“Anak, hindi ko sana isasabay ito sa problema na pinagdadaanan niyo ni Leia pero naisip ko na dapat mo lang malaman.”Mula sa pagpapakain ng lugaw kay Lacey na rasyon ng hospital sa mga pasyente ay inilipat ni Bryle ang tingin sa nanay niya.“Bakit po? May problema ba sa bahay, ‘Nay?”Nahiyang nagpunas si Aling Celia ng nagluluhang mga mata. Pero sa tingin ni Bryle ay totoong iyak na iyon. Umiiyak ang nanay niya.Inilapag niya muna ang lugaw sa side table at mas binigyan niya ng pansin ang ina. Hinawakan niya ito sa isang kamay. “’Nay, ano ‘yon? Sabihin mo po sa akin baka makatulong ako.”Doon na bumuhos ang luhang kanina pa kinikimkim ng matanda. “Ang Kuya Isagani mo kasi, Anak. May malalang sakit.”Hindi pa man ay parang binagsakan na ng bato sa likod si Bryle. “A-ano po’ng sakit ni Kuya?”“Sa kidney. Ang sabi ng doktor ay chronic kidney disease daw. Nalaman lang namin noong nakaraang buwan.”“Malala na po ba?”Marahang tumango ang nanay niya. “Kailangang mag-dialysis ang kuya mo han
Takang-taka na si Bryle dahil hindi niya pa rin makita ang kaniyang asawa. Kanina pa siya paikot-ikot at pabalik-balik sa mga tindahan na nagkalat sa tapat ng Malvaro Hospital ngunit wala talaga.Nasaan na ba si Leia? Saan ba ‘yon nagpunta? Saan ba ‘yon bumili ng miryenda?“Diyos ko, sana walang nangyaring hindi maganda sa asawa ko,” usal niya nang kinabahan na naman siya.Ilang ikot pa siya at hanap pero wala talaga siyang nakita kahit anino man lang sana ng kaniyang asawa. Hanggang sa mapansin niya ang usap-usapan ng mga tao na nadaanan niya."Kawawa talaga ‘yong babae, ano?”"Grabe talaga. Grabe ang pagkakabangga sa kaniya. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako.”“Sana buhay pa siya.”“Kahit mabuhay ‘yon baka magkakaproblema na. Nabali yata ang mga paa niya, eh.”Noon na rin napansin ni Bryle sa kalsada ang magkahalong sariwang dugo at softdrink pati na ang mga pisa-pisang tinapay na nagkalat dahil nasasagasaan na ng mga nagdaraang mga sasakyan. At hindi alam ni Bryle pero big
“Ano’ng nangyari?! Ano’ng nangyari!? Ano’ng ginawa mo sa asawa ko!” sunod-sunod na pabulyaw na tanong ni Bryle kay Kenneth. Sinugod na niya ito at marahas na kwinelyuhan, na kung hindi siguro siya nakakapagtimpi ay nabugbog na rin niya.“P-pare, hindi ko alam! Ang bilis ng pangyayari!” kabadong-kabado at parang nawawala rin sa sarili niya na sagot ni Kenneth. “Pagkatapos naming mag-usap ay tumawid lang siya sa kalsada tapos ganoon na ang nangyari. Pagtingin ko ay nabangga na siya’t nakabulagta na sa kalsada.”“Bryle, huminahon ka. Walang kasalanan si Kenneth. Walang gustong mangyari ‘yon. Aksidente ang lahat. Buti nga’t naroon si Kenneth at naitakbo siya agad dito sa ospital dahil kung hindi ay baka lalong mas malala ang nangyari kay Leia!” awat ni Pressy kay Bryle.Tinitigan muna ni Bryle ng masama si Kenneth bago niya ito binitawan. Patulak. At dahil hindi niya mapagbuhatan ng kamay si Kenneth ay iyong pader ang pinagsusuntok na lang niya. “Bakit ganito? Bakit ganito na sabay-sabay n
“Pareng Bryle!”Napalingon si Bryle sa lalaking tumawag sa kaniyang pangalan. Si Oscar na naman pala at kasama si Andong na naging kasamahan din nila sa construction.“Pare!” kaway niya sa mga ito. Ayaw niya sanang lumapit dahil tumatagay sila sa harap ng isang tindahan. Ayaw niya sanang uminom ngayon dahil sa mga problema.“Daan ka na muna saglit dito, pare,” anyaya sa kaniya ni Andong.“Oo nga naman, pare,” segunda ni Oscar.“Sige lang, mga p’re. May lalakarin pa kasi ako,” pagtanggi niya.Kaso ay si Andong na ang lumapit sa kaniya at pinilit siyang dumaan muna sa inuman nila. Pina-shot pa rin siya nito. At napangiwi siya dahil ngayon lang ulit siya nakatikim ng alak mula nagkasakit siya.“Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo, ah?” sabi ni Oscar na inalukan din siya ng pulutan nilang adobong paa ng manok. “Sunod-sunod namang dagok ang nangyayari sa inyo ngayon, pare. Ang hirap niyan.”Kumuha siya niyon saka mapait ang naging ngiti. “Hindi ko nga alam bakit ganito. Sobrang minamalas, mg
