“Basta dumaan ka rito mamaya, Leia. Siguradong matutuwa ka sa balita ko sa iyo,” pang-e-excite pa sa kaniya ni Pressy. Ayaw talaga nitong sabihin sa tawag ang magandang balita raw nito kahit ano’ng pilit niya. Mas maganda raw kung personal nitong sasabihin sa kaniya.
“Okay, sige. Matapos kung maglaba kina Sir Rodrigo dadaan ako diyan,” sabi na lamang ni Leia.
“Sige, hihintayin kita.”
Nakangiting inilapag ni Leia ang luma at mumurahin niyang cellphone sa lamesa nilang kahoy at masiglang pinatay na rin ang lutuan nilang uling dahil naluto na rin ang nilalaga niyang itlog. Hindi niya alam pero napakagaan ng kaniyang pakiramdam na nagising kanina. Pero malamang ay dahil nadiligan siya ng asawa. Napapangiti siya kapag nakikita niya ang lamesa nilang kahoy. Hindi talaga niya alam din kung ano’ng nakain nilang mag-asawa at doon pa sila gumawa ng milagro kagabi. Unang pagkakataon iyon na hindi sila naging maingat. Mabuti na lang talaga at hindi nagising si Lacey.
Pailing-iling siya na pumasok sa kuwarto nila. Napuno ng pagmamahal ang kaniyang puso sa nakitang asawa. Payapa at tulog-tulog pa rin ito. At mas lumawak ang pagkakangiti niya dahil ang guwapo-guwapo pa rin nito.
Wari ba’y naramdam naman ni Bryle na may nagmamasid dito kaya marahang nagmulat ito ng mga mata at nang makita siya ay isang napakatamis na ngiti rin ang namutawi sa mga labi nito.
“Good morning, Mahal,” bati nito sa kanya’t pupungas-pungas na bumangon. Umupo sa ibabaw ng kahit luma na ay malambot pa rin nilang kama.
“Good morning din, Mahal.” Lumapit siya rito at buong pagmamahal na hinalikan sa noo. “Kung inaantok ka pa ay matulog ka muna.”
Nangunot kaagad ang noo ni Bryle. Noon na nito napansin na nakabihis siya at mukhang hindi nito nagustuhan.
Tinungo naman niya ang kanilang salamin at binistahan sa huling pagkakataon ang sarili niya at baka naulingan siya.
"Aalis ka?" tanong na sa kaniya ni Bryle.
"Oo, bibili ako ng gamot mo. Hindi ko pa nabibili ang ibang nireseta ng doktor," sagot ni Leia sa asawa habang nagsusuklay. "Saka dadaan ako kina Sir Rodrigo. Magpapalaba rin daw sila sa ‘kin ngayon. Ikaw na muna ang bahala kay Lacey. Kapag may nararamdaman ka ay itakbo mo siya agad sa kapitbahay. Alam mo naman ang ibig kong sabihin, hindi ba?”
Medyo nagulat si Leia nang yakapin siya ng asawa sa likod. Hindi niya namalayan na nakatayo at nakalapit na ito sa kaniya.
"Oh, bakit?" Naglalambing si Bryle sa kaniya kaya napangiti ulit siya. Pero nang makita niya ang repleksyon nito sa salamin na kay lungkot ang mukha nito at parang naluluha ay ikinabahala niya iyon. Kumawala siya sa pagkakayakap at pumihit siya paharap rito upang magtagpo ang tinginan nila.
Tuluyan na ngang kumawala ang mga luha ni Bryle nang magkatitigan sila. Nahihiyang ikinubli pa niya iyon sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo.
"Bakit ka lumuluha, Mahal?" aniya kasabay nang masuyong pagpunas ng mga palad niya sa mga luha nito. Nadudurog na naman ang kaniyang puso.
"Wala. Nahihiya at naaawa lang ako sa ‘yo," garalgal ang boses na sagot ni Bryle. Yukong-yuko ang ulo nito na parang gusto talagang ikubli ang hiya.
"Bakit naman?" Ikinulong ng dalawang palad ni Leia ang mukha ng kaniyang asawa at masuyo iyong itinaas para magkatinginan sila.
"Kasi dapat ako ang bumubuhay sa inyo ni Lacey, eh. Pero baliktad na ang nangyayari. Ang sakit sa ego." Napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bryle.
Napangiti naman siya. "Ano ka ba naman, Mahal. Mag-asawa tayo kaya dapat tayong magtulungan. Isa pa ay gagaling ka pa naman. Bumawi ka na lang kapag gumaling ka na. Uminom ka ng gamot mo at huwag matigas ang ulo mo.”
Pilit na pilit ang naging sukling ngiti sa kaniya ni Bryle.
