Tahimik na umupo si Arwena sa link chairs ng clinic na pinuntahan niya.
Kahapon ay buo na ang loob niya. She wants to get rid of the baby. Pero ngayong nandito na siya at nakikita na niya ang mga babae na galing sa loob kwarto at umiiyak, parang nagbago ang isip niya. Parang ayaw na niyang ituloy ang binabalak. Nakakaramdam rin siya ng takot para sa sarili at sa baby niya. Napahawak pa siya tiyan at hindi namalayan ang pagpatak ng luha. “Ms. Arwena Dela Torre." Narinig niya ang pagtawag na 'yon, pero hindi siya tumayo. Parang may pumipigil sa kanya na sumagot o pumasok sa loob. “Ms. Dela Torre..." Napapikit siya nang muli nitong tinawag ang pangalan niya. Tumayo nga siya, pero hindi para pumasok sa kwarto. Umiling-iling siya sabay sabi, "I'm sorry, I can’t do this!" at patakbong lumabas ng clinic. Her eyes were welling up with tears, and was struggling to breathe. Nang tuluyan na siyang makalabas ay umupo siya sa hagdan at doon humagulgol habang hawak ang dibdib na parang sasabog sa sakit. Wala na rin siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng mga tao. Galit na galit siya sa kanyang sarili. Hindi niya akalain na magagawa niyang mag-isip ng gano’ng bagay. Hindi niya gustong mabuo ang bata sa sinapupunan niya, pero dugo’t laman pa rin niya ito. "Anong klaseng tao ako?" tanong niya sa sarili. "Pinalaki ako ng mga magulang ko na may takot sa diyos. Pero muntik na naman akong makagawa ng isa pang pagkakamali, na alam kong pagsisisihan ko habang buhay. Sorry… sorry, baby,” paulit-ulit niyang sabi habang haplos na ang tiyan. "I’m sorry,’ I’m a bad mommy.” Samantala, abot-abot ang kabang nararamdam ni Archie habang bumabyahe papunta sa clinic kung nasaan si Arwena. Natatakot siya. Kinakabahan na baka huli na siya at nagawa na ni Arwena ang isang bagay na lalong sisira ng buhay niya. Mabuti na lang at nakita niya ang papel kung saan nakasulat ang address at pangalan ng clinic na malapit sa telepono nila. Archie could barely walk as he saw Arwena sitting on the stairs, sobbing and barely able to breathe. Naghalo-halo ang nararamdaman niya, galit at awa. "Did you do it?" pabulong, ngunit madiin nitong tanong nang nasa harap na siya ng kaibigan. Pero parang bingi si Arwena na hindi naririnig ang sinasabi niya. Patuloy lang ito sa paghagulgol ni ang tingnan ang siya ay hindi rin nito ginawa. “How could you—" Gusto niyang talakan ng talakan si Arwena, gusto niya itong sumbatan. Pero parang hindi niya magawa; hindi niya kaya lalo’t nakikita niya na nasasaktan din ito. Naikuyom na lang nito ang mga kamay at sandaling tumalikod. Hinahabol din niya ang sariling hininga na parang mapupugto na dahil sa nararamdamang lungkot. “Stop the drama, Arwena!” sabi niya at muling hinarap ang kaibigan na hindi pa rin siya pinapansin. “Isn't this what you want? Nagawa mo na—wala ka nang problema. So get up and start fixing your life!” Finally, nag-angat rin ng ulo si Arwena. Sa lahat ng sinabi ni Archie, parang ang mga huling salita lang ang narinig nito. "Archie…” Lumakas pa lalo ang hagulgol nito. Sunod-sunod din ang pagpatak ng mga luha niya habang nakatingala kay Archie. Archie's heart melted as he saw Arwena's teary eyes; all his irritation and rage vanished. Gusto na niya agad yakapin ang kaibigan na alam niyang naghahanap ng kamaray at maiiyakan ngayon. “I’m sorry…” sabi niya at muling yumuko, sumabay din ang pagyugyog ng mga balikat sa paghagugol niya. Napapikit si Archie. Pinigil niya rin ang emosyon—pinigil niya ang sarili