“Pareng Bryle!”Napalingon si Bryle sa lalaking tumawag sa kaniyang pangalan. Si Oscar na naman pala at kasama si Andong na naging kasamahan din nila sa construction.“Pare!” kaway niya sa mga ito. Ayaw niya sanang lumapit dahil tumatagay sila sa harap ng isang tindahan. Ayaw niya sanang uminom ngayon dahil sa mga problema.“Daan ka na muna saglit dito, pare,” anyaya sa kaniya ni Andong.“Oo nga naman, pare,” segunda ni Oscar.“Sige lang, mga p’re. May lalakarin pa kasi ako,” pagtanggi niya.Kaso ay si Andong na ang lumapit sa kaniya at pinilit siyang dumaan muna sa inuman nila. Pina-shot pa rin siya nito. At napangiwi siya dahil ngayon lang ulit siya nakatikim ng alak mula nagkasakit siya.“Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo, ah?” sabi ni Oscar na inalukan din siya ng pulutan nilang adobong paa ng manok. “Sunod-sunod namang dagok ang nangyayari sa inyo ngayon, pare. Ang hirap niyan.”Kumuha siya niyon saka mapait ang naging ngiti. “Hindi ko nga alam bakit ganito. Sobrang minamalas, mg
“Bakit ka pala nandito, Kuya? Si Nanay nagtungo sa ospital para dalawin si Lacey, ah? Hindi ba kayo nagkita doon?” tanong ng kaniyang Kuya Edgar.“Nandoon siya. Pinagbantay ko muna kay Lacey,” ani Bryle. Isang tingin at ngiti muna siya sa isa pang kapatid bago lumabas sa silid.Sa salas niya kinausap ang kaniyang Kuya Edgar tungkol sa totoo niyang sadya.“Nakainom ka ba?”“Napa-shot lang sa kanto,” aniya na hihimas-himas ang batok.“Kung ganoon ay ano’ng problema?”“Ang totoo, Kuya, naghahanap ako ng pera,” pag-amin niya.Nagulat ang kaniyang Kuya Edgar. “Kailangan mo pala ng pera pero bakit mo ibinigay ang limang daan mo kay hipag?”“Ayos lang ‘yon. Makakahanap pa siguro ako,” aniya na napasuklay sa kaniyang buhok.“Pero pagabi na.”“Kailangan ko kasing makagawa ng paraan, Kuya. Si Leia nabangga. Malala ang lagay.”Lumuwa ang mga mata Edgar. “Ay, Diyos ko naman. Panibagong problema na naman gayong hindi pa nga nailalabas si Lacey?”“Ganoon na nga, Kuya.”“Eh, saan ka maghahanap?”“Nai
Pabalik na sina Pressy at Kenneth sa ospital galing sa isang restaurant. Kanina nang maayos na talaga ang kalagayan ni Leia ay pinilit ni Pressy si Kenneth na kumain muna sila.Ligtas na raw si Leia ayon sa doktor. Naoperahan na ang isang paa nitong napuruhan sa pagkakabangga. Ang bad news lang ay sinabi ng doktor na baka matatagalan bago makalakad si Leia, worse baka hindi na kahit kailan.“Kenneth, hindi mo dapat talaga ginawa iyon. Hindi ka dapat nagdesisyon na sa private room ilipat si Leia. Dapat hinintay muna natin si Bryle,” pagtuligsa na naman ni Pressy sa pinsan nang nagpa-park na si Kenneth sa parking lot ng Malvaro Hospital. Sinusubukan pa rin niyang kumbensihin ang binata sa mga maling ginagawa nito. Feeling na yata ni Kenneth ay ito na ang asawa ni Leia kaya kung makaasikaso ay sobra-sobra na, daig pa ang tunay na asawa.“Hayaan mo na ako, Insan. Ako naman ang magbabayad,” sabi ng binata.Bumuntong-hininga si Pressy. “Mag-CR muna ako. Mauna ka na.”“Okay.”Sa lobby naghiwa
"Ano itong ginawa mo, Anak?" Iyak nang iyak ang nanay ni Bryle nang makita ang anak sa kulungan.Pagkatapos malaman nina Pressy at Kenneth sa social media ang nangyari kay Bryle, na kasama nga ito sa hinuli gawa ng pangho-holdap sa isang bangko ay agad nilang ipinagbigay alam kay Aling Celia na nasa ospital din ng mga oras na iyon. Muntik pang mahimatay ang kawawang ginang sa napakasamang balitang iyon.“Ganoon na nga ang sitwasyon ng mag-ina, pati na rin pala ang Kuya Isagani mo, nagawa mo pa ito? Paano na sila ngayon, Anak?”Lungong-lungo si Bryle. Hiyang-hiya siya sa ina. Walang imik na parang batang idinikit ang noo niya sa mga kamay ng ina sa nakakapit sa rehas.Naawa naman si Aling Celia sa anak. Masuyo niyang inihaplos-haplos ang isa niyang kamay sa ulo nito."Hindi ko sinasadya, ‘Nay,” dikawasa’y tinig na ni Bryle."Bakit hindi ka man lang nag-isip? Lalo mo lang dinagdagan ang inyong problema? Paano na ngayon ang mag-ina mo? Mas lalo na silang kawawa, Diyos ko," sabi pa ni Alin
