Ginising ni Leia ang asawa. "Mahal, papasok na ako sa trabaho. Ikaw na ang bahala kay Lacey, ha? May sardinas sa kusina. Iyon na lang ang tipirin niyong ulamin.”Pupungas-pungas si Bryle na tumingin kay Leia. Napakunot-noo ito dahil nakaligo na at bihis na ang kaniyang misis. "Ano’ng oras na ba? Bakit parang ang aga mo?”"Kailangan, Mahal, kasi maaga raw aalis si Sir Kenneth. Ngayon daw kasi nila uumpisahan ang ipapatayo nilang office ng shipping company ng kaniyang bayaw dito sa Pilipinas. At alam mo na, kailangang ipagluto ko siya bago siya pumasok kasi kasama iyon sa trabaho ko.” Matapos magpaliwanag ay humalik na sa noo ni Bryle si Leia.Nagsisinungaling siya. Ang totoo ay maaga lang talaga siyang gumising at papasok dahil balak niya ay maglalakad siya. Balak niya ay lalakarin niya mula bahay nila hanggang bahay ng amo. Iyong natipid niya na pamasahe kagabi dahil inihatid siya ni Kenneth ay siyang ipinambili niya kasi ng sardinas kanina upang may makain ang mag-ama niyang iiwanan n
Mabagal na itinutungga ni Kenneth ang alak. Matapos ang nakakapagod na pag-aasikaso niya sa magiging office ng SkyShip Express ay dumiretso siya sa isang bar kung saan nagkayayaan sila ng mga dating kabarkada.Sina Kyro at Athan.Nalaman na ng dalawa na bumalik na siya ng Pilipinas. At dito na raw sila sa Maynila nakatira kasama ang mga misis nila kaya't pinilit talaga siya na makipagpakita ngayon, sakto pa na ini-advance ang kaarawan ni Kyro.Pagdating nga niya sa bar kanina ay kinantyawan siya nang kinantyawan. Kay tagal daw niyang nawala, buti buhay pa raw siya.“Hindi ka nabo-bored dito, handsome? Want to go somewhere more exciting?” nang bigla ay bulong sa kaniya ng isang babae na tumabi sa kinauupuan niya sa may bar counter. She crossed her legs and gently brushed his hair seductively.Napalunok si Kenneth nang makita ang kabuuan nito. She was wearing a black super sexy buckle dress. Halos kita na ang kaluluwa nito sa daring nitong kasuotan. Sa konting pagkakamali nga ng kilos ni
"Papa, hindi pa ba tayo kakain?" nakalabing tanong ng batang si Lacey kay Bryle. Umaga na kaya gising na ang kaniyang anak ngunit wala pa rin ang kaniyang asawa. Hindi pa rin umuuwi.Napatingin si Bryle sa bata. Wala pa siyang tulog dahil hinihintay pa rin niya ang asawa. At hindi pa rin siya nakaluto dahil wala naman siyang perang pambili.Yumukod siya sa harap ng anak at masuyong hinawakan sa magkabilang balikat. "Saglit lang, Anak, ah? Wala pa kasi ang mama mo, eh.”"Nasaan po si Mama, Papa?""Uhm..." Hindi niya masagot ang anak. Lihim na napatiim-bagang na lang siya. Nagngitngit ang mga ngipin niya. Kanina pa siya galit o tamang sabihin ay kagabi pa siya galit dahil sa hindi pag-uwi ng asawa."Hindi ba umuwi si Mama, Papa?""Syempre umuwi ang mama mo kanina, Anak, pero maaga lang umalis. Pumasok na siya sa trabaho ulit. Nag-kiss nga siya kaso tulog ka pa, eh,” mabilis na pagtatakip din niya sa asawa. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano ang anak nila. "Ganito na lang. Doon ka muna sa k
Nagising si Leia na ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Para kasing ang sarap ng tulog niya. Nakangiting pupungas-pungas pa nga siya na bumangon, nag-inat at naghikab.Subali’t bigla rin siyang natigilan at kinabahan nang makita niyang wala pala siya bahay nila dahil magandang kuwarto ang nakikita niyang kinaroroonan.Nasa’n siya?Mayamaya ay lumuwa na ang mga mata ni Leia at napatutop bigla sa bunganga niya nang maisip niyang nasa bahay pa rin siya ni Sir Kenneth niya.Diyos ko, hindi nga siya nakauwi kagabi!Bigla na siyang tayo. Nataranta. Hindi niya alam ang unang gagawin niya. Basta ang agad tumakbo sa isip niya ay ang asawa niya.Si Bryle! Baka hinihintay pa rin siya ni Bryle! Kailangan na niyang umuwi!Dali-dali siyang lumabas sa magarang kuwarto at nagkukumahog na bumaba sa may hagdanan. At tutunguhin na dapat niya ang pinto ng magarang bahay para umuwi nang bigla namang bumungad ang kaniyang amo."Gising ka na pala. Good morning," bati sa kaniya ni Kenneth sa likuran.Kusot dahi
