Kung gulat at hindi na makapagsalita si Arwena dahil sa sinabi ng Mama niya na si Mr. Tan ang nagsiwalat sa masamang ugali ni Farah. Hindi naman mapigilan ni Mr. Tan na mapangiti habang tanaw si Farah at Jake na nagtatalo malapit sa bahay nila Arwena. Natutuwa siya dahil ang dalawang tao na nagpapahirap, nanloko, at nanakit kay Arwena ay kinakarma na. Bumabalik na sa kanila ang lahat na pinaramdam nila kay Arwena. Napag-alaman kasi niya na kaarawan ni Lorna ngayon. Agad nitong naisip ang maaring gawin ni Farah. Alam niya na gagawa at gagawa ng eksena si Farah, mapahiya lang si Arwena. At hindi na siya papayag na mangyari ulit ang nasaksihan niya sa coffee shop noon. Kaya gumawa na siya ng paraan. Lahat ay sinabi niya sa Mama ni Arwena, maliban ang nangyari sa kanila. Hindi man siya magawang mahalin ni Arwena; may nagawa naman siyang kabutihan para sa babaeng mahal niya. Naparamdam pa rin niya rito ang totoong nararamdaman niya. “Tama na Farah! Tumigil ka na! Wala ka na ba tala
“Nathan!" sigaw ni Arwena nang makita ang humaharurot na kotse na babangga na sa gate nila. Agad nitong binuhat si Nathan at tumakbo palayo sa gate, kasabay ang ibang mga bata at mga magulang nito na kausap niya kanina, pero nahagip pa rin sila, nang natumba ang bakal na gate dahil sa lakas ng impact ng kotse roon. Sigawan at iyakan ang kasunod na naririnig sa buong compound ng mga Dela Torre. Nataranta lahat lalo nang makitang may mga nasugatan sa nangyari. “No… Nathan! Gumising ka, baby!” Nagsabay ang iyak at sigaw ng tulong ni Arwena habang kalong ang walang malay at duguan na si Nathan. Samantala, agad namang umatras at lumayo sa gate ang kotse ni Farah. Pero bago ito tuluyang nakalayo, kitang-kita na pa ni Arwena, ang mukha nito. Kahit duguan ang mukha at yupi ang harapan ng kotse, hindi man lang makitaan ng takot at pagsisisi sa ginawa niya. Sagad sa buto ang kasamaan nito. Hindi lang si Nathan at Arwena ang nasaktan. May ibang nadamay na wala namang kinalaman sa naging
“Wena…” Pandidilat ng mga mata ang kasabay ng pagbigkas ni Archie sa pangalan ng kaibigan. "May palihim-lihim ka pa na nalalaman. Ang praning mo naman pala. Ikaw rin lang naman pala ang nagbunyag ng katotohanan," pabulong na sabi ni Archie sa kaibigang tiim na tiim na ang labi at hindi na magawang tingnan ang magkapatid. Hiyang-hiya siya mga pinagsasabi niya, at gusto pa sanang batukan ang sarili. Tama nga kasi si Achie, dahil sa kapraningan niya, alam na ni Tandre ang totoo. Nasayang lang ang ilang buwan nila na paglihim dito na tunay niyang Anak si Nathan. Ang mas nakakainis ay siya lang din naman pala ang naging dahilan na nabunyag totoo. Napasandal na lang si Archie sa dingding at paulit-ulit na napailing habang nakatingin naman sa kapatid na alam niyang naghalo-halo ang nararamdaman. Bakas ang tuwa sa mukha dahil na confirm na nito na Anak nga niya si Nathan. Pero bakas din ang dismaya, galit, at lungkot sa mga mata; ipinagkait ba naman sa kanya ang katotohanan na nagbunga
