Share

CHAPTER 1

Penulis: Ad Sesa
last update Terakhir Diperbarui: 2023-11-29 10:02:58

"Sige naman na, Pressy, babayaran din naman kita agad oras na makapasok ulit ang asawa ko sa serbisyo," maluha-luha si Leia na sumamo niya sa kapitbahay nilang sa katagalan ay naging kaibigan na niya.

"Pero, Leia, hindi mo pa nababayaran ‘yung mga nauna mong inutang. Kung pagbibigyan kita ngayon ay baka kami ng asawa ko ang maghiwalay niyan. Alam mo namang nagagalit na siya sa laki ng utang niyo sa amin."

Nakagat ni Leia ang kaniyang pang-ibabang labi na napatungo. Naiintindihan naman niya si Pressy. Mabait naman ito sa kaniya. Kapag meron ay lagi niya itong nalalapitan. Ngayon lang na nalaman ng mister nito na malaki na ang pautang nito sa kanila na tinatanggihan siya. Nag-away nga raw ang dalawa at sobrang hiyang-hiya siya.

"Pasensiya ka na talaga, Leia, pero wala talaga akong maibibigay sa ‘yo ngayon dahil asawa ko na ang humahawak ng pera namin simula nalaman niya ang pagpapautang ko sa inyo. Baka raw lalo kayong malubog sa utang at hindi niyo na mabayaran. Sana maintindihan mo ako." Hinawakan siya ni Pressy sa braso. At ramdam na ramdam ni Leia sa hawak nito na gusto siya nitong tulungan ulit, nga lang dahil sa asawa ay hindi nito magawa.

Madamdamin niyang hinawakan naman ang kamay ng kaibigan at naluluha na nginitian ito. "Oo, Pressy, naiintindihan ko kaya huwag kang mag-alala. Tama naman si Jake, eh. Ang laki na rin kasi ng naitulong mo sa amin ng asawa ko. Dapat nga nahihiya na ako pero nandito pa rin ako sa harapan mo. Pasensya ka na. Kinapalan ko lang talaga ang mukha ko.”

Kitang-kita niya ang pagkaawa sa kaniya ni Pressy. At totoong wala siya ni anumang nararamdamang sama ng loob sa kaibigan kahit hindi siya mapagbigyan ngayon. Nalulungkot lang siya dahil lalong hindi na niya alam kung saan ngayon hihingi ng tulong. Kahit kasi susubok ulit siya sa iba na umutang ay mas wala naman siyang aasahan sa iba. Wala naman kasi sa lugar nila ang hindi nakakaalam sa sitwasyon nila ngayon na mag-asawa kaya halos lahat ay iniiwasan na sila. Ni wala na nga yata sa kalugaran nila ang hindi nila nahiraman ng pera o nahingian ng tulong. Siguro ang iba ay nagsasawa na rin na tulungan sila kaya minsan ay sadyang iniiwasan na siya.

Ayaw naman niya ang ganito. Ang ganito na parang kawawa sobra na daig pa niya namamalimos, pero ano’ng magagawa niya? Kung hindi naman siya gagawa ng paraan, kung hindi naman siya uutang ay mamamatay sila ng pamilya niya na dilat ang mga mata.

"Sige, Pressy, aalis na ako. Pasensya ka na sa abala," malungkot na niyang paalam sa kaibigan.

"Saglit lang pala, Leia. Hintayin mo ako rito." Iniwan siya saglit ni Pressy sa sala at tumungo sa kusina. Pagbalik nito ay may bitbit na itong plastik.

"Tinapay ‘yan ta’s naglagay na rin ako ng dalawang noodles. Kahit paano ay makakatulong ‘yan kapag wala kang nahiraman na pera sa iba. Pakainin mo agad ang inaanak ko.”

Naluha na talaga siya nang kinuha niya iyon. "Tatanggapin ko ‘to, Pressy, ha? Kahit nahihiya na ako sa ‘yo. Baka kasi wala nga akong mautang na pera ngayon.”

"Oo’t hayaan mo gagawa ako ng paraan para makatulong pa rin sa inyo. Sige na at baka dumating pa ‘yong asawa ko. Makita pa niya ‘yan. Awayin na naman niya ako.”

"Alis na ako. Salamat ulit sa ‘yo, ha? Huwag kang mag-alala at makakabawi rin ako sa lahat ng naitulong niyong mag-asawa sa amin.”

“Magdasal ka lang, Leia. Pagsubok lang ang lahat ng iyan. Malalagpasan niyo ring mag-asawa. May awa ang Diyos.”

Lumuluha na tumango siya rito bago nagmadali na ngang umalis.