na ‘wag umiyak sa harap ng kaibigan. "Sorry for what?” mahinahong tanong ni Archie. Pinipilit niya rin na ‘wag pumiyok ang boses. Pero pinilit niyang magpakatatag. Kailangan maging malakas siya para sa kaibigan. “Wala kang kasalanan sa akin, Arwena. Sa anak mo ikaw may kasalanan!” Nahagod nito ang buhok matapos sabihin ‘yon. Alam niyang masakit ang sinabi niya. Pero hindi na rin niya napigil ang sarili na magsalita ng gano’n. Sa pagkakataong ‘to, parang nawalan na rin siya pag-asa na tumino pa ang pag-iisip ni Arwena. Kahit kasi anong gawin niya, kahit anong ipayo niya rito, walang silbi, hindi siya nakikinig. Ang hirap payohan ng taong sarado ang pag-iisip. “Sorry… matigas ang ulo ko—sorry, dahil in-ignore ko lahat ng payo mo, at sorry dahil inaaway kita sa tuwing pinagsasabihan mo ako.” Napabuga ng hangin si Archie, ngunit pahapyaw namang tumawa. “Ngayon mo lang na realize ‘yan? Tapos na nga, Arwena!” Umupo siya sa tabi ng kaibigan. "I didn’t do it, Archie, hindi ko kaya. Hindi ko pala kaya…” Bumilog ang mga mata ni Archie, at maya maya ay ngumiti. Hinawakan niya rin ang tiyan ng kaibigan at hinaplos-haplos iyon. "Nandito pa siya? Hindi siya nawala?” tuwang-tuwa na tanong nito at niyakap ang kaibigan. Kung umasta siya ay parang siya ang tatay ng ipinagbubuntis ng kaibigan. "Archie, natatakot ako. Paano kung hindi ko kayanin? Paano kung hindi ko ma-fulfill ang tungkulin ko bilang isang ina?" “ ‘Wag kang matakot, Arwena. Tatagan mo ang loob mo. Nandito naman ako, tutulungan kita. Willing ako na maging daddy ng baby mo. Ako ang tatayong tatay niya. Kakayanin kong maging daddy kahit, I'm not daddy material. Alam mo naman, mommy material ako." Patawa nito na nagpangiti naman kay Arwena ng konti. “Stop crying na ha.” Pinahid naman niya ang mga luha nito at nginitian ng matamis. “Handa rin akong magpakalalaki para sa inyo, Arwena. Kaya tama na ang iyak, kakayanin natin na maging mabuting magulang para sa baby natin." Mahigpit na yakap na lang ang sagot ni Arwena, sa kaibigang si Archie. Pero tahimik naman siyang nagpapasalamat. Sa kabila ng mga nasabi niya rito, hindi pa rin siya nito sinukuan, at handa pang maging daddy ng anak. *** PAAKYAT pa lang ng hagdan si Arwena, pero ngiti niya, abot hanggang tainga na. Alam niya kasi kung ano ang sasalubong sa kanya sa tuwing uuwi siya galing trabaho. “Mommy…” Ayon na nga. Lambing, halik, at mahigpit na yakap ang agad sumalubong sa kanya. “How’s your day, Mommy?” tanong ni Nathan—ang bibo at cute na cute niyang anak. Ngumiti siya at pinindot ang ilong nito. “My day was good, how about you?” tanong niya sabay yapos naman sa anak na humahagihik habang yakap-yakap niya. “Awesome!" sagot nito na may kasamang matamis na ngiti. Limang taon na ang lumipas matapos ang masamang karanasan sa buhay ni Arwena. At heto na nga, ang akala niyang sisira ng tuluyan sa buhay niya ay siya palang naging dahilan upang magpatuloy sa buhay at maging masaya. Kahit ba, lagi pa rin niyang naalala si Mr. Tan—ang papa ng anak niya. Paano namang hindi niya maalala ang lalaking ‘yon? Binigyan ba naman siya ng anak na kamukhang-kamukha niya. Para na rin niyang nakikita ang mukha ni Mr. Tan dahil sa anak nila. “Where’s Daddy?” tanong niya matapos yakapin ang anak. “In the kitchen,” sagot naman nito at hinila siya papunta roon. “Hi, Arc,” halik sa pisngi ang kasabay ng sinabi niya. “Tamang-tama ang dating mo, ready na ang dinner,” nakangiting nilagay ni Archie ang steak sa lamesa, saka naman siya nito hinalikan