“Nathan…” Agad tumayo si Arwena nang makita si Nathan na nakahiga sa wheeled stretcher habang tulak ng mga medical personnel. Dadalhin na ang bata sa operating room. “Anak, be strong, okay…” naiiyak na sabi pa ni Arwena. Sumabay na rin siya sa paglalakad kasama ang mga personnel, at huminto naman sa bungad ng operating room nang pumasok na roon sila Nathan. Naiwan si Arwena na umiiyak, takip ang mga palad sa bibig at hindi matigil pagdarasal na sana ay maging maayos ang operation ni Nathan, at sana gabayan ng panginoon ang doctor at mga kasama nito sa pag-opera kay Nathan. “Wena, tahan na…” Yakap mula sa likod ang kasabay ng salitang ‘yon ni Archie, saka naman nito pinihit paharap sa kanya si Arwena. “Nathan will be fine. Alam mo naman kung gaano ka tapang ang Anak mo, hindi ba? Kaya maging matapang ka rin para sa kanya—maging matapang tayo para kay Nathan.” Paulit-ulit na pinahid ni Archie ang mga luha ni Arwena na ayaw tumigil sa pagpatak kahit anong pahid pa ang gawin niya. Ni
Natiim na lang ni Arwena ang labi habang nakatingin sa kaibigan na ngayon ay nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Mr. Tan. Mabuti na lang at parang walang narinig ang doktor at ang nurse, agad nilang inaasikaso si Nathan. Nagsagawa ng check-up sa bata, at nang masiguro na walang nakikitang komplikasyon o kakaiba sa kilos at kondisyon ng katawan ng bata ay saka lang hinarap si Arwena at Archie. “Kumusta na po ang an... si Nathan, dok?" tanong ni Archie. Pero nag-aalangan namang tawagin na anak si Nathan, dahil sa presensya ni Mr. Tan. Nahihiya siyang tawagin na anak si Nathan gayong nandito ang tunay na ama ng bata. Ngayon lang naiintindihan ni Archie ang kaibigan, kung bakit ayaw nitong sabihin kay Mr. Tan ang tungkol kay Nathan. Komplikado! Ang gulo-gulo ng mga nangyayari. Ang plano niya na gantihan o galitin si Tandre sa pamamagitan ni Nathan, ngayon ay hindi na niya magagawa. Ang masama, siya pa rin ang dehado dahil wala siyang karapatan sa bata. Tito lang siya, at s
Napatingin na lang si Arwena sa kamay niya na ngayon ay pinisil-pisil na ni Mr. Tan. At sa kada pisil nito sa kamay niya, ay parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan niya.Lumakas din ang pintig ng puso niya, at parang nahihirapan na siyang habulin ito. Hindi niya gusto itong nararamdaman niya. Hinablot nito ang kamay niya, tumikhim at lumapit sa mga magulang. Pero bago siya tuluyang lumapit sa mga magulang niya ay muli pa siyang lumingon kay Mr. Tan. Gusto niya lang tingnan ang reaksyon nito. Gusto niyang alamin kung may kislap na ba ulit ang mata nito, at gusto niyang alamin kung pareho ba sila ng nararamdaman ngayon. Pero dismaya lang ang inabot niya. Seryoso pa rin kasi ito at parang galit pa rin sa kanya. Napabuga na lang siya ng hangin at mapait na ngumiti. “Sira-ulo! May pahawak-hawak sa kamay ko, tapos galit pa pala!" maktol ni Arwena sa isip niya. Paano namang hindi lalong sumimangot si Mr. Tan, hinablot ba naman ang kamay niya. Ang buong akala niya ay hahayaan l
“Sir, are you Jake Cuevas?" tanong uli ng pulis na kaharap ni Jake, pero nakatingin naman sa cellphone nito. May kinumperma pa yata kung totoong si Jake Cuevas na ba ang kaharap niya. “Y-yes, ako nga po" utal na sagot ni Jake. Hindi naman niya ipinagkakaila na nagulat siya sa presensya ng mga ito. “Anong po ang atin, officer?" dagdag tanong nito, matapos ang sandaling pagkabigla. Naalala niya rin si Farah; ang tawag nito kanina at ang paghingi ng tulong nito sa kanya. “Ano na naman ang ginawa mo, Farah?!" tanong ni Jake sa sarili. Sikreto na lang na naikuyom ang kamao niya.Ang masayang umaga niya kanina, ngayon ay nasira na dahil na naman kay Farah. “Itatanong lang ho sana namin kung kasama mo ba ngayon si Farah Dizon?” magalang na tanong ng pulis, at bahagya pa itong sumilip sa loob ng inuukupang silid ni Jake. “No, officer," agad na sagot ni Jake at naglahad pa ng kamay para imbitahan ang mga ito na pumasok. Alam niyang walang dalang search warrant ang mga awtoridad, pero gus
