Dorina Crisanta Dacobisong’s POV
Nakangiting tumakbo ako sa gitna ng mga magagandang bulaklak. Nakasunod ang mga paru-paru sa akin. Suot ko ay magarang bestida na ang haba’y hanggang tuhod na ni sa panaginip ay ‘di ko maisip na makakapagsuot ako ng ganitong kagandang bestida. Napapalingon ako sa aking likuran. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko ng makitang papalapit na siya, hinahabol ako. Ang lalaking sobrang hinahangaan ko dahil sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan. Ang lalaking akala ko’y hanggang pangarap ko na lamang makakamit at hanggang panaginip na lamang na maging akin.
“Andyan na ko Doring,” kinilig ako ng marinig ang sinabi niya. Tila ako lumulutang sa ulap habang tumatakbo palayo sa kanya. Napahinto ako ng mahapit niya ako sa baywang. Agad kong naramdaman ang matigas niyang dibdib sa aking likod. Tuwang-tuwa akong nahuli niya at tila nag-slow mo ang paligid ko ng i-angat niya ako at iikot. Nagpaikot-ikot kami sa gitna ng mga magagandang bulaklak. Nang mapahinto’y giniya niya ako paharap sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at dinala iyon sa mga balikat ko. Bumaba ang mga braso niya upang hapitin muli ako sa aking baywang. Niyapos niya ako na naging sanhi sa muling pagdikit ng mga katawan naming dalawa.
Napatitig siya sa mga mata ko, sinalubong ko ang titig niya. Mula sa mga mata ko’y bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Dahan-dahan akong napapikit ng unti-unting nilapat niya ang noo sa noo ko. Ang tungki ng ilong niya’y dumiki sa tungki ng aking ilong. Muli ay napapikit ako. Tila’y nagsiliparan ang mga paru-paru sa tiyan ko ng maramdaman sa labi ko ang mainit niyang hininga. HInihintay na lumapat ang labi niya sa labi ko.
“Doring,” narinig ko ang boses ni Aning sabay sundot sa balikat ko ngunit ‘di ko siya pinansin. Ayokong sayangin ang pagkakataon na sa wakas ay mahalikan ng lalaking pinakamamahal ko. “Doring,” muli ay tawag niya sa pangalan ko sabay kalabit sa akin.
“Ano ba, Aningg, wag ka munang umepal. Magtutukaan na, eh, distubo ka,” reklamo ko.
“Doring…” naiinis na ako sa kakulitan ni Aning. Masasabunutan ko na talaga to. “Doring, hoi…” tawag niya muli sabay kalabit sa akin muli.
“Isa na pa, Meling, sasabunutan na kita-”
“Ms. Dacobisong!”
“Ay Bisong! Sir!” malakas na sigaw ko kasabay ang biglang pagmulat ng mga mata ko at umupo ng maayos. Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko maliban lamang sa mga kaibigan ko.
“O,” napasulyap ako sa panyong binigay ni Ajing sa akin.
“Aanhin ko yan?”
“Punasan mo laway mo, kadiri ka,”
“Hala!” agad ko namang pinunasan ang laway ko sa mukha.
“Ms. Dacobisong,” napatitig ako sa kanya. Ang kaninang abot kamay ko na’y ngayo’y tila bituin ulit sa layo. “Kung lagi mo lang rin akong tinutulugan sa klase ko, mabuti pa sigurong wag ka ng pumasok,” napakagat labi ako. Nagbaba ako ng tingin, nahiya ako bigla.
“I’m sorry Sir,” mahinang saad ko. Dama ko ang paninitig niya akin. Saglit na natahimik siya.
“Solve the problem written on the board,” muli ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. Galit ang mga mata niyang nakatitig sa akin. “Ano? Hindi mo kayang sagutin? If you can’t answer this one, don’t expect to pass my subject kahit graduating ka pa,” galit na saad niya. Bigla akong natakot sa sinabi niya. HIndi pwedeng hindi ako makakagraduate ngayong taon. Masasaktan ko sina mama at maantala ang pangarap ko para sa kanila.
“Sir-” natigil ako sa pagsasalita ng hawakan ni Meling ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako.
“Kaya mo yan,” bumaba ang tingin ko sa kamay ko ng mramdamdaman kong may sinuksok siyang papel sa palad ko. Tinignan ko iyon at lihim na napangiti ng makitang solution iyon ng math problem ni Sir. Isa sa talento ko ay madali lamang akong makabisado. Ilang segundo kong tinitigan ang palad bago ko nakuha ang sinulat ni Meling.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kay riin pa rin ng pagkakatitig niya sa akin. Kumuha ako ng isang stick ng chalk sa table niya at lumapit sa board. Isa-isa kong sinulat ang mga nakalagay sa papel. Napapikit ako upang maalala ang mga iyon habang panay ang pag sulat ko sa pisara. Napangiti ako ng matapos ko iyong sagutan.
