Share

Kabanata 32 Girlfriend

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Parang bumahag ang buntot ni Mr. Tan habang papasok sila ni Ted sa isang fine-dining restaurant, kung saan sila mag-meet ng dating girlfriend at manager nito.

Hindi sa kinakabahan siya, o dahil may feelings pa siya kay Janica. Hindi lang siya komportable, at hindi maganda sa pakiramdam niya na makita ang babae na minahal niya, pero nagawa niyang saktan ng basta lang.

Ang daming babae ang pinaiyak ni Mr. Tan noon, lalo na no’ng bata-bata pa siya, at si Janica ang huling pinaiyak niya—ang huling babae na alam niya na sobrang nasaktan at gumuho ang mundo dahil sa ginawa niya.

“Mr. Tan, ayos ka lang po ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Masakit ang tiyan? Masakit ang ulo o natatae ka? Ang lamig naman dito, pero pinagpapawisan ka." Puna ni Ted sa boss niya.

Pinahid niya pa ang pawis sa noo nito, pero tinampal lang ang kamay niya ng bugnutin na si Mr. Tan. Hindi pa ito kontento sa pagtampal sa kamay niya, ang sama-sama pa ng tingin nito sa kanya na parang ang laki-laki na naman kasalan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Nagsisilos na si Arwena dahil iba Ang kanyang tingin sa mga kamay nila ni Mr Tan at Janica. Tama Ang sabi ni Archie.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 33 Trapped

    Napakamot sa ulo si Archie, hindi ito makapaniwala na sa edad na five ay alam na ni Nathan ang salitang girlfriend. Napalingon din siya kay Arwena na ewan at bakit hindi maalis-alis ang tingin nito sa kamay ng babaeng kasama ng kapatid niya. “Hi, handsome,” nakangiting sabi ni Janica, hinaplos-haplos pa nito ang braso ni Mr. Tan, na para bang sinasabi nito na girlfriend nga siya ng Uncle nito. “Hello, po," magalang na sagot naman ni Nathan habang nakatingala sa matangkad na babae na kasama ni Mr. Tan, saka naman niya nilingon ang Uncle Tan niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin sinagot ang tanong niya. “Uncle Tan?" patanong na tawag nito sa pangalan ng Tiyuhin niya. “Tandre, tinatanong ka ng bata," nakangiting sabi ni Janica. Na kay Mr. Tan na rin ang tingin nito na para bang naghihintay sa sagot nito. Pero wala. Hindi sumagot si Mr. Tan na ikinadismaya ni Janica. Maski ang sabihin nito na magkaibigan lang sila ay hindi pa magawa. Nanatili lang itong tahimik habang nakatingin

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 34 Nagwawalang Puso

    Sabay tumiim ang mga mata at labi ni Arwena nang dahan-dahang inilipat ni Mr. Tan ang mukha nito sa kanya. Napigil din ni Arwena ang hininga niya habang hinihintay ang paglapat ng labi ni Mr. Tan sa kanya. Pati ang mga daliri sa kamay at paa niya ay kumuyom. Pero umabot na yata ng dalawang minuto ay hindi pa rin naglapat ang mga labi nila. Kaya napilita siyang ang mga mata. At tumambad nga sa kanya ang nakangiting si Mr. Tan. Ngiting-ngiti na parang ang saya-saya sa naging reaksyon niya. “Sira ka ba? Umalis ka nga sa harap ko!" nahihiyang sabi ni Arwena, at nag-iwas ng tingin kay Mr. Tan. Hindi lang kasi simpleng hiya ang nararamdaman niya. Hiyang-hiya sa puntong parang nalulusaw siya. Nag-assume kasi siya na hahalikan siya ni Mr. Tan; hindi naman pala. “Ngayon ay tinutulak mo na ako palayo, pero kanina, klarong-klaro na you were waiting for my lips to touch yours,” nakangiting sabi ni Mr. Tan at kinagat pa ang ibabang labi matapos magsalita. “Loko mo!” sikmat ni Arwena at tinul

