“Diyos ko, Bryle!” Sobrang kinabahan na si Leia nang makita niyang nanlilisik na naman ang mga mata ng kaniyang asawa. Dali-dali na niyang inilabas ang kaniyang anak. Nagtatakbo na silang mag-ina.
“Bumalik kayo ritong mga animal kayo! Papatayin ko kayo!” sigaw ni Bryle na humabol sa kanila.
“Takbo, Anak! Bilisan mo!” Itinulak ni Leia si Lacey nang nasa kahoy na gate ng bahay silang mag-ina kaya siya ang nadikmat ng kaniyang asawa.
“Bryle! Mahal! Ako ito! Ako ‘to si Leia! Ang asawa mo! Please, huwag mo akong sasaktan!” umiiyak na pakiusap ni Leia sa kaniyang asawa. Takot na takot siya. Nanginginig ang buong katawan niya.
“Papatayin ko kayong lahat! Mga salot kayo sa lipunan na mga rebelde kayo!” Sa kasamaang palad ay sinakal pa rin siya ni Bryle.
“Papa? Mama?” umiiyak na tawag sa kanila ng kanilang anak. Ayaw umalis ang bata. Nanonood pa rin sa kanila.
“L-Lacey, uma… umalis ka na! Tumawag ka ng… ng tulong! Bilisan mo!” kahit hirap dahil sakal-sakal siya ng asawa ay ipinilit na utos ni Leia sa kaniyang anak. Sa kabila ng lahat ay kay Lacey siya nag-aalala.
Laking pasalamat at ginhawa niya nang masunurin na nagtatakbo na nga ang bata.
“Akala mo makakatakas ka sa akin!” Subalit dahil iba ang tingin ni Bryle sa bata, na isa na itong kalaban sa bakbakan, ay hinabol nito ang anak.
“Bryle, huwag! Anak mo ‘yan!” hintakot na sigaw ni Leia.
Pasalamat niya at nagdatingan na ang mga kapitbahay nila. Matapos ilayo si Lacey ay pinagtulungan nila si Bryle na awatin. Nailigtas ang kaniyang anak sa kapahamakan.
Nanlumong nag-iiyak si Leia. Nahirapan siyang huminga, na para bang may bigat na bagay na dumapo sa kaniyang dibdib. Diyos ko, ano ba itong nangyayari sa kaniyang mister?
“Pare, huwag!” saglit ay sigaw na naman ng isang kapitbahay nila. Hindi pa pala tapos ang pagwawala ng kaniyang asawa.
Nang ibalik ni Leia ang tingin niya sa labas ay gusto na talaga niyang himatayin sa nakita niyang ginagawa na naman ni Bryle. Ang asawa niya kasi, pinagpapalo ang magarang kotse na nakaparada sa may kalsada gamit ang isang kahoy. Kung wala lang si Lacey na iniisip ni Leia ay mas gusto na lang niya sanang mamatay sa sandaling iyon. Hindi pa man ay alam na niya kasi ang kahahantungan ng pagsira ni Bryle sa kotseng iyon. Isang panibagong problema na naman. Malaking problema.
“Bryle, huwag!” Tinakbo niya ito at inawat pero nasaktan lamang siya nang itulak siya ng asawa. Kamuntikan pa siya nitong mapalo ng kahoy. Laking pasalamat ni Leia at may naglakas-loob na pumalo sa ulo ni Bryle na dahilan para mawalan na ito ng malay.
Gayunman ay iyak nang iyak niyang niyakap ang asawa nang lapitan niya ito.
"I’m sorry, Misis Rojales, but I think your husband needs to be returned to mental health facility," ang payo ng doktor na sumuri kay Bryle matapos ang nakakatakot nitong pagwawala. Nasa isang pampublikong ospital na sila at tulog si Bryle dahil sa itinurok ditong pampakalma kanina.
