Share

Kabanata 3 Bagong Pagsubok

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2023-12-06 14:14:40

Palakad-lakad si Archie habang nasa loob ng hospital room ni Arwena. Paminsan-minsan din niyang sinusulyapan ang kaibigan na putlang-putla pa rin ang mukha.

Kanina no’ng mawalan ng malay ang kaibigan, sinisisi niya ang sarili. Pinipilit-pilit niya pa kasi ito na gumala. Pero matapos marinig ang sinabi ng doctor, hindi na siya mapakali. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ng kaibigan ang isa na namang problemang dumating sa buhay niya.

Ngayon pa na nagsisimula na talaga siyang kalimutan ang masamang nangyari sa kanya.

Maya maya ay tumayo siya sa gilid ng hospital bed kung saan mahimbing pa rin na natutulog ang kaibigan. Tahimik niya itong pinagmamasdan, kasabay ang panalangin na sana maging bukas ang isipan nito at hindi siya panghinaan ng loob sa bagong pagsubok na dumating sa buhay niya.

“Archie…” pupungas-pungas nitong tawag sa kaibigan.

"Wena, how are you feeling? Nahihilo ka pa ba? Nasusuka? May masakit pa ba sa’yo?" nag-aalang tanong ni Archie. Hinaplos-haplos din nito ang noo ni Arwena.

Napangiti naman si Arwena at hinawakan din ang kamay ng kaibigan. “I’m fine, siguro nanibago lang ako sa ingay at dami ng tao kanina," sagot nito.

Humigpit pa lalo ang paghawak niya sa kamay ng kaibigan. “Sorry, pinag-alala na naman kita, Archie. Nasira pa pag-e-enjoy natin. Ang weak ko ‘no? ‘Di bale, sa susunod na gala natin, sisiguraduhin ko na hindi na ako masusuka at mahihilo."

Pilit na ngiti ang sagot ni Archie, pero hinaplos-haplos din naman ang kamay ng kaibigan. “Totoo na pinag-alala mo ako. Takot na takot kaya, when you passed out. Pero hindi ka dapat humingi ng sorry. Wala ka namang kasalanan," sagot ni Archie pero hindi na makatingin sa kaibigan.

Utak niya kasi ay nagugulo. Gusto na niyang sabihin ang balita. Kaya lang, sa ganda ng ngiti ni Arwena, parang nag-aalangan siya na sirain ang saya nito.

Ngayon niya lang kasi nakita na ngumiti ng ganito ang kaibigan. Ngiting hindi pilit at totoong masaya.

“Arwena… gusto mo bang makausap ang doctor?” tanong ni Archie. Hindi niya kasi talaga alam kung paano sisimulan ang sasabihin.

“Hindi na…” Ngumiti ito at bumitiw sa paghawak sa kamay niya at dahan-dahan na umupo.

"Sigurado ka?” tanong uli ni Archie na sikreto pang bumuga ng hangin. “Baka may gusto kang itanong sa doctor. 'Yong tungkol sa kalagayan mo, kung bakit ka nawalan ng malay."

“Hindi na, okay na naman ako. Maayos na ang pakiramdam ko, at saka, sigurado naman ako na nakausap mo na siya, hindi ba? Wala naman siguro akong malubhang sakit.”

Sinandayang tawa ang naging sagot ni Archie na ikinatawa rin ni Arwena.

“Kaya mabuting pang ilabas mo na ako rito. Ayoko sa hospital, Archie. Ayokong lumaki pa bayarin ko," dagdag pa nito at akmang ibababa ang mga paa.

“Wena, ‘wag ka munang masyadong gumalaw, sabi kasi ng doctor, bukas ka pa pwedeng lumabas. Nag-advice din siya na kailangan mo ring magpahinga."

“Magpahinga? Parang hindi mo naman alam na puro pahinga lang ang ginagawa ko. Kaya mo nga ako pinipilit lumabas, hindi ba?"

