Home / Romance / Art of Destiny / Art of Destiny : Panimula

Share

Art of Destiny
Art of Destiny
Author: Juanmarcuz Padilla

Art of Destiny : Panimula

last update Last Updated: 2023-07-21 19:47:19

INTRODUCTION: Pangungulila

Sa dalawang magkaibang dako, may magkaibang puso na naghihintay, umaasa at nananabik na magkitang muli... Malulunasan ba pareho ang mga sugat ng panahon at oras??

—————

One night of a full moon.

Makikita ang isang taong nakaupo sa isang bangkong kawayan. Nagiisa lang ang person. Walang balak mag-ingay, magsalita o sumigaw.

Nakapako lang ang mga mata niya sa galaw ng dagat. Pinagmamasdan nito din ang tila kristal na tubig na tinamaan ng liwanag ng buwan.

Matiyaga nitong pinakikinggan ang mga tila awit ng hampas ng alon sa pampang.

Mayamaya ay saglit nitong ginalaw ang mga nangangawit na paa dahil sa tagal ng pagkakaupo.

Pinaglagutok din nito ang mga daliri sa kamay na parang namanhid na din. Masaya nitong binilang habang pinakikinggan iyon hanggang sa huling lagutok.

Di pa nakuntento ay isinunod nito ang mga daliri sa dalawa nitong paa.

Nakaramdam ito ng ginhawa matapos gawin ang mga iyon. Naginat pa ito at pinaglagutok din ang likod sa sarili nitong pamamaraan.

Mayamaya ay naalala nito ang isang tasang kape na noon ay malapit na ding lumamig.

Hindi nito maintindihan ang sarili kung bakit tila gustong gusto nitong umupo doon tuwing gabi o takipsilim. Paborito nitong pagmasdan ang namumulang kalangitan tuwing hapon. Parang nalilibang ito sa kakapanood ng ganoong uri ng tanawin.

Kumbaga, doon na ang naging favorite place nito.

Paborito niyang tingnan ang sunset. Para sa kaniya ay may ibig itong ipahiwatig. May mga mensaheng nais i-portrayed.

Hindi na rin mabilang na minsan may parang vision na bigla na lamang papasok sa isipan niya.

Para iyong isang alaala na bigla na lamang mabubuo sa isip niya.

Sinulyapan niya ang hawak na isang tasang kape. Ilang higop na lang at mauubos na ito.

Sunod-sunod niyang nilagok ang laman ng hawak na tasa.

Matapos sairin ang kape ay nagsindi ito ng isang stick ng Marlboro black.

Ito ang paboritong sigarilyo na lagi nitong binibili. Bukod sa may menthol ito, ay okay sa kaniya ang lasa nito.

Matapos ang matagumpay na pagsindi ay sabik hinihithit nito iyon. Pagkatapos ay bumuga ng makapal na usok nang paulit-ulit.

Muli na naman nitong tinapon ang sulyap sa laot. Parang may isang bagay kasi na bumabalik sa isipan niya tuwing nakikita niya ang dagat. Isang bagay na parte ng nakaraan niyang maaring nawala sa memorya niya.

Matapos ang ilan pang buga-hithit ay nakarinig ito ng ilang beses na tawag sa pangalan nito.Mahina lang sa umpisa ngunit lumakas sa katagalan ng kaniyang pagsagot.

Boses babae iyon at parang nagmamadali.

Paulit-ulit niyong tinatawag ang pangalan ng lalaki dahilan para lumingon ito.

————

Mula sa itaas ng terrace ng Mansion Del Valle ay nakikita ng isang magandang babae ang buong palibot ng malapalasyong hacienda ng angkan niya.

Makikita mula roon ang nagagandahang orchidial plantation at mga imported na bulaklak na nagsisisulputan lang at nagpapaligsahan sa kulay, bango, at ganda sa mga mata ng nakakakita at makakakita pa.