Pagkalabas niya sa gate ng bahay nina Pressy ay lalong hindi niya napigilan ang pagragasa ng mga luha niya. Hindi naman siya nakakalimot magdasal sa Diyos, eh. Pero bakit ganito? Bakit ganito pa rin ang sitwasyon nila?

Bumuntong-hininga siya ng ilang beses upang mapayapa ang kaniyang sarili. Pinunas ng mga palad niya ang kaniyang mga luha at sisinghot-singhot na naglakad na. Kung saan siya dadalhin ng mga paa ay bahala na.

Sumubok nga siya sa ibang mga kakilala nilang mag-asawa pero wala rin daw silang mga pera. Wala na siyang magawa kundi ang umuwi na lang bitbit ang tanging ibinigay sa kaniya ni Pressy sa tinapay at noodles. Nagpapasalamat na rin siya dahil kahit paano ay may maipapakain siya sa anak niya at asawa.

"Mama, gutom na po ako," salubong agad sa kaniya ng limang taong gulang na anak niyang si Lacey nang makita siya.

"Heto may dala akong tinapay, Anak. Kainin mo na.” Nangingilid ang luha niyang iniabot sa anak niya ang bitbit.

"Gusto ko sana kanin, Mama, eh," ungot ng bata.

"Hindi pa ako nakakapagluto, eh. Pagtiyagaan mo na lang muna ‘yan, Anak, ha?" alo niya sa bata. Pigil na pigil niya ang kaniyang mga luha. Kahit sobrang hirap kasi ng buhay nila ay ayaw niyang ipakita sana sa anak niya. Napakabata ni Lacey para isipin ang buhay-buhay.

"Oh, bakit nakasimangot ang anak naming maganda?" boses ni Bryle na nagpalingon sa kanilang mag-ina. Dumating na pala ito galing trabaho, sa pansamantala nitong trabaho na construction worker simula hindi na nakabalik ito sa pagsusundalo.

Maalwan ang buhay nilang mag-asawa noon. Noong hindi pa nawa-war shock ang kaniyang asawa. Naiibigay sa kanila ni Bryle ang lahat ng pangangailangan nilang mag-ina. Nakapagpatayo nga sila ng bahay. At sobrang kontento na sana siya. Wala na siyang hinihingi noon sa Diyos kundi ang kaligtasan ni Bryle kapag nasa malayo ito sa kanila at humaharap sa mga rebelde sa bundok.

Nagsimula lamang ang kamalasan nila sa buhay ng dalawang taon na ang nakakalipas ay napauwi si Bryle mula sa huli nitong sabak sa gyera dahil hindi na raw makontrol minsan ang ugali nito. Bigla na lang daw nagwawala at nabaril pa raw nito ang isang mataas na opisyal nila. Mabuti na lamang at hindi napuruhan ni Bryle.

Isa kasi si Bryle sa mga sundalong nabihag ng mga bandido at pinahirapan ng higit sa isang buwan. Tinorture nila si Bryle kasama ang ilang kasamahan nito na parang mga hayop.

Nailigtas man sila ay medyo naapektuhan naman ang matinong isipan ni Bryle dahil sa trauma. Ilang buwan din itong nanatili sa medical facilities dahil sa post-traumatic stress disorder (PTSD). At kahit na gumaling ay paminsan-minsan ay sinusumpong pa rin.

Hanggang sa hindi na ito tinawagan para mag-duty. Hula nila ni Bryle ay dahil sa pagkakabaril nito sa opisyal. Mukhang iniipit si Bryle upang hindi na talaga tuluyang makabalik sa trabaho.

Hindi katagalan ay naubos ang ipon nila at doon na nag-umpisa ang paghihirap nila. Pati ang financial Assistance na natanggap nila ay animo’y naglaho ring parang bula.

"Papa, gusto ko po sanang kumain ng kanin, eh," sumbong agad ng bata sa ama.

"Eh, bakit hindi ka kumain?"

"Hindi pa raw po nakakapagluto si Mama, eh."

Napatingin sa kaniya ang asawa. Nagkaintindihan naman sila agad. Tumalikod siya pagkatapos para itago ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

Yumukod naman si Bryle para magpang-abot sila ng bata saka masuyong hinaplos-haplos ang mahabang buhok ng anak. "Hindi ba sabi ko sa iyo noon na kung ano’ng meron ay dapat makuntento tayo, Anak? Gusto mo ba magalit si Papa Jesus sa iyo kasi ayaw mo ng tinapay na ibinigay niya?"

Naiiyak na napailing ang bata.

"Ayaw mo namang magalit sa iyo si Papa Jesus, ‘di ba?”

