Share

CHAPTER 6 (spg)

"Uminom ka muna ng gamot." Inilapit ni Leia sa bibig ng asawa ang hinati niyang gamot. "Huwag kang mag-alala dahil bukas ay may trabaho na ako. Minalas lang talaga ako kanina dahil umalis pala ang mag-asawang Rodrigo. Pagtiisan mo muna ito. At least, may maiinom ka ngayong araw.”

Ngumanga si Bryle at ininom nga iyon saka malamlam ang mga mata nitong hinawakan sa kamay ang butihin niyang asawa. "Salamat, Leia, ha? Sana hindi ka magsawa sa akin."

"Ano ka ba naman. Bakit ka nagpapasalamat sa ‘kin, eh, asawa mo ako? Responsibilidad kita at mahal kita.”

"Kahit na. Dapat pa rin akong magpasalamat dahil ang suwerte ko sa iyo. Hindi mo ako pinababayaan kahit na inutil na ako ngayon. Wala na akong silbi sa pamilya natin.”

"Huwag mo ngang sabihin ‘yan. Hindi ka inutil at lalong hindi walang silbi. Gagaling ka pa at makakabalik sa serbisyo. Hintayin lang natin ang darating na tulong mula sa gobyerno. Sabi ni Kapitan ay nailakad na niya ang papeles mo kay Mayor. Aaksyunan na raw. Maghintay na lang daw tayo.”

Tumango-tango si Bryle. Hindi naman sa napanghihinaan na siya ng loob. Naaawa lang talaga siya sa kaniyang asawa. Hindi ganito ang pinangarap niyang buhay para kay Leia. Ang gusto niya ay maginhawang buhay para sa asawa at pati na rin sa anak nila. Tinitiis niya ang lumayo at sinusuong ang panganib sa tuwing may ‘kontrainsurhensiyang operasyon’ sila noon. Hindi niya talaga alam kung bakit naging kabaliktaran ang lahat.

Gayunman, hindi niya kinukuwestyon ang Diyos. Alam niyang may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kanila, lalo na ang nangyari sa kaniya sa bundok. Nagpapasalamat pa rin siya at buhay siya.

"Saka bukas sabi ko may trabaho na ako, ‘di ba? Hindi na lang ako basta maglalabada kaya huwag ka nang malungkot. Baka lalo kang magkasakit kakaisip mo, eh. Sumpungin ka na naman."

"Anong trabaho pala iyong sinasabi mo kagabi?"

"Stay out na kasambahay. Inirekomenda ako ni Pressy sa pinsan niya bagong uwi dito sa Pilipinas galing ibang bansa. At ang sabi ni Pressy ay tiyak daw na hindi ako mahihirapan dahil mag-isa lang naman daw sa binili nilang bahay ang pinsan niya.”

"Mabuti naman kung gano’n.”

"Oo at malaki raw ang sahod sabi pa ni Pressy."

“Basta ‘wag mo masyadong pagurin ang sarili mo, ha? ‘Di bale na wala tayong makain kaysa sagarin mo ang katawan mo at ikaw naman ang magkasakit."

Napangiting niyakap ni Leia ang asawa. "Huwag kang mag-alala sa ‘kin, Mahal. Kaya ko ito. Kaya nating dalawa ito. Makakahaon din tayo.”

Buong pagmamahal na hinalikan naman ni Bryle ang kaniyang tuktok, at nang tingalain niya ito’y sa kaniyang mga labi.

“Kadiri, Papa!” saktong bungad nga lang ni Lacey. Nakita nito ang paghalik sa kaniya ng papa nito.

Nagkatinginan sila ni Bryle at pagkuwan ay mabilis na nilapitan ni Bryle ang kanilang anak.

“Kadiri pala, ah?” Ito naman ang pinupog nito ng halik.

Humahagikgik na iniiwas-iwas ng bata ang pisngi sa malambing na ama.

Napapangiti at natatawa na lamang si Leia na pinanood ang mga ito. Paano ba naman siya makakaramdam ng pagsisisi na naging asawa niya si Bryle kung ganito na sa kabila ng lahat na walang-wala sila ay ipinapakita at ipinaparamdam pa rin nito sa kanilang mag-ina ang labis-labis na pagmamahal? Na Kung madami man itong nagagawang mali o problema kapag sinusumpong ay mas higit namang mas madami itong naipaparamdam na pagmamahal sa kanila kapag nasa maayos itong kondisyon?

