"Kung may maitutulong ako, sabihin niyo lang," ulit ni Kenneth sa inaalok nitong tulong sa mag-asawang nasunugan at nasaktan ang anak. Hindi niya inalintana ang masakit na tingin sa kaniya ni Bryle.“Bakit ka ba nandito, ha? Hindi ka namin kailangan dito kaya umalis ka na!" singhal na rito ni Bryle. Hindi na nakapagtimpi."Bryle, ano ba?" saway naman ni Leia sa asawa. Siya na naman ang hiyang-hiya sa amo sa inaasal nito."Gusto ko lang makatulong dahil tauhan ko si Leia, pare. As her boss, I have a responsibility to help her,” mapagkumbabang paliwanag naman ni Kenneth kay Bryle."Eh, g*go ka pala, eh! Akala mo ba babalik pa sa bahay mo ang asawa ko?! Mamamatay muna akong, g*go ka, bago mo magawa ang mga plano mo sa kaniya!” Sa kasamaang palad ay lalong nag-init ang ulo ni Bryle.“Bryle, utang na loob kumalma ka naman,” naiiyak nang pakiusap ni Leia rito. Nilapitan na niya ang asawa at inamo. “Alalahanin mo kailangan tayo ng anak mo ngayon. Please, pigilan mo naman ang emosyon mo at bak
"Sir Kenneth, ano ba’ng ginagawa niyo?" takang-taka na tanong ni Leia kay Kenneth. Nakaupo na siya sa loob ng kotse. Tinangka niyang lumabas pero agad na ipinower-lock ni Kenneth ang mga automatic door ng sasakyan at mabilis na pinasibad iyon."Hindi mo tinanggap ang tulong ko sa inyo kanina pero heto at para kang basahan na humihingi ng tulong kung saan-saan,” madidiin ang boses ng binata. Nagsasalita ito pero hindi siya tinitingnan, diretso ang tingin nito sa kalsada habang natiim-bagang. "Tinanggihan ka na nga lahat-lahat pero sige ka pa rin. Hindi ka ba nahihiya? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?”Umawang ang mga labi ni Leia. Nakita lahat ‘yon ni Sir Kenneth niya? Sinusundan ba siya nito kanina pa? Napayuko siya ng ulo. Naawa na rin siya sa kaniyang sarili. Nahiya sa katabi. Pero ano’ng magagawa niya kung walang maitutulong sa kaniya ang mga nilapitan niya. Alam din niya ang mga buhay ng mga kamag-anak nila ni Bryle. Parehas din nilang mga hirap sa buhay kaya naiintidihan niya sil
Sa Malvaro Hospital, hindi na mapakali si Bryle. May kakaiba na naman siyang nararamdaman na kaba sa kaniyang dibdib na hindi niya mawari kung para saan.Gayunman, natitiyak niyang hindi para kay Lacey ang kaba na iyon. Nasa harapan na niya kasi ang kaniyang anak at binabantayan. Nailabas na kanina sa ER sampung minuto ang lumipas matapos umalis si Leia. At kahit wala pa ring malay ang bata at kawawang-kawawa ang hitsura nito gawa ng isang kamay at paa nitong nababalutan ng benda ay sigurado na raw naman nang ligtas na ito sa kapahamakan. Iyon ang sabi ng doktor sa kaniya kaninang kinausap siya.Bumuntong-hininga si Bryle at tumayo. Sa tabi ng hospital bed ng kaniyang anak ay nagpabalik-balik siya ng lakad. Salitan ang pagbukol ng dila niya sa kaniyang pisngi at pagkagat niya sa kaniyang pang-ibabang labi habang nakapamaywang.Para saan kaya ang kaba sa kaniyang dibdib na kaniyang nararamdaman? Para kay Leia ba? Kaya ba hindi pa bumabalik ang kaniyang asawa?Nasapo niya ang noo. Hinilo
Walang kamalay-malay sina Bryle at Leia na nakasunod-tingin pa rin sa kanila si Kenneth nang kumakain sila sa may karinderya, at iba ang pagkakangisi nito. Kitang-kita ang masama nitong pinaplano sa mag-asawa sa malademonyo nitong pagkakangiti.Ngayon pa lang ay nagdidiwang na ang kalooban ng tusong binata dahil alam niya at sigurado na siyang mapapasakanya si Leia sa mas lalong madaling panahon.Kanina nang tinanggap ni Leia ang pera na kunwari ay pautang niya ay parang naglagay na siya ng posas sa mga kamay nito na nagsasabing pag-aari na niya ito. At masayang-masaya siya. Hindi na siya makapaghintay na makasama na niya itong talaga. Pero konting tiyaga pa, konting pagpapaka-hero pa ang gagawin niya.There was a time when he had been impatient, and the outcome hadn't been favorable. Therefore, at present, he would proceed with the process cautiously. Ika nga ay trust the process. Uunti-untiin niya si Leia. Hindi siya magmamadali.Saglit ay makikitang may tinawagan ang binata sa cellp