Wala na si Pressy. Nag-walk out na talaga ito dahil sa hindi pagsang-ayon nito sa gustong mangyari ng pinsan. Piniling umalis kaysa ang magkasamaan na talaga ng loob ni Kenneth.Si Kenneth na lang ang kasama ni Aling Celia na bumalik sa ospital.“Maraming salamat, iho,” senserong pasasalamat ng may katandaan nang ina ni Bryle. Panay ang punas nito sa matang laging lumuluha gawa ng katandaan at syempe sa paghihinagpis sa nangyari sa anak nitong si Bryle.“Walang anuman po,” sagot at sulyap ni Kenneth dito habang nagmamaneho.“Hindi ko na alam ang gagawin ko,” at hindi na nga napigilan ulit ng ginang ang hindi mapaiyak.Para namang may kung anong kumurot sa puso ni Kenneth, sa hitsura kasi ng matanda ay sadya namang nakakadurog ng puso. Binitawan ng isa niyang kamay ang manibela at inihawak iyon sa isang balikat ng matanda.“Huwag na po kayong umiyak,” pampalubag loob niya ritong tinapik-tapik.“Hirap na hirap na ang mga anak ko pero ganito pa ang mga nangyayari sa kanila. Wala naman ako
Sa silid na ni Leia nagtungo si Kenneth matapos niyang kausapin ang asawa ng kapatid ni Bryle. Tiwalang-tiwala siya na makukuha niya rin ang loob ng babaeng iyon, na kapag wala nang makapitan ay sa kaniya rin kakapit tulad ni Leia.Ugali ng mahihirap. Papairalin kuno ang pride, pero sa huli sasantuhin din naman ang pera kapag wala silang magawa.Wala pa ring malay si Leia nang makarating siya sa magarang kuwarto ng ospital na pinaglipatan niya rito. Syempre para sa babaeng pinakamamahal niya, handa niyang ibigay kahit ang pinakamahal na bagay sa mundo.“Dumating ka na pala,” pansin sa kaniya ni Aling Linda na nagbabantay sa anak nito.“Opo. Nagpunta na rin po kay Lacey.”“Kumusta pala ang apo ko?”“Ayos naman na po. Minsan ay mahapdi lang ang sugat niya kaya umiiyak.”Tumango-tango ang matanda. “Kawawang apo ko. Pero mabuti na lang at iyon lang ang nangyari sa kaniya. May awa pa rin ang Diyos.”“Oo nga po, eh. Kumusta naman po si Leia?”“Ayos lang naman. Dinalaw siya ng doktor niya kan
"Rojalez, may bisita ka!" Kinalampag ng warden ang rehas ng kulungang kinabibilangan ni Bryle. Subalit ni hindi man lang kumilos si Bryle, tulala lang ito sa kinauupuang sulok."Ganyan na siya lagi," sabi ng warden kay Kenneth. Ito ang bisita ngayon ni Bryle na tinutukoy nito."Kailan pa po siya naging ganyan?" tanong ni Kenneth. Nakakunot ang noo na kay Bryle ang tingin."Simula dinala siya rito. Pero ganyan talaga ang mga first time na makulong kaya wala kang dapat ipag-alala.""Ganoon po ba. Sige po ako na hong bahala. Kakausapin ko siya."Tumango ang warden at umalis na.Napabuntong-hininga naman nang malalim si Kenneth habang pinagmamasdan niya si Bryle. Mukhang napapanawan na kasi ito ng matinong pag-iisip. Malamang ay dahil hindi na ito nakakainom ng gamot."Bryle, p’re, okay ka lang?" alanganin na niyang tanong dito. "Nandito ako para sabihing makakalabas na si Lacey sa ospital bukas.”Wala pa ring naging kilos ang kapwa lalaki."At hinahanap ka niya. Hinahanap ka na ng anak mo
Paglabas ni Kenneth sa temporary detention kung saan pansamantalang nakakulong si Bryle habang dinidinig ang kaso nito ay daig pa niya ang nanalo ng lotto. Sisipol-sipol siya na sumakay sa kotse niya at pinaandar iyon pabalik na sa ospital kung nasaan sina Lacey at Leia."Huwag kang mag-alala, Bryle, dahil magiging maligaya sa piling ko si Leia. Sisiguraduhin ko iyon sa ‘yo," at paulit ulit ding usal nito sa sarili. Animo’y nababaliw na rin siya sa sobrang kasiyahan. Kaniya na nga talaga si Leia. Kaniyang-kaniya na dahil parang ipinaubaya na rin sa kaniya ni Bryle ito. Nanalo na siya kahit wala pa siyang ginagawa. Mukhang kakampi na nga niya talaga ang langit ngayon.Pagdating niya sa ospital ay diretso muna siya sa kuwarto ni Lacey. Ngayon pa lang ay gusto na niyang maging ama ng bata, at kahit paano ay sensero siya. Totoong magaan ang loob niya kay Lacey at malamang iyon ay dahil napakatagal na walang bata sa pamilya niya. Ang Ate Shelly at Kuya Marvin niya kasi ay wala pang anak kay