“Tapos na po, Sir,” muli ay nagkatitigan kaming dalawa. Alam kong napahanga ko siya, bakas iyon sa mga mata niya kahit na magkasulubong ang mga kilay nito pero kahit napakasungit ng itsura nito’y hindi man lang nababawasan ang kanyang kagwapuhan. Nilapag ko ang chalk pabalik sa lamesa niya at taas noong bumalik ako sa kinauupuan ko.
Isa-isang tinapik ng mga kaibigan ko ang palad kong nakatihaya. “Thank you, Meling,” mahinang saad ko.
“Maliit na bagay,” nakangiting saad nito.
“Hindi ko alam kung bakit patay na patay ka kay Sir Nalusuan! Kay ubod ng sungit tila pinaglihi sa sama ng loob!”
“Gwapo naman!”
“Malamang gwapo yun, half porener kasi!” nabuntis ng isang dayong Amerikano ang nanay ni Sir. Isa itong US Navy. Noong matapos ang mission dito sa lugar namin ay hindi na ito kailanman nakabalik.
“Kung kamukha niya nanay niyang si Aling Bebang, ewan ko na lang kung magkakagusto ka pa ron.”
“Hindi nga namana ang mukha, namana naman ang ugali sa ubod ng sungit!”
“Hayaan niyo na. Kahit sinong guro magagalit kapag tinutulugan lamang ng estudyante sa klase,” pinagtanggol ko pa rin siya kahit sinusungitan niya ako, ewan ko, siya pa rin gusto ko.
Habang naglalakad kami pauwi ay sabay kaming napalingon sa kaklase namin noon sa elementarya na si Miching ngunit ang mas nakakuha talaga sa aming atensyon ay ang kasama nitong porener. Magkahawak kamay ang mga ito habang naglalakad patungo sa aming gawi. Hindi lamang kami ang nakatingin sa kanya kung hindi lahat ng tao sa paligid. Ganito sa probinsya, tila artista para sa amin ang makakita ng Amerikano o kaya’y mga mapuputing tao na taga siyudad.
"Diba si Miching yun?" tanong ni Siting.
"Sinong Miching?" sabay na tanong namin ni Ajing.
"Si Miching ba, yung pumapasok sa klase tapos 'di nagpapanty,” sagot ni Aning.
“Oo, yung sumasali sa chinese garter tas kita p**e," anas naman ni Siting
"Ay kilala ko na!” malakas na saad ni Ajing ng maalala. “Si Xymichelle Makabalighoten?"
"Oo siya!" sabay na anas nina Siting at Aning.
"Oo nga! Ang laki ng pinagbago niya," hindi makapaniwalang saad ni Meling.
"Ang ganda na niya!" bulalas ni Ajing.
"Oo, ta's ang puti na niya no?" segunda ko.
"Ang sexy- sexy pa niya. Siguro mamahalin ang suot niyang yan, ang ganda niyang tingnan,"
"Iba kasi raw ang tubig sa siyudad lalo na sa Amerika! May klorin yata ang tubig nila doon kaya nakakaputi, yun ang sabi ni Ate Nalyn ko," saad ni Aning.
"Ang swerte naman niya nakapagasawa siya ng Amerikano," saad ni Meling.
"Balita ko ang laki na ng bahay nila. Pinatayuan niya ng mansiyon ang mga magulang niya,” saad ni Aning.
“Paano mo nalamang?”
“Ako pa ba? Baka nakalimutan niyo Marites ang pangalan ng nanay ko,” pagmamalaki ni Aning.
“Oo nga pala.” sangayon naming lahat.
Kay lapad ng mga ngiti namin habang papalapit si Mining at ang asawa nitog porener sa amin.
“Hi Miching!” bati namin sa kanya ngunit ‘di namin inasahan ang naging reaksyon nito. Napatigil ito sa paglalakad. Tinignan kami mula kuto hanggang ingron.
“Da hu you, guys?” maarteng tanong nito sa amin. Napatulala kami at napaawang ang mga labi namin.
“Klasmeyt mo kami sa elementary,” paalala ni Siting.
“Can you fles spek ingles? I don’t understand tagalog anymore,” muli ay maarte nitong saad.
“Pigilan niyo ko, nanggigigil ako,” bulong ni Meling. Kung painglesan lang, lalayo paba kami sa valedictorian namin.
“No, Meling. Leb it to me,” seryosong saad ni Aning. “You.. you can’t … you couldn’t… you are… you was… were… You… yuwi na kami! Yawa!”
“I’m just kidding, oi! I know everyfive of you! We are classmit in elementary, right or left? Of course right! How is you?”
