Share

Chapter 4

Ajing’ s Point of View 

“Ajing crush mo o, si Jun Pyo,” mahinang saad sa akin ni Meling.  Nag-angat ako ng tingin sa labas ng bintana. Biglang sumipa ang puso ko ng malakas. Napakagat labi ako upang pigilan ang sarili kong ngumiti ngunit hindi ko na napigilan ng magkasalubong ang mga mata naming dalawa. Hindi ako nagbitaw ng tingin hanggang hindi siya nagbitaw hanggang sa lumagpas siya sa room namin. Tahimik na tumili ako. Natawa ako at napahawak sa aking ulo ng isa-isa nila akong sinabunutan. 

“Landi!” 

“Sana all, naT*T*gan,” sinadyang i-emphasize ni Siting ang salitang t*t*.

“Gago!” 

“Ang gwapo s***a!” kinikilig na saad ko. “Mukhang tumatalab na ang gayuma ni Te Glorya, shit!”

“Bumili kang gayuma?” tanong ni Aning.

“Hindi ko afford ang pagayuma ni Te Glorya pero nanalo ako sa paroleta niya ng listahan ng ingredients ng gayuma kasama na ang three thousand word count na ritwal,” saad ko. 

“Ano? Ang haba naman nun? Daig pa ang isang chapter ni Ms. Drey,” reklamo ni Meling. 

“Ganun talaga para mas epektib ang gayuma, dapat raw may halong iyak, tawa, action, suspense at hindi lang kilig,” patuloy ko.

“Bakit may paroleta?”

“Para sa first 50 customers, fully paid noong birthday niya,” sagot ko.

“Sino ba pinakulam mo?”

“Si Nanay, may pinakulam na Marites. Hindi naman siya interesado sa gayuma kaya binigay niya sa akin,”

“Ako pahingi baka tumalab kay Sir Nalusuan,” saad ni Doring. Binuksan ko ang bag at nilabas ang papel na may sulat kamay ni Te Glorya. Sinimulan iyong basahin ni Doring.

“Sangkap, kamatis, bawang, luya, sibuyas, sili espada, isang kutsarang suka, kalahating kutsarang asin at magic sarap, ano to? Gayuma o paksiw?”

“Main ingredients, isang baso ng tanduay 69 with cheaser na 7 up,” napahinto si Doring. “Lalasingin pa yung gagayumahin.

“Ganun talaga yun, kapag nalasing, makakatulog paggising kinabukasan ikaw na mahal niyan,” saad ko.

“May point of view si Ajing! Ang galing!” kumento ni Aning.

“Yun naba lahat? Madali lang naman pala!” saad ni Siting.

“Hindi! Meron pa! Tatlong pirasong 3 inches na bolbol,” napatigil si Doring. “Seryoso bato? May bolbol bang umabot ng three inches,” tanong nito. Hindi ako kumibo dahil nagawa ko na ang gayuma at ngayon nga’y gumagawa pa ako ulit kaso kulang ako ng isang ingredients.

“Ano kasunod Doring?” tanong ni Siting.

“Tatlong patak ng pawis mula sa piniga na panteng suot sa loob ng isang linggo,,” muling napahinto si Doring. “Tangina, di ba yun mangangamoy? Isang linggong walang hubaran?”

“Bilisan mo Doring baka dumating na s Ma’am An-an!” sita sa kanya ni Meling. Si Ma’am An-An ang kasunod namin na guro.

“Isang kutsarang libag mula sa singit,” napakamot sa ulo si Doring. Hindi ko alam bakit nahihirapan sila eh ang dali lang naman ng mga nakasulat.

“Good afternoon class!” kay bilis naming nakatayo lahat ng pumasok ang teacher namin sa Philosopy. Agad naman na bumalik sina Siting at Aning sa kani-kanilang mga pwesto.

“Good afternoon, Ma’am Kagiron!” sabay-sabay naming bati sa aming guro.

“You may take now, take your seat,” saad nito at sabay-sabay rin kaming umupo ngunit tila bulate akong binudburan ng asin ng maupoan ko ang daliri ni Doring na sinadya niyang ilagay sa aking ibabaw ng aking upuan. 

“Tangina ang lalim nun,” saad ni Doring. Tawang-tawa ang mga yawa.  Hinablot ko ang buhok niya.

“Aray, Ajing!” tawang-tawa pa rin ito habang tinatanggal ang kamay kong nakasabunot sa kanyang buhok. 

