ANG NAKARAAN…“Aalis kayo dito sa San Lazaro?” tanong ni Kenneth kay Katia. “Oo. Doon na kami mag-aaral ng college ni Alab sa Maynila. Nakapasa kasi kami sa isang scholarship na inaplayan namin at sagot lahat ng foundation ang gagastusin namin kahit na doon kami mag-aral,” sagot ng mahinhing dalaga. Nasa silong sila noon ng punong mangga. Dinalaw niya noon ito dahil sa balitang iyon. Hindi siya nakatiis. “Ang unfair naman yata.” At hindi rin niya gusto na aalis ang dalaga tapos kasama pa ang itinuturing niyang karibal.Maang na napatingin sa kaniya si Katia. “Ano naman ang unfair doon? Hindi ka ba masaya na makapag-aaral ako?” “Masaya ako na nakapasok ka sa scholarship. Ang hindi ako masaya ay ang aalis ka at kasama mo pa si Alab, Katia,” pag-amin niya.“Bakit naman? Boyfriend ko si Alab, Kenneth, kaya walang masama.” “Pero boyfriend mo rin ako, hindi ba?” “Boyfriend? Ano’ng pinagsasabi mo, Kenneth? Hindi kita boyfriend.” Napaismid siya dahil nasaktan siya. “Boyfriend mo ako da
“Bakit ang tagal nina Alab?” Pabalik-balik ang lakad ni Bryle habang naghihinatay sa bayan ng San Lazaro kung saan ay sinabi sa kanila ni Alab na maghihintay sila.“Hindi ko alam,” sabi naman ni Sarina. “Pero wala ka namang dapat ipag-alala dahil kahit makasal sina Kenneth at Leia ay hindi pa rin iyon magiging ligal dahil kasal sa iyo si Leia, tapos peke pa malamang ang mga dokumentong ipinakita ni Kenneth.”Nahimas ni Bryle ang kanyang bunganga. “Kahit na. Masakit pa rin sa akin kung maihaharap ni Kenneth si Leia sa altar. Parang natalo pa rin niya ako kapag gano’n.”“Mahalaga pa ba iyon? Ang pride mo kaysa ang kaisipang mababawi mo ang mag-ina mo? Iyon lang naman ang mahalaga rito, ang mabawi sila at mailayo sa kapahamakan, hindi ba?”Napabuntong-hininga si Bryle. Hindi na siya nagkomento. Nahimas-himas na lamang niya ang kanyang noo at pinilit na habaan pa ang pasensya.Tama naman si Sarina.SAMANTALA…"Dumating na ang bride, Boss," bulong ng isang tauhan kay Kenneth. Ngumisi si Ken
"Bryle…" sa una ay mahinang sambit ni Leia sa pangalan ng asawang matagal na niyang nais makita. Ilang sandali na hindi siya huminga. Hanggang sa rumagasa ang mga luha niya sa mga mata. Hindi siya makapaniwala na darating nga si Bryle at makikita niya itong muli." Bryle!" mayamaya ay malakas na niyang tawag sa asawa nang mahimasmasan siya. Akmang papaikutin na niya ang gulong ng wheelchair at susugurin niya ito ng yakap, pero marahas na hinablot ni Kenneth ang kaniyang isang braso.“Dito ka lang!” galit na singhal nito sa kaniya."Bitawan ko ako, Kenneth!" Umiiyak niyang lingon sa isa pang asawa, sa demonyong nagpapanggap niyang asawa.“Hindi ka maaaring lumapit sa kaniya!” nagtatagis ang bagang na babala ni Kenneth.Gawa niyon, sa nakitang walang ingat na paghawak ni Kenneth sa asawa ay lalong nakuyom ni Bryle ang dalawang kamao niya. Gustong-gusto niya agad na ipagsusuntok sa mukha ni Kenneth. Kumpirmado, sinasaktan nga ng g*go ang kaniyang asawa.“Who are you?! Why are you causing
“Saan ba talaga tayo pupunta, Mahal?” nagtataka na talaga si Leia sa ginagawa nilang mag-asawa. Isang linggo na ang nakakalipas mula nakalaya si Bryle sa kulungan at heto sila ngayon, paakyat sa isang bundok.Buong akala ni Leia ay magdi-date lang sila ng asawa dahil may surpresa raw ito sa kaniya, ngunit heto sila, nagpapakahirap sa pag-akyat sa matarik na daanan ng bundok. At hindi niya maintindihan.“Sumasakit ba ang mga paa mo?” Nag-alala na si Bryle nang maalala niya ang mga paa ng asawa.“Hindi naman pero pagod na kasi ako,” pag-amin ni Leia.Ngumiti si Bryle. “Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.”“Saan ba kasi tayo? Ano ang gagawin natin dito sa bundok?”“Basta natitiyak ko na matutuwa ka.”Napanguso si Leia. Tumigil na talaga siya sa paglakad at parang bata na humalukipkip ng mataas.Natawa si Bryle dahil ang cute ng kaniyang misis kapag ganoon na nagtatampu-tampuhan. Binalikan niya ito at masuyong ikinulong sa mga palad ang napakaganda nitong mukha saka siniil ng buong pagm