“We are yakult,” sagot ko. Napatingin silang lahat sa akin. Malamang hindi na gets ang ibig kong sabihin. “Everyday okay,” patuloy ko.
“Aaah,” sabay-sabay nilang saad.
“Ang galing mo dun, ah,” bulong sa akin ni Ajing.
“Ako pa ba?” pagmamalaki ko.
“Everyfive, fles mit my husband, Zander Ford. She is handsome right or left? Of course right! Handsomer than Jack of Titanic, right or left?”
“Of course right!” sabay naming lima.
“You get my point of view! I love na, everyfive of you!”
Hindi namin naiwasan na hagurin ng tingin ang porener ni Miching mula kuto hanggang ingron. Totoong gwapo ito, ang tanggad pa tapos ang laki ng katawan ngunit ng dumako ang mga mata ko sa nakaumbok sa gitna ng shorts nito ay namilog ang mga mata ko sa laki.
“Nakikita niyo ang nakikita ko?” bulong ni Siting.
“Kitang-kita,” bulong ni Ajing.
“Yung maumbok?” bulong ni Meling.
“Ang laki,” bulong naman Aning.
"Mitching buti nakakaya mo?" mapamura ka na lamang talaga sa bibig nitong si Siting.
"Da why?"
"Da big-" 'di na naituloy ni Siting ang tanong ng kay bilis itong takpan ni Meling.
“Bepor I forget guys, you are invited to eat my house por holy watering of my house, okay? The next of tomorrow, okay?” Tila napagting ang mga tenga naming lima ng makarining ng eat, meaning kain yun. Kapag kainan kahit ilang bundok aakyatin at ilang ilog tatawirin, pupuntahan pero ang nakapagexcite sa akin ay ang magiging Sharon Cuneta sa pag-uwi, ang babalutin.
“Kailan yun, Meling?” Sekretong tanong ni Ajing. Buti nalang nagtanong si Ajing dahil kahit ako hindi ko maintindihan ang the next of tomorrow baka magkamali pa kami ng bilang.
“Naguguluhan rin ako,” sagot ni Meling.
“Patay tayo dyan,” komento naming apat.
“Kailan yan Mitching?” hindi napigilang tanong ni Meling kay Mitching.
“Oh my God, Meling, you don’t know? What happen to your braincells? My god! Since today is monday and tomorrow is tuesday and the next of tomorrow is Wednesday, okay?”
“Kung hindi lang talaga kain ang pupuntahan natin, nasapak ko na yan,” gigil na bulong ni Meling.
“By the way hi-way, we hab to go, now. It’s getting black already. We still need to invite the whole surroundings to eat our house. Nice to see, everyfive! Good bye!” Nilagpasan niya kaming lima.
Napasunod kami ng tingin sa kanya habang papalayo kasama ang kanyang porener na ngayo’y asawa na niya. Hindi ko mapigilan makaramdam ng inggit sa narating niya. Malamang lahat ng gusto niya at ng pamilya niya’y naibibigay na niya.
“Ang galing na niyang mag-ingles no?” saad ni Aning.
“Oo, ang galing!” saad ni Meling. “Dumugo braincells ko.”
“Ang layo ng narating niya. Malamang marami na siyang pambiling panty,” natawa kami sa saad ni Ajing.
“Sa lahat ng pwede mong maisip yan pa talaga,” saad ko rito.
“‘Di ba hanggang grade 10 lang siya?”
“Oo,” sagot ni Siting.
“Pero sobrang asensado na siya sa buhay kahit hindi siya nakapagtapos. Bakit pa ba tayo nag-aaral kung pwede namang maging mayaman kahit hindi nakapagtapos?”
“Kasi iba pa rin yung may pinag-aralan tayo. Yung yaman na yan mawawala yan ngunit ang kaalaman natin ay mananatili sa atin habang buhay,” saad ni Meling.
Alas kwatro pa lang gising na ako upang magsaing at nang may pambaon sina Nanay at Tatay sa pagsaka at para asikasuhin ang mga kapatid ko. Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay. Sampong taon pa lang ako ganito na ang nakasanayan ko. Sa ganitong paraan ko lang matutulongan ang mga magulang ko. Kaya rin nagpursigi ako sa pag-aaral upang makapagtapos at mabigyan sila ng magandang buhay. Hindi madali ang buhay. Sa murang edad ko natuto ako sa mga gawaing bahay na hindi angkop sa edad ko. Habang ang iba kong kaedaran ay naglalaro, ako nama’y naglalaba habang nagbabantay ng mga kapatid. Nakakapahinga lamang ako kapag pumapasok sa klase.
Sabi ng mga guro ko, matalino raw ako kaso lagi akong natutulog sa klase kaya minsan ‘di ko nakukuha ang leksyon.