sa pisngi. Tinupad nga ni Archie ang pangako niya kay Arwena, siya ang tumayong daddy ni Nathan. Siya ang naging karamay ni Arwena sa lahat ng panahon, at siya ang naging katuwang ni Arwena sa pagpapalaki ng anak niya. Pero alam ng bata na hindi niya tunay na daddy ni Archie. Ayaw kasi nilang ilihim dito ang totoo, lalo’t hindi nga tunay na lalaki si Archie. Magkaharap na sila sa hapag at masayang kumakain. “Wena, mabuti naman at na-contact mo na pala ang parents mo. Okay na kayo.” Biglang sabi ni Archie, na nagpahinto sa pagsubo ni Arwena. Kunot-noo din siyang napatitig sa kaibigan. “Pinagsasabi mo, Arch? Anong okay na kami?” Nagtatakang tanong ni Arwena, sabay lingon kay Nathan na mabuti na lang at busy naman sa pagkain niya. Kahit kasi, sa Maine isinilang si Nathan at lumaki, tinuturuan pa rin nila ito na magsalita ng tagalog. “Ano ka ba naman, Wena. Mga ganyang bagay, hindi mo na kailangan itago sa akin. Happy nga ako dahil okay na kayo ng parents mo,” nakangiting sabi nito na lalo lang nagpakunot sa noo ko. “Saan mo ba nakuha ang tsismis na ‘yan, Arch?” pabulong na namang tanong ni Arwena. Hindi pa nga kasi alam ni Nathan na may lola at lolo pa siya. At hindi rin alam ng parents niya na may baby na siya. Limang taon na rin nga siyang walang contact sa parents niya. Ang alam niya, galit pa rin ito sa kanya dahil sa biglang pag-alis niya. “Tsismis? Kung hindi totoo, bakit tumawag ang mommy mo kanina. Kinakamusta ka nga? Nag-iwan pa nga siya ng number; tawagan mo raw siya kapag may time ka.” Kaagad tumayo si Arwena matapos marinig ang sinabi ni Archie. Hindi na nga niya nagawang tapusin ang pagkain. Si Archie naman ay nakagat na lang ang kutsara. Akala kasi talaga niya ay okay na sila Arwena at magulang niya. Sandaling tumayo si Arwena, malapit sa phone at ilang minuto tinitigan ang number na nakasulat sa sticky note, saka siya umupo at kinuha iyon. Mabagal ang pag-dial niya sa mga numero. Napigil niya rin ang paghinga habang hinihintay na sumagot ang nasa kabilang linya. “Hello…” sagot mula sa kabilang linya. Hindi kaagad siya nagsalita. Pinipigil niya rin ang mapaiyak. Ngayong naririnig na niya ang boses ng mama niya. Ramdam na rin niya kung gaano na niya ka-miss ang mga magulang. “Sino ‘to?” tanong ng mama niya. “Arwena? Ikaw ba ‘to?” tanong ng mama niya na halatang nagpipigil na ring mapaiyak. “Anak…” “Mama…” sagot niya, kasabay na ang pagpatak ng luha na hindi na niya nagawang pigilin. “Kumusta na po kayo. Nasaan po si Papa?” tanong niya. Pinahid niya ang mga luha na para bang kaharap niya ang mama niya. Pinilit niya ring pinapasigla at pinapasaya ang boses. “Hindi kami okay, Anak, simula no’ng umalis ka…” Natiim ni Arwena ang mga mata. Nakaramdam na naman siya guilt. “Sorry po, iniwan ko po kayo…” sagot niya. Parang kinuyumos ang puso niya habang naririnig ang mahinang paghikbi ng mama niya. “Anak, kami ang dapat mag-sorry sa’yo. Umabot pa ng limang taon, bago ka namin nahanap?" "Paano n'yo po pala nukuha ang number ko?" tanong ko naman sa medyo kalmado na boses. "Nakita namin ang pangalan at number mo sa business magazine ng isang sikat na real estate company d'yan sa Maine." Napangiti naman si Arwena. Isa na nga kasi siyang best real estate agent sa company pinagtatrabahuan niya. Kaya hindi nakapagtataka kung makikita ang pangalan at number niya sa mga business magazine. "Anak, sorry ha—" "Ako po ang may maling nagawa, Ma, kaya kung mayro’n mang dapat mag-sorry, ako po ‘yon.” Sinusubukan na naman