Two/ Mr. Discoverer
"Lahat ay may karapatang malaman tungkol sa pagkatao niya o sa kaniyang nakaraan. Pero paano kung ang nakatagong nakaraan ang mga bagay na 'di na dapat pang mabalikan?" ———— HAWAK-hawak ni Jino ang calling card na ibinigay ng nagpakilalang Zieth Kate Del Fuego at kapatid daw ng totoong biological father niya na si Blake John Del Fuego. Matapos ang proposal kanina at nangyaring diskusyon sa pagitan ng babae at ni Rose Mary ay napaliwanagan na din niya ito. Aniya, ay wala namang dapat pagselosan ang nobya dahil unexpected person naman daw ang babae idagdag pang hindi niya iyon kilala. Matapos maihatid ang nobya ay agad na din siyang umuwi sa Lola Zenaida niya at Lolo Ronaldo niya. Noon ay ganap nang alas otso ng gabi at nagpapahinga na na ang matanda. Tatatlo na lamang sila sa napakalaking mansiyon ng Domingo. Ang kaniyang Tito na si Niko ay bumukod na din dahil may sarili na din itong pamilya sa edad na 35 at may dalawang anak na na parehong lalaki. Ang sumunod kay Niko na si Zaira Mae ay nasa Maynila, nag-aaral ng college of Music and Arts. Konti lang ang naging agwat nito sa kaniya dahil buwan lang ang itinanda. Siya naman ay kasalukuyang nag-aaral sa Pamantasang Central ng Cebu sa kursong Commerce. Ang kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake naman ay naiwan sa Palawan. His parents also owned a number of business establishments there na sigurado niyang siya na ang susunod na mamahala. In the present, he had one sister named Kyla Reeze na hindi niya alam kung saan kinuha ng mga magulang ang pangalan. Nasa Palawan ito kasama ng Tita Chen-Chen, Tito Joshua at Lola Leah niya. Lahat sila ay pamilya niya sa side ng kaniyang Mommy Arianne. Basta pag-uwi ng mga ito galing sa hospital three days after delivery ay may pangalan na ito instantly. Nawala ang mga iniisip niya nang muling nasulyapan ang mga numerong nasa calling card. Isa lang ang pumasok sa isip niya agad, kunin ang kaniyang cellphone na nakapatong sa mesa niya malapit sa kaniyang lampshade at i-dial ang mga numerong nanunuksong tawagan. Ilang sandali pa ay nagri-ring na ang kabilang linya. ———— "WHAT??" Iyon ang salitang narinig ni Jino sa kabilang linya. Tinawagan niya si Rose Mary para ipaalam dito na pupunta siya ngayon sa address na ibinigay ng babaeng kausap niya kagabi sa restaurant. "Talagang naniniwala ka doon? Paano kung may tangka iyon sa buhay mo? For example, balak kang iblackmail?" Sunod-sunod na pahayag nito na ramdam na ramdam niya ang pag-alala nito. "So far, wala naman akong nasense na panganib ng kausap ko siya kagabi." Katwiran ko. "May pakiwari lang talaga ako tungkol sa mga sinasabi niya. Malay natin kung totoo nga iyon 'diba? Wala namang masama o mawawala kung aalamin ko di'ba?" Narinig niya ang sunod-sunod na buntong-hininga ng nobya. "Hay, 'di ko na alam kung saan pa ako kukuha ng dahilan para pigilan ka." Anito na nagpakawala muli ng malalim na paghinga. "Nasabi mo na ba sa parents mo ang tungkol doon? Baka mag-alala sila sa iyo?" "Hindi na muna siguro." Matipid niyang tugon. "Mas mabuti kong ako lang ang makakatuklas mismo ng pagkatao ko." Sumungaw sa mukha niya ang lungkot at pagdaramdam. Pagdaramdam sa mga magulang na matagal na itinago sa kaniya ang lahat tungkol sa pagkatao niya. Lungkot dahil sa katotohanang ang mismong magulang pa nya ang nagkait ng pagkakataong makasama niya ang tunay niyang pamilya. Hindi niya lubos maisip na ang kinikilala niyang si Jake Domingo ay hindi niya tunay na ama. Kahit pa sabihing wala siyang karapatang magtampo dahil hindi naman siya minaltrato ng dad niya o kahit man lang ipinaramdam nito ang malamig na pakikitungo sa kaniya. Besides, his dad can't blame him for having this feeling toward him. Normally, it's really nakakatampo naman talaga kaya kahit sinumang malalagay sa sitwasyong katulad ng sa kaniya ay 'di maiwasang magtampo. "What will be your next plan right after when that woman really telling the truth about you?" Hindi na muna siya nakasagot. Ano nga ba dapat ang gagawin niya? Dapat niya bang sumbatan ang mga magulang niya? O itatago na lang din niya sa mga ito ang kaniyang natuklasan. ———— HINDI na bago sa para kay Jino ang ganitong mga tanawin dahil lumaki din siya sa marangyang buhay. His