“Heto na po, baon niyo Nay, Tay. Mag-ingat po kayo sa bukid,” inabot ko kay Nanay ang hinanda kong pagkain na binalot ko sa dahon ng saging at nilagay ko sa supot. Napatitig si Nanay sa akin at napangiti. Napangiti rin ako ng itaas nito ang isang palad at marahang hawakan ang aking mukha.
“Salamat anak, ha? Sobrang pasalamat ko sa panginoon at isang responsable at mapagmahal sa magulang ang binigay niya aming panganay.” inabot ni Tatay ang tutok ng ulo ko at marahang ginulo ang buhok ko. “Alam kong nahihirapan ka na. Salamat sa pagtitiis anak, ha at pasensya na ganitong buhay lang ang kayang ibigay namin ng tatay mo,” naluluha ako ngunit pinigilan kong wag tumulo ang mga iyon bagkus ay ngumiti ako ng mas malapad.
‘Naku! Ang drama ni Nanay. Eh,wala naman sa kalingkingan ng mga ginagawa ko ang ginagawa ninyo ni Tatay upang may makain tayo araw-araw at para makapag-aral kaming magkakapatid. Wag niyo kong alalahain, ako pa ba?” pinilit kong pasiglahin ang boses kahit na gustong-gusto ko ng umiyak. Naaawa ako sa mga magulang ko. Mga may edad na sila pareho pero hindi nila inda ang hirap ng trabaho sa bukid para lang makapag-uwi ng maisaing araw-araw. “Sige na’t malayo pa ang lalakbayin niyo baka maabutan kayo sa pagsikat ng araw. Wag kayong mag-alala, yakang-yakang!” masiglang ani ko.
“Ang swerte talaga namin sayo, anak,” saad ni Tatay. Ngumiti lamang ako.
“Ikaw na bahala sa mga kapatid mo, Doring, anak at kami’y aalis na. Mag-iingat ka rin, anak. Mag-aral ka mabuti, ha?”
“Ga-graduate na nga, Nay,” nakangiting saad ko sa kanya. Hindi nga’t nagtagal ay umalis na rin ang mga magulang ko. Pagtalikod nila saka lamang bumagsak ang mga luha ko.
Totoong hindi madali ang buhay na kinagisnan ko pero sa tuwing makarinig ako ng papuri mula sa mga magulang ko ay nawawala ang pagod at hirap ko sa araw-araw. Sila ang inspirasyo ko kung bakit ako nagsusumikap makapagtapos kahit Senior High School lang upang makahanap ng magandang trabaho. Plano kong magtrabaho muna upang makatulong sa gastusin nina Nanay at sa mga kapatid ko at para makapag-ipon na rin ako para pangkolehiyo. Nais ko pa rin makapagtapos ng pag-aaral upang mas makahanap ng mas magandang trabaho at maiahon sa kahirapan ang pamilya ko. Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos. Balang araw lahat ng pagod ko, lahat ng pagtitiis ko, lahat ng hirap na dinanas ko ay magbubunga balang araw… Balang araw…
Melanieta Virginia Tagalolo’s POV "Can anyone define Social Science?" Nagtaas ako ng kamay. “Yes, Ms. Tagalolo!” Tumayo ako ng tawagin ni Ma’am Masikip ang pangalan ko.“Social Science is one of the branches of science, devoted to the study of societies and the relationships among individuals within those societies. The term was formerly used to refer to the field of sociology, the original "science of society", established in the 19th century. In addition to sociology, it now encompasses a wide array of academic disciplines, including anthropology, archaeology, economics, human geography, linguistics, management science, communication science, and political science.”“Naol!” sabay-sabay na saad ng mga kaibigan ko. “Very good, Ms. Tagalolo! You may now sit down,” ngumiti ako kay Ma’am Masikip.“Thank you, ma’am!”“Paambag ng utak, yawa!” bulong ni Ajing.“Next, what are the five major branches of social science?” Kay bilis kong nagtaas ng kamay muli. Napatingin sa gawi ko si Ma'a
Ajing’ s Point of View “Ajing crush mo o, si Jun Pyo,” mahinang saad sa akin ni Meling. Nag-angat ako ng tingin sa labas ng bintana. Biglang sumipa ang puso ko ng malakas. Napakagat labi ako upang pigilan ang sarili kong ngumiti ngunit hindi ko na napigilan ng magkasalubong ang mga mata naming dalawa. Hindi ako nagbitaw ng tingin hanggang hindi siya nagbitaw hanggang sa lumagpas siya sa room namin. Tahimik na tumili ako. Natawa ako at napahawak sa aking ulo ng isa-isa nila akong sinabunutan. “Landi!” “Sana all, naT*T*gan,” sinadyang i-emphasize ni Siting ang salitang t*t*.“Gago!” “Ang gwapo shuta!” kinikilig na saad ko. “Mukhang tumatalab na ang gayuma ni Te Glorya, shit!”“Bumili kang gayuma?” tanong ni Aning.“Hindi ko afford ang pagayuma ni Te Glorya pero nanalo ako sa paroleta niya ng listahan ng ingredients ng gayuma kasama na ang three thousand word count na ritwal,” saad ko. “Ano? Ang haba naman nun? Daig pa ang isang chapter ni Ms. Drey,” reklamo ni Meling. “Ganun tala
