Warning! Bawal po sa bata! ---------- Walang pagdadalawang-isip na inialok ni Leia ang sarili niya sa sundalong si Bryle na maging asawa nito. Umasa siyang iyon ang magiging susi upang matakasan niya ang kahirapan. Subalit ang hindi alam ni Leia ay mas mararanasan pa pala niya ang hirap ng buhay kapag siya ay may asawa na. Gayunman, dahil mahal na mahal na niya ang kanyang asawa ay hindi niya ito sinukuan. Sunod-sunod man ang naging dagok ng kanilang pagsasama ay nanatili siyang tapat sa kanilang pangako na magsasama sa hirap at ginhawa. Pero ang hindi inasahan ng mag-asawa ay biglang darating sa buhay nila ang isang bilyonaryo at gustong maging asawa si Leia. Ginawa nito ang lahat maagaw lamang si Leia kay Bryle. Paano kaya haharapin ng mag-asawa ang pinakamatinding hamon ng kanilang pagsasama? Malalagpasan pa kaya nila kung si Leia ay may kapansanan na at si Bryle naman ay may problema sa pag-iisip at wanted pa sa batas? Magkikita pa kaya sila at bubuo pa kaya nila ang kanilang pamilya?
더 보기“Saan ba talaga tayo pupunta, Mahal?” nagtataka na talaga si Leia sa ginagawa nilang mag-asawa. Isang linggo na ang nakakalipas mula nakalaya si Bryle sa kulungan at heto sila ngayon, paakyat sa isang bundok.Buong akala ni Leia ay magdi-date lang sila ng asawa dahil may surpresa raw ito sa kaniya, ngunit heto sila, nagpapakahirap sa pag-akyat sa matarik na daanan ng bundok. At hindi niya maintindihan.“Sumasakit ba ang mga paa mo?” Nag-alala na si Bryle nang maalala niya ang mga paa ng asawa.“Hindi naman pero pagod na kasi ako,” pag-amin ni Leia.Ngumiti si Bryle. “Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.”“Saan ba kasi tayo? Ano ang gagawin natin dito sa bundok?”“Basta natitiyak ko na matutuwa ka.”Napanguso si Leia. Tumigil na talaga siya sa paglakad at parang bata na humalukipkip ng mataas.Natawa si Bryle dahil ang cute ng kaniyang misis kapag ganoon na nagtatampu-tampuhan. Binalikan niya ito at masuyong ikinulong sa mga palad ang napakaganda nitong mukha saka siniil ng buong pagm
"Bryle…" sa una ay mahinang sambit ni Leia sa pangalan ng asawang matagal na niyang nais makita. Ilang sandali na hindi siya huminga. Hanggang sa rumagasa ang mga luha niya sa mga mata. Hindi siya makapaniwala na darating nga si Bryle at makikita niya itong muli." Bryle!" mayamaya ay malakas na niyang tawag sa asawa nang mahimasmasan siya. Akmang papaikutin na niya ang gulong ng wheelchair at susugurin niya ito ng yakap, pero marahas na hinablot ni Kenneth ang kaniyang isang braso.“Dito ka lang!” galit na singhal nito sa kaniya."Bitawan ko ako, Kenneth!" Umiiyak niyang lingon sa isa pang asawa, sa demonyong nagpapanggap niyang asawa.“Hindi ka maaaring lumapit sa kaniya!” nagtatagis ang bagang na babala ni Kenneth.Gawa niyon, sa nakitang walang ingat na paghawak ni Kenneth sa asawa ay lalong nakuyom ni Bryle ang dalawang kamao niya. Gustong-gusto niya agad na ipagsusuntok sa mukha ni Kenneth. Kumpirmado, sinasaktan nga ng g*go ang kaniyang asawa.“Who are you?! Why are you causing
“Bakit ang tagal nina Alab?” Pabalik-balik ang lakad ni Bryle habang naghihinatay sa bayan ng San Lazaro kung saan ay sinabi sa kanila ni Alab na maghihintay sila.“Hindi ko alam,” sabi naman ni Sarina. “Pero wala ka namang dapat ipag-alala dahil kahit makasal sina Kenneth at Leia ay hindi pa rin iyon magiging ligal dahil kasal sa iyo si Leia, tapos peke pa malamang ang mga dokumentong ipinakita ni Kenneth.”Nahimas ni Bryle ang kanyang bunganga. “Kahit na. Masakit pa rin sa akin kung maihaharap ni Kenneth si Leia sa altar. Parang natalo pa rin niya ako kapag gano’n.”“Mahalaga pa ba iyon? Ang pride mo kaysa ang kaisipang mababawi mo ang mag-ina mo? Iyon lang naman ang mahalaga rito, ang mabawi sila at mailayo sa kapahamakan, hindi ba?”Napabuntong-hininga si Bryle. Hindi na siya nagkomento. Nahimas-himas na lamang niya ang kanyang noo at pinilit na habaan pa ang pasensya.Tama naman si Sarina.SAMANTALA…"Dumating na ang bride, Boss," bulong ng isang tauhan kay Kenneth. Ngumisi si Ken
