———
"HELLO, my beloved Jino. Ano't napatawag ang gwapo kong anak?" Sagot sa kabilang linya. Boses iyon ng Mommy Arianne niya. Matapos ang grand reunion ng pamilya, although kahit wala na ang Lolo Arthur niya ay masaya siyang nagpaalam na umuwi sa Mansiyon ng Domingo family. Naisipan niyang tawagan ang Mommy niya para kahit paano ay masabi niya rito ang kaniyang natuklasan tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ay para huwag ng bigyang pangamba pa ang ina kung sakaling malaman man ng mga ito na nalaman na niya ang tungkol sa totoo niyang ama. Saglit muna siyang huminga upang sumagap ng lakas. "Mom, nagkita na kami ni Dad sa personal." Sagot niya. Dahan- dahan niyang binanggit ang pagkasabing iyon na parang tinitimbang ang bawat sabihin. Napatawa si Mom sa kabilang linya. "Bored ka na ba diyan at nagkakaganyan ang Jino namin? Why spend some of your days with us here in Palawan? Baka naman naho-homesick ka na? Hmmm. Huwag mong sabihing namimiss mo na ako? Kami ng Dad mo?" Sinundan iyon ng hagikhik nito na parang bata. Pagak naman siyang tumawa bago nagsalita. "Mommy naman e!" Napakamot niyang tugon nanapadiin ang huling binanggit. "I am too old to miss home. Seriously, I am telling the truth. Yesterday I met Auntie Zeith Kate and her Mom, Lola Adelaida. They told me everything. Later, we go to the City Jail of Cebu. Then we visited my real father, Mr. Blake John Del Fuego." Sunod-sunod niyang paliwanag na nagdala ng pananahimik sa kaniyang ina. Hindi ito agad nakasagot. Parang natameme na hindi makapaniwala na parang ewan. Ah basta, naghari ang katahimikan sa loob ng ilang segundo. "Maamo ang mukha ni Dad. Iyon nga lang balbasado, mahaba na ang buhok at tadtad ng mga tattoo sa katawan." Daig pa niya ang eksayted at masiglang bata na nagkukuwento ng pagkakabili ng paboritong laruan. "He hugged me then, seemed like he was almost waiting to see me again. Sa tingin ko nga, sobrang saya niya nang makita ako. I almost forgot that he is a murderer and the reason why he was put into jail." Pagpapatuloy niya sa pagnanarate ng detalyadong naganap sa pagitan niya at ng kaniyang Daddy Blake after their met up. Wala pa ring sagot. Nakabinbin ang sasabihin ng kausap. Parang na-hang ang linya gayong one month naman ang paid bill ng kanilang P*DT home. "Mom? Are you still there?" Pukaw niya sa kabilang linya. Para namang nagising buhat sa isang panaginip ang kausap. "A-a e, o-oo naman!" Tila tarantang tugon ng kaniyang Mom. "P-papaano mo nalaman ang totoo? May nagsabi ba sa iyo tungkol sa Daddy mo?" Mausisa na tanong ng Mom niya. Hindi niya makuha ang punto sa klase ng pagtatanong nito. Parang may kilalang personalidad na gusto itong matumbok. "Mom, it's a long story. Saka ko na ipapaliwanag when I'm heading right home." Sansala niya dahil mas hahaba pa ang usapan nila. Kapag ganoon na kausisa ang ina, umiiwas na siya kaagad. Batid niyang hindi ito titigil hangga't hindi niya nasasagot lahat ng detalyeng kaylangan nito. His mom is an investigative agent yet a lawyer like an interviewer. Walang nakakalusot na butas sa isang isyo para rito. Para sa Mom niya, talo pa nito ang maging interrogative police para lang masabi mo ang lahat ng kaylangan niyang malaman. Napasulyap siya sa sout na wristwatch. It was exactly eight in the morning. Naalala niyang bigla na may couple seminars sched pa sila ni Rose Mary Gaile ngayon. Kilala niya naman iyong babae na iyon. Matindi iyon magalit at magtampo. Pinakaayaw niyon sa lahat na pinaghihintay, lalo pa ng isang kagaya niya. Next month na nakatakda ang kasal nila ni Rose Mary. Minamadali na ang preparations ng kasal namin. May naka-assigned na sa