Share

CHAPTER 4

Sa arrival area ng NAIA Airport, panay ang tingin ng guwapo at makisig ang pangangatawan na lalaki sa kaniyang pambisig na relo habang inaantabayanan ang pagdating ng kaniyang mga bagahe.

Sa dami ng nakasabayan niyang mga turista at balikbayan ay lalo siyang natatagalan. Bumubukol na ang kaniyang dila sa kaniyang pisngi sa pagkainip.

Sakay ng international airline kanina, umuwi si Kenneth Fontalan sa Pilipinas. Pagkaraaan ng sampung taong pamamalagi sa America, heto na siya ngayon at nakabalik na ulit sa bayang sinilangan. Kung hindi pa nagkaroon ng international expansion ang shipping company ng kaniyang bayaw ay hindi pa niya maiisipang magbalik dito.

Ano pa ba kasi ang babalikan niya sa bansang ito kung pait at sakit ang dahilan kung bakit pinili niya noon na umalis?

Umiling-iling siya. Hindi niya gusto na alalahanin pa ang nakaraan.

He sighed as he finally got his luggage. Madali siyang lumabas sa airport.

“Kenneth!” mula sa kung saan ay tawag sa kaniya ng pamilyar na boses.

Nagliwanag ang kaniyang mukha nang matanawan niya ang kaniyang pinsan na sundo niya. Tuwang-tuwa na kumakaway sa kaniya si Pressy sa may waiting area.

“Thank God, nakarating ka nang maayos, Insan,” anito nang makalapit siya. Niyakap siya nito nang mahigpit.

“I can see that you haven’t change a bit, Pressy. Until now, you're still annoyingly clingy."

Kaagad na bumitaw sa kaniya si Pressy at nakaingos na itinulak siya sa dibdib. “Ikaw rin naman. Kahit kailan ay ang cold at KJ mo pa rin.”

Napakatipid ang kaniyang naging ngiti. Si Pressy ang hanggang naging tainga pa ang naging ngiti sa kaniya. Hindi maitago sa mukha nito ang labis na kagalakan sa pagdating niya.

“Tara,” saglit ay anyaya na nito sa kaniya. “Ito lang ba ang gamit mo?”

“Yeah, just my important belongings. Dito na lang ako bibili sa mga iba pang kakailanganin ko,” aniya at hindi niya hinayaan na kunin sa kaniya ang mga iyon ni Pressy. “Ako na. Magaan lang ang mga ito.”

Napalabi si Pressy. “Ang galing naman. Matatas ka pa rin palang mag-Tagalog kahit na ang tagal mong hindi nakabalik?”

“Ignorante lang ang mga taong nagsasabing hindi na marunong sa wika nila kapag nagpunta sila sa ibang lugar, at hindi na raw marunong kumain ng tuyo,” real talk niya.

Napahalagpak tuloy ng tawa si Pressy. “May point ka, Insan.”

Sakay ng kotse ay pauwi sila ni Pressy sa bahay nila. Doon muna siya titira pansamantala habang wala pa siyang titirhan sa Maynila.

“Bakit hindi mo kasama si Bayaw Jake?” usisa niya habang nagmamasid siya sa labas ng bintana.

“May importanteng meeting. Alam mo naman iyon workaholic. Don’t worry, ang sabi niya lalasingin ka raw niya mamayang gabi.”

“Iyon ang na-miss ko,” aniyang totoo na natuwa.

Ngumiti lang sa kaniya si Pressy habang iiling-iiling.

Matapos nilang malampasan ang parang walang dulong traffic sa Edsa ay sa wakas narating din nila ang bahay nina Pressy sa Quezon City.

"Pasok ka." Niluwagan ni Pressy ang pagbukas ng pinto. “At umupo ka muna. Ikukuha kita ng maiinom.”

“Can you also make me a brewed coffee please?” he requested.  

“Sure.”

Habang hinihintay niya si Pressy ay tumingin-tingin siya sa kabuuan ng living room. Nawili siya sa mga makukulit na picture ng mag-asawa. Buti pa ang dalawa, kahit walang anak ay matatag pa rin ang pagsasama.

Pressy is his mother's sole niece, being the only child of his mommy's sibling. Gayunman, mas close niya pa ito sa lahat ng pinsan niya. Sa tuwing nagbabakasyon kasi sila doon sa Maynila ay kina Pressy sila lagi nakikituloy kaya nabuo ang bonding nilang dalawa na magpinsan na higit pa sa magkapatid.

“Oh, kape mo.” Nakabalik naman agad si Pressy. Dala nga nito ang umuusok pang dalawang kape.

“Thanks,” aniya sabay abot sa isang mug. Sinabayan niya sa pagtungo at pag-upo sa sofa ang pinsan. Halos sabay rin silang sumimsim sa kape.