Ajing’ s Point of View “Ajing crush mo o, si Jun Pyo,” mahinang saad sa akin ni Meling. Nag-angat ako ng tingin sa labas ng bintana. Biglang sumipa ang puso ko ng malakas. Napakagat labi ako upang pigilan ang sarili kong ngumiti ngunit hindi ko na napigilan ng magkasalubong ang mga mata naming dalawa. Hindi ako nagbitaw ng tingin hanggang hindi siya nagbitaw hanggang sa lumagpas siya sa room namin. Tahimik na tumili ako. Natawa ako at napahawak sa aking ulo ng isa-isa nila akong sinabunutan. “Landi!” “Sana all, naT*T*gan,” sinadyang i-emphasize ni Siting ang salitang t*t*.“Gago!” “Ang gwapo shuta!” kinikilig na saad ko. “Mukhang tumatalab na ang gayuma ni Te Glorya, shit!”“Bumili kang gayuma?” tanong ni Aning.“Hindi ko afford ang pagayuma ni Te Glorya pero nanalo ako sa paroleta niya ng listahan ng ingredients ng gayuma kasama na ang three thousand word count na ritwal,” saad ko. “Ano? Ang haba naman nun? Daig pa ang isang chapter ni Ms. Drey,” reklamo ni Meling. “Ganun tala
Annalita Perpetua Tubol’s POV“Ms. Tubol!” “Yes ma’am!” alertong sagot ko.kay bilis kong napatayo ng tawagin ni ma’am ang apelyido ko. Baka kasi tawagin niya muli ako gamit ang apelyido ko. Ayoko talagang tinatawag ako ng Tubol parang ang pangit pakinggan. Kahit tunog tigasin ang pangit pa rin pakinggan.“Can you give me the definition of the word Liturgy?” napaawang ang bibig ko ng marinig ang tanong ni ma’am. Shuta na dis! Mura ko sa isipan. Napatingala ako, nagiisip. Iniskan ng utak ko ang inaral kagabi. Oo nag-aaral ako shuta kayo! Apaka judgmental niyo! “Ms. Tubol, anong tinitingala mo dyan. Nasa kisame ba ang answer?” Nalipat ang tingin ko kya Ma’am. Napatingala rin ito sa kisame. Hilaw na ngumisi ako sabay kamot sa aking ulo ng magtagpo ang tingin naming dalawa. Pinagkrus nito ang mga braso sa harapan at tinaasan ako ng kilay. Ang sungit talaga ng mukha.Nagbasa naman ako kagabi pero hindi ko ito napansin. Liturgi, liturgi, liturgi, paulit-ulit ko sa isapan. Biglang may nagpop
Annalita Perpetua Tubol's POV Part llExcited kaming lima sa uwian. Miyerkules ngayon ibig sabihin ngayon ang araw ng pagpunta namin sa bahay ni Mitching yung kaklase namin noong elementarya na nakapag-asawa ng amerikano. Inimbita niya kami para sa kanyang house watering daw, hindi ko alam kong anong ibig sabihin nun naisip ko na lamang na baka para mas lumaki pa bahay niya kaya kailangan ng watering katulad ng watering the flant. Tumutubo ang halaman kapag nadiligan, sana all nadiligan. Basta ang importante ay alam kong kain ang pupuntahan namin, kapag ganitong may okasyon hindi mawawala ang handaan. Kami pa namang limang magkakaibigan ang tipong walang hihindian at walang aatrasan kapag kain ang paguusapan.Kaninang umaga ko pa iniimagine ang lutong ng balat ng lechon, ang tamis ng sarsa ng spaghetti at ang masarap na adobo. Shet! Tumutunog na naman ang tiyan ko. Kaninang umaga pa ako walang matinong kain para may sapat na espasyo ang masasarap na ulam mamaya sa tiyan ko. Binuksan k
“Tama na pantasya! Let’s fack up!” masiglang saad ko sa apat dahil nakatulala pa rin ang mga ito nakatanaw sa pintuang pinasukan nina Mitching at ng afam niyang daks at hot. Sana all Makabaleghoten!“Anong let’s fack up?”“Hay nako Meling, don’t tell us nagiging bobo ka na rin, fack up ba, magbalut na at maghanda dahil tayo’y lalarga na!”“Pack up!”“Ano bang sinabi ko? Pareho lang yun! Sosyalan lang yung akin, slangers,” palusot ko.Isa-isa na naming binuhat ang mga bag na may lamang duck egg, ika nga ni Mitching.“Shuta ang bigat ng tadyang!” mahinang anas ni Doring. Binuhat niya ang backpack at nilagay sa likuran.“Yung tadyang lang mabigat, mamamatay?”“Oo na pati yung crispy pata, shuta ka!”