kanilang wedding plans at kung saan ang venue. Sagot na ang lahat ng iyon ni Ate Claire, isang professional wedding specialist na siyang itinalaga niya para roon. May naka-assigned na sa designs at decorations para sa kasal maging sa mga susuutin niya at ng bride kasama na din ang mga abay at mga ninong. In total, everything is settled down. Ang date na lang ang hinihintay! "May couple orientation kami ngayon, Mom." Pakli niya sa usapan. "Alam mo na, next month na ang kasal namin ni Rose Mary. I think you should come here before the settled date with Dad. I'm sorry but I have to go. So bye na po, I will call you later." Pamamaalam niya rito. Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Agad na niyang ini-off ang call. ———— NALUNGKOT si Arianne sa klase ng pakikitungo ng panganay na anak sa kaniya ngayon. Parang dati lang ay kaylambing nito kapag tumatawag. Ni Hindi nito pinapatay ang tawag ng biglaan at hindi hinihintay ang magiging sagot niya. Nagko-closing approach pa ito sa pamamagitan ng pagsabi ng "I love you." Pero ngayon, aaaminin niya ay sadyang nakakapanibago ang kilos at pakikipagusap nito sa kaniya. Nawala na ang eksaytment pati ang sweetness nito. Kunsabagay ay normal na iyon lalo pa at binata na ang kaniyang anak. Hindi na niya iyon maitatanggi. Idagdag pa na next month na ang kasal nito sa kilalang anak ng multi-millionaire na si Rose Mary Gaile Villadencio, anak ng mayamang Don Jonathan Villadencio. Kasosyo iyon ng kaniyang asawang si Jake Domingo sa negosyong Hope Incorporated. Si Jonathan ang pansamantalang namamahala sa negosyo nila sa Cebu. Since taga doon naman talaga ito kaya pinili na nito na ang Cebu branch na lang ang pmamahalaan nito. Samantala si Rose Mary Gaile naman ay isang half Spanish at half Pinoy. Madalas wala ito sa Pilipinas kaya madalang niya lang iyon makita noong nasa Cebu pa sila. Umupo muna siya sagkit sa malambot na sofa sa sala bago patuloy na nag-isip. Mag-isa lang siya ngayon sa bahay sapagkat naroon ang asawa niya sa Hope. About thier kids? Ayon busy at school right now. Mataas ang mga pangarap niya para sa dalawa. Si Kayla Reeze ngayon ay sixteen years old na ay pangarap na maging doktor. Hindi na nasundan si Kayla sapagkat naging busy na sila ni Jake sa mga business nila. Pero hindi lang siya ang may gusto noon siyempre, iyon din ang pangarap ng ikalawa niyang anak. In-emphasize niya lang para malinaw at klarado. Ang kaniyang Inay Leah naman ay iyon, busy na lang sa pagga-garden nito tuwing umaga at hapon. Parang napako na ang buhay at atensiyon nito sa pagtatanim at pag-aalaga ng gulay. Siguro ay normal na talaga iyon sa mga matatanda na . Sa kasalukuyan ay 67 years old na ang kaniyang Nanay. Ang kaniyang mga kapatid naman na sina Joshua at Chen-Chen ay nasa kolehiyo at nag-aaral sa Unibersidad ng Southern Palawan. Sa kasalukuyan ay gumradweyt na ang mga ito at nagsipag-asawa. Katulad ng mga anak niya, magkaibang kurso din ang tinutumbok ng dalawa. Wala naman siyang magagagawa doon kasi choices nila iyon. Bilang ate at nakakatandang kapatid ng mga ito, wala siyang kaylangang gawin kundi supurtahan at mahalin kung ano man ang mga pangarap ng dalawa pa niyang kapatid. Ibinalik niya ang atensiyon sa sinabi ni Jino. Hindi siya makapaniwalang nagkita na pala ang anak niya at ang mamatay-tao niyang asawa, este ama ni Jino. Hindi niya alam kung sino talaga ang may pakana ng lahat kung bakit nabunyag kay Jino ang lihim ng nakaraan at pagkatao ng anak. Isa lang ang rumihestro sa utak niya. Si Zieth Kate, ang kapatid ni Blake John. Maraming gumugulo sa isip niya ngayon. Kung paano at bakit nalaman ni Jino na hindi talaga ang Daddy Jake nito ang totoong ama? Sa halip ay si Jake lang ang tumayong ama nito dahil pinagsamantalahan ni Blake ang kaniyang kahinaan. Ang tanong ay paano nito nalamang si Jino —? Naputol ang pagtatanong ng sarili niyang isip ng maalala niya ang pendant na sout-sout ni Jino noong baby pa lamang ito. 