Dad owned a very huge numbers of business and companies sa Palawan locally at may pang international. Plus pa ang kanilang angkan ng mga Domingo ay prominence business men din na sa ngayon ay kasalukuyang pinamumunuan na ni Nikko Domingo, ang pangalawang kapatid ng kaniyang Daddy Jake. Ang akala niyang office ang pupuntahan niya ay hindi pala. Sa halip ay sa mansion ng mga ito siya dinala. "Come! Let get inside." Masaya at magiliw na yaya ni Ms. Zeith Kate sa kaniya. Sinalubong siya nito sa pasimano ng mansion matapos siyang papasukin ng guardhouse. Naka-Ducati motorcycle lang siya dahil mas gusto niyang magtravel ng mahangin kesa magmaneho ng kakaregalo pa lamang ng kaniyang Dad na kotse, ang Ferrari 296. "This is all yours, everything you seen but your naked eyes are yours as the solo heir of the Del Fuego." Masayang wika nito habang tila tini-tour siya sa palibot. Gusto niyang malula sa salitang solo heir. What does she mean about solo heir? It is impossible that the family had never another hier or hieress. "Our ancestors builds this mansion for one purpose. This semi- antique foundation of mansion serves as the length of thousands years which our family stills successful and found at the top among all huge businessmens." Kahit sa historical definition ng mansion ay parang ibig manindig ng balahibo niya. "Come over. Mas marami pa akong dapat sabihin sa'yo." Walang atubiling sumumod siya rito. He sensed nothing but a strange feeling of being to this place. He is about to go far beyond he thought of. And it looks great of having this semi- legendary history! ———— HINDI makapaniwala si Jino sa mga narinig mula kay Zieth Kate. Magkatulong nito at ng Lola Adelaida niya na ipaliwanag sa kaniya ang buong pangyayari. Simula sa kung paano nagkakilala sina Mommy Arianne niya at Daddy Blake John. Pati na rin ang pagkamatay ng kaniyang Lolo Arthur dahil sa tinatawag na tradisyon ng pamilya... ang blood moon cult. Lahat ay walang inilihim ang mag-ina. Ikuwento din ng mga ito kung paano naging masama ang kaniyang Dad. Sinabi din ng mga ito na kasalukuyang nakakulong ito dahil sa mga patong-patong na krimen na nagawa lalo na sa kaniyang ina. Ngayon ay mas lalo niyang naintindihan kung bakit ayaw na ayaw ng kaniyang mga magulang na sabihin iyon o ang tungkol sa tunay na ama niya. Dangan ay malalaman niyang isa pa lang napakasamang elemento ang kaniyang ama. Nalungkot na lang siya sa natuklasang katotohanan. Gayunman, okay na siya at nasagot na din ang kaniyang mga matagal nang katanungan sa buhay. Walang emosyong mababakas sa mukha niya. Alanganin siyang magalit, wala ding dahilan para matuwa. Maliban sa kapayapaang nasa kaniya na ang mga sagot na matagal na niyang hinahanap. "I am sorry for having your ungrateful father after all. Alam kong minahal ka at pinalaki ng tama ng iyong mommy Arianne at kinilalang daddy na si Jake Domingo. " Malungkot na pahayag ng kaniyang Lola Adelaida. "Life is full of misery. What you saw is what will you reap. Nagbayad na ang daddy mo ng lahat ng kasalanan nito. For about twenty years ay sapat na para mapagsisihan niya ang mga kasalanan niya sa Mommy mo at sa iyo." Nakita niya kung paano agusan ng luha ang mga mata ng matanda. Maging si auntie Zeith Kate any ganoon din. Pareho silang larawan ng mga pagsisisi, ng paghihinayang. Paghihinayang sa pagkakataong mabuo muli ang kanilang pamilya. "Kaytagal namin hinintay ang pagkakataong ito aking pamangkin." Ani auntie Zeith Kate. "And now that we found you, muli na tayong mabubuo." May takot na umalon sa dibdib ko pagkarinig niyon. Mabubuo? How come na mabubuo ang isang pamilya niya na dati ng buo? Nangangahulugan ba ito na kukunin na siya ng mga ito sa poder ng kaniyang mommy bat daddy? Definitely ay hindi siya makakapayag. Hindi porke inalam ko ang tungkol sa tunay niyang pagkatao ay kaylangan na ding magbago ang lahat! Of course not. Sapat nang malaman niya ang tungkol sa biological father niya. Hanggang doon na lang iyon at wala ng kaylangang baguhin. "How I was blessed to see you again , our Jino Blake!" Maluha-luhang tawag ni Lola sa pangalan ko. Niyakap nito siya ng buong higpit. "Can I see my daddy's face?" Wika niya ng matapos siyang yakapin ng paulit-ulit ng mga ito. Naintindihan