“Sergeant Rojales Bryle, reporting back, Sir. All members present and accounted for.” Matikas na sumaludo si Bryle sa kaniyang commanding officer.“Masaya akong ligtas na nakabalik kayo ng team mo, Rojales.” Tinapik siya ni Major Emmanuel Gandoza sa balikat matapos nitong tugunin ang kaniyang pagsaludo.“Thank you, Sir.” Nakangiti na ibinaba na niya ang kamay at tuwid na tuwid na tumayo.“Ako ang dapat magpasalamat sa inyo dahil hindi niyo na naman ako binigo. Nailigtas ang probinsya ng Guadalupe mula sa terrorist threat dahil sa matiyaga niyong pagbabantay. Good job.”“Thank you ulit, Sir.”Isang ngiti ang iginawad sa kaniya ng nakakatandang opisyal. “Dahil diyan ay one-week muna kayong magpapahinga. Anim na buwan kayong naroon lang sa bundok kaya deserve niyo ang one-week na rest and recreation. Basta maging alerto lang kayo lagi sa maaaring pagtawag sa inyo kung sakali.”“Copy and thank you, Sir!” Muli ay saludo ni Bryle sa major.Ang ‘R&R’ o ‘Rest and Recreation’ ay isang panahon n
"Sige naman na, Pressy, babayaran din naman kita agad oras na makapasok ulit ang asawa ko sa serbisyo," maluha-luha si Leia na sumamo niya sa kapitbahay nilang sa katagalan ay naging kaibigan na niya."Pero, Leia, hindi mo pa nababayaran ‘yung mga nauna mong inutang. Kung pagbibigyan kita ngayon ay baka kami ng asawa ko ang maghiwalay niyan. Alam mo namang nagagalit na siya sa laki ng utang niyo sa amin."Nakagat ni Leia ang kaniyang pang-ibabang labi na napatungo. Naiintindihan naman niya si Pressy. Mabait naman ito sa kaniya. Kapag meron ay lagi niya itong nalalapitan. Ngayon lang na nalaman ng mister nito na malaki na ang pautang nito sa kanila na tinatanggihan siya. Nag-away nga raw ang dalawa at sobrang hiyang-hiya siya."Pasensiya ka na talaga, Leia, pero wala talaga akong maibibigay sa ‘yo ngayon dahil asawa ko na ang humahawak ng pera namin simula nalaman niya ang pagpapautang ko sa inyo. Baka raw lalo kayong malubog sa utang at hindi niyo na mabayaran. Sana maintindihan mo ako
“Diyos ko, Bryle!” Sobrang kinabahan na si Leia nang makita niyang nanlilisik na naman ang mga mata ng kaniyang asawa. Dali-dali na niyang inilabas ang kaniyang anak. Nagtatakbo na silang mag-ina.“Bumalik kayo ritong mga animal kayo! Papatayin ko kayo!” sigaw ni Bryle na humabol sa kanila.“Takbo, Anak! Bilisan mo!” Itinulak ni Leia si Lacey nang nasa kahoy na gate ng bahay silang mag-ina kaya siya ang nadikmat ng kaniyang asawa.“Bryle! Mahal! Ako ito! Ako ‘to si Leia! Ang asawa mo! Please, huwag mo akong sasaktan!” umiiyak na pakiusap ni Leia sa kaniyang asawa. Takot na takot siya. Nanginginig ang buong katawan niya.“Papatayin ko kayong lahat! Mga salot kayo sa lipunan na mga rebelde kayo!” Sa kasamaang palad ay sinakal pa rin siya ni Bryle.“Papa? Mama?” umiiyak na tawag sa kanila ng kanilang anak. Ayaw umalis ang bata. Nanonood pa rin sa kanila.“L-Lacey, uma… umalis ka na! Tumawag ka ng… ng tulong! Bilisan mo!” kahit hirap dahil sakal-sakal siya ng asawa ay ipinilit na utos ni L
Nailabas si Bryle sa ospital sa tulong ng mga ahensya ng gobyerno na mga nilapitan ni Leia. Pati na rin ang mga kapitbahay nila na nakakaunawa sa sitwasyon nila ay nakiambag rin sa pambayad ng ospital. Kaya lang ay hindi pa magaling ang mga natamo nitong sugat sa pambubugbog dito. Gayunman, mas mainam na iyon sa kanilang mag-asawa. Ang mahalaga ay nakalabas na sa ospital si Bryle dahil umaandar ang bayarin habang tumatagal sila roon. "Salamat po," madamdaming pasasalamat ni Leia sa bawat taong nakakasalubong niya. Kung wala ang mga ito ay hindi na niya alam ang gagawin niya. Ni piso ay wala siya noon. Hindi niya naman maasahan ang magulang niya dahil tulad din nila na mahirap pa sa daga. Nagbigay naman ang nanay ni Bryle pero kaunti lang din. Pinangkain lang nila sa ospital noon."Kumusta si Bryle, Leia?" pangungumusta ng isang kapitbahay nila na parehas din nilang mahirap pero nag-abot din ng kaunting tulong."Maayos naman na po, Aling Tina. Nasa bahay po. Mahinahon naman na po.”“Ma