niyang pasayahin ang boses, pero kahit anong pilit niya, bumabakas pa rin ang lungkot. Rinig na rinig rin kasi niya ang mahinang paghikbi ng mama niya sa kabilang linya. “Anak, umuwi ka na. Miss ka na namin ng Papa mo.” "Miss ko na rin po kayo, Ma,” sagot niya na kahit umiiyak ay may ngiti naman sa labi “Please come home, Anak. Dahil ang totoo, kailangan ka namin ng papa mo. ” Hindi agad sumagot si Arwena. Hindi niya kasi alam kung kaya na ba niyang harapin ang mga taong nanakit sa kanya noon.Nagpupuyos sa galit ang kalooban ni Arwena habang tanaw ang coffee shop na pagmamay-ari ng mga magulang niya, ngunit walang kahirap-hirap na napunta sa iba dahil sa kagagawan ni Farah at Jake. Dahil sa buo nga ang tiwala ng mga magulang niya sa kaibigan at dati niyang boyfriend, sila ang hinayaang mamahala sa coffee shop at sa iba pang branch nila. Walang kaalam-alam ang mga magulang niya na unti-unti na palang naibenta nina Farah at Jake ang mga shop sa nagngangalang Tandre Denovan, at ngayon nga ay sila na ang nag-operate ng coffee shop na pinaghirapan ng mga magulang niya na palaguin. “Good morning, ma’am,” bati ng guard kay Arwena nang pumasok siya sa coffee shop. Dahil sa galit na nararamdaman, hindi na niya sinagot ang bati ng guard. Agad kasing napako ang paningin niya sa dating kaibigan at dating boyfriend na masinsinang nag-uusap sa sulok ng shop. Ilang araw din niyang hinihintay na muling makaharap ang mga taong dahilan kung bakit muntik nang masira ang buhay niya, at n
Tatlong letra lang ang salitang sinabi ni Mr. Tan, pero ang laki ng naging epekto niyon kay Arwena. Pero sa kabila ng nararamdaman niyang kaba, hindi naman niya magawang bawiin ang titig niya sa mukha nito. Lalo na sa mga mata nitong ang itim-itim—ang dilim na para bang unti-unting hinihigop ang kaluluwa niya. “Do-do you know me?" utal na tanong ni Arwena matapos ang sandaling pagtitig sa mukha nito. Kahit ba may hinala na siya na si Mr. Tandre Denovan, ay ang lalaking nagligtas sa kanya limang taon na ang nakaraan, at siya ring ama ng anak niyang si Nathan. Gusto pa rin niya na makomperma kung siya nga ba iyon. Gusto niyang marinig mula mismo sa bibig nito. “Of course! How can I forget the helpless, devastated woman I saved five years ago?" Dahan-dahan at madiin na binigkas ni Mr. Tan ang mga salitang ‘yon. Gusto niyang maalala ni Arwena ang lahat ng nangyari sa kanila noong gabing ‘yon. “It was you?" pabulong na sabi ni Arwena. Umasta nga kasi siya na walang naalala at hin
Sobrang inis ang naramdaman ni Arwena habang nakatingin sa likuran ni Mr. Tan. Gusto nga niya itong takbuhin at batukan. Kung pwede lang na isumbat niya lahat dito ang mga pinagdaanan niya dahil sa pagkakamali na nangyari sa kanila. Pero hindi pwede. Hindi niya magagawa dahil ayaw nga niyang malaman nito na nagbunga ang ginawa nila noon. Naiinis siya dahil ang taas ng tingin nito sa sarili. Porke’t mayaman ito. Akala niya mabuting tao ang Mr. Tan na nagligtas sa kanya noon, ngunit isa pala itong halimaw na nag-aabang lang ng mabiktima. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang isang hayop na nahulog sa trap, at anumang oras ay magiging pagkain na ng isang halimaw. Tahimik na lang siya na napamura. Paulit-ulit niyang sinampal sa utak niya si Mr. Tan. Iyon lang kasi ang magagawa niya sa ngayon. Alam niya kasi na ginagamit ni Mr. Tan ang coffee shop para makuha siya nito ulit. Alam nga ni Mr. Tan kung gaano niya ka gustong makuha ang pagmamay-ari ng mga magulang niya. Pero kung tuso siya,