"Sige po, Doc, kung iyon ang makakabuti sa kaniya," mugto ang mga matang pagsang-ayon ni Leia. Hindi mapuknat ang kaniyang mga luha para sa kondisyon ng kaniyang asawa. Katulad noong una ay parang sinakluban na naman siya ng langit at lupa. Nanghihina siya at nanginginig. Nababalot ng malalim na pangamba ang kaniyang puso.
Heto na ang pinangangambahan niya noong hindi niya napapainom ng gamot ang kaniyang asawa; ang mas malaking problema ang darating. Ngunit ano nga ba ang magagawa niya kung pati ang pangunahing pangangailangan tulad ng bigas ay hindi nila kayang bilhin sa mga nakaraang araw?
"Misis, okay lang po kayo?"
Tumango siya sa doktor sa kabila nang patuloy na pag-agos ng kaniyang mga luha. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa kausap kaya pinatatag na niya ang kaniyang kalooban. Binuhat niya ang kaniyang mga palad at pinunas ang kaniyang mga luha bago nagsalita. "Pasensiya na po kayo, Doc, pero opo ayos lang naman po ako. Sobrang nag-aalala lamang po ako para sa asawa ko kaya parang nawawala ako sa sarili ko.”
"It’s okay. I understand your situation. Huwag po kayong mag-aalala at titingnan ko rin ang maitutulong ko sa inyo.”
Nakagat ni Leia ang pang-ibabang labi niya. Kahit hindi kasi siya magtanong ay alam niyang malaking halaga na naman ang kailangan para sa pagpapagamot ng kaniyang asawa.
“Babalik na lang po ako mamaya kapag nagising na ang pasyente, Misis.” Isang tapik sa balikat ang ginawa ng doktor bago siya iniwan nito.
Nang mag-isa na lamang siya, doon na tuluyang nanghina si Leia. Parang sasabog na ang dibdib niya anumang oras. Gusto na talaga niyang panghinaan ng loob. Parang puputok na pati ang ulo niya sa dami ng problema. Hindi na niya alam kung alin sa mga iyon ang uunahin niyang isipin.
Nanghihina na napasandal siya sa dingding at napahilamos sa kaniyang mukha. Ano ba ito? Bakit ganito kahirap ang mga pangyayari sa kanilang buhay? Paano na sila ngayon?
"Leia…" Buti na lang at dumating na si Pressy kasama ang anak niyang si Lacey. Nang itakbo niya kanina roon sa ospital si Bryle ay idinaan niya muna sa bahay nina Pressy ang anak.
Agad siyang yumakap sa bata.
"Mama, kumusta po si Papa?"
"Okay lang siya, Anak. Natutulog si Papa mo sa loob," sagot niya na pinatatag ang sarili. Mas humigpit ang kaniyang pagyakap sa kaniyang anak. Ngayon pa lang ay mas naaawa na siya kay Lacey. Paano na ang kinabukasan ng kaniyang anak?
"Leia, ano ba’ng nangyari kay Bryle?" si Pressy. Nasa mukha nito ang pag-alala. “Bakit na naman siya nagwala ng ganoon?”
Tumayo si Leia. "Hindi kasi nakakainom ng gamot niya, Pressy, kaya sinumpong na naman."
“Alam mo namang ganito ang mangyayari kapag hindi siya nakakainom ng gamot. Bakit mo hinayaan?”
"Alam mo naman na walang-wala kami. Umuutang nga ako sa iyo kanina, hindi ba?”
Hindi na nakaimik si Pressy nang maalala ang sitwasyon ng mag-asawa. Ito man ay parang sinakluban ng langit at lupa sa nalaman. Mas tumindi ang pagkaawa nito sa kaibigan.
Napaiyak na naman si Leia. Niyakap naman siya ni Pressy.
"Mama…" Animo’y nakakaunawa sa sitwasyon na umiyak na rin ng batang si Lacey. Nakiyakap din ito sa paanan ng kanyang mama.
Ilang sandali pa’y lakas-loob na pumasok na sina Leia sa silid ng kaniyang asawa sa ospital. Wala pa ring malay ang kaniyang asawa at ang daming pasa sa mukha.