“For good na ba ang pag-uwi mo rito?" tanong sa kaniya ni Pressy pagkuwan.

"Yeah, I'd like to settle here permanently. Nakakasawa na rin sa States. I want to give it a shot here.”

"Seryoso?" Muling kumislap man ang singkit na mga mata ni Pressy ay makikitang hindi makapaniwala ito. Alam nito kasi ang pagiging badboy at spoiled ni Kenneth. Walang pakialam sa mundo. Ang mahalaga lang dito ay babae kaya nga nangyari noon ang nakakahindik na nakaraan.

Kenneth chuckled a bit. "Oo nga. Why does it seem like you don't want to believe?"

Nagkibit-balikat si Pressy. “May naaalala lang ako. So, ibig bang sabihin ay naka-move on ka na sa nangyari noon sa San Lazaro?”

Bigla ay nawalan ng kulay ng mukha ni Kenneth. Hindi na nakakibo.

“Sorry, Insan, kung ipinaalala ko pa iyon. Hindi ko sinasadya.” Bigla ay nabahala naman si Pressy.

After a while, nakapagsalita rin siya. “Ayos lang. Wala na ‘yon. That was just a nightmare for me now.”

Nag-hesitate man ay magaang tinapik ni Pressy ang kaniyang balikat. “Mabuti naman.”

Tipid niya ito ulit na nginitian.

“Naks, mukhang nagbago ka nga, Insan? Pangiti-ngiti na lang? Parang hindi ikaw ngayon ang kausap ko. Mas sanay ako sa Kenneth na madaldal at walang pakialam sa mundo.”

Nakangiti pa rin na napakamot siya ng batok. "Tigil-tigilan mo nga ako. Pag-usapan na lang natin iyong chat ko sa iyo kahapon. So, do you happen to know of any houses available for purchase in this area?”

Hinalukipkipan siya ni Pressy. "Are you really serious about it? Bibili ka talaga rito ng bahay?”

"Do I look like I'm joking?” Sumimsim siya ulit ng kape.

“Eh, ang laki ng bahay niyo sa San Lazaro? Bakit pipiliin mo pang makipagsiksikan dito sa Maynila?”

“Masyadong malayo ang San Lazaro sa balak naming ipapatayo na office dito ni Bayaw.”

“Ikaw ang magma-manage gano’n?”

Tumango-tango siya. “Exactly.”

“Naks, seryoso na talaga sa buhay?” kantyaw sa kaniya nito.

“Nagkakaedad na tayo kaya kailangan nang magseryoso. Asawa na rin. Hanapan mo ako at baka may alam ka."

"Ulol!” Kinutusan nga lang siya ng pinsan dahil do’n.

“Aray. Wala ka pa ring pinagbago mapanakit ka pa rin,” reklamo niya. Bumalik ulit ang sigla nila sa usapan.

“Dahil luko-luko ka pa rin pala. Sige hanapan kita ng bahay, pero asawa? Bahala ka sa buhay mo.”

Natawa na siya. "Gusto ko sa medyo malapit dito sa inyo na bahay.”

Tumago-tango si Pressy. "Sige, bukas maghahanap ako. Tatanungin ko na rin iyong kaibigan kong real estate broker.”

"At isa pa pala, Insan,” hirit niya pa.

"Ano pa?"

"Gusto ko hanapan mo rin ako ng makakasama. I mean kasambahay ba.”

“Ay, naku, sakit ka talaga sa ulo sa akin kapag umuuwi ka,” kunwari ay reklamo ni Pressy dahil ang totoo ay agad nitong naisip si Leia. "But don’t worry, dahil ngayon pa lang ay solved na ang problema mo. May kakilala ako na nagpapahanap sa akin ng kahit na anong trabaho. Hindi lang kakilala, kaibigan ko pa at masasabi kong mabait siya."

"That would be great."

"Oo.” Malawak ang naging ngiti ni Pressy. “Pero dapat lakihan mo ang suweldo niya, ha? Kailangang-kailangan ng kaibigan kong iyon kasi ng pera."

"Syempre naman. Kaibigan mo pala, eh."

"Sige, ipapakila ko siya sa ‘yo bukas."

"Thanks, Insan, maasahan ka talaga. Tatawagan ko agad si Mom at sasabihin kong tutulungan mo ako para hindi na siya nag-aalala sa akin. Kilala mo naman ‘yon wala pa ring tiwala sa akin.”

“G*go ka kasi kaya tingin sa iyo ni Tita Alvina ay hindi pa tuli,” biro sa kaniya ni Pressy.

Malutong naman ang naging tawa ulit ni Kenneth.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status