Share

Chapter 3

Melanieta Virginia Tagalolo’s POV 

"Can anyone define Social Science?" 

Nagtaas ako ng kamay. 

“Yes, Ms. Tagalolo!” Tumayo ako ng tawagin ni Ma’am Masikip ang pangalan ko.

“Social Science is one of the branches of science, devoted to the study of societies and the relationships among individuals within those societies. The term was formerly used to refer to the field of sociology, the original "science of society", established in the 19th century. In addition to sociology, it now encompasses a wide array of academic disciplines, including anthropology, archaeology, economics, human geography, linguistics, management science, communication science, and political science.”

“Naol!” sabay-sabay na saad ng mga kaibigan ko. 

“Very good, Ms. Tagalolo! You may now sit down,” ngumiti ako kay Ma’am Masikip.

“Thank you, ma’am!”

“Paambag ng utak, yawa!” bulong ni Ajing.

“Next, what are the five major branches of social science?” 

Kay bilis kong nagtaas ng kamay muli. Napatingin sa gawi ko si Ma'am Masikip ngunit hindi niya ako tinawag imbes ay ginala niya muli ang paningin sa ibang kaklase ko nagbabakasakaling makahanap siya ng ibang nagtaas ng kamay maliban sa akin.

“Tapos ka na Ms. Tagalolo, let’s give chance to others. Yes, Ms. Geminina Kuracha Manchuchupa!” Siya ang mahigpit na karibal ko sa pagiging valedictorian. Elementary pa lang kami ay kumukulo na ang dugo niya sa akin dahil lagi ko siyang natatalo sa lahat ng bagay at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya humihinto sa pakikipagkumpetensya sa akin.

“The five major branches of social science are anthropology, economics, political science, psychology, and sociology. Some people also consider history, law, and geography to be core social sciences.” buong kumpyansang sagot nito.

“Impressive Ms. Manchuchupa!” saad ni Ma’am sa kanya. Sabay na napalingon kaming lima sa kanya. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay, napakunot lamang ang noo ko. Maarteng nagflip ito ng hair bago umupo at nakipag-apir sa mga kampon niya.

“Hala, anong pinaglalaban ng pink na blush on niya?” bulong ni Siting. Nagtawanan kami.

“Maganda nga, matalino, sama naman ng ugali.”

“Now, choose at least one of the branches and give its definition,” nagtaas muli ako ng kamay. Napalingon ako kay Geminina, nagtaas rin ito ng kamay, napatingin rin siya sa aking gawi at muling tinaasan ako ng kilay. Una akong nagbawi ng tingin sa kanya at napapailing.

Sinundan ko ng tingin ang mga mata ni Ma’am masikip at katulad niya'y ginala ko rin ang paningin sa mga kaklase ko ngunit maliban sa amin ni Geminina ay wala ng ibang nagtaas pa ng kamay.Pawang nakayuko silang lahat, takot na makasalubong ang nanlilisik na mga mata ni Ma’am Masikip.

“Who else? It seems like  Ms. Tagalolo and Ms. Manchuchupa are my only student in this section,” muli ay ginala niya ang paningin sa mga kaklase ko. Lumapit ito sa kanyang lamesa. Tinungkod ni Ma’am Masikip ang dalawang palad sa ibabaw ng kanyang table. Bumaba ang tingin niya sa kanyang lamesa. “Ms. Tagalolo and Ms. Manchuchupa put your hands down,” nagbaba ako ng kamay. “Since none of you would like to volunteer to answer my question aside from Ms. Tagalolo and Ms. Manchuchupa, I will be calling somebody to answer it from my seat plan,”

“Yawa na dis!” bulong ni Siting.

Nalipat ang tingin ko sa mga kaibigan ko. Pawang nakayuko silang apat, takot na matawag ni Ma'am Masikip. Bakas ang kaba sa kani-kanilang mga mukha. Magkakatabi ang upuan naming lima, magkakahelera, nasa pinakagitna nila ako. Si Siting kunwari may sinusulat ngunit naubos na niya ang isang pahina ng kanyang notebook sa pagpa-praktis ng kanyang signature gamit ang apelyido ng kasintahang si Alex, hindi masyadong halatang inlab. Si Ajing pinapapak ang kuko sa daliri. Si Doring nama’y abala sa pangungulangot sabay pahid ng kulangot sa ilalim ng kanyang desk, nag-evolve na nga yan dahil noong elementary ay tinitipon niya ang nakuhang kulangot sa isa niyang kamay sabay binibilog at pinapadakip sa amin. Habang si Aning may hawak na rosaryo, nagdadasal. Napakunot ang noo ko, kailan pa to natotong magdasal?