Mahal niya si Bryle. No matter what happens, she will continue to love him.

Hanggang sa nakangiti niyang naalala ang kakatwang nakaraan kung paano sila nagkakilala at paano niya ito naging asawa.

…“A-ano kasi… hindi ko na alam kung paano ang buhay ko kaya… kaya gusto ko na lang maghanap ng asawa. P-puwede bang… puwede bang asawahin mo na lang ako?” ang lakas-loob niyang sabi noon sa lalaking sundalo na tumulong sa kaniya dahil muntik na siyang mahimatay gawa ng labis-labis na gutom.

Si Bryle Rojales.

“Ano?!” Nagulat tuloy ito. Inakala malamang na nababaliw na siya.

“Pagod na kasi ako. Nahihirapan na ako sa buhay ko. Puros na lang ako kayod pero ang hirap-hirap pa rin ng sitwasyon ko. Gusto ko na sana may katuwang ako sa hirap. Wala ka pa namang asawa. Baka puwede ako? Ako na lang ang asawain mo? Huwag kang mag-alala dahil magaling akong magluto. Lahat ng gawaing bahay ay kaya ko. Pangako magiging mabuting asawa ko,” paliwanag niya dahil seryoso talaga siya at hindi lang nababaliw na.

Hindi naman nakapagsalita si Bryle.

“At saka virgin pa ako kaya natitiyak kong malinis ako,” dagdag niya pa hanggang sa naluha na siya. Naluha siya dahil totoo namang hirap na hirap na siya. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya para makaraos ang pamilya nila sa araw-araw.

Ang hindi inasahan ni Leia ay pariringgan ni Bryle ang mga hinaing niya nang matapos silang kumain.

“Hindi ko alam. Siguro may balat talaga ako sa puwet kaya ang malas-malas ko. Hirap na hirap na nga akong makakuha ng trabaho ay madalas pang ako ang natatanggal o kaya naman biglang magsasara ang papasukan ko,” sisinghot-singhot pagtatapos niya sa kaniyang kuwento.

“Ano ba’ng trabaho mo na last?” tanong sa kaniya ng binata. Minsan pa ay inabutan siya nito ng tissue.

“Sa isang bakery. Kaso sa mahal ng asukal at harina ay palugi na raw kaya nagtanggal iyong may-ari ng bantay. Syempre ako ang inalis kaysa kay Ate Memang na matagal na sa kanila.”

Tumango-tango si Bryle.

“Ngayon hindi ko na naman alam kung paano magsisimula. Puros na lang simula. Nakakapagod na,” hinaing niya pa.

“Kaya gusto mo na lang mag-asawa?”

Bigla siyang natawa. “Pasensya ka na kung parang na-harass ka. Pero huwag mo na lang seryosohin ang sinabi ko pala. Nawawala lang siguro ako sa huwisyo ngayon kaya kung anu-ano ang sinasabi ko.”

Kitang-kita ni Leia ang pagliliwanag ng mukha ng kausap na binata. Nakahinga malamang ito nang maluwag dahil hindi naman pala siya nababaliw.

Nagngitian sila’t nagyayaan nang umuwi. Ngunit hindi pumayag na hindi rin siya ihatid ni Bryle sa bahay nila. Nakakahiya man dahil labis-labi na ang abalang nagagawa niya rito ay wala naman siyang nagawa kundi ang pumayag.

“Paano kita liliwagan kung hindi ko alam ang bahay niyo?” isa pa ay sabi kasi nito na hindi niya alam kung nagbibiro ba o ano.

Kinilig naman siya ng lihim. Hindi naman niya kasi maikakaila na may atraksyon din siyang nararamdaman para rito.

Kanina ngang nabangga niya ito ay akala niya artistang naliligaw ang binata. Ang una niya talagang napansin ay ang mga mata nito, they were hazel-green. Mahaba rin ang pilik at nakakainggit ang natural na makapal nitong kilay. Matangos ang ilong na binagayan ng magagandang labi na talaga namang hinulma para sa isang lalaki. Bagay na bagay rin sa lalaki ang army cut nitong hairstyle.

