“Praning ka pala talaga, Tandre. Sa sobrang ka praningan mo, kung ano-ano na ang pumasok sa utak mo!” Pahapyaw na tumawa si Archie. Hindi na kasi sumagot si Mr. Tan. “Does rejection hit you hard, kaya ka nagkaganyan?” dagdag pa nito. Mabuti na lang at matapos ang sandaling pagkabigla ni Archie ay nakabawi rin siya. Hindi man tuluyang nawala ang pagdududa ni Mr. Tan, at least may nasabi pa rin siya na nagpatahimik dito. Natiim naman ni Mr. Tan ang mga labi. Hindi siya makapaniwala na pati pala ang usapan nila Arwena ay alam din ni Archie. Naisip niya, mahal nga yata talaga nila ang isa’t-isa, kaya lahat ng mga pangyayari sa buhay ni Arwena ay alam ni Archie. “Mabuti pa umalis ka na Tandre, hindi ko kasi alam kung ano ang laman ng utak mo o kung ano ang ibig mong sabihin, pero sana ako o si Arwena na lang ang kinausap mo directly, at hindi ang anak namin. Bata lang siya, Tandre, wala siyang kinalaman sa mga isyu nating mga matatanda! Sana naisip mo ‘yon,” seryosong sabi ni Archi
Read more