'Tama! Baka iyon ng ang nagsilbing palatandaan ni Zeith Kate para makilala na si Kent Jino Zeke at Jino Blake Del Fuego ay iisa lang!' kahit walang boses na lumalabas sa bibig niya ay kumikibot ang bibig niya. Hindi nga nakapagtataka na mabilis na makilala ng isang tiyahin ang kaniyang pamangkin. Isa pa ay si Zieth Kate mismo ang isa sa mga nag-alaga kay Jino almost one year bago nila ni Jake mabawi ang kaniyang anak. It means na capable si Zieth Kate na makilala kaagad ang bata. Hindi pa ito alam ni Jake kaya mas mabuting huwag naang malaman ng lalaki. Baka lang kasi mag-burst out ito at baka din pauwiin agad si Jino. Napakaespesyal ng bawat araw para sa kaniyang panganay. Ang nalalapit nitong kasla ay hindi dapat mapurnada. Hindi iyon maari at bilang ina ay hindi niya mapapayagan na isa siya sa magiging balakid sa kaligayahan ng anak. Tinapos na niya ang iba pang iisipin at nagpasyang maligo. Nakaramdam siya ng maalinsangang pakiramdam kaya naisipan niyang maligo na. Nasa plano na din niya ang sumunod sa asawa sa trabaho nito sa Hope pagkatapos na makaligo at maayos ang sarili. ———— NADATNAN ni Jino ang si Mr. Jonathan na nakaupo sa sofa at busy sa pagi-scroll ng laptop nito. Hindi pa man niya tiyak ay parang may ideya na agad siya sa kung ano ang ginagawa nito. Chief on Finance ito sa Hope Incorporated na negosyo at pagmamay-ari mismo ng kaniyang Daddy Jake. Ito na din ang nagsilbing Marketing Manager sa branch ng Hope sa Cebu hanggang sa naging CEO na. Kaybilis ng pag-usad at pamamayagpag ng Hope Marketing. Ngayon ay isa na itong ganap na Hope Incorporated na may sampung branch sa buong Pilipinas. Masasabing leading successful businessmen ang kaniyang Daddy Jake dahil sa pagiging malawak ng mga negosyo nito. Ngayong nalaman na niya kung ang kaniyang koneksiyon sa mga Del Fuego at baka sakaling ipamana sa kaniya ng Daddy Blake John ang Hotel Uno, aba at magiging multitrillionaire na siya kung magkataon. Aba! Hindi basta-bastang yaman din iyon. Akalain mo, yaman ng Domingo at Del Fuego ay ipagsama-samang ipamana sa kaniya. Kahit pa sabihing Domingo ang dalang apelyido niya ay hindi pa rin kabawasan sa kaniyang magiging katanyagan. Tiyak na siya ang kauna-unahang lalaking hihiga sa sandamakmak napera! Pero siyempre malayo naman sa kaniya ang pagkakaroon ng ganoong ugali. Hindi siya pinalaking 'gold digger' at lalong 'a man of a gold' na uri ng tao ng kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake. After all, his mother taught him so many things in life, morally and spiritually. His mother never had a shortcoming to watch him grow up. That's why he's so proud of having a mother like Arianne. Having this kind of mother is a rare gift. Sinubukan niyang kunin ang atensiyon ni Mr. Jonathan na busy pa din ng mga sandaling iyon sa pamamagitan ng pagtikhim. Nakuha naman niya ang atensiyon nito na agad na napalingon. "Jino, ikaw pala." Anitong nagbaba ng salamin bago siya hinarap. "Take a seat." Alok nito sa kaniya at inginuso ang naroong silya. "Looks busy?" Tanging naitanong niya. "Not so far. By the way, what brings you here? Do you need something?" Ito naman ang nagtanong. Panakaw nitong sinulyapan ang sout na wristwatch. "Ha —e , kasi po, may couple orientation kami ni Rose Mary ngayong mga umaga. I afraid we would come late so we'd better to go now." Tiningnan siya ni Mr. Jonathan