Ala-siete pa lang ng gabi ay nasa harap na ng Denovan Hotel si Arwena. Dapat ay nasa bahay na siya ngayon, nagpapahinga kasama ang anak na si Nathan. Pero dahil sa nangyari sa papa niya, nagbago ang isip niya. Ang pangako niya na hindi isakripisyo ang sarili mabawi lang ang Coffee Negrense ay hanggang sa dulo na lang ng dila niya. Susubukan niya uli na kausapin ito. Susubukan na magmakaawa. Baka pumayag ito na bigyan siya ng ibang option para mabawi ang coffee shop. Nang mag-alas otso na ay lumabas na siya ng kotse. Mabagal ang bawat hakbang niya na tumawid ng kalsada. Habang papalapit siya sa hotel, sunod-sunod namang nagsidatingan ang mga sasakyan, at lahat ng mga sakay niyon ay puro magagara ang suot. Saka niya lang napagtanto na event pala ang pupuntahan niya. Napatingin naman siya sa suot niya na skinny jeans at puting blouse na kahapon niya pa suot. Ni ang maghilamos nga ay hindi man lang niya nagawa. Galing pa nga kasi siya sa hospital, at hindi na siya umuwi ng bahay.
“I’m sorry, Ms. Arwena," sabi ni Ted, sabay unat ng suit niya at tumikhim. Hinawakan din nito ang kamay ni Arwena na kanina ay hawak ang braso niya, at saka ay maingat na binitiwan. Hindi kasi siya tinantanan ng tingin ni Mr. Tan, at hindi na siya komportable sa titig nito na parang boyfriend na nagseselos. Kinabahan na siya sa puntong hirap na siyang lunukin ni laway niya. Kung takot si Ted, inis naman ang nararamdaman ni Arwena kay Mr. Tan na parang posteng nakatirik sa tapat nila. Simula nang dumating ito at sikmatan si Ted ay hindi na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito na walang kangiti-ngiti, walang kabuhay-buhay, at parang galit sa mundo. Pero kahit anong sungit pa ng mukha nito, hindi pa rin natatakpan ang kagwapuhan. Lalaking-lalaki kung tingnan dahil sa panga nitong parang hinulma into perfection, isama na ang ilong na parang hinulma rin sa tangos. May mga matang madilim nga pero para namang hinihigop ang buong pagkatao mo kapag mapatitig ka. May labi na hindi man
Nagising si Arwena nang maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. At hindi nga siya nagkamali. Nasa harapan niya si Mr. Tan, at wala na itong damit pang-itaas. Agad binalot ng kaba ang buong sistema niya. Para siyang bata na umupo at sumiksiksik sa headboard habang yakap-yakap ang makapal na kumot. “ ‘W-wag kang lumapit…” parang maiiyak na sabi nito. Umiling-iling pa siya habang nagmamakaawa ang tingin kay Mr. Tan. Para namang naging tuod si Mr. Tan. Sobrang nagulat siya sa naging reaksyon ni Arwena. Nalito siya sa kanyang sarili. Dapat kasi ay natutuwa siya. Gusto nga niyang pahirapan si Arwena, pero parang naaawa siya, at parang na-gui-guilty. Hindi niya rin nagustuhan ang nakikita niyang takot sa maluha-luha nitong mga mata—takot na nakita n’ya noong gabi na niligtas niya ito mula sa lalaking muntik na halayin siya. Umiwas siya ng tingin at sinabing, "I have no interest in you, at lalong wala akong gagawing masama sa’yo, for you to act like that. Hindi ako ka