"Iligtas mo lang pangalan ko ngayon Lord, pangako 'di na ako sasama sa kanila magnakaw ng mangga, yung duhat na lang po dahil maliit para maliit lang kasalanan ko at isa pa po tagasalo lang naman talaga ako, si Meling at si Siting talaga yung tiga akyat,” kay bilis na napalingon ni Siting kay Aning.

“Loko-loko to, nandamay pa,” bulong ni Siting.

“Patawarin mo ko sa aking mga kasalanan,” patuloy ni Aning.

“Asa ka pa,” saad ni Siting.

“Nawa'y dinggin niyo po ang simpleng panalangin ko po-"

"Analita!" sabay na napatakip kaming apat ng bibig at sabay na napatingin kay Aning, pinipigilan ang mga sariling matawa. Napangiwi ang mukha nito at napariin ang pagpikit. Tila iiyak na ito ng marinig ang pangalan niya.

"S***a na dis! S***a na talaga dis! Sana’y namali lang talaga ako ng dinig,” bulong-bulong nito habang kami’y namumula na sa kakapigil sa kakatawa.

“Analita!”

“Yaw - ay sorry sorry Lord pero ba't naman ganun, pwede naman si Siting, si Doring, si Ajing," nanlaki ang mga mata ng tatlo. “May isa na ngang nagboluntaryo, ayaw pa din,”patuloy ng litanya nito. 

"Analita!"

"Inulit pa, nagmamadali ka ma'am? Uwi na tayo," bulong nito. Tinago namin ang mga mukha ng muntikan ulit na matawa sa reaksyon ni Aning. 

"May sinasabi ka Analita?" 

"Wala ma'am, iniscan lang po ng utak ko ang inaral ko kagabi," palusot nito.

“Naol may utak,” bulong ni Siting

“Naol  nakakapag-aral,” saad naman ni Doring.

“Naol masipag,” saad naman ni Siting.

"O tapos, anong nakita mo?” tanong ni Ma’am Masikip sinakyan ang trip ni Aning.

"Ang pagkakaalam ko ma'am nasa page 69 yan ma'am eh, nag-iskip ng pahina yung utak ko ma'am, dumiretso ng 70, pwede pong pass ma’am? He,”sabay ngisi.

“Ano to? Pinoy henyo? Sige nga hulaan mo ano grado mo sa akin?”

“Nakapalakol ma’am?”

“Ay, hindi!” 

“May kulay ba to ma’am?”

“Oo!”

“Pula bo pa ma’am?”

“Oo! Oo!” nagtawanan ang mga estudyante.

“Mabibinat po ba to kung sakaling magdadala ako ng tae ng kabayo ma’am pang pataba ng lupa?”

“Hindi, my dear.”

“Kung magdidilig ako ma’am?”

“HINDI pa rin, my dear.”

“Padiligan ko kaya ikaw sa Tito ko ma’am,” bulong nito, mahina kaming natawa.

“Anong tinatawa ninyo dyan?” agad namang natahimik kaming apat. “Ano na Analita?”

“Ah, ma’am can you refeat the question again?”

“Choose at least one of the branches of Social Science and give the definition,” tanong ulit ni Ma’am sa kanya.

“Ha? Ah, eh-”

“Nakaglue ba yang pwet mo sa upuan. Tumayo ka," dahan-dahan namang tumayo si Aning. Kinukurot ang mga daliri sa kamay. “Now answer my question,” utos ni ma’am kay Aning.

“Ito naman kasi si Social Science, lalandi-landi ngayog nagka-anak idadamay kami,” shutang Aning to, pahamak, ang hirap pa namang magpigil ng tawa.

Pinagkrus ni Ma’am Masikip ang mga braso sa harapan ng dibdib.

“Pakilakasan ang boses Analita, hindi ko marinig,”

“Kuan ma’am, I need translator po ma’am,” nagtawanan ang buong klase. Hindi na rin naming mapigilan na matawa.

