"Ano itong ginawa mo, Anak?" Iyak nang iyak ang nanay ni Bryle nang makita ang anak sa kulungan.Pagkatapos malaman nina Pressy at Kenneth sa social media ang nangyari kay Bryle, na kasama nga ito sa hinuli gawa ng pangho-holdap sa isang bangko ay agad nilang ipinagbigay alam kay Aling Celia na nasa ospital din ng mga oras na iyon. Muntik pang mahimatay ang kawawang ginang sa napakasamang balitang iyon.“Ganoon na nga ang sitwasyon ng mag-ina, pati na rin pala ang Kuya Isagani mo, nagawa mo pa ito? Paano na sila ngayon, Anak?”Lungong-lungo si Bryle. Hiyang-hiya siya sa ina. Walang imik na parang batang idinikit ang noo niya sa mga kamay ng ina sa nakakapit sa rehas.Naawa naman si Aling Celia sa anak. Masuyo niyang inihaplos-haplos ang isa niyang kamay sa ulo nito."Hindi ko sinasadya, ‘Nay,” dikawasa’y tinig na ni Bryle."Bakit hindi ka man lang nag-isip? Lalo mo lang dinagdagan ang inyong problema? Paano na ngayon ang mag-ina mo? Mas lalo na silang kawawa, Diyos ko," sabi pa ni Alin
Wala na si Pressy. Nag-walk out na talaga ito dahil sa hindi pagsang-ayon nito sa gustong mangyari ng pinsan. Piniling umalis kaysa ang magkasamaan na talaga ng loob ni Kenneth.Si Kenneth na lang ang kasama ni Aling Celia na bumalik sa ospital.“Maraming salamat, iho,” senserong pasasalamat ng may katandaan nang ina ni Bryle. Panay ang punas nito sa matang laging lumuluha gawa ng katandaan at syempe sa paghihinagpis sa nangyari sa anak nitong si Bryle.“Walang anuman po,” sagot at sulyap ni Kenneth dito habang nagmamaneho.“Hindi ko na alam ang gagawin ko,” at hindi na nga napigilan ulit ng ginang ang hindi mapaiyak.Para namang may kung anong kumurot sa puso ni Kenneth, sa hitsura kasi ng matanda ay sadya namang nakakadurog ng puso. Binitawan ng isa niyang kamay ang manibela at inihawak iyon sa isang balikat ng matanda.“Huwag na po kayong umiyak,” pampalubag loob niya ritong tinapik-tapik.“Hirap na hirap na ang mga anak ko pero ganito pa ang mga nangyayari sa kanila. Wala naman ako
Sa silid na ni Leia nagtungo si Kenneth matapos niyang kausapin ang asawa ng kapatid ni Bryle. Tiwalang-tiwala siya na makukuha niya rin ang loob ng babaeng iyon, na kapag wala nang makapitan ay sa kaniya rin kakapit tulad ni Leia.Ugali ng mahihirap. Papairalin kuno ang pride, pero sa huli sasantuhin din naman ang pera kapag wala silang magawa.Wala pa ring malay si Leia nang makarating siya sa magarang kuwarto ng ospital na pinaglipatan niya rito. Syempre para sa babaeng pinakamamahal niya, handa niyang ibigay kahit ang pinakamahal na bagay sa mundo.“Dumating ka na pala,” pansin sa kaniya ni Aling Linda na nagbabantay sa anak nito.“Opo. Nagpunta na rin po kay Lacey.”“Kumusta pala ang apo ko?”“Ayos naman na po. Minsan ay mahapdi lang ang sugat niya kaya umiiyak.”Tumango-tango ang matanda. “Kawawang apo ko. Pero mabuti na lang at iyon lang ang nangyari sa kaniya. May awa pa rin ang Diyos.”“Oo nga po, eh. Kumusta naman po si Leia?”“Ayos lang naman. Dinalaw siya ng doktor niya kan