"Paano na ‘yan? Kailangan niyo ring harapin iyong may-ari ng kotse na pinagbabasag niya kanina," si Pressy.
Mas nalungkot ang mukha ni Leia. "Ang totoo ay hindi ko alam, Pressy.”
Nanlumo ang mukha ni Pressy. Ito ang napabuntong-hininga para sa kaibigan. Kapos na nga sa pera ang mag-asawa’y may ganitong problema pa sila na biglang dumadating. "Huwag kang mag-alala, titingnan ko kung ano’ng maitutulong ko. Kakausapin ko ang may-ari ng kotse. Ako ang magpapaliwanag sa sitwasyon ni Bryle.”
"Salamat, Pressy.”
Magaang hinawakan ni Pressy ang kaniyang balikat. “Magpakatatag ka lang, ha? Isipin mo lagi ang ang anak mo.”
Kagat ang pang-ibabang labi na tumango naman siya.
“May awa ang Diyos,” sabi pa ni Pressy.
Ungol ni Bryle ang nagpatigil sa pag-uusap nilang iyon na magkaibigan.
"Papa!" masayang tawag agad ni Lacey sa nagkakamalay nang ama.
Kumurap-kurap si Bryle. At nang makilala sila ay ngumiti ito at hinaplos ang mukha ng anak.
“Tatawagin ko ang doktor,” bulontaryo ni Pressy.
"Papa, kumusta ka? Hindi ka na ba galit?" tanong ni Lacey sa ama.
"Okay lang ako, Anak. Bakit? Ano’ng nangyari?" Nagtaka na si Bryle nang mapagtantong nasa ospital sila.
"Bryle…” Hinawakan ni Leia ang isang kamay ng asawa. At ‘yun na naman, hindi niya ulit naiwasan na hindi mapaiyak.
"Mahal, bakit? Ano’ng nagawa ko na naman?" mahinang tanong ni Bryle sa kaniya. Hanggang sa nakita nito ang pasa niya sa leeg gawa nang pagsakal nito sa kaniya kanina. “Kagagawan ko ba ‘yan, Mahal? Nasaktan ba kita?”
Dinala ni Leia ang kamay ng asawa sa kaniyang pisngi. Mas nag-iiyak pa siya nang madama niya init niyon.
“Dapat ipinapatay mo na lang ako, Leia!” Nagalit naman na sa mismong sarili si Bryle. Sobrang napatiim-bagang ito. “Wala akong karapatan na saktan ka!”
Umiling-iling siya. “Hindi, Bryle. Hindi ikaw iyon. Hindi mo ako sinaktan dahil hindi naman ikaw iyon.”
Inagaw ni Bryle ang kamay nito at sinuntok-suntok ang ulo. “T*ng inang ulo ito! T*ng ina! Baliw! Baliw ka!”
“Bryle, huwag please. Huwag mong saktan ang sarili mo. Nakikita ng anak mo, Bryle.” Madaling niyakap ito ni Leia upang payapain.
Nag-iyakan na silang mag-asawa nang gumanti ng yakap sa kaniya si Bryle.
“Patawarin mo ako, Leia. Hindi ko gusto na masaktan ka. Alam mo kung gaano kita sobrang kamahal. Higit pa sa buhay ko ang pagmamahal ko sa inyo ni Lacey.”
Kasabay nang pagragasa ng mga luha niya ang sunod-sunod na pagtango niya. “Alam ko, Bryle. Alam ko.”
Mabuti na lamang at napakalma na niya ang asawa nang dumating ang doktor. Saglit na sinuri si Bryle. At sobrang pasalamat ni Leia nang pumayag ang doktor na iuwi na lamang si Bryle kaysa ang ilipat sa isang mental hospital. Binilinan na lamang siya na huwag hahayaang hindi na makainom pa ng gamot si Bryle.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na may nararamdaman ka na naman? Sana nagawan ko ng paraan ang pagbili ng gamot mo?" Naalala na niya ngayon, kaya pala minsan ay natutulala si Bryle. Hindi niya noon pinapansin dahil akala niya’y nag-iisip lamang ang kaniyang asawa.