Nanlaki ang mga ni Arwena sa mapangahas na ginawa ni Mr. Tan. Gusto niya itong itulak pero ang higpit ng paghawak nito sa batok niya habang sinisiil ng halik ang labi niya. Hindi man lang niya magawang ipikit ang mga mata. Wala rin siyang ibang nararamdaman kung hindi hiya. Nahihiya siyang makita ang mga tao na halatang nagulat din sa palabas ni Mr. Tan. Sinubukan niya itong awatin sa pamamagitan ng pagtiim ng labi. Pero wala iyong silbi dahil nagpatuloy pa rin si Mr. Tan sa ginawang paglasap sa labi niya. Bahagya niya itong itinulak sabay ang pabulong na sabi, “Mr. Tan, ano ba?" Sa wakas ay nagawa niya ring magsalita kahit kinakapos sa paghinga. “Sira-ulo ka—" hindi niya natapos ang pagsasalita dahil bigla na naman nitong sinakmal ang labi niya. “Tumahimik ka muna." Pigil ni Mr. Tan sa pagsasalita niya. Ayaw niya itong gumawa ng eksena na alam niya na pareho nilang ikapahiya. Maski kasi siya ay nagulat sa ginawa niya. Ang gusto lang naman sana ay itaboy ang ex-boyfriend ni
Arwena felt her eyes briefly close in response to Mr. Tan's last words. His condition was tempting—precisely what she wanted—yet an undercurrent of apprehension persisted. Everything would become complicated if she accepted his marriage proposal; he would know her secret. Moreover, she wasn't foolish or desperate enough to agree to marry a man, na hindi niya pa kilala ng lubusan. What happened between them long ago, ay hindi magandang basihan to accept his proposal. "Mr. Tan..." Mr. Tan cut her off by pressing his thumb against her lips. "No, I don’t want to hear your answer now. Hindi ako nagmamadali. What I want, kapag sumagot ka, it truly comes from your heart, and you are sure of your decision; hindi lang dahil na-pressure ka o dahil sa gusto mo ang binigay kong kondisyon.” Mr. Tan whispered his last words to Arwena, maintaining a calm tone. Matapos ang bulong niya kay Arwena, hinawakan niya ang kamay nito, at hinarap ang mga tao na dumalo sa ball. "Everyone, have a gre
“My queen," yakap at halik sa batok ko ang kasabay ng malambing na boses na ‘yon. Antok na sana ako, kaya lang hindi ko naman matanggihan itong asawa ko na kararating lang mula sa trabaho ay ako naman ang gustong trabahuin. “Ang bango mo, my queen," pinahangin nitong sabi na sumabay sa pagharap ko sa kanya. Kagat-kagat na niya ang ibabang labi at may tingin na nang-aakit. Awtomatiko namang umangat ang mga kamay ko at kumapit sa batok niya. Mas kumislap pa ang mga mata na agad namang nagpangiti sa akin. Para naman kasi akong hinihigop sa klase ng tingin niya. Tingin na nagsasabing mahal na mahal niya ako. Tingin na nagsasabi na ako lang ang pinakamaganda sa paningin niya, at tingin na nagsasabing sabik na siyang angkinin na naman ako. “Nilalasing mo ako sa bango mo, my queen. Pinag-iinit mo ako lagi. Pinasasabik…” Ayon na nga at sininghot na nito ang leeg ko na parang inuubos ang lahat ng bango ko. May kasama na rin ‘yong himod sa nguso na nagpabungisngis sa akin. Naki
“My queen,” malambing na tawag ni Tandre sa asawang si Arwena na agad namang ngumiti nang makita ang matamis nitong ngiti. Kanina niya pa ito pinagmamasdan. Kanina pa siya naghihintay na matapos ito sa ginagawa. At ngayong tapos na, heto at hindi na niya naawat ang sarili at nilapitan na niya agad. Napailing-iling pa si Arwena. Alam niya kasi na kanina pa sabik ang asawa na lapitan siya. Kanina pa ito gustong yakapin at halikan siya, pero dahil sa banta niya, na kapag lumapit ito sa kanya ay hindi siya sasama sa gaganaping launching ng Denovan Jewelry. Kaya wala itong nagawa, kung hindi ang manatiling tahimik habang pinagmamasdan lang siya. Pero katulad ni Tandre, hindi rin maawat ni Arwena na sumulyap sa asawang gandang-ganda sa kanya. Pangiti-ngiti kasi habang titig na titig sa reflection niya sa salamin. “Tapos ka na?” malabing nitong tanong, sabay ang banayad na paghawak sa balikat ni Arwena, at banayad iyong hinaplos-haplos. Matamis na ngiti lang ang sagot ni Arwena na may