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 35 Banta

    Kanina pa nakarating sina Tandre sa mansyon nito, at kanina pa nakatingin sa kanya si Ted. Paulit-ulit pa itong napakamot sa ulo. Paanong hindi ito mapakamot; kanina pa wala sa sarili si Tandre. Kanina pa nito kapa ang labi, at hindi pa tumigil sa kangingiti habang nakatingala sa malaking chandelier na nakasabit sa kisame.Pati nga si Ted ay napatingin na rin doon. Para kasing may ibang nakikita si Mr. Tan na hindi niya nakikita. Parang baliw na nga ang boss niya. Nahawa pa siya."Mr. Tan, are you alright?" Ted couldn't help but ask. Pero para namang bingi si Mr. Tan na hindi siya narinig. "Mr. Tan, do you need anything? Water, wine, or sleeping pills? I'll ask Manang to bring them over," dagdag sabi pa ni Ted.Alam nga kasi ni Ted na hirap makatulog si Mr. Tan sa gabi. Kaya madalas ay umiinom ito tuwing gabi ng wine o hindi kaya ay mag-take ng sleeping pills.Pero imbes nga na sumagot ito ay ngumiti lang habang kinagat-kagat ang ibabang labi.“Mr. Tan, ano ba ang nangyari sa labi mo?

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 36 Birthday Party

    Kinabukasan. Sinadya nila Arwena na magpahuli ng dating. Para iwas na rin makipagplastikan sa mga kamag-anak niya. Iyon nga ang pinaka-ayaw niyang mangyari—ayaw niya na maging katulad ng pag-uugali nila. At heto na nga sila, kararating lang sa birthday party ng mama niya ay agaw pansin agad ang presensya nila. Nagsimula agad ang bulungan, pagpasok palang nila sa bakuran sa bahay ng mga magulang niya. Lalo nang dumaan sila sa malaking hardin kung saan naroon ang ibang mga bisita at kasalukuyang kumakain. Lahat ng tingin ng mga ito ay nasa kanilang tatlo ni Archie at Nathan na. Paano nga bang hindi maagaw ang pansin ng mga taong naroon, bukod sa taglay na ganda ni Arwena, lalong pang tumingkad ang ganda nito dahil sa suot na white off-shoulder long sleeve lace midi dress. Her simple yet elegant aura was truly captivating. Hindi na nga makakain ang ilan dahil puro tingin na lang sa kanila ang ginagawa ng mga ito, lalo na ang mga kamag-anak ni Arwena na ngayon lang ulit siya nakita

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 37 Eskandalo

    Natigilan si Arwena sa naging tanong ng Papa niya na halatang sinisisi siya sa nangyari kay Farah. Makikita rin sa mga mata nito ang pag-alala sa anak-anakan. Habang ang Mama nito ay parang walang pakialam kay Farah. Nakatuon lang ang paningin nito sa cellphone niya na parang ang importanting binabasa. Na pailing-iling kasi at panakanaka na tinitingnan si Farah ng matalim. “Ano ba ang nangyari sa inyo, Arwena? Bakit umabot kayo sa ganito?" tanong ulit ng Papa niya, na ngayon ay nasa kanya na ang tingin—tingin na parang nadidismaya na naman dahil sa paniniwala nito na kayang manakit ni Arwena. Sa isip ni Arwena, ang bilis namang nagbago ng pakikitungo ng Papa niya kay Farah. Kanina ang lamig nito, ngayon ay concern naman agad ito. Kaya imbes na sumagot siya, hindi na nito ginawa. Nanatili na lang itong nakatingin sa dating kaibigan na humahagulgol pa rin habang hawak-hawak ang duguang kamay. May panginig kamay din kasi itong nalalaman na parang nasasaktan ng sobra. “Jake, ano p

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 38 Galit

    Kung gulat at hindi na makapagsalita si Arwena dahil sa sinabi ng Mama niya na si Mr. Tan ang nagsiwalat sa masamang ugali ni Farah. Hindi naman mapigilan ni Mr. Tan na mapangiti habang tanaw si Farah at Jake na nagtatalo malapit sa bahay nila Arwena. Natutuwa siya dahil ang dalawang tao na nagpapahirap, nanloko, at nanakit kay Arwena ay kinakarma na. Bumabalik na sa kanila ang lahat na pinaramdam nila kay Arwena. Napag-alaman kasi niya na kaarawan ni Lorna ngayon. Agad nitong naisip ang maaring gawin ni Farah. Alam niya na gagawa at gagawa ng eksena si Farah, mapahiya lang si Arwena. At hindi na siya papayag na mangyari ulit ang nasaksihan niya sa coffee shop noon. Kaya gumawa na siya ng paraan. Lahat ay sinabi niya sa Mama ni Arwena, maliban ang nangyari sa kanila. Hindi man siya magawang mahalin ni Arwena; may nagawa naman siyang kabutihan para sa babaeng mahal niya. Naparamdam pa rin niya rito ang totoong nararamdaman niya. “Tama na Farah! Tumigil ka na! Wala ka na ba tala