Nahihiyang nag-iwas ng tingin si Bryle. "Ang dami na kasi nating problema kaya sabi ko hayaan na ang gamot na iyon. Saka buong akala ko ay maayos na ako, eh."
"Pero tingnan mo ang nangyari. Lalong malala tuloy.”
“Sorry, Leia.”
Napapikit siya sa hindi mailarawang saloobin. ‘Yung luha niya tuloy-tuloy pa rin sa pagtulo. Buti na lang at hindi pa rin umaalis si Pressy. Ito ang tumitingin kay Lacey at paminsan-minsan ay inaalo siya’t kinakausap. Kahit paano ay nakakatulong iyon para patibayin niya ang kalooban niya.
"Sorry. Sorry talaga, Mahal."
Napakagat labi siya. Pagkuwa’y masuyong hinalikan niya sa noo ang kaniyang asawa.
"Sorry, talaga. Nakakahiya ako." Napaluha na rin ulit si Bryle.
"Tahan na.” Madaling pinunasan ni Leia ang mga luha ng mister. “Huwag kang mag-alala malalampasin ulit natin ang problemang ito. Gagawa ako ng paraan. Titiyakin natin na hindi na ito mauulit.”
Hindi umimik si Bryle bagkus ay hinila siya nito para mayakap siyang muli.
Sa may dibdib ng kaniyang asawa ay isang pasya ang nabuo sa isipan ni Leia. Iyon ay ang hindi na dapat malaman pa ni Bryle ang tungkol sa kotseng pinagbabasag nito upang hindi na naman ma-trigger ang maselang utak nito.
Nailabas si Bryle sa ospital sa tulong ng mga ahensya ng gobyerno na mga nilapitan ni Leia. Pati na rin ang mga kapitbahay nila na nakakaunawa sa sitwasyon nila ay nakiambag rin sa pambayad ng ospital. Kaya lang ay hindi pa magaling ang mga natamo nitong sugat sa pambubugbog dito. Gayunman, mas mainam na iyon sa kanilang mag-asawa. Ang mahalaga ay nakalabas na sa ospital si Bryle dahil umaandar ang bayarin habang tumatagal sila roon. "Salamat po," madamdaming pasasalamat ni Leia sa bawat taong nakakasalubong niya. Kung wala ang mga ito ay hindi na niya alam ang gagawin niya. Ni piso ay wala siya noon. Hindi niya naman maasahan ang magulang niya dahil tulad din nila na mahirap pa sa daga. Nagbigay naman ang nanay ni Bryle pero kaunti lang din. Pinangkain lang nila sa ospital noon."Kumusta si Bryle, Leia?" pangungumusta ng isang kapitbahay nila na parehas din nilang mahirap pero nag-abot din ng kaunting tulong."Maayos naman na po, Aling Tina. Nasa bahay po. Mahinahon naman na po.”“Ma
Sa arrival area ng NAIA Airport, panay ang tingin ng guwapo at makisig ang pangangatawan na lalaki sa kaniyang pambisig na relo habang inaantabayanan ang pagdating ng kaniyang mga bagahe.Sa dami ng nakasabayan niyang mga turista at balikbayan ay lalo siyang natatagalan. Bumubukol na ang kaniyang dila sa kaniyang pisngi sa pagkainip.Sakay ng international airline kanina, umuwi si Kenneth Fontalan sa Pilipinas. Pagkaraaan ng sampung taong pamamalagi sa America, heto na siya ngayon at nakabalik na ulit sa bayang sinilangan. Kung hindi pa nagkaroon ng international expansion ang shipping company ng kaniyang bayaw ay hindi pa niya maiisipang magbalik dito.Ano pa ba kasi ang babalikan niya sa bansang ito kung pait at sakit ang dahilan kung bakit pinili niya noon na umalis?Umiling-iling siya. Hindi niya gusto na alalahanin pa ang nakaraan.He sighed as he finally got his luggage. Madali siyang lumabas sa airport.“Kenneth!” mula sa kung saan ay tawag sa kaniya ng pamilyar na boses.Nagliw