Above all, the man was tall and well-built.

“Dito kami nakatira. Pasensya ka na kung barong-barong lang. Mas mahirap pa kasi kami yata sa daga. Bata pa lang kami ay namatay na kasi ang tatay namin kaya walang naging katuwang si Nanay,” nahihiyang sabi niya nang nasa tapat na sila ng maliit na bahay nila.

“Hindi mo kailangang magpaliwanag. Mahirap lang din kami. Sinikap lang talaga ni Nanay na makatapos ako kaya kahit paano medyo naging okay na ang buhay namin.”

Mas naging bukas si Leia sa pakikitungo sa binata nang makita niyang tanggap ni Bryle kung ano’ng klaseng buhay meron sila ng kaniyang pamilya. Lantaran na siyang sumasama rito kapag sinusundo siya at inihahatid. Walang araw na hindi siya nito kasama dahil one-week lang daw ang leave nito sa trabaho. Pagkatapos daw niyon ay babalik na sa bundok ang binata.

Lihim niya iyong ikinalulungkot. Nasanay na kasi siya na kasama ito lagi. Ni wala na nga rin siyang pangimi na nagpapasama rito kapag nag-aaply siya ng trabaho.  

“Tatawagan na lang daw nila ako,” imporma niya kay Bryle nang lumabas siya sa isang building kung saan ay na-interview siya. Nag-apply ulit siya ng trabaho, but as usual mukhang malabo na naman siyang matatanggap.

Palibhasa’y sweet na lalaki ay agad siyang inakbayan nito upang payapain. “Ayos lang ‘yan. Hindi mo naman na kasi kailangang magtrabaho. Nandito naman na ako. Magiging asawa mo na ako pagbalik ko kaya kapag may kailangan ka ay sabihin mo lang sa akin.”

Sa halip na matuwa ay umiling siya. “Kung magkatotoo man ‘yan na magiging asawa talaga kita ay hindi naman puwede na iaasa ko lahat sa iyo, pati pamilya ko. Ang sabi ko noon ay kailangan ko ng katuwang hindi alipin kaya tutulong pa rin ako sa iyo. Magtatrabaho pa rin ako kapag susuwertehin na matanggap, nang sa ganoon ay matulungan pa rin natin ang mga magulang natin.”

“Naks!” Natuwang pinisil ni Bryle ang kaniyang ilong. “Ang bait naman pala talaga ng magiging misis ko.”

Iningusan niya naman ito. “Magiging misis mo kapag babalik ka nga.”

“At bakit naman ako hindi babalik? Alangang doon na ako sa bundok titira?”

“Malay ko ba? Baka pagbalik mo doon ay makakilala ka na doon ng mas maganda sa akin.”

Malutong ang naging tawa ni Bryle. “May mas gaganda pa ba sa iyo? Eh, saludo na nga ako sa ganda mo?”

“Heh!” Kiniliti niya ito sa tagiliran.

Nasa kasarapan sila ng tawanan nang bigla na lamang umambon. Wala silang dalang payong kaya napilitan silang sumilong sa isang establisyemento nang ang ambon ay lalong lumakas pa.

“Giniginaw ka?”

“Medyo,” sagot niya habang yakap-yakap ang sarili.

Iginala ni Bryle ang tingin sa paligid. Hanggang sa napansin niya na ang katabi pala ng establisyemento na sinisilungan nila ay isang motel, mumurahing hotel pero kilala sa pangalan dahil nagkalat na sa buong ka-Maynila-an.

“What if magpalipas na lang tayo diyan?” tanong nito sabay nguso sa motel.

“Ayoko,” pagtanggi agad syempre ni Leia. Hindi siya ignorante para hindi alam kung ano ang kadalasang nangyayari sa magkapareha kapag pumapasok sa lugar na ganoon.

“Ano ka ba? Ang laswa agad ng iniisip mo,” kantyaw sa kaniya ni Bryle.

“Bakit? Ano’ng gagawin natin diyan maliban sa ano?”

“Magdarasal? Mag-jack en poy? Kung gusto mo magtitigan lang tayo, ang kukurap sasampalin?”

“He-he!” ingos. As in dalawang HE lang.

Ikinatawa iyon ni Bryle bago siya akbayan. “Ayaw mo ba? Wala ka bang tiwala sa akin?” at seryosong mga tanong pagkuwan.

