Lahat ng Kabanata ng Chasing Love A Second Chance At Forever: Kabanata 41 - Kabanata 50

84 Kabanata

Kabanata 40 The Truth

“Wena…” Pandidilat ng mga mata ang kasabay ng pagbigkas ni Archie sa pangalan ng kaibigan. "May palihim-lihim ka pa na nalalaman. Ang praning mo naman pala. Ikaw rin lang naman pala ang nagbunyag ng katotohanan," pabulong na sabi ni Archie sa kaibigang tiim na tiim na ang labi at hindi na magawang tingnan ang magkapatid. Hiyang-hiya siya mga pinagsasabi niya, at gusto pa sanang batukan ang sarili. Tama nga kasi si Achie, dahil sa kapraningan niya, alam na ni Tandre ang totoo. Nasayang lang ang ilang buwan nila na paglihim dito na tunay niyang Anak si Nathan. Ang mas nakakainis ay siya lang din naman pala ang naging dahilan na nabunyag totoo. Napasandal na lang si Archie sa dingding at paulit-ulit na napailing habang nakatingin naman sa kapatid na alam niyang naghalo-halo ang nararamdaman. Bakas ang tuwa sa mukha dahil na confirm na nito na Anak nga niya si Nathan. Pero bakas din ang dismaya, galit, at lungkot sa mga mata; ipinagkait ba naman sa kanya ang katotohanan na nagbunga
Magbasa pa

Kabanata 41 Daddy

“Nathan…” Agad tumayo si Arwena nang makita si Nathan na nakahiga sa wheeled stretcher habang tulak ng mga medical personnel. Dadalhin na ang bata sa operating room. “Anak, be strong, okay…” naiiyak na sabi pa ni Arwena. Sumabay na rin siya sa paglalakad kasama ang mga personnel, at huminto naman sa bungad ng operating room nang pumasok na roon sila Nathan. Naiwan si Arwena na umiiyak, takip ang mga palad sa bibig at hindi matigil pagdarasal na sana ay maging maayos ang operation ni Nathan, at sana gabayan ng panginoon ang doctor at mga kasama nito sa pag-opera kay Nathan. “Wena, tahan na…” Yakap mula sa likod ang kasabay ng salitang ‘yon ni Archie, saka naman nito pinihit paharap sa kanya si Arwena. “Nathan will be fine. Alam mo naman kung gaano ka tapang ang Anak mo, hindi ba? Kaya maging matapang ka rin para sa kanya—maging matapang tayo para kay Nathan.” Paulit-ulit na pinahid ni Archie ang mga luha ni Arwena na ayaw tumigil sa pagpatak kahit anong pahid pa ang gawin niya. Ni
Magbasa pa

Kabanata 42 Familiar Touch

Natiim na lang ni Arwena ang labi habang nakatingin sa kaibigan na ngayon ay nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Mr. Tan. Mabuti na lang at parang walang narinig ang doktor at ang nurse, agad nilang inaasikaso si Nathan. Nagsagawa ng check-up sa bata, at nang masiguro na walang nakikitang komplikasyon o kakaiba sa kilos at kondisyon ng katawan ng bata ay saka lang hinarap si Arwena at Archie. “Kumusta na po ang an... si Nathan, dok?" tanong ni Archie. Pero nag-aalangan namang tawagin na anak si Nathan, dahil sa presensya ni Mr. Tan. Nahihiya siyang tawagin na anak si Nathan gayong nandito ang tunay na ama ng bata. Ngayon lang naiintindihan ni Archie ang kaibigan, kung bakit ayaw nitong sabihin kay Mr. Tan ang tungkol kay Nathan. Komplikado! Ang gulo-gulo ng mga nangyayari. Ang plano niya na gantihan o galitin si Tandre sa pamamagitan ni Nathan, ngayon ay hindi na niya magagawa. Ang masama, siya pa rin ang dehado dahil wala siyang karapatan sa bata. Tito lang siya, at s
Magbasa pa