“Opo, Papa.” Tumango-tango ang bata at napatingala pa sa langit.

“Kung gano’n ay makuntento ka riyan sa tinapay mo, okay? Buti nga may tinapay ka, eh. Alam mo ba ‘yong ibang mga bata ay wala kaya silang tinapay. Kawawa kaya sila.”

“Talaga po, Papa?”

Si Brylle naman ang tumango-tango. “Oo, kaya sige na kainin mo na ‘yan.”

"Sige po, Papa." Pagkasabi niyon ng bata ay parang sarap sarap nga nitong pinapak ang tinapay.

"Very good ang anak ko.” Natuwang ginulo-gulo naman ni Byrle ang buhok ng anak.

Sa nakitang iyon na eksena ng mag-ama niya ay hindi na napigilan ni Leia na kumawala ang mas masaganang mga luha niya. Dali-dali siyang nagtungo sa loob ng bahay nila.

Awang-awa siya sa anak niya. Hindi ganito ang gusto niyang buhay para sa anak nila, pero ano’ng magagawa niya. Wala siyang natapos dahil maaga silang nag-asawa noon ni Bryle, noong kakatwang kusa niyang inialay ang sarili niya rito.

Under graduate lang siya ng high school. Kahit gusto niyang magtrabaho ngayon ay tiyak na mahihirapan siyang matanggap tulad din noon. Isa pa’y sino ang titingin sa kanyang anak kung magtatrabaho rin siya?

Paglalabada. Minsan ay iyon lang ang nagagawa niya para tulungan ang napakaliit na kinikita ng kaniyang asawa sa construction.

Hindi rin naman niya masisisi o maku-question si Bryle dahil kita naman niya ang pagsusumikap nito. Mas hindi rin naman nito gusto na matanggal sa pagsusundalo. At saka nakikita naman niya na lahat ng trabaho ay pinapasok ni Bryle. Sadyang maliliit nga lang ang kinikita na nito ngayon kumpara noong sundalo pa ito. Kung hindi pagpapadyak ay pagkokonstraksyon lamang kasi ang napapasok na nitong trabaho. Puro mga sideline lang dahil nga sa kaniyang kondisyon at record.

“Mahal?” Nilapitan siya ng asawa at hinalikan sa pisngi. "Huwag kang mag-alala dahil bukas na raw ‘yong sahod namin," tapos ay panunuyo nito sa kaniya. Niyakap siya nito sa likod at pati leeg niya’y hinalikan nito.

"Eh, ano’ng kakainin natin mamayang gabi? Wala akong nautang kanina. Ibinigay lang ni Pressy iyong tinapay tapos itong isang noodles."

Kumawala ng yakap sa kaniya si Bryle at kinapa ang bulsa ng kupasing pantalon nito. May inilabas itong limang barya na puros tag-sampung piso. “Oh, bumili ka na lang ng bigas kahit kalahati muna.”

"Akala ko pamasahe lang ang pera mo kanina na pumasok?" Kinuha niya iyon. Nahulog pa ‘yong isang sampung piso pero pinulot agad ni Bryle.

"Nagpamiryenda kasi si Boss kanina. Eh, ako ang inutasang bumili. Hindi ko na ibinili iyong akin dahil hindi naman ako gutom kanina.”

Naantig muli ang puso ni Leia. Alam naman niya kasi na nagsisinungaling lang ang kaniyang asawa. Alam niyang kahit ngayon ay nagugutom na ito tulad niya. Alam niyang tinitiis lamang din nito ang gutom dahil wala naman silang magagawa.

Hindi sana siya iiyak ulit pero hindi ulit niya napigilan. Diyos ko, hanggang kailan kaya ang paghihirap nilang ito?

Niyakap naman siya ng asawa at hinagud-hagod sa likod. "Huwag ka nang umiyak. Hayaan mo't makakaraos din tayo."

"Sana nga, Bryle. Sana nga,” aniya sa gitna ng pag-iyak.

Magkaganunman, kahit ganito na ang buhay nilang mag-asawa ay wala siyang pinagsisisihan na si Bryle ang pinili at pinakasalan niya. Kahit ganito na sobrang hirap na ng buhay nila ay mahal na mahal pa rin niya ito.

"Aaaahhh!" nang bigla-bigla ay daing ni Bryle.

“Bryle, bakit?” Nahintakutan kumalas ni Leia ng yakap sa asawa.

Imbes na sumagot ay napasabunot sa ulo si Bryle. “Sh*t!”

"Bryle, Diyos ko, huwag naman ngayon.” Nahintakutan na si Leia. Kinutuban na kasi siya na sinusumpong na naman ang asawa sa trauma nito. Naalala niya na ilang araw na pala itong hindi nakakainom ng gamot.