“Humiga ka na nga lang at ‘wag nang magreklamo, hindi lang kasi basta pahinga ang kailangan mo, Wena. Kailangan mo ring umiwas sa stress at bawasan mo na rin ang pagkakape mo.”

Dahil hindi nga alam ni Archie kung ano ang magiging reaksyon ng kaibigan sa sasabihin niya. Dinahan-dahan niya. Paunti-unting clue ang mga sinabi niya. Pero parang hindi effective ang ginagawa niya.

Para ngang wala itong pakialam sa mga sinasabi niya. Ang gusto nito ay ang lumabas na kaagad ng hospital at sa bahay na lang magpahinga.

“Bawasan ang kape? E ‘di lalo akong ma stress no’n, alam mo namang stress reliever ko ang kape; parang vape mo. Hindi ba, ilang beses ko nang sinabi sa’yo na tumigil ka na sa pag-va-vape. Pero ayaw mo, kasi stress reliever mo ang vape."

Archie simply scratched his brow. "I'm going to stop vaping; I promise not to vape again, especially when we're together, masama kasi sa kalusugan mo at kalusugan ko ang usok, " nagkadautal-utal na sabi ni Archie.

“Mabuti naman na realize na mo ‘yan. Kailangan ko pa palang mahimatay sa harap mo, bago mo titigilan ang bisyo mo," natatawa na sabi ni Arwena.

Pero si Archie hindi man lang makatawa. Iniikot-ikot niya ang daliri sa kumot at doon lang siya tumingin. Para tuloy siyang batang paslit na may tinatago.

Hinawakan na naman ni Arwena ang kamay nito at niyugyog pa, "Archie, ano ba ang problema? Bakit parang ang tamlay mo? Bakit parang balisa ka? Ikaw yata ang may sakit at hindi ako? Gusto mo palit tayo ng pwesto?”

Ngiting aso ang naisagot ni Archie sa kaibigan at kaagad din namang yumuko. Saka lang napansin ni Arwena na parang may mali sa kinikilos nito.

Bibo at palatawa nga kasi si Archie, sa kabila ng domineering na awra nito. Kahit pusong babae kasi ang kaibigan niya, bumabakas pa rin ang pagiging bossy. Kay Arwena lang din siya mabait at malambing pero sa iba, medyo masungit siya. lalaking-laki rin itong tingnan kaya maraming babae pa rin ang nagkakagusto sa kanya, lalo na ‘yong hindi siya kilala.

“Archie? May hindi ka ba sinasabi sa akin? May tinatago ka?”

Napapikit si Archie. Ito na nga ang tyempo na kanina niya pa hinihintay. Pero parang umuurong naman ang dila niya. Hirap siyang magsalita. Paulit-ulit muna siyang bumuga ng hangin at umupo sa tabi ng kaibigan. "Arwena, kung ano man ang maririnig mo, ‘wag ka sanang mabibigla ha—”

"Parang sira ‘to? Archie, depende naman ‘yon sa kung ano ang sasabihin mo.”

"Basta, lawakan mo lang ang pag-iisip mo, at ‘wag ka rin padala sa emosyon mo.”

"Bakit ba ang dami mong paligoy-ligoy, Archie? Am I seriously ill? Am I about to die, kaya ka nagkaganyan?" naiiritang tanong ni Arwena. Pero kabado naman siya sa maaring malaman.

Paano kung may sakit nga siya? Paano na ang mga pangarap niya; ang mga magulang niya na alam niya na may tampo pa rin sa kanya?

“Archie, sabihin mo na, ‘wag mo na akong pahirapan mag-isip," medyo tumaas ang boses niya. Gusto na nga kasi niyang marinig ang sasabihin nito, pero ang dami pang sinasabi. Hindi niya tuloy maiwasan ang mainis.

“Ano kasi, Wena. Sabi ng doctor…” Hindi na naman natuloy ni Archie ang sasabihin. Napahawak siya sa ulo at nagpunta sa may bintana. Parang ayaw niyang makita ang magiging reaksyon ng kaibigan.