naman niya ang nararamdaman ng mga ito dahil sa pananabik. Wala siyang masasabing mali roon. Nagkatinginan ang dalawa na hindi agad nakuha ang ibig niyang sabihin. "Halika sa kwarto ng Dad mo. Marami siya doong mga picture." Yaya ni Lola Adelaida. "Yes Jino. He took so many pictures himself, even with you." Segunda ni auntie Zeith Kate. Inulit ko nag tanong at klinaro sa kanilang dalawa. "I mean po, pwede ko ba siyang dalawin sa kulungan?" Nagulat man ay parang nagliwanag na bituin sa kalangitan ang kislap ng mga mata ng mga ito. "Sure. Why not." si auntie Zeith Kate. "Wait at magbibihis ako right away." Anito at patakbong pumasok sa kwarto nito. Sinulyapan siyang muli ng kaniyang Lola Adelaida. Muli siyang niyakap nito na luhaan at dama ko ang nag-uumapaw na tuwa sa dibdib nito. "Your daddy will be so happy to see you, my lovely grandson." Anito habang yakap pa din siya nito. Sumilay ang pilit na ngiti sa mga labi niya. All he want is to see him personally. Not to curse him or to hate him but to thank him for giving him a life to be born in this wonderful life where he exist. Panahon na din siguro para kalimutan na lamang niya kung ano man ang mga grudges sa nakaraan. Past is past, ika nga, so let those pain be healed and forgotten. Let's those scratches from the past the brilliant future that twinkling each moment be refreshed. Tama nga ang sinasabi ng ilang philosopher at sikat na authors, reopening the past is the only way to be healed and unlocking the missing key to make a new beginning of a new chapter in life. ———— "BLAKE John Del Fuego, may bisita ka!" malakas na sabi ng jail officer at binuksan ang numero ng seldang kinaroroonan ng kaniyang totoong ama. Medyo masakit sa tenga ang nakakangilong ingay ng nagbanggaang kadena at kandado ng nasabing selda. "Sino daw?" dinig ni Jino na usisa ng balbasing lalaki na inilabas sa selda nito pansamantala. Maaga pa ng mga sandaling iyon at kakabukas pa lang ng tinatawag na visiting hour. Kakaunti pa lang ang mga taong pumapasok roon para magbisita ng kanilang mga 'kasama' na namamalagi doon. "Puntahan mo na lang sa labas." mapilosopong sagot ng warden. Gusto nitong angilan ang warden dahil sa pabalang na sagot pero pinigil na nito ang sarili. Makakadagdag lamang iyon sa bigat ng kaso nito kung sakali. Marahan ang mga hakbang na lumabas ito ng seldang iyon at tumungo sa reserved visiting area. Nagulat man ay sumilay ang saya sa mukha nito nang makita siya at ni Zieth Kate. Matamlay na umupo ito sa upuan paharap sa dalawa na hindi pinansin na kasama siya. Nasa likuran lang siya ng magkapatid habang sila ay nag-uusap. Ganoon naman talaga dapat. Hindi dapat nakikialam o nakikisabat sa usapan ng mga matatanda ang mga katulad mo. Liban na lang kung tinatanong siya o sinabihang magsalita. Idagdag pang ang seryuso ng usapan ng dalawa. Sa ibang terms, it's a family thing. Haha. "Mabuti naman at naisipan mo pang dumalaw rito." salubong nito Kay Auntie bago umupo kaharap si Auntie. Bakas sa tono nito ang sama ng loob at panlulumo tungkol sa bagay na wala na sa obligasyon ko pang malaman. "Sinisisi mo pa ako hanggang ngayon?" "Bakit ayaw mo ba? Kung gusto mo uuwi na din kami kaagad?" sinalubong ng kapatid ng katarayan ang panunumbat nito. Ibinaba nito ang sling bag at ipinatong sa mesa bago marahang umupo paharap sa kuya Blake nito. "Napapikunin mo naman. Sandali ka lamang rito at nagmamadali na ding umuwi?" anitong nangungusap ang tinig. Bakas sa mukha ng naturang lalaki ang hinagpis at kalungkutan. "Did you already forgot? Ikaw lang naman naging dahilan kung bakit nakaletse-letse ang pamilya natin!" Ang tinig ngayon ni Auntie ay may kasamang panunumbat. "Like you said earlier, sinisisi pa din kita. Sobra kitang sinisisi sa pagkamatay ni Dad." Rumehestro sa isip nya ang naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang Lolo Arthur. Ayon sa kuwento na din ng mag-ina, ang dark tradition ng pamilya ang nagdala ng kamalasang iyon sa kanila. Dumating sa point na nagkagulo at isa ang kaniyang Lolo sa nasawi. "Napunta ka ba dito para sisihin ako at ipamukha ang nakaraan?" Narinig kong parunggit ng kuya sa kapatid. "Pwedeng both?" Pilosopong sagot ni Auntie."Ano pa ba ang dapat mong asahan sa pagpunta ko dito?" Nakita