"Papa, hindi pa ba tayo kakain?" nakalabing tanong ng batang si Lacey kay Bryle. Umaga na kaya gising na ang kaniyang anak ngunit wala pa rin ang kaniyang asawa. Hindi pa rin umuuwi.Napatingin si Bryle sa bata. Wala pa siyang tulog dahil hinihintay pa rin niya ang asawa. At hindi pa rin siya nakaluto dahil wala naman siyang perang pambili.Yumukod siya sa harap ng anak at masuyong hinawakan sa magkabilang balikat. "Saglit lang, Anak, ah? Wala pa kasi ang mama mo, eh.”"Nasaan po si Mama, Papa?""Uhm..." Hindi niya masagot ang anak. Lihim na napatiim-bagang na lang siya. Nagngitngit ang mga ngipin niya. Kanina pa siya galit o tamang sabihin ay kagabi pa siya galit dahil sa hindi pag-uwi ng asawa."Hindi ba umuwi si Mama, Papa?""Syempre umuwi ang mama mo kanina, Anak, pero maaga lang umalis. Pumasok na siya sa trabaho ulit. Nag-kiss nga siya kaso tulog ka pa, eh,” mabilis na pagtatakip din niya sa asawa. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano ang anak nila. "Ganito na lang. Doon ka muna sa k
Nagising si Leia na ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Para kasing ang sarap ng tulog niya. Nakangiting pupungas-pungas pa nga siya na bumangon, nag-inat at naghikab.Subali’t bigla rin siyang natigilan at kinabahan nang makita niyang wala pala siya bahay nila dahil magandang kuwarto ang nakikita niyang kinaroroonan.Nasa’n siya?Mayamaya ay lumuwa na ang mga mata ni Leia at napatutop bigla sa bunganga niya nang maisip niyang nasa bahay pa rin siya ni Sir Kenneth niya.Diyos ko, hindi nga siya nakauwi kagabi!Bigla na siyang tayo. Nataranta. Hindi niya alam ang unang gagawin niya. Basta ang agad tumakbo sa isip niya ay ang asawa niya.Si Bryle! Baka hinihintay pa rin siya ni Bryle! Kailangan na niyang umuwi!Dali-dali siyang lumabas sa magarang kuwarto at nagkukumahog na bumaba sa may hagdanan. At tutunguhin na dapat niya ang pinto ng magarang bahay para umuwi nang bigla namang bumungad ang kaniyang amo."Gising ka na pala. Good morning," bati sa kaniya ni Kenneth sa likuran.Kusot dahi
Pinara ni Bryle ang padating na tricycle. Kahit ang paraan ng kaniyang pagpara ay pagalit.“Mahal, may pera ka bang pampamasahe? Wala akong pera dito,” subalit paalala sa kaniya ng asawa.“Buwisit!” Inis na inis niyang ibinaba ang kamay nang naisip niya na ni pisong duling ay wala nga pala siya. Gusto niyang sumigaw sa sobrang inis, inis na ngayon ay para rin sa kaniyang sarili.Frustrated, mariin siyang pumikit kasabay nang pagsuklay ng mga daliri niya sa kaniyang buhok. Wala talaga siyang kuwenta.“Maglakad na lang tayo,” masuyong sabi sa kaniya ng asawa na magaang humawak sa balikat niya.“Huwag mo akong mahawak-hawakan!” piksi niya. Inilayo niya ang sarili at nagsimulang maglakad.Ang ikinagulat niya ay nang yakapin siya ni Leia sa likod nang maabutan siya. “Sorry na, Mahal. Promise hindi na iyon mauulit.”Nag-init ang kaniyang mga mata. Gayunpaman, hindi naibsan ang galit, inis at selos niya. Itiningala niya sa langit ang mukha upang pigilan ang mga luha niya. Pagkuwan ay tiim-bag
“Ano ba’ng nangyari? Paanong nasusunog ang bahay namin?” hingal na tanong ni Bryle sa binatilyong nag-abot sa kanila ng napakasamang balita.“Hindi ko alam, Kuya Bryle, pero ang narinig ko ay may napadaan doon at nakita na lang na umuusok sa bandang kusina niyo.”Mas binilisan pa ni Bryle ang kaniyang pagtakbo. May senaryo na siyang naisip na naging dahilan ng sunog.Mali… mali talaga na iniwan niya si Lacey na mag-isa. Ang tanga niya!"Bryle, ang anak natin! Iligtas mo ang anak natin!" panay naman ang sigaw ni Leia na umiiyak habang kumakaripas din ng takbo. Nahuhuli man ay nakakahabol pa rin.Hindi mailarawan ang matindi nilang kaba na mag-asawa sa sandaling iyon para sa nag-iisa nilang anak. Sa isip-isip nila’y hindi nila mapapatawad ang kanilang mga sarili oras na may mangyaring hindi maganda kay Lacey.Si Lacey, na tanging kayamanan nila sa mundo.Si Lacey, na dahilan bakit nagpapakatatag sila.Si Lacey, na tanging lakas nila sa araw-araw kahit ang hirap na hirap na ng sitwasyon n