Bumuga muna ng hangin si Archie at muling humarap. "Wena, sabi ng doctor, you're seven weeks pregnant,” ayon at nasabi na rin ni Archie ang gusto niyang sabihin.

Pero hindi ang reaction na in-expect niya ang nakita niya kay Arwena. Ngumiti ito. Ngiting-ngiti habang tumititig sa kanya. Mabagal siyang naglakad palapit sa kama ng kaibigan.

“You're joking, right?” Nakanging tanong ni Wena, na nagpahinto sa paglalakad ni Archie.

Kitang-kita ni Archie kung paano unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ni Wena.

Sa tense kasi ng mukha ni Archie, alam na niya na hindi nga ito nagbibiro.

"Wena… "

“Hindi!” Paulit-ulit na umiling-iling si Arwena sabay sigaw, “no, Archie! Hindi totoo—nagbibiro ka lang! Hindi totoo… Archie… hindi totoo!”

Parang baha na rumagasa ang mga luha ni Arwena, kasabay ng mga tanong at sigaw nito. Para siyang baliw na nagwawala.

“Wena, please, huminahon ka.” Sinubukan pakalmahin ni Archie ang kaibigan pero hindi niya magawa. Lahat ng mahawakan nito ay binabalibag. Maski siya ay hindi nakaligtas sa mga hampas nito.

"Archie ayoko nito! Ayoko, Archie!” Buong lakas na hinawakan ni Archie ang mga kamay ng kaibigan na sinuntok-suntok ang tiyan niya.

"Wena… nurse!" Hindi na alam ni Archie kung sino ang tatawagin, mga nurse ba o pangalan ng kaibigan na parang baliw na sinasaktan ang sarili.

Mabuti na lang at alerto namang lumapit ang mga nurse. May nilagay sila na pampakalma sa dextrose nito, at maya maya ay unti-unti na siyang nanghina.

“Paano pa ako makapagsimula ng bagong buhay, Archie? Anong mukha pa ang ihaharap ko sa mga magulang ko?”

Kaugnay na kabanata

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 4 Plano

    “Arwena, bakit hindi ka na naman pumasok? Hindi ka pa ba tapos magmukmok? Hindi ka namatayan, Wena, para magluksa ka ng ganito!” Kaagad tinalakan ni Archie ang kaibigan nang mabuksan niya ang pinto ng kwarto nito. Kanina pa siya kumakatok at hindi man lang siya pinagbuksan. Paano nga ba siya nito mapagbuksan? Lasing na naman. Nahagod na lang ni Archie ang buhok habang nakatingin kay Arwena na nakasalampak sa sahig. Daig pa nito ang mga taong kalye sa hitsura niya, madungis at kalat-kalat ang buhok. “Tigilan mo na nga ‘to, Arwena!” Hinablot ni Archie ang bote ng alak na lalaklakin na naman sana ni Arwena. Dati, kape lang ang nilalaklak nito. Tatayo sa harap ng bintana at paulit-ulit na huminga ng malalim. Pero ngayon, bote ng alak na ang laging hawak habang nakasalampak sa sahig at humahagulgol. “Akin na ‘yan, Archie!" sigaw nito at dinuro pa ang kaibigan. "Bigay mo sa’kin ‘yan! Akin ‘yan e!” Parang bata na gumapang sa sahig si Arwena, makuha lang ang alak na inagaw ni Archie

    Huling Na-update : 2023-12-07
  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 5 Pagbangon