“Quiet!” kay bilis naming tinakpan ang mga bibig. “Ako ba’y pinagloloko mo?” napakamot sa leeg si Aning.

“‘Di ba ma’am nag-iskip nga sa page 70 yung inaral ko,”

"Ah, ganun ba? Sige, anong laman ng page 70," napakamot sa ulo si Aning.  Kay bilis kong kumuha ng notebook at sa pinakalikod nito ay sinulat ko ang sagot. Nilakihan ko ang pagsulat upang makita ni Aning. 

“Ano Ms. Analita, magtitigan na lamang ba tayong dalawa?” kinalabit ko si Aning. Bumaba ang tingin nito. Nakita ko ang pagningning ng mga mata niya ng makita ang sulat ko.

“Ay ma’am umayos na yung scanner ko, PSYCHOLOGY po ma’am!”

“O, anong gawin natin sa psychology?”

“Psychology is the scientific study of the human mind and its functions, especially those affecting behavior-”

“Ma’am cheating!” nahinto sa pagbabasa si Aning ng biglang hinablot ni Geminina ang notebook na hawak ko. “Ms. Tagalolo wrote it for her,” napapikit ako. Narinig ko rin ang mahihinang mura ng mga kaibigan ko. Insaktong nagring ang bell. 

“Class dismissed! Ms. Tagalolo, you stay, may pag-uusapan tayo,” napaiwas ako ng itapon ni Geminina ang notebook ko sa akin. Kay bilis kong pinigilan si Siting ng balak niyang sugurin ito. 

“Pakahero pa more! Goodluck na lang sayo, saakin pa rin ang huling halaklak, bwahahahaha!” saad nito sabay flip ng hair.

“Yung kuto mo oi, lumilipad!” galit na saad ni Aning. Tiningnan niya si Aning mula balakubak hanggang an-an.

“Alam mo bang sila ang sekreto ko kaya matalino ako? Binubulong nila sa akin ang answer, gusto mo humingi ng magkalaman naman ulo mo,” kay bilis rin na pinigilan ni Doring si Aning ng makitang napakuyom ang kamao nito.

“You! You…” hindi matutuloy-tuloy ni Aning ang sasabihin.

“You what?” tinaasan siya ni Geminina ng kilay.

“Youwa ka!” 

“Ano yan!” sita ni Ma’am Masikip sa amin. 

“I’ll go now, I don’t want to waste my precious time with a dumb like you!”

“Bobo ka ba? Ang liit-liit ko para maging drum!”

“My God! Pati kuto ko nai-istress sayo!” pagkasabi’y tumalikod ito sabay flip ng hair. Napapunas ng mukha si Ading ng matamaa siya ng buhok ni Geminina.

“O, kayong apat, ano pang ginagawa niyo rito?”

“Ma’am hindi po iyon si Meling, ako po sumulat nun,” pag-aako ni Doring.

“Hindi po ma’am ako po yun,” saad naman ni Siting.

“Sulat kamay ko po talaga, yun,” saad naman ni Ajing.

“Sa totoo lang ma’am akin po yun,” saad ni Aning.

“Makakaalis na kayong apat, Ms. Tagalolo, mag-usap tayo,” hindi pinansin ni Ma’am Masikip ang mga kaibigan ko. Nag-alalang napatingin sila sa akin, nginitian ko silang lahat, upang iparating na okay lang ako. Hihingi lang naman ako ng patawad alam kong may puso naman si Ma’am Masikip.

“Sige na, umalis na kayo, kaya ko to,” saad ko sa kanila.

“Meling, sorry…”

“Hindi mo yun kasalanan, okay lang ako, promise, sige na,” tumalikod sila ngunit panay pa rin ang lingon a akin, bakas sa mga mata nilang ayaw nila akong iwan.

“Bakit mo yun ginawa Ms. Tagalolo? I’m so disappointed!” dismayadong saad sa akin ni Ma’am. Galit ang tono ng kanyang boses. Napayuko ako. I felt guilty.

“Sorry po ma’am, naawa lang po ako kay Aning,” pagpapakumbaba ko.