Kabanata 43 Malaya

Napatingin na lang si Arwena sa kamay niya na ngayon ay pinisil-pisil na ni Mr. Tan. At sa kada pisil nito sa kamay niya, ay parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan niya.Lumakas din ang pintig ng puso niya, at parang nahihirapan na siyang habulin ito. Hindi niya gusto itong nararamdaman niya. Hinablot nito ang kamay niya, tumikhim at lumapit sa mga magulang. Pero bago siya tuluyang lumapit sa mga magulang niya ay muli pa siyang lumingon kay Mr. Tan. Gusto niya lang tingnan ang reaksyon nito. Gusto niyang alamin kung may kislap na ba ulit ang mata nito, at gusto niyang alamin kung pareho ba sila ng nararamdaman ngayon. Pero dismaya lang ang inabot niya. Seryoso pa rin kasi ito at parang galit pa rin sa kanya. Napabuga na lang siya ng hangin at mapait na ngumiti. “Sira-ulo! May pahawak-hawak sa kamay ko, tapos galit pa pala!" maktol ni Arwena sa isip niya. Paano namang hindi lalong sumimangot si Mr. Tan, hinablot ba naman ang kamay niya. Ang buong akala niya ay hahayaan l
Magbasa pa

Kabanata 44 Co-parenting

“Sir, are you Jake Cuevas?" tanong uli ng pulis na kaharap ni Jake, pero nakatingin naman sa cellphone nito. May kinumperma pa yata kung totoong si Jake Cuevas na ba ang kaharap niya. “Y-yes, ako nga po" utal na sagot ni Jake. Hindi naman niya ipinagkakaila na nagulat siya sa presensya ng mga ito. “Anong po ang atin, officer?" dagdag tanong nito, matapos ang sandaling pagkabigla. Naalala niya rin si Farah; ang tawag nito kanina at ang paghingi ng tulong nito sa kanya. “Ano na naman ang ginawa mo, Farah?!" tanong ni Jake sa sarili. Sikreto na lang na naikuyom ang kamao niya.Ang masayang umaga niya kanina, ngayon ay nasira na dahil na naman kay Farah. “Itatanong lang ho sana namin kung kasama mo ba ngayon si Farah Dizon?” magalang na tanong ng pulis, at bahagya pa itong sumilip sa loob ng inuukupang silid ni Jake. “No, officer," agad na sagot ni Jake at naglahad pa ng kamay para imbitahan ang mga ito na pumasok. Alam niyang walang dalang search warrant ang mga awtoridad, pero gus
Magbasa pa

Kabanata 45 Nakamanman

“Live with you?!” sikmat na tanong ni Archie.Talagang tumayo pa ito at hinarap ang kapatid na napakamot naman sa ulo. Nag-iwas din ito ng tingin, pero mga tingin naman ng mga magulang ni Arwena ang sumalubong sa kanya—tingin na hindi niya mabasa ang ibig sabihin. Ang alam niya lang ay hindi pa rin komportable ang mga ito sa naging sitwasyon na kinakaharap nilang lahat ngayon. Dahil sa mga tingin ng magulang ni Arwena, biglang nakaramdam ng hiya si Mr. Tan, pero kahit nahihiya siya; kahit pakiramdam niya ay nalagay siya sa mainit na sitwasyon. Wala naman siyang balak na bawiin ang sinabi—paninindigan niya n’ya iyon, kahit ano pa ang isipin nila. Sa isip niya kasi, wala naman siyang masamang intensyon; ang gusto niya lang ay makasama si Nathan. Gusto niyang maranasan na maging isang ama, at maparamdaman sa Anak niya ang pagmamahal ng isang ama. Kaya lang, nakalimutan niya na hindi lang pala si Arwena ang kailangan niyang mapa-oo sa gusto niyang mangyari. Hindi lang si Arwena ang dap
Magbasa pa

Kabanata 46 Archie

“Ano ba?!” Kasabay ng sikmat ni Arwena ay ang pagtama ng siko nito sa sikmura ng lalaking lapastangan na biglang yumakap sa kanya. Pero parang hindi man lang ito nakaramdam ng sakit. Mas humigpit pa ang pagyapos nito sa kanya habang nakadiin na ang hawak nitong panyo sa ilong niya. Nagpupumiglas pa rin siya. Sinubukan niyang makawala sa mahigpit na hawak ng lalaki, pero dahil masakit nga ang isa niyang kamay ay kulang pa rin ang lakas niya, kumpara sa lakas ng lalaking may hawak sa kanya. Yapos-yapos pa rin siya nito at diniin pa ang labi nito sa leeg niya, hanggang sa unti-unti na siyang nakaramdam ng panghihina at pagkahilo. Naipikit na lang niya ang mga mata kasabay ang pagpatak ng mga luha. “Sorry, Weng…” Bago tuluyang nanghina si Arwena ay narinig pa nito ang sinabi ni Jake. Hindi lang kasi si Farah ang nakamanman kay Arwena. Hindi lang ito ang may balak na masama kay Arwena, si Jake rin. Katulad ni Farah, kanina pa ito nakaabang; kumukuha ng tyempo na makalapit sa datin
Magbasa pa