niya kung paano iniwas ng Kuya ni Auntie Zieth Kate ang mga mata nito. Marahil ay hindi kayang salubungin ng kuya ang mga tinging mapang-usig ng kapatid. "Ano na ang usad sa kaso ko? Mabibigyan ba ako ng parol kahit this December?" Narinig niyang huminga ng malalim si Zieth Kate. "Well, kung magpapakabait ka siguro at magtatanda dito, baka oo. Kaso walang balak magpapiyansiya ang biktima." kibit-balikat na pahayag ni Zieth Kate. "Alam mo naman na patung-patong ang mga kasong isinampa sa iyo." dagdag ng kapatid na lalong ikinalugmok ng mukha nito. "Buto nga at 'di naungkat ang kaso ni Ate Arianne. Kung magkataon, baka Reclusion perpetua na ang hatol sa iyo rito." Napayuko ito sa mga narinig mula sa kapatid. Kahit siya ay aminadong masakit ang ginawa nito kahit sa Mommy Arianne niya. Masasabi niyang walang kapatawaran iyon. Gayunman, bilang isang lalaking nakakakilala sa Diyos ay naging madali sa kaniya ang magpatawad. Isang bagay na naituro sa kaniya ng kaniyang Mommy Arianne, Lola Zenaida at Lolo Ronaldo. "Siyanga pala, kumusta si Mommy?" mayamaya ay naisip na itanong nito ang tungkol kay Lola Adelaida nang hindi tumitingin sa kapatid. "She's okay. Ikinukumusta ka din nga niya sa akin. Heto nga at ipinagluto ka niya ng paboritong dish mo." Dagdag ng kaniyang Auntie at may inilabas na supot sa bag. Tumambad sa harapan niya ang dalawang tupper ware na naglalaman ng ulam. Ngayon niya lang napansin na may dala palang malaking supot si Auntie na naglalaman nang mga ulam. 'May magic yata si Auntie.' wika ng malikot niyang imahinasyon. 'Imagine, parang wala man akong nakitang dala-dala ito kanina.' 'O baka naman, lutang lang talaga ako kaya hindi ko na napansin iyon? Dagdag ng isipan niya. Hindi sumagot si Blake.Nanatili itong nakayuko at tahimik. I have also brought good news to you, Kuya Blake." Mayamaya ay wika ni Zieth Kate sa kuya para agawin ang atensiyon nito. "I found Jino!" Masiglang pahayag ng kapatid na parang ibig itong surpresahin. Sa wakas ay na-recognized na din ang presence niya. Haha. Sukat doon ay umangat ang ulo ni Blake na nagulat at nakakunot ang noo. Sinulyapan si Zieth Kate na parang hindi makapaniwala. Hindi na nagsalita si Blake sa halip ay para silang nag-uusap mind to mind. Nakita niyang inginuso siya ng kaniyang Auntie sa kuya nito. Dinaig naman nito ang natuka ng ibon na hindi makapaniwala sa nakita. Muli nitong sinulyapan si Zieth Kate, gustong kumpirmahin ang sinasabi nito. Tumango naman ang kapatid kaya parang nagliwanag ang mga mata ni Blake sa tuwa. "J-jino? I-ikaw ba si Jino? A-ng anak ko?!" Bulalas nito na kinukumpirma muna kung ako nga talaga ang anak niya. Sa unang pagkakataon, nakita kong naglandas ang luha sa mata nito. Ang tapang kasi ng mukha nito kanina nang tawagin. Maging ang boses nito ay may diin at maawtoridad. Nagmukha na din itong adik dahil sa dami ng mga nakaburdang marka ng tatoo sa katawan. Wala muna siyang naging reaksiyon at tahimik na lumapit sa mesa. Pinakikiramdaman niya lang muna ang gagawin ng sinasabing totoong Dad niya daw, ayon kay Auntie Zeith Kate. Marahan siyang umupo paharap rito. "Jino, Did you recognize me? I-i am your father!" he introduced himself to him. He don't know but he don't feel anything towards him. He doesn't see anything to hate him, He don't have remembered anything to missed him either. Gumalaw ang mga kamay nito pahaplos sa mukha niya. Naramdaman niya ang init ng palad nito ,at halos naririnig niya ang umaapaw na saya sa dibdib nito pagkakita sa kaniya. Siguro noong una ay inakala nitong kasama lang siya ni Auntie kaya hindi nito agad napag-aksayahang ipagtanong sa kapatid kung sino siya. Sinulyapan ni Dad si Auntie. Asking her why he didn't answering him. "It is not just that easy to settled everything kuya." konklusiyon ni Zeith Kate na kinuha ang maliit na sling bag na ipinatong nito sa mesa kanina bago umupo. "Maybe it's not the right time. Hayaan mo munang ma-absorb ni Jino ang buong katotohanan. Don't rush him into it. It's all your fault after all." Nanatiling nakatingin lamang siya sa kuya ni Auntie, realizing the emotions filled inside him. Bakit nga ba wala siyang maramdaman para rito as a son?