Art of Destiny

Art of Destiny

last updateHuling Na-update : 2024-09-28
By:  Juanmarcuz Padilla  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 Mga Ratings. 3 Rebyu
116Mga Kabanata
777views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Dahil sa labis na pagkagahaman sa yaman, ang lihim pala ng pagpapakasal ni Rose Mary Gaile De La Luna Villadencio kay Kent Jino Zeke Domingo ay isang plano ng paghihiganti. Walang alam ang binata na matagal na itong pinagplanuhan ng ama ni Rose Mary na si Jonathan Villadencio at maging ang lihim na relasyon nina Rose Mary at Drax Steve Del Valle. Ang kasal ang magiging katuparan ng masamang tangka ng pamilya kay Jino at sa mga taong mahal niya. Hanggang sa nagising na lamang si Jino sa isang Isla sa Palawan na taglay ang pangalan ni Jino Favila, ang yumaong nobyo ni Naikkah Mae Miraflores. Kung sining ng tadhana ang naganap para magkita sina Jino at Naikkah, sapat na ba ang pagkikita nila para sabihin na sila talaga ang para sa isa't isa? Paano ang pagiging legal na asawa ni Jino sa kay Rose Mary? Sino kaya ang pipiliin niya? Ang dating pag-ibig na nagdala sa kaniya sa kapahamakan? O ang isang buhay na nasa sinapupunan ng babaeng hindi niya kilala pero natutunan na niyang mahalin?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Art of Destiny : Panimula

INTRODUCTION: PangungulilaSa dalawang magkaibang dako, may magkaibang puso na naghihintay, umaasa at nananabik na magkitang muli... Malulunasan ba pareho ang mga sugat ng panahon at oras??—————One night of a full moon.Makikita ang isang taong nakaupo sa isang bangkong kawayan. Nagiisa lang ang person. Walang balak mag-ingay, magsalita o sumigaw.Nakapako lang ang mga mata niya sa galaw ng dagat. Pinagmamasdan nito din ang tila kristal na tubig na tinamaan ng liwanag ng buwan.Matiyaga nitong pinakikinggan ang mga tila awit ng hampas ng alon sa pampang.Mayamaya ay saglit nitong ginalaw ang mga nangangawit na paa dahil sa tagal ng pagkakaupo.Pinaglagutok din nito ang mga daliri sa kamay na parang namanhid na din. Masaya nitong binilang habang pinakikinggan iyon hanggang sa huling lagutok. Di pa nakuntento ay isinunod nito ang mga daliri sa dalawa nitong paa. Nakaramdam ito ng ginhawa matapos gawin ang mga iyon. Naginat pa ito at pinaglagutok din ang likod sa sarili nitong pamamar

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Switspy
highly recommended po
2024-09-28 22:48:30
1
user avatar
Juanmarcuz Padilla
Weekly update na po ito kaya sana ay supurtahan po ninyo
2024-02-28 12:04:34
0
user avatar
Juanmarcuz Padilla
Basahin niyo na po. Kadugtong po ito ng Book na Arianne's Revenge. S
2023-12-09 11:41:47
2
116 Kabanata

Art of Destiny : Panimula

INTRODUCTION: PangungulilaSa dalawang magkaibang dako, may magkaibang puso na naghihintay, umaasa at nananabik na magkitang muli... Malulunasan ba pareho ang mga sugat ng panahon at oras??—————One night of a full moon.Makikita ang isang taong nakaupo sa isang bangkong kawayan. Nagiisa lang ang person. Walang balak mag-ingay, magsalita o sumigaw.Nakapako lang ang mga mata niya sa galaw ng dagat. Pinagmamasdan nito din ang tila kristal na tubig na tinamaan ng liwanag ng buwan.Matiyaga nitong pinakikinggan ang mga tila awit ng hampas ng alon sa pampang.Mayamaya ay saglit nitong ginalaw ang mga nangangawit na paa dahil sa tagal ng pagkakaupo.Pinaglagutok din nito ang mga daliri sa kamay na parang namanhid na din. Masaya nitong binilang habang pinakikinggan iyon hanggang sa huling lagutok. Di pa nakuntento ay isinunod nito ang mga daliri sa dalawa nitong paa. Nakaramdam ito ng ginhawa matapos gawin ang mga iyon. Naginat pa ito at pinaglagutok din ang likod sa sarili nitong pamamar
Magbasa pa

Art of Destiny I

One/ Nakatagong lihim "Sa likod ng mga realidad na nagaganap, may mga nakatagong lihim ng nakaraan na mauungkat , katulad ng librong may mga kabanatang nilumot na ng panahon." ———— "Miss Rose Mary Gaile Villadencio, will you marry me?" Ito ang mga katagang binanggit ni Jino na punong-puno ng eksaytment at 'di masusukat na saya sa kaniyang babaeng pinakamamahal na si Rose Mary. Noon ay nasa isang sikat na restaurant ang dalawa at kasalukuyang nasa dinner date. Nakatayo si Jino sa pormang paluhod sa harap ng kaniyang girlfriend at wala silang paki sa mga nakapaligid sa kanila o kung pinagtitinginan man sila ng mga ito. It was Jino's most awaited moment. A moment to propose marriage to his fiancee for more than five years and still counting. Even though na parang sinasalakay ng kaba ang puso niya at handang makipagkarera sa laban sa sobrang bilis ng pintig niyon, still Jino's trying to do what he should do a year ago. Jino thought that those five years are enough to make them both
Magbasa pa