"Rojalez, may bisita ka!" Kinalampag ng warden ang rehas ng kulungang kinabibilangan ni Bryle. Subalit ni hindi man lang kumilos si Bryle, tulala lang ito sa kinauupuang sulok."Ganyan na siya lagi," sabi ng warden kay Kenneth. Ito ang bisita ngayon ni Bryle na tinutukoy nito."Kailan pa po siya naging ganyan?" tanong ni Kenneth. Nakakunot ang noo na kay Bryle ang tingin."Simula dinala siya rito. Pero ganyan talaga ang mga first time na makulong kaya wala kang dapat ipag-alala.""Ganoon po ba. Sige po ako na hong bahala. Kakausapin ko siya."Tumango ang warden at umalis na.Napabuntong-hininga naman nang malalim si Kenneth habang pinagmamasdan niya si Bryle. Mukhang napapanawan na kasi ito ng matinong pag-iisip. Malamang ay dahil hindi na ito nakakainom ng gamot."Bryle, p’re, okay ka lang?" alanganin na niyang tanong dito. "Nandito ako para sabihing makakalabas na si Lacey sa ospital bukas.”Wala pa ring naging kilos ang kapwa lalaki."At hinahanap ka niya. Hinahanap ka na ng anak mo
Paglabas ni Kenneth sa temporary detention kung saan pansamantalang nakakulong si Bryle habang dinidinig ang kaso nito ay daig pa niya ang nanalo ng lotto. Sisipol-sipol siya na sumakay sa kotse niya at pinaandar iyon pabalik na sa ospital kung nasaan sina Lacey at Leia."Huwag kang mag-alala, Bryle, dahil magiging maligaya sa piling ko si Leia. Sisiguraduhin ko iyon sa ‘yo," at paulit ulit ding usal nito sa sarili. Animo’y nababaliw na rin siya sa sobrang kasiyahan. Kaniya na nga talaga si Leia. Kaniyang-kaniya na dahil parang ipinaubaya na rin sa kaniya ni Bryle ito. Nanalo na siya kahit wala pa siyang ginagawa. Mukhang kakampi na nga niya talaga ang langit ngayon.Pagdating niya sa ospital ay diretso muna siya sa kuwarto ni Lacey. Ngayon pa lang ay gusto na niyang maging ama ng bata, at kahit paano ay sensero siya. Totoong magaan ang loob niya kay Lacey at malamang iyon ay dahil napakatagal na walang bata sa pamilya niya. Ang Ate Shelly at Kuya Marvin niya kasi ay wala pang anak kay
Nang muling magising si Leia ay medyo kalmado na siya. Umiiyak pa rin man dahil sa nalaman niyang pag-iwan sa kanila ni Bryle ay tahimik na lang siya habang lumuluha, hindi katulad noong unang nagising siya na hagulgol talaga at nagwawala siya."Don’t worry, Leia, nandito lang ako. Hindi ko kayo pababayan ni Lacey," pampalubag-loob sa kaniya ni Kenneth.Tumingin lang si Leia sa binata. Gusto niyang sabihin na hindi ito ang kailangan niya. Ang kailangan niya ay ang asawa niya, pero hindi niya ginawa dahil ayon sa sabi sa kaniya ng nanay niyang si Aling Linda ay ito ang sumuporta sa kanila ni Lacey noong nanganganib ang buhay niya. Ito rin daw ang gumastos at nag-asikaso ng lahat ng pangangailangan nilang mag-ina sa ospital."Siya na ang tumayong ama at asawa sa inyo simula nang parang naglahong parang bula si Bryle, Leia. Utang natin ang lahat sa kanya. Ang buhay niyong mag-ina pati na ang mga gastusin dahil wala rin pa lang kuwentang lalaki ang asawa mo na iyon. Baliw na talaga siya pa
"Gusto kong hanapin ang asawa ko," isang araw, katulad ng inaasahan nila ay sabi na nga ni Leia sa kanila. Sa kabila ng lahat na hindi niya naigagalaw ang mga paa ay disidido siya sa sinabi."Pero, Anak, magpapagod ka lang. Hinanap na namin siya. Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis,” maagap na pagkontra ni Aling Linda."Okay lang ‘yon, Aling Linda. Huwag po kayong mag-aalala at sasamahan ko po si Leia," sabi naman ni Kenneth. Nasa script na niya lahat iyon dahil ang plano ay papayag lahat si Kenneth sa gusto ni Leia makita lang si Bryle at kapag ito’y napagod na sa paghahanap sa asawa ay doon na siya mag-uumpisa para muling iparamdam kay Leia ang pag-ibig niya rito.“Hindi ba nakakahiya sa iyo, Sir Kenneth?” ani Leia.“Syempre hindi, basta ikaw. Malakas ka sa akin, eh,” ngiting-ngiti na sabi ni Kenneth.“Pero baka mahirapan ka? Hindi na po ako nakakalakad.”“May wheelchair naman? Madali lang magtulak. What's important is that we find Bryle nang sa ganoon ay muli niyo siyang makas