“Pero—”

Ngumiti ito sa kaniya at hinila na siya. Ayaw niya pa rin sana dahil hindi pa siya handa sa gusto nitong mangyari kung sakali, subalit nagsunud-sunuran naman siya’t wala na siyang nagawa.

Ang malamig na klima sa labas dahil sa ulan ay nahalinhinan agad ng matinding init pagkapasok na pagkapasok nila sa isang kuwarto na kinuha ni Bryle. Ang disgusto niya sa pagpasok nila doon ay tuluyang naglaho nang ang dugo niya ang nabahiran ng purong pagnanasa.

Sa pinto palang kasi ay mainit na ang naging halikan nila. Isinandig siya sa pader ni Bryle at hindi na naghiwalay ang kanilang mga labi. It became deeper, sweeter, and more compelling. Hanggang sa parehas na silang naging wild.

Habang nagt*talik ang kanilang mga dila ay kung saan-saan napapadpad ang mga kamay nila. Dinadama pati ang kasuluksukan ng kanilang mga nagliliyab na mga katawan.

Mayamaya ay itinaas ni Bryle ang kaniyang mga kamay kasabay ng kaniyang blouse. Magkasugpong ang kanilang mga labi na nahubaran siya nito nang pang-itaas. At halos mapugto ang kaniyang hininga nang mula sa labi niya ay bumaba sa kaniyang panga, sa kaniyang leeg, hanggang sa tuktok ng kaniyang mga d*bdib ang halik nito. Salitang nilaro, sinupsop, at dinila-dilaan ni Bryle.

“Aaahhh…” kakaibang iyak na kumawala sa lalamunan niya habang napapapikit at napapakagat-labi.

Nang bumalik sa labi niya ang mga labi ni Bryle ay ito naman ang isinandig niya sa pader. Change position sila. Siya rin ang nagtaas ng t-shirt nito nang mahagip niya ang laylayan niyon.

Hindi niya alam ang ginagawa pa dahil unang karanasan niya ito sa lalaki, gayunman sinikap niyang magaya ito. Nang mahubaran niya ito’y hinalikan niya rin ito sa dibdib. Nilaro rin ng dila niya ang mga n*pple nito.

“Sh*t!” kontrol na kontrol na ungol ni Bryle. Dikawasa’y ikinulong nito ang kanyang mukha sa mga palad nito’t muling siniil nang mas nag-aalab na mga halik.

She moaned her bliss and pressed her body closer to him. Ramdam na ramdam na niya tuloy ang mainit at matigas nitong sandata sa kaniyang tiyan.

“Ooohhh…” ungol ulit niya. Kailangan na niya si Bryle. Gusto na niyang maramdaman ito sa loob niya. Kailangan na niyang maramdaman ang puwersa nito sa ibabaw niya.

Tinugon naman iyon ni Bryle. Binuhat na siya nito patungong kama at maingat na ibinaba.

Lumalim ang tiyan ni Leia nang lumapat ang likod niya sa malambot na kama ng motel. Umaarko ang kaniyang katawan na nilalawayan ni Bryle.

“Bryle, please…” hanggang sa pakiusap na niya. Sumabog ang pananabik sa kalooban niya.

Binalikan ni Bryle ang kaniyang mga labi, kasabay niyon ang paghihiwalay nito sa kanyang mga hita. At nang sinubukan na nitong pasukin ang kaniyang entrada ay parehas silang napasinghap sa hangin.

“Masakit,” halinghing niya. Namilipit siya sa ilalim nito. Hindi niya alam kung paano iha-handle ang kirot sa bawat pagtatangka ni Bryle na punitin ang nakaharang sa kanilang kaligayan.

“Itutuloy ko ba?” naaawang tanong sa kaniya ni Bryle.

She smiled reassuringly despite the pain. “Masasakal kita kapag hindi,” ta’s pabirong sagot niya. “Tapusin mo!”

And he did!

Lalong humigpit ang pagkakapikit ni Leia sa batok ng binata. Pain, passion, and ecstasy ang hali-haliling makikita sa mukha niya. Hanggang sa isinigaw na niya ang pangalan ng kaniig. Nagpumilit si Bryle—deeper, harder—hindi tumigil hangga’t hindi siya lubos na napapasok.