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 39 My Son

    “Nathan!" sigaw ni Arwena nang makita ang humaharurot na kotse na babangga na sa gate nila. Agad nitong binuhat si Nathan at tumakbo palayo sa gate, kasabay ang ibang mga bata at mga magulang nito na kausap niya kanina, pero nahagip pa rin sila, nang natumba ang bakal na gate dahil sa lakas ng impact ng kotse roon. Sigawan at iyakan ang kasunod na naririnig sa buong compound ng mga Dela Torre. Nataranta lahat lalo nang makitang may mga nasugatan sa nangyari. “No… Nathan! Gumising ka, baby!” Nagsabay ang iyak at sigaw ng tulong ni Arwena habang kalong ang walang malay at duguan na si Nathan. Samantala, agad namang umatras at lumayo sa gate ang kotse ni Farah. Pero bago ito tuluyang nakalayo, kitang-kita na pa ni Arwena, ang mukha nito. Kahit duguan ang mukha at yupi ang harapan ng kotse, hindi man lang makitaan ng takot at pagsisisi sa ginawa niya. Sagad sa buto ang kasamaan nito. Hindi lang si Nathan at Arwena ang nasaktan. May ibang nadamay na wala namang kinalaman sa naging

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 40 The Truth

    “Wena…” Pandidilat ng mga mata ang kasabay ng pagbigkas ni Archie sa pangalan ng kaibigan. "May palihim-lihim ka pa na nalalaman. Ang praning mo naman pala. Ikaw rin lang naman pala ang nagbunyag ng katotohanan," pabulong na sabi ni Archie sa kaibigang tiim na tiim na ang labi at hindi na magawang tingnan ang magkapatid. Hiyang-hiya siya mga pinagsasabi niya, at gusto pa sanang batukan ang sarili. Tama nga kasi si Achie, dahil sa kapraningan niya, alam na ni Tandre ang totoo. Nasayang lang ang ilang buwan nila na paglihim dito na tunay niyang Anak si Nathan. Ang mas nakakainis ay siya lang din naman pala ang naging dahilan na nabunyag totoo. Napasandal na lang si Archie sa dingding at paulit-ulit na napailing habang nakatingin naman sa kapatid na alam niyang naghalo-halo ang nararamdaman. Bakas ang tuwa sa mukha dahil na confirm na nito na Anak nga niya si Nathan. Pero bakas din ang dismaya, galit, at lungkot sa mga mata; ipinagkait ba naman sa kanya ang katotohanan na nagbunga

Pinakabagong kabanata

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Special Chapter

    “My queen," yakap at halik sa batok ko ang kasabay ng malambing na boses na ‘yon. Antok na sana ako, kaya lang hindi ko naman matanggihan itong asawa ko na kararating lang mula sa trabaho ay ako naman ang gustong trabahuin. “Ang bango mo, my queen," pinahangin nitong sabi na sumabay sa pagharap ko sa kanya. Kagat-kagat na niya ang ibabang labi at may tingin na nang-aakit. Awtomatiko namang umangat ang mga kamay ko at kumapit sa batok niya. Mas kumislap pa ang mga mata na agad namang nagpangiti sa akin. Para naman kasi akong hinihigop sa klase ng tingin niya. Tingin na nagsasabing mahal na mahal niya ako. Tingin na nagsasabi na ako lang ang pinakamaganda sa paningin niya, at tingin na nagsasabing sabik na siyang angkinin na naman ako. “Nilalasing mo ako sa bango mo, my queen. Pinag-iinit mo ako lagi. Pinasasabik…” Ayon na nga at sininghot na nito ang leeg ko na parang inuubos ang lahat ng bango ko. May kasama na rin ‘yong himod sa nguso na nagpabungisngis sa akin. Naki

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 80 My Second Chance, My Forever

    “My queen,” malambing na tawag ni Tandre sa asawang si Arwena na agad namang ngumiti nang makita ang matamis nitong ngiti. Kanina niya pa ito pinagmamasdan. Kanina pa siya naghihintay na matapos ito sa ginagawa. At ngayong tapos na, heto at hindi na niya naawat ang sarili at nilapitan na niya agad. Napailing-iling pa si Arwena. Alam niya kasi na kanina pa sabik ang asawa na lapitan siya. Kanina pa ito gustong yakapin at halikan siya, pero dahil sa banta niya, na kapag lumapit ito sa kanya ay hindi siya sasama sa gaganaping launching ng Denovan Jewelry. Kaya wala itong nagawa, kung hindi ang manatiling tahimik habang pinagmamasdan lang siya. Pero katulad ni Tandre, hindi rin maawat ni Arwena na sumulyap sa asawang gandang-ganda sa kanya. Pangiti-ngiti kasi habang titig na titig sa reflection niya sa salamin. “Tapos ka na?” malabing nitong tanong, sabay ang banayad na paghawak sa balikat ni Arwena, at banayad iyong hinaplos-haplos. Matamis na ngiti lang ang sagot ni Arwena na may