“Sa tingin mo, nakakatulong ka sa mga kaibigan mo kapag ginagawa mo iyon sa kanila? Masasanay sila na hindi mag-aral dahil nandyan ka tagasalo nila, Ms. Tagalolo at yun ang kinagagalit ko. Why not encourage them to study with you rather than helping them by cheating.” nag-angat ako ng tingin ka

“I am so sorry ma’am. Bigyan niyo po ako ng second chance, ‘di na po mauulit, ma’am,” tinignan ko siya sa kanyang mga mata upang makita niyang seryoso ako.

“You’re lucky that your my favorite and you to well in my class but next time this happen again, pasensyahan na talaga tayo,” nagningning ang mga mata ko ng marinig ang sinabi ni mom. “I let this pass on one condition. Help Analita to pass my subject, NOT by cheating.”

“Yes ma’am! I will! Makakaasa po kayo! Promise!”

Tumambay kaming lima sa tambayan namin sa school. Sa ilalim ng malaking puno ng Acacia. ‘Dito kami kumakain at nagpapalipas ng oras bago ang susunod na klase.

“Nanggagalaiti talaga ako sa Geminina na yun, eh!” hindi pa rin mawala-wala ang galit ni Aning kay Gemininan. “Sarap sabunutan yung maglilipat bahay mga kuto niya!”

“Sarap rin sampalin yung sa lakas mahihiya ang makapal niyang blash on!” saad ni Siting.

“Ajing may number ka pa ni Te Glorya?” tanong ni Doring sa kanya. Napalingon kami lahat ni Ajing. Si Glorya ang kaibigang mambabarang ni Ajing.

“Oo meron, nagpromo nga noong huling punta ni mama, yung special barang 50 percent off,” sagot ni Ajing.

“Anong kaibahan ng special at regular lang?”

“Yung special may itlog at magic sarap ta’s ang karayom, stainless, sabi nila kapag yung gagamitin mo magtatanda ang kinulam, titigilan kana talaga.”

“Yung regular?”

“Ilang oras lang daw tatalab.”

“Magkano bayad?”

“100 sa special naka 50 percent off na daw yun,”

“Mura lang pala, bakit yung kay Nanimo umabot raw ng 2500, nakapromo pa nga yun,”

“Ah yun, yan yung super special, may warranty kasi yun ng one year, kapag sa loob ng isang taon ‘di na tatalab pwede ipakumpuni yung kulam.”

“Ah! Sige sa special nalang tayo, wala tayong pera eh, magtanda lamang ang Geminina na iyon.”

“Teka, ilang araw expiration ng special?”

“Teka, ilang araw expiration ng special?”

“One month lang pero may seven days replacement naman,” saad ni Ajing.

“Para saan yun?”

“Kapag nawala agad sa loob ng isang linggo ang kulam, pwedeng palitan yung manika ng bago, meaning may sira yung manika. Balita ko kasi sa divesoria lang yung pinamili ni Te Glorya.”

Napagplanuhan namin sa sabado kami pupunta kina Te Glorya para ipakulam si Geminina.

Lumabas ako saglit ng klase upang pumuntang CR. Nang pagliko ko ay napatili ako malakas akong hinila isinandal ng kung sino sa loob ng stock room ng Janitor. Kay bilis nyang tinagkpan ang aking bibig upang pigilan ako sa pagsisigaw.

“Daomingsi?” sambit ko sa pangalan niya ng tinanggal niya ang kamay sa bibig ko.

“Meling please, sagutin mo na ako, please…” halos maiyak-iyak nitong pakiusap sa akin. Sa totoo lang, gustong-gusto ko siya. Sobrang gustong-gusto ko siya. Kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayokong mahahati ang atensyon ko sa kanya at sa pag-aaral ko at isa pa kapag malaman ng mga magulang ko lalo na si Nanay tiyak na magagalit sila sa akin. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Dama ko ang sinseridad ng pagmamahal niya sa akin ngunit may pangarap ako at ang pangarap kong iyon ang prioridad ko. Ayokong biguin ang mga magulang ko at sirain ang napakalaking tiwalang binigay nila sa akin.