“Live with you?!” sikmat na tanong ni Archie.Talagang tumayo pa ito at hinarap ang kapatid na napakamot naman sa ulo. Nag-iwas din ito ng tingin, pero mga tingin naman ng mga magulang ni Arwena ang sumalubong sa kanya—tingin na hindi niya mabasa ang ibig sabihin. Ang alam niya lang ay hindi pa rin komportable ang mga ito sa naging sitwasyon na kinakaharap nilang lahat ngayon. Dahil sa mga tingin ng magulang ni Arwena, biglang nakaramdam ng hiya si Mr. Tan, pero kahit nahihiya siya; kahit pakiramdam niya ay nalagay siya sa mainit na sitwasyon. Wala naman siyang balak na bawiin ang sinabi—paninindigan niya n’ya iyon, kahit ano pa ang isipin nila. Sa isip niya kasi, wala naman siyang masamang intensyon; ang gusto niya lang ay makasama si Nathan. Gusto niyang maranasan na maging isang ama, at maparamdaman sa Anak niya ang pagmamahal ng isang ama. Kaya lang, nakalimutan niya na hindi lang pala si Arwena ang kailangan niyang mapa-oo sa gusto niyang mangyari. Hindi lang si Arwena ang dap
“My queen," yakap at halik sa batok ko ang kasabay ng malambing na boses na ‘yon. Antok na sana ako, kaya lang hindi ko naman matanggihan itong asawa ko na kararating lang mula sa trabaho ay ako naman ang gustong trabahuin. “Ang bango mo, my queen," pinahangin nitong sabi na sumabay sa pagharap ko sa kanya. Kagat-kagat na niya ang ibabang labi at may tingin na nang-aakit. Awtomatiko namang umangat ang mga kamay ko at kumapit sa batok niya. Mas kumislap pa ang mga mata na agad namang nagpangiti sa akin. Para naman kasi akong hinihigop sa klase ng tingin niya. Tingin na nagsasabing mahal na mahal niya ako. Tingin na nagsasabi na ako lang ang pinakamaganda sa paningin niya, at tingin na nagsasabing sabik na siyang angkinin na naman ako. “Nilalasing mo ako sa bango mo, my queen. Pinag-iinit mo ako lagi. Pinasasabik…” Ayon na nga at sininghot na nito ang leeg ko na parang inuubos ang lahat ng bango ko. May kasama na rin ‘yong himod sa nguso na nagpabungisngis sa akin. Naki
“My queen,” malambing na tawag ni Tandre sa asawang si Arwena na agad namang ngumiti nang makita ang matamis nitong ngiti. Kanina niya pa ito pinagmamasdan. Kanina pa siya naghihintay na matapos ito sa ginagawa. At ngayong tapos na, heto at hindi na niya naawat ang sarili at nilapitan na niya agad. Napailing-iling pa si Arwena. Alam niya kasi na kanina pa sabik ang asawa na lapitan siya. Kanina pa ito gustong yakapin at halikan siya, pero dahil sa banta niya, na kapag lumapit ito sa kanya ay hindi siya sasama sa gaganaping launching ng Denovan Jewelry. Kaya wala itong nagawa, kung hindi ang manatiling tahimik habang pinagmamasdan lang siya. Pero katulad ni Tandre, hindi rin maawat ni Arwena na sumulyap sa asawang gandang-ganda sa kanya. Pangiti-ngiti kasi habang titig na titig sa reflection niya sa salamin. “Tapos ka na?” malabing nitong tanong, sabay ang banayad na paghawak sa balikat ni Arwena, at banayad iyong hinaplos-haplos. Matamis na ngiti lang ang sagot ni Arwena na may