Sa bahay ni Kenneth ay nagtatalo pa rin sila ni Pressy. Hindi talaga makapaniwala si Pressy sa binabalak na hindi maganda ni Kenneth kay Leia."Ano ka ba naman, Kenneth! Una pa lang ay sinabi ko na sa iyo na may asawa na si Leia! Sisirain mo ang relasyon nila dahil lang sa selfish mong nararamdaman na iyan? Nababaliw ka na ba?!”"Siguro nga nababaliw na ako, Pressy! But I don't care! I've made up my mind—I like Leia, and that's the end of it! Gagawin ko ang lahat para mapasaakin siya!”"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mong lalaki ka!""Hindi, basta ang gusto ko ngayon ay mapasakin si Leia! I will take her from her husband, and no one will be able to stop me!"“Diyos ko naman, Kenneth! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?!” Animo’y puputok na ang ulo ni Pressy na napanoo.Napangisi naman si Kenneth. Malademonyong ngisi bago humakbang pabalik sa diniring area.“At tutulungan mo ako, Insan,” pero bago ito tuluyang makapasok ay pilyong sabi nito kay Pressy.Naduro na talaga ni Pressy ang nababali
"Kung may maitutulong ako, sabihin niyo lang," ulit ni Kenneth sa inaalok nitong tulong sa mag-asawang nasunugan at nasaktan ang anak. Hindi niya inalintana ang masakit na tingin sa kaniya ni Bryle.“Bakit ka ba nandito, ha? Hindi ka namin kailangan dito kaya umalis ka na!" singhal na rito ni Bryle. Hindi na nakapagtimpi."Bryle, ano ba?" saway naman ni Leia sa asawa. Siya na naman ang hiyang-hiya sa amo sa inaasal nito."Gusto ko lang makatulong dahil tauhan ko si Leia, pare. As her boss, I have a responsibility to help her,” mapagkumbabang paliwanag naman ni Kenneth kay Bryle."Eh, g*go ka pala, eh! Akala mo ba babalik pa sa bahay mo ang asawa ko?! Mamamatay muna akong, g*go ka, bago mo magawa ang mga plano mo sa kaniya!” Sa kasamaang palad ay lalong nag-init ang ulo ni Bryle.“Bryle, utang na loob kumalma ka naman,” naiiyak nang pakiusap ni Leia rito. Nilapitan na niya ang asawa at inamo. “Alalahanin mo kailangan tayo ng anak mo ngayon. Please, pigilan mo naman ang emosyon mo at bak
"Sir Kenneth, ano ba’ng ginagawa niyo?" takang-taka na tanong ni Leia kay Kenneth. Nakaupo na siya sa loob ng kotse. Tinangka niyang lumabas pero agad na ipinower-lock ni Kenneth ang mga automatic door ng sasakyan at mabilis na pinasibad iyon."Hindi mo tinanggap ang tulong ko sa inyo kanina pero heto at para kang basahan na humihingi ng tulong kung saan-saan,” madidiin ang boses ng binata. Nagsasalita ito pero hindi siya tinitingnan, diretso ang tingin nito sa kalsada habang natiim-bagang. "Tinanggihan ka na nga lahat-lahat pero sige ka pa rin. Hindi ka ba nahihiya? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?”Umawang ang mga labi ni Leia. Nakita lahat ‘yon ni Sir Kenneth niya? Sinusundan ba siya nito kanina pa? Napayuko siya ng ulo. Naawa na rin siya sa kaniyang sarili. Nahiya sa katabi. Pero ano’ng magagawa niya kung walang maitutulong sa kaniya ang mga nilapitan niya. Alam din niya ang mga buhay ng mga kamag-anak nila ni Bryle. Parehas din nilang mga hirap sa buhay kaya naiintidihan niya sil
Sa Malvaro Hospital, hindi na mapakali si Bryle. May kakaiba na naman siyang nararamdaman na kaba sa kaniyang dibdib na hindi niya mawari kung para saan.Gayunman, natitiyak niyang hindi para kay Lacey ang kaba na iyon. Nasa harapan na niya kasi ang kaniyang anak at binabantayan. Nailabas na kanina sa ER sampung minuto ang lumipas matapos umalis si Leia. At kahit wala pa ring malay ang bata at kawawang-kawawa ang hitsura nito gawa ng isang kamay at paa nitong nababalutan ng benda ay sigurado na raw naman nang ligtas na ito sa kapahamakan. Iyon ang sabi ng doktor sa kaniya kaninang kinausap siya.Bumuntong-hininga si Bryle at tumayo. Sa tabi ng hospital bed ng kaniyang anak ay nagpabalik-balik siya ng lakad. Salitan ang pagbukol ng dila niya sa kaniyang pisngi at pagkagat niya sa kaniyang pang-ibabang labi habang nakapamaywang.Para saan kaya ang kaba sa kaniyang dibdib na kaniyang nararamdaman? Para kay Leia ba? Kaya ba hindi pa bumabalik ang kaniyang asawa?Nasapo niya ang noo. Hinilo