"Tahan na. Masama sa iyo ang nag-iisip, nalulungkot, at nai-stress. Ang isipin mo ngayon ay ang paggaling mo. Ako na munang bahala ngayon sa pamilya natin. Kaya ko ito tulad nang kinaya mo rin noon. Pasasaan din at makakaraos din tayo." Naging madamdamin na rin ang kaniyang mga salita at nangilid ang kaniyang mga luha.
"Salamat, Leia. Salamat dahil ako ang minahal mo.”
Sa pagkakataong iyon ay siya ang yumakap sa kaniyang mister, puno ng pagmamahal na yakap. Ipinapangako niya na hindi niya ito pababayaan at mamahalin pa rin.
"Sige, aalis na ako. Nakaluto na ako. May dalawang nilagang itlog doon. Kumain na kayo ‘pag nagising ang anak natin.”
“Eh, ikaw kumain ka na ba?”
“Wala na akong oras para kumain pa, eh. Nagmamadali ako. Mamaya na lang. Basta paggising ng anak mo ay kumain na kayo.”
Pinakatitigan siya ng asawa.
“Sige na. Aalis na ako.”
“Ingat ka.”
"Oo." Kinintalan niya muna ng halik ang asawa bago siya lumabas ng bahay.
Ang hindi alam ni Bryle ay napasandal siya sa isinarado niyang pinto ng bahay nila nang makalabas siya. Napapikit siya nang mariin at napabuga ng hangin. Pinayapa niya muna ang kaniyang sarili dahil ang totoo ay namigat na naman ang puso niya sa naging usapan nilang mag-asawa. Naninikip ang dibdib niya. Nakakadagdag sa paghihirap ng kalooban niya ang nakikita sa ganoong kalagayan ang mag-ama niya.
Ilang minuto din na nanatili siya roon. Hanggang sa nakaipon ulit siya ng lakas. Kaya niya! Kakayanin niya ito!
Kumakalam ang tiyan niya na umalis na sa bahay nila. Hindi siya kumain dahil sapat lang iyong dalawang itlog na niluto niya kanina para sa anak at asawa niya. Siguro ay makikiinom na lang siya ng tubig sa paglalabhan niya mamaya.
Lilipas din ang gutom niya. Ang mahalaga ay hindi gutom ang mag-ama niya.
May mga nadadaanan siyang panindang pagkain pero hindi niya iyon mga pinansin. Ang perang dala niya ay pambili lang ng tatlong pirasong gamot ni Bryle mamaya. Hindi niya puwedeng bawasan. At iyong mapaglalabhan niya naman mamaya ay ibibili naman niya ng kakainin nila mamayang gabi at tanghali. Ang matitira ay iipunin niya para pambayad sa kotse na nabasag ni Bryle.
Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Leia. Isiniksik niya ulit sa isip niya na ang mahalaga lang sa ngayon ay ang gamot ni Bryle.
Mabilis niyang narating ang bahay ng mga Rodrigo kahit nilakad lang niya iyon. Sa kamalasan ay wala yatang tao. Katok siya nang katok pero walang nagbubukas.
"Oy, Leia, walang tao r’yan."
"Nasaan po sila?"
"Nagmadali silang umalis kanina. Parang may emergency yata."
"Ganoon po ba. Sige po. Salamat po," nanlumong sagot niya. Paano na? Wala pala siyang paglalabhan ngayon. Ang malas naman talaga.
Wala siyang nagawa kundi ang nagpasyang umuwi na lang. Laylay ang mga balikat niyang naglalakad. Ano kayang uunahin niya sa natitirang pera na dala niya? Kakainin nila o gamot ng asawa niya?
Nang bigla ay may malakas na bumusina sa kaniya. Isang magarang kotse.
"Hoy! Magpapakamatay ka ba?!" galit na sigaw sa kaniya ng driver niyon.
"Hindi po. Sorry po. Sorry po," paghingi niya ng paumanhin. Sa pag-iisip kung ano ang gagawin upang makaraos sila sa araw na iyon ay hindi niya namalayan na napagitna na pala siya kaunti ng paglalakad sa kalsada.
"Umayos ka’t baka sagasaan talaga kita!" duro pa sa kaniya ng aroganteng driver.
Hiyang-hiya siyang tumabi, kaya lang ay may nabangga na naman siya. Sa pag-ikot niya’y isang matipunong dibdib ang nabungaran niya. Huli na upang makaiwas siya.
"Sh*t!" naibulalas ng lalaki dahil natapon ang dala nitong drinks sa damit nito.
Lumaki ang mga mata ni Leia. "Naku, sorry po!" mangiyak-ngiyak niyang sabi sa lalaki. Akmang pupunasan niya ang t-shirt nito.