Art of Destiny II

Two/ Mr. Discoverer "Lahat ay may karapatang malaman tungkol sa pagkatao niya o sa kaniyang nakaraan. Pero paano kung ang nakatagong nakaraan ang mga bagay na 'di na dapat pang mabalikan?" ———— HAWAK-hawak ni Jino ang calling card na ibinigay ng nagpakilalang Zieth Kate Del Fuego at kapatid daw ng totoong biological father niya na si Blake John Del Fuego. Matapos ang proposal kanina at nangyaring diskusyon sa pagitan ng babae at ni Rose Mary ay napaliwanagan na din niya ito. Aniya, ay wala namang dapat pagselosan ang nobya dahil unexpected person naman daw ang babae idagdag pang hindi niya iyon kilala. Matapos maihatid ang nobya ay agad na din siyang umuwi sa Lola Zenaida niya at Lolo Ronaldo niya. Noon ay ganap nang alas otso ng gabi at nagpapahinga na na ang matanda. Tatatlo na lamang sila sa napakalaking mansiyon ng Domingo. Ang kaniyang Tito na si Niko ay bumukod na din dahil may sarili na din itong pamilya sa edad na 35 at may dalawang anak na na parehong lalaki. Ang sumun
Magbasa pa

Art of Destiny III

——— "HELLO, my beloved Jino. Ano't napatawag ang gwapo kong anak?" Sagot sa kabilang linya. Boses iyon ng Mommy Arianne niya. Matapos ang grand reunion ng pamilya, although kahit wala na ang Lolo Arthur niya ay masaya siyang nagpaalam na umuwi sa Mansiyon ng Domingo family. Naisipan niyang tawagan ang Mommy niya para kahit paano ay masabi niya rito ang kaniyang natuklasan tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ay para huwag ng bigyang pangamba pa ang ina kung sakaling malaman man ng mga ito na nalaman na niya ang tungkol sa totoo niyang ama. Saglit muna siyang huminga upang sumagap ng lakas. "Mom, nagkita na kami ni Dad sa personal." Sagot niya. Dahan- dahan niyang binanggit ang pagkasabing iyon na parang tinitimbang ang bawat sabihin. Napatawa si Mom sa kabilang linya. "Bored ka na ba diyan at nagkakaganyan ang Jino namin? Why spend some of your days with us here in Palawan? Baka naman naho-homesick ka na? Hmmm. Huwag mong sabihing namimiss mo na ako? Kami ng Dad mo?" Sinundan i
Magbasa pa