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 79 Our Dream

    Matapos ang isang malakas na putok na nagpapikit ng matiim sa mga mata ni Arwena, sunod-sunod na pagsabog naman ang sumunod na umalingawngaw sa loob ng conference room na nagpahinto naman sa paghinga niya. Umiiyak siya pero walang boses na lumabas. Yumugyog lang ang balikat at awang ang labi. Si Tandre naman ay mahigpit na yumakap kay Arwena. Napigil din nito ang paghinga. Akala kasi niya ay katapusan na nila. Akala niya ay ito ang huling araw na makasama ang pinakamamahal niya. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa marinig nila ang mga sigaw, mga utos ng mga pulis at bomb squad na nasa loob ng conference room. Sa bilis ng pangyayari na hindi inasahan ni Farah, wala itong nagawa nang agawin sa kanya ang baril at detonator, at ngayon nga ay kasalukuyan nang dini-difuse ang mga bomb. “Tandre!” Matapos ang matinding takot at pagkagulat, sa wakas ay nagawa ring magsalita ni Arwena. Kaya lang, hindi pa rin siya makagalaw. Hindi pa rin niya kayang tumingin sa pa

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 78 Second Chance

    “No, Wena! ‘Wag kang pumasok—” sigaw ni Tandre, pero agad natahimik dahil sa baril na tumutok sa kanya. “Tumahimik ka!” singhal ni Farah. Gigil na gigil ito na parang ano mang oras ay kalalabitin na ang gatilyo. “Kanina ka pa! Napupuno na ako sa’yo!” “Don’t do this, Farah, please! I’m begging you. I’m willing to do anything. Hayaan mo lang si Arwena,” buong puso na pakiusap ni Tandre. Ni kaunti ay hindi nakaramdam si Tandre ng takot para sa sarili niya. Natatakot siya para kay Arwena. Natatakot siya sa maaring gawin ni Farah sa asawa niya. Ang isipin pa lang ang maaring gawin nito kay Arwena, ang sikip-sikip na ng dibdib niya. Naikuyom naman sandali ni Janica ang kamao. Nasasaktan kasi siya na marinig ang pagmamakaawa ng lalaking mahal niya para sa ibang babae. “I said, shut up!” Nanlaki ang mga mata ni Farah. “Kahit anong pagmamakaawa ang gawin mo; kahit ibigay mo pa sa akin ang kayamanan mo, o kahit ibalik n’yo pa ang buhay ni Jake, hindi ko pa rin tatantanan si Arwena. Ala

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 77 Reunion

    “F-Farah!” Bulalas ni Janica. Parang na alimpungatan mula sa mahimbing na tulog dahil sa malakas na putok na narinig. Umawang pa ang labi at nanlaki ang mga mata na napatitig sa lalaking nakahandusay sa sahig at duguan. “What the...” Takip-takip na rin ang mga palad nito sa tainga niya, at saka, nilibot ang paningin sa paligid. Hindi niya alam kung paano umabot sa ganito ang gulo na ginawa niya kanina. Napalingon din siya kay Tandre na ngayon ay nakayuko at nakalapat ang mga kamao sa sahig. Bakat din ang mga ugat nito sa braso.Doon niya binuhos ang lahat ng galit kay Farah na walang awang binaril ang tauhan niya na wala namang kinalaman sa problema nila. “How?” Hindi magawang ibigkas ni Janica ang salitang gusto niyang sabihin. Paulit-ulit na lang siyang napapailing habang nangingilid ang mga luha. Kitang-kita niya kasi ang butas at dugo sa suit ni Tandre. Napatingin pa siya sa kamay niya na sumaksak sa likod nito. Hindi niya akalain na magagawa niyang sasakin si Tandre sa hairsti