Matapos ang isang malakas na putok na nagpapikit ng matiim sa mga mata ni Arwena, sunod-sunod na pagsabog naman ang sumunod na umalingawngaw sa loob ng conference room na nagpahinto naman sa paghinga niya. Umiiyak siya pero walang boses na lumabas. Yumugyog lang ang balikat at awang ang labi. Si Tandre naman ay mahigpit na yumakap kay Arwena. Napigil din nito ang paghinga. Akala kasi niya ay katapusan na nila. Akala niya ay ito ang huling araw na makasama ang pinakamamahal niya. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa marinig nila ang mga sigaw, mga utos ng mga pulis at bomb squad na nasa loob ng conference room. Sa bilis ng pangyayari na hindi inasahan ni Farah, wala itong nagawa nang agawin sa kanya ang baril at detonator, at ngayon nga ay kasalukuyan nang dini-difuse ang mga bomb. “Tandre!” Matapos ang matinding takot at pagkagulat, sa wakas ay nagawa ring magsalita ni Arwena. Kaya lang, hindi pa rin siya makagalaw. Hindi pa rin niya kayang tumingin sa pa
“No, Wena! ‘Wag kang pumasok—” sigaw ni Tandre, pero agad natahimik dahil sa baril na tumutok sa kanya. “Tumahimik ka!” singhal ni Farah. Gigil na gigil ito na parang ano mang oras ay kalalabitin na ang gatilyo. “Kanina ka pa! Napupuno na ako sa’yo!” “Don’t do this, Farah, please! I’m begging you. I’m willing to do anything. Hayaan mo lang si Arwena,” buong puso na pakiusap ni Tandre. Ni kaunti ay hindi nakaramdam si Tandre ng takot para sa sarili niya. Natatakot siya para kay Arwena. Natatakot siya sa maaring gawin ni Farah sa asawa niya. Ang isipin pa lang ang maaring gawin nito kay Arwena, ang sikip-sikip na ng dibdib niya. Naikuyom naman sandali ni Janica ang kamao. Nasasaktan kasi siya na marinig ang pagmamakaawa ng lalaking mahal niya para sa ibang babae. “I said, shut up!” Nanlaki ang mga mata ni Farah. “Kahit anong pagmamakaawa ang gawin mo; kahit ibigay mo pa sa akin ang kayamanan mo, o kahit ibalik n’yo pa ang buhay ni Jake, hindi ko pa rin tatantanan si Arwena. Ala
“F-Farah!” Bulalas ni Janica. Parang na alimpungatan mula sa mahimbing na tulog dahil sa malakas na putok na narinig. Umawang pa ang labi at nanlaki ang mga mata na napatitig sa lalaking nakahandusay sa sahig at duguan. “What the...” Takip-takip na rin ang mga palad nito sa tainga niya, at saka, nilibot ang paningin sa paligid. Hindi niya alam kung paano umabot sa ganito ang gulo na ginawa niya kanina. Napalingon din siya kay Tandre na ngayon ay nakayuko at nakalapat ang mga kamao sa sahig. Bakat din ang mga ugat nito sa braso.Doon niya binuhos ang lahat ng galit kay Farah na walang awang binaril ang tauhan niya na wala namang kinalaman sa problema nila. “How?” Hindi magawang ibigkas ni Janica ang salitang gusto niyang sabihin. Paulit-ulit na lang siyang napapailing habang nangingilid ang mga luha. Kitang-kita niya kasi ang butas at dugo sa suit ni Tandre. Napatingin pa siya sa kamay niya na sumaksak sa likod nito. Hindi niya akalain na magagawa niyang sasakin si Tandre sa hairsti
Matapos marinig ang sinabi ng staff ay sunod-sunod naman na umalingaw ang serena ng mga police car, bombero, at mga sigawan ng mga tao na sapilitang pinalalayo sa gusali. Napatakip na lang sa bibig si Arwena, habang si Gomez at Fuentez ay kanina pa nakikiusap na umalis na sila dahil dilikado na rito sa loob. Kaya lang paulit-ulit siyang tumanggi. “Hindi ako lalabas, hanggat hindi ko kasama si Tandre,” pagmamatigas ni Arwena na sumabay sa pagpasok ng mga awtoridad at bomb squad sa gusali. Lahat ng lugar, lahat ng sulok ng hotel ay sinigurado nila na walang tao. Maliban sa conference na kinaroroonan nila ngayon. “Mrs. Denovan, kung maari lumabas na po kayo,” pakiusap ng officer in charge na kausap ni Gomez at Fuentez kanina. Ang mga medics naman ay lumabas na para mag-antabay sa maaring kahihinatnan ng gulo na nangyayari ngayon. “I said no! I’m not going anywhere without my husband,” madiin na sabi ni Arwena. Ayaw niya rin magpahawak sa mga bodyguard. Hilam sa luha ang mga