“Kung mahal mo ko handa kang maghintay kahit gaano pa katagal pero kung hindi ka na talaga makakapaghintay ay maiintindihan kita, Daomingsi. Hayan mo ang sariling ibaling sa iba ang nararamdaman mo, hayaan mo ang puso mong magmahal ng iba at kung sakaling makahanap ka ng babaeng kayang ibigay ang pagmamahal na hindi ko kayang ibigay sa iyo ay asahan mong ako ang pinakaunang taong magiging masaya para sa iyo. Sa ngayon ay tanging pagkakaibigan lamang talaga ang maiaalay ko sa iyo at hindi na hihigit pa roon pero dumadalangin ako na sa pag-abot ko ng pangarap ko’y nandyan ka pa rin naghihintay sa akin hanggang handa na akong mahalin ka ng buo…” tumulo ang luha sa mga mata nito habang ako’y pinipigilan ko lang ang sariling maluha. Napasinghap ako ng bigla niya kong hinalikan. Madiin, puno ng pagmamahal. Hinayaan ko lamang siya at kusang napapikit ang mga mata ko kasabay ng pagsilaglagan ng mga luha sa mga mat ako. Nang matapos niy akong halikan ay mahigpit niya kong niyakap. Sobrang higpit, ilang minuto kami sa ganung posisyon bago niya ko binitawan. 

“Mahal kita… Sobrang mahal kita… Hindi ako mangangako na ikaw lang habang walang tayo habang inaabot mo ang pangarap mo dahil lalaki ako pero asahan mo, ikaw ang pakakasalan k at kung sa iyo man ako ikakasal, asahan mong ikaw lang, ikaw na lang….Kung sakaling maabot mo ang pangarap mo sana ay maalala mo pa ako. Maghihintay ako sa iyo Meling…”

Malayo pa man ay rinig ko na ang talak ni Nanay. 

“Virgilio naman! Lima ang mga anak mong pinapakain natin tapos siyam na raan lang ibibigay mo sa akin? Paano ko to pagkakasyahin sa isang linggo? Hindi man lang ako makakabayad  nito sa tindahan ni Aling Edna! Alam mo bang hindi na ako pinapautang nun hanggang hindi ako nakakapagbayad!” 

“Eh yan lang ang kita ko, matumal kasi ngayon. Alam mo naman malaki ang na cash advance natin ngayong linggo,” hindi ko maiwasan na makadama ng awa para sa mga magulang ko. Ginagawa naman nila lahat pero kulang pa rin.

“Kung sana kasi hindi agad nag-asawa ang panganay natin. Sana may kahati na tayo sa problema natin ngayon. Si Meling graduating na, kay raming kailangan bayaran sa eskwelahan-”

Pumasok ako sa loob. Natigil si Nanay at napatingin sa akin. Lumapit ako sa kanilang dalawa. Nagmano ako kay Tatay at kay Nanay. 

“Kaawaan ka ng Diyos, anak.”

“Nagugutom ka na ba? Ipaghahanda kita.”

“Akyat lang po muna ako sa kwarto Nay, Tay.” tumalikod ako ngunit muling napahinto ng magsalita si Nanay.

“Meling, ikaw na lang ang inaasahan naming tutulong upang gumanda-ganda ang buhay natin. Sana’y hindi mo tularan ang Ate mo na nag-asawa agad at hindi tinapos ang pagkokolehiyo. Kung sana tinapos niya ang pag-aaral ‘di sana may katuwang na kami ng Tatay mo sa pagpapaaral sa mga kapatid mo. Kaya ikaw wag na wag kang magnonobyo hanggang hindi ka pa nakapagtapos. Kusa silang magkukumahog sa iyo kapag nakapagtapos ka at nakahanap ng magandang trabaho,” saad ni Nanay.

“Opo Nay,” tanging sagot ko lamang.

Ito ang pinakaunang rason ko kung bakit hindi ko matanggap-tanggap ang pag-ibig ni Daomingsi. Noong nag-asawa ang kapatid ko nalipat sa akin ang responsibilidad niya bilang panganay. Pagod na akong mag sunog ng kilay tuwing gabi ngunit kailangan kong mag-aral ng mabuti ng masungkit ang pinakaunang rank para sa full scholarship. Gusto ko lang naman maging ordinayong estudyante rin.  Sobrang nakakapressure. Sobrang nakakapagod pero bawal sumuko at magreklamo dahil may pangarap ako.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
El Ca Rim
Naglipana ang kuto ni Geminina kaya pala matalino siya HAHAHA
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status