“What’s the commotion, girls at the back?” kay bilis naming naitakip ang mga palad sa bibig upang pigilan ang sariling matawa pero ang hayop na si Doring napangiwi ang mukha ng pabirong inamoy nito ang kamay.

“Tangina ang baho Ajing, anong feminine wash mo?”

“Downy isang banlaw,” pabiro kong sagot.”

“Mabango naman yun basta araw-araw.”

“Noong isang taon ko pa yun ginamit, isang banlaw lang diba? Ay araw-araw pala yun? ” Tawang-tawa muli silang lahat. Kahit anong kalokohan lang talaga ang maisip eh. 

“Yawa ka Ajing! Kaya pala amoy septic tank na,” mahinang saad ni Doring. Namumula na kaming lahat kakatawa.

“Girls at the back! Keep quiet if you don’t want to be thrown outside!” muli ay natahimik kaming lahat.

“Tawa pa more!” sabay-sabay kaming napalingon kay Manchuchupa. Tinaasan niya kami ng kilay sabay high-five sa mga alipores niyang sina Siobe at Maribel.

“Attendance! Say present if your name is called, Mary Analie Bang!” 

“Present ma’am!”

“Rochelle Malou Ang!”

“Present ma’am!”

“Analita-” 

“Present ma’am! Present ma’am!” hindi pa man natawag ang pangalan ni Aning ay kay bilis nitong sumagot ng present. Lagi siyang ganito na para bang kinakahiya niya ang kanyang apeliyido.

“Nagmamadali ka Analita? Ba’t ayaw mo ko laging patapusin?”

“Okay na yun ma’am! The most importantly is I was? Were? Would? Am? As longer am fresent ma’am. I good,” saad ni Aning.

“Ewan ko sayo, Analita. Maria Sittienor Crisostomo!”

“Present Ma’am!”

“Dorina Crisanta Dacobisong!”

“Present Ma’am!”

“Siobelicious Gina Jaculo!”

“Present ma’am!”

“Maribelle Lat!”

“Present Ma’am!”

“Nanimo Dina Lego!”

“Present ma’am!”

“Geminina Curacha Manchuchupa!”

“The prettiest among the rest is present, ma’am!”

“The best in blush on, ma’am!” natatawang siniko ko si Siting.  

“Siting,” warning sa kanya ni Meling.

“Papansin talaga, eh, how I wish saturday na agad. Kating-kati na yung kamay ko ipakulam, eh.” saad ni Doring. “May bente na ako, kinupitan ko alkansiya ko,” patuloy nito. Tag bebente kaming lima para makupleto namin ang 100 na pambayad sa kulam kay Te Glorya.

“Jinkeelyn ElLa Mae Mangingiyot!”

“Present  ma’am!” Malakas na saad ko sabay taas ng aking kanang kamay. 

“Soledad May Regla!”

“Present Ma’am!”

“Lulu Angelie Takirub!”

“Present Ma’am!”

“Melanita Virginia Tagalolo!”

“Present Ma’am!”

“Marife Lucky T. Tino!”

“Yes ma’am! Este Present ma’am!”

“Get one half lengthwise for our long quiz!”

“One half ma’am?!”

“Lengthwise ma’am?!”

“One whole ma’m?” sunod-sunod na tanong ng mga kaklase ko buti na lamang ay wala sa aming lima ang bungol.

“Crosswise ma’am?!” napalingon ako kay Meling. Sa lahat siya ang hindi ko inaasahan. Muntikan ko na makalimutan, bongol pala to.

“Ajing, pahingi papel!”

“Ikaw Doring, ginagawa mo na kong pabrika ng papel,” binigyan ko siya ng papel. “O, hatiin mo,” saad ko sa kanya. Agad niya itong kinuha, tinupi at nilawayan ang gitna bago niya hinati. Binigay niya sa akin ang kalahati.

“Pahiram ng ballpen,” saad muli nito. Napalingon ako sa kanya, nginisihan niya lamang ako. Binuksan ko ang bag at kumuha at kinuha ang kangaroo ballpen ko at binigay  ko sa kanya.

“Wala ka My Gel?” at nagdemand pa nga. Sinamaan ko siya ng tingin. “Ay okay na to, ang ganda ng ballpen na to, gaganahan ako sasagot nito.” saad niya.

Sa awa ng Diyos ay pasado naman kaming lahat pero si Meling perfect. Last week pa naman ng announce si Ma’am na may long quiz ngayon kaya nakapag-aral kaming lahat. 