Siting’s POVNagpapakain ako kina Piolo, Dingdong, Joshua at Coco ng bahagyang mapatili ako dahil biglang may humawak sa bewang ko sabay kiliti sa akin. Paglingon ko’y napangiti ako ng makita ang napakagwapong mukha ng iniirog ko. Kay bilis niyang pinulupot ang mga braso sa aking baywang. Hinayaan ko siya dahil wala pa naman ang inay. Nagpaalam iyon sa akin kaninang umaga bago umalis para maglako ng paninda na dadaan muna daw siya kina Aling Zorayda upang makiramay. Namatay na naman ang pang-anim nitong asawa. Kakasal lang naman sana nila noong nakaraang linggo.Tila nakuryente ang t*nggil ko ng paglingon ko’y ninakawan niya ako ng halik sa labi. Buong akala ko’y saglit lamang ang halik niyang iyon ngunit ng lumapat ang malambot na labi niya sa parang Angelina Jolie na labi ko ay hindi na niya ito inangat pa at binigyan ako ng mala Brad Pitt na halik. Syempre mag-iinarte pa ba ako? Tinugon ko ang halik niya. Med
Siting’s POVHindi ko siya sinita dahil hindi ko kaya. Hindi pa ako handang marinig mula sa kanya ang totoo, na hindi talaga niya ako mahal o minahal, na ginamit lamang niya ako, nagbabakasakaling makuha niya ang pagkabab*bae ko.Ang sakit ng dibdib ko ngunit eskwela is life. Kahit na gustong-gusto ko ng umuwi at humagulhol. Iiyak lahat ng bigat sa puso ko. Nabigo na nga ako sa pag-ibig, mabibigo pa akong makamit ang pangarap ko. Ang hirap magkunwaring okay lang, ang hirap magkunwaring kaya ko, ang hirap magkunwaring hindi ako nasasaktan ngunit kailangan ko munang magkunwari upang wag akong magmukha tanga lalo. Ramdam ko ang pag-alala at awa ng mga kaibigan ko sa akin ngunit ‘di ko iyon pinapansin.Hanggang sa maguwian na. Nauna ako sa kanilang maglakad. Nais ko ng marating agad ang bahay dahil hindi ko alam kong makakaya ko pang pigilan ang mga luha sa mga mata ko ngunit napahinto ako sa isang ti
Doring’s POVMuli niya ‘kong kinintalan ng mabilis na halik sa labi ko bago niya pinaandar ang kanyang kotse. Ang kanina’y pag-aalinlangan at bigat sa puso ko’y agad na napalitan ng kilig. Sino bang hindi kikiligin sa isang Sir Ethan?Hanggang ngayon hirap pa rin kong paniwalaan na nangyayari ito lahat sa ming dalawa. Pangarap ko lang siya ngayon hinahalik-halikan na niya ako. Tapos tinawag pa niya akong babe? Sana all, babe! Ibig sabihin kaya nito, kami na? Kami na ba talaga? Ngayon na kaya kami mag-uusap? “Are you still bothered?” Untag niya sa ‘kin.Natigil ako sa malalim n pagiisip ng marinig kong nagsalita siya. Napalingon ako sa kanyang gawi. Ang mga mata niya'y nasa kalsada. Ang astig niyang tingnan habang nagmamaneho tila lalo siynag gumwpo sa paningin ko.Nang maramdaman niya ang pninitig ko ay saglit niya ‘kong nilingon at mabilis na binalik muli sa kalsada ang mga tingin. Malamang baka mabangga kami. Kakasimula pa nga lang ng love story naming dalawa. Mula sa kung saa
Doring’s POV Pagmulat ko ng mata kinaumagahan ay agad na napangiti ako. Ewan, pero yung puso ko punong-puno, sobrang saya. Bumangon ako at nag-unat. Napapikit ang mga mata ko ngunit nanatili ang ngiti sa mga labi ko. “Lahat ay gagawin para sa'yoGanyan ang alay na pag-ibig ko ♫♬” Habang sinimulan kong magligpit ng hinigaan ko’y ‘di ko mapigilang mapakanta dala na rin ng saya ng puso ko. Una kong tinupi ang ginamit kong kumot.“Kahit ang dagat ay aking tatawirin. Ang ulap may akin aabutin Sa 'yo'y walang hindi kayang gawin ♫♬”Patuloy na pagkanta ko. ‘Di mabura-bura ang ngiti sa mga labi ko habang ang tanging nasa isip ay ang lalaking labis ko na ngayong iniibig, shet!Matapos kong matupi ang ginamit kong kumot ay sinunod ko ang pag-arrange ng ginamit kong unan, kasunod kung tinupi ang telang sapin ng kama kong gawa sa kahoy. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Inumpisahan kong magsaing. Habang inaayos ko ang kahoy sa kalan naming gawa sa bakal ay patuloy lamang ang pagkanta ko. N