"No. It’s okay,” pero pinigilan siya ng lalaki. Madali nitong iniwas ang sarili.
"Sorry po, Sir. Hindi ko po sinasadya." Kinabahan na talaga si Leia dahil mukhang mayaman ang lalaki. Halatang mamahalin ang damit nito. Kung ipapabayad nito ay hindi na talaga niya alam.
"Don’t worry, ayos lang," buti na lamang at mabait na anang lalaki. Ito na ang nagpunas sa t-shirt nito sa hinugot nitong panyo sa bulsa ng pantalon.
"Sorry po talaga, Sir." Gusto na talagang maiyak ni Leia. Dahil sa mga problema niya ay nakakaperwisyo pa siya ng ibang mga tao. Wala na talaga siyang nagawang mabuti.
"Hey, calm down. Sabi ko ay ayos lang. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kanina," nakangiting saad ng lalaki na tumingin sa kaniya, lumabas ang dimple nito sa kanang pisngi. Mukhang nahalata nito ang kaniyang nerbyos. "Ikaw? Are you okay? Baka nasaktan ka?”
Gumaan ang pakiramdam ni Leia dahil hindi galit sa kaniya ang nabanggang lalaki. Talaga nga yatang mabait ito. "Ayos lang naman po ako, Sir. Sorry po talaga sa nagawa ko."
Amused na tiningnan siya ng lalaki mula ulo hangang paa. "I guess magka-edad lang tayo kaya ‘wag mo naman akong pinopo kasi para naman akong matanda. Thirty-two years old pa lang ako. Single and ready to mingle pa nga ika nga ng iba.”
Nahiya lalo si Leia sa lalaki. Kiming inipit niya sa likod ng kaniyang tainga ang mga tumikwas na buhok niya sa mukha niya.
"Anyway, what’s your name?"
"Ano po?"
"Ayan na naman ‘yang po. Sige ka ‘pag popoin mo pa ako ay pababayaran ko sa iyo ‘tong drinks na natapon."
Natigilan si Leia. Namutla ulit ang kaniyang mukha. Sa tingin niya kasi kahit ang inumin na natapon ng lalaki ay mahal din. Tiyak na hindi rin niya kayang bayaran pati ang presyo niyon.
"Just kidding,” pero mabilis na bawi din naman ng lalaki sa sinabi. "Ako nga pala si Kenneth Fontalan," saka pakilala nito. Inilahad ang kamay para makipag-shake hands.
Alanganing napatitig si Leia sa kamay ng lalaki. Hindi dahil sa ayaw niyang makipagkamay o makipagkilala kundi dahil nahihiya siya sa magaspang niyang kamay gawa ng trabaho niyang paglalabada. Sa tingin niya kasi sa lalaking kausap ngayon ay anak mayaman ito dahil ang linis nitong tingnan, mamahalin ang kasuotan, mabango at ang kinis ng maputi nitong balat.
"Uhm, okay. It’s okay kung ayaw mong magpakilala. Mahirap nga naman na makipagkilala agad sa stranger so I understand." Parang napahiya ang lalaki na binawi nito ang kamay. "Alam mo kasi, eh, bago lang ako sa lugar na ito kaya naghahanap talaga ako ng mga bagong kaibigan. I've only been here for almost two days.”
"H-hindi naman sa ganoon. Nakakahiya lang kasi na makipagkamay sa ‘yo,” sabi na niya na umiling-iling.
"Huh?" Nagtaka ang lalaki.
Ipinakita niya ang mga kamay niya na puros kalyo at namumula sa kakababad sa paglalaba.
"Ah." Naunawaan naman siya ni Kenneth.
"Labandera lang kasi ako kaya pasensiya ka na. Magaspang ang kamay ko kaya nakakahiya."
"Ayos lang. Ikaw naman. Matinong trabaho ang paglalaba kaya huwag mong ikinakahiya."
Hindi makapaniwalang umawang ang mga labi niya sa sinabi ng binata.
Napakamot sa batok naman ito. “Ang totoo ay ako ang mas dapat mahiya sa iyo kasi sa tanda kong ito ay jobless ako. Next week pa siguro ako magkakatrabaho.”
Muntik nang maibulalas ni Leia ang katagang, “Weh?”. Hindi siya naniniwala, eh.
“Sorry, ang daldal ko.” Natawa naman ang binata. Tinawanan ang pagiging feeling close nito.
Tipid siyang ngumiti. “Sige, ha? Kailangan ko nang umalis. Maiwan na kita,” tapos ay paalam na niya.
"Okay. But may I know your name first, Miss?"