"Papa?" Iyak na rin ng anak nilang napapasok sa bahay nila nang marinig ang mga daing ng ama.

“Lacey, huwag kang lumapit sa papa mo!” Hinaklit ni Leia ang anak, kinarga at inilayo kay Bryle. Kapag ganoon na sinusumpong si Bryle ay napakamapanganib nito. Hindi sila nakikilala. Lahat ng tao ay parang nagiging kalaban nito sa gyera.

Bab terkait

  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 2

    “Diyos ko, Bryle!” Sobrang kinabahan na si Leia nang makita niyang nanlilisik na naman ang mga mata ng kaniyang asawa. Dali-dali na niyang inilabas ang kaniyang anak. Nagtatakbo na silang mag-ina.“Bumalik kayo ritong mga animal kayo! Papatayin ko kayo!” sigaw ni Bryle na humabol sa kanila.“Takbo, Anak! Bilisan mo!” Itinulak ni Leia si Lacey nang nasa kahoy na gate ng bahay silang mag-ina kaya siya ang nadikmat ng kaniyang asawa.“Bryle! Mahal! Ako ito! Ako ‘to si Leia! Ang asawa mo! Please, huwag mo akong sasaktan!” umiiyak na pakiusap ni Leia sa kaniyang asawa. Takot na takot siya. Nanginginig ang buong katawan niya.“Papatayin ko kayong lahat! Mga salot kayo sa lipunan na mga rebelde kayo!” Sa kasamaang palad ay sinakal pa rin siya ni Bryle.“Papa? Mama?” umiiyak na tawag sa kanila ng kanilang anak. Ayaw umalis ang bata. Nanonood pa rin sa kanila.“L-Lacey, uma… umalis ka na! Tumawag ka ng… ng tulong! Bilisan mo!” kahit hirap dahil sakal-sakal siya ng asawa ay ipinilit na utos ni L

    Terakhir Diperbarui : 2023-12-01
  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 3 (spg)

    Nailabas si Bryle sa ospital sa tulong ng mga ahensya ng gobyerno na mga nilapitan ni Leia. Pati na rin ang mga kapitbahay nila na nakakaunawa sa sitwasyon nila ay nakiambag rin sa pambayad ng ospital. Kaya lang ay hindi pa magaling ang mga natamo nitong sugat sa pambubugbog dito. Gayunman, mas mainam na iyon sa kanilang mag-asawa. Ang mahalaga ay nakalabas na sa ospital si Bryle dahil umaandar ang bayarin habang tumatagal sila roon. "Salamat po," madamdaming pasasalamat ni Leia sa bawat taong nakakasalubong niya. Kung wala ang mga ito ay hindi na niya alam ang gagawin niya. Ni piso ay wala siya noon. Hindi niya naman maasahan ang magulang niya dahil tulad din nila na mahirap pa sa daga. Nagbigay naman ang nanay ni Bryle pero kaunti lang din. Pinangkain lang nila sa ospital noon."Kumusta si Bryle, Leia?" pangungumusta ng isang kapitbahay nila na parehas din nilang mahirap pero nag-abot din ng kaunting tulong."Maayos naman na po, Aling Tina. Nasa bahay po. Mahinahon naman na po.”“Ma

    Terakhir Diperbarui : 2023-12-06
  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 4

    Sa arrival area ng NAIA Airport, panay ang tingin ng guwapo at makisig ang pangangatawan na lalaki sa kaniyang pambisig na relo habang inaantabayanan ang pagdating ng kaniyang mga bagahe.Sa dami ng nakasabayan niyang mga turista at balikbayan ay lalo siyang natatagalan. Bumubukol na ang kaniyang dila sa kaniyang pisngi sa pagkainip.Sakay ng international airline kanina, umuwi si Kenneth Fontalan sa Pilipinas. Pagkaraaan ng sampung taong pamamalagi sa America, heto na siya ngayon at nakabalik na ulit sa bayang sinilangan. Kung hindi pa nagkaroon ng international expansion ang shipping company ng kaniyang bayaw ay hindi pa niya maiisipang magbalik dito.Ano pa ba kasi ang babalikan niya sa bansang ito kung pait at sakit ang dahilan kung bakit pinili niya noon na umalis?Umiling-iling siya. Hindi niya gusto na alalahanin pa ang nakaraan.He sighed as he finally got his luggage. Madali siyang lumabas sa airport.“Kenneth!” mula sa kung saan ay tawag sa kaniya ng pamilyar na boses.Nagliw

    Terakhir Diperbarui : 2023-12-07
  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 5