Subalit sa kabila na pagiging kaakit-akit ng paligid, lahat ay larawan ng emptiness at longing. Lahat ay kagaya pa din ng mga ordinaryong tanawin na wala naman itong pakialam.

Mahigit Isang taon na ang naganap. Isang taon nang mula nang mawala sa piling nito ang lalaking una nitong minahal.

Isang taon ng kaytagal na paghihintay na muling makabalik at makita ang lalaki.

Isang taon nang umaasa na isang araw ay makikita nito muli ang minamahal, nakangiting lumalakad papalapit rito habang pinagmamasdan.

Isang taon na sanang magkaroon ng isang masayang pamilya kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon.

Muli, ay nag uunahan na namang maglandasan ang mga luha sa mga mata ng babae.

Muli na naman niyong pinadilim ang mga paningin nito.

"Shit!" malakas na mura ng babae matapos pahirin ang sariling luha.

Hanggang kaylan ang puso nitong magiging ganito?

Hanggang kaylan ito itutortured ng sakit ng pagkawala ng isang taong sobrang napakahalaga rito.

"Nasaan ka na ba kasi?"

Tinangay lamang ng hangin ang mga sinabi ng babae na lalong nagpalamig ng nararamdaman nito.

Balewala rito ang napakaganda at kahanga-hangang paglubog ng araw sa kanluran.

Sa pagaagaw ng liwanag at dilim ay nakalikha iyon ng pagsasanib ng dalawang kulay, ang dilaw at pula na kapwa dumisenyo ng isang pambihirang repleksiyon dumagdag sa lalong ikakamangha ng makakakita.

Puwera nga lamang sa nilalang na ito, na hindi batid ang bagay na hatid ng tanawing iyon.

Sumapit na naman ang gabi. Lilipas na naman ang isang araw na paghihintay.

Bukas na naman ulit!

Bagay na nakakasawa na!

Pero hangga't humihinga ito, ay patuloy nitong ipapangako sa sariling hihintayin ang umagang iyon.

Ang umaga ng pagbabalik ng lalaking minamahal...

At naniniwala na malapit na iyon...

Related chapters

  • Art of Destiny   Art of Destiny I

    One/ Nakatagong lihim "Sa likod ng mga realidad na nagaganap, may mga nakatagong lihim ng nakaraan na mauungkat , katulad ng librong may mga kabanatang nilumot na ng panahon." ———— "Miss Rose Mary Gaile Villadencio, will you marry me?" Ito ang mga katagang binanggit ni Jino na punong-puno ng eksaytment at 'di masusukat na saya sa kaniyang babaeng pinakamamahal na si Rose Mary. Noon ay nasa isang sikat na restaurant ang dalawa at kasalukuyang nasa dinner date. Nakatayo si Jino sa pormang paluhod sa harap ng kaniyang girlfriend at wala silang paki sa mga nakapaligid sa kanila o kung pinagtitinginan man sila ng mga ito. It was Jino's most awaited moment. A moment to propose marriage to his fiancee for more than five years and still counting. Even though na parang sinasalakay ng kaba ang puso niya at handang makipagkarera sa laban sa sobrang bilis ng pintig niyon, still Jino's trying to do what he should do a year ago. Jino thought that those five years are enough to make them both

    Last Updated : 2023-07-29
  • Art of Destiny   Art of Destiny II

    Two/ Mr. Discoverer "Lahat ay may karapatang malaman tungkol sa pagkatao niya o sa kaniyang nakaraan. Pero paano kung ang nakatagong nakaraan ang mga bagay na 'di na dapat pang mabalikan?" ———— HAWAK-hawak ni Jino ang calling card na ibinigay ng nagpakilalang Zieth Kate Del Fuego at kapatid daw ng totoong biological father niya na si Blake John Del Fuego. Matapos ang proposal kanina at nangyaring diskusyon sa pagitan ng babae at ni Rose Mary ay napaliwanagan na din niya ito. Aniya, ay wala namang dapat pagselosan ang nobya dahil unexpected person naman daw ang babae idagdag pang hindi niya iyon kilala. Matapos maihatid ang nobya ay agad na din siyang umuwi sa Lola Zenaida niya at Lolo Ronaldo niya. Noon ay ganap nang alas otso ng gabi at nagpapahinga na na ang matanda. Tatatlo na lamang sila sa napakalaking mansiyon ng Domingo. Ang kaniyang Tito na si Niko ay bumukod na din dahil may sarili na din itong pamilya sa edad na 35 at may dalawang anak na na parehong lalaki. Ang sumun