mula ulo hanggang paa na parang binibagay ang sout niya. "I see." Matipid nitong sagot. "Mukhang prepared na prepared na nga kayong dalawa. There is no reason na hindi matuloy ang inyong kasal. Am I right Jino?" Antimano siyang tumango. Sinubukan niyang kaswal na kumilos sa harap ng magiging manugang kahit pa sabihing kayhirap maging normal ang kilos sa harap nito. Even though na matagal niyang kilala at nakakausap ang matanda, may mga chances na parang may napakalaking wall sa pagitan niya at ng matanda. Hindi naman ganoon kayaman ang pamilya Villadencio sa buong Cebu. Kung tutuusin ay mas nakakaangat pa ang pamilya Domingo at Del Fuego kaysa mga Villadencio. Tulad ngayon, nanunuri ang mga mata nito kanina na hindi niya maiwasang makadama ng kakaibang tensiyon na ngayon niya lang napansin. Bakit kaya ngayon niya lang iyon naramdaman? Iyong feeling na parang ini-small siya nito? O baka naman na-misinterpret niya lang ang ginawa nito kanina. Minsan niya pang lang nabalikan ang unang pagkikita nila. ni Mr. Jonathan Villadencio. Ang araw na six years old palang siya at nasa Palawan pa no'ng panahong iyon. That was his biggest day since we first met. Walang-wala sa isip niya na magkakatuluyan sila ng anak nito.~~~ Labinlimang taon na ang nakakaraan... KAUSAP ng kaniyang Dad ang ang isa sa mga kasosyo nito sa Hope Marketing. Iyon ang pangalan ng isa sa mga negosyong pinagkaabalahan nito these past few days. Isa iyong company ng mga Home appliances, gadgets at Kitchenwares. "Well, wala naman akong nakita na gusot o butas about my clients proposal so I suggest na idaan na natin ito sa board meetings next week?" Tinig ni Mr. Jonathan Villadencio. "Sure. As far as I know, daanan naman sa majority ang nasabing projects." panatag na tugon ni Dad rito. Nakikinig lamang siya sa usapan ng mga ito na kinakalikot ang sariling tainga para may pagkabalahan. "That was not my point, Jake." Pakli nito. "What I mean is, kung na-review mo ito ng husto, makikita mo na agad ang grounds at pwede mo na iyong dagdagan or bawasan. After all, it is you who was the biggest share in this company.You should study the whole proposal well. Sa akin ay paalala lang." Hindi nito masisi si Jonathan kung ganito na ito k
ILANG araw na lang ay matatakda na ang kasal nina Rose Mary Gaile Villadencio at Kent Jino Zeke Domingo. Eksayted at walang pagsisidlang tuwa ang nararamdaman niya dahil sa nalalapit nilang kasal ni Jino. Magkahalong kaba din at takot ang kakambal ng kaniyang kasiyahang iyon. Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng takot. Kahapon lang ay tumawag si Jino at ikinuwento sa kaniya na nagkita na nga sila ng totoong biological father nito pati na din ang Lola at Auntie nitong napakamaldita ang looks. They already met na, noong nasa restaurant sila ni Jino at kakatapos lang magproposed ng binata sa kaniya. Ang babae palang iyon ay kapatid ng totoong Dad niya. Medyo nahiya siya nang makumpirmang inaway niya at pinagselosan ang Tita ni Jino. Sa tingin nga niya ay wala siyang mukhang ihaharap sa babae oras na magkita silang muli. Paano ba naman kasi? Kulang na lang ay sugurin niya ang babae kung hindi lang siya napigil ng nobyo. Baka kung ngakataon ay nagkasabunutan pa sila ni