Napakagat-labi si Leia. Nag-alangan kasi siya dahil simula nag-asawa siya ay asiwa na siya sa pakikipagkilala sa mga lalaki. Iniiwasan na niya bilang pagrespeto niya kay Bryle. Simula’t sapol ay tinitiyak niyang hindi sila magkakaproblema na mag-asawa ng dahil lang sa selos.
"Leia. Ako naman si Leia Rojales,” pero dahil sa tingin naman niya ay mabait namang lalaki ang ngayon ay kausap ay pakilala na rin niya. Inisip na lang niya na hindi bale’t hindi naman na siguro makukurus pa ang landas nila. Sa lawak ba naman ng Maynila. At saka may kasalanan siya rito, ano naman na pagbigyan niya ito.
Tumango ang lalaki. “Nice meeting you, Leia.”
"Sa iyo rin, Kenneth. Sige, aalis na ako," paalam niya ulit dito at lumakad na. Pero natigil siya sa paglakad at muli niya itong nilingon upang itama ang una nitong tawag sa kaniya. "Hindi na pala ako miss dahil misis na ako."
Kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi ni Kenneth. Hindi makapaniwala na misis na siya.
Nakangiting itinuloy na niya ang paglalakad palayo. Kahit paano ay natutuwa rin kasi siya kapag minsan ay napagkakamalan pa siyang dalaga. Ibig lang sabihin niyon na kahit gaano kahirap ang buhay ay maganda pa rin siya.
Si Kenneth naman ay nakatayo pa rin doon kahit hindi na niya matanawan ang babae.
"Leia. Bagay sa kaniya ang pangalan niya. Maganda at mukhang mabait," mayamaya ay usal nitong napangiti. Ngunit nang maalalang misis na pala ang babaeng nakabanggaan ay nawala unti-unti ang mga ngiti nito sa mga labi.
Sayang at may nagmamay-ari na kay Leia. Napakasuwerteng lalaki kung sino man siya. Naiinggit siya.
"Uminom ka muna ng gamot." Inilapit ni Leia sa bibig ng asawa ang hinati niyang gamot. "Huwag kang mag-alala dahil bukas ay may trabaho na ako. Minalas lang talaga ako kanina dahil umalis pala ang mag-asawang Rodrigo. Pagtiisan mo muna ito. At least, may maiinom ka ngayong araw.”Ngumanga si Bryle at ininom nga iyon saka malamlam ang mga mata nitong hinawakan sa kamay ang butihin niyang asawa. "Salamat, Leia, ha? Sana hindi ka magsawa sa akin.""Ano ka ba naman. Bakit ka nagpapasalamat sa ‘kin, eh, asawa mo ako? Responsibilidad kita at mahal kita.”"Kahit na. Dapat pa rin akong magpasalamat dahil ang suwerte ko sa iyo. Hindi mo ako pinababayaan kahit na inutil na ako ngayon. Wala na akong silbi sa pamilya natin.”"Huwag mo ngang sabihin ‘yan. Hindi ka inutil at lalong hindi walang silbi. Gagaling ka pa at makakabalik sa serbisyo. Hintayin lang natin ang darating na tulong mula sa gobyerno. Sabi ni Kapitan ay nailakad na niya ang papeles mo kay Mayor. Aaksyunan na raw. Maghintay na lang
Excited si Leia na pumunta sa bahay nina Pressy kinabukasan. Halos hindi siya natulog dahil sinabihan talaga siya ni Pressy na maaga raw sila. Gusto na raw siya na makilala ng magiging boss niya kaya sasamahan daw siya nito.Sakay sa kotse ni Pressy ay nagtungo sila agad sa bagong bahay nito nang magkita sila.Sa bayan lang naman daw ang bahay ng pinsan ng kaibigan na nabili nito. Mabuti na lang at malapit lang. Maaari nga siyang maging uwian oras na mag-umpisa na siya ng trabaho.“Ayos ka lang, Leia? Bakit parang hindi ka mapakali?” puna sa kaniya ni Pressy nang tumigil sila sa stoplight.Mapaklang ngumiti siya rito. “Naiisip ko lang iyong nangyari kanina. Iyong pagsugod ni Mrs. Sarmiento sa bahay dahil naniningil na naman.”“Umutang ka sa mukhang pera na matandang iyon? Alam mo kung gaano iyon kalupit sa pagpapatong ng interest?”Napakagat-labi siya. “Kinailangan kasi namin noon dahil kay tatay. Wala akong naging choice kundi sa kaniya umutang para matulungan si Tatay. Alam mong hind