ANG NAKARAAN…“Aalis kayo dito sa San Lazaro?” tanong ni Kenneth kay Katia. “Oo. Doon na kami mag-aaral ng college ni Alab sa Maynila. Nakapasa kasi kami sa isang scholarship na inaplayan namin at sagot lahat ng foundation ang gagastusin namin kahit na doon kami mag-aral,” sagot ng mahinhing dalaga. Nasa silong sila noon ng punong mangga. Dinalaw niya noon ito dahil sa balitang iyon. Hindi siya nakatiis. “Ang unfair naman yata.” At hindi rin niya gusto na aalis ang dalaga tapos kasama pa ang itinuturing niyang karibal.Maang na napatingin sa kaniya si Katia. “Ano naman ang unfair doon? Hindi ka ba masaya na makapag-aaral ako?” “Masaya ako na nakapasok ka sa scholarship. Ang hindi ako masaya ay ang aalis ka at kasama mo pa si Alab, Katia,” pag-amin niya.“Bakit naman? Boyfriend ko si Alab, Kenneth, kaya walang masama.” “Pero boyfriend mo rin ako, hindi ba?” “Boyfriend? Ano’ng pinagsasabi mo, Kenneth? Hindi kita boyfriend.” Napaismid siya dahil nasaktan siya. “Boyfriend mo ako da
"Hayup ka! Ano’ng ginawa mo kay Bryle?! Ano’ng ginawa mo sa kaniya?! Ano ang ginawa mo sa pamilya namin?! Ano ang kasalanan namin sa ‘yo at ginulo mo kami ng ganito?! Ano?!" Nagwala na ng tuluyan si Leia. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Binayo-bayo niya ang dibdib ni Kenneth. Nauunawaan na niya ang lahat. Malinaw na malinaw na talaga sa kaniya na niloko lamang siya ng binata, na pinaniwala lang siya nitong iniwan sila ni Bryle pero ang totoo ay hindi. Ang totoo ay ginamit ni Kenneth ang sitwasyon nila, ang kawalan nila ng pera na mag-asawa.Sinenyasan ni Kenneth ang isang tauhan nito. Agad iyong sumunod. Lumapit ito kay Aling Linda.“Ano’ng gagawin mo?!” sindak ang ginang."Mama!" hiyaw ng batang si Lacey. Walang anu-anong kinuha kasi ito ng lalaki mula kay Aling Linda."Bitawan mo ang apo ko!" protesta ni Aling Linda. Ayaw nitong ibigay ang apo. Sa kasamaang palad isang suntok sa sikmura ang ginawa dito ng isa pang tauhan ni Kenneth kaya agad na nawalan ng lakas at namilipit
"Bakit ba kasi ang layo ng bahay niyo sa bahay ng Fontallan?" hindi na makapaghintay si Bryle na tanong ulit niya kay Sarina. Halos paliparin na talaga niya ang sasakyan marating lang nila sana agad ang mansyon nina Kenneth."Syempre noong ibinahay ako ni Dionisio ay pinili talaga niya na sa malayo para hindi kami magtagpo ng asawa niyang pangit."Napalatak siya at lalo pang diniinan ang silinyador ng sasakyan. "Kumapit ka!" tapos ay anito sa dalaga."Dahan-dahan kundi baka tayo naman ang mabangga nito. Baka sa ginagawa mong pagmamadali ay lalong hindi mo na makikita ang asawa mo kasi tigok na tayo," nakaingos na paalala ni Sarina sa kaniya. Sinulyapan nito ang pambisig na orasan. “Don’t worry, maaga pa naman. Baka naghahanda pa lang sila ngayon.”Sa kasamaang palad ay tila ba wala nang naririnig sa sandaling iyon si Bryle. Kontrolado naman niya ang manibela kaya alam niyang hindi sila maaksidente. Isa pa ay hindi niya hahayaang maaksidente sila dahil kailangan siya ngayon ni Leia. Ili