    Last Updated : 2023-11-27
  • Art of Destiny   Art of Destiny III

    ——— "HELLO, my beloved Jino. Ano't napatawag ang gwapo kong anak?" Sagot sa kabilang linya. Boses iyon ng Mommy Arianne niya. Matapos ang grand reunion ng pamilya, although kahit wala na ang Lolo Arthur niya ay masaya siyang nagpaalam na umuwi sa Mansiyon ng Domingo family. Naisipan niyang tawagan ang Mommy niya para kahit paano ay masabi niya rito ang kaniyang natuklasan tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ay para huwag ng bigyang pangamba pa ang ina kung sakaling malaman man ng mga ito na nalaman na niya ang tungkol sa totoo niyang ama. Saglit muna siyang huminga upang sumagap ng lakas. "Mom, nagkita na kami ni Dad sa personal." Sagot niya. Dahan- dahan niyang binanggit ang pagkasabing iyon na parang tinitimbang ang bawat sabihin. Napatawa si Mom sa kabilang linya. "Bored ka na ba diyan at nagkakaganyan ang Jino namin? Why spend some of your days with us here in Palawan? Baka naman naho-homesick ka na? Hmmm. Huwag mong sabihing namimiss mo na ako? Kami ng Dad mo?" Sinundan i

    Last Updated : 2023-11-28
  • Art of Destiny   Art of Destiny IV

    ~~~ Labinlimang taon na ang nakakaraan... KAUSAP ng kaniyang Dad ang ang isa sa mga kasosyo nito sa Hope Marketing. Iyon ang pangalan ng isa sa mga negosyong pinagkaabalahan nito these past few days. Isa iyong company ng mga Home appliances, gadgets at Kitchenwares. "Well, wala naman akong nakita na gusot o butas about my clients proposal so I suggest na idaan na natin ito sa board meetings next week?" Tinig ni Mr. Jonathan Villadencio. "Sure. As far as I know, daanan naman sa majority ang nasabing projects." panatag na tugon ni Dad rito. Nakikinig lamang siya sa usapan ng mga ito na kinakalikot ang sariling tainga para may pagkabalahan. "That was not my point, Jake." Pakli nito. "What I mean is, kung na-review mo ito ng husto, makikita mo na agad ang grounds at pwede mo na iyong dagdagan or bawasan. After all, it is you who was the biggest share in this company.You should study the whole proposal well. Sa akin ay paalala lang." Hindi nito masisi si Jonathan kung ganito na ito k

    Last Updated : 2023-12-31
  • Art of Destiny   Art of Destiny V

    ILANG araw na lang ay matatakda na ang kasal nina Rose Mary Gaile Villadencio at Kent Jino Zeke Domingo. Eksayted at walang pagsisidlang tuwa ang nararamdaman niya dahil sa nalalapit nilang kasal ni Jino. Magkahalong kaba din at takot ang kakambal ng kaniyang kasiyahang iyon. Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng takot. Kahapon lang ay tumawag si Jino at ikinuwento sa kaniya na nagkita na nga sila ng totoong biological father nito pati na din ang Lola at Auntie nitong napakamaldita ang looks. They already met na, noong nasa restaurant sila ni Jino at kakatapos lang magproposed ng binata sa kaniya. Ang babae palang iyon ay kapatid ng totoong Dad niya. Medyo nahiya siya nang makumpirmang inaway niya at pinagselosan ang Tita ni Jino. Sa tingin nga niya ay wala siyang mukhang ihaharap sa babae oras na magkita silang muli. Paano ba naman kasi? Kulang na lang ay sugurin niya ang babae kung hindi lang siya napigil ng nobyo. Baka kung ngakataon ay nagkasabunutan pa sila ni