Matapos ang isang malakas na putok na nagpapikit ng matiim sa mga mata ni Arwena, sunod-sunod na pagsabog naman ang sumunod na umalingawngaw sa loob ng conference room na nagpahinto naman sa paghinga niya. Umiiyak siya pero walang boses na lumabas. Yumugyog lang ang balikat at awang ang labi. Si Tandre naman ay mahigpit na yumakap kay Arwena. Napigil din nito ang paghinga. Akala kasi niya ay katapusan na nila. Akala niya ay ito ang huling araw na makasama ang pinakamamahal niya. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa marinig nila ang mga sigaw, mga utos ng mga pulis at bomb squad na nasa loob ng conference room. Sa bilis ng pangyayari na hindi inasahan ni Farah, wala itong nagawa nang agawin sa kanya ang baril at detonator, at ngayon nga ay kasalukuyan nang dini-difuse ang mga bomb. “Tandre!” Matapos ang matinding takot at pagkagulat, sa wakas ay nagawa ring magsalita ni Arwena. Kaya lang, hindi pa rin siya makagalaw. Hindi pa rin niya kayang tumingin sa pa
“No, Wena! ‘Wag kang pumasok—” sigaw ni Tandre, pero agad natahimik dahil sa baril na tumutok sa kanya. “Tumahimik ka!” singhal ni Farah. Gigil na gigil ito na parang ano mang oras ay kalalabitin na ang gatilyo. “Kanina ka pa! Napupuno na ako sa’yo!” “Don’t do this, Farah, please! I’m begging you. I’m willing to do anything. Hayaan mo lang si Arwena,” buong puso na pakiusap ni Tandre. Ni kaunti ay hindi nakaramdam si Tandre ng takot para sa sarili niya. Natatakot siya para kay Arwena. Natatakot siya sa maaring gawin ni Farah sa asawa niya. Ang isipin pa lang ang maaring gawin nito kay Arwena, ang sikip-sikip na ng dibdib niya. Naikuyom naman sandali ni Janica ang kamao. Nasasaktan kasi siya na marinig ang pagmamakaawa ng lalaking mahal niya para sa ibang babae. “I said, shut up!” Nanlaki ang mga mata ni Farah. “Kahit anong pagmamakaawa ang gawin mo; kahit ibigay mo pa sa akin ang kayamanan mo, o kahit ibalik n’yo pa ang buhay ni Jake, hindi ko pa rin tatantanan si Arwena. Ala
“F-Farah!” Bulalas ni Janica. Parang na alimpungatan mula sa mahimbing na tulog dahil sa malakas na putok na narinig. Umawang pa ang labi at nanlaki ang mga mata na napatitig sa lalaking nakahandusay sa sahig at duguan. “What the...” Takip-takip na rin ang mga palad nito sa tainga niya, at saka, nilibot ang paningin sa paligid. Hindi niya alam kung paano umabot sa ganito ang gulo na ginawa niya kanina. Napalingon din siya kay Tandre na ngayon ay nakayuko at nakalapat ang mga kamao sa sahig. Bakat din ang mga ugat nito sa braso.Doon niya binuhos ang lahat ng galit kay Farah na walang awang binaril ang tauhan niya na wala namang kinalaman sa problema nila. “How?” Hindi magawang ibigkas ni Janica ang salitang gusto niyang sabihin. Paulit-ulit na lang siyang napapailing habang nangingilid ang mga luha. Kitang-kita niya kasi ang butas at dugo sa suit ni Tandre. Napatingin pa siya sa kamay niya na sumaksak sa likod nito. Hindi niya akalain na magagawa niyang sasakin si Tandre sa hairsti
Matapos marinig ang sinabi ng staff ay sunod-sunod naman na umalingaw ang serena ng mga police car, bombero, at mga sigawan ng mga tao na sapilitang pinalalayo sa gusali. Napatakip na lang sa bibig si Arwena, habang si Gomez at Fuentez ay kanina pa nakikiusap na umalis na sila dahil dilikado na rito sa loob. Kaya lang paulit-ulit siyang tumanggi. “Hindi ako lalabas, hanggat hindi ko kasama si Tandre,” pagmamatigas ni Arwena na sumabay sa pagpasok ng mga awtoridad at bomb squad sa gusali. Lahat ng lugar, lahat ng sulok ng hotel ay sinigurado nila na walang tao. Maliban sa conference na kinaroroonan nila ngayon. “Mrs. Denovan, kung maari lumabas na po kayo,” pakiusap ng officer in charge na kausap ni Gomez at Fuentez kanina. Ang mga medics naman ay lumabas na para mag-antabay sa maaring kahihinatnan ng gulo na nangyayari ngayon. “I said no! I’m not going anywhere without my husband,” madiin na sabi ni Arwena. Ayaw niya rin magpahawak sa mga bodyguard. Hilam sa luha ang mga