    Tahimik na umupo si Arwena sa link chairs ng clinic na pinuntahan niya. Kahapon ay buo na ang loob niya. She wants to get rid of the baby. Pero ngayong nandito na siya at nakikita na niya ang mga babae na galing sa loob kwarto at umiiyak, parang nagbago ang isip niya. Parang ayaw na niyang ituloy ang binabalak. Nakakaramdam rin siya ng takot para sa sarili at sa baby niya. Napahawak pa siya tiyan at hindi namalayan ang pagpatak ng luha. “Ms. Arwena Dela Torre." Narinig niya ang pagtawag na 'yon, pero hindi siya tumayo. Parang may pumipigil sa kanya na sumagot o pumasok sa loob. “Ms. Dela Torre..." Napapikit siya nang muli nitong tinawag ang pangalan niya. Tumayo nga siya, pero hindi para pumasok sa kwarto. Umiling-iling siya sabay sabi, "I'm sorry, I can’t do this!" at patakbong lumabas ng clinic. Her eyes were welling up with tears, and was struggling to breathe. Nang tuluyan na siyang makalabas ay umupo siya sa hagdan at doon humagulgol habang hawak ang dibdib na parang s

    Huling Na-update : 2023-12-08
  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 6 Mr. Tandre Denovan

    Nagpupuyos sa galit ang kalooban ni Arwena habang tanaw ang coffee shop na pagmamay-ari ng mga magulang niya, ngunit walang kahirap-hirap na napunta sa iba dahil sa kagagawan ni Farah at Jake. Dahil sa buo nga ang tiwala ng mga magulang niya sa kaibigan at dati niyang boyfriend, sila ang hinayaang mamahala sa coffee shop at sa iba pang branch nila. Walang kaalam-alam ang mga magulang niya na unti-unti na palang naibenta nina Farah at Jake ang mga shop sa nagngangalang Tandre Denovan, at ngayon nga ay sila na ang nag-operate ng coffee shop na pinaghirapan ng mga magulang niya na palaguin. “Good morning, ma’am,” bati ng guard kay Arwena nang pumasok siya sa coffee shop. Dahil sa galit na nararamdaman, hindi na niya sinagot ang bati ng guard. Agad kasing napako ang paningin niya sa dating kaibigan at dating boyfriend na masinsinang nag-uusap sa sulok ng shop. Ilang araw din niyang hinihintay na muling makaharap ang mga taong dahilan kung bakit muntik nang masira ang buhay niya, at n

    Huling Na-update : 2023-12-09
  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 7 The past

    Tatlong letra lang ang salitang sinabi ni Mr. Tan, pero ang laki ng naging epekto niyon kay Arwena. Pero sa kabila ng nararamdaman niyang kaba, hindi naman niya magawang bawiin ang titig niya sa mukha nito. Lalo na sa mga mata nitong ang itim-itim—ang dilim na para bang unti-unting hinihigop ang kaluluwa niya. “Do-do you know me?" utal na tanong ni Arwena matapos ang sandaling pagtitig sa mukha nito. Kahit ba may hinala na siya na si Mr. Tandre Denovan, ay ang lalaking nagligtas sa kanya limang taon na ang nakaraan, at siya ring ama ng anak niyang si Nathan. Gusto pa rin niya na makomperma kung siya nga ba iyon. Gusto niyang marinig mula mismo sa bibig nito. “Of course! How can I forget the helpless, devastated woman I saved five years ago?" Dahan-dahan at madiin na binigkas ni Mr. Tan ang mga salitang ‘yon. Gusto niyang maalala ni Arwena ang lahat ng nangyari sa kanila noong gabing ‘yon. “It was you?" pabulong na sabi ni Arwena. Umasta nga kasi siya na walang naalala at hin

    Huling Na-update : 2023-12-11
  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 8 Payment