——— "HELLO, my beloved Jino. Ano't napatawag ang gwapo kong anak?" Sagot sa kabilang linya. Boses iyon ng Mommy Arianne niya. Matapos ang grand reunion ng pamilya, although kahit wala na ang Lolo Arthur niya ay masaya siyang nagpaalam na umuwi sa Mansiyon ng Domingo family. Naisipan niyang tawagan ang Mommy niya para kahit paano ay masabi niya rito ang kaniyang natuklasan tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ay para huwag ng bigyang pangamba pa ang ina kung sakaling malaman man ng mga ito na nalaman na niya ang tungkol sa totoo niyang ama. Saglit muna siyang huminga upang sumagap ng lakas. "Mom, nagkita na kami ni Dad sa personal." Sagot niya. Dahan- dahan niyang binanggit ang pagkasabing iyon na parang tinitimbang ang bawat sabihin. Napatawa si Mom sa kabilang linya. "Bored ka na ba diyan at nagkakaganyan ang Jino namin? Why spend some of your days with us here in Palawan? Baka naman naho-homesick ka na? Hmmm. Huwag mong sabihing namimiss mo na ako? Kami ng Dad mo?" Sinundan i
~~~ Labinlimang taon na ang nakakaraan... KAUSAP ng kaniyang Dad ang ang isa sa mga kasosyo nito sa Hope Marketing. Iyon ang pangalan ng isa sa mga negosyong pinagkaabalahan nito these past few days. Isa iyong company ng mga Home appliances, gadgets at Kitchenwares. "Well, wala naman akong nakita na gusot o butas about my clients proposal so I suggest na idaan na natin ito sa board meetings next week?" Tinig ni Mr. Jonathan Villadencio. "Sure. As far as I know, daanan naman sa majority ang nasabing projects." panatag na tugon ni Dad rito. Nakikinig lamang siya sa usapan ng mga ito na kinakalikot ang sariling tainga para may pagkabalahan. "That was not my point, Jake." Pakli nito. "What I mean is, kung na-review mo ito ng husto, makikita mo na agad ang grounds at pwede mo na iyong dagdagan or bawasan. After all, it is you who was the biggest share in this company.You should study the whole proposal well. Sa akin ay paalala lang." Hindi nito masisi si Jonathan kung ganito na ito k
ILANG araw na lang ay matatakda na ang kasal nina Rose Mary Gaile Villadencio at Kent Jino Zeke Domingo. Eksayted at walang pagsisidlang tuwa ang nararamdaman niya dahil sa nalalapit nilang kasal ni Jino. Magkahalong kaba din at takot ang kakambal ng kaniyang kasiyahang iyon. Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng takot. Kahapon lang ay tumawag si Jino at ikinuwento sa kaniya na nagkita na nga sila ng totoong biological father nito pati na din ang Lola at Auntie nitong napakamaldita ang looks. They already met na, noong nasa restaurant sila ni Jino at kakatapos lang magproposed ng binata sa kaniya. Ang babae palang iyon ay kapatid ng totoong Dad niya. Medyo nahiya siya nang makumpirmang inaway niya at pinagselosan ang Tita ni Jino. Sa tingin nga niya ay wala siyang mukhang ihaharap sa babae oras na magkita silang muli. Paano ba naman kasi? Kulang na lang ay sugurin niya ang babae kung hindi lang siya napigil ng nobyo. Baka kung ngakataon ay nagkasabunutan pa sila ni
———— "IT was your Dad's plan. Kuya Blake desired you to replace me as the new CEO of Hotel Uno." Parang nalula si Jino sa sinabi ng kaniyang Auntie Zieth Kate nang ganap silang magsarilinan. Being surprised, he didn't answer her eagerly. He was left muted yet double-minded. How he supposed to be a CEO of Hotel Uno if he had a company to manage with? He was the Overall Managing Head of the three branches of Hope Marketing within the entire Cebu and these businesses are going a lot of profit. This position was animously hidden to the knowledge of all managers of Hope. What they had already known and known alone is Mr. Jonathan was the CEO of the Cebu branch and he was the branch manager, nothing more. Tinapunan niya nang sulyap ang magamang nagkasya sa pagharutan sa isang tabi. Kung ito ngang sa Hope pa lang ay halos hindi na niya na maimanage ang time, how about kung siya na ang CEO ng Hotel Uno? Kilala niya ang nasabing Hotel. It was one of the renowned largest and most luxurian