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 76 Demand

    Matapos marinig ang sinabi ng staff ay sunod-sunod naman na umalingaw ang serena ng mga police car, bombero, at mga sigawan ng mga tao na sapilitang pinalalayo sa gusali. Napatakip na lang sa bibig si Arwena, habang si Gomez at Fuentez ay kanina pa nakikiusap na umalis na sila dahil dilikado na rito sa loob. Kaya lang paulit-ulit siyang tumanggi. “Hindi ako lalabas, hanggat hindi ko kasama si Tandre,” pagmamatigas ni Arwena na sumabay sa pagpasok ng mga awtoridad at bomb squad sa gusali. Lahat ng lugar, lahat ng sulok ng hotel ay sinigurado nila na walang tao. Maliban sa conference na kinaroroonan nila ngayon. “Mrs. Denovan, kung maari lumabas na po kayo,” pakiusap ng officer in charge na kausap ni Gomez at Fuentez kanina. Ang mga medics naman ay lumabas na para mag-antabay sa maaring kahihinatnan ng gulo na nangyayari ngayon. “I said no! I’m not going anywhere without my husband,” madiin na sabi ni Arwena. Ayaw niya rin magpahawak sa mga bodyguard. Hilam sa luha ang mga

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 75 Press Conference

    Kasabay ng halik ni Janica kay Mr. Tan ay flash ng mga camera at sabay-sabay na mga tanong ng press na hindi na halos maintindihan. Maririnig rin ang hiyawan sa labas ng hotel. Live nga kasing napapanood ang press conference, kaya sigurado si Mr. Tan na ang iniisip ng mga fans, ang halik sa kanya ni Janica, at ang yakap nito sa kanya ay confirmation ng relationship nila. Buo na sana ang desisyon ni Mr. Tan na sundin ang suggestion ni Ted. Kaya lang, nagbago ang isip niya dahil sa ginawa ni Janica ngayon. Iba umataki si Janica. Hindi sa salita, kung hindi sa gawa. Mapait na ngumiti si Mr. Tan, kasabay ang paghawak sa balikat ni Janica at bahagyang itinulak ito palayo. Makikita kaagad ang pagsimangot ni Janica. Matalim rin ang tingin nito na parang pinagbabantaan si Mr. Tan. “You know what, Janica, bibigyan pa sana kita ng pangalawang pagkakataon na ma-redeem ang sarili mo sa kahihiyang pinapasok mo.” Matalim na tingin ang kasabay ng sinabing iyon ni Mr. Tan, sabay senyas kay Ted. “

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 74 Smile

    “Bakit nandito si Janica? Didn’t I tell you to heightened the security? " Paulit-ulit ko kayong pinaalalahanan, gawin n’yo ang lahat para hindi makapasok ang babae na ‘yon dito?!" gigil na tanong ni Tandre kay Ted.Kararating niya lang sa Hotel Denovan, at gusto na niya agad na palayasin si Janica. Ang laki nga ng mga hakbang niya, papunta sa conference room kung saan naghihintay ang press at ang babae na kinamumuhian niya. Halos patakbo namang sumunod si Ted, at ang ilang mga bodyguard niya. “I’m sorry, Mr. Tan, lahat ng utos n’yo po ay sinunod namin. We’ve done all the necessary actions, para hindi makapasok si Ms. Janica, but she disguised herself as one of the press, and it was too late for us to recognize her. Wala na kaming magawa. Press are taking pictures habang papunta siya sa harap, nakangiting umakyat sa platform, at prenteng umupo roon.” Tingin lang ang sagot ni Mr. Tan sa paliwanag ni Ted. Ni ang huminto sandali paglalakad ay hindi nito ginawa. Ayaw na niyang mag-aksaya

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 73 Problem

    “Daddy, Archie!” Masiglang sigaw ni Nathan.“N-Nathan…” utal na sagot ni Archie at agad na hinarap ang pamangkin. Sinalubong niya rin ito, pero ang kamay ay sikretong sumenyas kay Tandre at Arwena na magtago muna. Agad namang sumunod ang mag-asawa. Pumasok sila sa walk-in closet habang inaaliw naman ni Archie ang bata. Pinipigilan niya itong pumasok sa kwarto para hindi makita ang ayos ng mga magulang nito. Siguro ay kinikilti na naman ni Archie ang bata. Rinig na rinig pa kasi ni Tandre at Arwena ang hagikhik ni Nathan, at maya maya ay unti-unting naglaho ang boses ng magtiyuhin.Nakapa naman ni Arwena ang dibdib, napabuga ng hangin at matalim ang tingin kay Tandre na pangiti-ngiti lang, pero halata namang kinabahan kanina.Alam nila na pereho na siguradong matutuwa si Nathan kapag nalaman nito na bati na sila. Kaya lang, nahihiya sila na makita ng Anak sa ganoong ayos. Kung malalaman o sasabihin man nila kay Nathan ang magandang balita, ‘yong nasa maayos naman silang pustura, hind

DMCA.com Protection Status