    Last Updated : 2024-02-28
  • Art of Destiny   Art of Destiny VI

    ———— "IT was your Dad's plan. Kuya Blake desired you to replace me as the new CEO of Hotel Uno." Parang nalula si Jino sa sinabi ng kaniyang Auntie Zieth Kate nang ganap silang magsarilinan. Being surprised, he didn't answer her eagerly. He was left muted yet double-minded. How he supposed to be a CEO of Hotel Uno if he had a company to manage with? He was the Overall Managing Head of the three branches of Hope Marketing within the entire Cebu and these businesses are going a lot of profit. This position was animously hidden to the knowledge of all managers of Hope. What they had already known and known alone is Mr. Jonathan was the CEO of the Cebu branch and he was the branch manager, nothing more. Tinapunan niya nang sulyap ang magamang nagkasya sa pagharutan sa isang tabi. Kung ito ngang sa Hope pa lang ay halos hindi na niya na maimanage ang time, how about kung siya na ang CEO ng Hotel Uno? Kilala niya ang nasabing Hotel. It was one of the renowned largest and most luxurian

    Last Updated : 2024-02-29
  • Art of Destiny   Art of Destiny VII

    "BAKIT ka sumunod pa dito sa akin?" Reklamo ni Zenaida sa asawang si Ronaldo. Iniwan kasi nito ang mga bisita ng apo na sa halip ay i-entertained ang mga bisita ng apo sa labas. "Nakalimutan mo na kung ano ang ginawa ng pamilyang iyan kay Arianne?" Katwiran ni Ronaldo na hindi mapalagay. Panay ang upo-tayo at paroo't parito na parang may ibig sabihin pero hindi magawang magsalita. Sinaway naman ito ng asawa. "Pst. Magdahan-dahan ka nga ng boses mo at baka marinig tayo nila." Suhestiyon ni Zenaida sa asawa na kinakabahang baka narinig ng mga bisita ang sinabi ni Ronaldo. "Ikaw, Ronaldo, pakitikom nga ng bibig mo." Sumang-ayon naman ang asawa habang hinahaluan ng chicken spread mayo ang mga loof bread. Nasa harap din nito ang isang pitsel na naglalaman ng orange juice para sa mga bisita na patuloy na hinahalo niya. "Di ba nga? May usap-usapan na may cultong kinabibilangan ang mga ito ayon na din sa kuwento at karanasan ni Arianne? Puwera pa doon sa napabalita noon ang kasong murde

    Last Updated : 2024-03-01
  • Art of Destiny   Art of Destiny VIII

    SO what's the plan now? Malapit na ang wedding niyo pero wala ka pa ding planong sabihin kung ano ang plano mo?" Panimula ni Steve habang kasalukuyan itong nagsusuot ng damit. Sa harap ng nobya ay walang anumang hiyang nagpalit ito ng damit.Wala naman kasi iyon sa kanila dahil para na din silang magasawa na kaya karaniwan na iyon sa dalawa.Napakagatlabi na lamang ang nobya nang minsan ay mapagmasdan ang kahubaran ng nito.Malaking lalaki si Steve, may matipunong pangangatawan at body builder kaya maraming babae ang nagkakandarapa rito noong highschool age nito.Napatigil naman sa ginagawa si Steve nang makitang lihim na tinitigan nito ang lalaki. "What?" Natatawang wika nito sa babae na parang alam na kaagad ang tinitigan sa katawan nito."Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang may-ari nito." Nanunukso ang mga matang pahayag ni Steve. Muli nitong ipinagpatuloy ang ginagawa."Sira!" Irap ng babae sa nobyo. Bumangon na ito upang ayusin ang sarili. "Wala pang kaalam-alam si Jino sa lihim