Sandaling hindi nakakilos si Bryle sa hindi maipaliwanag niyang nararamdaman. Ang tindi ng galit niya. Kuyom na kuyom niya ang mga kamao na kulang na lang ay bumaon ang mga kuko niya sa mga palad niya. Halos madurog na rin sa kamay niya ang cellphone na hawak.Papatayin niya si Kenneth! Papatayin niya talaga! Isinusumpa niya!"Bryle, ano’ng nangyari? Ano’ng sabi ng asawa mo at ni Kenneth?" alanganing tanong ni Sarina. Natatakot ang dalaga sa hitsura ni Bryle.Mabagsik ang naging tingin ni Bryle sa dalagang katabi. Hindi pa rin niya makuntrol ang galit. "Pagkatapos ng kasal ay dadalhin niya si Leia sa Amerika. Doon daw sila magsasama. Mabuti na lamang at nakinig ako sa inyo kundi baka nadala na ng g*gong iyon ang asawa ko sa ibang bansa kung pumalpak sana ako.”Nanlaki ang ulo niya nang mabilis na na-imagine niya na nasa ibang bansa sina Lacey at Leia. Imposible na masusundan na niya sila oras na mangyari iyon."Diyos ko, ano itong ginagawa ni Kenneth? Siya nga yata talaga ang may sayad
Naiinip man dahil kanina pa siya naghihintay kay Sarina ay idinadaan na lamang ni Bryle sa pagpalatak ang inip, at minsan sa pagsuri-suri ng sasakyan. Ano ba kasi’ng aasahan niya? Normal lang naman sa babae ang matagal magbihis.Kanina pa siya nakasakay sa kotse na binili talaga ni Sarina para sa plano nilang ito. Brand new pa nga sana ang bibilhin ng dalaga pero siya ang hindi pumayag dahil baka masayang lang ang sasakyan kapag nagkabulilyaso.Handa na siya sa patungo sa San Lazaro upang dumalo sa kasal—upang bawiin na ang kaniyang asawa at anak.Sa wakas, dumating na ang araw upang isakatuparan nila ang plano!“Ang tagal mo,” reklamo niya nang sa wakas ay dumating din ang dalaga. At napabuga talaga siya ng hangin sa bunganga dahil kuntodo makeup si Sarina. Ang halter maxi dress in deep red nitong suot ay halos kita na ang buong kaluluwa nito. Backless na nga may slit pa na halos hanggang singit na. Kung hindi nga lang sila nagmamadali ay sasabihin niyang hindi sila aalis hangga’t hin
ARAW NG KASAL.Magarbong-magarbo ang lahat. Makikitang pinagkagastusan talaga ng mag-asawang Don Dionisio at Donya Alvina ang kasal ng bunso nilang anak. Handa na ang mansyon na siyang reception area rin, kasama ang simbahan ng San Lorenzo Cathedral. Nakalatag ang isang red carpet sa labas patungo sa aisle hanggang sa altar ng San Lorenze Cathedral. At sa tuwina ay may mga nahuhulog na maliliit na red and white rose petals sa loob ng simbahan na siyang nagbibigay ng goosebump feeling sa mga unang dumadating sa simbahan para sa seremonya.Subalit kung gaano kasaya ang lahat ay siya namang lungkot ng bride. Nakaupo si Leia sa harap ng salamin at suot na niya ang kaniyang corset style wedding gown na hindi basta-basta ang halaga. Kung gaano siya kaganda sa sandaling iyon ay siya namang lungkot ng mukha niya.Siya na yata ang pinakamalungkot na bride sa buong mundo sa sandaling iyon, hindi lamang dahil sa ayaw niyang ikasal sa lalaking hindi niya mahal kundi dahil din sa hindi niya pa naki
“Sergeant Rojales Bryle, reporting back, Sir. All members present and accounted for.” Matikas na sumaludo si Bryle sa kaniyang commanding officer.“Masaya akong ligtas na nakabalik kayo ng team mo, Rojales.” Tinapik siya ni Major Emmanuel Gandoza sa balikat matapos nitong tugunin ang kaniyang pagsaludo.“Thank you, Sir.” Nakangiti na ibinaba na niya ang kamay at tuwid na tuwid na tumayo.“Ako ang dapat magpasalamat sa inyo dahil hindi niyo na naman ako binigo. Nailigtas ang probinsya ng Guadalupe mula sa terrorist threat dahil sa matiyaga niyong pagbabantay. Good job.”“Thank you ulit, Sir.”Isang ngiti ang iginawad sa kaniya ng nakakatandang opisyal. “Dahil diyan ay one-week muna kayong magpapahinga. Anim na buwan kayong naroon lang sa bundok kaya deserve niyo ang one-week na rest and recreation. Basta maging alerto lang kayo lagi sa maaaring pagtawag sa inyo kung sakali.”“Copy and thank you, Sir!” Muli ay saludo ni Bryle sa major.Ang ‘R&R’ o ‘Rest and Recreation’ ay isang panahon n...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
댓글