“Basta dumaan ka rito mamaya, Leia. Siguradong matutuwa ka sa balita ko sa iyo,” pang-e-excite pa sa kaniya ni Pressy. Ayaw talaga nitong sabihin sa tawag ang magandang balita raw nito kahit ano’ng pilit niya. Mas maganda raw kung personal nitong sasabihin sa kaniya.“Okay, sige. Matapos kung maglaba kina Sir Rodrigo dadaan ako diyan,” sabi na lamang ni Leia.“Sige, hihintayin kita.”Nakangiting inilapag ni Leia ang luma at mumurahin niyang cellphone sa lamesa nilang kahoy at masiglang pinatay na rin ang lutuan nilang uling dahil naluto na rin ang nilalaga niyang itlog. Hindi niya alam pero napakagaan ng kaniyang pakiramdam na nagising kanina. Pero malamang ay dahil nadiligan siya ng asawa. Napapangiti siya kapag nakikita niya ang lamesa nilang kahoy. Hindi talaga niya alam din kung ano’ng nakain nilang mag-asawa at doon pa sila gumawa ng milagro kagabi. Unang pagkakataon iyon na hindi sila naging maingat. Mabuti na lang talaga at hindi nagising si Lacey.Pailing-iling siya na pumasok
"Uminom ka muna ng gamot." Inilapit ni Leia sa bibig ng asawa ang hinati niyang gamot. "Huwag kang mag-alala dahil bukas ay may trabaho na ako. Minalas lang talaga ako kanina dahil umalis pala ang mag-asawang Rodrigo. Pagtiisan mo muna ito. At least, may maiinom ka ngayong araw.”Ngumanga si Bryle at ininom nga iyon saka malamlam ang mga mata nitong hinawakan sa kamay ang butihin niyang asawa. "Salamat, Leia, ha? Sana hindi ka magsawa sa akin.""Ano ka ba naman. Bakit ka nagpapasalamat sa ‘kin, eh, asawa mo ako? Responsibilidad kita at mahal kita.”"Kahit na. Dapat pa rin akong magpasalamat dahil ang suwerte ko sa iyo. Hindi mo ako pinababayaan kahit na inutil na ako ngayon. Wala na akong silbi sa pamilya natin.”"Huwag mo ngang sabihin ‘yan. Hindi ka inutil at lalong hindi walang silbi. Gagaling ka pa at makakabalik sa serbisyo. Hintayin lang natin ang darating na tulong mula sa gobyerno. Sabi ni Kapitan ay nailakad na niya ang papeles mo kay Mayor. Aaksyunan na raw. Maghintay na lang
Excited si Leia na pumunta sa bahay nina Pressy kinabukasan. Halos hindi siya natulog dahil sinabihan talaga siya ni Pressy na maaga raw sila. Gusto na raw siya na makilala ng magiging boss niya kaya sasamahan daw siya nito.Sakay sa kotse ni Pressy ay nagtungo sila agad sa bagong bahay nito nang magkita sila.Sa bayan lang naman daw ang bahay ng pinsan ng kaibigan na nabili nito. Mabuti na lang at malapit lang. Maaari nga siyang maging uwian oras na mag-umpisa na siya ng trabaho.“Ayos ka lang, Leia? Bakit parang hindi ka mapakali?” puna sa kaniya ni Pressy nang tumigil sila sa stoplight.Mapaklang ngumiti siya rito. “Naiisip ko lang iyong nangyari kanina. Iyong pagsugod ni Mrs. Sarmiento sa bahay dahil naniningil na naman.”“Umutang ka sa mukhang pera na matandang iyon? Alam mo kung gaano iyon kalupit sa pagpapatong ng interest?”Napakagat-labi siya. “Kinailangan kasi namin noon dahil kay tatay. Wala akong naging choice kundi sa kaniya umutang para matulungan si Tatay. Alam mong hind