"BAKIT ka sumunod pa dito sa akin?" Reklamo ni Zenaida sa asawang si Ronaldo. Iniwan kasi nito ang mga bisita ng apo na sa halip ay i-entertained ang mga bisita ng apo sa labas. "Nakalimutan mo na kung ano ang ginawa ng pamilyang iyan kay Arianne?" Katwiran ni Ronaldo na hindi mapalagay. Panay ang upo-tayo at paroo't parito na parang may ibig sabihin pero hindi magawang magsalita. Sinaway naman ito ng asawa. "Pst. Magdahan-dahan ka nga ng boses mo at baka marinig tayo nila." Suhestiyon ni Zenaida sa asawa na kinakabahang baka narinig ng mga bisita ang sinabi ni Ronaldo. "Ikaw, Ronaldo, pakitikom nga ng bibig mo." Sumang-ayon naman ang asawa habang hinahaluan ng chicken spread mayo ang mga loof bread. Nasa harap din nito ang isang pitsel na naglalaman ng orange juice para sa mga bisita na patuloy na hinahalo niya. "Di ba nga? May usap-usapan na may cultong kinabibilangan ang mga ito ayon na din sa kuwento at karanasan ni Arianne? Puwera pa doon sa napabalita noon ang kasong murde
SO what's the plan now? Malapit na ang wedding niyo pero wala ka pa ding planong sabihin kung ano ang plano mo?" Panimula ni Steve habang kasalukuyan itong nagsusuot ng damit. Sa harap ng nobya ay walang anumang hiyang nagpalit ito ng damit.Wala naman kasi iyon sa kanila dahil para na din silang magasawa na kaya karaniwan na iyon sa dalawa.Napakagatlabi na lamang ang nobya nang minsan ay mapagmasdan ang kahubaran ng nito.Malaking lalaki si Steve, may matipunong pangangatawan at body builder kaya maraming babae ang nagkakandarapa rito noong highschool age nito.Napatigil naman sa ginagawa si Steve nang makitang lihim na tinitigan nito ang lalaki. "What?" Natatawang wika nito sa babae na parang alam na kaagad ang tinitigan sa katawan nito."Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang may-ari nito." Nanunukso ang mga matang pahayag ni Steve. Muli nitong ipinagpatuloy ang ginagawa."Sira!" Irap ng babae sa nobyo. Bumangon na ito upang ayusin ang sarili. "Wala pang kaalam-alam si Jino sa lihim
ALAM ni Arianne sa sarili na hindi ito ang gusto niyang mangyari sa pagitan niya at ng panganay na anak. Ayaw niyang maging selfish na ina para rito. Ang gusto lang niya ay protektahan ang anak sa mga posibilidad na kapahamakang nasa harap na nito mismo. Jonathan Villadencio is one of the associate managers ng kaniyang asawang si Jake. May malaking shares sa Hope Marketing ang naturang lalaki. Sa katunayan, ito ang naitalagang CEO ng company branch ng nasabing prominent business doon sa Cebu.Mataas kumpara sa posisyon ng anak na si Jino, gayunman ay walang ideya ang buong company na si Jino pa din ang may pinakamataas na posisyon dahil sa isa ito legit heir ng nasabing company. Lingid sa kaalaman ng lahat kung sino si Mr. Z ng company, walang ideya ang lahat na si Jino mismo ang VP Chief Manager ng buong Hope Marketing na nilahukan ng iba't ibang contributors at shared capital mula sa iba't ibang investors. "Look stressed?" Napalingon siya sa likuran ng makarinig ng pamilyar na bo
~~~"I'll swear, sa ibabaw ng bangkay mo ay hindi ako titigil hangga't hindi ko natutupad ang aking mga plano."Isang pangako iyon na pumorma ng pagkapoot sa isipan ni Jonathan. Hindi na siya makapaghintay pa na makamal ang buong kayamanan ng Domingo at maipaghiganti ang asawa sa stepsister nitong si Zenaida. Taliwas sa alam ng lahat at ayon na din sa kuwento niya kay Jino, hindi namamalagi sa Italy si Luz Ville. Maaring may dugong Espanya nga si Luz pero nandito lang ito sa Pilipinas namamalagi.Nagpapagaling lang ang asawa niya somewhere in Mindanao sa mga kamaganak nito.Matapos itong ipagtabuyan ng pamilya De La Luna ay namasukan itong DH sa abroad. May kursong natapos naman ito gayunman ay hindi naging sapat para magkaroon ito ng magandang uportunidad para makapagtrabaho ng maayos at permanente.Nang magkasakit ito ay lumala ng lumala lalo na kapag naalala nito ang ginawang pagtakwil ng pamilya nito noon.Inisip niya na isa marahil iyon na dahilan kaya hindi na nakarecover pa si L
BONUS CHAPTER: GANOON na lamang ang palahaw na iyak ni Yna, asawa ni Joshua Arevallo ng araw na iyon. Iyon ay ganap nang alas -singko ng hapon pero hindi pa din nakakauwi si Glory Belle, ang panganay na anak ng mag-asawa. Magaanim na taon pa lamang ito at kasalukuyang nasa ikatlong baitang at nagaaral sa Central Cebu Elementary School. Hindi kalayuan sa bahay nila kaya may tiwala siyang hindi mapapano ang bata. Idagdag pa na kasa-kasama nito ang yaya Cherry nito at hatid-sundo sa school na pinapasukan nito. Ano kaya ang nangyari at wala pa din ang kaniyang anak at ang kaniyang Yaya?May ilang minuto na ang paroo't parito ang ginawa ng babae habang ang mga mata ay hindi inaalis sa may pintuan. Alalang-alala na si Yna dahil supposed to be ay hindi pa din nakakauwi ang kanilang anak. Dapat alas-singko pa lamang ay nakauwi na ang bata. Dahil sa labis na pag-alala ay nagawa niyang tawagan ang asawang si Joshua. Batid niyang nasa office pa nito ito at tiyak na busy pa sa lahat ng mga p