“So, paano maiwan na kita? Ikaw na ang bahala rito, Leia?”Buo man na ang loob ni Leia na magtatrabaho pa rin sa bahay ni Kenneth sa kabila ng nasaksihan niyang hilig sa babae ng binata ay hindi pa rin niya maiwasang mapangiwi sa kaisipang kapag wala na si Pressy ay sila na lang dalawa sa malaking bahay na iyon.Kinakabahan siya na hindi niya mawari.“Leia…” Idinantay ni Pressy ang kamay nito sa kaniyang balikat. “Relax lang. Hindi ka maaano rito. Safe na safe ka sa bahay na ito, okay?” at assurance na naman nito sa kaniya.“Aaminin ko naiilang pa rin ako, Pressy. Bakit naman kasi siya pa ang nabangga ko ang pinsan mo? Nakakahiya.”Bahagyang natawa ang kaibigan. “Ang tawag doon ay ang small talaga ng world.”Napalabi na lang siya’t napangiti.“So, paano aalis na ako?”Tumango siya sa kaibigan at inihatid niya ito sa labas. Nang wala na si Pressy ay inabala na nga niya agad ang sarili sa paglilinis ng bahay. Ipinagpasalamat niya na nasa silid si Kenneth. Kanina’y agad na nagpaalam sa ka
"Papa, gutom na ako. Kain na po tayo," paglalambing ni Lacey sa ama.“Gano’n ba. Halika, Anak, bili tayo sa tindahan ng itlog."“Itlog na naman, Papa?” reklamo ng bata."Magtiis muna tayo, Anak, ha? Hindi bale dahil may trabaho na si Mama. Kapag nagsahod siya ay magma-Mcdo raw tayo. Gusto mo ba ‘yon?” pag-alo naman ni Bryle rito.Nagtatalon na sa saya si Lacey. “Opo, Papa. Gusto ko po!”Tuwang tuwa naman si Bryle sa naging reaksyon ng anak, ang kawawa niyang anak. Matagal-tagal na rin kasi noong pinakain nila ng masarap si Lacey kaya naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang ito ka-excited.Napabuntong-hininga siya. Kung sana sundalo pa siya hanggang ngayon. Kung sana makakabalik pa siya sa pagsusundalo. Ang kaso mukhang imposible na iyon na mangyari.Lihim na lang niyang ipinagdasal na sana nga ay magiging maayos si Leia sa trabahong napasok nito para kahit man lang sa Mcdo ay mapakain nila doon ang kanilang anak."Papa, tara na bili na tayo ng itlog. Gutom na po talaga ako." Hinil
"Uuwi ka?" Nagtaka si Kenneth dahil nagpapaalam si Leia sa kaniya na uuwi na dahil gabi na raw. The whole time, he thought she was a stay-in housemaid."Opo, Sir. Hindi po ba nasabi sa inyo ni Pressy na tuwing gabi ay uuwi po ako dahil kailangan ko ring asikasuhin ang asawa at anak ko?"Pumanaywang ang isang kamay ni Kenneth. Ang isa nama’y napahimas-himas sa baba nito. "To tell you the truth, Pressy didn't mention anything like that to me, so I really thought you were a stay-in pero siguro dahil hindi namin napag-usapan.”"Sorry, Sir, pero hindi po puwede na maging stay-in ako. May sakit po kasi ang asawa ko. Kailangan ko rin po siyang asikasuhin. Huwag po kayong mag-alala’t maaga naman po ako bukas na papasok.”Inquisitive, Kenneth arched his eyebrows. “Sakit? May sakit ang asawa mo? Ano’ng sakit niya?”Malungkot na nagyuko ng ulo si Leia. Ang mga kamay niyang magkahawak sa kaniyang bandang tiyan ay nagkiskisan. Ganunpaman, mahinahon niyang sinagot ang tanong ng amo.“May war shock p
Matiyagang naghihintay si Bryle sa pag-uwi ni Leia. Kasama niya ang anak na si Lacey na nakaupo sa may pinto."Papa, antok na po ako," hanggang sa sabi ng bata kasabay ng cute nitong paghikab.“Sige na. Matulog ka na, Anak. Gisingin na lang kita pagdating ni Mama mo.” Ipinahiga ni Bryle ang anak sa kaniyang kandungan. Hinahaplos-haplos niya ang noo nito hanggang sa nakatulog na nga.Sa isip-isip niya ay bakit kasi ang tagal ni Leia? Alas nuebe na’y hindi pa rin nakakauwi ang asawa. Ang sabi nito sa kaniya ay hanggang alas syete lamang ang oras ng trabaho nito ngunit hindi pa rin dumarating gayong alas dyes. Hindi na tuloy niya maiwasan na hindi kabahan. Sana ay ligtas na makauwi ang kaniyang asawa at walang nangyaring masama.Hanggang sa isang magarang sasakyan ang pumarada sa tapat ng bahay nila. Nagkandahaba-haba ang leeg ni Bryle sa pagtanaw kung sino ang bababa roon.Isang makisig na lalaki ang bumaba sa driver seat at pinagbuksan nito ng pinto ang kasama nitong babae. At agad nags