———— "IT was your Dad's plan. Kuya Blake desired you to replace me as the new CEO of Hotel Uno." Parang nalula si Jino sa sinabi ng kaniyang Auntie Zieth Kate nang ganap silang magsarilinan. Being surprised, he didn't answer her eagerly. He was left muted yet double-minded. How he supposed to be a CEO of Hotel Uno if he had a company to manage with? He was the Overall Managing Head of the three branches of Hope Marketing within the entire Cebu and these businesses are going a lot of profit. This position was animously hidden to the knowledge of all managers of Hope. What they had already known and known alone is Mr. Jonathan was the CEO of the Cebu branch and he was the branch manager, nothing more. Tinapunan niya nang sulyap ang magamang nagkasya sa pagharutan sa isang tabi. Kung ito ngang sa Hope pa lang ay halos hindi na niya na maimanage ang time, how about kung siya na ang CEO ng Hotel Uno? Kilala niya ang nasabing Hotel. It was one of the renowned largest and most luxurian
"BAKIT ka sumunod pa dito sa akin?" Reklamo ni Zenaida sa asawang si Ronaldo. Iniwan kasi nito ang mga bisita ng apo na sa halip ay i-entertained ang mga bisita ng apo sa labas. "Nakalimutan mo na kung ano ang ginawa ng pamilyang iyan kay Arianne?" Katwiran ni Ronaldo na hindi mapalagay. Panay ang upo-tayo at paroo't parito na parang may ibig sabihin pero hindi magawang magsalita. Sinaway naman ito ng asawa. "Pst. Magdahan-dahan ka nga ng boses mo at baka marinig tayo nila." Suhestiyon ni Zenaida sa asawa na kinakabahang baka narinig ng mga bisita ang sinabi ni Ronaldo. "Ikaw, Ronaldo, pakitikom nga ng bibig mo." Sumang-ayon naman ang asawa habang hinahaluan ng chicken spread mayo ang mga loof bread. Nasa harap din nito ang isang pitsel na naglalaman ng orange juice para sa mga bisita na patuloy na hinahalo niya. "Di ba nga? May usap-usapan na may cultong kinabibilangan ang mga ito ayon na din sa kuwento at karanasan ni Arianne? Puwera pa doon sa napabalita noon ang kasong murde
SO what's the plan now? Malapit na ang wedding niyo pero wala ka pa ding planong sabihin kung ano ang plano mo?" Panimula ni Steve habang kasalukuyan itong nagsusuot ng damit. Sa harap ng nobya ay walang anumang hiyang nagpalit ito ng damit.Wala naman kasi iyon sa kanila dahil para na din silang magasawa na kaya karaniwan na iyon sa dalawa.Napakagatlabi na lamang ang nobya nang minsan ay mapagmasdan ang kahubaran ng nito.Malaking lalaki si Steve, may matipunong pangangatawan at body builder kaya maraming babae ang nagkakandarapa rito noong highschool age nito.Napatigil naman sa ginagawa si Steve nang makitang lihim na tinitigan nito ang lalaki. "What?" Natatawang wika nito sa babae na parang alam na kaagad ang tinitigan sa katawan nito."Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang may-ari nito." Nanunukso ang mga matang pahayag ni Steve. Muli nitong ipinagpatuloy ang ginagawa."Sira!" Irap ng babae sa nobyo. Bumangon na ito upang ayusin ang sarili. "Wala pang kaalam-alam si Jino sa lihim
ALAM ni Arianne sa sarili na hindi ito ang gusto niyang mangyari sa pagitan niya at ng panganay na anak. Ayaw niyang maging selfish na ina para rito. Ang gusto lang niya ay protektahan ang anak sa mga posibilidad na kapahamakang nasa harap na nito mismo. Jonathan Villadencio is one of the associate managers ng kaniyang asawang si Jake. May malaking shares sa Hope Marketing ang naturang lalaki. Sa katunayan, ito ang naitalagang CEO ng company branch ng nasabing prominent business doon sa Cebu.Mataas kumpara sa posisyon ng anak na si Jino, gayunman ay walang ideya ang buong company na si Jino pa din ang may pinakamataas na posisyon dahil sa isa ito legit heir ng nasabing company. Lingid sa kaalaman ng lahat kung sino si Mr. Z ng company, walang ideya ang lahat na si Jino mismo ang VP Chief Manager ng buong Hope Marketing na nilahukan ng iba't ibang contributors at shared capital mula sa iba't ibang investors. "Look stressed?" Napalingon siya sa likuran ng makarinig ng pamilyar na bo