“Ajing, gusto mo manalo ng sampong piso?” kay bilis kong napalingon kay Doring. Napanting ang tenga sa narinig kapag usapang pera kay daling makuha ng atensyon ko. 

“Bakit?” 

“May ipapahuli ako sayo, kapag nahuli mo, bigyan kita sampong piso,” napatitig ako sa kanya. Baka kasi pinagtri-tripan ako nito. 

“Maniwala, pambili nga papel, lagi kang wala,” saad ko sa kanya.

“NakaLL ako ngayon dahil ting ani ng tubo,” mayabang na saad nito. Yung LL ibig sabihin nakakaluwag-luwag. Naniwala ako dahil tutuong ting ani ng tubo ngayong buwan. 

“Ano ba huhulihin ko?” nilahad niya sa harapan ko ang nakatihaya niyang palad, sa gitna nito ay may napakaliit na parang bato. Bahagya niyang ginalaw-galaw ang palad, gumalaw rin ang bato sa ibabaw nito.

“Kapag nahuli mo itong bato sa gitna ng palad ko na walang reaksyon, sayo na itong sampo,” nalipat ang tingin ko sa sampong peso na nilagay niya sa ibabaw ng kanyang desk.

“Wag Ajing, masisira buhay mo,” natatawang saad ni Meling.

“Bakit ano yan?” lumapit si Aning at Siting. Napatingin ako kay Doring ng pinandilatan niya ito ng mata. 

“Ayoko, pinagti-tripan mo na naman ako,” saad ko kay Doring.

“Ikaw bahala, sampung peso pa naman taya ko. Napakasimple lang ng gagawin mo, hulihin lang tong maitim sa palad ko,” pangungumbinsi nito.

“Sige go,” wala man akong narinig na tawa pero pakiramdam ko natatawa na ang mga ito wala pa man. 

“Sure ka na ba?”

“Huhulihin lang naman diba? Tas akin na yang sampong piso,”

“Oo nga,” may duda talaga ako sa kanya. Seryoso ang mukha nito ngunit ang mata, tumatawa pero ganun pa mana ay nagtiwala pa rin ako. Tinignan ko yung bato sa palad niya, niyugyug niya ang palad, bahagyang gumala rin ang bato. Tinitigan ko ito, naghintay ng tamang tiyempo na hulihin ito.

“Huli ka!” malakas na saad ko sabay pindot ng hintuturo ko sa maliit na bato. Tawang-tawa ang apat, napakunot naman ang noo ko ng dumikit sa hintuturo ko yung akala ko’y bato. Na-flat kasi ito ng hulihin ng hintuturo ko. 

“Ano to?” inosente kong tanong at nilapit pa sa mata ko ang hintuturo. Hindi makasagot ang apat dahil naiiyak na kakatawa. “Seryoso ano to?”

“Sabi ko sayo masisira buhay mo, kulangot niya yan!”

“Ay puta!” napamura talaga ako. Umiwas si Doring ng ipahid ko sa kanya ang hintuturo. “Tangina, kadiri ka Doring! Bwesit ka!” tumakbo din yung tatlo ng abutin ko sila. “Mga hayop kayo,” ‘di ko na rin mapigilan na matawa. Bwesit, naisahan ako roon. 

Tumayo ako upang pumuntang banyo para maghugas ng kamay pero para lang masaktan ng mahagip ng mga mata ko sa ilalim ng hagdanan si Jun pyo at si May Flor Jande na naghahalikan. Kay bilis kong nagbawi ng tingin ng mag-angat ng mga mata sa akin si Jun Pyo. Hindi ko alam kung nagmamalikmata lang ba ako ngunit nakita ko ang takot sa kanyang mga mata ng makita ako. Siguro dahil baka akala niya magsusumbong ako. Kay laki ng mga hakbang ko papasok ng girls CR. Naiiyak ako, s***a! Naghugas ako ng kamay muna. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Maraming nagsabi na maganda ako pero bakit hindi man niya ako mapansin? Ni gayuma ko ay hindi man lang tumalab sa kanya. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Oo crush ko lang siya pero tangina ang sakit pa rin!

Umiihi muna ako bago ako lumabas ng girl’s CR ngunit laking gulat ko ng paglabas ko’y nasa harapan siya ng pintuan, nakatayo, tila may hinihintay. Yumuko at dumaan sa gilid niya ngunit napahinto ako ng magsalita ito.

“Pwede bang makipagkilala?”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
El Ca Rim
Hype na gayuma iyan HAHHA
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status