Kabanata 47 Farah and Jake

“Archie!" sigaw ni Mr. Tan. Kitang-kita nito kung paano bumagsak sa kalsada si Archie nang mabangga ito ng kotse. Hindi niya mapaliwanag, pero parang ramdam din niya ang sakit na nararamdaman ng kapatid. Winaksi niya ang mga taong nakiusyo sa nangyaring gulo, at agad na niyakap ang kapatid habang na sa kotseng papalayo ang tingin. Maya maya ay nilingon din niya si Arwena na nakahandusay sa tabi ng kotse. Gusto niya rin sanang tulungan si Arwena. Gusto niya rin alamin ang kalagayan nito, pero hindi naman niya mabitiw-bitiwan si Archie. Pakiramdam niya ay mas kailangan siya ng kapatid. “Help!” sabi pa ni Mr. Tan, nanginginig ang mga kamay nito. Hinaplos ang duguan na noo ni Archie, at naikuyom ang kamao na nabahiran ng dugo. Nagtangis din ang bagang nito dahil sa magkahalong galit at pag-aalala. Namukhaan niya kasi ang nagmamaneho ng kotse na sinakyan ni Jake. Walang iba kung hindi si Farah. Sa isip niya, gusto niyang iganti ang kapatid at si Arwena sa sarili nitong paraan. “
Magbasa pa

Kabanata 48 Kapalit

“Archie… gumising ka na, please. Sorry, napahamak ka dahil sa akin. Sorry, nadamay ka sa gulo ko.” Kapos hininga at halos hindi na maintindihan ang sinasabi ni Arwena. Sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kaibigan. Hindi niya rin akalain na magagawang manakit ni Jake intentionally, mapasakanya lang ulit siya. “Gumising ka na, Archie. Kailangan kita; kailangan ko ng kausap, ng karamay, at ng masasandalan. Hindi ko kakayanin kung wala ka. At saka, aalagaan pa natin si Nathan, hindi ba?” Haplos-haplos na naman ni Arwena ang pisngi ni Archie, hindi man lang ito napapagod sa paulit-ulit na pag-so-sorry sa wala pa ring malay na kaibigan. Hindi rin matigil ang iyak nito. Hindi matigil ang mga sinasabi nito kay Archie na parang karayom na tumutusok-tusok sa puso ni Mr. Tan. Alam ni Mr. Tan na walang intention si Arwena na masaktan siya, pero kasi, kung kausapin nito si Archie ay parang walang ibang nakikinig. Parang sila lang dalawa. Sa sobrang lungkot at pag-aalala sa kaibigan ay
Magbasa pa

Kabanata 49 Support

“Archie!" sabay na bulalas ni Arwena at Mr. Tan. Sabay din silang lumingon kay Archie na ngayon ay nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila. “Parang magnet, dikit na dikit?" sabi pa ni Archie habang na kay Arwena na ang tingin. "Landi mo, girl!” dagdag nito, pero kumibot lang ang labi. Wala ni kaunting boses na lumabas mula sa bibig, pero basang-basa pa rin ni Arwena ang kada buka ng labi ng kaibigan na may kasabay na tirik ng mga mata. Agad namang lumayo si Arwena kay Mr. Tan. Tumikhim at lumapit kay Archie. Sikreto nitong tiniim ang labi at pinandilatan ang kaibigan na kagigising nga lang, pero wagas na kung tuksuhin siya ng palihim. Panay tirik pa rin ang mga mata nito. Mabuti na lang at hindi makatingin sa kanya si Mr. Tan, na ngayon ay hindi alam kung iiwas ba ng tingin o yuyuko na lang. “A-Archie… mali ang iniisip mo, hindi ko nilandi si Arwena, tinulungan ko lang siya,” utal na sabi ni Mr. Tan. Tumikhim din ito, sabay ang sulyap kay Arwena. Ang tingin niya ay parang nagsasa
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status