~~~"I'll swear, sa ibabaw ng bangkay mo ay hindi ako titigil hangga't hindi ko natutupad ang aking mga plano."Isang pangako iyon na pumorma ng pagkapoot sa isipan ni Jonathan. Hindi na siya makapaghintay pa na makamal ang buong kayamanan ng Domingo at maipaghiganti ang asawa sa stepsister nitong si Zenaida. Taliwas sa alam ng lahat at ayon na din sa kuwento niya kay Jino, hindi namamalagi sa Italy si Luz Ville. Maaring may dugong Espanya nga si Luz pero nandito lang ito sa Pilipinas namamalagi.Nagpapagaling lang ang asawa niya somewhere in Mindanao sa mga kamaganak nito.Matapos itong ipagtabuyan ng pamilya De La Luna ay namasukan itong DH sa abroad. May kursong natapos naman ito gayunman ay hindi naging sapat para magkaroon ito ng magandang uportunidad para makapagtrabaho ng maayos at permanente.Nang magkasakit ito ay lumala ng lumala lalo na kapag naalala nito ang ginawang pagtakwil ng pamilya nito noon.Inisip niya na isa marahil iyon na dahilan kaya hindi na nakarecover pa si L
SA tingin mo kaya ay papayag si Jino sa pakiusap mo?" Tinig iyon ni Kurt Steve mula sa kaniyang likuran. Nilingon naman ni Zieth Kate ang asawa na nakaharap sa isang mataas at kwadradong salamin. Siya naman ay kasalakuyang inaayos ang susuutin ni Janzel na kasalukuyang nasa shower. "Iyon din nga ang inaasahan ko na sana nga." Matamlay na sagot niya sa asawa. Matapos tupiin ang mga damit ng anak ay ang asawa naman niya ang hinarap niya. "Para naman maging mabuti na akong asawa sa iyo at ina kay Janzel." Nakangiting pahayag niya habang inaayos ang kuwelyo ng asawa. "Alam mo naman na ito na talaga ang gusto ko noon pa. Isa pa, masyado na din akong stress sa trabaho. Nasisira ang poise ko." Dagdag pa niya na mapupungaw ang mga mata. Isang pogi smile naman ang iginawad nito sa kaniya. "Kaya nga e, baka mamaya hindi na ako ganahan sa kama, hindi na masusundan si Janzel." Dagdag pa nito na sinundan ng pilyong ngiti. Tinulungan niya itong magsara ng butones. Titig na titig ito sa ka
BONUS CHAPTER: GANOON na lamang ang palahaw na iyak ni Yna, asawa ni Joshua Arevallo ng araw na iyon. Iyon ay ganap nang alas -singko ng hapon pero hindi pa din nakakauwi si Glory Belle, ang panganay na anak ng mag-asawa. Magaanim na taon pa lamang ito at kasalukuyang nasa ikatlong baitang at nagaaral sa Central Cebu Elementary School. Hindi kalayuan sa bahay nila kaya may tiwala siyang hindi mapapano ang bata. Idagdag pa na kasa-kasama nito ang yaya Cherry nito at hatid-sundo sa school na pinapasukan nito. Ano kaya ang nangyari at wala pa din ang kaniyang anak at ang kaniyang Yaya?May ilang minuto na ang paroo't parito ang ginawa ng babae habang ang mga mata ay hindi inaalis sa may pintuan. Alalang-alala na si Yna dahil supposed to be ay hindi pa din nakakauwi ang kanilang anak. Dapat alas-singko pa lamang ay nakauwi na ang bata. Dahil sa labis na pag-alala ay nagawa niyang tawagan ang asawang si Joshua. Batid niyang nasa office pa nito ito at tiyak na busy pa sa lahat ng mga p
LUMIPAS ANG ILANG BUWAN... "LADIES and gentleman, I would like and proudly to announce you, our new CEO of Hotel Uno, Mr. Kent Jino Zeke Domingo!" Malakas na anunsiyo ni Zieth kate sa lahat ng mga staffs, employees, co-partners, guests at iba pang importanteng tao na dumalo sa pagtitipong iyon. Sinundan naman iyon ng masigabong palakpakan na mula sa mga karamihan ay pamilya Del Fuego at Domingo. "Mr. new CEO, please come forward." hiling ng kaniyang Tita Zeith Kate. Nakangiti namang pumagitna si Jino sa nakahilerang mga tao at masayang kumaway sa lahat. Isang palakpakan muli ang iginawad sa kaniya ng lahat. "Thank you. Thank you po sa inyong lahat." Pahayag niya na hindi mapunit-punit ang mga ngiti at iginala ang mga mata sa lahat. Naroon ang kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake, ang kaniyang tito Nikko at pamilya nito, ang kaniyang Tito Joshua kasama din ang pamilya nito, ang kaniyang Lolo Ron at Lola Zen, ang kaniyang Lola Adelaida at asawa ni Zieth Kate na si Kurt Justin Steve D