    Sobrang inis ang naramdaman ni Arwena habang nakatingin sa likuran ni Mr. Tan. Gusto nga niya itong takbuhin at batukan. Kung pwede lang na isumbat niya lahat dito ang mga pinagdaanan niya dahil sa pagkakamali na nangyari sa kanila. Pero hindi pwede. Hindi niya magagawa dahil ayaw nga niyang malaman nito na nagbunga ang ginawa nila noon. Naiinis siya dahil ang taas ng tingin nito sa sarili. Porke’t mayaman ito. Akala niya mabuting tao ang Mr. Tan na nagligtas sa kanya noon, ngunit isa pala itong halimaw na nag-aabang lang ng mabiktima. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang isang hayop na nahulog sa trap, at anumang oras ay magiging pagkain na ng isang halimaw. Tahimik na lang siya na napamura. Paulit-ulit niyang sinampal sa utak niya si Mr. Tan. Iyon lang kasi ang magagawa niya sa ngayon. Alam niya kasi na ginagamit ni Mr. Tan ang coffee shop para makuha siya nito ulit. Alam nga ni Mr. Tan kung gaano niya ka gustong makuha ang pagmamay-ari ng mga magulang niya. Pero kung tuso siya,

    Huling Na-update : 2023-12-12
  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 9 Sundo

    Ala-siete pa lang ng gabi ay nasa harap na ng Denovan Hotel si Arwena. Dapat ay nasa bahay na siya ngayon, nagpapahinga kasama ang anak na si Nathan. Pero dahil sa nangyari sa papa niya, nagbago ang isip niya. Ang pangako niya na hindi isakripisyo ang sarili mabawi lang ang Coffee Negrense ay hanggang sa dulo na lang ng dila niya. Susubukan niya uli na kausapin ito. Susubukan na magmakaawa. Baka pumayag ito na bigyan siya ng ibang option para mabawi ang coffee shop. Nang mag-alas otso na ay lumabas na siya ng kotse. Mabagal ang bawat hakbang niya na tumawid ng kalsada. Habang papalapit siya sa hotel, sunod-sunod namang nagsidatingan ang mga sasakyan, at lahat ng mga sakay niyon ay puro magagara ang suot. Saka niya lang napagtanto na event pala ang pupuntahan niya. Napatingin naman siya sa suot niya na skinny jeans at puting blouse na kahapon niya pa suot. Ni ang maghilamos nga ay hindi man lang niya nagawa. Galing pa nga kasi siya sa hospital, at hindi na siya umuwi ng bahay.

    Huling Na-update : 2023-12-13
  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 10 Banquet

    “I’m sorry, Ms. Arwena," sabi ni Ted, sabay unat ng suit niya at tumikhim. Hinawakan din nito ang kamay ni Arwena na kanina ay hawak ang braso niya, at saka ay maingat na binitiwan. Hindi kasi siya tinantanan ng tingin ni Mr. Tan, at hindi na siya komportable sa titig nito na parang boyfriend na nagseselos. Kinabahan na siya sa puntong hirap na siyang lunukin ni laway niya. Kung takot si Ted, inis naman ang nararamdaman ni Arwena kay Mr. Tan na parang posteng nakatirik sa tapat nila. Simula nang dumating ito at sikmatan si Ted ay hindi na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito na walang kangiti-ngiti, walang kabuhay-buhay, at parang galit sa mundo. Pero kahit anong sungit pa ng mukha nito, hindi pa rin natatakpan ang kagwapuhan. Lalaking-lalaki kung tingnan dahil sa panga nitong parang hinulma into perfection, isama na ang ilong na parang hinulma rin sa tangos. May mga matang madilim nga pero para namang hinihigop ang buong pagkatao mo kapag mapatitig ka. May labi na hindi man

    Huling Na-update : 2023-12-15
  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 11 Mrs. Denovan

    Nagising si Arwena nang maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. At hindi nga siya nagkamali. Nasa harapan niya si Mr. Tan, at wala na itong damit pang-itaas. Agad binalot ng kaba ang buong sistema niya. Para siyang bata na umupo at sumiksiksik sa headboard habang yakap-yakap ang makapal na kumot. “ ‘W-wag kang lumapit…” parang maiiyak na sabi nito. Umiling-iling pa siya habang nagmamakaawa ang tingin kay Mr. Tan. Para namang naging tuod si Mr. Tan. Sobrang nagulat siya sa naging reaksyon ni Arwena. Nalito siya sa kanyang sarili. Dapat kasi ay natutuwa siya. Gusto nga niyang pahirapan si Arwena, pero parang naaawa siya, at parang na-gui-guilty. Hindi niya rin nagustuhan ang nakikita niyang takot sa maluha-luha nitong mga mata—takot na nakita n’ya noong gabi na niligtas niya ito mula sa lalaking muntik na halayin siya. Umiwas siya ng tingin at sinabing, "I have no interest in you, at lalong wala akong gagawing masama sa’yo, for you to act like that. Hindi ako ka