    “Basta dumaan ka rito mamaya, Leia. Siguradong matutuwa ka sa balita ko sa iyo,” pang-e-excite pa sa kaniya ni Pressy. Ayaw talaga nitong sabihin sa tawag ang magandang balita raw nito kahit ano’ng pilit niya. Mas maganda raw kung personal nitong sasabihin sa kaniya.“Okay, sige. Matapos kung maglaba kina Sir Rodrigo dadaan ako diyan,” sabi na lamang ni Leia.“Sige, hihintayin kita.”Nakangiting inilapag ni Leia ang luma at mumurahin niyang cellphone sa lamesa nilang kahoy at masiglang pinatay na rin ang lutuan nilang uling dahil naluto na rin ang nilalaga niyang itlog. Hindi niya alam pero napakagaan ng kaniyang pakiramdam na nagising kanina. Pero malamang ay dahil nadiligan siya ng asawa. Napapangiti siya kapag nakikita niya ang lamesa nilang kahoy. Hindi talaga niya alam din kung ano’ng nakain nilang mag-asawa at doon pa sila gumawa ng milagro kagabi. Unang pagkakataon iyon na hindi sila naging maingat. Mabuti na lang talaga at hindi nagising si Lacey.Pailing-iling siya na pumasok

    Terakhir Diperbarui : 2023-12-08
  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 6 (spg)

    "Uminom ka muna ng gamot." Inilapit ni Leia sa bibig ng asawa ang hinati niyang gamot. "Huwag kang mag-alala dahil bukas ay may trabaho na ako. Minalas lang talaga ako kanina dahil umalis pala ang mag-asawang Rodrigo. Pagtiisan mo muna ito. At least, may maiinom ka ngayong araw.”Ngumanga si Bryle at ininom nga iyon saka malamlam ang mga mata nitong hinawakan sa kamay ang butihin niyang asawa. "Salamat, Leia, ha? Sana hindi ka magsawa sa akin.""Ano ka ba naman. Bakit ka nagpapasalamat sa ‘kin, eh, asawa mo ako? Responsibilidad kita at mahal kita.”"Kahit na. Dapat pa rin akong magpasalamat dahil ang suwerte ko sa iyo. Hindi mo ako pinababayaan kahit na inutil na ako ngayon. Wala na akong silbi sa pamilya natin.”"Huwag mo ngang sabihin ‘yan. Hindi ka inutil at lalong hindi walang silbi. Gagaling ka pa at makakabalik sa serbisyo. Hintayin lang natin ang darating na tulong mula sa gobyerno. Sabi ni Kapitan ay nailakad na niya ang papeles mo kay Mayor. Aaksyunan na raw. Maghintay na lang

    Terakhir Diperbarui : 2023-12-10
  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 7

    Excited si Leia na pumunta sa bahay nina Pressy kinabukasan. Halos hindi siya natulog dahil sinabihan talaga siya ni Pressy na maaga raw sila. Gusto na raw siya na makilala ng magiging boss niya kaya sasamahan daw siya nito.Sakay sa kotse ni Pressy ay nagtungo sila agad sa bagong bahay nito nang magkita sila.Sa bayan lang naman daw ang bahay ng pinsan ng kaibigan na nabili nito. Mabuti na lang at malapit lang. Maaari nga siyang maging uwian oras na mag-umpisa na siya ng trabaho.“Ayos ka lang, Leia? Bakit parang hindi ka mapakali?” puna sa kaniya ni Pressy nang tumigil sila sa stoplight.Mapaklang ngumiti siya rito. “Naiisip ko lang iyong nangyari kanina. Iyong pagsugod ni Mrs. Sarmiento sa bahay dahil naniningil na naman.”“Umutang ka sa mukhang pera na matandang iyon? Alam mo kung gaano iyon kalupit sa pagpapatong ng interest?”Napakagat-labi siya. “Kinailangan kasi namin noon dahil kay tatay. Wala akong naging choice kundi sa kaniya umutang para matulungan si Tatay. Alam mong hind

    Terakhir Diperbarui : 2023-12-12
  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 8