Sa kulungan. Pinalabas si Bryle upang makita at makausap niya ang bisita niyang ina sa araw na iyon.“Anak, hinahanap ka pa rin ng asawa mo sa kabila ng kanIyang kondisyon na hindi makalakad. Hindi pa rin siya sumusuko,” namumula ang mga matang sabi ni Aling Celia kay Bryle nang magkaharap silang mag-ina sa isang lamesa para sa mga bisita ng mga preso.“Hindi po makalakad si Leia?” Napatuwid ng pagkakaupo at nanlaki ang mga mata ni Bryle sa nalaman. Iyon agad ang kumuha sa atensyon niya.Naluluhang tumango ang matanda. “Sabi ng doktor daw ay napuruhan ang balakang niya sa pagkakaaksidente niya.”“Hindi na po makakalakad ang asawa ko?” Kinilabutan ang buong katawan ni Bryle, para pang lumaki ang kaniyang ulo sa kaniyang pakiramdam. Awang-awa siya sa asawa. Sumidhi ang pangungulila niya rito, ang pagnanais niyang muling makita si Leia.“Pansamantala. Iyon ang sabi ng doktor. Sa tulong daw ng therapist ay baka puwede pa. Gayunman ay huwag daw masyadong umasa. Nasa kay Leia pa rin kung mak
“Saan ba talaga tayo pupunta, Mahal?” nagtataka na talaga si Leia sa ginagawa nilang mag-asawa. Isang linggo na ang nakakalipas mula nakalaya si Bryle sa kulungan at heto sila ngayon, paakyat sa isang bundok.Buong akala ni Leia ay magdi-date lang sila ng asawa dahil may surpresa raw ito sa kaniya, ngunit heto sila, nagpapakahirap sa pag-akyat sa matarik na daanan ng bundok. At hindi niya maintindihan.“Sumasakit ba ang mga paa mo?” Nag-alala na si Bryle nang maalala niya ang mga paa ng asawa.“Hindi naman pero pagod na kasi ako,” pag-amin ni Leia.Ngumiti si Bryle. “Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.”“Saan ba kasi tayo? Ano ang gagawin natin dito sa bundok?”“Basta natitiyak ko na matutuwa ka.”Napanguso si Leia. Tumigil na talaga siya sa paglakad at parang bata na humalukipkip ng mataas.Natawa si Bryle dahil ang cute ng kaniyang misis kapag ganoon na nagtatampu-tampuhan. Binalikan niya ito at masuyong ikinulong sa mga palad ang napakaganda nitong mukha saka siniil ng buong pagm
"Bryle…" sa una ay mahinang sambit ni Leia sa pangalan ng asawang matagal na niyang nais makita. Ilang sandali na hindi siya huminga. Hanggang sa rumagasa ang mga luha niya sa mga mata. Hindi siya makapaniwala na darating nga si Bryle at makikita niya itong muli." Bryle!" mayamaya ay malakas na niyang tawag sa asawa nang mahimasmasan siya. Akmang papaikutin na niya ang gulong ng wheelchair at susugurin niya ito ng yakap, pero marahas na hinablot ni Kenneth ang kaniyang isang braso.“Dito ka lang!” galit na singhal nito sa kaniya."Bitawan ko ako, Kenneth!" Umiiyak niyang lingon sa isa pang asawa, sa demonyong nagpapanggap niyang asawa.“Hindi ka maaaring lumapit sa kaniya!” nagtatagis ang bagang na babala ni Kenneth.Gawa niyon, sa nakitang walang ingat na paghawak ni Kenneth sa asawa ay lalong nakuyom ni Bryle ang dalawang kamao niya. Gustong-gusto niya agad na ipagsusuntok sa mukha ni Kenneth. Kumpirmado, sinasaktan nga ng g*go ang kaniyang asawa.“Who are you?! Why are you causing