    Last Updated : 2024-03-04

Latest chapter

  • Art of Destiny   Bonus Chapter : Ang Nawawalang Bilyonarya

    BONUS CHAPTER: GANOON na lamang ang palahaw na iyak ni Yna, asawa ni Joshua Arevallo ng araw na iyon. Iyon ay ganap nang alas -singko ng hapon pero hindi pa din nakakauwi si Glory Belle, ang panganay na anak ng mag-asawa. Magaanim na taon pa lamang ito at kasalukuyang nasa ikatlong baitang at nagaaral sa Central Cebu Elementary School. Hindi kalayuan sa bahay nila kaya may tiwala siyang hindi mapapano ang bata. Idagdag pa na kasa-kasama nito ang yaya Cherry nito at hatid-sundo sa school na pinapasukan nito. Ano kaya ang nangyari at wala pa din ang kaniyang anak at ang kaniyang Yaya?May ilang minuto na ang paroo't parito ang ginawa ng babae habang ang mga mata ay hindi inaalis sa may pintuan. Alalang-alala na si Yna dahil supposed to be ay hindi pa din nakakauwi ang kanilang anak. Dapat alas-singko pa lamang ay nakauwi na ang bata. Dahil sa labis na pag-alala ay nagawa niyang tawagan ang asawang si Joshua. Batid niyang nasa office pa nito ito at tiyak na busy pa sa lahat ng mga pape

  • Art of Destiny   Art of Destiny CXIV

    LUMIPAS ANG ILANG BUWAN... "LADIES and gentleman, I would like and proudly to announce you, our new CEO of Hotel Uno, Mr. Kent Jino Zeke Domingo!" Malakas na anunsiyo ni Zieth kate sa lahat ng mga staffs, employees, co-partners, guests at iba pang importanteng tao na dumalo sa pagtitipong iyon. Sinundan naman iyon ng masigabong palakpakan na mula sa mga karamihan ay pamilya Del Fuego at Domingo. "Mr. new CEO, please come forward." hiling ng kaniyang Tita Zeith Kate. Nakangiti namang pumagitna si Jino sa nakahilerang mga tao at masayang kumaway sa lahat. Isang palakpakan muli ang iginawad sa kaniya ng lahat. "Thank you. Thank you po sa inyong lahat." Pahayag niya na hindi mapunit-punit ang mga ngiti at iginala ang mga mata sa lahat. Naroon ang kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake, ang kaniyang tito Nikko at pamilya nito, ang kaniyang Tito Joshua kasama din ang pamilya nito, ang kaniyang Lolo Ron at Lola Zen, ang kaniyang Lola Adelaida at asawa ni Zieth Kate na si Kurt Justin Steve D

  • Art of Destiny   Art of Destiny CXIII

    KAAGAD na sinalakay ng kaba ang dibdib ni Jino nang makita ang muling pagtutok ni Donya Fatima ng baril sa likuran ng ulo ni Naikkah. Iyon ang pagkakataon na hinihintay niya upang sumalakay rito. Hindi niya sinayang ang bawat segundong nalingat si Donya Fatima. Huli na nang makita nito siyang pasugod. "Walang--" Wika nitong naputol dahil matapos niyang tabigin ang baril na hawak nito ay tumama ito sa isang bahagi ng poste. "Ano bang ginagawa mo! Bitawan mo ang baril ko!" Wika ni donya Fatima sa kaniya na patuloy na ayaw patalo sa pakikipag-agawan ng bala. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Naikkah na magmulat at nakita nito siya na patuloy na nakikipag-agawan ng baril sa matanda. "Jino??" Sambit ni Naikkah nang makita siya. Ramdam niya ang kakaibang tuwa sa puso nito nang makitang bumalik siya para rito. "Tumakas ka na, sige na Naikkah. Iligtas mo ang sarili mo at ang anak natin!" Malakas na sigaw niya sa babae na nanatiling pa ding nanonood sa kanila. "Sabi kong bitawan m