“Oh, God, Leia. Ang sikip mo,” ungol naman ni Bryle sa kaniyang punong tainga nang isubsob nito ang mukha sa kaniyang balikat. “Ang sarap, sh*t! Sh*t!”

“Bryle… Bryle…” Mayamaya lang ang sakit ay nalagpasan na nga ni Leia. Itinaas pa niya ang balakang niya. Sinasalubong na niya ang bawat pag-indayog ni Bryle sa ibabaw niya.

Wala nang ingat si Bryle, sa puntong iyon ay bumabaon talaga ang malabakal sa tigas na pagkal*lalaki nito nang sagad sa kaloob-looban niya. Pabilis nang pabilis na parang masong humahambalos sa baguhan niyang kalamnan.

“Bryle!!!” halos pasigaw nang tawag niya sa pangalan ng kaniig nang marating niya ang r***k. Sa pakiwari niya’y dinala siya ni Bryle sa lampas pang langit.

“F*ck, Leia!” ungol naman ni Bryle nang ito naman ang nanigas at sumabog ang napakadami nitong katas…

Malayu-layo na ang pagbabalik-tanaw ni Leia sa nakakakilig na nakaraan nila ni Bryle kaya nagulat siya nang magsalita sa harapan niya ang asawa.

“Mahal, may tao yata,” anito.

Napatingin sila sa dakong pinto ng bahay nila.

“Leia, lumabas ka riyan! Iharap mo sa akin ang makapal mong mukha! Matapos mong pakinabangan ang pera ko ay wala ka nang balak magbayad! Aba-aba, mahiya ka namang babae ka!” sigaw nang bungangerang si Mrs. Sarmiento.

Kapwa nabigla ang mag-asawa. Nagkatinginan pagkuwa’y dali-daling lumabas.

“Ay, buti naman at nandito ka pala! Bayaran mo na ang utang mo! Aba’y nalulugi ang negosyo ko sa iyo!” pagbubunganga nga lang lalo ni Mrs. Sarmiento nang makita siya. Panay ang paypay nito ng abaniko sa mala-siopao nitong mukha dahil may katabaan kasi ang ginang.

“Madam, pasensya ka na po pero wala pa po akong maibibigay sa inyo,” sumamo naman agad-agad ni Leia.

“Hindi puwede ‘yan! Ilang palugit na ako sa iyo! Umabot na tayo ng dalawang taon kaya dapat mo na akong bayaran!”

“Pero, Madam, walang-wala po talaga kami ngayon. Sana bigyan niyo pa po ako ng panahon. Nagmamakaawa po ako sa inyo.”

“Ay, hindi! Ngayon din ay ibalik muna sa akin ang kinse mil ko!” subalit ay pagmamatigas ng ginang.

Naluha na si Leia. Hiyang-hiya na rin kasi siya sa mga taong nakakarinig sa pagwawala ng nakautangan niya.

“Kung hindi niyo maibibigay ngayon ay lumayas na lang kayo sa bahay niyong ito at ito na lang ang kukunin ko bilang kabayaran! Masyado na kayong nakakaperwisyo sa akin!”

Doon mas nabahala si Leia. “Huwag naman, Madam. Maawa naman po kayo. Itong bahay na lang na ito ang meron kami.”

“At paano niyo ako mababayaran, aber?!” Pumanaywang ang mas nanggalaiti pang ginang.

Walang alam na ibang paraan si Leia kaya napakagat-labi na lang siya. Hindi niya alam kung paano sila makakabayad kaya hindi rin niya alam kung ano’ng isasagot.

“Bigyan niyo pa po kami ng isang buwan, Madam. Pangako babayaran po namin kayo,” hanggang sa sabad ni Bryle.

Sabay sila ni Mrs. Sarmiento na napatingin dito. Nasa likod niya ang asawa at karga si Lacey.

“Lagi na lang kayong nangangako!” sabi ng ginang.

“Huli na po ito, Madam,” sabi pa ni Bryle.

Nagyuko na lamang si Leia. Alam naman niya kasi na sinasabi lang iyon ni Bryle upang matapos lang ang panggugulo sa kanila ni Mrs. Sarmiento.

Paano na naman kaya ito, Diyos ko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status