    “So, paano maiwan na kita? Ikaw na ang bahala rito, Leia?”Buo man na ang loob ni Leia na magtatrabaho pa rin sa bahay ni Kenneth sa kabila ng nasaksihan niyang hilig sa babae ng binata ay hindi pa rin niya maiwasang mapangiwi sa kaisipang kapag wala na si Pressy ay sila na lang dalawa sa malaking bahay na iyon.Kinakabahan siya na hindi niya mawari.“Leia…” Idinantay ni Pressy ang kamay nito sa kaniyang balikat. “Relax lang. Hindi ka maaano rito. Safe na safe ka sa bahay na ito, okay?” at assurance na naman nito sa kaniya.“Aaminin ko naiilang pa rin ako, Pressy. Bakit naman kasi siya pa ang nabangga ko ang pinsan mo? Nakakahiya.”Bahagyang natawa ang kaibigan. “Ang tawag doon ay ang small talaga ng world.”Napalabi na lang siya’t napangiti.“So, paano aalis na ako?”Tumango siya sa kaibigan at inihatid niya ito sa labas. Nang wala na si Pressy ay inabala na nga niya agad ang sarili sa paglilinis ng bahay. Ipinagpasalamat niya na nasa silid si Kenneth. Kanina’y agad na nagpaalam sa ka

    Terakhir Diperbarui : 2023-12-13
  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 9

    "Papa, gutom na ako. Kain na po tayo," paglalambing ni Lacey sa ama.“Gano’n ba. Halika, Anak, bili tayo sa tindahan ng itlog."“Itlog na naman, Papa?” reklamo ng bata."Magtiis muna tayo, Anak, ha? Hindi bale dahil may trabaho na si Mama. Kapag nagsahod siya ay magma-Mcdo raw tayo. Gusto mo ba ‘yon?” pag-alo naman ni Bryle rito.Nagtatalon na sa saya si Lacey. “Opo, Papa. Gusto ko po!”Tuwang tuwa naman si Bryle sa naging reaksyon ng anak, ang kawawa niyang anak. Matagal-tagal na rin kasi noong pinakain nila ng masarap si Lacey kaya naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang ito ka-excited.Napabuntong-hininga siya. Kung sana sundalo pa siya hanggang ngayon. Kung sana makakabalik pa siya sa pagsusundalo. Ang kaso mukhang imposible na iyon na mangyari.Lihim na lang niyang ipinagdasal na sana nga ay magiging maayos si Leia sa trabahong napasok nito para kahit man lang sa Mcdo ay mapakain nila doon ang kanilang anak."Papa, tara na bili na tayo ng itlog. Gutom na po talaga ako." Hinil

    Terakhir Diperbarui : 2023-12-14

Bab terbaru

  • AKALA KO AY LANGIT   SPECIAL CHAPTER

    “Saan ba talaga tayo pupunta, Mahal?” nagtataka na talaga si Leia sa ginagawa nilang mag-asawa. Isang linggo na ang nakakalipas mula nakalaya si Bryle sa kulungan at heto sila ngayon, paakyat sa isang bundok.Buong akala ni Leia ay magdi-date lang sila ng asawa dahil may surpresa raw ito sa kaniya, ngunit heto sila, nagpapakahirap sa pag-akyat sa matarik na daanan ng bundok. At hindi niya maintindihan.“Sumasakit ba ang mga paa mo?” Nag-alala na si Bryle nang maalala niya ang mga paa ng asawa.“Hindi naman pero pagod na kasi ako,” pag-amin ni Leia.Ngumiti si Bryle. “Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.”“Saan ba kasi tayo? Ano ang gagawin natin dito sa bundok?”“Basta natitiyak ko na matutuwa ka.”Napanguso si Leia. Tumigil na talaga siya sa paglakad at parang bata na humalukipkip ng mataas.Natawa si Bryle dahil ang cute ng kaniyang misis kapag ganoon na nagtatampu-tampuhan. Binalikan niya ito at masuyong ikinulong sa mga palad ang napakaganda nitong mukha saka siniil ng buong pagm

  • AKALA KO AY LANGIT   LAST CHAPTER

    "Bryle…" sa una ay mahinang sambit ni Leia sa pangalan ng asawang matagal na niyang nais makita. Ilang sandali na hindi siya huminga. Hanggang sa rumagasa ang mga luha niya sa mga mata. Hindi siya makapaniwala na darating nga si Bryle at makikita niya itong muli." Bryle!" mayamaya ay malakas na niyang tawag sa asawa nang mahimasmasan siya. Akmang papaikutin na niya ang gulong ng wheelchair at susugurin niya ito ng yakap, pero marahas na hinablot ni Kenneth ang kaniyang isang braso.“Dito ka lang!” galit na singhal nito sa kaniya."Bitawan ko ako, Kenneth!" Umiiyak niyang lingon sa isa pang asawa, sa demonyong nagpapanggap niyang asawa.“Hindi ka maaaring lumapit sa kaniya!” nagtatagis ang bagang na babala ni Kenneth.Gawa niyon, sa nakitang walang ingat na paghawak ni Kenneth sa asawa ay lalong nakuyom ni Bryle ang dalawang kamao niya. Gustong-gusto niya agad na ipagsusuntok sa mukha ni Kenneth. Kumpirmado, sinasaktan nga ng g*go ang kaniyang asawa.“Who are you?! Why are you causing