KAAGAD na sinalakay ng kaba ang dibdib ni Jino nang makita ang muling pagtutok ni Donya Fatima ng baril sa likuran ng ulo ni Naikkah. Iyon ang pagkakataon na hinihintay niya upang sumalakay rito. Hindi niya sinayang ang bawat segundong nalingat si Donya Fatima. Huli na nang makita nito siyang pasugod. "Walang--" Wika nitong naputol dahil matapos niyang tabigin ang baril na hawak nito ay tumama ito sa isang bahagi ng poste. "Ano bang ginagawa mo! Bitawan mo ang baril ko!" Wika ni donya Fatima sa kaniya na patuloy na ayaw patalo sa pakikipag-agawan ng baril.. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Naikkah na magmulat at nakita nito siya na patuloy na nakikipag-agawan ng baril sa matanda. "Jino??" Sambit ni Naikkah nang makita siya. Ramdam niya ang kakaibang tuwa sa puso nito nang makitang bumalik siya para rito. "Tumakas ka na, sige na Naikkah! Iligtas mo ang sarili mo at ang anak natin!" Malakas na sigaw niya sa babae na nanatiling pa ding nanonood sa kanila. Naroon sa mga mata nito an
GULAT na gulat si Naikkah nang ganap na makilala kung sino ang bumaril sa kaniya. Agad siyang natumba dahil sa impact ng tumamang bala sa balikat niya. Sapo-sapo ang tinamaang kanang balikat na ngayon ay nagdurugo na, nahihilong tumingala siya upang tiyakin kung sino nga talaga ang nasa likod ng pagkabaril niya. Hinintay niyang makalapit ang nasabing bulto ng taong papalapit ang mga yabag at kahit sa kabila ng panlalabo ng kaniyang mga mata ay nakilala niya pa rin ang may-ari ng bultong iyon.Isang babae, may hawak na baril na bahagya pang umuusok ang nasa kaniyang harapan ngayon at tinitingnan siyang walang kaemo-emosyon. "I-ikaw??" Gulat na bulalas niya. "P-paano niyo po ito nagawa sa akin? A-ano bang k-kasalanan ko sa inyo?" Hirap na hirap niyang wika sapagkat napapaimpit siya ng daing sa walang tigil na pagdurugo at pangingirot ng kaniyang sugat. Hindi siya makapaniwalang si Donya Fatima nga ito nasa harapan siya. "Oo Naikkah! Ako nga ito!" Mayabang na wika ni Donya Fatima. Kit
HINDI nakaligtas sa mata ni Naikkah ang lihim na ngiti na gumuhit sa mga labi ni Jino. Hindi niya alam kung ano ang ikinakatawa nito pero para siyang nainsulto na ewan. "Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan? May nakakatawa ba?" Mataray na naman niyang wika na gusto pang sapakin si Jino kung hindi lang siya natakot na baka makabig nito ang manibela sa gagawin niyang iyon sa lalaki. Nilingon naman siya ng lalaki at sinagot. "Wala naman. Nakakatuwa ka lang tingnan kapag naasar." Tugon nito na pinapungay na naman ang mga mata. Inirapan lamang niya ang lalaki at muling inawas ang tingin. "You look disgusting but i swear, you are still beautiful in my eyes. I miss that face." Hirit pa nito na hindi na niya pinansin. Iniwas na lamang niya ang mukha hindi dahil ayaw na niyang makita pa si Jino kundi dahil--- 'My gosh! Why do i blushed?' Sa huli ay dinaig pa din ng kaniyang mataray na mukha ang namumula sanang pisngi niya dahil sa kilig na naramdaman. Uso pa ba sa kaniya ang bagay na iyo