    Huling Na-update : 2023-12-18

Pinakabagong kabanata

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Special Chapter

    “My queen," yakap at halik sa batok ko ang kasabay ng malambing na boses na ‘yon. Antok na sana ako, kaya lang hindi ko naman matanggihan itong asawa ko na kararating lang mula sa trabaho ay ako naman ang gustong trabahuin. “Ang bango mo, my queen," pinahangin nitong sabi na sumabay sa pagharap ko sa kanya. Kagat-kagat na niya ang ibabang labi at may tingin na nang-aakit. Awtomatiko namang umangat ang mga kamay ko at kumapit sa batok niya. Mas kumislap pa ang mga mata na agad namang nagpangiti sa akin. Para naman kasi akong hinihigop sa klase ng tingin niya. Tingin na nagsasabing mahal na mahal niya ako. Tingin na nagsasabi na ako lang ang pinakamaganda sa paningin niya, at tingin na nagsasabing sabik na siyang angkinin na naman ako. “Nilalasing mo ako sa bango mo, my queen. Pinag-iinit mo ako lagi. Pinasasabik…” Ayon na nga at sininghot na nito ang leeg ko na parang inuubos ang lahat ng bango ko. May kasama na rin ‘yong himod sa nguso na nagpabungisngis sa akin. Naki

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 80 My Second Chance, My Forever

    “My queen,” malambing na tawag ni Tandre sa asawang si Arwena na agad namang ngumiti nang makita ang matamis nitong ngiti. Kanina niya pa ito pinagmamasdan. Kanina pa siya naghihintay na matapos ito sa ginagawa. At ngayong tapos na, heto at hindi na niya naawat ang sarili at nilapitan na niya agad. Napailing-iling pa si Arwena. Alam niya kasi na kanina pa sabik ang asawa na lapitan siya. Kanina pa ito gustong yakapin at halikan siya, pero dahil sa banta niya, na kapag lumapit ito sa kanya ay hindi siya sasama sa gaganaping launching ng Denovan Jewelry. Kaya wala itong nagawa, kung hindi ang manatiling tahimik habang pinagmamasdan lang siya. Pero katulad ni Tandre, hindi rin maawat ni Arwena na sumulyap sa asawang gandang-ganda sa kanya. Pangiti-ngiti kasi habang titig na titig sa reflection niya sa salamin. “Tapos ka na?” malabing nitong tanong, sabay ang banayad na paghawak sa balikat ni Arwena, at banayad iyong hinaplos-haplos. Matamis na ngiti lang ang sagot ni Arwena na may

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 79 Our Dream

    Matapos ang isang malakas na putok na nagpapikit ng matiim sa mga mata ni Arwena, sunod-sunod na pagsabog naman ang sumunod na umalingawngaw sa loob ng conference room na nagpahinto naman sa paghinga niya. Umiiyak siya pero walang boses na lumabas. Yumugyog lang ang balikat at awang ang labi. Si Tandre naman ay mahigpit na yumakap kay Arwena. Napigil din nito ang paghinga. Akala kasi niya ay katapusan na nila. Akala niya ay ito ang huling araw na makasama ang pinakamamahal niya. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa marinig nila ang mga sigaw, mga utos ng mga pulis at bomb squad na nasa loob ng conference room. Sa bilis ng pangyayari na hindi inasahan ni Farah, wala itong nagawa nang agawin sa kanya ang baril at detonator, at ngayon nga ay kasalukuyan nang dini-difuse ang mga bomb. “Tandre!” Matapos ang matinding takot at pagkagulat, sa wakas ay nagawa ring magsalita ni Arwena. Kaya lang, hindi pa rin siya makagalaw. Hindi pa rin niya kayang tumingin sa pa