“So, paano maiwan na kita? Ikaw na ang bahala rito, Leia?”Buo man na ang loob ni Leia na magtatrabaho pa rin sa bahay ni Kenneth sa kabila ng nasaksihan niyang hilig sa babae ng binata ay hindi pa rin niya maiwasang mapangiwi sa kaisipang kapag wala na si Pressy ay sila na lang dalawa sa malaking bahay na iyon.Kinakabahan siya na hindi niya mawari.“Leia…” Idinantay ni Pressy ang kamay nito sa kaniyang balikat. “Relax lang. Hindi ka maaano rito. Safe na safe ka sa bahay na ito, okay?” at assurance na naman nito sa kaniya.“Aaminin ko naiilang pa rin ako, Pressy. Bakit naman kasi siya pa ang nabangga ko ang pinsan mo? Nakakahiya.”Bahagyang natawa ang kaibigan. “Ang tawag doon ay ang small talaga ng world.”Napalabi na lang siya’t napangiti.“So, paano aalis na ako?”Tumango siya sa kaibigan at inihatid niya ito sa labas. Nang wala na si Pressy ay inabala na nga niya agad ang sarili sa paglilinis ng bahay. Ipinagpasalamat niya na nasa silid si Kenneth. Kanina’y agad na nagpaalam sa ka
"Papa, gutom na ako. Kain na po tayo," paglalambing ni Lacey sa ama.“Gano’n ba. Halika, Anak, bili tayo sa tindahan ng itlog."“Itlog na naman, Papa?” reklamo ng bata."Magtiis muna tayo, Anak, ha? Hindi bale dahil may trabaho na si Mama. Kapag nagsahod siya ay magma-Mcdo raw tayo. Gusto mo ba ‘yon?” pag-alo naman ni Bryle rito.Nagtatalon na sa saya si Lacey. “Opo, Papa. Gusto ko po!”Tuwang tuwa naman si Bryle sa naging reaksyon ng anak, ang kawawa niyang anak. Matagal-tagal na rin kasi noong pinakain nila ng masarap si Lacey kaya naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang ito ka-excited.Napabuntong-hininga siya. Kung sana sundalo pa siya hanggang ngayon. Kung sana makakabalik pa siya sa pagsusundalo. Ang kaso mukhang imposible na iyon na mangyari.Lihim na lang niyang ipinagdasal na sana nga ay magiging maayos si Leia sa trabahong napasok nito para kahit man lang sa Mcdo ay mapakain nila doon ang kanilang anak."Papa, tara na bili na tayo ng itlog. Gutom na po talaga ako." Hinil
"Uuwi ka?" Nagtaka si Kenneth dahil nagpapaalam si Leia sa kaniya na uuwi na dahil gabi na raw. The whole time, he thought she was a stay-in housemaid."Opo, Sir. Hindi po ba nasabi sa inyo ni Pressy na tuwing gabi ay uuwi po ako dahil kailangan ko ring asikasuhin ang asawa at anak ko?"Pumanaywang ang isang kamay ni Kenneth. Ang isa nama’y napahimas-himas sa baba nito. "To tell you the truth, Pressy didn't mention anything like that to me, so I really thought you were a stay-in pero siguro dahil hindi namin napag-usapan.”"Sorry, Sir, pero hindi po puwede na maging stay-in ako. May sakit po kasi ang asawa ko. Kailangan ko rin po siyang asikasuhin. Huwag po kayong mag-alala’t maaga naman po ako bukas na papasok.”Inquisitive, Kenneth arched his eyebrows. “Sakit? May sakit ang asawa mo? Ano’ng sakit niya?”Malungkot na nagyuko ng ulo si Leia. Ang mga kamay niyang magkahawak sa kaniyang bandang tiyan ay nagkiskisan. Ganunpaman, mahinahon niyang sinagot ang tanong ng amo.“May war shock p