Kasabay ng halik ni Janica kay Mr. Tan ay flash ng mga camera at sabay-sabay na mga tanong ng press na hindi na halos maintindihan. Maririnig rin ang hiyawan sa labas ng hotel. Live nga kasing napapanood ang press conference, kaya sigurado si Mr. Tan na ang iniisip ng mga fans, ang halik sa kanya ni Janica, at ang yakap nito sa kanya ay confirmation ng relationship nila. Buo na sana ang desisyon ni Mr. Tan na sundin ang suggestion ni Ted. Kaya lang, nagbago ang isip niya dahil sa ginawa ni Janica ngayon. Iba umataki si Janica. Hindi sa salita, kung hindi sa gawa. Mapait na ngumiti si Mr. Tan, kasabay ang paghawak sa balikat ni Janica at bahagyang itinulak ito palayo. Makikita kaagad ang pagsimangot ni Janica. Matalim rin ang tingin nito na parang pinagbabantaan si Mr. Tan. “You know what, Janica, bibigyan pa sana kita ng pangalawang pagkakataon na ma-redeem ang sarili mo sa kahihiyang pinapasok mo.” Matalim na tingin ang kasabay ng sinabing iyon ni Mr. Tan, sabay senyas kay Ted. “
“Bakit nandito si Janica? Didn’t I tell you to heightened the security? " Paulit-ulit ko kayong pinaalalahanan, gawin n’yo ang lahat para hindi makapasok ang babae na ‘yon dito?!" gigil na tanong ni Tandre kay Ted.Kararating niya lang sa Hotel Denovan, at gusto na niya agad na palayasin si Janica. Ang laki nga ng mga hakbang niya, papunta sa conference room kung saan naghihintay ang press at ang babae na kinamumuhian niya. Halos patakbo namang sumunod si Ted, at ang ilang mga bodyguard niya. “I’m sorry, Mr. Tan, lahat ng utos n’yo po ay sinunod namin. We’ve done all the necessary actions, para hindi makapasok si Ms. Janica, but she disguised herself as one of the press, and it was too late for us to recognize her. Wala na kaming magawa. Press are taking pictures habang papunta siya sa harap, nakangiting umakyat sa platform, at prenteng umupo roon.” Tingin lang ang sagot ni Mr. Tan sa paliwanag ni Ted. Ni ang huminto sandali paglalakad ay hindi nito ginawa. Ayaw na niyang mag-aksaya
“Daddy, Archie!” Masiglang sigaw ni Nathan.“N-Nathan…” utal na sagot ni Archie at agad na hinarap ang pamangkin. Sinalubong niya rin ito, pero ang kamay ay sikretong sumenyas kay Tandre at Arwena na magtago muna. Agad namang sumunod ang mag-asawa. Pumasok sila sa walk-in closet habang inaaliw naman ni Archie ang bata. Pinipigilan niya itong pumasok sa kwarto para hindi makita ang ayos ng mga magulang nito. Siguro ay kinikilti na naman ni Archie ang bata. Rinig na rinig pa kasi ni Tandre at Arwena ang hagikhik ni Nathan, at maya maya ay unti-unting naglaho ang boses ng magtiyuhin.Nakapa naman ni Arwena ang dibdib, napabuga ng hangin at matalim ang tingin kay Tandre na pangiti-ngiti lang, pero halata namang kinabahan kanina.Alam nila na pereho na siguradong matutuwa si Nathan kapag nalaman nito na bati na sila. Kaya lang, nahihiya sila na makita ng Anak sa ganoong ayos. Kung malalaman o sasabihin man nila kay Nathan ang magandang balita, ‘yong nasa maayos naman silang pustura, hind