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 78 Second Chance

    “No, Wena! ‘Wag kang pumasok—” sigaw ni Tandre, pero agad natahimik dahil sa baril na tumutok sa kanya. “Tumahimik ka!” singhal ni Farah. Gigil na gigil ito na parang ano mang oras ay kalalabitin na ang gatilyo. “Kanina ka pa! Napupuno na ako sa’yo!” “Don’t do this, Farah, please! I’m begging you. I’m willing to do anything. Hayaan mo lang si Arwena,” buong puso na pakiusap ni Tandre. Ni kaunti ay hindi nakaramdam si Tandre ng takot para sa sarili niya. Natatakot siya para kay Arwena. Natatakot siya sa maaring gawin ni Farah sa asawa niya. Ang isipin pa lang ang maaring gawin nito kay Arwena, ang sikip-sikip na ng dibdib niya. Naikuyom naman sandali ni Janica ang kamao. Nasasaktan kasi siya na marinig ang pagmamakaawa ng lalaking mahal niya para sa ibang babae. “I said, shut up!” Nanlaki ang mga mata ni Farah. “Kahit anong pagmamakaawa ang gawin mo; kahit ibigay mo pa sa akin ang kayamanan mo, o kahit ibalik n’yo pa ang buhay ni Jake, hindi ko pa rin tatantanan si Arwena. Ala

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 77 Reunion

    “F-Farah!” Bulalas ni Janica. Parang na alimpungatan mula sa mahimbing na tulog dahil sa malakas na putok na narinig. Umawang pa ang labi at nanlaki ang mga mata na napatitig sa lalaking nakahandusay sa sahig at duguan. “What the...” Takip-takip na rin ang mga palad nito sa tainga niya, at saka, nilibot ang paningin sa paligid. Hindi niya alam kung paano umabot sa ganito ang gulo na ginawa niya kanina. Napalingon din siya kay Tandre na ngayon ay nakayuko at nakalapat ang mga kamao sa sahig. Bakat din ang mga ugat nito sa braso.Doon niya binuhos ang lahat ng galit kay Farah na walang awang binaril ang tauhan niya na wala namang kinalaman sa problema nila. “How?” Hindi magawang ibigkas ni Janica ang salitang gusto niyang sabihin. Paulit-ulit na lang siyang napapailing habang nangingilid ang mga luha. Kitang-kita niya kasi ang butas at dugo sa suit ni Tandre. Napatingin pa siya sa kamay niya na sumaksak sa likod nito. Hindi niya akalain na magagawa niyang sasakin si Tandre sa hairsti

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 76 Demand

    Matapos marinig ang sinabi ng staff ay sunod-sunod naman na umalingaw ang serena ng mga police car, bombero, at mga sigawan ng mga tao na sapilitang pinalalayo sa gusali. Napatakip na lang sa bibig si Arwena, habang si Gomez at Fuentez ay kanina pa nakikiusap na umalis na sila dahil dilikado na rito sa loob. Kaya lang paulit-ulit siyang tumanggi. “Hindi ako lalabas, hanggat hindi ko kasama si Tandre,” pagmamatigas ni Arwena na sumabay sa pagpasok ng mga awtoridad at bomb squad sa gusali. Lahat ng lugar, lahat ng sulok ng hotel ay sinigurado nila na walang tao. Maliban sa conference na kinaroroonan nila ngayon. “Mrs. Denovan, kung maari lumabas na po kayo,” pakiusap ng officer in charge na kausap ni Gomez at Fuentez kanina. Ang mga medics naman ay lumabas na para mag-antabay sa maaring kahihinatnan ng gulo na nangyayari ngayon. “I said no! I’m not going anywhere without my husband,” madiin na sabi ni Arwena. Ayaw niya rin magpahawak sa mga bodyguard. Hilam sa luha ang mga