Art of Destiny IV

~~~ Labinlimang taon na ang nakakaraan... KAUSAP ng kaniyang Dad ang ang isa sa mga kasosyo nito sa Hope Marketing. Iyon ang pangalan ng isa sa mga negosyong pinagkaabalahan nito these past few days. Isa iyong company ng mga Home appliances, gadgets at Kitchenwares. "Well, wala naman akong nakita na gusot o butas about my clients proposal so I suggest na idaan na natin ito sa board meetings next week?" Tinig ni Mr. Jonathan Villadencio. "Sure. As far as I know, daanan naman sa majority ang nasabing projects." panatag na tugon ni Dad rito. Nakikinig lamang siya sa usapan ng mga ito na kinakalikot ang sariling tainga para may pagkabalahan. "That was not my point, Jake." Pakli nito. "What I mean is, kung na-review mo ito ng husto, makikita mo na agad ang grounds at pwede mo na iyong dagdagan or bawasan. After all, it is you who was the biggest share in this company.You should study the whole proposal well. Sa akin ay paalala lang." Hindi nito masisi si Jonathan kung ganito na ito k
Magbasa pa

Art of Destiny V

ILANG araw na lang ay matatakda na ang kasal nina Rose Mary Gaile Villadencio at Kent Jino Zeke Domingo. Eksayted at walang pagsisidlang tuwa ang nararamdaman niya dahil sa nalalapit nilang kasal ni Jino. Magkahalong kaba din at takot ang kakambal ng kaniyang kasiyahang iyon. Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng takot. Kahapon lang ay tumawag si Jino at ikinuwento sa kaniya na nagkita na nga sila ng totoong biological father nito pati na din ang Lola at Auntie nitong napakamaldita ang looks. They already met na, noong nasa restaurant sila ni Jino at kakatapos lang magproposed ng binata sa kaniya. Ang babae palang iyon ay kapatid ng totoong Dad niya. Medyo nahiya siya nang makumpirmang inaway niya at pinagselosan ang Tita ni Jino. Sa tingin nga niya ay wala siyang mukhang ihaharap sa babae oras na magkita silang muli. Paano ba naman kasi? Kulang na lang ay sugurin niya ang babae kung hindi lang siya napigil ng nobyo. Baka kung ngakataon ay nagkasabunutan pa sila ni
Magbasa pa

Art of Destiny VI

———— "IT was your Dad's plan. Kuya Blake desired you to replace me as the new CEO of Hotel Uno." Parang nalula si Jino sa sinabi ng kaniyang Auntie Zieth Kate nang ganap silang magsarilinan. Being surprised, he didn't answer her eagerly. He was left muted yet double-minded. How he supposed to be a CEO of Hotel Uno if he had a company to manage with? He was the Overall Managing Head of the three branches of Hope Marketing within the entire Cebu and these businesses are going a lot of profit. This position was animously hidden to the knowledge of all managers of Hope. What they had already known and known alone is Mr. Jonathan was the CEO of the Cebu branch and he was the branch manager, nothing more. Tinapunan niya nang sulyap ang magamang nagkasya sa pagharutan sa isang tabi. Kung ito ngang sa Hope pa lang ay halos hindi na niya na maimanage ang time, how about kung siya na ang CEO ng Hotel Uno? Kilala niya ang nasabing Hotel. It was one of the renowned largest and most luxurian
Magbasa pa

Art of Destiny VII

"BAKIT ka sumunod pa dito sa akin?" Reklamo ni Zenaida sa asawang si Ronaldo. Iniwan kasi nito ang mga bisita ng apo na sa halip ay i-entertained ang mga bisita ng apo sa labas. "Nakalimutan mo na kung ano ang ginawa ng pamilyang iyan kay Arianne?" Katwiran ni Ronaldo na hindi mapalagay. Panay ang upo-tayo at paroo't parito na parang may ibig sabihin pero hindi magawang magsalita. Sinaway naman ito ng asawa. "Pst. Magdahan-dahan ka nga ng boses mo at baka marinig tayo nila." Suhestiyon ni Zenaida sa asawa na kinakabahang baka narinig ng mga bisita ang sinabi ni Ronaldo. "Ikaw, Ronaldo, pakitikom nga ng bibig mo." Sumang-ayon naman ang asawa habang hinahaluan ng chicken spread mayo ang mga loof bread. Nasa harap din nito ang isang pitsel na naglalaman ng orange juice para sa mga bisita na patuloy na hinahalo niya. "Di ba nga? May usap-usapan na may cultong kinabibilangan ang mga ito ayon na din sa kuwento at karanasan ni Arianne? Puwera pa doon sa napabalita noon ang kasong murde
Magbasa pa

Art of Destiny VIII

SO what's the plan now? Malapit na ang wedding niyo pero wala ka pa ding planong sabihin kung ano ang plano mo?" Panimula ni Steve habang kasalukuyan itong nagsusuot ng damit. Sa harap ng nobya ay walang anumang hiyang nagpalit ito ng damit.Wala naman kasi iyon sa kanila dahil para na din silang magasawa na kaya karaniwan na iyon sa dalawa.Napakagatlabi na lamang ang nobya nang minsan ay mapagmasdan ang kahubaran ng nito.Malaking lalaki si Steve, may matipunong pangangatawan at body builder kaya maraming babae ang nagkakandarapa rito noong highschool age nito.Napatigil naman sa ginagawa si Steve nang makitang lihim na tinitigan nito ang lalaki. "What?" Natatawang wika nito sa babae na parang alam na kaagad ang tinitigan sa katawan nito."Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang may-ari nito." Nanunukso ang mga matang pahayag ni Steve. Muli nitong ipinagpatuloy ang ginagawa."Sira!" Irap ng babae sa nobyo. Bumangon na ito upang ayusin ang sarili. "Wala pang kaalam-alam si Jino sa lihim
Magbasa pa

Art of Destiny IX

ALAM ni Arianne sa sarili na hindi ito ang gusto niyang mangyari sa pagitan niya at ng panganay na anak. Ayaw niyang maging selfish na ina para rito. Ang gusto lang niya ay protektahan ang anak sa mga posibilidad na kapahamakang nasa harap na nito mismo. Jonathan Villadencio is one of the associate managers ng kaniyang asawang si Jake. May malaking shares sa Hope Marketing ang naturang lalaki. Sa katunayan, ito ang naitalagang CEO ng company branch ng nasabing prominent business doon sa Cebu.Mataas kumpara sa posisyon ng anak na si Jino, gayunman ay walang ideya ang buong company na si Jino pa din ang may pinakamataas na posisyon dahil sa isa ito legit heir ng nasabing company. Lingid sa kaalaman ng lahat kung sino si Mr. Z ng company, walang ideya ang lahat na si Jino mismo ang VP Chief Manager ng buong Hope Marketing na nilahukan ng iba't ibang contributors at shared capital mula sa iba't ibang investors. "Look stressed?" Napalingon siya sa likuran ng makarinig ng pamilyar na bo
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status