Doring’s POVKahit saan ko ibaling ang sarili, di ako mapakali. Tila hinalukay ang lamang loob sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang ginawa namin ni Sir kanina sa may Mahogany.Nakatihaya ako habang nakatitig sa kisame ngunit wala roon ang isip ko. Wala sa sariling napahawak ako sa ‘king mga labi at tangang nangingiti. Kahit anong pigil kong wag tumaas ang bawat gilid ng labi ko ay ‘di ko mapigilan. Potek! Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang halikan na nga niya’y para na ‘kong mababaliw sa kilig tapos umabot na kami sa ganun. Sa kilig ko’y naitakip ko ang unan sa ‘king mukha upang pigilan ang sariling mapahiyaw sa kilig. Ano ba ‘tong ginagawa mo sa ‘kin, Sir Ethan! Mas lalo lamang nahulog ang puso ko sa kanya. Napatagilid ako at napahawak sa ‘king dibdib, kay bilis ng bawat pintig nito. Hindi ako kinakabahan, masyado lang talagang masaya ang puso ko. Gigil na napayakap ang mga braso ko’t binti sa malaking unan kasabay ng mariing pagpikit ng mga mata ko ngunit paano ba ako makakatulog
Doring’s POV Kinalas niya ang botones ng suot kong short. Gustong magpaubaya. Gustong pagbigyan siya. Gusto kong maramdaman ang nais niya, ‘di ko alam may takot at pag-aalinlangan sa puso ko ngunit malaking parte ng katawan ko ang nananabik sa sinasabi niyang tikim lang. Napalunok ako at hinayaan siya. Pinikit ko ang mga mata ng maramdaman ang pagpasok ng kamay nito sa loob ng suot kong short. Sunod-sunod ang paglunok ko habang kay lakas ng kalabog ng puso ko. “Doring!” Nagitla ako at ‘di sinadyang naitulak ko si Sir ng marinig ang malakas ng tawag ni Tatay sa pangalan ko. Nawalan ng balanse si Sir at napaupo sa damuhan. “Sorry, Sir,” hinging paumanhin ko sa maliit na boses. “Doring!” Muli ay malakas na tawag ni Tatay. Dali-dali kong inayos ang sarili. Muli kong kinabit ang botones ng short kong nakalas ni Sir. Binaba ko ang t-shirt kong nalihis. “Doring!” Nataranta na ‘ko ng marinig ang yapak ni Tatay palapit sa kinaroroonan namin ni Sir. “Sorry, Sir pero kailangan k
Doring’s POV “Pwede ka bang lumabas?” Nakahiga na ‘ko sa kama ko ng mabasa ko ang mensahe ni Sir. “Bakit po, Sir?” “Nandito ako malapit sa inyo.” Napabalikwas ako ng bangon ng mabasa ang reply niya. “Bakit po, Sir? Ano pong ginagawa niyo malapit sa ‘min?” “Can we talk?” Kinakabahan ako ngunit may halong pananabik, pananabik na makausap siya na kami lang dalawa, pananabik na makita siya at makasama. “Ano pong pag-uusapan natin?” “About us.” Gi-atay! Kinikilig ako. May kami pala? “May ‘US’ pala, Sir?” “Please, Dorina… I really want to see you.” Pisti na! Parang ginitara ‘yong tinggil ko sa kilig. Gustong-gusto ko rin siyang makita, excited din akong marinig kong ano man ang sasabihin niya tungkol sa aming dalawa. Kinakabahan ako na, ewan. Ang problema ko lang ay kung ano ang sasabihin kong rason para makalabas ng bahay pero sana ay tulog na sina nanay at tatay para ‘di ko na kailangan pang magsinungaling. “Sa’n ka ba, Sir?” “Dito sa malaking puno ng mahogany nakapar