LUMIPAS ANG ILANG BUWAN... "LADIES and gentleman, I would like and proudly to announce you, our new CEO of Hotel Uno, Mr. Kent Jino Zeke Domingo!" Malakas na anunsiyo ni Zieth kate sa lahat ng mga staffs, employees, co-partners, guests at iba pang importanteng tao na dumalo sa pagtitipong iyon. Sinundan naman iyon ng masigabong palakpakan na mula sa mga karamihan ay pamilya Del Fuego at Domingo. "Mr. new CEO, please come forward." hiling ng kaniyang Tita Zeith Kate. Nakangiti namang pumagitna si Jino sa nakahilerang mga tao at masayang kumaway sa lahat. Isang palakpakan muli ang iginawad sa kaniya ng lahat. "Thank you. Thank you po sa inyong lahat." Pahayag niya na hindi mapunit-punit ang mga ngiti at iginala ang mga mata sa lahat. Naroon ang kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake, ang kaniyang tito Nikko at pamilya nito, ang kaniyang Tito Joshua kasama din ang pamilya nito, ang kaniyang Lolo Ron at Lola Zen, ang kaniyang Lola Adelaida at asawa ni Zieth Kate na si Kurt Justin Steve D
KAAGAD na sinalakay ng kaba ang dibdib ni Jino nang makita ang muling pagtutok ni Donya Fatima ng baril sa likuran ng ulo ni Naikkah. Iyon ang pagkakataon na hinihintay niya upang sumalakay rito. Hindi niya sinayang ang bawat segundong nalingat si Donya Fatima. Huli na nang makita nito siyang pasugod. "Walang--" Wika nitong naputol dahil matapos niyang tabigin ang baril na hawak nito ay tumama ito sa isang bahagi ng poste. "Ano bang ginagawa mo! Bitawan mo ang baril ko!" Wika ni donya Fatima sa kaniya na patuloy na ayaw patalo sa pakikipag-agawan ng baril.. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Naikkah na magmulat at nakita nito siya na patuloy na nakikipag-agawan ng baril sa matanda. "Jino??" Sambit ni Naikkah nang makita siya. Ramdam niya ang kakaibang tuwa sa puso nito nang makitang bumalik siya para rito. "Tumakas ka na, sige na Naikkah! Iligtas mo ang sarili mo at ang anak natin!" Malakas na sigaw niya sa babae na nanatiling pa ding nanonood sa kanila. Naroon sa mga mata nito an
GULAT na gulat si Naikkah nang ganap na makilala kung sino ang bumaril sa kaniya. Agad siyang natumba dahil sa impact ng tumamang bala sa balikat niya. Sapo-sapo ang tinamaang kanang balikat na ngayon ay nagdurugo na, nahihilong tumingala siya upang tiyakin kung sino nga talaga ang nasa likod ng pagkabaril niya. Hinintay niyang makalapit ang nasabing bulto ng taong papalapit ang mga yabag at kahit sa kabila ng panlalabo ng kaniyang mga mata ay nakilala niya pa rin ang may-ari ng bultong iyon.Isang babae, may hawak na baril na bahagya pang umuusok ang nasa kaniyang harapan ngayon at tinitingnan siyang walang kaemo-emosyon. "I-ikaw??" Gulat na bulalas niya. "P-paano niyo po ito nagawa sa akin? A-ano bang k-kasalanan ko sa inyo?" Hirap na hirap niyang wika sapagkat napapaimpit siya ng daing sa walang tigil na pagdurugo at pangingirot ng kaniyang sugat. Hindi siya makapaniwalang si Donya Fatima nga ito nasa harapan siya. "Oo Naikkah! Ako nga ito!" Mayabang na wika ni Donya Fatima. Kit
HINDI nakaligtas sa mata ni Naikkah ang lihim na ngiti na gumuhit sa mga labi ni Jino. Hindi niya alam kung ano ang ikinakatawa nito pero para siyang nainsulto na ewan. "Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan? May nakakatawa ba?" Mataray na naman niyang wika na gusto pang sapakin si Jino kung hindi lang siya natakot na baka makabig nito ang manibela sa gagawin niyang iyon sa lalaki. Nilingon naman siya ng lalaki at sinagot. "Wala naman. Nakakatuwa ka lang tingnan kapag naasar." Tugon nito na pinapungay na naman ang mga mata. Inirapan lamang niya ang lalaki at muling inawas ang tingin. "You look disgusting but i swear, you are still beautiful in my eyes. I miss that face." Hirit pa nito na hindi na niya pinansin. Iniwas na lamang niya ang mukha hindi dahil ayaw na niyang makita pa si Jino kundi dahil--- 'My gosh! Why do i blushed?' Sa huli ay dinaig pa din ng kaniyang mataray na mukha ang namumula sanang pisngi niya dahil sa kilig na naramdaman. Uso pa ba sa kaniya ang bagay na iyo