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 75 Press Conference

    Kasabay ng halik ni Janica kay Mr. Tan ay flash ng mga camera at sabay-sabay na mga tanong ng press na hindi na halos maintindihan. Maririnig rin ang hiyawan sa labas ng hotel. Live nga kasing napapanood ang press conference, kaya sigurado si Mr. Tan na ang iniisip ng mga fans, ang halik sa kanya ni Janica, at ang yakap nito sa kanya ay confirmation ng relationship nila. Buo na sana ang desisyon ni Mr. Tan na sundin ang suggestion ni Ted. Kaya lang, nagbago ang isip niya dahil sa ginawa ni Janica ngayon. Iba umataki si Janica. Hindi sa salita, kung hindi sa gawa. Mapait na ngumiti si Mr. Tan, kasabay ang paghawak sa balikat ni Janica at bahagyang itinulak ito palayo. Makikita kaagad ang pagsimangot ni Janica. Matalim rin ang tingin nito na parang pinagbabantaan si Mr. Tan. “You know what, Janica, bibigyan pa sana kita ng pangalawang pagkakataon na ma-redeem ang sarili mo sa kahihiyang pinapasok mo.” Matalim na tingin ang kasabay ng sinabing iyon ni Mr. Tan, sabay senyas kay Ted. “

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 74 Smile

    “Bakit nandito si Janica? Didn’t I tell you to heightened the security? " Paulit-ulit ko kayong pinaalalahanan, gawin n’yo ang lahat para hindi makapasok ang babae na ‘yon dito?!" gigil na tanong ni Tandre kay Ted.Kararating niya lang sa Hotel Denovan, at gusto na niya agad na palayasin si Janica. Ang laki nga ng mga hakbang niya, papunta sa conference room kung saan naghihintay ang press at ang babae na kinamumuhian niya. Halos patakbo namang sumunod si Ted, at ang ilang mga bodyguard niya. “I’m sorry, Mr. Tan, lahat ng utos n’yo po ay sinunod namin. We’ve done all the necessary actions, para hindi makapasok si Ms. Janica, but she disguised herself as one of the press, and it was too late for us to recognize her. Wala na kaming magawa. Press are taking pictures habang papunta siya sa harap, nakangiting umakyat sa platform, at prenteng umupo roon.” Tingin lang ang sagot ni Mr. Tan sa paliwanag ni Ted. Ni ang huminto sandali paglalakad ay hindi nito ginawa. Ayaw na niyang mag-aksaya

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 73 Problem

    “Daddy, Archie!” Masiglang sigaw ni Nathan.“N-Nathan…” utal na sagot ni Archie at agad na hinarap ang pamangkin. Sinalubong niya rin ito, pero ang kamay ay sikretong sumenyas kay Tandre at Arwena na magtago muna. Agad namang sumunod ang mag-asawa. Pumasok sila sa walk-in closet habang inaaliw naman ni Archie ang bata. Pinipigilan niya itong pumasok sa kwarto para hindi makita ang ayos ng mga magulang nito. Siguro ay kinikilti na naman ni Archie ang bata. Rinig na rinig pa kasi ni Tandre at Arwena ang hagikhik ni Nathan, at maya maya ay unti-unting naglaho ang boses ng magtiyuhin.Nakapa naman ni Arwena ang dibdib, napabuga ng hangin at matalim ang tingin kay Tandre na pangiti-ngiti lang, pero halata namang kinabahan kanina.Alam nila na pereho na siguradong matutuwa si Nathan kapag nalaman nito na bati na sila. Kaya lang, nahihiya sila na makita ng Anak sa ganoong ayos. Kung malalaman o sasabihin man nila kay Nathan ang magandang balita, ‘yong nasa maayos naman silang pustura, hind

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status