“Bakit ang tagal nina Alab?” Pabalik-balik ang lakad ni Bryle habang naghihinatay sa bayan ng San Lazaro kung saan ay sinabi sa kanila ni Alab na maghihintay sila.“Hindi ko alam,” sabi naman ni Sarina. “Pero wala ka namang dapat ipag-alala dahil kahit makasal sina Kenneth at Leia ay hindi pa rin iyon magiging ligal dahil kasal sa iyo si Leia, tapos peke pa malamang ang mga dokumentong ipinakita ni Kenneth.”Nahimas ni Bryle ang kanyang bunganga. “Kahit na. Masakit pa rin sa akin kung maihaharap ni Kenneth si Leia sa altar. Parang natalo pa rin niya ako kapag gano’n.”“Mahalaga pa ba iyon? Ang pride mo kaysa ang kaisipang mababawi mo ang mag-ina mo? Iyon lang naman ang mahalaga rito, ang mabawi sila at mailayo sa kapahamakan, hindi ba?”Napabuntong-hininga si Bryle. Hindi na siya nagkomento. Nahimas-himas na lamang niya ang kanyang noo at pinilit na habaan pa ang pasensya.Tama naman si Sarina.SAMANTALA…"Dumating na ang bride, Boss," bulong ng isang tauhan kay Kenneth. Ngumisi si Ken
ANG NAKARAAN…“Aalis kayo dito sa San Lazaro?” tanong ni Kenneth kay Katia. “Oo. Doon na kami mag-aaral ng college ni Alab sa Maynila. Nakapasa kasi kami sa isang scholarship na inaplayan namin at sagot lahat ng foundation ang gagastusin namin kahit na doon kami mag-aral,” sagot ng mahinhing dalaga. Nasa silong sila noon ng punong mangga. Dinalaw niya noon ito dahil sa balitang iyon. Hindi siya nakatiis. “Ang unfair naman yata.” At hindi rin niya gusto na aalis ang dalaga tapos kasama pa ang itinuturing niyang karibal.Maang na napatingin sa kaniya si Katia. “Ano naman ang unfair doon? Hindi ka ba masaya na makapag-aaral ako?” “Masaya ako na nakapasok ka sa scholarship. Ang hindi ako masaya ay ang aalis ka at kasama mo pa si Alab, Katia,” pag-amin niya.“Bakit naman? Boyfriend ko si Alab, Kenneth, kaya walang masama.” “Pero boyfriend mo rin ako, hindi ba?” “Boyfriend? Ano’ng pinagsasabi mo, Kenneth? Hindi kita boyfriend.” Napaismid siya dahil nasaktan siya. “Boyfriend mo ako da
"Hayup ka! Ano’ng ginawa mo kay Bryle?! Ano’ng ginawa mo sa kaniya?! Ano ang ginawa mo sa pamilya namin?! Ano ang kasalanan namin sa ‘yo at ginulo mo kami ng ganito?! Ano?!" Nagwala na ng tuluyan si Leia. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Binayo-bayo niya ang dibdib ni Kenneth. Nauunawaan na niya ang lahat. Malinaw na malinaw na talaga sa kaniya na niloko lamang siya ng binata, na pinaniwala lang siya nitong iniwan sila ni Bryle pero ang totoo ay hindi. Ang totoo ay ginamit ni Kenneth ang sitwasyon nila, ang kawalan nila ng pera na mag-asawa.Sinenyasan ni Kenneth ang isang tauhan nito. Agad iyong sumunod. Lumapit ito kay Aling Linda.“Ano’ng gagawin mo?!” sindak ang ginang."Mama!" hiyaw ng batang si Lacey. Walang anu-anong kinuha kasi ito ng lalaki mula kay Aling Linda."Bitawan mo ang apo ko!" protesta ni Aling Linda. Ayaw nitong ibigay ang apo. Sa kasamaang palad isang suntok sa sikmura ang ginawa dito ng isa pang tauhan ni Kenneth kaya agad na nawalan ng lakas at namilipit
"Bakit ba kasi ang layo ng bahay niyo sa bahay ng Fontallan?" hindi na makapaghintay si Bryle na tanong ulit niya kay Sarina. Halos paliparin na talaga niya ang sasakyan marating lang nila sana agad ang mansyon nina Kenneth."Syempre noong ibinahay ako ni Dionisio ay pinili talaga niya na sa malayo para hindi kami magtagpo ng asawa niyang pangit."Napalatak siya at lalo pang diniinan ang silinyador ng sasakyan. "Kumapit ka!" tapos ay anito sa dalaga."Dahan-dahan kundi baka tayo naman ang mabangga nito. Baka sa ginagawa mong pagmamadali ay lalong hindi mo na makikita ang asawa mo kasi tigok na tayo," nakaingos na paalala ni Sarina sa kaniya. Sinulyapan nito ang pambisig na orasan. “Don’t worry, maaga pa naman. Baka naghahanda pa lang sila ngayon.”Sa kasamaang palad ay tila ba wala nang naririnig sa sandaling iyon si Bryle. Kontrolado naman niya ang manibela kaya alam niyang hindi sila maaksidente. Isa pa ay hindi niya hahayaang maaksidente sila dahil kailangan siya ngayon ni Leia. Ili