Ginising ni Leia ang asawa. "Mahal, papasok na ako sa trabaho. Ikaw na ang bahala kay Lacey, ha? May sardinas sa kusina. Iyon na lang ang tipirin niyong ulamin.”Pupungas-pungas si Bryle na tumingin kay Leia. Napakunot-noo ito dahil nakaligo na at bihis na ang kaniyang misis. "Ano’ng oras na ba? Bakit parang ang aga mo?”"Kailangan, Mahal, kasi maaga raw aalis si Sir Kenneth. Ngayon daw kasi nila uumpisahan ang ipapatayo nilang office ng shipping company ng kaniyang bayaw dito sa Pilipinas. At alam mo na, kailangang ipagluto ko siya bago siya pumasok kasi kasama iyon sa trabaho ko.” Matapos magpaliwanag ay humalik na sa noo ni Bryle si Leia.Nagsisinungaling siya. Ang totoo ay maaga lang talaga siyang gumising at papasok dahil balak niya ay maglalakad siya. Balak niya ay lalakarin niya mula bahay nila hanggang bahay ng amo. Iyong natipid niya na pamasahe kagabi dahil inihatid siya ni Kenneth ay siyang ipinambili niya kasi ng sardinas kanina upang may makain ang mag-ama niyang iiwanan n
Mabagal na itinutungga ni Kenneth ang alak. Matapos ang nakakapagod na pag-aasikaso niya sa magiging office ng SkyShip Express ay dumiretso siya sa isang bar kung saan nagkayayaan sila ng mga dating kabarkada.Sina Kyro at Athan.Nalaman na ng dalawa na bumalik na siya ng Pilipinas. At dito na raw sila sa Maynila nakatira kasama ang mga misis nila kaya't pinilit talaga siya na makipagpakita ngayon, sakto pa na ini-advance ang kaarawan ni Kyro.Pagdating nga niya sa bar kanina ay kinantyawan siya nang kinantyawan. Kay tagal daw niyang nawala, buti buhay pa raw siya.“Hindi ka nabo-bored dito, handsome? Want to go somewhere more exciting?” nang bigla ay bulong sa kaniya ng isang babae na tumabi sa kinauupuan niya sa may bar counter. She crossed her legs and gently brushed his hair seductively.Napalunok si Kenneth nang makita ang kabuuan nito. She was wearing a black super sexy buckle dress. Halos kita na ang kaluluwa nito sa daring nitong kasuotan. Sa konting pagkakamali nga ng kilos ni
“Saan ba talaga tayo pupunta, Mahal?” nagtataka na talaga si Leia sa ginagawa nilang mag-asawa. Isang linggo na ang nakakalipas mula nakalaya si Bryle sa kulungan at heto sila ngayon, paakyat sa isang bundok.Buong akala ni Leia ay magdi-date lang sila ng asawa dahil may surpresa raw ito sa kaniya, ngunit heto sila, nagpapakahirap sa pag-akyat sa matarik na daanan ng bundok. At hindi niya maintindihan.“Sumasakit ba ang mga paa mo?” Nag-alala na si Bryle nang maalala niya ang mga paa ng asawa.“Hindi naman pero pagod na kasi ako,” pag-amin ni Leia.Ngumiti si Bryle. “Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.”“Saan ba kasi tayo? Ano ang gagawin natin dito sa bundok?”“Basta natitiyak ko na matutuwa ka.”Napanguso si Leia. Tumigil na talaga siya sa paglakad at parang bata na humalukipkip ng mataas.Natawa si Bryle dahil ang cute ng kaniyang misis kapag ganoon na nagtatampu-tampuhan. Binalikan niya ito at masuyong ikinulong sa mga palad ang napakaganda nitong mukha saka siniil ng buong pagm
"Bryle…" sa una ay mahinang sambit ni Leia sa pangalan ng asawang matagal na niyang nais makita. Ilang sandali na hindi siya huminga. Hanggang sa rumagasa ang mga luha niya sa mga mata. Hindi siya makapaniwala na darating nga si Bryle at makikita niya itong muli." Bryle!" mayamaya ay malakas na niyang tawag sa asawa nang mahimasmasan siya. Akmang papaikutin na niya ang gulong ng wheelchair at susugurin niya ito ng yakap, pero marahas na hinablot ni Kenneth ang kaniyang isang braso.“Dito ka lang!” galit na singhal nito sa kaniya."Bitawan ko ako, Kenneth!" Umiiyak niyang lingon sa isa pang asawa, sa demonyong nagpapanggap niyang asawa.“Hindi ka maaaring lumapit sa kaniya!” nagtatagis ang bagang na babala ni Kenneth.Gawa niyon, sa nakitang walang ingat na paghawak ni Kenneth sa asawa ay lalong nakuyom ni Bryle ang dalawang kamao niya. Gustong-gusto niya agad na ipagsusuntok sa mukha ni Kenneth. Kumpirmado, sinasaktan nga ng g*go ang kaniyang asawa.“Who are you?! Why are you causing