Pinara ni Bryle ang padating na tricycle. Kahit ang paraan ng kaniyang pagpara ay pagalit.“Mahal, may pera ka bang pampamasahe? Wala akong pera dito,” subalit paalala sa kaniya ng asawa.“Buwisit!” Inis na inis niyang ibinaba ang kamay nang naisip niya na ni pisong duling ay wala nga pala siya. Gusto niyang sumigaw sa sobrang inis, inis na ngayon ay para rin sa kaniyang sarili.Frustrated, mariin siyang pumikit kasabay nang pagsuklay ng mga daliri niya sa kaniyang buhok. Wala talaga siyang kuwenta.“Maglakad na lang tayo,” masuyong sabi sa kaniya ng asawa na magaang humawak sa balikat niya.“Huwag mo akong mahawak-hawakan!” piksi niya. Inilayo niya ang sarili at nagsimulang maglakad.Ang ikinagulat niya ay nang yakapin siya ni Leia sa likod nang maabutan siya. “Sorry na, Mahal. Promise hindi na iyon mauulit.”Nag-init ang kaniyang mga mata. Gayunpaman, hindi naibsan ang galit, inis at selos niya. Itiningala niya sa langit ang mukha upang pigilan ang mga luha niya. Pagkuwan ay tiim-bag
“Ano ba’ng nangyari? Paanong nasusunog ang bahay namin?” hingal na tanong ni Bryle sa binatilyong nag-abot sa kanila ng napakasamang balita.“Hindi ko alam, Kuya Bryle, pero ang narinig ko ay may napadaan doon at nakita na lang na umuusok sa bandang kusina niyo.”Mas binilisan pa ni Bryle ang kaniyang pagtakbo. May senaryo na siyang naisip na naging dahilan ng sunog.Mali… mali talaga na iniwan niya si Lacey na mag-isa. Ang tanga niya!"Bryle, ang anak natin! Iligtas mo ang anak natin!" panay naman ang sigaw ni Leia na umiiyak habang kumakaripas din ng takbo. Nahuhuli man ay nakakahabol pa rin.Hindi mailarawan ang matindi nilang kaba na mag-asawa sa sandaling iyon para sa nag-iisa nilang anak. Sa isip-isip nila’y hindi nila mapapatawad ang kanilang mga sarili oras na may mangyaring hindi maganda kay Lacey.Si Lacey, na tanging kayamanan nila sa mundo.Si Lacey, na dahilan bakit nagpapakatatag sila.Si Lacey, na tanging lakas nila sa araw-araw kahit ang hirap na hirap na ng sitwasyon n
Sa bahay ni Kenneth ay nagtatalo pa rin sila ni Pressy. Hindi talaga makapaniwala si Pressy sa binabalak na hindi maganda ni Kenneth kay Leia."Ano ka ba naman, Kenneth! Una pa lang ay sinabi ko na sa iyo na may asawa na si Leia! Sisirain mo ang relasyon nila dahil lang sa selfish mong nararamdaman na iyan? Nababaliw ka na ba?!”"Siguro nga nababaliw na ako, Pressy! But I don't care! I've made up my mind—I like Leia, and that's the end of it! Gagawin ko ang lahat para mapasaakin siya!”"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mong lalaki ka!""Hindi, basta ang gusto ko ngayon ay mapasakin si Leia! I will take her from her husband, and no one will be able to stop me!"“Diyos ko naman, Kenneth! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?!” Animo’y puputok na ang ulo ni Pressy na napanoo.Napangisi naman si Kenneth. Malademonyong ngisi bago humakbang pabalik sa diniring area.“At tutulungan mo ako, Insan,” pero bago ito tuluyang makapasok ay pilyong sabi nito kay Pressy.Naduro na talaga ni Pressy ang nababali
"Kung may maitutulong ako, sabihin niyo lang," ulit ni Kenneth sa inaalok nitong tulong sa mag-asawang nasunugan at nasaktan ang anak. Hindi niya inalintana ang masakit na tingin sa kaniya ni Bryle.“Bakit ka ba nandito, ha? Hindi ka namin kailangan dito kaya umalis ka na!" singhal na rito ni Bryle. Hindi na nakapagtimpi."Bryle, ano ba?" saway naman ni Leia sa asawa. Siya na naman ang hiyang-hiya sa amo sa inaasal nito."Gusto ko lang makatulong dahil tauhan ko si Leia, pare. As her boss, I have a responsibility to help her,” mapagkumbabang paliwanag naman ni Kenneth kay Bryle."Eh, g*go ka pala, eh! Akala mo ba babalik pa sa bahay mo ang asawa ko?! Mamamatay muna akong, g*go ka, bago mo magawa ang mga plano mo sa kaniya!” Sa kasamaang palad ay lalong nag-init ang ulo ni Bryle.“Bryle, utang na loob kumalma ka naman,” naiiyak nang pakiusap ni Leia rito. Nilapitan na niya ang asawa at inamo. “Alalahanin mo kailangan tayo ng anak mo ngayon. Please, pigilan mo naman ang emosyon mo at bak