“Mama, Papa, sorry po,” iyak ng batang si Lacey nang magising. Umiiyak ito dahil sa hapdi ng mga nasunog nitong balat sa katawan at sa nalamang nangyari sa bahay nila.“Hindi mo kailangang mag-sorry, Anak. Wala kang kasalanan,” madamdaming pag-alo ni Leia. Inayos niya ang mga buhok ng anak na tumikwas sa maliit nitong mukha. Iniipit sa likod ng tainga.Hinalikan naman ito sa kamay ni Bryle. “Tama ang mama mo, Lacey. Hayaan mo na ‘yon. Ang mahalaga ay buhay ka, Anak.”Sisinghot-singhot na tiningnan ni Lacey ang ama. “Nagutom po kasi ako. Sinubukan ko pong lutuin ‘yong kaunting bigas. Ginaya ko po kayo pero lumaki po ‘yong apoy.”Nagkatinginan ang mag-asawang Leia at Bryle. Mas tumindi ang awa na naramdaman nila para sa anak nila. Nadurog ang kanilang mga puso.“Anak ko…” Kaysa sisihin ay madamdaming niyakap ni Leia ang anak.Kung bakit kasi mahirap sila? Kung bakit kasi ganito ang buhay nila? Hindi nila gusto na halos araw-araw na lang ay nagugutom ang kanilang anak.“Huwag mo na ‘yung
Makokontento na dapat si Kenneth sa pagsunod-tingin lang kay Leia, pero hindi na naman niya napigilan ang sarili nang makita niyang nahulog ang iniinuman ni Leia na softdrink at nabasag. Natarantang bumaba siya ng kotse at malalaki ang hakbang nilapitan pa rin si Leia.“Are you okay, Leia?” Alalang-alang hinawakan at inilayo niya sa mga bubog ang babaeng minamahal.Gulat na gulat naman si Leia nang makita ang amo. “Sir, ikaw pala.”“Okay ka lang?” ulit ni Kenneth. Sinuri niya ang kabuuan ni Leia. Tiniyak na hindi ito nasugatan. “Bakit hindi ka nag-iingat? Muntik ka nang masugatan,” pagkatapos ay kastigo niya. Kinabig pa niya palapit si Leia at buong pagmamalasakit na niyapos.Binalot naman ng init ang dibdib ni Leia. Na-touch siya sa labis na concern ng amo. Mapapangiti na dapat siya kung hindi lang ipinaalala ng kaniyang puso ang kaniyang asawa at anak.“Sir, sandali lang po.” Alanganin at nabahalang itinulak niya si Kenneth.“S-sorry…” Nahiyang natauhan naman ang binata. Isang hakban
“Anak, hindi ko sana isasabay ito sa problema na pinagdadaanan niyo ni Leia pero naisip ko na dapat mo lang malaman.”Mula sa pagpapakain ng lugaw kay Lacey na rasyon ng hospital sa mga pasyente ay inilipat ni Bryle ang tingin sa nanay niya.“Bakit po? May problema ba sa bahay, ‘Nay?”Nahiyang nagpunas si Aling Celia ng nagluluhang mga mata. Pero sa tingin ni Bryle ay totoong iyak na iyon. Umiiyak ang nanay niya.Inilapag niya muna ang lugaw sa side table at mas binigyan niya ng pansin ang ina. Hinawakan niya ito sa isang kamay. “’Nay, ano ‘yon? Sabihin mo po sa akin baka makatulong ako.”Doon na bumuhos ang luhang kanina pa kinikimkim ng matanda. “Ang Kuya Isagani mo kasi, Anak. May malalang sakit.”Hindi pa man ay parang binagsakan na ng bato sa likod si Bryle. “A-ano po’ng sakit ni Kuya?”“Sa kidney. Ang sabi ng doktor ay chronic kidney disease daw. Nalaman lang namin noong nakaraang buwan.”“Malala na po ba?”Marahang tumango ang nanay niya. “Kailangang mag-dialysis ang kuya mo han
Takang-taka na si Bryle dahil hindi niya pa rin makita ang kaniyang asawa. Kanina pa siya paikot-ikot at pabalik-balik sa mga tindahan na nagkalat sa tapat ng Malvaro Hospital ngunit wala talaga.Nasaan na ba si Leia? Saan ba ‘yon nagpunta? Saan ba ‘yon bumili ng miryenda?“Diyos ko, sana walang nangyaring hindi maganda sa asawa ko,” usal niya nang kinabahan na naman siya.Ilang ikot pa siya at hanap pero wala talaga siyang nakita kahit anino man lang sana ng kaniyang asawa. Hanggang sa mapansin niya ang usap-usapan ng mga tao na nadaanan niya."Kawawa talaga ‘yong babae, ano?”"Grabe talaga. Grabe ang pagkakabangga sa kaniya. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako.”“Sana buhay pa siya.”“Kahit mabuhay ‘yon baka magkakaproblema na. Nabali yata ang mga paa niya, eh.”Noon na rin napansin ni Bryle sa kalsada ang magkahalong sariwang dugo at softdrink pati na ang mga pisa-pisang tinapay na nagkalat dahil nasasagasaan na ng mga nagdaraang mga sasakyan. At hindi alam ni Bryle pero big