  • Art of Destiny   Art of Destiny CXII

    GULAT na gulat si Naikkah nang ganap na makilala kung sino ang bumaril sa kaniya. Agad siyang natumba dahil sa impact ng tumamang bala sa balikat niya. Sapo-sapo ang tinamaang kanang balikat na ngayon ay nagdurugo na, nahihilong tumingala siya upang tiyakin kung sino nga talaga ang nasa likod ng pagkabaril niya. Hinintay niyang makalapit ang nasabing bulto ng taong papalapit ang mga yabag at kahit sa kabila ng panlalabo ng kaniyang mga mata ay nakilala niya pa rin ang may-ari ng bultong iyon.Isang babae, may hawak na baril na bahagya pang umuusok ang nasa kaniyang harapan ngayon at tinitingnan siyang walang kaemo-emosyon. "I-ikaw??" Gulat na bulalas niya. "P-paano niyo po ito nagawa sa akin? A-ano bang k-kasalanan ko sa inyo?" Hirap na hirap niyang wika sapagkat napapaimpit siya ng daing sa walang tigil na pagdurugo at pangingirot ng kaniyang sugat. Hindi siya makapaniwalang si Donya Fatima nga ito nasa harapan siya. "Oo Naikkah! Ako nga ito!" Mayabang na wika ni Donya Fatima. Kit

  • Art of Destiny   Art of Destiny CXI

    HINDI nakaligtas sa mata ni Naikkah ang lihim na ngiti na gumuhit sa mga labi ni Jino. Hindi niya alam kung ano ang ikinakatawa nito pero para siyang nainsulto na ewan."Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan? May nakakatawa ba?" Mataray na naman niyang wika na gusto pang sapakin si Jino kung hindi lang siya natakot na baka makabig ang manibela sa gagawin niyang iyon sa lalaki.Nilingon naman siya ng lalaki at sinagot. "Wala naman. Nakakatuwa ka lang tingnan kapag naasar." Tugon nito na pinapungay na naman ang mga mata. Inirapan lamang niya ang lalaki at muling inawas ang tingin. "You look disgusting but i swear, you still beautiful in my eyes."Hirit pa nito na hindi na niya pinansin. Iniwas niya ang mukha hindi dahil ayaw na niyang makita pa si Jino kundi dahil---'My gosh! Why do i blushed?'Sa huli ay dinaig pa din ng kaniyang mataray na mukha ang namumula sanang pisngi niya dahil sa kilig na naramdaman. Bagay pa sa kaniya ang bagay na iyon? Hindi na siya tinedyer para makaramdam noon k

  • Art of Destiny   Art of Destiny CX

    MATAGAL nang nakaalis sina Jino At Naikkah nang bigla namang dumating sa mansiyon De Domingo si Nikko. Nagulat na lamang sina Arianne at Jake nang madatnan nito silang mag-asawa sa sala ng mansiyon kasama ang kanilang mga magulang."Nikko? Come over here, my son. Join us for this merienda!" Masayang tawag ni Zenaida, ang mommy nila. Katabi nito ang asawang si Ronaldo na ngayon ay nasa edad otsentay tres na."O Nikko? Napabalik ka? May nakalimutan ka ba?" Agad na tanong ni Jake sa kapatid. Nagtataka kasi ito kung bakit bumalik ang kapatid gayong nagpaalam na ito kanina na uuwi na kasama ang pamilya nito.Kita sa mukha nito ang pag-alala."I am sorry, Kuya...but I have something more important to tell you right away!" Tugon nito na hindi mapakali. Napansin ni Arianne na may hinahanap ito."Who are you looking for?" Nakakunot-noong tanong naman nito kay Nikko."Where's Jino? May kailangan siyang malaman tungkol sa ina ni Juno at kailangan niyang mag-ingat sa mga ito.""Kanina pa siya na