“Bakit ang tagal nina Alab?” Pabalik-balik ang lakad ni Bryle habang naghihinatay sa bayan ng San Lazaro kung saan ay sinabi sa kanila ni Alab na maghihintay sila.“Hindi ko alam,” sabi naman ni Sarina. “Pero wala ka namang dapat ipag-alala dahil kahit makasal sina Kenneth at Leia ay hindi pa rin iyon magiging ligal dahil kasal sa iyo si Leia, tapos peke pa malamang ang mga dokumentong ipinakita ni Kenneth.”Nahimas ni Bryle ang kanyang bunganga. “Kahit na. Masakit pa rin sa akin kung maihaharap ni Kenneth si Leia sa altar. Parang natalo pa rin niya ako kapag gano’n.”“Mahalaga pa ba iyon? Ang pride mo kaysa ang kaisipang mababawi mo ang mag-ina mo? Iyon lang naman ang mahalaga rito, ang mabawi sila at mailayo sa kapahamakan, hindi ba?”Napabuntong-hininga si Bryle. Hindi na siya nagkomento. Nahimas-himas na lamang niya ang kanyang noo at pinilit na habaan pa ang pasensya.Tama naman si Sarina.SAMANTALA…"Dumating na ang bride, Boss," bulong ng isang tauhan kay Kenneth. Ngumisi si Ken
ANG NAKARAAN…“Aalis kayo dito sa San Lazaro?” tanong ni Kenneth kay Katia. “Oo. Doon na kami mag-aaral ng college ni Alab sa Maynila. Nakapasa kasi kami sa isang scholarship na inaplayan namin at sagot lahat ng foundation ang gagastusin namin kahit na doon kami mag-aral,” sagot ng mahinhing dalaga. Nasa silong sila noon ng punong mangga. Dinalaw niya noon ito dahil sa balitang iyon. Hindi siya nakatiis. “Ang unfair naman yata.” At hindi rin niya gusto na aalis ang dalaga tapos kasama pa ang itinuturing niyang karibal.Maang na napatingin sa kaniya si Katia. “Ano naman ang unfair doon? Hindi ka ba masaya na makapag-aaral ako?” “Masaya ako na nakapasok ka sa scholarship. Ang hindi ako masaya ay ang aalis ka at kasama mo pa si Alab, Katia,” pag-amin niya.“Bakit naman? Boyfriend ko si Alab, Kenneth, kaya walang masama.” “Pero boyfriend mo rin ako, hindi ba?” “Boyfriend? Ano’ng pinagsasabi mo, Kenneth? Hindi kita boyfriend.” Napaismid siya dahil nasaktan siya. “Boyfriend mo ako da
"Hayup ka! Ano’ng ginawa mo kay Bryle?! Ano’ng ginawa mo sa kaniya?! Ano ang ginawa mo sa pamilya namin?! Ano ang kasalanan namin sa ‘yo at ginulo mo kami ng ganito?! Ano?!" Nagwala na ng tuluyan si Leia. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Binayo-bayo niya ang dibdib ni Kenneth. Nauunawaan na niya ang lahat. Malinaw na malinaw na talaga sa kaniya na niloko lamang siya ng binata, na pinaniwala lang siya nitong iniwan sila ni Bryle pero ang totoo ay hindi. Ang totoo ay ginamit ni Kenneth ang sitwasyon nila, ang kawalan nila ng pera na mag-asawa.Sinenyasan ni Kenneth ang isang tauhan nito. Agad iyong sumunod. Lumapit ito kay Aling Linda.“Ano’ng gagawin mo?!” sindak ang ginang."Mama!" hiyaw ng batang si Lacey. Walang anu-anong kinuha kasi ito ng lalaki mula kay Aling Linda."Bitawan mo ang apo ko!" protesta ni Aling Linda. Ayaw nitong ibigay ang apo. Sa kasamaang palad isang suntok sa sikmura ang ginawa dito ng isa pang tauhan ni Kenneth kaya agad na nawalan ng lakas at namilipit