Sandaling hindi nakakilos si Bryle sa hindi maipaliwanag niyang nararamdaman. Ang tindi ng galit niya. Kuyom na kuyom niya ang mga kamao na kulang na lang ay bumaon ang mga kuko niya sa mga palad niya. Halos madurog na rin sa kamay niya ang cellphone na hawak.Papatayin niya si Kenneth! Papatayin niya talaga! Isinusumpa niya!"Bryle, ano’ng nangyari? Ano’ng sabi ng asawa mo at ni Kenneth?" alanganing tanong ni Sarina. Natatakot ang dalaga sa hitsura ni Bryle.Mabagsik ang naging tingin ni Bryle sa dalagang katabi. Hindi pa rin niya makuntrol ang galit. "Pagkatapos ng kasal ay dadalhin niya si Leia sa Amerika. Doon daw sila magsasama. Mabuti na lamang at nakinig ako sa inyo kundi baka nadala na ng g*gong iyon ang asawa ko sa ibang bansa kung pumalpak sana ako.”Nanlaki ang ulo niya nang mabilis na na-imagine niya na nasa ibang bansa sina Lacey at Leia. Imposible na masusundan na niya sila oras na mangyari iyon."Diyos ko, ano itong ginagawa ni Kenneth? Siya nga yata talaga ang may sayad
Naiinip man dahil kanina pa siya naghihintay kay Sarina ay idinadaan na lamang ni Bryle sa pagpalatak ang inip, at minsan sa pagsuri-suri ng sasakyan. Ano ba kasi’ng aasahan niya? Normal lang naman sa babae ang matagal magbihis.Kanina pa siya nakasakay sa kotse na binili talaga ni Sarina para sa plano nilang ito. Brand new pa nga sana ang bibilhin ng dalaga pero siya ang hindi pumayag dahil baka masayang lang ang sasakyan kapag nagkabulilyaso.Handa na siya sa patungo sa San Lazaro upang dumalo sa kasal—upang bawiin na ang kaniyang asawa at anak.Sa wakas, dumating na ang araw upang isakatuparan nila ang plano!“Ang tagal mo,” reklamo niya nang sa wakas ay dumating din ang dalaga. At napabuga talaga siya ng hangin sa bunganga dahil kuntodo makeup si Sarina. Ang halter maxi dress in deep red nitong suot ay halos kita na ang buong kaluluwa nito. Backless na nga may slit pa na halos hanggang singit na. Kung hindi nga lang sila nagmamadali ay sasabihin niyang hindi sila aalis hangga’t hin
ARAW NG KASAL.Magarbong-magarbo ang lahat. Makikitang pinagkagastusan talaga ng mag-asawang Don Dionisio at Donya Alvina ang kasal ng bunso nilang anak. Handa na ang mansyon na siyang reception area rin, kasama ang simbahan ng San Lorenzo Cathedral. Nakalatag ang isang red carpet sa labas patungo sa aisle hanggang sa altar ng San Lorenze Cathedral. At sa tuwina ay may mga nahuhulog na maliliit na red and white rose petals sa loob ng simbahan na siyang nagbibigay ng goosebump feeling sa mga unang dumadating sa simbahan para sa seremonya.Subalit kung gaano kasaya ang lahat ay siya namang lungkot ng bride. Nakaupo si Leia sa harap ng salamin at suot na niya ang kaniyang corset style wedding gown na hindi basta-basta ang halaga. Kung gaano siya kaganda sa sandaling iyon ay siya namang lungkot ng mukha niya.Siya na yata ang pinakamalungkot na bride sa buong mundo sa sandaling iyon, hindi lamang dahil sa ayaw niyang ikasal sa lalaking hindi niya mahal kundi dahil din sa hindi niya pa naki