“Bakit ka pala nandito, Kuya? Si Nanay nagtungo sa ospital para dalawin si Lacey, ah? Hindi ba kayo nagkita doon?” tanong ng kaniyang Kuya Edgar.“Nandoon siya. Pinagbantay ko muna kay Lacey,” ani Bryle. Isang tingin at ngiti muna siya sa isa pang kapatid bago lumabas sa silid.Sa salas niya kinausap ang kaniyang Kuya Edgar tungkol sa totoo niyang sadya.“Nakainom ka ba?”“Napa-shot lang sa kanto,” aniya na hihimas-himas ang batok.“Kung ganoon ay ano’ng problema?”“Ang totoo, Kuya, naghahanap ako ng pera,” pag-amin niya.Nagulat ang kaniyang Kuya Edgar. “Kailangan mo pala ng pera pero bakit mo ibinigay ang limang daan mo kay hipag?”“Ayos lang ‘yon. Makakahanap pa siguro ako,” aniya na napasuklay sa kaniyang buhok.“Pero pagabi na.”“Kailangan ko kasing makagawa ng paraan, Kuya. Si Leia nabangga. Malala ang lagay.”Lumuwa ang mga mata Edgar. “Ay, Diyos ko naman. Panibagong problema na naman gayong hindi pa nga nailalabas si Lacey?”“Ganoon na nga, Kuya.”“Eh, saan ka maghahanap?”“Nai
Pabalik na sina Pressy at Kenneth sa ospital galing sa isang restaurant. Kanina nang maayos na talaga ang kalagayan ni Leia ay pinilit ni Pressy si Kenneth na kumain muna sila.Ligtas na raw si Leia ayon sa doktor. Naoperahan na ang isang paa nitong napuruhan sa pagkakabangga. Ang bad news lang ay sinabi ng doktor na baka matatagalan bago makalakad si Leia, worse baka hindi na kahit kailan.“Kenneth, hindi mo dapat talaga ginawa iyon. Hindi ka dapat nagdesisyon na sa private room ilipat si Leia. Dapat hinintay muna natin si Bryle,” pagtuligsa na naman ni Pressy sa pinsan nang nagpa-park na si Kenneth sa parking lot ng Malvaro Hospital. Sinusubukan pa rin niyang kumbensihin ang binata sa mga maling ginagawa nito. Feeling na yata ni Kenneth ay ito na ang asawa ni Leia kaya kung makaasikaso ay sobra-sobra na, daig pa ang tunay na asawa.“Hayaan mo na ako, Insan. Ako naman ang magbabayad,” sabi ng binata.Bumuntong-hininga si Pressy. “Mag-CR muna ako. Mauna ka na.”“Okay.”Sa lobby naghiwa
"Ano itong ginawa mo, Anak?" Iyak nang iyak ang nanay ni Bryle nang makita ang anak sa kulungan.Pagkatapos malaman nina Pressy at Kenneth sa social media ang nangyari kay Bryle, na kasama nga ito sa hinuli gawa ng pangho-holdap sa isang bangko ay agad nilang ipinagbigay alam kay Aling Celia na nasa ospital din ng mga oras na iyon. Muntik pang mahimatay ang kawawang ginang sa napakasamang balitang iyon.“Ganoon na nga ang sitwasyon ng mag-ina, pati na rin pala ang Kuya Isagani mo, nagawa mo pa ito? Paano na sila ngayon, Anak?”Lungong-lungo si Bryle. Hiyang-hiya siya sa ina. Walang imik na parang batang idinikit ang noo niya sa mga kamay ng ina sa nakakapit sa rehas.Naawa naman si Aling Celia sa anak. Masuyo niyang inihaplos-haplos ang isa niyang kamay sa ulo nito."Hindi ko sinasadya, ‘Nay,” dikawasa’y tinig na ni Bryle."Bakit hindi ka man lang nag-isip? Lalo mo lang dinagdagan ang inyong problema? Paano na ngayon ang mag-ina mo? Mas lalo na silang kawawa, Diyos ko," sabi pa ni Alin
Wala na si Pressy. Nag-walk out na talaga ito dahil sa hindi pagsang-ayon nito sa gustong mangyari ng pinsan. Piniling umalis kaysa ang magkasamaan na talaga ng loob ni Kenneth.Si Kenneth na lang ang kasama ni Aling Celia na bumalik sa ospital.“Maraming salamat, iho,” senserong pasasalamat ng may katandaan nang ina ni Bryle. Panay ang punas nito sa matang laging lumuluha gawa ng katandaan at syempe sa paghihinagpis sa nangyari sa anak nitong si Bryle.“Walang anuman po,” sagot at sulyap ni Kenneth dito habang nagmamaneho.“Hindi ko na alam ang gagawin ko,” at hindi na nga napigilan ulit ng ginang ang hindi mapaiyak.Para namang may kung anong kumurot sa puso ni Kenneth, sa hitsura kasi ng matanda ay sadya namang nakakadurog ng puso. Binitawan ng isa niyang kamay ang manibela at inihawak iyon sa isang balikat ng matanda.“Huwag na po kayong umiyak,” pampalubag loob niya ritong tinapik-tapik.“Hirap na hirap na ang mga anak ko pero ganito pa ang mga nangyayari sa kanila. Wala naman ako