"Bakit ba kasi ang layo ng bahay niyo sa bahay ng Fontallan?" hindi na makapaghintay si Bryle na tanong ulit niya kay Sarina. Halos paliparin na talaga niya ang sasakyan marating lang nila sana agad ang mansyon nina Kenneth."Syempre noong ibinahay ako ni Dionisio ay pinili talaga niya na sa malayo para hindi kami magtagpo ng asawa niyang pangit."Napalatak siya at lalo pang diniinan ang silinyador ng sasakyan. "Kumapit ka!" tapos ay anito sa dalaga."Dahan-dahan kundi baka tayo naman ang mabangga nito. Baka sa ginagawa mong pagmamadali ay lalong hindi mo na makikita ang asawa mo kasi tigok na tayo," nakaingos na paalala ni Sarina sa kaniya. Sinulyapan nito ang pambisig na orasan. “Don’t worry, maaga pa naman. Baka naghahanda pa lang sila ngayon.”Sa kasamaang palad ay tila ba wala nang naririnig sa sandaling iyon si Bryle. Kontrolado naman niya ang manibela kaya alam niyang hindi sila maaksidente. Isa pa ay hindi niya hahayaang maaksidente sila dahil kailangan siya ngayon ni Leia. Ili
Sandaling hindi nakakilos si Bryle sa hindi maipaliwanag niyang nararamdaman. Ang tindi ng galit niya. Kuyom na kuyom niya ang mga kamao na kulang na lang ay bumaon ang mga kuko niya sa mga palad niya. Halos madurog na rin sa kamay niya ang cellphone na hawak.Papatayin niya si Kenneth! Papatayin niya talaga! Isinusumpa niya!"Bryle, ano’ng nangyari? Ano’ng sabi ng asawa mo at ni Kenneth?" alanganing tanong ni Sarina. Natatakot ang dalaga sa hitsura ni Bryle.Mabagsik ang naging tingin ni Bryle sa dalagang katabi. Hindi pa rin niya makuntrol ang galit. "Pagkatapos ng kasal ay dadalhin niya si Leia sa Amerika. Doon daw sila magsasama. Mabuti na lamang at nakinig ako sa inyo kundi baka nadala na ng g*gong iyon ang asawa ko sa ibang bansa kung pumalpak sana ako.”Nanlaki ang ulo niya nang mabilis na na-imagine niya na nasa ibang bansa sina Lacey at Leia. Imposible na masusundan na niya sila oras na mangyari iyon."Diyos ko, ano itong ginagawa ni Kenneth? Siya nga yata talaga ang may sayad
Naiinip man dahil kanina pa siya naghihintay kay Sarina ay idinadaan na lamang ni Bryle sa pagpalatak ang inip, at minsan sa pagsuri-suri ng sasakyan. Ano ba kasi’ng aasahan niya? Normal lang naman sa babae ang matagal magbihis.Kanina pa siya nakasakay sa kotse na binili talaga ni Sarina para sa plano nilang ito. Brand new pa nga sana ang bibilhin ng dalaga pero siya ang hindi pumayag dahil baka masayang lang ang sasakyan kapag nagkabulilyaso.Handa na siya sa patungo sa San Lazaro upang dumalo sa kasal—upang bawiin na ang kaniyang asawa at anak.Sa wakas, dumating na ang araw upang isakatuparan nila ang plano!“Ang tagal mo,” reklamo niya nang sa wakas ay dumating din ang dalaga. At napabuga talaga siya ng hangin sa bunganga dahil kuntodo makeup si Sarina. Ang halter maxi dress in deep red nitong suot ay halos kita na ang buong kaluluwa nito. Backless na nga may slit pa na halos hanggang singit na. Kung hindi nga lang sila nagmamadali ay sasabihin niyang hindi sila aalis hangga’t hin
ARAW NG KASAL.Magarbong-magarbo ang lahat. Makikitang pinagkagastusan talaga ng mag-asawang Don Dionisio at Donya Alvina ang kasal ng bunso nilang anak. Handa na ang mansyon na siyang reception area rin, kasama ang simbahan ng San Lorenzo Cathedral. Nakalatag ang isang red carpet sa labas patungo sa aisle hanggang sa altar ng San Lorenze Cathedral. At sa tuwina ay may mga nahuhulog na maliliit na red and white rose petals sa loob ng simbahan na siyang nagbibigay ng goosebump feeling sa mga unang dumadating sa simbahan para sa seremonya.Subalit kung gaano kasaya ang lahat ay siya namang lungkot ng bride. Nakaupo si Leia sa harap ng salamin at suot na niya ang kaniyang corset style wedding gown na hindi basta-basta ang halaga. Kung gaano siya kaganda sa sandaling iyon ay siya namang lungkot ng mukha niya.Siya na yata ang pinakamalungkot na bride sa buong mundo sa sandaling iyon, hindi lamang dahil sa ayaw niyang ikasal sa lalaking hindi niya mahal kundi dahil din sa hindi niya pa naki