Lola!” Saad ng mga ito at isa-isang humalik sa pisngi ni Lola. “Bye, La,” huli akong humalik.“Pagpalain kayo ng Diyos. Mag-ingat kayo sa paglalakad,” bilin nito sa amin. “Aning, yung mga kapatid mo, tingnan mo at maraming sasakyan sa daraanan niyo!” Pahabol pa nito.“O po, Lola! Ako po bahala, isang sipa ko lang mga ito, lipad agad ‘to ba,” biro kong tugon ni Lola habang nagpatuloy sa paglalakad palayo sa kanya.Kasama ang dalawa kong kapatid ay sinimulan na naming binagtas ang daan papuntang eskwelahan. Sana ay hindi kami ma late kulang-kulang sampong minuto ang lalak
Siting’s POVHindi ako makagalaw. Tila na-istatwa ako bigla. Napatingin ako sa kanya ngunit nakapikit na ang dalawang mga mata nito habang ginagalaw niya ang labi sa labi ko. Yung kalabog ng puso ko, ang hirap pigilan, ang lakas, tila gustong lumipat sa ibang puso. Diniin pa nito ang mga labi sa labi ko. Naramdaman ko ang pagdila niya sa pangibabang labi ko sabay sipsip nito hanggang sa unti-unti na akong natangay. Sino ba ang hindi? Ang sarap niyang humalik, ang bango pa ng hininga niya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko lamang siyang angkinin ang labi ko. Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sariling napapikit at tinutugon ang halik niya. Dahan-dahan na umikot ang mga kamay ko sa likod ng leeg niya. Naramdaman ko naman ang unti-unting pagiging mapusok ng mga halik niya sa akin ng maradaman niya ang pagtugon ko sa labi niya. Napasinghap ako ng bigla na lamang niya akong inangat ng walang kahirap-hirap kusa namang lumingkis ang mga binti ko sa likod
Chapter 17Siting’s POV“Po?” Gulat kong tanong sa kanya. Napangiti naman ito agad na nagpalitaw sa mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. “You’re so cute,” saad niyang nakatitig sa mga mata ko.“P-po?” Muli ay gulat kong tanong. Naramdaman ko na naman ang pag-akyat ng init sa magkabila kong pisngi.“I mean, be my personal assistant. As you can see wala akong kasama sa bahay and I need someone to wake me up, to fix my bed, to prepare my clothes, and most especially to cook meals for me,” saad nito. Personal assistant ba hanap niya o asawa, char!“In short, katulong po?” Imbes ay saad ko. Natawa muli ito sa sinabi ko.“I prefer, personal assistant. But don’t worry, I’m not really a messy person. I just need someone na makakasama ko sa loob ng bahay ko,” patuloy pa nito. Asawa nga hanap mo, Doc, bulong ko sa aking isipan. Asa pa more, Sittienor! Nahalikan ka lang, asawa na agad.“So ibig po bang sabihin ay titira po ako sa bahay niyo po?” Muli ay tanong ko. So ibig sabihin ko ng