MATAGAL nang nakaalis sina Jino At Naikkah nang bigla namang dumating sa mansiyon De Domingo si Nikko. Nagulat na lamang sina Arianne at Jake nang madatnan nito silang mag-asawa sa sala ng mansiyon kasama ang kanilang mga magulang."Nikko? Come over here, my son. Join us for this merienda!" Masayang tawag ni Zenaida, ang mommy nila. Katabi nito ang asawang si Ronaldo na ngayon ay nasa edad otsentay tres na."O Nikko? Napabalik ka? May nakalimutan ka ba?" Agad na tanong ni Jake sa kapatid. Nagtataka kasi ito kung bakit bumalik ang kapatid gayong nagpaalam na ito kanina na uuwi na kasama ang pamilya nito.Kita sa mukha nito ang pag-alala."I am sorry, Kuya...but I have something more important to tell you right away!" Tugon nito na hindi mapakali. Napansin ni Arianne na may hinahanap ito."Who are you looking for?" Nakakunot-noong tanong naman nito kay Nikko."Where's Jino? May kailangan siyang malaman tungkol sa ina ni Juno at kailangan niyang mag-ingat sa mga ito.""Kanina pa siya na
TAHIMIK na nakasakay lamang si Naikkah sa driver seat katabi si Jino. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din maabsorb ng utak niya ang mga nalaman. Ayon sa mga datos na nakalahay sa folder na ipinakita ni Jino, may mental disorders si Juno. Ito ay matagal nang tinatago ng lalaki sa kaniya. Lingid sa kaalaman niya na may dahilan pala ang bilang pagbabago ng ugali nito paminsan-minsan. Binalewala na lamang niya iyon dahil para sa kaniya, lahat naman ng tao ay may tinatagong moody swing. Imbes na bigyan niya iyon ng maling kahulugan ay inisip na lamang niyang natural na iyon sa mga lalaki.Hindi nakapagtataka kung bakit naging mabigat para sa kaniya na tanggapin na lang bigla ang mga nalaman. Ang isa pa niyang ipinaglalaban ay naniniwala siyang mahal siya ni Jino at hindi siya nito sasaktan ng ganoon-ganoon na lang.Mas nanaig pa din ang pagmamahal niya sa lalaki. Kaya ang nangyari, gusto pa din niyang makauwi sa mansiyon ng mga Dolmenazav upang kahit paano ay mapaghandaan ang ba
NAGULAT si Jino sa naging reaksiyon ni Naikkah matapos nitong mabasa ang nilalaman ng folder na ibinigay niya rito. Tama ang kaniyang hinala, hindi nga nito papaniwalaan ang lahat. Kung hindi nagawang kumbinsihin ng lagda at testify ng police ang babae, then how could he? "Pawang kasinungalingan lang ang lahat ng iyan!" Tanggi ni Naikkah sa mga rebelasyon at mahigpit na pinunit ang folder. Sinamantala ng babae ang pagkagulat niya kaya nagawa nitong mapunit ang mga papel nang walang kahirap-hirap. "Naikkah!" Tanging nasambit na lamang niya at walang nagawa kundi pagmasdan ang mga nagliliparang pira-piraso ng nasabing police report. Muli siyang nabigla nang bigla itong magpalahaw ng iyak at hesterical na sinasapak ang sariling ulo. "This is not true! It can't be true!Sinisiraan niyo lamang si Juno! pare-pareho lang kayo!" Mabilis niyang dinaluhan ang babae at hinawakan ito sa magkabilang braso upang awatin sa pananakit nito sa sarili. "Naikkah, stop it! You're hurting yourself!"
NARAMDAMAN ni Naikkah ang isang mainit na dampi ng halik sa bandang buhok niya. Maging ang isang tilamsik ng tubig na kung hindi siya magkakamali ay luha ni Jino. Hindi pa siya tulog, nagkukunwari lamang. Malinaw pa nga niyang naririnig ang mga sinasabi ng lalaki. Tinakpan lamang niya ang kaniyang mga tainga at mukha dahil ayaw niyang makita nito ang kaniyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa mga nangyari. Ang una ay hindi niya akalaing ampon lamang si Juno ng pamilya Dolmenazav. Ang hindi pa niya maisip ay kung bakit doon pa talaga sa party nabulgar ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Juno. Sa totoo lang kasi ay puwede namang magyari iyon sa ibang panahon? Sumagi sa isipan niya na baka nadulas lamang si Don Edmund sa pagsabi noon dahil sa hindi na ito maawat. Ito namang tungkol sa pagkakatuklas ni Jino sa kalagayan niya ay hindi niya din alam kung paano nito nalaman. Pinaimbestigahan ba siya ng lalaki? Lihim na sinusubaybayan? Ang gulo-gulo ng is