MATAGAL nang nakaalis sina Jino At Naikkah nang bigla namang dumating sa mansiyon De Domingo si Nikko. Nagulat na lamang sina Arianne at Jake nang madatnan nito silang mag-asawa sa sala ng mansiyon kasama ang kanilang mga magulang."Nikko? Come over here, my son. Join us for this merienda!" Masayang tawag ni Zenaida, ang mommy nila. Katabi nito ang asawang si Ronaldo na ngayon ay nasa edad otsentay tres na."O Nikko? Napabalik ka? May nakalimutan ka ba?" Agad na tanong ni Jake sa kapatid. Nagtataka kasi ito kung bakit bumalik ang kapatid gayong nagpaalam na ito kanina na uuwi na kasama ang pamilya nito.Kita sa mukha nito ang pag-alala."I am sorry, Kuya...but I have something more important to tell you right away!" Tugon nito na hindi mapakali. Napansin ni Arianne na may hinahanap ito."Who are you looking for?" Nakakunot-noong tanong naman nito kay Nikko."Where's Jino? May kailangan siyang malaman tungkol sa ina ni Juno at kailangan niyang mag-ingat sa mga ito.""Kanina pa siya na
TAHIMIK na nakasakay lamang si Naikkah sa driver seat katabi si Jino. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din maabsorb ng utak niya ang mga nalaman. Ayon sa mga datos na nakalahay sa folder na ipinakita ni Jino, may mental disorders si Juno. Ito ay matagal nang tinatago ng lalaki sa kaniya. Lingid sa kaalaman niya na may dahilan pala ang bilang pagbabago ng ugali nito paminsan-minsan. Binalewala na lamang niya iyon dahil para sa kaniya, lahat naman ng tao ay may tinatagong moody swing. Imbes na bigyan niya iyon ng maling kahulugan ay inisip na lamang niyang natural na iyon sa mga lalaki.Hindi nakapagtataka kung bakit naging mabigat para sa kaniya na tanggapin na lang bigla ang mga nalaman. Ang isa pa niyang ipinaglalaban ay naniniwala siyang mahal siya ni Jino at hindi siya nito sasaktan ng ganoon-ganoon na lang.Mas nanaig pa din ang pagmamahal niya sa lalaki. Kaya ang nangyari, gusto pa din niyang makauwi sa mansiyon ng mga Dolmenazav upang kahit paano ay mapaghandaan ang ba
NAGULAT si Jino sa naging reaksiyon ni Naikkah matapos nitong mabasa ang nilalaman ng folder na ibinigay niya rito. Tama ang kaniyang hinala, hindi nga nito papaniwalaan ang lahat. Kung hindi nagawang kumbinsihin ng lagda at testify ng police ang babae, then how could he? "Pawang kasinungalingan lang ang lahat ng iyan!" Tanggi ni Naikkah sa mga rebelasyon at mahigpit na pinunit ang folder. Sinamantala ng babae ang pagkagulat niya kaya nagawa nitong mapunit ang mga papel nang walang kahirap-hirap. "Naikkah!" Tanging nasambit na lamang niya at walang nagawa kundi pagmasdan ang mga nagliliparang pira-piraso ng nasabing police report. Muli siyang nabigla nang bigla itong magpalahaw ng iyak at hesterical na sinasapak ang sariling ulo. "This is not true! It can't be true!Sinisiraan niyo lamang si Juno! pare-pareho lang kayo!" Mabilis niyang dinaluhan ang babae at hinawakan ito sa magkabilang braso upang awatin sa pananakit nito sa sarili. "Naikkah, stop it! You're hurting yourself!"
NARAMDAMAN ni Naikkah ang isang mainit na dampi ng halik sa bandang buhok niya. Maging ang isang tilamsik ng tubig na kung hindi siya magkakamali ay luha ni Jino. Hindi pa siya tulog, nagkukunwari lamang. Malinaw pa nga niyang naririnig ang mga sinasabi ng lalaki. Tinakpan lamang niya ang kaniyang mga tainga at mukha dahil ayaw niyang makita nito ang kaniyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa mga nangyari. Ang una ay hindi niya akalaing ampon lamang si Juno ng pamilya Dolmenazav. Ang hindi pa niya maisip ay kung bakit doon pa talaga sa party nabulgar ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Juno. Sa totoo lang kasi ay puwede namang magyari iyon sa ibang panahon? Sumagi sa isipan niya na baka nadulas lamang si Don Edmund sa pagsabi noon dahil sa hindi na ito maawat. Ito namang tungkol sa pagkakatuklas ni Jino sa kalagayan niya ay hindi niya din alam kung paano nito nalaman. Pinaimbestigahan ba siya ng lalaki? Lihim na sinusubaybayan? Ang gulo-gulo ng is