  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 81

    “Bakit ang tagal nina Alab?” Pabalik-balik ang lakad ni Bryle habang naghihinatay sa bayan ng San Lazaro kung saan ay sinabi sa kanila ni Alab na maghihintay sila.“Hindi ko alam,” sabi naman ni Sarina. “Pero wala ka namang dapat ipag-alala dahil kahit makasal sina Kenneth at Leia ay hindi pa rin iyon magiging ligal dahil kasal sa iyo si Leia, tapos peke pa malamang ang mga dokumentong ipinakita ni Kenneth.”Nahimas ni Bryle ang kanyang bunganga. “Kahit na. Masakit pa rin sa akin kung maihaharap ni Kenneth si Leia sa altar. Parang natalo pa rin niya ako kapag gano’n.”“Mahalaga pa ba iyon? Ang pride mo kaysa ang kaisipang mababawi mo ang mag-ina mo? Iyon lang naman ang mahalaga rito, ang mabawi sila at mailayo sa kapahamakan, hindi ba?”Napabuntong-hininga si Bryle. Hindi na siya nagkomento. Nahimas-himas na lamang niya ang kanyang noo at pinilit na habaan pa ang pasensya.Tama naman si Sarina.SAMANTALA…"Dumating na ang bride, Boss," bulong ng isang tauhan kay Kenneth. Ngumisi si Ken

  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 80

    ANG NAKARAAN…“Aalis kayo dito sa San Lazaro?” tanong ni Kenneth kay Katia. “Oo. Doon na kami mag-aaral ng college ni Alab sa Maynila. Nakapasa kasi kami sa isang scholarship na inaplayan namin at sagot lahat ng foundation ang gagastusin namin kahit na doon kami mag-aral,” sagot ng mahinhing dalaga. Nasa silong sila noon ng punong mangga. Dinalaw niya noon ito dahil sa balitang iyon. Hindi siya nakatiis. “Ang unfair naman yata.” At hindi rin niya gusto na aalis ang dalaga tapos kasama pa ang itinuturing niyang karibal.Maang na napatingin sa kaniya si Katia. “Ano naman ang unfair doon? Hindi ka ba masaya na makapag-aaral ako?” “Masaya ako na nakapasok ka sa scholarship. Ang hindi ako masaya ay ang aalis ka at kasama mo pa si Alab, Katia,” pag-amin niya.“Bakit naman? Boyfriend ko si Alab, Kenneth, kaya walang masama.” “Pero boyfriend mo rin ako, hindi ba?” “Boyfriend? Ano’ng pinagsasabi mo, Kenneth? Hindi kita boyfriend.” Napaismid siya dahil nasaktan siya. “Boyfriend mo ako da

  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 79

    "Hayup ka! Ano’ng ginawa mo kay Bryle?! Ano’ng ginawa mo sa kaniya?! Ano ang ginawa mo sa pamilya namin?! Ano ang kasalanan namin sa ‘yo at ginulo mo kami ng ganito?! Ano?!" Nagwala na ng tuluyan si Leia. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Binayo-bayo niya ang dibdib ni Kenneth. Nauunawaan na niya ang lahat. Malinaw na malinaw na talaga sa kaniya na niloko lamang siya ng binata, na pinaniwala lang siya nitong iniwan sila ni Bryle pero ang totoo ay hindi. Ang totoo ay ginamit ni Kenneth ang sitwasyon nila, ang kawalan nila ng pera na mag-asawa.Sinenyasan ni Kenneth ang isang tauhan nito. Agad iyong sumunod. Lumapit ito kay Aling Linda.“Ano’ng gagawin mo?!” sindak ang ginang."Mama!" hiyaw ng batang si Lacey. Walang anu-anong kinuha kasi ito ng lalaki mula kay Aling Linda."Bitawan mo ang apo ko!" protesta ni Aling Linda. Ayaw nitong ibigay ang apo. Sa kasamaang palad isang suntok sa sikmura ang ginawa dito ng isa pang tauhan ni Kenneth kaya agad na nawalan ng lakas at namilipit