Doring’s POVNakailang message at misscalls si Sir nang gabing iyon ngunit wala ako sa mood na makipagtext o makipag-usap sa kanya. Panay ang pagvibrate ng phone ko ngunit ‘di ko iyon pinapansin hanggang sa nakatulugan ko na ngunit nagising pa rin ako dahil sa pagvibrate pa rin ng phone ko. Kinusot ko ang mga mata. Kinuha ko ang cp at tinignan kung anong oras na. Sir E calling…Panay pa rin ang tawag niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang alas dose na ng gabi. Hindi ba siya natutulog? Tanong ko sa ‘king sarili. Bumangon ako. Tulog na lahat ng mga tao sa loob ng bahay. Ayokong sagutin sa kwarto ko ang tawag dahil baka marinig ng mga magulang ko sa kabilang kwarto ang bose ko. Kay nipis pa naman ng pagitan ng kwarto ko sa kanila. Pumunta ako sa tambayan sa bakuran ng bahay namin. Medyo madilim sa parteng iyon at ang ilaw mula sa buwan lamang ang tanging nagbibigay ng liwanag. Ako na lang yata ang gising sa mga oras na iyon. “Hello, Sir?”“Finally,” saad niya sa kabilang linya.“Ba
Chapter 50Doring’s POV“Aaack! Kenekeleg pa rin ako hanggang ngayon sa inyo Doring!” Tili ni Siting.“Anong feeling mayakap ang kras uy!” Kiniikilig na tanong naman ni Aning sa akin.“Oo nga! Yawa! Aaack!” Tili rin ni Meling!“Para kang dinuduyan iyan sa hangin, dama ko yan ng halikan ako ni Daomingsi!” Kinikilig ring saad ni Ajing.“Okay lang,” saad ko sabay ipit ng buhok ko sa likod ng aking tenga. Pabebe ba pero ang mga hinayupak kong kaibigan kinuyog ako. Si Siting Sinabunutan ako, si Aning niyugyog ang kanang balikat ko habang sa kaliwang balikat ay si Ajing habang si Meling sa leeg ko. Shutang mga kaibigan ‘to! Papatayin pa ako! “Ano ba! Maghunus dili!” Nabitiwan nila ako ng iwaksi ko ang kanilang mga kamay. “Ano ba! Ako lang ‘to! Aray! Yawa!” Muli ay impit ko ng muli nila akong kinuyog.“I’m so happy for you!” Saad ni Meling.“Sana all!” Saad ni Ajing.“How to be por you!” Saad ni Aning. “Anong how to be por you?” “E, ano ba dapat?”“How to be you!” Pagko-korek ni Siting.“E
Doring’s POV“Si Ser ba, murag taaalaaa!” Muli ay naibulalas ko. “Gusto kita, Doring,” naluha ako nang naisubo ko ang buong kamao ko sa loob ng bibig ko, nabilaukan ako, nalimutan kong kamao yung naisubo ko. Napaubo pa ako. “Okay ka lang, Doring?” Tanong ni Ser sa akin.“Ha? Ah, oo, nagulat lang ako sa sinabi mo, Ser,” saad ko. “Bakit naman?” Tanong niya muli tapos naisip ko baka gusto niya ako bilang estudyante niya hindi bilang babae. Shuta! Ang feeler ko naman!“Kasi Ser lagi niyo akong sinusungitan, paano ko mapapaniwalaan na gusto niyo ako bilang estudyante mo?” Tanong ko.“I have to… I need to, Doring nang sa ganun ay maalala kong guro mo ako at estudyante kita pero the more na pinipigilan ko ang nararamdaman ko para sa iyo ay mas lalo lamang akong nahuhulog sa iyo…” Natigil ako. Tila nahinto ang pag-ikot ng aking mundo. Totoo ba ‘tong naririnig ko? Kung sakaling panaginip pwede ba akong mananatili rito habang buhay? “Doring? Are you still there?” Untag nito sa akin ng ilang m
Chapter 48Doring’s POVKatatapos ko lang maghugas ng pinggan. Binilisan ko talaga ang paghugas dahil nananabik na akong masilip ang mga mensahe sa panay na pagva-vibrate ng cellphone kong bigay sa akin ni Sir Nalusuan. “Nay, tay, tapos na po akong maghugas. ‘Di na muna ako sa papag sa labas magpapahangin,” paalam ko sa mga magulang.“Sige, basta ‘di ka na pwedeng lumayo, anak at gabi na. Alam mo naman maraming gumagalang masasamang tao sa dis oras ng gabi,” paalala ni Nanay.“Opo, Nay!” Pagkasabi ko’y agad akong lumabas. Tinungo ko ang ginawang papag ni Tatay sa ilalim ng punong nangka, tatlong metro ang layo mula sa bahay namin. Nang marating ay agad akon4g umupo. Tinanggal ko ang suot kong tsinelas at inangat ang mga paa sa papag, nagsquat ako. Sasandal sana ako buti naalala ko na giniba na pala ni Tatay ang sandalan nito dahil inanay. . Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko upang tingnan ang mga mensahe ni Sir Nalusuan. Hindi ko mapigilang manabik, mangiti at kiligin sa isipin