Kasabay ng halik ni Janica kay Mr. Tan ay flash ng mga camera at sabay-sabay na mga tanong ng press na hindi na halos maintindihan. Maririnig rin ang hiyawan sa labas ng hotel. Live nga kasing napapanood ang press conference, kaya sigurado si Mr. Tan na ang iniisip ng mga fans, ang halik sa kanya ni Janica, at ang yakap nito sa kanya ay confirmation ng relationship nila. Buo na sana ang desisyon ni Mr. Tan na sundin ang suggestion ni Ted. Kaya lang, nagbago ang isip niya dahil sa ginawa ni Janica ngayon. Iba umataki si Janica. Hindi sa salita, kung hindi sa gawa. Mapait na ngumiti si Mr. Tan, kasabay ang paghawak sa balikat ni Janica at bahagyang itinulak ito palayo. Makikita kaagad ang pagsimangot ni Janica. Matalim rin ang tingin nito na parang pinagbabantaan si Mr. Tan. “You know what, Janica, bibigyan pa sana kita ng pangalawang pagkakataon na ma-redeem ang sarili mo sa kahihiyang pinapasok mo.” Matalim na tingin ang kasabay ng sinabing iyon ni Mr. Tan, sabay senyas kay Ted. “
“Bakit nandito si Janica? Didn’t I tell you to heightened the security? " Paulit-ulit ko kayong pinaalalahanan, gawin n’yo ang lahat para hindi makapasok ang babae na ‘yon dito?!" gigil na tanong ni Tandre kay Ted.Kararating niya lang sa Hotel Denovan, at gusto na niya agad na palayasin si Janica. Ang laki nga ng mga hakbang niya, papunta sa conference room kung saan naghihintay ang press at ang babae na kinamumuhian niya. Halos patakbo namang sumunod si Ted, at ang ilang mga bodyguard niya. “I’m sorry, Mr. Tan, lahat ng utos n’yo po ay sinunod namin. We’ve done all the necessary actions, para hindi makapasok si Ms. Janica, but she disguised herself as one of the press, and it was too late for us to recognize her. Wala na kaming magawa. Press are taking pictures habang papunta siya sa harap, nakangiting umakyat sa platform, at prenteng umupo roon.” Tingin lang ang sagot ni Mr. Tan sa paliwanag ni Ted. Ni ang huminto sandali paglalakad ay hindi nito ginawa. Ayaw na niyang mag-aksaya
“Daddy, Archie!” Masiglang sigaw ni Nathan.“N-Nathan…” utal na sagot ni Archie at agad na hinarap ang pamangkin. Sinalubong niya rin ito, pero ang kamay ay sikretong sumenyas kay Tandre at Arwena na magtago muna. Agad namang sumunod ang mag-asawa. Pumasok sila sa walk-in closet habang inaaliw naman ni Archie ang bata. Pinipigilan niya itong pumasok sa kwarto para hindi makita ang ayos ng mga magulang nito. Siguro ay kinikilti na naman ni Archie ang bata. Rinig na rinig pa kasi ni Tandre at Arwena ang hagikhik ni Nathan, at maya maya ay unti-unting naglaho ang boses ng magtiyuhin.Nakapa naman ni Arwena ang dibdib, napabuga ng hangin at matalim ang tingin kay Tandre na pangiti-ngiti lang, pero halata namang kinabahan kanina.Alam nila na pereho na siguradong matutuwa si Nathan kapag nalaman nito na bati na sila. Kaya lang, nahihiya sila na makita ng Anak sa ganoong ayos. Kung malalaman o sasabihin man nila kay Nathan ang magandang balita, ‘yong nasa maayos naman silang pustura, hind