Share

CHAPTER 23

“Mama, Papa, sorry po,” iyak ng batang si Lacey nang magising. Umiiyak ito dahil sa hapdi ng mga nasunog nitong balat sa katawan at sa nalamang nangyari sa bahay nila.

“Hindi mo kailangang mag-sorry, Anak. Wala kang kasalanan,” madamdaming pag-alo ni Leia. Inayos niya ang mga buhok ng anak na tumikwas sa maliit nitong mukha. Iniipit sa likod ng tainga.

Hinalikan naman ito sa kamay ni Bryle. “Tama ang mama mo, Lacey. Hayaan mo na ‘yon. Ang mahalaga ay buhay ka, Anak.”

Sisinghot-singhot na tiningnan ni Lacey ang ama. “Nagutom po kasi ako. Sinubukan ko pong lutuin ‘yong kaunting bigas. Ginaya ko po kayo pero lumaki po ‘yong apoy.”

Nagkatinginan ang mag-asawang Leia at Bryle. Mas tumindi ang awa na naramdaman nila para sa anak nila. Nadurog ang kanilang mga puso.

“Anak ko…” Kaysa sisihin ay madamdaming niyakap ni Leia ang anak.

Kung bakit kasi mahirap sila? Kung bakit kasi ganito ang buhay nila? Hindi nila gusto na halos araw-araw na lang ay nagugutom ang kanilang anak.

“Huwag mo na ‘yung
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status