Share

CHAPTER 26

Takang-taka na si Bryle dahil hindi niya pa rin makita ang kaniyang asawa. Kanina pa siya paikot-ikot at pabalik-balik sa mga tindahan na nagkalat sa tapat ng Malvaro Hospital ngunit wala talaga.

Nasaan na ba si Leia? Saan ba ‘yon nagpunta? Saan ba ‘yon bumili ng miryenda?

“Diyos ko, sana walang nangyaring hindi maganda sa asawa ko,” usal niya nang kinabahan na naman siya.

Ilang ikot pa siya at hanap pero wala talaga siyang nakita kahit anino man lang sana ng kaniyang asawa. Hanggang sa mapansin niya ang usap-usapan ng mga tao na nadaanan niya.

"Kawawa talaga ‘yong babae, ano?”

"Grabe talaga. Grabe ang pagkakabangga sa kaniya. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako.”

“Sana buhay pa siya.”

“Kahit mabuhay ‘yon baka magkakaproblema na. Nabali yata ang mga paa niya, eh.”

Noon na rin napansin ni Bryle sa kalsada ang magkahalong sariwang dugo at softdrink pati na ang mga pisa-pisang tinapay na nagkalat dahil nasasagasaan na ng mga nagdaraang mga sasakyan. At hindi alam ni Bryle pero big
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rich Jae Altez
umpisa na Ng pagkalumpo Niya sana , sana Mali NASA isip ko na kagagawan to ni Kenneth
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status