  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 78

    "Bakit ba kasi ang layo ng bahay niyo sa bahay ng Fontallan?" hindi na makapaghintay si Bryle na tanong ulit niya kay Sarina. Halos paliparin na talaga niya ang sasakyan marating lang nila sana agad ang mansyon nina Kenneth."Syempre noong ibinahay ako ni Dionisio ay pinili talaga niya na sa malayo para hindi kami magtagpo ng asawa niyang pangit."Napalatak siya at lalo pang diniinan ang silinyador ng sasakyan. "Kumapit ka!" tapos ay anito sa dalaga."Dahan-dahan kundi baka tayo naman ang mabangga nito. Baka sa ginagawa mong pagmamadali ay lalong hindi mo na makikita ang asawa mo kasi tigok na tayo," nakaingos na paalala ni Sarina sa kaniya. Sinulyapan nito ang pambisig na orasan. “Don’t worry, maaga pa naman. Baka naghahanda pa lang sila ngayon.”Sa kasamaang palad ay tila ba wala nang naririnig sa sandaling iyon si Bryle. Kontrolado naman niya ang manibela kaya alam niyang hindi sila maaksidente. Isa pa ay hindi niya hahayaang maaksidente sila dahil kailangan siya ngayon ni Leia. Ili

  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 77

    Sandaling hindi nakakilos si Bryle sa hindi maipaliwanag niyang nararamdaman. Ang tindi ng galit niya. Kuyom na kuyom niya ang mga kamao na kulang na lang ay bumaon ang mga kuko niya sa mga palad niya. Halos madurog na rin sa kamay niya ang cellphone na hawak.Papatayin niya si Kenneth! Papatayin niya talaga! Isinusumpa niya!"Bryle, ano’ng nangyari? Ano’ng sabi ng asawa mo at ni Kenneth?" alanganing tanong ni Sarina. Natatakot ang dalaga sa hitsura ni Bryle.Mabagsik ang naging tingin ni Bryle sa dalagang katabi. Hindi pa rin niya makuntrol ang galit. "Pagkatapos ng kasal ay dadalhin niya si Leia sa Amerika. Doon daw sila magsasama. Mabuti na lamang at nakinig ako sa inyo kundi baka nadala na ng g*gong iyon ang asawa ko sa ibang bansa kung pumalpak sana ako.”Nanlaki ang ulo niya nang mabilis na na-imagine niya na nasa ibang bansa sina Lacey at Leia. Imposible na masusundan na niya sila oras na mangyari iyon."Diyos ko, ano itong ginagawa ni Kenneth? Siya nga yata talaga ang may sayad

  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 76

    Naiinip man dahil kanina pa siya naghihintay kay Sarina ay idinadaan na lamang ni Bryle sa pagpalatak ang inip, at minsan sa pagsuri-suri ng sasakyan. Ano ba kasi’ng aasahan niya? Normal lang naman sa babae ang matagal magbihis.Kanina pa siya nakasakay sa kotse na binili talaga ni Sarina para sa plano nilang ito. Brand new pa nga sana ang bibilhin ng dalaga pero siya ang hindi pumayag dahil baka masayang lang ang sasakyan kapag nagkabulilyaso.Handa na siya sa patungo sa San Lazaro upang dumalo sa kasal—upang bawiin na ang kaniyang asawa at anak.Sa wakas, dumating na ang araw upang isakatuparan nila ang plano!“Ang tagal mo,” reklamo niya nang sa wakas ay dumating din ang dalaga. At napabuga talaga siya ng hangin sa bunganga dahil kuntodo makeup si Sarina. Ang halter maxi dress in deep red nitong suot ay halos kita na ang buong kaluluwa nito. Backless na nga may slit pa na halos hanggang singit na. Kung hindi nga lang sila nagmamadali ay sasabihin niyang hindi sila aalis hangga’t hin

  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 75

    ARAW NG KASAL.Magarbong-magarbo ang lahat. Makikitang pinagkagastusan talaga ng mag-asawang Don Dionisio at Donya Alvina ang kasal ng bunso nilang anak. Handa na ang mansyon na siyang reception area rin, kasama ang simbahan ng San Lorenzo Cathedral. Nakalatag ang isang red carpet sa labas patungo sa aisle hanggang sa altar ng San Lorenze Cathedral. At sa tuwina ay may mga nahuhulog na maliliit na red and white rose petals sa loob ng simbahan na siyang nagbibigay ng goosebump feeling sa mga unang dumadating sa simbahan para sa seremonya.Subalit kung gaano kasaya ang lahat ay siya namang lungkot ng bride. Nakaupo si Leia sa harap ng salamin at suot na niya ang kaniyang corset style wedding gown na hindi basta-basta ang halaga. Kung gaano siya kaganda sa sandaling iyon ay siya namang lungkot ng mukha niya.Siya na yata ang pinakamalungkot na bride sa buong mundo sa sandaling iyon, hindi lamang dahil sa ayaw niyang ikasal sa lalaking hindi niya mahal kundi dahil din sa hindi niya pa naki

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status