  • Art of Destiny   Art of Destiny CIX

    TAHIMIK na nakasakay lamang si Naikkah sa driver seat katabi si Jino. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din maabsorb ng utak niya ang mga nalaman. Ayon sa mga datos na nakalahay sa folder na ipinakita ni Jino, may mental disorders si Juno. Ito ay matagal nang tinatago ng lalaki sa kaniya. Lingid sa kaalaman niya na may dahilan pala ang bilang pagbabago ng ugali nito paminsan-minsan. Binalewala na lamang niya iyon dahil para sa kaniya, lahat naman ng tao ay may tinatagong moody swing. Imbes na bigyan niya iyon ng maling kahulugan ay inisip na lamang niyang natural na iyon sa mga lalaki.Hindi nakapagtataka kung bakit naging mabigat para sa kaniya na tanggapin na lang bigla ang mga nalaman. Ang isa pa niyang ipinaglalaban ay naniniwala siyang mahal siya ni Jino at hindi siya nito sasaktan ng ganoon-ganoon na lang.Mas nanaig pa din ang pagmamahal niya sa lalaki. Kaya ang nangyari, gusto pa din niyang makauwi sa mansiyon ng mga Dolmenazav upang kahit paano ay mapaghandaan ang ba

  • Art of Destiny   Art of Destiny CVIII

    NAGULAT si Jino sa naging reaksiyon ni Naikkah matapos nitong mabasa ang nilalaman ng folder na ibinigay niya rito. Tama ang kaniyang hinala, hindi nga nito papaniwalaan ang lahat. Kung hindi nagawang kumbinsihin ng lagda at testify ng police ang babae, then how could he? "Pawang kasinungalingan lang ang lahat ng iyan!" Tanggi ni Naikkah sa mga rebelasyon at mahigpit na pinunit ang folder. Sinamantala ng babae ang pagkagulat niya kaya nagawa nitong mapunit ang mga papel nang walang kahirap-hirap. "Naikkah!" Tanging nasambit na lamang niya at walang nagawa kundi pagmasdan ang mga nagliliparang pira-piraso ng nasabing police report. Muli siyang nabigla nang bigla itong magpalahaw ng iyak at hesterical na sinasapak ang sariling ulo. "This is not true! It can't be true!Sinisiraan niyo lamang si Juno! pare-pareho lang kayo!" Mabilis niyang dinaluhan ang babae at hinawakan ito sa magkabilang braso upang awatin sa pananakit nito sa sarili. "Naikkah, stop it! You're hurting yourself!"

  • Art of Destiny   Art of Destiny CVII

    NARAMDAMAN ni Naikkah ang isang mainit na dampi ng halik sa bandang buhok niya. Maging ang isang tilamsik ng tubig na kung hindi siya magkakamali ay luha ni Jino. Hindi pa siya tulog, nagkukunwari lamang. Malinaw pa nga niyang naririnig ang mga sinasabi ng lalaki. Tinakpan lamang niya ang kaniyang mga tainga at mukha dahil ayaw niyang makita nito ang kaniyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa mga nangyari. Ang una ay hindi niya akalaing ampon lamang si Juno ng pamilya Dolmenazav. Ang hindi pa niya maisip ay kung bakit doon pa talaga sa party nabulgar ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Juno. Sa totoo lang kasi ay puwede namang magyari iyon sa ibang panahon? Sumagi sa isipan niya na baka nadulas lamang si Don Edmund sa pagsabi noon dahil sa hindi na ito maawat. Ito namang tungkol sa pagkakatuklas ni Jino sa kalagayan niya ay hindi niya din alam kung paano nito nalaman. Pinaimbestigahan ba siya ng lalaki? Lihim na sinusubaybayan? Ang gulo-gulo ng is

DMCA.com Protection Status